By: Robi Quijano
Hanggang kailan mo itatago ang lihim pagtingin mo sa taong mahalaga
sayo? Paano mo masasabi sa kanya kung ang pagkatao mo ang humahadlang
sayo? Hanggang kailan mo palalagpasin ang pagkakataon kung ang
pagkakataon na ang gumagawa ng paraan?
Makulimlim ang kalangitan at may pagbabayang bumuhos ang ulan ng Lunes ng umagang yaon. Buwan ng Hulyo taong 2006. Ang lahat ng tao, mapaprofessional man, estudyante at simpleng mamamayan ay abala patungo sa kani-kanilang paroroonan. Kinagabihan pa lamang kasi ay inanunsyo na sa telebisyon may paparating na bagyo kaya nakapaghanda ang lahat sa pagdala ng kani-kanilang payong kung sakasakaling bumuhos ang ulan. Maagang nagising si Marco upang pumasok sa kanyang kumpanyang pinagtatrabahuhan. Kilala sa buong bansa kumpanya ito sapagkat halos lahat ng produkto nito ay ineexport sa ibat-ibang paning ng daigdig. Laki sa hirap si Marco. Sa mura nyang edad ng 27 ay Assistant Chief Finance Officer na siya, dahil sa kanyang kasipagan at laging subsob nito sa pagtatrabaho. Napakastrikto niya sa mga detalye lalo na kung tungkol ito sa gastusin ng kumpanya. Naassigned din kasi siya disbursement office bago pa siya ay naging isang Vice-CFO, kaya alam nya ang mga pamamalakad, pasikot-sikot at masalimuot na trabahong iyon. Lahat ng narating niya sa buhay ay bunga ng kanyang pagsusumikap. Dahil dito, nakabili siya ng sarili niyang magarang bahay malapit sa pinapasukan niya.
Pababa siya ang hagdan papuntang “dining area” habang binubutones ang kanang bahagi ng kanyang “long sleeve”. Napakakisig niyang pagmasdan sa suong niyang long-sleeve na kulay “maroon” na bumagay sa maputi niyang kutis at umayon sa maganda niyang pangangatawan. 5’8’’ ang kanyang taas. Maaliwalas ang kanyang mukha nakahawig ni Leandro Munoz. Lahat ng madaraanan niyang babae sa “hallway” o makakasabay niya sa elevator ay halos magdugo ang labi sa kakakagat, sapagkat umaalingasaw ang pabango niyang lalaking-laki ang amoy na waring nagpapaakit at nagpapabaliw sa kanila. At halos idolohin at sambahin siya ng mga kalalakihan sa kanilang kumpanya sa kanyang angking kakisigan. Ngunit hindi na niyang nakagawiang ngumiti. Parang tila baga parating may inisip at seryoso kung umasta, kung kaya’t iniwasan siya sa takot ng mga
“subordinates” niya. Madali siyang magalit sa simpleng pagkakamali ng kanyang tauhan. Samadaling salita, bugnutin siya.
“Good Morning Nay!” ang pagmamadali at walang kaemo-emosyong sambit sa kanyang ina sabay halik sa pisngi.
“Aalis na po ako, may kailangan pa po kaming tapusin sa opisina.”
“Good Morning din anak, hindi ka na ba mag-aalmusal? Halika’t samahan mo ako dito" ang mahinahong sagot ni Aling Josephine, na kanyang ina, habang inihahanda niya ang kanilang almusal.
Maagang nabiyuda si Aling Josephine, sapagkat namatay ang asawa niya sa isang sakuna. Driver ng pampasaherong jeep ang asawa niya at tindera siya noon sa palengke sa Alabang. Di na siya nakapag-asawa muli dahil itinuon niya sa pag-aaruga sa kanya anak at sa pagtitinda upang maitaguyod niya ang kanilang kinabukasan. Isang taong gulang palamang si Marco nang iwan siya ng kanyang tatay. Dahil sa pag-aaruga at pagiging “close” nilang mag-ina, lumaking matalino at mabilidad si Marco, sapagkat kasakasama ni Aling Josephine siya pagtitinda. Nagtapos siya ng B.S. Accountancy at nakamit ang lisensya sa pagkaCPA sa napakamurang edad. Kahit mayaman na sila Marco, naging simpleng ina pa rin si Aling Josephine.
