By: WhoCaresMyNameIsNobody
Hello mga readers! This is the first time na nagsulat ako ng story. Actually 3 years na akong nagbabasa sa mga blog na katulad nito. At hindi rin ako nagcocomment kasi cellphone lang ang gamit ko pagnagbabasa, mahirap magpost ng comment kapag cp gamit kaya di kuna sinubukan. Anyway sana magustuhan nyo ang story ko. Comment and suggest kayo ah? Kahit pangit o maganda ang feedback nyo, yan ang gagawin kong stepping stone para maimprove ang pagsusulat ko.
Syanga pala, may ilang typo errors jan kaya pagpasensyahan nyo na ah? Cellphone lang din kasi gamit ko pagtype nitong story..ENJOY READING!
APRIL 17, 2013
Ito na ata ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko. Sa wakas! Matapos ang limang taong paghihirap, limang taong pakikibaka, limang taong pagsasakripisyo, sa wakas. Nagbunga din ang pinuhunan kong dugo at pawis sa pag-aaral.
Gagradweyt na ako! Yahooooo!
\(^_^)/
Tiningnan ko ang aking cellphone at nakita kong may apat na mensahe akong natanggap. Una kong binasa ay galing sa isa sa aking mga kaklase.
"Congrats mga bro! Engineer n tau s wakas! Yahooo!"
Sunod ay galing din sa isa ko pang kaklase.
"Mga bro mamaya! Wag nyong kklimutan! My clebration s bhay! Inuman nato men! Congrats s lhat!"
Sunod naman ay galing kay tita Alicia
"Vince iho, congrats! Happy graduation, my grad gift kmi sau ng kuya mo Rence d2 s bhay. Bcta k nlang d2 ah?"
At ang huli naman ay galing kay kuya Rence
"Bro congrats! Siguradong tuwang tuwa ngayon sayo si Jey!"
Nabura sa aking mukha ang ngiti ng mabasa ko ang pangalan ni Jey. Wala ako sa sariling tumayo mula sa aking kinauupuan at lumabas ng hall kung saan ginaganap ang graduation ceremony. Naglakad ako sa gilid ng kalsada nang nakatoga habang patuloy pa rin sa pag-agos ang masagana kong luha. Wala akong pakialam kong pinagtitinginan man ako ng mga tao. Di ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko, basta gusto ko munang lumayo. Gusto kong mapag-isa. Gusto ko ng katahimikan.
Natagpuan ko nalang ang aking sariling nakaupo sa isa sa mga benches sa park. Maya-maya'y tumunog ang aking cellphone.
Kuya Sam calling...
"Anung kailangan mo?" malamig kong sagot sa kabilang linya, hindi pinapahalatang umiiyak ako.
"Cent!" mariin akong napapikit ng muli kong marinig ang pangalang tinawag nya sa akin, ito ang madalas na tawag sa akin ni Jey noon "Congrats! Balita ko graduation mo ngayon ah! So san ang celebration? Gusto mo sunduin kita mamaya? Sabihan mo lang ako"
Bat ba ang kulit ng taong 'to? Ilang beses ko na ba syang sinabihang wag na wag akong tatawagin sa pangalang Cent, dahil tanging kapatid lang nya ang may karapatang tumawag sa akin sa pangalang iyan? Alam ko naman talaga kong bakit fc itong Sam nato sa akin eh, dahil gusto lang nyang bumawi sa kanyang mga pagkakamali sa kanyang kapatid, sa pamamagitan ko.
"Wala ako sa mood, gusto kong mapag-isa." malamig kong tugon dito.
"Hanggang ngayon pala'y di mo parin ako napapatawad." malungkot nitong sabi sa kabilang linya.
"Hindi mo kailangang humingi sa akin ng tawad Sam, kundi kay Jey" malamig ko pa ring sagot dito.
Natahimik sya, akala ko'y pinutol na nya ang tawag kaya akto ko na sanang ilalayo sa aking tenga ang aking cp ng marinig ko syang muling nagsalita.
"April 17 pla ngayon, wala ka bang naaalala sa numerong 17 Cent?" oo nga pala 17 ngayon, February 17 noong mangyari ang lahat, "Bakit di nalang tayo lumaba-" pagpapatuloy ni kuya Sam sa kanyang sinasabi na agad ko namang binabaan ng telepono sabay switch off ng phone ko.
Wala ako sa mood makipagplastikan kay kuya Sam, kaya minabuti ko nalang na putulin ang tawag at patayin ang telepono ko, dahil alam kong tatawag syang muli at hindi titigil hangga't hindi ko sinasagot ang kanyang tawag.
Muli akong napaluha ng maalala ko si Jey. Pitong taon, pitong taon na pero bakit ganito pa rin kasakit? Pitong taon na ang nakakaraan pero bakit parang kahapon lang ang lahat? Pitong taon na ang lumipas, at akala ko'y ok na ako, pero mali. Dahil sariwa parin sa akin ang sakit na idinulot ng kanyang paglisan. Hanggang ngayon, hanggang ngayon ay nabubuhay pa ako sa alaala ng kanyang kahapon.
"Alam mo bata, ang mga nakatogang katulad mo ay dapat nagsasaya ngayon dahil sa wakas gradweyt na sila, hindi ganyang umiiyak lang jan sa tabi." napahinto ako sa aking malalim na pag-iisip ng marinig kong may nagsalita sa aking tabi. Hindi ko namalayang may katabi pala akong matanda sa aking kinauupuan.
Mapakla akong ngumiti sa matandang lalaki. Pinahiran ko ang aking luha tsaka muling lumingon sa park. Wala ng masyadong taong namamasyal ngayon, lumalalim narin kasi ang gabi. Tanging mga magkasintahan at ilang nagjajogging nalang ang aking makikita sa park.
"Gusto mo ng beer?" nakangiting alok sa akin ng matandang lalaki habang hawak-hawak ang dalawang bote ng redhorse.
Ngumiti ako tsaka kinuha ang isang bote. Siguro kailangan ko rin to ngayon, para pansamantala kong makalimutan si Jey.
"Salamat"
"Ubusin mo yan, dalawa tong binili ko. Tig-isa tayo." nakangiti nitong sabi sa akin.
Ngumiti naman ako at tahimik na lumagok ng beer tsaka muling tumingin sa kawalan.
"Alam mo bang engineer ako? Pero eto, nasayang ang aking propesyon dahil sa pagiging alcoholic ko. Sukat ba namang mawala ang lahat ng mahal mo sa buhay." nakangiti pero ramdam ko ang lungkot sa pagkakasabi ng matandang kausap ko ngayon habang nakatingin din sa kawalan. Lumingon siya sa akin bago nagpatuloy sa pananalita. "Sino bang gaganahan pang mabuhay? Kung ang tanging inspirasyon mo sa lahat ng iyong ginagawa ay biglang mawawala."
Nakita kong tumulo ang kanyang luha. Lumagok sya ng beer tsaka muling nagpatuloy "Kasalanan ko rin naman lahat eh."
"Parehas lang naman po tayo manong eh, ang pinagkaiba nyo lang po ay nawala ang lahat ng mahal nyo sa buhay. At least ako may isa pang natira, si inay"
"Kelan pa naging parehas ang may pinagkaiba bata? Bawat tao ay may kakayanang makapag-isip, bawat tao ay may sariling desisyon, kaya bawat tao ay maaaring makapag-isip at gumawa ng desisyong makakapagbago ng kwento ng kanilang buhay." makahulugang sagot ng matanda sa akin
Napaisip ako sa sinabing ito ng matandang lalaki. May point sya. Hindi magiging parehas ang kwento ng aming buhay dahil may kanya-kanya kaming isip at desisyong ginawa na naging produkto ang kong ano man kami ngayon. Maaaring sa ibang bagay oo, pwede kaming magkatulad, ang parehas kaming grumadweyt ng engineering at ang mawalan ng mahal sa buhay, pero nasa akin parin kong ipagpapatuloy at babaguhin ko pa ba ang kung ano ang meron ako ngayon para mas maging kapakipakinabang sa hinaharap o gumaya sa matandang katabi ko, ang sumuko sa buhay at patuloy lang umasa at magpaagos sa daloy ng nakaraan.
"Gusto mong ikwento?" nakangiting tanong nito sa akin ng hindi ako makasagot sa kanyang sinabi.
"Ang alin po?" balik tanong ko dito.
"Ang iyong kwento, kung bat ka nagkakaganyan." nakangiti paring sagot nito.
Iniwas ko ang tingin ko sa matandang katabi ko at diretsong tumingin sa park. Pinuno ko ng hangin ang aking baga tsaka ko ito ibinuga. Muli akong humarap sa matanda.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Tawagin nyo nalang ako sa pangalang Vincent. 23 years old. 5'10" ang height ko, moreno, may mga muscles din dahil sa pagpapart time job habang nag-aaral at pagbabasketball ko, malalapad din ang aking kilay dahil balbon ako, ang mga mata ko naman ay kasing itim ng uling na may pilikmatang parang may natural na maskara, matangos ang ilong ko pero hindi pointed, at katamtaman ang lapad ng aking labi.
Alam ko sa sarili kong gwapo ako kahit na mahirap lang kami dahil noong highschool palang ako, ay isa akung varsity at habulin ng mga chicks at bakla sa aming campus. Parati rin akong nasasali sa mga pageant lalo na noong hayskul ako, kaya confident akong may itsura ako.
Solo akong anak, wala na akong tatay dahil noong malaman niyang nabuntis nya ang inay ay naglaho na ito na parang bula, kaya kaming dalawa nalang ng inay ang nagtutulungan sa buhay. Nakatira kami sa bahay ng amo ni inay, mababait ang kanyang amo, sa katunayan nga sila ang nagpapa-aral sa akin noong nasa highschool ako sa isang pribadong skwelahan kung saan nag-aaral din ang kanilang nag-iisang anak. Kaya kung wala akung ginagawa ay tumutulong ako sa iba pang gawaing bahay para naman maibalik ko ang kabutihang binibigay nila sa amin.
Pero noong makapagtapos ako ng highschool ay umalis na kami sa bahay ng amo ni inay. Lumipat kami sa aming probinsya dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari sa aking buhay at sa pagiging sakitin narin ng inay. Bumalik kami dito sa syudad after 2 years para magsimula na akong mag-aral sa kolehiyo, nakatanggap ako ng full scholarship sa universiting pinapasukan ko dahil sa pagiging varsity ko. Tanging paglalabada lang ni inay ang aming kinabubuhay kaya kung minsan ay rumaraket na rin ako, kung saan pwede akong magside line makadagdag lang sa mga panggastos namin.
Nagsimula ang aking kwento 10 years before, noong makilala ko si Jey.
-------
First year highschool palang ako ay sya na ang una kung napansin sa aming mga kaklase. Gwapo si Jey, maputi, hindi payat at hindi rin naman mataba, napakaaliwalas ng kanyang mukha, medjo singkit ang kanyang kulay kayumangging mga mata, matangos din ang kanyang pointed na ilong, at natural na pink ang kulay ng maninipis niyang mga labi. Mas matangkad ako kay Jey, pero hindi ko sinasabing mababa sya.
Hindi ko alam kung bakit si Jey ang una kung napansin sa loob ng classroom. Marami din namang mga magagandang babae sa loob ng room dahil sa private itong skwelahan namin at halatang mayayaman ang mga kaklase ko, pero sya talaga ang gustong gusto kong titigan kahit na lalaki pa sya. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya, basta ang alam ko'y natutuwa ako sa twing tinitingnan ko sya.
First day of school palang ay may ibinigay na na topic sa amin ang aming teacher na irereport every tuesday and thursday sa buong school year, at ito'y sisimulan na next week. Dalawang studyante sa bawat topic so dapat may partner ka. Si ma'am ang nagbibigay sa amin ng topic at sya rin ang pipili ng aming partner. At tulad nga ng inaasahan nyong mga readers, oo, si Jey ang naging kapartner ko na lihim kung ikinatuwa.
Natapos ang 2nd subject namin na puro lang pakilala, gawa ng kasisimula palang naman ng klase. At dumating na nga ang recess. Nakita ko si Jey na kumakaing mag-isa sa loob ng canteen. Humiwalay muna ako sa mga bago kong kaibigan na kaklase ko rin at nagpasyang puntahan sya dala dala ang tray na may nakapatong na spaghetti at coke sa ibabaw.
"Uhm h-hi Jey, pwedeng makisalo?" nakita kong umangat ang kanyang ulo at tiningnan ako ng nakakunot ang noo.
"Kilala moko?" pakiramdam ko'y bigla akong namula sa kanyang tanong dahil ramdam kong uminit ang aking mukha.
