Pages

Sunday, May 25, 2014

Unlove You (Part 2)

By: MFW

Previously:

Pagkatapos kong naligo ay dumiretso ako sa baba para silipin kung anong ginagawa nya. At nagulat ako sa nakita ko.

Nagulat ako dahil nililinis nya ang bahay ko.

"Uy, anong ginagawa mo? Sinabi ko bang maglinis ka dyan?" bulalas ko

"Hinde naman, alam mo ba, ganto kami sa probinsya. Bata pa lamang ako alam ko ng magtrabaho at kasama na dun ang maglinis ng bahay." paliwanag nya.

"Tinatanong? tinatanong?" pabirong sagot ko

Pinabayaan ko nalamang sya at umakyat na ako.

6PM

Bumaba ako. Tahimik naman na kaya sinilip ko kung umalis na si mokong. May narinig akong hilik. Hindeee pa sya umalis ?!! Lumapit ako para gisingin sya.Nakahilata ang mokong sa sofa. Ang amo ng mukha nya talaga. Mukhang pagod na pagod ang loko kaya hinayaan ko nalang.

7PM

Gising na sya. Niyaya ko sya para sa hapunan.

"Umorder nalang ako, di ko kase alam magluto. Halika kain tayo." ayaya ko sa kanya

"Eh Adrian, bat di mo nalang ako ginising?" tanong nya

"Bakit ko naman gagawin yun? Baka sabihin mo inaalila na kita masyado." sabi ko

"Naku walang problema sa akin yun. Ganito talaga ako sa mga taong mahalaga sa akin este kaibigan ko." paliwanag nya.

Natahimik ako

"O sya sige kain na tayo." yaya ko sa kanya
Pagkatapos naming kumain ay nag offer na ako na ako na lang ang maghuhugas ng pinggan at di na sya pumalag. Pinaakyat ko sya sa kwarto ko para maligo na at agad naman nya akong sinunod.

Pagka akyat ko sa kwarto, nakabukas ang pinto at ilaw sa C.R. , Inisip ko na baka tapos ng maligo si mokong. Maya maya..

Lumabas sya ng C.R. Nakatapis lang ng twalya. Gosh, ang sexy nya. Para syang Machete. Nang aakit ang mga mata nya,nakakamatay ang dimples nya, ang puti at ang kinis. Biglang kumislot ang aking hinaharap ng di ko maintindihan,ng biglang..

"Hmm. Pwede bang humiram ng damit sayo atsaka underwear narin hehehe." interada nya

"O sige sige." sabi ko naman. Agad kong kinuha ang pangtulog kong damit at underwear saka iniabot ko sa kanya. Pagkatapos nyang magbihis ay pinanood ko muna sya ng movie na "The Amazing Spiderman" Habang ako ay naliligo.

Pagkatapos kong naligo ay napansin kong nakahiga na sya, patay ang T.V.

Dahan dahan akong humiga para di sya magising.

1AM

Di parin ako tulog.Ewan ko kung bakit? Hindi ko na naiisip yung nangyare sa akin. Malaking tulong siguro ang pag sama sa akin ni Dino ngayong gabi, kahit papano ay naramdaman kong di ako nagiisa. At pakiramdam kong safe ako -sa piling nya. Agad akong pumalit ng direksyon paharap sa kanya ng..

"Di kapa tulog?" sabay na tanong namin sa isa't isa. Ngayon ay nakaharap na kami sa mukha ng bawat isa.

Habang ako'y pumosisyon ng paupo, sya naman ay tumagilid at nakapatong ang ulo nya sa kanyang kamay.

"Hindi  ako makatulog eh" sabi ko

"Bakit? Siguro di ka sanay matulog ng may katabi noh, sige sa sofa nalang ako matutulog." sagot nya

"Ah hinde hinde, wag. May naisip lang kase ako." sabi ko

"Tungkol ba to dun sa nangyari sayo?" tanong nya

"Hinde to tungkol dun, hayan mo na never mind nalang." sabi ko

DEAD AIR na naman. Matapos siguro ng sampung segundo ay binasag ko na ang katahimikan.