“Hindi na po, maagang kung pinapapasok ang secretary ko kasi kailangang mafinalize na iprepresent naming actual factory expenses, kakailangan ko mamaya iyon sa meeting. Dadaan muna ako ng opisina bago dumirecho… sa Laguna,… sa factory” ang sagot niya na parang nagmamadali.
“Sumubo ka muna kahit kaunti, ito kape uminom ka muna” ang sabi ng kanya ina na parang naghihinayang.
“Di na po Nay!” ang sagot niya pagkatapos higupin ang kapeng tinimpla ng kanyang nanay. “Pasabayanin nyo na pong kumain si … Ate Beth sumabay na ho kayo kay nanay mag-almusal”. Si Ate Beth ay ang kanilang kasambahay at malayo nilang kamag-anak. Halos magkasing-edad sila ni Aling Josephine. Ngunit “ate” parin ang tawag ni Ate Beth kay Aling Josephine upang magbigay-galang sa kanyang amo.
“Nak ba’t ka naman nakapula damit? Hindi ka ba kidlatan nyan? Mukhang uulan pa naman o?” pabirong bati ng kanyang ina habang nakatingin sa labas ng bahay. Dahil sa bati ni Aling Josephine, napangisi naman si Ate Beth. Hindi pinansin iyon ni Marco, ni ngumiti ay di na ginawa. “Aalis na po ako!” ang sabi ni Marco at nagpaalam ng patalikod. “Ate Beth wag muna kalimutan painumin ng maintenance mamayang tanghali si Nanay ha? Pakisarado na rin ‘te yung gate pag alis ko” Ang pahabol niyang utos.
“Opo Sir Marco”.
“Anak mag-iingat ka sa pagmamaneho mo, baka abutan ka ng ulan, Diyos ko! Madulas pa naman ang daan. Huwag kang matulin sa pagmamaneho ha?! E malapit lang naman ang opisina mo, Wala pa namang 30 minutes nandoon ka na, ang disgrasya’y maihahalintulad sa isang regalong hindi mo nais matanggap” ang pag-aaalala sabi ng kanyang ina.
Ngunit di niya iyon pinansin. Agad na sumakay ng kotse, dala ang laptop at mga importante dokumento, at pinaadar ng mabilis kotse paalis ng kanilang bahay. Dali-daling namang bumuhos ang ulan ng pagkalakas-lakas at sabay ihip ng malakas na hangin. Kaya’t pakatakbong isinarado ni Ate Beth ang gate.
Bukod pa sa kanilang tatlo, kasama rin nila sa bahay ang dalawang pinsan niyang dalaga na nakikitira pansamantala sa bahay nila. Ang magkapatid na Grace at Jane. Si Grace ay call center agent sa Northgate, Alabang. At si Jane naman ay nag-aaral ng Culinary Arts sa may Las Pinas. Kapwa tulog pa ang dalawa dahil galing sila sa gimik nung kinagabihan at siguro dala na rin na malamig na panahon. Tanghali na kung magising si Jane dahil panghapon pa ang klase niya. At umaga na kung umuwi sa Grace dahil sa kanyang trabaho pero sa araw na iyon nasa bahay si Grace dahil araw ng Sabado at Linggo ang kanyang pahinga.
Wala pang 30 minutes ay may nagdoorbell sa labas ng gate. Si Aling Martha. Matalik na kaibigan ni Aling Josephine at kinikilalang pangalawang nanay ni Marco. Kasama rin si Aling Martha sa paghubog kay Marco nung bata pa siya. Siya’y nagmamay-ari ng boarding house sa kanilang lugar. Isang beses sa isang Linggo kung dumalaw siya sa kanila.