"Ah o-oo, diba nga kaklase mo ako at ikaw ang partner ko sa report natin sa science. Nalaman ko lang na ikaw si Jey nung magpakilala tayo isa-isa sa Filipino. Sya nga pala ako si Vincent"
"Jey" tumango sya, nakipagkamay sa akin at pinaupo na ako para makisalo sa pagkain.
Naging maayos naman ang daloy ng aming unang usapan. Nagkwentuhan kami na parang getting to know each other palang kami, nagplano narin kami kung kelan at saan namin gagawin ang aming report dahil kami na ang pang-apat na magrereport next next week.
Napagdesisyonan naming sa bahay nila gumawa ng report dahil nakakahiya naman kung sa bahay pa ng amo ni inay gumawa nito. Baka makaistorbo pa kami. Nalaman ko ring nasa parehong subdivision lang ang bahay nila at ang bahay na tinitirhan namin which is ang bahay ng amo ni inay.
Lumipas ang mga araw at naging close na kami ni Jey, nalaman kong sya ang total opposite ko. Kung sya ay tahimik at madalas mag-isa, ako naman ay makulit, madaldal at parating may kasamang barkada. Matalino sya, pero di ko sinasabing mangmang ako, kumbaga mas matalino lang sya sa akin. Mayaman sya pero mahirap lang ako. Mahilig syang magbasa, mahilig akong magbasketball. Magaling syang kumanta, magaling akong sumayaw. At marami pang iba. Pero kung magkasama kaming dalawa ay napapansin kong napakarami din pala naming pagkakapareha, mahilig kami sa matatamis at sa maaalat, gustong gusto namin ang mag movie marathon pero di pa kami nakakapagmovie marathon ng sabay, parehas din kaming adventurous, at napakadaldal at kwela namin kapag magkasama kami na aking ikinagulat. Tahimik kasi syang tao lalo na kung ang kasama nya ay hindi nya ganun kakilala. Ayaw namin ng pasas at manggang hilaw kasi ampangit ng lasa at parehas din kaming takot sa mga pesteng katulad ng flying ipis.
Dumating ang araw ng paggawa namin ng report at maayos naman namin itong
natapos kaya nakapagreport naman kami ng maayos.
"Buti maayos nating naipresent ang report natin kanina." sabi ko habang nakaakbay sa kanya at naglalakad sa loob ng subdivision pauwi ng bahay.
"Hahaha syempre perfect match tayo eh." masayang sagot nito.
"ha? Perfect match? Bakit naman?" nahihiwagaan kung tanong dito.
"Syempre gwapo ka, mas gwapo ako. Maporma ka, mas maporma ako. Matalino ka, mas matalino ako. Almost perfect ka, perfect ako. At higit sa lahat-" pambibitin nito.
"Ano?" wala sa sarli kung tanong dito.
"LG ka, ako hindi! Whahahaha!" parang adik to biglang tumawa.
"Gago hindi ah! Teka anung LG? Life's Good? hahaha" inosente kung tanong dito na lalo niyang kinahagalpak ng tawa, aba gago to ah.
"Hahahaha tanga! LG means LOW GETS! bobo!" tumatawa nitong sagot sa akin habang medjo lumayo sa akin ng konti.
"Amputa, kung makapagtrash talk ka kala mo kung sino kang gago ka ah. Halika ka nga dito." inis kung tugon dito at akto na nga syang hahabulin na ikinatakbo naman nito.
Tumatawang tumatakbo si Jey habang hinahabol ko sya at dahil nga sanay ako sa takbuhan ay agad ko syang nahabol tsaka sinuntok sa kanang braso.
"Aray ko! Nangha-harass kana ah" sigaw nito na halatang nasaktan nga dahil napalakas ang pagkakasuntok ko. Naawa naman ako dito at agad syang inakbayan.
"Aw sorry, masakit ba? Hahahaha. Ang kulit mo kasi eh. Teka tingnan ko nga." tiningnan ko nga ito at nakita kung namantal nga dahil sa lakas ng aking pagkakasuntok. Hinihipan ko ito at hinalik-halikan.
"Oy! Anung ginagawa mo?"
"Ganito kasi ginagawa ni mama kapag nasasaktan ako. Ano epektib ba?" nagpapacute kung tanong dito.
"ARAY! Gago ka bumalik ka dito!" sigaw ko dito habang sapo-sapo ko ang aking batok. Amputek anlakas makabatok nun ah. Ansakit.
"hahaha, don't worry iki-kiss yan ng mama mo." sigaw nito habang tumatawa at tumatakbong papalayo sa akin.
"Humanda ka bukas." hindi ko alam kung bakit nakangiti parin ako kahit na nabatukan na ako. Umiiling akong pumasok sa loob ng bahay na aming tinutuluyan.
Sa paglipas ng mga araw, linggo at buwan ay naging sobrang close na kami ni Jey. Itininuring ko na nga syang bestfriend at ganun narin ang turing nya sa akin. Madalas na tumatambay kami sa kanilang bahay at kung di naman ay sa bahay na tinitirhan namin. Ok lang naman iyon sa amo ni inay dahil malapit naman ang pamilya ni Jey sa pamilya nila at magkaibigan din naman sila ni kuya Rence (anak ng amo ni inay, dalawang taon ang tanda sa amin) simula ng mga bata pa sila.
-KRRRRRRRRRRING! KRRRRRRRRRING!- tunog mula sa aking alarm clock, time check, 8:00 am. Bumangon ako mula sa pagkakahiga, nag-aayos ng sarili, nag-almusal tsaka tumulong sa mga gawaing bahay sa loob ng munting mansyon. Nilinis ko na rin ang garden, nagdilig at nag-ayos ng mga pananim. Pakatapos kong kumain ng pananghalian ay tsaka ako naligo. Nagpasya akong puntahan si Jey sa kanilang bahay, dahil sabado naman at siguradong magbabasa lang yun ng libro sa kanila buong maghapon, kaya iimbitahin ko nalang syang manood ng basketball sa gym.
Naabutan ko syang nakahiga sa kanyang kama. Teka himala ba to? Dati rati parati ko syang naaabutang nagbabasa, kung hindi ay naglalaro sa kanyang computer, bat ngayon ay nakahilata pa? Lumapit ako dito at sinubukan syang gisingin.
"Uy Jey, ala una na oh, gising na kumain kana ba?" tanong ko dito habang niyuyogyog sya para magising.
"W-wala a-akung ganang ku-kumain." putol-putol nitong sagot. Teka umiiyak ba to?
"Uy tol, humarap ka nga sakin. Umiiyak ka ba? Ano bang problema?" nag-aalala kong tanong dito. Bumangon naman ito at paupong pumwesto sa kama. Umiiyak nga.
"Ano bang problema mo tol?"
"Bi-birthday ko"
"Weh? Talaga? Eh timing naman pala ang pagpunta ko dito eh, ano may handaan ba? San sila tita?" sunod-sunod kong tanong dahil sa excitement nawala sa isip kong umiiyak pala si Jey.
Umiling siya, "Na-nakalimutan nanaman nina mommy at da-daddy" bigkas nito sa pagitan ng paghikbi.
Birthday noon ni Jey, pero wala syang handa. As usual nakalimutan nanaman daw ng mommy at daddy nya dahil sa sobrang busy sa kanilang negosyo. Ang kuya naman nya di rin naalala kasi busy din ito sa pag-aaral sa kolehiyo sa Maynila. At ito nga si Jey nagmumukmok sa loob ng kanyang kwarto kasi nga mga katulong lang ang kasama nya sa loob ng kanilang bahay.
Sandali akong nag-isip...
"Teka alis muna ako ha? Gusto ko pagbalik ko nakabihis kana, lalabas tayo." nakangiti kong sabi.
Patakbo akong umuwi ng bahay, muling naligo tsaka nagbihis. Sinuot ko ang 3/4 polo ko na kulay green na may mga linyang black na regalo pa sa akin ni inay last year. Nagsoot din ako ng penshoppe na pantalong pinaglumaan ni kuya Rence pero mukang bago parin at checkered na kulay black and green din na vans na pinaglumaan din ni kuya Rence. Nagwax ng buhok at nagpabango. At syempre hindi rin mawawala ang shades! Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Ayun oh! Artistahin na! Hahaha napangiti ako sa aking naisip.
Pumunta na ako kina Jey at naabutan ko syang nakaupo pa rin sa kama.
"Oh? Bat pormang porma ka?" parang nabigla ata sa kagwapuhan ko si Jey haha.
"Syempre lalabas tayo eh" nakangisi kong sagot "ano ba yan Jey, magbihis kana nga, di ka pa nga naliligo eh. Tumayo kana jan at maligo na. Ako ng bahala sa isusuot mo." dagdag ko habang hugot-hugot sya papuntang cr sa loob ng kwarto nya para maligo.
Binuksan ko ang cabinet ni Jey. Hmmm.. Dami namang magagandang damit ni Jey pero bakit hindi nya sinusuot. Tangna, may mga tag price pa nga ito oh, halos 3 linggo ko na tong allowance kung sakali. Napailing ako mayayaman talaga. Pinili ko ang v-neck na long sleeve na white na may stripes na black. Tutal 13 days nalang before christmas at malamig narin ang panahon kaya ok lang na maglong sleeves sya. Tinernuhan ko ito ng Levi's na pants at gray na converse.
Lumabas si Jey sa cr ng nakatapis, mabilis syang nagbihis tsaka nag-ayos ng buhok. Pinataas nito ang sleeve ng kanyang suot para maging 3/4 tsaka nagsuot ng silver na bracelet.
"I'm ready" nakangiting bungad nito sa akin. Napangiti rin ako, hindi ako nagkamali mas gumwapo at pumuti nga si Jey sa kanyang soot. Di ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya.
"Uy, sabi ko tapos na ako." sabi nya sabay pitik sa ilong ko.
"Aray! Kelangan ba talagang pumitik? Sakit ah, pasalamat ka birthday mo ngayon"
"Ang sungit ah? Teka.." lumapit ito sa mukha ko habang tinitigan ang aking ilong. Ang sarap ng amoy ni Jey, wala syang pabangong inilagay kaya amoy na amoy ko ang sabong kanyang ginamit. Papalapit parin ng papalapit ang kanyang mukha sa aking mukha. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso. "Namula nga, masakit ba? Teka ikikiss ko, sorry ah."
Nagpout sya ng lips at lumapit pa ng konti sa akin, tsaka hinihipan at hinalikhalikan ang aking ilong. Mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso, hindi ako makahinga ng maayos dahil sa sobrang kaba. Amoy na amoy ko ang malinis na hininga ni Jey. Tiningnan ko ang kanyang mga mata. Napahinto si Jey sa paghihip at paghalik-halik sa aking ilong at dumistansya ng konti. Sinalubong nya ang aking mga titig. Nagkatitigan kami. Maya maya'y napatingin ako sa kanyang mapupulang labi. Unti unti kong inilapit ang aking mukha sa kanyang mukha at ganun din ang kanyang ginawa. Papalapit ng papalapit. Ipinikit ko ang aking mga mata.
"W-wag na ok na ako." "T-tara na gutom na ako." sabay naming sabi habang lumalayo sa isa't isa. Napatigil kaming pareho. Ang awkward naman.
Nauna akong lumabas ng kwarto at sumunod nga sya. Parehas kaming walang imik habang pababa ng hagdanan.
"San ba tayo pupunta?" tanong nya habang inaantay namin ang driver ng kanilang sasakyan.
"Basta lalabas tayo."
Napahinto sya sa aking nasabi. Liningon ko sya ng nagtatakang tingin.
"D-date ba to?"
Napahinto ako sa kanyang tanong. Teka date ba to? Si Jey? Ako? Lalabas? Magdedate? Napailing ako.
"H-hindi ah, boys night out to no"
"Tanga, eh hapon palang ngayon no." nakangisi niyang tugon.
"Eh di boys afternoon out, problema ba yun?"
Parehas na kaming napatawa sa aking sagot. Sa wakas nawala rin ang awkward momment sa pagitan naming dalawa.
Pumunta kami ng mall ni Jey at pumasok sa isa sa mga restaurants doon. Napakarami kong inorder kaya naparami ang kanyang kain at ganun din naman ako.
"Oh Jey, yan pa oh, sayang nyan ubusin mo yan."
"Busog na ako." nakangiti nitong sagot habang hinihimas-himas ang kanyang tyan.
"Sige kung talagang ayaw mo, ako nalang ang uubos." kinuha ko ang pagkain na di man lang nya nagalaw.
"Ang takaw mo talaga! Di mo man lang ako pinilit. Hahaha"
"Eh sa gutom pa ako eh, anung magagawa ko. Haha"
"Eh di umorder kapa ikaw naman magbabayad eh."
"Anong ako eh ikaw tong may birthday diba?"
"Adik wala akong dalang pera, tsaka ikaw nagyaya kaya ikaw magbayad."
