Pages

Monday, June 10, 2013

Sa Likod ng Glassdoor (Part 1)

By: Matthew

Chapter 1: Ang Pagkakilala

Magandang umaga!
Magandang hapon!
 o Magandang gabe!
hindi ko kasi alam kung anong oras nyo ito mababasa mga readers dito sa KM. Matagal na din akong nagbabasa dito sa site na to, tulad ng karamihang mambabasa ay natutuwa din ako sa mga kwento dito. Ewan ko ba,? Kung anong hiwaga sa pagbabasa ng mga kwentong nakakalibog dito, ang alam ko lang nagdadala ito ng panandaliAng libog sa akin, tinitigasan ako e, ang sarap paganahin ang imahinasyon habang nagbabasa dito. Minsan may napupulot ding akong aral na dahilan kung bakit nagsulat din ako ng personal kong estorya.
Ahmmm. First time kong magsulat ng tungkol sa buhay ko, sa totoo lang hindi ko hilig ang magsulat. Ewan ba? Hindi ko ata linya to. Pero dahil sa mga naging karanasan ko na gusto kong- ishare. Gagawin ko to sa unang pagkakataon at sana maintindihan nyo at masiyahan kayo sa bawat linyang aking malilimbag. Hihihi (nakz..feeling makata lang..)
Simulan ko na, ! wala ng patumpik-tumpik pa..kara-karaka.. (vice ganda lang ang peg)..haha
Kwento ko muna ang ilang back-ground sa pagkatao ko. Ako nga pala si Mathew ( di tunay na pangalan) , 18 years of age, tubo kung saan makikita ang mga bruskong barako DAW (hulaan nyo na lang kung saang probinsya-luzon area) . Pero sa katunayan madami ding beki dito sa aming lugar ngunit hindi ako isa dun, hindi naman ako lantad ,discreet bi lang, pero sa mata ng publiko iisa lang daw yun, basta tagilid, bading. (haha) . Katamtaman lang ang katawan ko 5’8 ang taas, singkit at may tinatagong kacute-tan, yun nga lang tinatago. (haha) Bunso ako sa limang magkakapatid, sa kasawiaang palad ako lang ang lalaki, tagilid pa.. siguro kaya na din nagging ganito ako dahil puro babae ang kapatid ko.. nahawaan ata ako ng hormones nila.. (haha)
Bata pa lang kase ako alam ko ng may iba akong atraksyong naibibigay sa kapwa ko lalaki, kaya tinanggap ko na lang sa sarili ko na ganito ang pagkatao ko. Pero hindi iikot ang istoryang ito kung saan nagsimula ang pagkatao ko. Iikot ang kwentong ito sa pagitan ko at ng isang taong nagparamdam sa akin na mahalaga ako at minahal ako.
Simulan ko na kung saan kame nagkakilala,(October 2012)  isang araw boring na boring ako dahil wala akong magawa, semesteral break kase noong mga panahon na yon. Tanging internet lang ang napaglilibangan ko, dahil nga nakakapaginternet ako madami na din akong alam na site. Kung saan-saan ako naglalakbay (fb, youtube, pornsite at gaysite). Naalala ko may alam nga pala akong gaysite kung saan makikilala ko yung mga taong bi din by areas. Masyado akong nagexplore, natuwa at madami nga palang bi dito sa amimg lugar. Matagal na akong may account sa site na yun, pero hindi ako active. At dahil nga semesteral break naging aktibo din ako sa site na yun. Madame akong natitipuhan sa mga lalaki dun (lalaki lang naman mga tao dun) haha, magaganda kasi ang katawan at nakakaakit ang mga text sa profile nila. Yun nga lang hindi ko alam kung posser ba sila o hindi, kaya nagiingat na din ako. Hindi ako mahilig mag message, nagiintay na lang ako kung sinong magmemesage sa akin. Pero ang alam ko sa site na to, makilala mo ang mga lalaking sabik sa panandaliang aliw. Madali lang makahanap kung desidido ka talaga sa gusto mong mangyari,. HANAP,USAP, DEAL, yan ang interpretasyon ko sa mga tao dun. Dahil nga sa ganung pananaw hindi kaagad ako nagtitiwala sa mga tao dun. Hindi ako nagpopost ng aking face picture dun, mahirap na baka may makakilala sa akin, ayaw ko magdala ng kahihiyan sa mga magulang ko, pag kumalat na tagilid ako. Tanging soft-core lang ng katawan ko ang pambungad ko dun. Medyo may kagandahan din kase ang katawan ko. Maganda ang hubog ng chest ko, at may maliliit ding abs. pang takaw atensyon  lang, para may magmessage sa akin. Pero bihira lang din ang may magmessage sa akin. Hanap kasi agad ng mga tao dun facepic, pero dahil nga sa katawang pambungad ko dun, may mangingilang nagmemesage din. Halos karamihan, may pag-nanasa at nagyaya agad  makipagsex. Ineentertain ko naman sila pero hangang dun lang, kasi sa bandang huli hindi ko din matipuhan ang ugali nila. Makikilala mo naman agad ang ugali ng isang tao base sa kanyang pananalita diba?