Agad na binuksan ni Ate Beth ang Gate habang hawak-hawak ang malaking payong. Mula sa “dining area” ay natatanaw na ang gate ng bahay kaya kitang-kita ni Aling Josephine ang pagpasok ng matalik niyang kaibigan.
Agad siyang sinalubong ng tanong ni Aling Josephine. “Napaaga ata
ang dating mo? Kumain ka na ba? Halika, saluhan mo kami ni Beth dito”. Agad na napansin ni Aling Josephine ang damit ni Aling Martha, “napakarumi ng damit mo? Ba’t daming talsik ng putik? San kaba galing?” pahabol na tanong niya.
“Ay oo nagsimba kasi ako ng ala-sais sa San Roque, 30 minutes lang inabot ang misa kaya na maaga akong nakaalis…pero teka muna, si Marco ba yung nagmamaneho ng kulay pulang kotse?” ang patanong na sagot ni Aling Martha.
“Opo Mam Martha, maaga po siyang umalis, nagmamadali pa nga po” sagot ni Ate Beth habang papalapit sa hapag. “Siya nga yun. Nagmamadali umalis di na nga nakapag-almusal, maaga niyang daw pinapasok ang sekretarya niya may tatapusin daw sila, paano kasi kinagalitan niya nung Biyernes ng gabi. Di daw pumasok nung araw din yun, kaya di na tapos yung ano…factory?…factory?……basta sa factory daw yun… actual ano? Ay ewan.. ” ang paglalahad ni Aling Josephine.
“Ay Diyos kong bata iyon patawarin?! Ay napakabilis sa pagmamaneho. Ay sa sobrang bilis, nabasa niya yung tricycle na sinasakyan ko. Pinasok ng baha yung loob, natalsikan tuloy ang damit ko. Nadatnan namin ng mamang driver palabas ng gate ng village. Parang hinabol ng sampung demonyo sa sobrang bilis” ang sumbong ni Aling Martha.
“Naku namang bata iyun? Kasasabi ko lang ko lang e….” padadag na sumbat ni Aling Josephine.
“Ano bang nangyayari dyan sa inaanak kong yan? Pagkatapos makipaghiwalay kay Trixie, nagbago na ng ugali…”sabi ni Aling Martha.
“Oo nga Ate, buti nga nakipaghiwalay siya sa babaeng iyon hindi na nga kagandahan, masama pa ang ugali” gatong ni Ate Beth.
“Makapanghusga ka naman Beth! Sabagay tama ka…”pasaway na banggit ni Aling Josephine. “Naku kayo ha! Wag na wag mong mabanggit banggit ang pangalan ng babaeng iyan kay Marco ng iiba ng timpla ugali nya kapag naririnig ang pangalang iyon” dagdag niya.
Biktima rin Marco ng mapaglaro at mapagpanggap ng pag-ibig noong college pa siya na nauwi sa kasawian at hinanakit. Mahal na mahal nya si Trixie simula pa noong high school pa sila. Ngunit iniwan din siya sa kadahilanang liberated si Trixie at sumama sa ibang lalaki. At yun ang nagpabago ng ugali ni Marco.
Makalipas ang dalawang oras, nagising si Jane sa tunog ng teleponong walang gustong sumagot. Sa lakas ng ulan hindi agad namalayan nila Aling Josephine ang tunog telepono.
“Hello?” ang pambungad na salita ni Jane.
“Ano?”
“San pong ospital sya dinala?”
“Wait lang wag nyo pong ibaba ang phone”
Agad na tumakbo papunta “dining area” si Jane habang dala-dala ang wireless telephone. “Tita si Kuya Marco nadisgrasya! Nasa ospital daw ”.
“Haaa?! Ano?! Sinabi ko naman sa kanyang mag-iingat siya e….!” ang malakas na sambit ni Aling Josephine habang nakatitig kay Jane at nag-aalala.