"Seryoso ako Jey, wala akong dalang pera." sinsero kong sabi habang nakatitig sa kanya.
Bigla syang napatayo sa pagkabigla. "W-wala rin akong perang dala. Kala ko kasi kung saan saan lang tayo pupunta kaya di na ako nagdala." nagpapanic nitong sagot. Noong una akala ko'y nagbibiro lang sya, pero nung tingnan ko sya sa mata ay dun ko napagtantong nagsasabi nga sya ng totoo. Napahinto ako sa aking aktong pagsubo ng pagkain.
"Ano?" wala sa sarili kong naibulalas.
"Yes sirs? May problema po ba?" tanong ng lalaking manager ng restaurant sa amin, nakahalata atang nagpapanic na si Jey.
"K-kasi ku-" naputol ang aking sasabihin ng biglang sumagot si Jey.
"A-ahm actually wala, nabigla lang ako sa sinabi ng kaibigan ko kanina" sagot ni Jey habang binabatuhan ako ng nagsasabing makisakay nalang na tingin. Muli itong humarap sa manager bago nagpatuloy sa pananalita, "Ahm.... sir.." pambibitin ni Jey sa kanyang sasabihin sabay patong ng kanyang palad sa bakat na utong ng manager, tsaka marahang pinaikot-ikot ang kanyang daliri dito habang kagat ang kanyang labi at malagkit na nakatitig sa manager.
*Tangna, ano ba tong ginagawa ni Jey?*
Tila naman umepekto ang pang-aakit na iyon ni Jey sa manager, dahil dinig na dinig ko na napasinghap ito sa pagkabigla. Kitang kita ko rin ang biglaang paglaki ng umbok nito sa harapan na bakat na bakat sa kanyang slacks na pants. Lalaki ba talaga to? Ang laki-laki ng katawan tsaka gwapo naman pero kung tigasan sa kapwa nya lalaki daig pa ang bading.
"Ye-yes sir?" namumulang tanong nito habang titig na titig kay Jey.
"Can I barrow a pen?" nakangiting pang-aakit nito sa manager. Kitang kita ko naman ang pinagpapawisang noo ng manager dahil sa ginagawa ni Jey.
"A-ah sure sir, ito po oh." sagot naman ng manager sabay nagmamadaling ibinigay ang ballpen kay Jey.
Kinuha naman ni Jey ang ballpen at nagsulat sa tissue.
Kita kung may ibinulong si Jey sa manager habang inilalagay ang tissue na sinulatan nya sa pocket ng polo nito. Kitang-kita ko rin kung paano mas lalong bumakat ang harapan ng manager, at kung paanong mas lalong namula ang pisngi nito dahil sa mga sinasabi ni Jey. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa itsura ng gwapong manager o maiinis sa mga pinaggagawa ni Jey. Ano ba kasi itong pinaggagagawa nya? Talagang sa harap ko pa nakikipaglandian.
Pero sa huli mas nangibabaw ang inis ko kay Jey. Biruin mo first year highschool palang ay nagagawa ng makipaglandian sa, siguro 21 palang tong manager, batang bata kasi ang itsura kompara dun sa ibang mga manager, at take note matanda pa sa kuya nya. At eto namang si malanding manager gustong gusto naman, di man lang pumalag. Aba macho at gwapo nga pero kung tigasan naman daig pa ang natigang ng isang taon. Teka bat ba ako affected? Pucha badtrip ah.
"So paano ba yan we have to go, pwede na ba naming makuha ang aming bill?" nakangiting tanong ni Jey habang kunwari'y may kinukuha na kung ano sa kanyang bulsa, pinigilan naman ito ng manager.
"Ako nang bahala Ken." nakangiting sabi ng manager kay Jey. Teka sinong Ken? Nangunot ang aking noo dahil sa aking narinig, naguguluhang napatingin ako sa manager.
"Bye Tom, see you later." nakangiting sagot ng manager sa akin sabay kindat.
Lumabas kami ng restaurant na gulong-gulo ang aking isip, ano bang nangyari? Tiningnan ko si Jey ng masama, wala pa rin itong tigil sa kakatawa magmula ng makalabas kami sa restaurant. Binatukan ko sya tsaka nagmadaling naglakad. Naiwan naman itong sapo-sapo ang kanyang batok. Nakakapikon naman kasi.
"Aray nanghaharass ka nanaman ah, birthday ko ngayon tapos makabatok ka wagas." reklamo nito sabay sapo sa kanyang batok habang nakasunod sa akin papauntang food court ng mall.
"Eh ano ba naman kasi yung ginawa mo kanina? May papisil-pisil at pahimas-himas ka pang nalalaman sa utong ng baklang manager na yun. Pasalamat ka at tayo lang ang customer sa restaurant na yun, kung hindi, hindi lang ang mga waiters ang pinagchichismisan ka ngayon kundi pati narin mga customer dun. At meron pa talagang pabulong-bulong ah? Ano bang pumasok sa kokote mo at nagawa mo yun? At ano naman ang nakain ng baklang yun at tinawag kang Ken, at sino daw ako? Si Tom? Anak ng tokwa. Siguro ikaw ang nagbi-" napahinto ako sa pananalita ng marealize kong wala na akung kausap.
Nakita ko syang nasa loob ng sanglaan na katabi lang namin malapit sa food court. Sanlaan? Teka anung ginagawa nya jan? Pumasok ako at naabutan ko syang nagbibilang ng pera.
"Jey, ano bang ginagawa mo? Kanina di kita maintindihan sa loob ng restaurant tapos noong kinakausap kita bigla kang mawawala. Teka.." nahinto ako sa pananalita, tiningnan ko ang kanyang braso. Hindi na nya soot ang kanyang silver na bracelet. "Sinanla mo ang silver na bracelet mo?" takang tanong ko dito.
"Ano kaba naman Vince andami mo kayang sinasabi kanina, di ko naman maintindihan kasi ang bilis mong magsalita kaya umalis nalang ako. Tsaka anong silver? Hindi silver yung soot ko kanina noh? Allergy ako sa silver, white gold yung soot kung bracelet kanina. Sinanla ko muna para may panggastos tayo." mahabang paliwanag nito habang papalabas ng pawnshop.
Madilim na ng makalabas kami ni Jey sa mall. 8:30pm na pala, parang ambilis ng oras. Bumili kami ng kikiam at napagpasyahang kainin ito sa may park.
"Vince, pasensya kana sa nangyari kanina ah" hinging paumanhin ni Jey habang kumakain ng kikiam.
"Ok lang yun birthday mo naman eh, pero ano nga ba talagang nangyari at nagawa mo yun?"
"Hindi ko alam," kibit balikat nitong sagot tsaka nagpatuloy "Siguro dahil kanina ko pa napapansing nakatitig sa atin ang manager na yun habang tayo'y kumakain. Kaya nakaisip ako ng paraan para makalibre tayo sa bill natin. At ayon nga nilandi ko sya, binulungang magmeet tayong tatlo pagka-out nya sa work tapos binigay ko ang number nating dalawa. Diba effective naman? Hindi na nya tayo pinabayad eh."
Tumango ako bago magsalita "So binigay mo talaga ang number nating dalawa?" tanong ko dito.
"Hindi ah, hindi ko totoong number yun. At wala ka ngang cellphone diba? So nag-imbento nalang ako ng number mo."
Hindi ako sumagot. *Oo nga no? Wala akong cellphone. Hehe adik.*
"Alam mo Jey hindi ako makapaniwalang magagawa mo yun." panimula ko dito matapos ang mahaba-habang katahimikan, na nagpalingon sa kanya na tila nabigla sa aking sinabi. "I mean, pagsa-school ka kasi sobrang tahimik mo, puro aral lang inaatupag mo. Napakahinhin mo na parang di ka makabasag pinggan. Oo maingay ka pagtayong dalawa lang, nakikisakay ka sa mga pangungulit ko at nakikisabay ka sa mga trip ko, kaya nga naisip ko na kailangan mo lang ng totoong kaibigan para mailabas mo ang totoong ikaw. Pero ang kanina?" napailing ako, humarap sa kanya bago nagpatuloy "Hindi ko ineexpect na magagawa mo yun. Kasi diba, kung gusto mo lang namang makalibre sa bill natin, pwede naman nating tawagan ang driver mo para humingi ng pera sa mom and dad mo. O kaya utusan si manang Fe na kunin ang pera mo sa kwarto mo, tsaka ipahatid ang pera sa restaurant. Tutal mapagkakatiwalaan naman ang mga kasambahay nyo diba?" mahaba kong paliwanag dito.
Iniwas nya ang kanyang tingin, hindi sya sumagot bagkus ay nagbuntong hininga ito. Nakatingin sya sa kanyang mga paa habang iwinawagayway nito sa hangin ang huli. Kinakamot ng kanyang kanang kamay ang kanyang kaliwang hintuturo. Alam ko ang ibig sabihin ng mga ikinikilos na ito ni Jey. Dahil madalas nya itong gawin sa twing pinapagalitan sya ng kanyang daddy dahil may kasalanan syang nagawa. Alam kong gusto niyang magsalita pero kinakabahan ito. Hinayaan ko muna sya, iniwas ko rin ang aking tingin at ibinaling ito sa mga nagdaraang tao sa park. Sigurado akong magsasalita din sya.
"V-vince, di-diba bestfriends tayo?" tanong nito sa akin, nanatili parin itong nakayuko.
Tumango ako. Hindi ko pa rin sya nililingon dahil alam kong mas lalo syang kakabahan. Hindi na ako nagsalita pa at inantay ang susunod nyang sasabihin.
"Vince, I-I think, I-I'm g-gay" putol putol nitong pagpapatuloy dahil sa sobrang kaba.
"What??" marahas ko siyang nilingon dahil sa pagkabigla, kita kong umiiyak na si Jey dahil sa sobrang kaba.
"I-I dont know! I am attracted to women, but also to men!" humahagolhol na sya sa kaiiyak.
Hindi ako makaimik. Halo-halo ang aking nararamdaman. Pagkabigla, hindi makapaniwala, inis, masaya, at naguguluhan. Nanatili lamang akong nakatitig sa kanya. Maya-maya'y natagpuan ko nalang ang aking sariling yakap-yakap sya. Hindi ko alam kung bakit, pero mas nangibabaw ang saya sa aking mga nararamdaman, siguro dahil sa naging tapat syang kaibigan sa akin.
"Alam mo ba kung ano ang itsura ng manager kaninang inaakit mo sya? Pucha! Tigas na tigas sya tol!" natatawa kong sabi habang nakayakap sa kanya, masyado na kasi syanng senti kaya pinapatawa ko nalang.
"Biruin mo, ganun pala talaga kalakas ang sex appeal ko! Hahaha" tumatawa nyang sagot at humiwalay na nga sa aming yakapan.
"Gago wag mo ng uulitin yun ah? Kung hindi makakatikim ka sa akin."
"Hmmm. Depende- aray!! Hoy! Bumalik ka dito! Humanda ka!" tumatawa niyang sigaw sa akin matapos ko syang batukan at takbuhan. Nauwi naman sa habulan ang aming kulitan.
"Vince salamat ha? Sana wala paring magbabago."
Ngumiti ako at muli syang inakbayan. Nasa loob na kami ng kotse nila pauwi sa subdivision. Hindi ko namalayang alas-dyes y media na pala ng gabi, kaya napagpasyahan naming tawagan na ang kanyang driver para magpasundo.
Nang makarating kami sa kanilang bahay ay iniexpect ko na may surprise party ang mga magulang ni Jey para sa kanya, pero wala akong nakita. Anong klaseng mga magulang ba meron si Jey at pati birthday nya ay nakalimutan nila?
"Sorry wala akung party ah, nakalimutan nanaman kasi nila dad eh." malungkot nyang paliwanag, nagbuntong hininga sya bago nagpatuloy "Ganyan naman sila palagi eh. Puro business lang inuuna, minsan nga naiisip ko na ampon lang ako."
"Alam mo ok lang yan, at least nag-enjoy tayong dalawa kanina diba?" pagpapagaan ko ng loob nya.
Ngumiti lang sya at tumango.
"Teka may kukunin lang ako sa bahay ah." nagmadali akong umuwi sa bahay at kinuha ang journal na gawa ko, sa pasko ko pa sana ito ibibigay sa kanya, pero siguro ito na ang tamang oras para ibigay to, tutal birthday naman nya eh.
"Oh para sayo." iniabot ko sa kanya ito. Ito ay isang simpleng journal na may mga pahina na kulay cream na bond paper. Nakabook bind ito at may mga lettering sa cover nito na nakasulat, PERFECT MATCH.
"Diba nga mahilig kang magsulat? So mapapakinabangan mo yan. Alagaan mo yan ah, pinaghirapan ko yan." nakangiti kong sabi.