Halos ilang oras na din akong nakatambay sa site na yun, imention ko na ang name ng site, Planetromeo po para sa mga readers na  hindi pa nakakaalam. (haha). Bandang alas-dyis na ng gabe ay naboboring na ako, puro sex ang gustong mangyari ng mga nakakachat ko sa PR e. Aware naman ako sa pagdating  sa sex, napagdaan ko na din kase ang maging tripper  kaya nananawa na din ako. Ang gusto ko lang naman ay makahanap ng isang taong makakausap ng matino, magiging kaibigan, makaka-barkada o kaya naman ay magiging partner.
Halos inantok na ako sa kakabrowse at kakabasa ng mga info sa profile ng mga tao dun. Nang biglang may nag popup na message. Isang mensaheng mula sa isang kagilas-gilas na username. Username pa lang sex na agad ang hanap kaya nawalan na din ako ng interes. Pagkaload ng message nabasa ko “hi brad, im steven (hindi tunay na pangalan)  20 na ako, hanap lang ng makakausap, pwede ka ba?. “  at kaagad naman akong nagbalik ng aking mensahe.
Me: hi! Hanap ko din ng makakausap e, hmmm? Tagasan ka po ba? Any facepic?
Steven: eto oh. Taga-****** , how about yours?(with attach picture)
(wow, ang amo ng mukha, mukhang mabait, mukhang astig) yun ang first impression ko sa kanya.
Me: nice, gwaping ka brad ah. Sori brad, hindi ako naguupload ng facepic ko dito e.. if you don’t mind,kunin ko na lang fb mail mo. Para iadd na lang kita, nakaprivate kase fb ko, d mo mahahanap kung sakaling ikaw ang magsesearch.  
    Napaka demanding ko that time. Pero nagtiwala sya at binigay nga ang fb-mail nya. Karaka-karaka ko namang isinearch yung fb nya. Sa pagview ko pa lang ng fb profile nya. Halatang may kaya, at maimpluwensyang tao. Sa isip-isip ko napakaswerte ko at pinagkatiwalaan ako ng astig na gwapong ito. Nag-alangan pa akong i-add sya, gawa ng baka madismaya lang sya, hindi ko kasi mapantayan ang kagwapuhan nya, nahiya naman ang looks ko. Pero inisip ko pinagkatiwalaan na ako ng taong ito, bakit hindi ko din sya pagkatiwalaan? Inadd ko sya at wala pang limang minuto kaagad naman nia akong inaacept. Kaagad din syang nagchat sa fb ko,
Steven: hi Mathew! Nice name, ah !
Me: hi Steven.. (nahihiya ako, hindi ko alam ang sasabihin ko).
Steven: suplado pala ikaw, cute mo brad, nice mga photo mo.
Aysus  natitipuhan ba ako ng gagong ito?, nahiya tuloy ako sa kanya, kasi sa katunayan mahilig lang talaga ako magtake ng picture at lumalabas naman ang iilang magagandang kuha na sya namang inuupload ko.
Me: ah sa photo lang yan brad. Sa totoo hindi. Haha
Steven: naku wag kang nega, cute kaya, ang cute ng mga singgit mong mata. Magschool mate pala tayo.. 
Me: ah bolero.. sana mata na lang ako para forever na akong cute.. haha, e talaga.. anong course mo?
Steven: gaya ng sayo.  
    Natuwa ako sa aking nalaman, ka-school mate ko pala at iisa pa ang department namin. At dahil sa napagalaman ko, lalo akong nagkainteres kay Steven. Engineering ang course na aming kinukuha. Regular Second year pa lang ako. Yung course namin agad ang una naming naging topic. Madami pa akong napagalaman, irregular 2nd-3rd year na daw sya. Tamad daw syang pumasok kaya nagging irregular sya. Napagalaman ko din na may mga iwan pa siyang subject na kukunin ko din sa susunod na semester. Natuwa ako sa aking nalaman, may tsansa pala kameng maging magkaklase, dahil kukunin na daw niya ang mga iwan nyang subjects