Ang disgrasya, ayon kay Aling Josephine, ay maihahalintulad sa isang regalong hindi mo nais matanggap. Ito’y parang isang surpresang walang handaan at walang kasayahan magaganap. Nakabibigla at di kaibig-ibig na pangyayari. Maihahalintulad din sa isang “surprise quiz”na hindi mo inaasahan. Hindi mo rin malalaman kung sino ang tatamaan at kailan tatama. Parang isang malaking roletang kung kanino tumapat, jackpot, yun nga lang sakit sa katawan ang premyo. Kung minsan alam mo na rin kung sino ang tatanggap ng korona ng kasawian gaya ng sumunod na pangyayari.
Maagang nakarating si Marco sa opisina. Maaga ng 30 minutes sa takdang oras na pinag-usapan nila ng secretarya nyang si Emily. Ngunit wala pa si Emily dahil habang tumatagal oras ay lalong lumalakas ang ulan. Tumataas na rin ang baha sa harapan ng gusali nila, kaya’t di siya makapasok sa loob. 23 years old si Emily, balingkinitan at maganda. Tatlong taon na syang nagtatrabaho bilang sekretarya ni Marco. Malambing ang boses at kaakit-akit tingnan. Isa rin siya sa pinakamaganda sa kumpanya at siya rin ang pinakapaboritong pagalitan ni Marco. Ngunit kahit na ganon ang ugali ng boss ni Emily ay nananatili syang masunurin at loyal sa kanya, dahil alam niya at nauunawaan niya kung bakit nagiging bugnutin si Marco.
Ilang sandali pa’y dumating na siya at halos mangatog sa pangangatwiran,
“I’m very sorry Sir Marco, I’m late, was’nt able to go to the hall due to……”
“That enough…!” ang sabi ni Marco napabulong ngunit nakakatakot na pananalita habang tinutuktok ang whiteboard marker sa lamesa. “I need the report now! We’re getting behind the schedule”.
“Bu… Bu.. But Sir,… nga..nga…ngayon ko pa lang po gagawin yu..yu..yung report?”, ang sabi ni Emily sa mahina at natatakot nyang boses.
“Hell Whaaat?!!”. Dito na nagsimula di-maipinta ang mukha ni Marco sa galit at naibato nya ang whitebroad marker. Tumama ito sa lamesa at tumalsik papuntang sahig.
“Ito na nga ba ang sinasabi ko Emily e. You must always be ready! In fact you must be updated sa anumang bagay! Sa mga bagay na dapat mong gawin araw-araw! Dapat lagi kang handa! Paano mo sasabihin handa ka nang mamatay ngayon kung napakamarami ka pang dapat tapusin sa buhay! Anumang oras hindi di mo alam kung kailan ka mamatay!” Pasigaw nyang sinabihan si Emily. Dito na biglang namula sa galit si Marco. Ang mala-anghel nilang mukha ay napalitan ng tila bagang mabalasik na hayop.
Kung namumula sa galit si Marco, namumutla naman sa takot si Emily. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Bubuksan ba niya ang drawer o ibo-“boot” ang computer. Halos gumilid ang luha sa mga mata at nanginginig ang mga kamay sa takot.
Napansin ni Marco ang reaksyon ng kanyang sekretarya. Lumayo siya ng nakaharap sa desk ni Emily. Tumalikod at sabay ngumisi. Biglang nabago ang mood niya, parang gusto niyang humagalpak ng tawa at hindi napansin ni Emily iyon. Pigil na pigil si Marco sa kanyang reaksyon. Kaya lang mabilis ang karma, hindi niya napansin na maapakan na niya pala yung whiteboard marker sa sahig. “I need that report within 30 minutes, you have to submit it on top of my...aaaaaaaarggghhh!!!” At nadulas na siya.
Patihaya siyang nadulas. Naunang lupat ang kayang kanang kamay upang ipantukod iyon, sumunod ang kanyang ulo na tumama pa sa kanto ng upuan malapit sa pinto at huli ang kanyang likod na malakas na lumagabog sa marbled floor. Hindi maganda ang pagkakabagsan ni Marco sa sahig. Nawalan siya ang malay at may lumabas ang buto sa kanan kamay. Nabahala si Emily sa pangyayari at nagsisigaw. Agad niyang nilapitan ang kanyang boss, binuhat niya ang ulo at tiningnan kung buhay pa. “Sir Marco! Sir Marco! Wake-up! Wake-up!”. “Shit! gwapo parin kahit nadisgrasya na” ang bulong niya sa sarili.