"Salamat" nakangiti nyang sagot
Hanggang sa dumaan nga ang pasko at bagong taon. Naging masaya naman ang celebrasyon. Konti lang ang nakuha kong regalo pero at least, meron. Hindi naman kasi ako nag-eexpect ng marami regalo eh. Hanggang sa yun na nga balik skwela nanaman, hindi nanaman mawawala ang kulitan, asaran at syempre biruan at kopyahan naming magkakaklase sa twing may exam.
Patapos na noon ng aming sophomore year pero ramdam kuna ang init na dulot ng summer nang binigyan ako ni inay ng bagong cellphone. Simple at mumurahin lang ito pero laking tuwa ko pa rin dahil alam kung pinaghirapang ipunin ito ni inay. Sa sobrang tuwa ko ay yinakap ko si inay at nagpasalamat.
Agad kung hiningi ang number ni Jey kay kuya Rence na agad naman nitong binigay.
"hi! ;-)" ang unang text ko kay Jey.
"cnu 2?" replay nya makalipas ang ilang sandali.
Napangiti ako sa kanyang replay, biglang may pumasok na kalokuhan sa aking utak. Napangisi ako.
*Makapang-trip nga.* nakangisi kung sabi sa aking sarili habang nagtatype sa aking cellphone.
":-) I'm Yours. Hey, I really don't know ur nym, can I call u Mine?"
"No thanks, I hav my own nym. I'm Yours also ;-), so san mo nkuha number ko?"
*Aba! Talaga namang nakikisakay ka ah? Tingnan natin kung cnu ang unang susuko.*
"hahaha, actually ngtype lng ako ng random numbers, nd luckily number mo ang natype ko. Haha does it mean...
.
.
.
.
we're meant for each oder? ;-)"
"haha, cguro nga.. so ano? Tayo na ba? :-)"
*Amputek! Ang landi mo Jey ah, paano kung ibang tao ang katext mo tapos pumayag edi kayo na nga kahit na di mo pa sya kakilala? Paano kung masamang tao pala ang katext mo? Edi mapapahamak ka ng wala sa oras? Paano kung- teka.. Matawagan nga ang gagong to.*
Naghintay ako ng saglit na sagutin nga ni Jey ang aking tawag. Buti nalang at sinagot naman nya ito agad. Humanda ka.
"Uhmm, hello babe? Oh ano tayo na ba? Tara meet tayo. Hehehe" malanding sagot nito sa kabilang linya, na talaga namang sinabayan pa ng malanding halakhak ha?
"Hoy Jey! Huwag mo akong ma-babe-babe jan ha. Panu kung masamang tao pala ang nagtext sayo at hindi ako, tapos sinakyan yang kalandian mo? Edi nagkaboyfriend ka ng di mo man lang kakilala? Pano kung mapahamak ka ng wala sa oras ha? Mag-ayos ka nga. Hindi sa lahat ng oras-" napahinto ako sa pananalita, teka? Nakikinig pa ba to? Eh puro tawa lang ang naririnig ko sa kabilang linya ah. "Hello Jey! Nakikinig kapa ba? Aba gago to ah."
Saglit syang natigil sa pagtawa bago nagsalita, "Eh Vince alam ko namang ikaw yun eh, sinabi sakin ni kuya Rence na may bago ka nang cp at hiningi mo number ko sa kanya. Hahaha may pa IM YOURS, IM YOURS kapang nalalaman ah? Hahahaha"
Pakiramdam ko'y namula ako sa kanyang sinabi. Amputek diba ako dapat ang mangti-trip sa kanya? Eh bat nabaliktad pa ata ngayon?
"Ewan ko sayo bahala ka na nga jan," napipikon kung sabi sabay putol ng linya..
Nakakainis naman kasi, ewan ko kung bat ako naiinis. Basta naiinis ako. Pero sa kabila ng inis na aking nararamdaman ay di ko namalayang napapangiti na pala ako.
Sa pagdating ng aming junior year sa highschool ay mas lalong lumalim ang pagkakaibigan namin ni Jey. Kasabay nito ay ang pag-usbong ng hindi ko maipaliwanag na damdamin para sa kanya. Alam kong lalaki ako at literal na lalaki din sya kaya dapat ay mali itong aking nararamdaman pero hindi ko mapigilan ang aking sarili. Hindi ko kayang hindi sya makita kahit ni isang araw lang, gusto kong parati siyang nasa tabi ko, ayokong may kasama syang ibang babae o bakla dahil kitang kita ko sa kanilang mga mata ang paghanga sa aking kaibigan. Hindi ko kayang nakikita syang nasasaktan dahil sa di ko maipaliwanag na pakiramdam ay mas nasasaktan ako. Oo umamin na sa akin si Jey na bakla sya, pero kaming dalawa lang nakakaalam nun, kasi natatakot syang maging tampulan ng tukso. Tutal hindi pa naman daw nya alam kung bakla talaga sya kasi madalas pa naman daw syang maatract sa mga babae tsaka sa paningin ng iba'y lalaki parin sya. Kaya minabuti naming ilihim muna ang kanyang pagkatao.
Patapos na noon ang school year, nagpapraktis kami ng basketball sa aming skwelahan kasama ang aking mga teamates. Isinama ko rin si Jey at sinabihan kung manood ng praktis, gusto kong andun sya dahil para sa akin sya ang lucky charm ko. Natuwa naman ako ng makita syang nagchecheer sa akin sa twing makakapuntos ako. Maayos namang natapos ang laro.
Dumiretso muna ako sa locker room ng gym at nagpasyang magshower muna bago puntahan si Jey. Paglabas ko sa locker room ay nakita kong kinakausap si Jey ng grupo ng mga babae at bakla, kitang kita ko kung paano nila landiin ang aking kaibigan kaya nagpasya na akong tawagin sya.
"Jey." walang emosyon kong tawag sa kanya. Napaharap naman sa akin si Jey at ang mga babae at baklang lumalandi sa kanya. Nakita ko namang kinilig ang mga ito.
"Oh andito na pala si papa Vince, hi Vince!" ang bati sa akin ng isa sa mga baklang malandi.
"Jey tara na." walang emosyon ko paring anyaya sa kanya. Tumayo naman si Jey at tuluyan na naming nilisan ang gym na iyon. Nagtaka naman ang grupo ng mga babae't bakla dahil sa pang-i-isnob ko sa kanila.
Wala akung imik habang naglalakad sa loob ng subdivision pauwi sa aming bahay. Nagpasya kaming lakarin lang ang loob ng subdivision kahit na medjo may kalayuan pa dito ang aming bahay.
"Cent? May problema ba? Kanina kapa walang imik ah? Kanina pa ako daldal ng daldal dito tapos di ka man lang naimik?"
"Bat kinakausap mo ang mga babae at mga baklang yun?" wala paring emosyon kong pagkakatanong.
"Eto nanaman tayo eh, bat ba sa twing may kausap akong babae o bakla ay nagagalit ka?"
Napahinto ako sa paglalakad sa kanyang tanong. Humarap ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang aking isasagot
"D-dahil pinoprotektahan lang kita."
Nangunot ang kanyang noo, kita ko ang pagkalito sa kanyang mga singkit na mata.
"Pinoprotektahan saan?" naguguluhang tanong nya.
Napaiwas ako ng tingin sa kanyang tanong. Wala akong maisagot. Pilit kong iniba ang usapan
Pero makulit parin sya, pilit na inaalam kung ano nga ba ang mga kasagutan sa kanyang mga katanungan. Iyon ang nagdulot sa akin para mainis sa kanya at masabi ang mga bagay na hindi ko akalaing lalabas sa aking bibig.
"Alam mo kung hindi lang kita kilala iisipin kong malanding bakla- iisipin kung isa ka sa kanila!! Mga makakating bakla! Walang magawa kundi tsumupa!" dirediretso kung sabi.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nasabi ko yun sa kanya. Siguro ay dahil sa di ko pa rin matanggap sa aking sarili na nagseselos nga ako, kaya gumawa nalang ng dahilan ang aking utak para di ko na isiping selos nga ang nararamdaman ko, na agad ko namang pinagsisihan ng bigla ko itong masabi ng harapan sa bestfriend ko.
Nakita ko kung paano tumulo ang masaganang luha sa kanyang mga mata. Kitang-kita ko dito ang pagkalito kung bakit ko iyon nasabi at ang sakit na idinulot nito sa kanya.
"Yan na ba talaga ang tingin mo sa akin?" lumuluha at puno ng hinagpis niyang tanong sa akin.
Iniwas ko ang aking tingin sa kanya, pinipigilang tumulo ang aking mga luha. Hindi ko sya kayang tingnan habang nasasaktan lalong lalo pa't ako ang dahilan ng kanyang pagluha, dahil unti-unti nitong dinudurog ang aking puso.
Pinahiran niya ang kanyang mga luha, pero patuloy parin ito sa pag-agos na parang walang katapusan.
"Sige kung yan ang gusto mong isipin, pagbibigyan kita. Siguro nga bakla na ako, hindi malaki ang katawan ko katulad mo, hindi ako kasing kisig mo kung kumilos, hindi ako mahilig sa basketball katulad mo. At hindi rin ako habulin ng mga chicks katulad mo. Kasi hindi naman ako lalaki katulad mo diba?" huminto sya sa pananalita.
*Mali ka Jey, kung nakikita mo lang ang mga humahangang tingin sayo ng mga babae't bakla sa campus, kung nararamdaman mo lang ang mga paglalandi at pang-aakit nila sayo, kung alam mo lang kung gaano ka lingunin ng mga tao sa mall, kung alam mo lang na nagseselos ako, kung alam mo lang na nasasaktan ako sa twing nasasaktan ka, kung alam mo lang kung gaano kita kagustong ikulong sa aking mga bisig at pagbubugbugin ang mga babae at baklang lumalandi sayo, kung alam mo lang na... mahal na ata kita... Maiintindihan mo sana ako kung bakit kita inilalayo sa kanila.* gustong-gusto ko nang sabihin ang mga katagang ito sa kanya pero parang may nag uudyok sa akin na huwag sabihin ito. Paano kung magalit sya? Paano kung layuan nya ako? Wag nalang muna, hindi ko pa kaya.
Muli niyang pinunasan ang kanyang luhang walang tigil parin sa pagdaloy bago nagpatuloy, "Salamat ha? Pinarealize mo sa akin kung ano nga ba talaga ako, ngayon alam kuna kung bakit hindi kompleto ang araw ko sa twing hindi kita makita, kung bakit napakasaya ko sa twing kasama kita, kung bakit ang bigat ng pakiramdam ko sa twing alam kung may problema ka, kung bakit hindi ako makatulog gabi-gabi kasi iniisip kita. Oo Cent, mahal na nga siguro kita, higit pa sa kaibigan. Hindi ko alam kung bakit, pero pilit ko mang pigilan, hindi ko kaya. Dahil sa araw-araw kitang nakakasama ay mas lalong lumalalim ang pagtingin ko sayo." huminto sya, muling pinahiran ang luha at matigas na sinabing "Pero wag kang mag-alala Cent dahil ang baklang to sa harap mo, ay lalayo na sayo. Dahil ang baklang to, ay hindi nararapat na maging kaibigan ng isang lalaking katulad mo. Kaya kalimutan mo ng may Jey kang kaibigan na minsang nagmahal sayo."
Papatakbong umalis si Jey habang wala paring tigil ang pag-agos ng kanyang masaganang luha. Batid ko ang sobrang bigat ng kanyang dinadala. Pakiramdam ko'y nadurog ang aking puso ng makita ko syang umalis sa aking harapan.
Kanina pa nakaalis si Jey sa aking harapan pero nanatili parin akung tulala sa aking kinatatayuan. Pilit na iniintindi ang mga sinabi ni Jey. Tila isa itong liham na kay tagal ng ipinadala, ngunit ngayon lang nabasa at naintindihan ng aking utak. Hindi ako makapaniwala sa kanyang mga sinabi, ang buong akala ko'y ako lang ang may kakaibang nararamdaman para sa kanya, pero mali ako dahil siya man ay may nararamdaman din para sa akin.
Bigla akong napangiti sa kabila ng mga luhang dumadaloy sa aking mukha ng marealize kung, mahal din pala ako ng aking bestfriend ng higit pa sa pagiging magkaibigan. Napailing ako, ang laki kung tanga, ba't ngayon lang naproseso at naintindihan ng aking utak ang kanyang mga sinabi?
Pinahiran ko ang aking luha, mahal ako ni Jey at kailangan nyang malamang mahal ko rin sya ng higit pa sa kaibigan. Kailangan kong magpaliwanag na nagseselos lang ako kaya ko nasabi ang mga yun. Kailangan kung sabihin ang mga bagay na dapat ay matagal ko ng sinabi sa kanya. Kailangan nyang malaman ang lahat.