sa susunod na semester. Inamin din nyang nahihirapan talaga sya sa kursong kanyang kinuha. Hindi na lang daw sya sumusuko dahil nasimulan na nya. Sabagay sayang din ang tatlong taon nyang inaral. Ako man din nahihirapan sa course namin,  dalawang beses na din kase akong nagkatres at sa awa ng Diyos wala pa naman akong binabagsak sa loob ng tatlong semester ko buhay Engineering. Sinabi nya sa akin na natutuwa daw sya sa akin, at gusto nya daw akong Makita ng personal. Ako naman nabigla, dahil ang gwapong ito ay gusto akong Makita. Sa totoo lang gusto ko din syang Makita. Kahit iisa department namin ay hindi ko pa sya nakikita, siguro nakakasalubong pero hindi ko mamukhaan kung nakasalubong ko na nga sya.
    Bandang alas-dose na ng gabe sya nagpaalam, matutulog na daw sya at inaantok na. pero bago pa man sya magpaalam kinuha nya muna ang number ko. Kaagad ko naman itong binigay. Nagout na sya at nagout na din ako. Pagkalipas ng ilang minuto tumunog ang phone ko, hudyat na may mensaheng dumating “ goodnight Mathew,.steven to, salamat sa time.. mwah <3 “ .. sa pagkakabasa ko sa mensaheng iyon, kaagad akong napangiti. Ang sweet pala ni Steven, parang bigla akong tinamaan sa text na yun ah.. ang sarap ulit-uliting basahin. Para akong tanga na hindi maalis ang ngiti sa labi. Hangang sa paghiga ko sa aking higaan ay parang nauna na ang matamis na panaginip kesa sa aking pagtulog. Sa aking pag-pikit tanging mga larawan ni Steven ang aking namumutawi, at alam kong hindi talaga mawala ang aking mga ngiti, nagdasal na lang ako at nagpasalamat sa Diyos na nakilala ko si Steven  at hiniling na sana itong si Steven na ang taong aking hinahanap. Amen. At di ko na din namalayang ako ay nakatulog na pala.
************************************************************
    It’s like rain on your wedding day. It’s a free ride when you’ve already paid. Nang bigla kong baligwas sabay kuha sa aking telepontong tumutunog. May tumatawag pala “hello, sino to?” ang tanging nasambit ko na halata pang inaantok. “goodmorning baby ko? Ui nagising ba kita,? sorry!”. Nagising ako sa narinig ko, sa isip-isip ko sino ba ang boses lalaking ito na tinatawag akong baby ko. “ha? Baby ko? Sino ka ba??” ang madiin kong tanong sa lalaking kausap ko sa kabilang linya. “ grabe naman pare, kachat mo lang ako 11 hours ago, Steven to, remember”. Shit si Steven pala, lalo akong nagising at si Steven pala ang taong kausap ko, naalala ko, hindi ko nga pala naisave ang number nya kagabi dahil sa paulit-ulit kong binasa yung mensaheng pinadala nya bago sya matulog.
Me: oh steven ikaw pala,  nagising nga ako sa tawag mo , sorry hindi ko nasave number mo kagabi e. Kala ko kasi kung sinong tumatawag. Sorry kung nasigawan kita. (ang sunod-sunod at pautal-utal kong paliwanag).
Steven: ah pare, ok lang, sorry kung nagising kita. Pero tanghali na ah,? bangon na ikaw ang mag-almusal..
Me: tanghali na talaga ako magising, (daily routine ko nay un, pag walang pasok) haha, agad ng baby ko ang tawag sa akin?? Haha
Steven: oo, bawal ba?? Sorry..
Me: ah, ok lang sweet nga.. (kinilig akong bigla, narealize ko ang ganda ng boses ni Steven, nakakainlove <3) 
Steven:  oh sya, bangon na, at kumain kana baby ko ( sabay tawa).. bangon na ha?
Me: ok po. (ang tangi kong nasabi sa kanya, dahil natulala lang ako sa matatamis nyang boses).
Steven: oh bakit ka nakangiti??
Me: ha,? paano mo nalaman??
Steven: hahaha.. tama nga ako nakangiti ka nga.. bakit ka nga ba nakangiti??
Me: ahhhhh, ehhhhh??!
Steven: ih, oh, uh..(ang pagputol nya sa sasabihin ko sana sa kanya). sya bye na, bangon na at kumain ka na ha??
Me: ah ok. ( wala na akong naiimik pa, nahiya na ako bigla sa kanya)
Steven: bye baby kong suplado.(hahaha)
Me: Suplado?? (Tututut..call ended)
