By: Shy Chinito
Magandang araw. Isa po akong avid fan ng site at ilang beses sa isang araw ako magbasa ng mga kwento rito. Ngayon lang din po ako nakapag lakas loob na magsulat. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwento ko. Base po ito sa karanasan ko last year po.
Itago niyo nalang po ako sa pangalang Kris. Maputi, may katangkaran (siguro ay nasa 5’8” ako), at slim ang katawan. Sa isang recruitment agency po ako nagtatrabaho sa Makati, kung kaya’t naisipan ko na rin mangupahan sa malapit sa opisina. May nahanap akong one-bedroom sa isang two-storey apartment building, at dito ko nakilala ang lalaking ikwkwento ko- si Mang Robin.
Si Mang Robin ang gwardang nakabantay sa apartment noong unang araw ng paglipat ko sa apartment. Mabait si Mang Robin, palangiti, mapagbiro, at matulungin. Siya ay nasa 33 years old, Moreno, at Malaki ang katawan. Kitang-kita ang hubog ng muscles nito sa braso sa suot na uniform.
Umarkila ako ng jeep na pagmamay-ari ng kaibigan ng aking tatay. At dahil ako mahilig mag-ipon ng gamit, madami dami akong mga gamit na ibinababa sa jeep at inaakyat sa apartment na lilipatan. Siya nga pala, sa second floor ang kwartong kinuha ko, sa dulo ng hallway, kaya medyo pahirapan ang paglipat ng mga gamit. Aakyat, bababa, maglalakad hanggang sa dulo ng hall, bababa muli, tapos aakyat ulit. Naka limang balik na ata ako, at di pa nangangalahati ang mga gamit na naililipat ko mula sa jeep. Pawisan na ako at ang puti kong t-shirt ay madumi na. May one hour na rin siguro akong naglilipat. Napansin ito ni Mang Robin. Lumapit ito sa akin, at ngumiti.
“Sir, mukhang pagod na kayo ah.” Sa malapitan ay kita ang kagwapuhan ni Mang Robin, siguro ay pupwede siyang mapagkamalang malayong kapatid ni Cesar Montano. Nalimutan ko ang pagod ko sa paglapit nito sa akin at nakatitig lang ako sa kanya. Nakita niyang nakatitig ako sa kanya at ngumiti ng mas malaki. “Sa sobrang pagod eh natutulala na yata kayo ah.”
Nahimasmasan ako at napatawa. Nabuko ako kaya dinaan ko nalang sa biro. “Oo nga po, kuya, ang hirap kasi ng paglilipat lalo na pag tumatanda.” Nag-unat ako, at sabay kaming tumawa. Malalim ang boses ni Mang Robin at bigla akong kinilig. May halong pag-iinit at pagnanasa ang naramdaman ko noong panahon na iyon, pero naisip ko rin na kailangan ko tapusin ang paglilipat dahil kailangan rin bayaran ang driver ng jeep.
“Gusto niyo sir eh tulungan ko na kayo? Tutal tapos na rin ang duty ko,” offer nito sa akin.
Halos pumalpak ang tainga ko sa narinig. “Talaga ho, kuya? Naku maraming salamat po!”
“Magbibihis lang po ako at tulungan ko kayo. Mahirap kasi pag nadumihan ang uniform, tamad pa naman ako mag laba.” Sabay tawa ulit nito.
“Sige, kuya, iaakyat ko lamang ang bag na ito tapos balikan ko po kayo.”
Pag akyat ko sa kwarto, tiningnan ko ang mga bagay na nandoon. Nandoon na ang kutchon ng aking kama, ang plastic na laundry basket, tatlong bag ng damit, mga picture frame, at mga gamit sa kusina. Ang kulang nalang ay ang mga mabibigat na shelf at plastic na cabinet kung saan ko ilalagay ang mga inempakeng damit, electric fan, at ang kahoy na frame ng kama kung saan ko ilalagay ang kutchon.
Dali dali akong bumaba. Naghihintay si Mang Robin sa akin sa may jeep na suot ang isang itim na sando na hapit na hapit sa kanyang katawan. Kitang kita ang kanyang mga banat na braso, na siya naman napapalibutan ng maninipis na balahibo. Pansin ko rin kung gaano kalapad ang mga balikat ni Mang Robin at kanyang malaking dibdib. Nanumbalik ang pag-iinit ko at napalunok ako.
“Sir,” bati nito. “Natulala nanaman kayo ah.”
“Ah. Eh, pasensya na. Iniisip ko kasi kung ano ang isusunod na iaakyat,” palusot ko.
“Yung mga magagaan nalang sayo sir. Ako nalang dito sa mga mabibigat. Baka kasi pagod ka na, at baka mabali ang buto mo. Ang sexy mo pa naman.” Ngiti nito at kindat sa akin.
“Si kuya talaga, mapagbiro.” Pero noong panahon na iyon ay parang pumalakpak ang mga tainga ko.
“Sa room 2001-a kayo, di po ba?”
“Opo, kuya.” Kinuha ko na ang ibang bag na iaakyat at hinintay si Mang Robin habang ibinababa sa jeep ang mga plastic na cabinet. “Mauna na ho kayo para po di ako nakaharang dahil mabigat po yata mga iyan.”
“Okay lang po, sir, sanay naman po tayo sa pagbubuhat,” wika nito sabay flex ng braso.
Halos matuyuan ako ng laway. Ang laki talaga ng braso ni Mang Robin, at sa pag flex ng braso ay kita ko ang mga ugat sa biceps nito. Kita rin ang definition ng kanyang triceps, at ang malagong buhok nito sa kili-kili. Bumilis ang tibok ng puso ko.