Ngumiti ako at puno ng pag-asang tumakbo ng mabilis papunta sa kanilang bahay. Pag-asang magkakaayos kaming dalawa. Pag-asang magiging maayos na ang lahat. At pag-asang hindi na nya ako kailangang layuan pa. Mahal ako ni Jey, kaya kailangan nya ring malamang mahal ko rin sya. Tumakbo ako na may ngiti sa aking labi.
"Mahal kita Jey, mahal na mahal" ang nabanggit ko sa aking sarili habang ako ay tumatakbo.
Inabutan ko ang kanilang yaya na magsasara na sana ng kanilang gate.
"Manang Fe si Jey po anjan na?" humahangos kung tanong sa matanda.
"Naku Vincent buti andito ka, puntahan mo muna si sir Jey andun sa kwarto nya umiiyak." turo sa akin ni manang Fe.
Agad ko namang pinuntahan ang kanyang kwarto at nakita kong hindi masyadong nakasara ang pinto nito. Bahagya kong binuksan ang pinto, sumilip sa loob ng kwarto, at nakita ko nga sya sa loob. Aktong papasok na sana ako nang mapansin kung hindi sya nag-iisa, pakiramdam ko'y nabiyak ang aking puso ng makita ko syang kahalikan ang lalaking kasama nya, si kuya Rence.
Ramdam ko ang pagkadurog ng nabiyak kong puso kasabay ng pagtulo ng masagana kong luha. Kitang-kita ko kung gaano katagal ang naging halikan nilang iyon. Umalis nalang ako ng walang paalam baka kasi makaistorbo pa ako. Mabigat ang loob na nilisan ko ang kanilang bahay. Walang tigil pa rin sa pag-agos ang aking mga luha habang naglalakad ako pauwi sa bahay.
Noong gabing iyon ay pilit kong tinanggap sa aking sarili na hanggang doon nalang ang pagkakaibigan namin ni Jey. Na hindi na madudugtungan pa ang masasayang oras na pinagsamahan namin. Dahil wala na si Jey, ang aking kaibigan na minsan ko na ring minahal.
Natapos na ang school year at mabagal na lumipas ang dalawang buwang bakasyon at nakatuntong na nga kami sa aming huling taon sa highschool, ang senior year. Di tulad ng dati, hindi na kami ngayon nagpapansinan ni Jey. Madalas na nyang kasama yung mga babae't baklang lumalandi sa kanya at ako naman ay nakahanap din ng bagong grupo ng barkada. Mas lalong naging active si Jey sa mga academic activities ng school, anjan ang nagsusulat na sya sa dyaryo ng skwelahan, sumali sa glee club, naging officer sa aming batch at naging busy din sya sa iba pang org sa school, balitang balita na rin sa aming section na running for valedictorian sya. Pero isa lang ang talagang ikinagulat ko sa lahat, ang pagiging isang lantad na bisexual nga ni Jey. Noong una ay hindi ko maintindihan kung ano ang salitang bisexual pero sabi ng isa sa mga bago kung tropa na si Jon Mark Suarez na isa rin palang lihim na bi at may gusto daw sya sa akin at ganun din kay Jey,
"Kaming mga bi ay yung mga taong attracted sa both sexes. Di tulad ng mga bakla na sa lalaki lang nalilibugan, kaming mga bi ay sa parehong lalaki at babae nalilibugan. Katulad ngayon libog na libog na ako sainyong dalawa ni Katya, siguro pwede naman tayong mag-threesome" naalala kung sabi noon ni Jon sa akin habang hinihimas-himas pa ang aking ari ng kanyang kanang kamay na akin namang tinapik at natawa nalang.
Ako naman ay naging busy din sa pagiging varsity ng school, madalas din akung napapasali sa mga school pageants, at dito ko nga nakilala si Faye. Maganda si Faye, sexy at maputi.
Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ko at niligawan ko sya kahit hindi ko naman sya ganoong kagusto. Three days lang akong nanligaw kay Faye at agad nya akong sinagot. Siya ang una kong girlfriend.
Lumipas ang ilang araw at kumalat na nga sa buong school na kami na nga ni Faye, paano ba namang hindi kakalat eh sa parehas kaming sikat sa campus.
Noong una ay naiilang ako sa pagiging PDA namin, hindi kasi ako sana'y, di tulad nya na napakarami ng naging boyfriends kaya ganun nalang sya kasanay na landiin ako sa harap ng mga napakaraming tao. Pero nung kinalaunan ay nasanay na rin ako. Siguro nga ganito talaga pagmay kasintahan ka, kailangan nyong landiin ang isa't isa.
3 days after JS Prom namin noon ng biglang lumapit sa amin ni Faye si Jey habang naglalambingan kami sa canteen. Nabigla ako sa kanyang paglapit. Ramdam ko ang awkward moment sa pagitan naming dalawa. Kitang-kita ko ang pagdadalawang isip sa kanyang mata kung kakausapin nya ba kami o hindi.
Si Faye naman ay walang ideya sa nangyayaring awkward moment sa pagitan namin ni Jey. Hindi ko naman kasi nabanggit sa kanya na dati kaming magbestfriend, at nasa ibang section sya kaya ang alam nya ay simpleng magkaklase lang kami ni Jey.
"Hi Jey, have a seat" nakangiting bati ni Faye kay Jey
"Uhm hello, pwede ko ba kayong mainterview? Ako kasi ang naatasang magsulat ng article about sa JS PROM King And Queen, magrerelease na kasi ang school ng bagong issue ng Dancalan Breeze (school newspaper namin) before the end of this month kaya kailangan kong humabol ng deadline" direderetsong sabi ni Jey pagkatapos maupo sa bakanteng upuan sa harap namin ni Faye. Alam kung kinakabahan ito.
Nakaramdam ako ng inis kay Jey, nananadya ba to? Pwede naman nyang tanggihan iniutos sa kanya ah.
"ah yun lang pala, su-" bigla kung pinutol ang sasabihing iyon ni Faye.
"No thanks, may gagawin pa kami." malamig kung sabi tsaka tumayo at aktong aalis na sa aming kinauupuan, habang hawak ko ang malambot na kamay ni Faye.
Nakita ko ang pagkabigla sa mga mata ni Jey, napasinghap pa ito ng makitang magkaholding hands kami ni Faye sa harap nya. Nataranta ito noong aktong aalis na kami, napatayo sya ng wala sa oras.
"C-cent, p-please?" puno ng pagmamakaawa, sakit, lungkot at walang pag-asang pakiusap ni Jey.
Napahinto naman ako sa aking aktong paglalakad, hawak ko pa rin ang kamay ni Faye habang nasa likod ko lang sya nakasunod sa akin, napapikit ako. Ramdam ko ang mga pinaghalong emosyon sa pagkakasabing iyon ni Jey. Hindi ako makakibo. Aktong ihahakbang kuna sanang muli ang aking mga paa para umalis ng maramdaman kung humigpit ang pagkakahawak ni Faye sa aking kamay. Nilingon ko sya. Nakita ko ang nagmamakaawang tingin nya sa akin. Tiningnan ko si Jey na ngayon ay nakatayo parin sa likod ni Faye, nandun parin ang iba't ibang emosyon sa kanyang mga mata. Muli kung tiningnan si Faye at muli nitong hinigpitan ang paghawak sa aking kamay. Alam ko kung ano ang gustong mangyari ni Faye, gusto niyang pagbigyan si Jey sa interview nito. Napabuntong hininga ako.
"Fine" walang emosyon kung pagkakasabi.
"Thanks baby," natutuwang sabi sa akin ni Faye sabay yakap.
Nakita ko namang napayuko si Jey ng bigla akong yakapin ni Faye. Kitang kita ko ang pinaghalong selos at lungkot sa kanyang mga mata, na tila ba anumang oras ay iiyak na.
"T-thanks" mahinang pagkakasabi nito habang nakayuko.
Bumalik kami sa aming kinauupuan at nagsimula na nga ang interview na puro si Faye lang ang sumasagot. Si Faye naman ay pilit na pinapasaya ang paligid, alam kung ramdam na niya ang tensyon sa pagitan naming dalawa ni Jey. Kahit na wala syang ideya kong bakit mayroon ngang tensyon sa pagitan namin ni Jey.
"So can you tell me on how did you met each other?" teka, bakit kailangan pa yang itanong eh hindi naman yan tungkol sa JS Prom ah?
"Teka, bat ganyan ang tanong mo? Diba dapat tungkol sa JS Prom King and Queen?" irita kung balik ng tanong dito. Namemersonal na ba to?
"A-ah kasi gusto kung isabay sa article ang b-brief history ng love story ninyong dalawa, ang plano ko kasi sa article ko ay gagawin ko itong parang love story. Magsisimula sa pagkakakilala nyo hanggang sa magtatapos sa pagiging JS Prom King and Queen nyo.." direderetsang sagot ni Jey.
"Tss" napailing nalang ako. Ewan ko ba at naiirita ako sa taong to. Hinawakan naman ni Faye ang aking kamay upang pakalmahin ako.
"Ah wag mo nang pansinin tong si Vince ah, mainit lang talaga ang ulo nito ngayon, pagpasensyahan muna." paumanhin ni Faye, tumango at ngumiti naman si Jey na nagsasabing ok lang sa kanya yun, na aking ikinailing naman sa sobrang pagkairita.
At ganun na nga ang nangyari kwenento ni Faye kung paano kami nagkakilala sa pageant at nagpalitan ng number, nagligawan, hanggang sa maging official na maging kami na nga at pati na rin ang mga kabaliwan at kakornihang ginagawa namin ay naikwento pa nya.
Nakita ko naman ang mga pekeng ngiti na ibinabalik ni Jey kay Faye. Kitang kita ko rin ang lungkot at selos sa kanyang mga mata na pinipigilang lumuha. Selos? Teka, bat nga ba nagseselos pa si Jey eh diba nga may Kuya Rence na sya? Teka nga ah.. Napangiti ako ng lihim ng may maisip akong ideya.
"So noong tinawag ang pangalan ninyong dalawa bilang JS Prom King and Queen, ano ang naramdaman nyo?" tanong ni Jey.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Faye noong sasagutin na nya ang tanong, napatigil ito sa akmang pagsagot at ako ang nagsalita.
"Actually expected na namin na kami ang mananalo, bukod kasi sa confident at sanay na kami sa ganung mga bagay, may chemistry kami, MAHAL NA MAHAL NAMIN ANG ISA'T ISA and we are the perfect couple for the event." nakangiti kong sagot dito na binibigyang diin ang mga katagang MAHAL NA MAHAL NAMIN ANG ISA'T ISA.
Kitang kita ko ang biglaang pagpatak ng luha ni Jey na agad naman nitong pinunasan at yumuko. Hindi naman ito napansin ni Faye dahil yumakap ito sa akin ng marinig ang sagot ko. Muling humarap sa amin si Jey ng wala ng bakas ng luha, pero nandun pa rin ang labis na kalungkutan sa kanyang mga mata.
"Now for the last question, anong gusto nyong pamagat sa article na to?"
Binigyan ko sya ng matatalim na titig. Puno ng hinanakit, puno ng hinagpis at sama ng loob. Ngumisi ako bago sumagot.
"The Perfect Match"
Kitang kita ko ang pagbagsak ng masagana nyang luha, bigla itong tumayo at patakbong umalis mula sa kanyang kinauupuan nang walang paalam. Nakita kung naiwan ang kanyang cellphone.
*-*-*-*-*-*-*
Nakahiga ako sa kama habang iniisip ang mga pangyayari kanina. Hindi ko alam kung bat nasaktan ako ng makita kong muli ang masaganang luha na dumaloy mula sa mga mata ni Jey. Wala sa sariling kinuha ko ang kanyang cellphone.
Una kung tiningnan ang kanyang gallery. Naagaw ang attention ko ng isang folder na may pangalang "My Perfect Match". Binuksan ko ito at nabigla sa aking nakita. Ito ay folder na naglalaman ng 1569 pictures na puro ako lang. Karamihan sa mga pictures ay stolen shots, meron ding mga pictures na galing pageants na sinalihan ko, may mga nakaformal attire, uniform attire at pati na rin swimwear attire. Meron ding ilang pics na magkasama kami na kinunan noong magkasundo pa kami. Hindi ko namalayang tumulo ang aking luha. Bigla kong namiss si Jey.
Maya-maya'y biglang tumunog ang cellphone ni Jey, may nagtext. Tiningnan ko kung kanino galing ang message, kay kuya Rence. Binuksan ko ito.
"Don't worry Jey, evrythng s going 2 b fine. Magkakaaus dn kau ni Vince."