    Aamin ko, may pagkasuplado nga akong tao, isa yun sa mga katangian ko na kapuna-puna naman talaga. Hahaha. Napansin pala agad sa akin yun ni Steven, nalungkot ako at nadismaya dahil baka hindi na ako magustuhan ni Steven. Pero nagbigay muli ng ngiti sa akin ang pagtawag sa akin ni Steven, lalo na yung tinatawag nya akong Baby nya. Gusto ko sanang replayan siya kaso hindi pa ako nakakapagpaload.
    Lumabas ako ng kwarto ko at nag-ayos ng sarili, kumain at naligo. Dalawang oras ang nakaraan at nang muling tumawag si Steven. Kaagad kong sinasabi sa kanya na wala akong load, kaya hindi ako makatext sa kanya. Naintindinhan naman nya. Kaagad din naman syang nagpaalam dahil madami pa daw syang gagawin.
    Hapon na din, bago ako nakapagpaload, nang mga oras na yun din lang ako sinipag lumabas ng bahay dahil mainit ang panahon. Kaagad ko naman tinext si steven at kinamusta. Ngunit wala akong reply na natangap mula sa kanya. Alas-syete na ng gabe wala pa ding reply akong natatangap mula sa kanya. Labis ko tong ikinalungkot, siguro wala na syang interes sa akin kaya hindi na sya nagtetext (yun ang innisip ko ng mga oras na yun).
    Makaraan ang ilang minuto, biglang tumunog ung aking telepono. Si steven, tumawatawag.
Steven: hello baby ko, sorry ha? Naglaro kasi ako kanina kaya hindi kita matext musta na ba ang baby ko?
Me: ( narinig ko na naman ang boses ni Steven na lubos na nagbigay sa akin ng mga ngiti) ahh. Kaya pala, ok lang yun. Atleast naalala mo pa din ako.
Steven: galit ka ba sa akin?
Me: ha? Bakit naman ako magagalit.?
Steven: kasi nga, ngayon lang ako nagparamdam.
Me: wag mong isipin yun, ang mahalaga magkausap na tayo ngayon.
    Yun ang panimula ng aming usapan, madami kaming napagusapan, napag-alaman ko na naglaro pala sya ng volleyball. Natuwa naman ako at sporty din pala itong si Steven. Halos magdamag na kameng magkausap. Napag-usapan din namin ang mga bagay-bagay sa aming mga buhay,kung tagasan ako, kung kailan ang mga birthday namin, ano-ano ang mga gusto at ayaw namin at kung ano-ano pa. Hangang humantong na ulet sa usapan na gusto na nyang makipagkita sa akin. Dahil nga nag-kapalagayan na kami ng loob, pumayag na ako sa gusto niyang mangyari. Pero lubos kong ikina-bigla ng gusto na nyang  sa susunod na araw na kami magkita at dun sa bahay nila ako matutulog. Kinabahan ako, dahil hindi ko pa nagagawang makitulog sa bahay ng taong hindi ko pa nakikita. Nag-dalawang isip ako kung papayag ba ako sa gusto nyang mangyari. Napansin nya siguro na nag-aalangan na akong makipagkita sa kanya. Pinakiuasapan nya akong pumayag sa gusto nyang mangyari, halos sunod- sunod na “please ang naririnig ko sa kanya. Dahil nga nagtitiwala na din ako sa kanya pumayag na ako na magkita kami at magoovernight ako sa kanila. Sinabi naman nya na sya ang bahala sa akin at hindi nya ako pababayaan.
    Kinabukasan, nagkataong ito din ang araw na kuhanan ng grades namin sa school, kaya napag-pasyahan namin na dun na lang kami magkita. Alas-dyis ako dumating sa school, kaagad kong pinuntahan ang mga kaklase ko dahil sabay-sabay kameng kukuha ng report card. Lubos akong natuwa sa naging resulta ng  mga final grades ko,wala na akong tres at ang tataas, ika nga ng isa kong kaklase pang dean-lister daw. Nalungkot din ako para sa iba kong kaklase dahil bumagsak sila at kailangan pa nilang ulitin ang subject na naibagsak nila. Nakipag-kwentuhan muna ako sa mga kaklase ko bago dumating ang oras na usapan namin ni Steven. Oras kung ka-ilan kami magtatagpo.
*****************************
Itutuloy……. 
*****************************
Abangan ang mga susunod na kabanata..,ano ba ang kahihinatnan ng mga tagpo namin ni Steven.. Maging Kami kaya..?
Pasensya na po, wala pa munang halong kalibugan tong simula ng kwento namin ni Steven.. abangan nyo na lang   salamat mga ka KM readers.. 