Lalo syang nabahala nung makita nyang nakausli ang buto sa braso. Agad siyang lumabas ng opisina at tumawag ng gwardiya upang magpatulong.
“Guard! Guard! Sir Marco nadisgraya! Tulungan mo akong buhatin siya bilis!” Alistong sumunod ang gwardiya.
Binuhat ng gwardiya si Marco papuntang receiving area upang ihiga sa sofa. Lumaylay ang kamay niya at agad na tumulo ang dugo nito sa sahig.
Agad na binuksan ni Emily ang kanyang drawer upang hanapin ang numero ng hospital at tinawagan ito. “Yes, good morning, can you please send us an ambulance quickly, we have an emergency here,…we’re in the vicinity of Filinvest…” ang madaling pakiusap ni Emily. “We’ll try to reach you as soon as possible…unfortunately expect us to be late due to our climate condition” ang sabi ng nurse na nakausap niya.
Matapos ang usapan nila ay agad na lumapit siya kay Marco at alalang-alala. Kumuha sya ng tissue at agad na natatarantang pinunasan ang tumutulong dugo sa braso ni Marco. “Kasi naman sir e. Kung anu-anong pang patay ang sinasabi nyo e…” ang naluluha sabi niya habang hinawi ang buhok ni Marco.
Wala pang 30 minutes ay dumating na ang ambulansiya. Agad na inihatid nila sa hospital kung saan malapit din sa pinagtatrabahuhan nila. Wala paring malay si Marco.
Sa Admission area na ng hospital tumawag si Emily para ipaalam sa nanay niya ang pangyayari.
Isang kalunus-lunos na kapaligiran ang tumambad kina Aling Josephine at mga kasama niya. Ang mga daho’t sanga ng mga puno ay nakakalat sa daraanan nila. Si Ate Beth lamang ang tanging naiwan noong Lunes ng umagang yaon sa bahay. Di na gaanong malakas ang ulan ngunit di parin humuhupa ang baha. Lulan ng taxi, lahat ay balisa at ang tanging dinandalangi’y sana’y nasa maayos ang kalagayan si Marco at di malubha ang nagyari sa kanya. Kung gaano katindi ang pag-aalala si Aling Martha, Jane at Grace, sampung beses kay Aling Josephine sapagkat napagdaanan na niya ang pangyayari ito sa kanyang asawa. Sana’y isang panaginip na lamang ang lahat ng nangyari.
“Hello? Ms. Grace? …Yes,…I’m here at the hall near sa admission ng hospital, dito ko na lang kayo imemeet?...So far unconscious parin sya pero mas ‘at ease’ sya dito, nasa E.R. sya ngayon,… It’s a long story e,… I’ll tell you later once we meet here” ang sabi ni Emily habang kausap niya ang pinsan ni Marco na si Grace.
Abala ang mga tao sa hospital kahit ‘di maganda ang panahon. May kararating lamang na pasyenteng duguaan. Isa siyang motorista naaksidente gawa ng madulas ng daan, meron ding mga “out-patients” na nagpapacheck-up, may mga grupo ng mga nurses na nagkukumpulan sa isang sulok at ang iba nama’y nag-aantay lamang sa bulwagan.
Pagkahinto ng taxi sa harapan ng ospital, agad-agad na bumaba si Aling Josephine at tumungo sa bulwagan, tila baga walang kasama kung bumaba ng taxi. Agad ring bumunot ng pera si Aling Matha upang ipambayad sa driver ng taxi at sabay na bumaba, kasama ng dalawa at tumungo na rin sa bulwagan.