Napaisip ako sa mensaheng ipinadala ni kuya Rence, ibig bang sabihin nito'y hindi pa nya alam na naiwan ni Jey ang cellphone nya? Nagkita kaya sila kanina at naikwento ni Jey sa kanya ang mga nangyari kanina sa interview? Umiiyak pa kaya si Jey? Kumusta na kaya sya?
Napagpasyahan kung bigyang kasagutan ang mga tanong kung iyon, kaya minabuti kong kausapin si kuya Rence.
Lumabas ako sa kwarto naming mga katulong at nakita ko nga syang paakyat ng hagdanan, tinawag ko sya ng aktong papasok na sana sa kanyang kwarto.
"K-kuya Rence!" ngunit parang wala itong narinig at nagtuloy-tuloy lang sa pagpasok sa loob ng kanyang kwarto. Sinundan ko sya at nakita ko ngang bahagyang nakabukas ang pinto ng kanyang kwarto kaya minabuti ko ng pumasok sa loob.
"Kuya Rence, pwede ba tayong mag-usap?" nahihiya kong pakiusap dito.
Hindi sya umimik. Ibinagsak nito ang kanyang bag sa kama, hinubad ang kanyang uniform at natira ang kanyang puting sando. Nanatili parin itong nakatalikod sa akin.
"Kuya Rence please, gusto ko lang po malaman kung kumusta na si Jey." Lumingon sya sa akin.
"Para san pa? Para malaman mo kung gaano mo sya nasaktan? Para malaman mo kung gaano katanga ang kaibigan ko at ikaw ang minahal nya? Tsk. Lumabas kana Vince. Wala kang makukuhang sagot sa akin." mahinahon ngunit puno ng pait na pagkakasabi ni kuya Rence.
Tila naman nagpantig ang tenga ko sa aking narinig. Muli kong naalala ang kanilang halikan, mag-iisang taon na ang nakaraan. Nakadama ako ng inis sa taong kaharap ko ngayon.
"Kaibigan? Ganun na ba talaga ang mga magkakaibigan? Ha kuya Rence? Naghahalikan?" napangisi sya sa aking nasabi.
"So nakita mo kaming naghahalikan, last year pa yun diba?" tumawa sya ng mapakla, bago nagpatuloy "Oo Vince, tama ka. Naghalikan kami ni Jey, eh ano ngayon? Selos ka?" muli syang tumawa ng nang-iinis bago nagpatuloy "At alam mo ba kung ano ang sumunod na nangyari matapos ang mainit na halikang yon? Hinubaran ko sya, and guess what? Hinubaran nya rin ako. Tapos muli kaming naghali-" *boogs!* hindi ko na kaya pang marinig ang mga susunod pang sasabihin ni kuya Rence. Sa sobrang inis ko sa kanya ay bigla ko syang sinuntok.
"Putang ina mo! Manahimik ka!" galit kong tugon dito. Nakangisi pa rin sya na tila ba nang-iinis habang pinahiran ang dugong dumaloy sa kanyang pumutok na labi.
"Eh bat ka pikon?" di parin naaalis ang ngisi sa kanyang labi bago nagpatuloy "Wag mong sabihing nagseselos ka?" *boogs!* muli ko syang sinuntok.
"Putang ina mo! Nagseselos ka nga!" pasigaw nitong tugon sa akin.
"Oo! Nagseselos ako! Masaya kana??!"
Tumawa sya bago nagsalita "Eh gago ka pala eh, bat ka naman magseselos? Kayo ba?!!"
"Dahil mahal ko syang gago ka! Noon pa!!"
"Eh mas gago ka pala eh! Bat di mo sya pinaglaban?!"
Napatigil ako sa aktong pagsagot sana, ng marealize ko ang kanyang tanong. Bat di mo sya pinaglaban?
"Da-dahil natakot ako." *boogs!* napa-aray ako ng maramdaman kong lumatay sa aking mukha ang kamao ni kuya Rence.
"Tang-ina! Ano bang problema mo?"
"Gago ka! Para yan sa katangahan mo!!" *boogs!* muling lumatay sa aking mukha ang kanyang kamao "At yan, para yan sa mga pasakit na naramdaman ni Jey dahil sayo! And lastly.." *boogs!* *boogs!* muli ako nitong sinuntok sa magkabilang pisngi "Para naman yan sa suntok mo sa akin gago ka! Walang nangyari sa amin ni Jey! Hinalikan ko sya noon dahil alam kung nasa pintuan ka pinapanood kami! Ang akala ko noon ay doon mo marerealize na mahal mo sya at ipaglalaban mo sya, pero mali ako, dahil naduwag kang gago ka! Pero huwag kang mag-alala, dahil hanggang ngayon mahal ka pa rin ni Jey!" huminto siya, bago mahinahong nagpatuloy "Puntahan mo na sya, alam kung miss na miss kana nun. Pero please lang, huwag mo na syang sasaktang muli, dahil sinisugurado kung hindi lang yan ang aabutin mo."
Nakangiti si kuya Rence ng sinabi nya ito. Ako naman ay hindi makakibo sa aking kinatatayuan. Tila namanhid rin ang kanyang mga suntok sa aking mukha sa sobrang tuwa at pagkabigla dahil sa aking mga narinig. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas upang makalapit kay kuya Rence at yakapin sya ng napakahigpit.
"Salamat kuya Rence, maraming maraming salamat. Hindi ko maipapangakong hindi ko sya masasaktan dahil normal lang iyon sa mga relasyon, pero pinapangako kung, iiwasan kung masaktan sya sa abot ng aking makakaya." umiiyak kong sabi dahil sa tuwa.
"Gago anung relasyon ang pinagsasabi mo? Eh hindi naman kayo pwede ah. May girlfriend ka alalahanin mo."
Kumalas ako sa pagkakayakap dahil sa kanyang mga sinabi. Oo nga pala si Faye.
"Tsaka kuna poproblemahin yun kuya. Ang importante muna ngayon ay ang magkaayos kami ni Jey." nakangiti kong sabi kay kuya Rence, pilit na iwinawaksi si Faye sa aking isipan.
Ngumiti rin sa akin si kuya Rence bago nagsalita "Sige na, puntahan muna si Jey, kailangang kailangan ka nun ngayon."
Nakangiti kong tinakbo ang bahay nila Jey. Puno ng pag-asa kong inihakbang ang aking mga paa patungo sa daang maghahatid sa akin sa kanilang mansyon. Hingal na hingal akong nakarating sa tapat ng kanilang bahay.
Nagdoorbell ako, mamaya-maya'y pinagbuksan ako ni manang Fe at magiliw nga akong pinapasok sa loob ng mansyon.
"Oh Jey, kumusta kana na? Bat ngayon ka lang uli nakabisita, teka gabing gabi na ah, ano bang kailangan mong bata ka? Oh! Nakipagbasag ulo ka bang bata ka? Ba't andami mong pasa?"
"Ah wala ho ito, manang Fe anjan po ba si Jey sa loob? Pwede ko po ba syang makausap?"
"Naku! kayo talagang mga kabataan oo, sige na iho kausapin mo na si Jey, mabuti pa nga ng maalis ang lungkot ng batang yun. Nag-away nanaman kasi sila ng mommy nya kanina, kaya ayun iyak nanaman ng iyak sa kwarto nya. Kawawang bata.." umiling si manang Fe bago nagpatuloy "Matapos nyang sabihin sa kanyang pamilya ang tungkol sa kanyang sekwalidad ay halos araw-araw na syang napapagalitan ng kanyang mommy at daddy. Pati kuya nya kung anu-ano na ang itinatawag sa kanya. Kung anu-anong masasakit na salita na ang pinagsasasabi sa kanya"
"Ganun po ba?" malungkot kung tanong kay manang Fe hindi ko alam na ganito na pala kahirap ang kanyang sitwasyon ngayon. "Pwede ko po ba syang makausap sa taas?"
"Sige na iho, puntahan mo na sya. Kaya lang baka natutulog na yun. Pero silipin mo na, baka gising pa naman sya eh."
Mabilis kong tinungo ang kwarto ni Jey. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan ng matapat ako sa pinto ng kanyang kwarto. Marahan akong kumatok.
"Jey?" walang sumagot.
"Jey si Vince to." wala paring sumasagot.
Sinubukan kong pihitin ang seradura ng pinto, buti hindi ito nakalock. Dahan-dahan ko itong binuksan at tumambad nga sa akin ng napakadilim na kwarto ni Jey. Nakasara ang ilaw at damang dama ko ang lamig na hatid ng aircon na bumalot sa aking katawan. Bigla akong kinilabutan. Nakakabingi ang katahimikan ng silid.
"Jey?" wala paring sumagot.
Tama nga si manang Fe, baka natutulog na si Jey. Akto na sana akong lalabas ng kwarto ng marinig ko ang boses ni Jey.
"C-Cent..." mas lalo akong kinilabutan sa boses ni Jey. Tila ito'y isang taong paos na paos na sa kakaiyak. Ramdam na ramdam ko sa kanyang boses ang kawalan ng pag-asa at kakampi sa pagsubok ng buhay. Punong-puno ito ng kalungkutan, hinagpis at awa sa sarili.
Biglang pumatak ang aking mga luha. Nakaramdam ako ng galit para sa aking sarili. Kung hindi sana ako naging duwag sa aking nararamdaman para sa kanya'y hindi magkakaganito ang aking kaibigan. Hindi nya sana mararamdaman ang pag-iisa at kawalan ng kakampi't pag-asa sa buhay.
Pinahid ko ang aking luha at mabilis na inihakbang ang aking mga paa patungo sa may pinto ng kwarto at kinapa ang switch ng ilaw sa pader na katabi ng pintuan. Nagliwanag ang paligid, pero wala akong makitang Jey na nakahiga sa kama. Pumunta ako sa terrace ng kanyang kwarto pero wala rin sya. Sinubukan ko ring tingnan sa loob ng cr pero wala akong makitang Jey sa loob.
Papalabas na sana ako ng banyo ng mapansin ko ang nakasarang shower curtain. Hindi ko alam kung bakit sobrang bumilis ang tibok ng aking puso. Nagtatayuan ang aking mga balahibo at hindi ko maipaliwanag kong bakit. Tila may isang malakas na pwersang humuhugot sa akin na hawiin ang kurtinang iyon. Lumapit ako dito.
Unti-unti kong hinawi ang kurtina...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Biglang tumulo ang aking mga luha sa aking nakita. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Nanginginig ang aking mga kamay at tuhod.
"Hindi. Hindi ito totoo." umiiling kong sabi sa aking sarili.
Tumalikod ako. Dahan dahang inihakbang ang aking mga paa palabas ng banyo habang wala paring tigil sa pag-agos ang masagana kung luha. Napahagulhol ako. Wala akong pakialam kung gaano man kalakas ang aking iyak. Bakit? Bakit kailangang humantong sa ganito? Bakit hindi mo ako hinintay at hinayaang magpaliwanag? Bakit Jey? Bakit mo ako iniwan?
Napasandal ako sa may pintuan ng cr dahil sa di ko na makayanan ang emosyong aking dinadala. Nanghihina man ay wala paring tigil sa pag-agos ang aking luha. Tila ito'y ilog na walang tigil sa pag-agos.
Hindi ko namalayang napadaan sa harap ng kwarto ni Jey ang kanyang kuya na si kuya Sam. Huminto ito ng makita akong umiiyak sa loob ng kwarto ni Jey.
"Vince? Anong ginagawa mo dito? Bat ka umiiyak? Teka, san galing yang mga pasa mo?" ngumiti ito bago nagpatuloy "Don't tell me nagbugbugan kayo ni Jey? Wag ka ngang umiyak jan, lumaban kapa. Bugbugin mo yung baklang yun para maging tunay na lalaki. Kung gusto mo tulungan pa kita eh, ng mawala ang kabaklaan ng hayop na yun."
Nagdilim ang aking paningin sa aking mga narinig mula kay kuya Sam. Galit na galit ko syang nilapitan at pinagsusuntok.
"Pu.tang.ina.mooo! Hayop ka!" *boogs**boogs**boogs* mariin kong sigaw dito sabay suntok sa kanyang magkabilang pisngi at sikmura.
"Tang-ina ka! Ano bang problema mo? Kinukonsente mo ba ang kabaklaan ng kapatid ko ha? Siguro nagpapachu-" *boogs!* naputol ang kanyang sasabihn ng muli ko syang sinunggaban ng suntok.
"Hayop ka! Bawiin mo ang sinabi mo!!" balik sigaw ko dito.
Bigla namang nagsipasukan ang kanyang mommy at daddy sa loob ng kwarto ni Jey kasunod nila sila manang Fe at ang iba pang kasambahay sa mansyon.
"Ano bang nangyayari dito??! Vince? Anong ginagawa mo dito?" galit na sigaw ng mommy ni Jey.