Minabuti ko nang mauna para na rin hindi ako mahuling nakatitig sa kanya. Habang umaakyat-baba kami at naglilipat ng gamit, naisipan kong makipagkwentuhan kay Mang Robin, para naman hindi niya sabihing bastos ako, at para na rin makilala ko siya. Pampabawas-libog na rin.
Napag-alaman ko na tubong Pampangga si Mang Robin. May asawa at tatlong anak na ito na nakatira sa probinsya, na siya namang binibisita niya tuwing may sahod. Nalaman ko rin na bago pa lamang siya sa pagiging gwardiya. Dati daw kasi ay sa construction ito nagtatrabaho.
“Kaya naman po pala ang ganda ng katawan ninyo, Kuya.”
“Haha,” tawa nito. “Salamat po, sir.” Kitang kita na proud si Mang Robin sa kanyang katawan.
“Eh bakit po kayo umalis ng construction?”
“Maliit kasi ang sahod, at madami ang trabaho. Naisipan ko mag gwardiya kasi kahit maliit din ang sahod, eh mas kaunti na man ang trabaho. Nakaupo lang at tagabukas lang ng gate, tagalista lang ng lumalabas at pumapasok. Solo ko pa ang kwarto at may sarili pa akong kama.”
Stay-in guard si Mang Robin; hindi tulad ng ibang gwardiya at na uwian.
“Eh kayo po, sir? Taga saan po kayo?”
Ikinwento ko na taga Binondo talaga ako, at kaya ako lumipat ng Makati ay para mapalapit sa trabaho.
“Kaya naman pala ang puti at ang kinis niyo, sir. May lahing Chinese ka po pala kasi.”
“Asus, si Kuya nambola pa.” Pero sa loob-loob ko eh tuwang tuwa ako sa sinabi niya. Kunwari ay papaluin ko siya sa braso nang pabiro, at nakuryente ako nang dumaplis ang kamay ko sa braso niya. Ang tigas tigas ng muscle nito, at napatagal ang aking pagpalo sa kanya.
Buti nalang ay hindi ito masyadong binigyan pansin ni Mang Robin at tuloy pa rin kami sa paglipat ng gamit.
Tuluy-tuloy pa rin ang kwentuhan at paglipat namin ni Mang Robin at unti-unti nang nauubos ang mga gamit sa jeep na inarkila ko. Sa huling pag-akyat, ibinaba ni Mang Robin ang pinakahuling set ng plastic na cabinet at sabay sumipol. “Sa wakas, natapos na rin!” Napansin kong basa na ang sando niya, at makintab na ang mga braso niya sa pawis. Parang kulay tsokolate ang kanyang katawan. Pinagmasdan ko siya habang inaangat niya ng bahagya ang sando para punasan ang pawis sa kanyang noo at mukha, at doon ko nakita ang kanyang flat na tiyan at ang tattoo niya sa tiyan. Isang ahas na nakapalibot sa pusod at umaakyat sa kanyang malaking dibdib.
Nagising lang ako sa pagkatitig nang magsalita siya “Sir, pwede po bang makahingi ng tubig dyan?”
“Ha? Eh, oo, teka.” Sa ikatlong pagkakataon ay nabuko ako ni Mang Robin. Para matakpan ang namumula kong mga pisngi ay tumalikod ako at kunwaring naghahanap ng bote ng tubig sa knapsack na baon ko. Hinugot ko ang boteng nainuman ko at inabot sa kanya. “Pasensya ka na, kuya, ito nalang ang natitira.”
“Okay na po iyan. Salamat, sir.” Inubos ni Mang Robin ang tubig. “Paano ba iyan, sir, baba na po ako.”
Nalungkot ako nang sabihin niya iyon. Dali-dali akong nagisip ng paraan para mapatagal pa ang aming kwentuhan pero dahil dala na rin siguro ng pagod ay wala akong maisip. Nakita siguro ni Mang Robin ito, kaya naman dinugtungan niya ng “Tawagin niyo lang po ako, sir, pag may kailangan po kayo. Kahit anong kailangan ninyo, andito lang po ako.” Inabot niya ang bote ng tubig sa akin, at kumindat, sabay lumabas ng aking kwarto.
Dali-dali ko inilapat sa mga labi ko ang boteng ininuman niya, at sinimulang pagpantasyahan ang matipuno at tigasing gwardiyang kalalabas lang ng aking apartment.
ITUTULOY
Nakakalibog nmn c mang robin. Next chap. Na po pls. Nice story po author :)
ReplyDeleteNice one! Eto ang promising! Walang keme... Next chapter!
ReplyDeleteTama ka dyan, nakakalibog na nakakabitin!! Good story though!!
ReplyDeleteAy naku, saan yan, lilipat din ako jan, hehehe, ngayna na , as in now na
ReplyDeleteHot ng FBI guy sa pic... Super like...
ReplyDeleteang yummy naman ng nasa photo. sino sya?
ReplyDeleteNext pleaseeeeee!
ReplyDeletebakit nde natatapos series
ReplyDeleteThis one is nice. Hindi yung love love love keme.. Real man ang pinaguusapan! Next na shy chinito!
ReplyDeleteang sarap nung model.
ReplyDeleteCongratulations. Nice story, erotic with no sex scenes. Let's see your part 2. :)
ReplyDelete...
A
Next chapter pa po....
ReplyDelete...Nice ah....
ReplyDeletePakibilis nman poh ung next Chap...
Next Chapter na pleaseee
ReplyDeleteSarap..kelan kya makakstikim ng gwardia..heheeh..
ReplyDeleteLegazpi here
wala p part 2?
ReplyDelete