"May tanong ako" sabi ko

"Ano yun?" sagot nya.

"Bakit ka nakatitig sa akin?" sabi ko

Ngumiti sya.

"Kasi..kasi ang sarap mong pagmasdan" sagot nya sabay  kindat

Ngumiti ako atsaka umalis sa pagkatitig nya ng mga ilang segundo atsaka muling ibinalik ang pagkatitig.

"Ano?!" tanong ko na naman sa kanya dahil sa ayaw nyang alisin ang mga mata nya sa akin.

"Bakit masama bang pagmasdan ka?" sabi nya ng may pang aakit na ngiti.

"Oo. At yun ang unang rule dito sa loob ng bahay ko." sabi ko sa kanya.

"Okay. Sige. Maipapatupad ang rule na yan kung mananalo ka." sabi nya

"Wow. Sa iyo to? sa iyo to?" biro ko naman

"Di, Seryoso nga. Ano game?" tanong nya

Kinakabahan ako.

"Ano ba ang game?" tanong ko

"Titigan." maikling sabi nya

"Sus. Yan lang pala eh. Sige GAME!" bulalas ko naman

Ngumiti ng may pagkayabang ang mokong.

"Ang mechanics, kung sino ang unang matutunaw sa kilig ng pagkakatitig ng bawat isa, sya ang talo." paliwanag nya

"Ha?! bakit ganun. I resist! ayoko na." sabi ko naman.

"Wala ng atrasan.Inaccept mo na ang challenge eh." bururot nya.

"Sige." sabi ko ng may pagkadismaya.

Nagsimula na kaming magtitigan.

10 seconds

25 seconds

Nakakatunaw talaga ang mga mata nya. Yung tipong parang kinikilig ka na parang nalilibugan basta nakakatunaw. Samahan mo pa ng mga dimples nya dahil napapangiti sya. Alam nya na matatalo ako.

At yun nga ang nangyari.

Natawa ako at ganun din sya, pero napansin kong nag blush kaming dalawa.

"So, pano yan Adrian. Talo ka so, pwede kitang titigan kahit kelan ko gusto." sabi nya sabay kindat

"Teka, may binabalak ka sa akin noh?" interada ko

"Uy! wala ah. To talaga, natalo ka lang eh." sabi nya

Tumahimik muli ang loob ng kwarto. Huminga ako ng malalim.Inayos ang pagkaupo.
Mariing tinanggap ang pagkatalo ko.

"Nagkaroon ka na ba ng GF?" tanong ko

Ngumiti sya at inayos ang pagkakaupo. Ngayon ay magkatabi na kaming nakaupo.

"Oo. Pero naghiwalay din kami agad." paliwanag nya habang nakatingin sa may bintana.Ramdam ko ang lungkot nya.

"Pasensya. Ang daldal ko, naitanong ko pa sayo ang bagay na yan." sabi ko naman

"Hindi. Okay lang." atsaka sya humarap at ngumiti sa akin.

"Ikaw?" biglang tanong nya

"Ah.Ah.. ako? Naku wag mo na lang malaman laman dahil.." putol ko

"Dahil..ayaw mo ng balikan ang nakaraan?" sabi nya.

"Hindi naman sa ganun, pero." tanggi ko naman

Pinigil nya ang labi ko atsaka.

"Kung sino man yang nang iwan sayo, g*g*  at t*n*a sya. Hindi nya dapat sinasaktan ang mga katulad mo." sabi nya.

Natahimik ako. Nag start na naman akong kiligin. Ngayon ay pumusisyon syang patalikod sa akin. Tinitignan ko sya. Tumayo sya at tumungo sa banyo. Ako naman ay humiga na.

Mayamaya ay lumabas na sya sa banyo at nagsimula ng humiga.Nararamdaman ko na niyayakap nya ako. Pero, pinaramdam ko sa kanyang di ako komportable para alisin nya ang pagkakayapos nya sa akin. Naramdaman nyang inaalis ko na ang kamay nya, kaya..