"Vince alalahanin mong nasa puder ka namin at anak ka lang ng katulong ng kaibigan ko. Pwedeng pwede ko silang sabihan na palayasin kayong mag-ina. Kung hindi ka aalis di-"
"Yan! Jan ka magaling tito! Sa paggamit ng iyong impluwensya. Sa pagmamanipula sa buhay ng ibang tao. Bakit hindi mo subukang tanggapin ang isang tao kung ano sya at kung ano ang meron sya? Bakit hindi mo hayaang maging masaya ang isang tao sa kanyang gusto? Bakit hindi mo sya bigyang kalayaang pumili sa buhay na kanyang napiling tahakin? Bakit hindi mo sya kayang mahalin sa kabila ng kanyang kabaklaan? Bakit tito? Bakit?" umiiyak kong tanong sa daddy ni Jey na ikinatahimik nito.
"Hoy! Wala kang karapatang kwestionin ang dad ng ganyan ah? Wala kang pakialam kung ano man ang nangyayari sa loob ng bahay na ito dahil pamilya namin to. Ano bang problema mo? Kung makaasta kala mo kung sino ka. Eh, kaibigan ka lang naman ng bakla kong kapatid ah?"
"Anong problema ko? Tinatanong mo ako kung ano ang problema ko? Ikaw! Ikaw kuya Sam ang problema ko. Bakit kong makapagsalita ka ay parang hindi mo kapatid si Jey? Bakit kasalanan ba nya kung bakit naging bakla sya? Kasalanan ba nyang naging masaya sya sa pagiging bakla? At kayo!" itinuro ko ang mga magulang ni Jey bago nagpatuloy "Kayong mga magulang na dapat ay gagabay, susuporta at magmamahal sa anak nyo kahit na ano pa man sya, asan kayo ng mga sandaling sobrang lungkot ni Jey? Asan kayo ng gustong gusto nyang ikwento ang masasayang araw nya? Asan kayo ng magbirthday sya? Wala kayo! Dahil wala kayong kwentang magulang!"
"Shut up Vince! Wala kang karapatang sabihin yan sa loob ng aming pamamahay!" sigaw sa akin ng mommy ni Jey.
"Putang ina ikaw ang manahimik dahil hindi pa ako tapos!" balik sigaw ko dito. Kita kong tumutulo na ang luha ng mommy ni Vince at ang kanya daddy naman ay nakitaan ko ng pagsisisi sa kanyang mga mata. Tila narerealize ang aking mga sinabi.
"Ngayon pinapatahimik mo ako? Bakit tita? Tinatamaan ka ba sa mga sinasabi ko? Dahil totoo namang, wala kayo sa mga pinakaimportanteng kaganapan sa buhay ni Jey. Sige nga sagutin mo ang tanong ko. Kelan ang-"
"Tama na!" sigaw ng daddy ni Jey na nagpatigil sa aking pananalita. "Oo, inaamin ko nagkamali kami. Pero hindi pa naman huli ang la-"
"Hindi pa huli ang lahat. Maaari nyo pang itama ang inyong mga pagkakamali. Yun ba ang dapat na sasabihin mo tito?" umiiling ako. Mas lalong bumuhos ang aking mga luha dahil sa sunod kong sinabi "Hindi tito, mali ka. Dahil huli na ang lahat. Wala na si Jey, hindi na nya maririnig ang ating mga sasabihin dahil patay na sya tito. Patay naaa!" humahagulhol kung sabi habang umiiling. Kitang-kita ko ang pagkabigla sa mukha ng mga taong nasa harap ko.
"Putang ina mo ano bang sinasabi mo ha?" galit na tanong ni kuya Sam habang kwenekwelyuhan ako.
Hindi ako sumagot. Bagkus ay mas lalo akong umiyak habang nakayuko.
"Vince, w-where's he?" umiiyak at di makapaniwalang tanong ng mommy ni Jey, habang ang dad naman nya ay tulala lang na nag-aantay sa sagot ko.
Dahan-dahang kong iniangat ang aking mga kamay tsaka tinuro ang banyo.
Nanghihina at dahan dahan namang lumakad ang kanyang mommy patungo sa cr habang ang kanyang kuya Sam at daddy ay nanatiling nakatulala sa aking harapan. Gulat na gulat sa aking mga sinabi. Idinako ko ang aking paningin sa mommy ni Jey. Nasa tapat ito ng nakabukas na pinto ng cr habang nakatakip ang dalawang kamay sa bibig at patuloy sa pag-agos ang kanyang mga luha. Alam kong pinipigilan nitong sumigaw.
Maya-maya'y naglakad ito papasok sa cr.
"JEEEEEEEEEEEEEEYY!!!" sigaw nito habang yakap-yakap ang nagbigting anak.
*-*-*-*-*-*-*
3 days after Jey's burial
Nag-aayos ako ng aking gamit para maghanda sa klase. One week na akong absent sa school kaya kailangan ko ng pumasok. Binuksan ko ang aking bag para ilagay ang mga notebooks na ginagamit ko sa umaga nang may mapansin akong isang pamilyar na bagay.
Inilabas ko ito sa bag at hindi nga ako nagkamali, ito ang journal na ibinigay ko kay Jey 3 years ago noong birthday nya. Hindi ko alam kung paano ito napunta sa bag ko. Binuklat ko ito hanggang sa matagpuan ko nalang ang aking sariling binabasa ang pinakahuling pahina.
"February 17, 2006
Mom, dad, kuya Sam, and Vince, sorry for being such the biggest disappointment. Sorry for being weak. Sorry for not being the perfect son. Sorry for not being the perfect bestfriend. Sorry for being gay. Sorry for everything. I know I'm not the perfect son nor the perfect brother, nor the perfect bestfriend nor the perfect match. But this is me. A person that is full of imperfections. A disappointment. A gay.
I'm tired of crying. I'm tired of hurting. I'm tired of expecting. I'm tired of hoping. I'm tired of loving. I'm tired of being alone. I'm tired of everything. Nobody loves me. Nobody cares for me. Nobody likes me. And nobody needs me.
Sorry, but I have to do this."
Walang tigil pa rin sa pag-agos ang masagana kong luha matapos kong basahin ang huling entry ni Jey sa kanyang journal.
Tangna ka Jey, andaya mo. Nakalimutan mo na bang ako si NOBODY? Bat di mo ako hinintay? Kasalanan ko ang lahat ng ito eh. Kasalanan ko to. Kasalanan ko to.
Nakatulogan ko ang kakaiyak at kakaisip kay Jey.
-------
Napabuntong hininga ako. Muling tumulo ang aking mga luha matapos kong ikwento sa matandang lalaki ang alaala ng kahapon na pilit parin akong binabalik-balikan. Mahabang katahimikan ang namagitan sa pagitan namin ng matandang lalaki. Maya-maya'y naramdaman kong tinatapik-tapik nya ang aking balikat. Hindi ko alam kong bakit biglang gumaan ang aking pakiramdam. Pakiramdam ko'y isa syang taong may kung anung mahalagang parte sa aking buhay na napakatagal ko ng hinahanap-hanap na maramdaman.
"Wag kang mag-alala, magiging ok din ang lahat bata. Wala man akong karapatang sabihin ito sayo pero, sana subukan mong magmove-on. Wag kang gagaya sa akin. Bata kapa at marami ka pang pangarap na dapat tuparin. Lakasan mo lang ang loob mo, gawin mong inspirasyon ang iyong inay sa pag-abot ng iyong mga pangarap. Iahon mo sya sa kahirapan." mahabang sabi sa akin ng matanda, ngumiti naman ako sa kanya, pinahiran ang aking mga luha tsaka nagpasalamat.
"Salamat." nakangiti kong sabi dito.
Ngumiti din sya at muling nagsalita. "Someday, everything will make perfect sense. But for now, laugh at the confusion, smile through the tears. And keep reminding yourself that everything happens for a reason. Tulad ngayon, graduate kana. Maybe it's a sign for you to move on. Be brave to say goodbye to the past and say hello to the new life that God will give you. That's life kid, it's all about goodbyes and hellos all over again."
Muli akong napangiti sa kanyang sinabi. Tama sya, siguro kailangan ko ng magmove on at harapin ang panibagong bukas na darating lalo pa't ngayong graduate na ako. Ngayon na ang simula para tuparin ko ang aking mga pangarap.
"Maraming salamat po hindi nyo po alam kong gano nyo napagaan ang aking pakiramdam. Tama ho kayo ngayong graduate na ako, ngayon na ang simula ng pagtupad ko ng aking mga pangarap para kay inay. Sige ho babalikan ko na ang inay sa school kung saan ginaganap ang graduation ceremony namin. Salamat po." mahaba kong pasasalamat dito at nagpasyang aalis na. Napangiti naman ang matandang lalaki sa aking mga sinabi. Akto na sana akong aalis ng tawagin nya ako.
"Ah bata, ano nga ulit ang pangalan mo?"
"Vincent po, Vincent Arellano." nakangiti kong sagot dito na ikinankunot naman ng kanyang noo.
"Eh ang inay mo anong pangalan?"
"Eulanda Arellano po. Eh kayo po ba? Anong pangalan nyo?" sagot ko dito sabay tanong. Nagulat naman ako sa kanyang naging reaksyon dahil nakita kung tumulo ang kanyang mga luha.
"A-Arman, Armando de Chaves" putol putol nitong sagot habang patuloy parin sa pag-agos ang kanyang luha. Naalala nya siguro ang kanyang anak sa akin. Tsktsk kawawa naman.
"Eh mayaman naman pala kayo mang Arman eh. Siguro sainyo yung de Chaves Construction Firms." tumango sya pero hindi nagsalita. "Magiging ok din ho kayo mang Arman. Sige ho alis na ako baka hinahantay na ako ni inay eh" nagpaalam ako dito at muli na sanang maglalakad ng muli nya akong tawagin.
"V-Vince" muli ko syang nilingon ng nakangiti.
"Yu-yung itay mo, kilala mo ba sya?" nabura ang ngiti sa aking mga labi ng matanong nya ang aking itay. Biglang napalitan ng galit para sa aking ama ang aking mga mata.
"Para ano pa? Para magmakaawang balikan nya kami matapos nyang iwan ang inay noong pinagbubuntis nya ako? Tsk. Wala akong panahon sa mga walang kwentang tao"
Hindi ko alam kong bakit mas lalong bumuhos ang mga luha ni mang Araman dahil sa aking mga sinabi. Hindi ko rin alam kong bakit bigla akong nakaramdam ng galit sa kanya. Siguro'y dahil pinaalala nya sa akin ang gago kong ama.
Tumalikod ako sa kanya at iniwan syang nakatayo habang lumuluhang nakatitig sa akin.
"Vince anak." napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang tinawag niya sa akin.
Biglang tumulo ang masagana kong luha.
Hindi ako lumingon.
Bagkus ay nagpatuloy lang ako sa paglalakad na parang walang narinig.
Sino ba naman ako para lumingon? Sino ba naman sya para pag-aksayahan pa ng panahon? Eh iniwan nya nga kami noon diba?
I've learned to live without him in my life. So why waste my time? And besides, I'm just a Nobody to him.
I walked away with anger, and deeply my heart is aching. How I missed my father, but the funny thing is... i never had one. Well, WhoCaresMyNameIsNobody.
-wakas-
Sinong taga Taguig dito? Hahaha... Gusto nyo akong makilala? Tara jogging tayo sa Heritage Park sa Fort Bonifacio. Kung gusto nyo akong makilala lapitan nyo ako. Etong clue..
"Nakasoot ako ng Boardwalk or Nataniel na sapatos. Mga 5am to 6am or 6:30am ako madalas magjogging. Tsaka 18 year old naku."
Hahaha sorry yan lang ang clue very discreet kasi ako.. [^_^]
Sa tuesday ha? May 14, 2013.. kitakits!! :)
Sana nagustuhan nyo ang first entry ko. (^_-)v
Damang-dama kita. I never cried like this sa mga kwento. :'(
ReplyDeletehehehe. astig na sana yung kwento pero yung last part sa tatay, dun naging halata na gawa gawa lamang ang kwento.
ReplyDeleteanyway, kung e base sa buong kwento i will give you 9 out of 10. nice plot, nice twist... parang hindi ko napigilang tapusin sa pagbabasa even if its wee hours na.
well written and i hope you could write some more. kudos men...
Sa sobrang tagos sa aking puso ng story mo naiyak ako...grabe!
ReplyDeletegrabe ka! pina iyak mo kooo T_T ikaw na taga the fort...
ReplyDeleteGood read. Made me feel a little less lonely. :)
ReplyDeleteKaiyak... Salamat sa story!!
ReplyDeletetaga taguig din ako! discreet din! looking forward to talk to you!
ReplyDeleteThis is FICTION.
