Pages

Sunday, May 25, 2014

Minsan (Part 2)

By: Nico

Matapos ang ilang oras na byahe ay nakauwi na ko ng aming bahay, pasado alas 9 na ng gabi nun. Sa pagod ko eh, dumiretso na ko ng higaan at di na inisip na kumain tutal busog pa naman ako. Pagkahiga ko, hindi agad ako natulog, bagkus eh pinagmunihan ko muna ang mga nangyari kanina sa event. Sa isip isip ko, naging masaya ang araw na ito at talagang nag enjoy ako kanina, kailan kaya mauulit yun? hanggang sa tuluyan na kong makatulog.

Kinabukasan, tinanghali na ko ng gising pero ok lang kasi wala namang pasok. Nag almusal ako, naglinis ng bahay at pagkatapos ay naligo na para wala na kong gagawin. Binuksan ko ang kompyuter at nagfacebook, nagbasa ng mga balita, kinumusta ang mga kaibigan at syempre naglaro ng online game... ganito ang tipikal na araw ko kapag walang pasok. Wala si mama sa bahay dahil pumunta siya sa kaibigan niya samantalang pumasok naman ang kapatid ko. Maya maya pa eh kinuha ko ang phone ko at nagsounds sa tugtugan ng Silent Sanctuary, ang paborito kong banda. Maganda kasi ang mensahe ng mga kanta nila kaya naman sila ang nagustuhan ko. Naisipan kong itext si Roi para makapagpasalamat ulit sa treat niya kahapon at para na rin kumustahin siya.

N: Good Morning Roi, Nico 'to, musta na?

...tumunog ang phone ko

R: Yow Nico, Good Morning! Kumusta tulog? Ok naman ako.
N: Ok naman hahaha thanks nga pala sa treat mo kahapon, dapat di ka na nag-abala.
R: Nah. Wala yun. Cge Nico later nalang may aayusin lang ako.
N: Ah ganun ba? may prob ba?
R: Meron eh, nag-away kami ng bespren ko.
N: I see... Don't worry maaayos din yan.
R: Sana hehe...
Di na ko nagreply pa matapos yung huli nyang text at pinagtuunan ko nalang ng pansin yung game ko. Kinahapunan, tinamad na ko maglaro at napagpasyahan kong ituloy na lang sa shop para naman maging masaya dahil kasama ang barkada. Mas masaya talaga maglaro ng ganito dahil sa kulitan, tawanan, at sa trashtalk. Inabot ako ng gabi sa paglalaro at bago pa man mag out eh mag facebook ulit ako.

... scroll down ... scroll up ... click dito ... click dyan ... ahhhh... tinatamad na ko ... Log Out na! Hahaha... tinignan ko muna kung sinu - sino ang mga online at sakto up si Roi.

N: Hi Kuya Roi, what's up?

... Roi is typing

Attendant: Nico, time ka na. Extend ka pa?
N: Hahaha cge ate, half hour pa po :)

R: ok lang hehe...
N: kumain ka na?
R: uhhh... oo tapos na. bakit mo naitanong?
N: wala naman. masama ba?
R: nagulat lang ako na tinanong mo ko ng ganyan, unusual kasi hehehe.
N: ganun lang talaga ako haha, oh kumusta na kayo ng bespren mo?
R: ayun, hindi na kami magbespren... ayaw ko na, ambabaw nya kasi.
N: pwede mo ikwento sakin yung nangyari, makikinig ako, pero kung ayaw mo, i'll respect that :)
R: hmmm... cge. ganito kasi un...

At ikwinento nga ni mokong ang nangyaring sigalot sa pagitan nila ng kanyang bespren... yung 30 mins na extension ko, umabot ng almost 2 hours, pero wala sakin yun.

N: ah ganun ba? kaya pala.
R: hayaan mo na siya, immature kasi eh. hahanap nalang ako ng ibang buddy.
N: kung yan ang desisyon mo. makakahanap ka naman nyan, pwede ako. hahaha *evil laugh*
N: joke lang. kung ayaw mo ok lang :)
R: pag isipan ko...
R: hmmm... sabi ng puso ko ok daw, sabi ng isip ko wag daw.
N: ay? hahaha andrama mo pre di bagay :)
R: awww :(
N: pero seryoso i find you cool. mula sa game hanggang sa nakilala kita personally sa event last time and from that na kinulit kita at nainis ka naman i know na magkakasundo tayo. hahaha. So ano buddy na kita ah?
R: yah. thanks. sana di ka maging katulad nung isa.
N: i won't promise but i'll try :)

That night, pakiramdam ko another chapter of my life has opened.

N: now then... how should i call you? by your name or what?
R: Best nalang din siguro.
N: ok sige sige. out na ko best text text nalang.
R: yah sure.

Dali dali akong umuwi, gabi na rin kasi yun, mga 10pm at dahil malapit lang ang bahay namin sa shop eh wala pang 2 minuto nakauwi na ko. Pagdating ko, tulog na si mama at ang kapatid ko kaya hinayaan ko na sila at ako'y tumungo na sa aking higaan. binuksan ko ang phone ko at nagsimula na kaming magpalitan ng mga mensahe.

N: I'm home. matutulog na ko best.
R: matutulog agad? ang aga pa ah?
N: napagod ako eh. saka may pasok pa bukas.
R: Hahaha cge nanyt best :)
N: nyt buddy :)

haaay... isang araw na naman ang matatapos, bakit kaya kami pinaglapit ng pagkakataon?

maraming salamat po sa magandang feedbacks mula sa inyong mga mambabasa. sisikapin ko pong bilisan ang mga kasunod na bahagi ng aking istorya para hindi kayo ma bored. patuloy nyo pong subaybayan ang aking kwento :)

itutuloy...

7 comments:

  1. Totoo punyeta nga! Puro inarte mga paminta!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Eh ikaw? Anu tawag sayo? Paminto? Punyeto?

      Delete
  2. may Mga tao talGa masama ang ugali. nakibasa na lang manlait pa.. kyo ang punyeta hinde ang author. go author , part two na agad

    ReplyDelete
  3. part 3 pla.. Cge author part 3 na kagad

    ReplyDelete
  4. Natawa ako sa best friend thing.lol. hindi ko na sya besfriend. Amf. Hahanap ako ng iba. Tapos may nag volunteer pa. Lol. Anu yan? Label lang ba ang hanap mo sa best friend? Kahit cno pwedeng maging best friend over a chat? Haha. Pisti.

    ReplyDelete
  5. I like this story! Tuloy lang. May kilig factor! Sundan agad, plis. (Sino nmn ako upang mgbigay ng negative comment? Ako ay ngbabasa lang sa kwento ng author? Kung ayaw ko hindi ko itutuloy mgbasa). Thx author

    ReplyDelete

Read More Like This