"Please, Kahit ngayong gabi lang" pabulong na sabi nya sa akin.

Wala na akong nagawa. Hinayaan ko syang yakapin ako. Sinabi ko sa sarili ko na bakit nya ako napapasunod sa sinasabi nya? Ginayuma nya ata ako. Hinde. Siguro naalala nya ang gf nya. Pero bakit ako ang niyakap nya?  Masyado syang lalaki para gawin iyon.

Sa mga oras na iyon, nawari ko na ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ng girlfriend nya. TAMA. Ang bf nya ay ang tinatawag nyang "girlfriend."

Mas lalong hingpitan nya ang pagkakayap. Ngayon ay pinapatong nya ang ulo ko sa dibdib nya.Ako ay nakayakap sa tyan nya, at sya naman ay niyakap ako ng buong buo.
Ganun ang posisyon naming dalawa sa kasagsagan ng gabing iyon..

Naulit pa ng maraming beses ang pagpunta at pagsama ni Dino sa akin. Hindi ko namamalayang hindi na ako natatakot at nawala na ang pangambang nasa puso ko.
Lumipas ang ilang linggo.May biglang nagbago. May isang pangyayaring pinagsisihan ko. Isang gabi lasing akong umuwi, nadatnan ako ni Dino na lupasay. Kinagalitan nya ako at doon ko nabitawan ang masakit na salitang lubos kong pinagsisihan.

"Ano bang karapatan mong diktahan ako? Sino ka ba? Diba kaibigan lang kita kaya wala kang pakialam sa mga gusto kong gawin." Nakita ko sa mukha nya ang labis na lungkot na marinig iyon. Kinaumagahan ay nakakita nalang ako ng isang post-it-note na nakadikit sa salamin ng aking kwarto. Nakasulat: "Sa ngayon, di mo maiintindihan ang ginagawa ko para sayo, pero balang araw malalaman mo rin.  -Dino."  Nainis ako sa sarili ko ng dahil sa mga sinabi ko sa kanya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Ilang araw ng nakaraan matapos ang pangyayaring iyon hindi na pumupunta sa bahay si Dino. Nagtaka ako. Ikatlong araw na nung nagpasya akong pumunta sa bahay nila. Ng makarating na ako ay saka ko na lamang narealized na Boarding house lang pala iyon. Pumasok ako at tinanong ko kung asan si Dino. Sinabi nila tatlong araw na syang may sakit. Nabahala ako. Itinuro sa akin ang kanyang kwarto. Nakaratay ang tulog na si Dino. Mukha syang nanghihina ngunit maamo parin ang kanyang mukha. Naluha ako, hindi dahil sa awa ko sa kanya kundi dahil sa mga sinabi ko sa kanya. Lumapit ako at niyakap ko sya. Nagising sya sa init ng yakap ko.

"Sabi ko na di mo ko matitiis" sabi nya ng may pagka guratal.

"Di mo naman tinext na may sakit ka. Di sana ako naman ang nagbantay sayo." paliwanag ko

"Tss. Ayokong mag alala ka." sabi niya habang pilit na ngumingiti.

"Tong mokong na to talaga." sabay gulo sa buhok nya.

Napansin ko ang gitara na nakalagay sa isang sulok tinanong ko kung marunong syang mag gitara, ang sabi nya ay hindi, ito ay sa kaibigan nya na kumakanta sa Parish sa lugar nila, walang mapagiiwaan kaya sa kanya ipinagkatiwala.

Wala akong sinayang na pagkakataon.Inalagaan ko sya tulad ng pag aalaga niya sa akin dati.

Sa awa ng Diyos ay gumaling sya. Lumipas ang isang Linggo. May isang malaking naganap sa buhay ko na hindi ko inaasahan.