14 comments:

  1. Sana magkaroon ng part. 2 hope that u and steve ay maging kayo. From. Junskie.
    ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

    ReplyDelete
  2. Uhm...Boring sa start pero umandar naman ang story kinalaunan. Okay po ang story Mr. Author.

    Thanks for sharing your story :)

    ReplyDelete
  3. Ang sweet ni steven nuh? hehe cant wait for the part 2! anu p nga bang dapat mangyari s overnight? alam na! :-):-):-)

    ReplyDelete
  4. abangan nyo po ung part 2. .
    salamat po sa mga bumasa ng story ko..
    :-) - author: Mathew

    ReplyDelete
  5. pakibilisan lng ung part 2!
    nakakatuwa kasi ee,

    xShinoAburame

    ReplyDelete
  6. .. salamat po sa compliment na nakakatuwa at maganda yung story ko..
    hmmm.. may part 2 pa po, abangan nyo guyz...

    author : matthew

    ReplyDelete
  7. Nice Start.. walang patayan ng bida ha.. dalawang bises na ako na-iyak ehh.. "just read The Perfect Match, and reread the final chapter of Sa likod ng mga bato" - Hoping a good and happy ending story :)

    ReplyDelete
  8. first time pdaw nya yan ha...nice one!!!ang ganda ng flow ng kwento mo quite similar ng nangyare at katuyuan ko ngaun sayo pero now im already a engineer...
    sa tingin ko dahil nasabi mo n mga brusko sa luzon batangas ka nuh at sa batangas state university ka nag aaral dun kasi mganda mag araw ng engineering eh...
    lapit k lng sana mkilala kita matthew mkakwentuhan kung baga..

    -justin-

    ReplyDelete
    Replies
    1. mag aral po hindi mag araw.ngkamali lng..

      ^_^ justin

      Delete
  9. tnx sa site. haha nice story :)

    ReplyDelete
  10. Nice... Parang maganda ang magiging ending nito gudluck sainyong 2...

    ReplyDelete
  11. Mathew, I like your initial love story. Keep up! Susubaybayan kong parang T.V. series kwento mo. Hehe.

    ReplyDelete

Read More Like This