Malawak ang ‘hall’ ng opital, malinis at makitab ang “marbled floorings” nito. Maaliwalas at maliwanag dahil salamin ang nagsisilbing dingding nito sa harapan, at malamig dahil sa “centralized airconditioning system” nito, isabay mo na rin ang malamig na panahon. Hindi mo akalaing nasa ospital ka.
Pagpasok ni Aling Josephine sa bulwagan ay bigla siyang nataranta, di alam kung saan pupunta at kung sino ang nais nyang pagtanungan. Hindi nya napansin na nasa kalagitnaan na pala sya ng bulwagan. Dahil sa nagawa niyang yaon, agad na napansin ni Emily na nakaupo sa “bench” malapit sa admission desk.
“Mrs. Santos?!” aniya at sabay kaway upang mapansin siya nito.
Agad na lumapit si Aling Josephine sa kanya.
“Ikaw pala Emily, saan si Marco? Kumusta na sya? Ano bang nangyari?” Nag-aalalang bati ni Aling Josephine.
“It’s nice to see you again Mrs. Josephine, kaya lang, nagkita pa tayo sa ‘di magandang situasyon, nasa emergency room po sya, wala pa ring pong malay” ang bati ni Emily.
“Hi Ms. Em..Muah..” ang biglang singit ni Grace sabay beso, “How’s Kuya? What happened to him?”
“Well he’s in the E.R., still unconscious, he but his fine there” sagot ni Emily.
“We’re unaware what was happened to him, we thought that he had a car accident” sabi ni Grace.
“He casted the whiteboard marker, then nalaglag sa floor ta’s natapakan nya, nadulas shya, yun, nabali yung ‘arm’ nya and tumama yung ‘head’ nya sa chair and that made him segurow ‘unconsious’, you know walang malay”. “After that we rushed him here, buti malhapit lang itong hospital kaya whalha pang 30 minutes nandito na kami”.
Si Aling Josephine at Aling Martha ay nakatingin lamang sa dalawa. Titingin kay Emily kung magsasalita si Emily at titingin din kay Grace kung magsasalita din si Grace. Para silang nanunuod ng laro sa Tennis court. Gusto sanang magtanong ni Aling Martha, kaya lang baka maubusan siya ng ‘english’ kaya minabuting manahimik na lamang siya. Si Jane naman ay malapit ng kumulo ang dugo dahil sa kakikayan ng pananalita nila Emily at Grace.
“So what’s the findings daw?” tanong ni Grace.
“Well? he needs daw ng ‘reduction’, you know?, yung ibabalik yung
‘dislocated bones’ niya, kasi kumabas sa ‘arm’ e…”paliwanag ni Emily. “Pherow, you have to sign some papers there, to start the operations daw, I’m not authorize to do it e”.
“Oh Shitty Men, isa pa mananapak na’ko” bulong sa sarili ni Jane.
“Can you lead us there, Ms. Em.., We’ll try to see his condition” sabi ni Grace.
“Yeah sure follow me” sabi ni Emily.
Sinundan nila si Emily papuntang Emergency Room. Habang naglalakad sila, may nasalubong silang matandang lalaki na nakasuot ng puting damit. Ang doktor na tumitingin kay Marco.
“Wait, I think that’s his physician, We better ask him” sabi ni Emily
“Excuse me Dr. Rivera? What’s the latest findings? By the way doc, sila yung family ni Sir. Marco, she is his mother, si Mrs. Santos. Mrs. Santos si Dr. Rivera po ang duktor ni Sir Marco”.
“Hello Ma’am, I’m Dr. Antonio Rivera, I’m Mr. Santos’ Orthopedic, it’s nice to see you” magalang na sabi ni Dr. Rivera.
“Good Morning Doc” sabi ni Aling Josephine. “Kumusta na po ang anak ko?”
“We’ll kailangan operahan siya mamaya-maya, pero kailangan po naming kasi ng permission na mangagaling sa inyo to start the operation, so far OK naman si Marco, unconscious nga lang, but we’ve checked his contrast CT-scan, wala namang damage sa ‘head’ niya” paliwanag ni Dr. Rivera
“Pero doc yung kamay niya, OK naman ba?” tanong ni Aling Josephine.