ReplyDeletethanks po sa story!!! kapupulutan po talaga ng aral!! thumbs up!!!!!!:)
ReplyDeletei cried, tnx u i've learn alot to ur story,
ReplyDeleteIto na an g pinaka magandang story na nabasa ko dito.
ReplyDeleteGREAT JOB
So funny. Ang may-akda is asking for comments and suggestions – kahit pangit o maganda ang feedback n’yo – and yet when comments have been posted, it is usually the readers who “attack” the “comment-ator.” Just a passing thought, when I noticed whilst reading other stories and comments here. The story is … nice. And to think, walang sex na nangyari, ha. It is almost unbelievable that this is the author’s first venture in writing. The typos notwithstanding, the story is coherent. The flow is … flawless. And I won’t comment na on the form, i.e. your spelling. I’m sure that you will have seen them also by now when you reviewed your work. Question: Why did you choose a tragic story or a story where someone died? Whether you will answer this or not … this is a good work, bro.
ReplyDeletejmp
Sobrang ganda.. kakagising ko lang nung binasa ko to.. iyak ako ng iyak. Hope to meet u.
ReplyDeleteSuper ganda ng story mo! Pero bat naman pinatay mo si Jey sa kwento mo? So sad though nakakaiyak talaga! The words are very catchy parang nangyari talaga sa totoong buhay. Hay kung ako ang gumawa nyan hindi ko gagawing tragic ang kwento, simula sa magtatangka si Jey na magpakamatay, biglang makikita ko siya kaagad at ilalayo siya sa masamang balak. But still maganda pa din at ito yung pinakamagandang nabasa ko although it's fiction! Kudos to you! From Taguig too and hope to meet you in person.
ReplyDeleteANG GALING!!!! Hanga ako sa panunulat mo.. the flow of the story is very, very good you were able to bring the reader's mind and emotion to the point na nafeel nila (isa na ako don) yung mga naramdaman ng mga characters sa kwento mo.. parang totoo!!
ReplyDeleteSalamat!!
Emotional :)
ReplyDeleteMay part lang na mali yung gamit ng name.
Nakita mo'ng umiiyak ang mommy ni Vince? Eh di ba po ikaw si Vince?
Though, maganda s'ya :)
Keep it up!!!
:)
Medyo hindi realistic yung last part. Pag nakita mong nakabigti ang isang taong mahal mo, di ba ang una mong reaksyon ay susubukan syang iligtas? Di ba pagpasok ni Vince sa loob e narinig pa nyang tinatawag pa siya ni Jey (yung paos na paos na boses). So ibig sabihin, may chance pang mabuhay si Vince. Well, baka nga na-shock lang talaga si Vince pero di ko matanggap na nagdramahan/confrontation pa sila ng pamilya ni Jey imbis na tulungan niya si Jey.
ReplyDeleteAt yung part na tatay nya pala yung kausap nya. HIndi ko nagustuhan dahil sobrang imposibleng mangyari.
Pero sa totoo, gusto ko yung kwento. Maganda yung pagkakagawa. Gusto ko yung pagka-tragic ng kwento. Naramdaman ko yung nararamdaman ng characters. Tinapos ko kahit sobrang haba. Maayos rin kasi yung pagkwento.
Good job! Bihira ako makabasa ng ganito sa site na 'to. :))
Your story has a few flaws in it. for example, Jey is 13 yrs. old and owns and drives a car. Also, medyo mataas yung kwento. You should have divided it. But the story's good and you should make another one like this. two thumbs up!
ReplyDeletegood job, yun lang masasabi ko, papatulog na sana ako then nabasa ko to, nawala antok ko kahit mahaba yung kwento, astig,super napaluha ako, im looking forward to meet you in future........and for sure magkikita at magkikita tayo, see you, by the way im mike,
ReplyDeleteTang-ina nasaktan ako dun ahh... putik parang sa likod ng mga bato lang... Made me cry you know..hmpft true or not. it may have happend on a parallel dimension.. haiz I felt sad all the way... but it was a very nice story.
ReplyDeleteoh shooooot!.thats a wonderful story, naiyak ako dun ng sobra ah. salamat sa magandang story. And now, I am smiling...=)
ReplyDeleteNapapamura ako habang binabasa ko to... kasi napaiyak mo ako.. nice one.. :-)
ReplyDeleteang hirap
ReplyDeletenakakaralated ako dun ah. nakakaiyak. asan yung part 2
ReplyDeleteaww, affected aq! Ansakit! Kaya nga ayaw kong magsabi na ganito aq, dhl takot ako sa magiging reaksyon ng mga taong nakapaligid skin! Anyway dis story is 1 of a kind! Great Superb!
ReplyDeleteJake
nakaka inspired at nakakalungkot din ... like sa story moh. wala din akong tatay, at malala pa nga kahit ina na kinalakihan .... sa ngayon eto ako mag-isa sa buhay , peo pilit lumalaban... parang tulad vincent sa kwento moh, ... dahil dito muntik na din akong maging si jey... peo iba talaga ako.. LUMALABAN KAHIT ALAM KONG AKO LANG MAG-ISA...
ReplyDeleteWOW! SUPERB! LOVE THiS STORY! Grabeh! parang nagbabasa lng aq ng story s wattpad oh! its d only story dat ive read here yet n nagbigay ng same feelings dat wattpad stories give me. I SALUTE YOU MR. AUTHOR! =)
ReplyDeleteby d way cnong from tagum dito? =>
I couldn't imagine myself that my tears really fall when I read the story....NAKAKA-IYAK....NAKAKA-INSPIRED AT SARAP ISIPIN NA MERON ISANG TAO NA HINDI MO LANG KAIBIGAN NGUNIT MAS MAHIGIT PA SA ISANG KAIBIGAN....Handa na umalalay sa iyo at ipagtanggol ka. It's normal to experienced pains and regrets in a relationship but make it as a reflection for you to move on. Merong oras pa....I HOPE TO FIND ALSO MY OWN "VINCE"...
ReplyDeleteGrabe sobrang heartfelt ko yung mga eksena s story m0, di ko napigiLang mapaLuha s sobrang touching nung kwento...
ReplyDeleteVery good story... NakakadaLa ng emotions... Congrats!!!
Dude naman eh ok na eh.. pero may tatay pa letche para tuloy naging face yung story mo masiadong madrama para maging real story.. pero dun kay Jay tangina pre naiyak ako dun muka akong tanga dito sa bahay iyak ng iyak mag isaa nag tatanong nga mga kasama ko dito kung baliw na daw ako umiiyak mag isa T.T.. ganda ng story mo bawasan mo lang ng mga "REAL" life experience mo kasi nagigiging "FAKE" siya
ReplyDelete3 year ka nang nagbabasa ng mga blog at gamit mo celphone.. may android or ios phone ka na since 2009, bakit natasha or boardwalk lang running shoes mo?
ReplyDeleteAng sakit, damang dama ko. Well, from an affluent kid like me na mag-isang anak, big disappointment talaga na maging bi. So I keep myself closeted for all these years. Masakit and mahirap, yun lang. Kudos to the author, galing! Maging scriptwriter ka nga ng MMK, para maiyak naman ako, haha.
ReplyDeleteSino nagjojog dito sa UPD? Haha. :))
wow...nice story?
ReplyDeleteKakaiyak huhh
ReplyDeleteVince
npaka ganda !!!!!!!!!!!!!!!
ReplyDeletenamiss q 2loy c june .
any one fr. cavite .
molino, bacoor city, cavite aku nakatira..., at ang pangalan ku pla ay june...,^^
Delete.w0oh! !i2 yung pnkaunang bses na mg.cc0mment ako kc s0brang gnda tlga ng st0ry. .c0ngratx. .^_^
ReplyDeletekakaiyak tae
ReplyDeletewow!...ganda ng story!.
ReplyDeletethere is pain
there is passion
there is love!
---
you make me feel to love n to be loved again !
---
i think i like you bro!
I like the way you narrate your story, well plotted, nakakadala - keep on writing Mr. Author
ReplyDelete- Arkin 07
Akala ko boring nung una, buti nalang itinuloy ko hanggang dulo.
ReplyDeleteLove the story. ♥♥♥
nice its true that you will only realize what you have when they are gone and hardest thing about it is you can no longer turn back time.
ReplyDeleteHave a great day and keep it up
Pangalawang beses ko nang binasa 'to ngayon. And I still cry, damn it! :D
ReplyDeleteAnyway, good job talaga sayo Vincent!
Nakakaiyak naman toh.
ReplyDelete1st ko po magcomment kasi 2g sa bahay namin tapos sa andriod lang po ako nagbabasa....
ReplyDeleteGanda ng story nkakaiyak. Ganito kasi nangyayari kasi sa akin ngayun lagi kami nagkikita pero d naguusap alam nya na mahal ko sya at sa tingin ko mahal nya ako kasi mung nagkasama kami umuwi tapos nagstostory cya abwt sa kanyang liniligawan tapos sabi ko lang na gamin mu syang gf tapos sinabi nya sa akin ng mahinang boses ... na wag kangang magbiro... welll mataas pa po pero d2 lang po ako magtatapos
nagsisi ako na binasa ko to,. it broke my heart. totoo man o hindi ang story. di ako makamove on.. sana ngandi totoo ang story.. i feel sad sa ending. ung stroy nag umpisa ng sobrang saya tapos sa ending ganun.. =(
ReplyDeleteganda ng story mo, galing ng pagkakagawa lalo na yung mga part na may suspense (parang mabibitin kung ano ang nangyari).... muntik na akong maiyak nung tinawag syang anak ni mang arman... pwede itong gawing indie film... congrats!
ReplyDeleteHmmm parang ikaw din si Jey...writer ka rin sa school journal? And when ka ulit mag ja-jogging sa The Fort?
ReplyDeleteNapakaganda ng story grabe... Naiyak ako ng sobra... 1st tym nangyari toh sa akin na nagbabasa lang ako...
ReplyDeleteLove your story, discreet bi din ako. Hope to find a real friend and partner as well.It inspire me to love and trust again.
ReplyDeletenice one.. i remember I read a story entitled IN LOVE WIT BRANDON.. i did'nt sleep until i finished it.. the same thing witthis story., though its obvious fiction but the flow of the story is good.. di aq naiyak pero nadala aq sa kwento at nalungkot sa ngyari.. been single for almost two years na, kaya sa pagbabasa ko nlng dinadaan ng love story and movie.. just like this.. thumbs up..!
ReplyDeletetattooed_27 / kyle here..
Ako din kaso, im dating na..
Deletethe story was great, pero pagdating sa dulo parang it did turn into fiction, anyway kudos to the writer...
ReplyDeleteAll i can say is you've freak me out bro!
ReplyDeleteIt makes sense, na the whole story supposed to be happy, but the twist, the excitement, the plot is almost perfect, i just woke up and try to read this, and i cant help but to read it until the end, nasa cr na nga ako at na-ebs, i end up still reading this after taking a bath. the flow of the story is absolutely OUTSTANDING, yet there are some mistakes, clueless but i wish there is more of you ;) i cant never imagine if its fiction, but i believe not. Coz it "Perfect Match" for the readers like us.
I'll rate this as "MASTERPIECE" :)
Sana may Editorial section dito, i wish to apply haha, sayang kasi yung magagandang story na ganito at mapagaralan pa ng kaunti to make it perfect. :D
~Zeechee
Minsan lng ako mapa comment sa mga write-ups dito... I love the "flashback" and the twists... Your story is one of the most sensible,plausible, and cohesive stories I ever read... Keep the fire burning, have faith...
ReplyDeletegrabe pang teleserye....sana makatagpo din ako ng katulad ni Jey ^^
ReplyDeletegrabe ndi ako makaget over dito ah goosebumps habang binabasa ko to napapamura na lng ako haha.. pero ganda ng story mo one of the best dito .. keep on writing.. 2 thumbs up
ReplyDeletethe story is great and very interesting and very inspiring.
ReplyDeletevince, life needs to move on and don't think too much about what had had happened, maybe both of you is not meant for each other and maybe it's God's way to make Jey's family realize the mishaps....
i know that it is hard to forget what had had happened but it will remain as it is and it will be part of your history and nonetheless be proud of yourself because up to his last second, he was thinking about you...
let God do the filling out your emptiness and loneliness for Jey and let time tells for you.
I know he is not happy and he will be much more happy if he can see you from above that you're also happy and continuing your endeavor for him and for yourself...
Don't get me wrong with this but why don't you try to hear your father's explanation then you and your mom decide. It's not yet too late. Trust me, i can relate to your situation.
Kudos to your story and flaunt it.
Sad story po pero relate ako aa kwento pero mag kaibang pang yayari i hope masaya kana ngayon
ReplyDeleteSige sama ako sa jogging mo taguig din ako lower bicutan taguig city