By: Pablo

Acquantance Party - yan ang bumungad sakin sa unang araw ng School. Hindi ko alam bat mas excited sila dyan kaysa sa Lecture, ewan puro kasi landian tsaka halikan sa tabi tabi e. So syempre, gawain, nag scan ako sa room ng may mga histura na boys, pero sadly wala talaga. Sabi ko nga ako na lang ang mag eescort, papakalalaki na lang ako kasi sobrang pangit ng mga to xP.
So, Yung Teacher naman namin namomoblema sa ipang rerepresent sa room namin para sa Mr. Acquantance, kase naman kahit sya aminado na walang may histura samin. Pero nagulat na lang ako nang iannounce nya na ang lalaban para sa section namin ay si Kevin. Bestfriend ko nung first year, straight yan. Para sakin wala na kaming pag asa kasi tong si Kevin tigyawatin tapos maitim pa. Lalo akong nawalan nang gana na Pumunta sa Acquantance. Tapos namomoblema din sila nang susuotin ni Kevin. Ako naman bilang concern e, ako na lang mag papahiram kung baga kahit sa Damit ay may panlaban man lang. Mahilig kasi ako sa Polo e, ako yung tipong hindi cross dresser, mas prefer ko pa ring mag itsurang lalaki.