“Well based dun sa X-ray niya sa arm, parehas bali yung ‘radius’ at ‘ulna’, lumabas sa balat yung ‘radius’ so we have to do the reduction, yung ibabalik into correct positioning ng bones and kailangang i cast ito, pero don’t worry Mrs. ‘di naman malubha ito, common yan sa mga basketball players and athletes, All you need to do, is to sign the papers there kay nurse Joy sa E.R. upang dalhin na namin sya sa O.R.”paliwanag ni Dr. Rivera naparang nagmamadali. “Am? Mrs. Santos I’m very sorry, I have to cut this conversation, I need to prepare for the operation, I’m on my way to Anestethics para mastart na operation within 30 minutes”.
“Mare ano daw?” blankong tanong ni Aling Martha.
“Radius daw? Ulna? Anistitik daw? Ay ewan, ipaliwanag mo nga Grace” sabay kalabit ni Aling Josephine kay Grace. Blanko rin ang utak ni Aling Josephine matapos magpaliwanag ng duktor.
Mamatay-matay sa pagpipigil ng tawa si Jane. Halos mamula ang mukha. Para syang may sariling mundo sa gilid ng grupo. “Anistitik… wahahahahaha anistitik ang puta… whaahahahhah parang Itik wahahahahaha” ang sabi sa isip ni Grace at nakangisi.
Agad na nilapit nila si Marco, tiningnan ang kalagayan at hinimas ni Aling Josephine ang ulo niya. “Mas OK na po Mrs. Santos ang kalagayan nya kaysa kanina, tinurukan na kasi ng duktor ng pain reliever” sabi ni Emily.
Agad namang nagtungo si Grace kay nurse Joy para asikasuhin ang papeles.
Matapos ang 30 minutes ng pagpoproseso sa mga papeles, agad na dinala ng mga nurses si Marco sa “Operating Room” upang simula ang operasyon.
Maliwanag at maluwag ang loob ng ‘operating room’, kumpleto sa gamit. Naroon narin si Dr. Rivera sa loob, kasama ng isang pang nurse, at abalang inaanyos ang mga gamit pang-opera. Sila Aling Josephine naman ay nasa labas at hinihintay ang resulta ng operasyon. Umalis muna sandali si Jane upang kumuha ng maiinom. Si Emily naman ay abala sa kakatawag sa kanyang cellphone.
Nang magsisimula na ang operasyon, nagkamalay na si Marco. Nagising siya dahil sa ilaw ng nakatutok sa kanya. Agad na hinawakan niya ang kanyang ulo, sapagkat masakit ito, gamit ang kaliwang kamay. Malabo pa ang paningin niya, kaya’t kinusot nya ang kanyang mga mata. Nang luminaw na ang kanyang paningin ay nagtataka siya. Hindi niya alam kung nasaan siya. Maliwanag ang kisame at tahimik ang paligid. Mabuti na lamang ay lumapit ang kanyang duktor.
“Oh, you’re awake Mr. Santos, but I’m sorry you have to sleep again” sabi ni Dr. Rivera sabay tinurukan ng pampatulog upang ‘di niya maramdaman ang sakit ng operasyon.
“Where am I Sir?” sabi ni Marco.
“You’re in the operating room, you had been in an accident earlier? Your secretary, Ms. Emily, together with some of your personnel had been rushed you through here, by the way, I’m Dr. Antonio Rivera, your surgeon” paliwanag ni Dr. Rivera.
“So, Doc what’s my diagnosis?” tanong ni Marco na may malalim at lalaking-lalaki ang boses.
Pinagmasdang mabuti ni Dr. Rivera si Marco, napansin niyang malakas ang loob ni Marco sa anumang gagawin nila operasyon.
“Hmmm, you have a right arm injury, dislocated yung radius at ulna so kailangang ibalik ito sa dati”. sagot ni Dr. Rivera.
Agad na nabigla si Marco, namutla ng makita ang kanang kamay niya.
“Sosoo, what’s your procedure doc?”
“Well?... I’m going to cut the tissue here…” ang prangkang sagot ni Dr. Rivera sabay turo at iginuhit ang haba ng paghihiwaan sa kamay ni Marco. “to have an opening para madaling ibalik ang buto, we’ll just put an anesthesia so you won’t feel the pain”.
“Pain? Oh! my God!” ang pabulong niya sabi. Lalong kinabahan si Marco at pinagpapawisan. Dahil mauulit muli sa buhay niya ang paghiwa sa balat niya. Gusto niyang sumigaw ng malakas. Gusto niyang magpumiglas. Pero din niya ginawa. Kaya pinilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili. Ngunit lalo pang lumala ang pagkatakot niya ng makita ang isang pang duktor na lumapit sa kanila at may dalang malaking “injection”. Sa sobrang takot, hinimatay siya. Napansin ni Dr. Rivera ang nagyari sa kanya, pero binalewala nya lamang iyon at sinabi niya sa sarili, “siguro umepekto na ang pampatulog”. Kaya’t inumpisahan na nila ang operasyon.
Sa labas ng operating room, biglang tumawa ng malakas si Aling Martha parang may naalala, “Ay mare, naalala mo yung tinuli si Marco? Simple operasyon lang yun di ba? Bat siya hinimatay? Wahahaha!”.
“Ay oo nga hahahah!, naku sana wag muna syang magising, baka himatayin siya ulit hahaha!” ang sabi ni Aling Josephine na tawang-tawa.
Pansamantalang bumaba ang tensyon sa kanila.
Pasimpleng narinig iyon ni Emily at gumana ang kanya imahinasyon,
“Naku, ano kaya ang itsura nung tuli ni Sir? Naku naman? Hmmmmm…Hehehe” ang sabi niya sa isip habang nakatingin sa labas ng ospital at kagat-kagat ang labi.
Napansin iyon ni Grace at nagkunot-noo. Kababalik lang niya upang kumuha ng kape at kunting pagsasaluhan nila.
“Ano kaya ang ginagawa ng babae iyon? Parang kinikilig at may tinitingnan sa labas? May minamanyak kaya siya doon? Hmmp”, sabay tingin sa labas.
PS. To all the readers:
First of all I would like to thank the admin
of this site for having my very first fictional novel here. I hope this
will be a great contribution to this site. I will dedicate this novel to
all the discreet gays. Please send me some constructive criticism,
complement and feedback for further enhancement. Once again thank you so
much and I hope you’ll like it.
Itutuloy...
Part 2 na po agad mr. Author. Nakakabitin naman. Hehe... but exciting.
ReplyDeleteOkay pa sana yung story, but when i got sa O.R part parang mali. Once mag start ang operation about the reduction, hindi na yan magigising ang patient kasi general anesthetic yan eh. Pls make sure of the facts first.
ReplyDeleteMay mga rare case talaga na nagigising ang pasyente kasi it happened to me also, when i got the reduction thingy, when I got laglag sa ladder while replace the bulb kasi our maintenance is so tagal kaya I do it myself kaya lang laglag nga ako. In fairness to the author it happened talaga that you make gising in the middle of the procedure. Promise.
DeleteHi, author, there are minor grammatical mistakes, but they are negligible because the communication of the story is not affected. This seems interesting, and I'll probably follow this throughout its entirety. I just hope that the next chapter will be presented in the next site update.-jb
ReplyDeleteWell ang masasabi ko lang ay maganda ang story nya kaso nag skip ako ng ibang parts eh sobrang daming details pero it's a good story.... keep it up.... :)
ReplyDeletepagpatuloy mo po. good story :)
ReplyDeleteKala ko lumbas s skin ung buto? tapos my fracture? Bkt ang diagnosis dislocation.
ReplyDeleteThanks guys... neg or postive comments tatanggapin ko to enhance my story.. Iove you all...waaah naiiyak ako... thanks admin...
ReplyDelete