Nakarecieve ako ng text message galing sa kanya. Pinapapunta nya ako sa isang lugar. Nang puntahan ko ang address na ibinigay nya ay nagtaka ako kung bakit wala sya roon. Kung idedescribe ko yung place ay peaceful. At may view ng bulubundukin.Para sa akin napaka romantic ng place na yon. Mayamaya may tunog ng gitara akong narinig. Mula sa napaka sweet na boses ng isang lalaki at tila papalapit sya sa akin.

Mas lalong tumatak sa akin ang kanta, at ito ay ang bersyon nya ng Ikaw at Ako ni Johnoy Danao.

Habang kinakanta nya ay nagpapacute ang mga mata nya habang papalapit sa akin.

"Ikaw at ako, pinagtagpo
Nag-usap ang, ating puso
Nagkasundo,magsama ha--bang buhay.."

Nagsimulang tumulo ang luha ko. Si Dino, kumakanta habang naggigitara. Papalapit na sya sa akin.

"Sana'y di magmaliw ang pagtingin,
Kay daling sabihin, kayhirap gawin..
Sa mundong walang ka-ti-yakan.
Gawin nating kahapon ang bu-kas.."

ang pagpapatuloy ng kanta. Napansin kong lumuluha na rin si Dino. Niyakap ko sya. Niyakap ko sya ng SOBRANG higpit.

"Sabi mo, di ka marunong maggitara." sabi ko habang nakayakap parin.

"Nag-aral akong mag gitara para sayo." sagot ni Dino

Mas lalong naiyak ako. At pansin ko na ganun din sya.

"Hindi mo naman kailangang gawin yan, bakit mo ba pinahihirapan ang sarili mo para sa akin." sabi ko

"Gusto kong malaman mong gagawin ko ang lahat para sayo. Kahit mahirap. Basta para sayo.Ganyan kita kamahal" sabi ni Dino.

Maya maya ay lumuhod sya at nag propose..

"Pwede ba kitang maging
(pinunasan nya saglit ang kanyang mga mata bago nagpatuloy) maging boyfriend?" tanong nya.

Hindi ko na mapigilan sa oras na iyon ang luha ko kaya tinayo ko sya at niyakap saka binulong ang salitang "OO"

Niyakap nya ako atsaka binuhat at inikot ng kaunti. Kasabay ng mga luha namin ang kasiyahang nadarama namin.

Nagkatinginan kami. Ang mga namumugtong mata ng may pinakamaamong mukha ng lalaking nakilala ko.  Lumuluha sya ngayon.

"Mahal ( humihikbi ) na mahal kita." sabi nya habang nakahawak ang mga kamay nya sa mukha ko.

Hindi muna ako sumagot at hinalikan ko sya ng madiin.

"Mahal na mahal rin kita." tugon ko.

Matapos ng halikan na iyon ay sya namang paghalik nya sa noo ko at saka niyakap nya ako ng mahigpit.

Naramdaman ko sa piling ni Dino ang pagiging secure at ang pagmamahal na hinahanap ko.

Isang araw may pangyayaring di ko sukat akalaing mangyayari.

Sa kusina habang naghuhugas ako ng pinggan. Lumapit sya at niyakap ako. Hinalikan nya ako sa pisngi. Alam ko kung ano ang gusto nyang ipahiwatig. Pinunasan ko aking mga kamay at nakipag espadahan sa kanya. Ang sarap ng bawat halik nya sa akin. Maya maya ay binuhat nya ako at umupo sya sa sofa. Nakapatong na ako ngayon sa kanya. Naramdaman kong nagpupumiglas na ang kanyang batuta. Inumpisahan nyang tanggalin ang damit ko at ganun din ang ginawa ko. Ngayon ay iniba nya ang aking posisyon, pinahiga nya ako at saka tinanggalan ng shorts. Hinalikan nya ako simula sa leeg, sa kilikili at sa nipples ko.

Sa mga oras na iyon ay nalalasap ko ang bawat sandali ng biglang nag balik ang nangyari sa akin sa kamay ng mga drug addicts.

"Bakit, may problema ba?" tanong nya.

Hindi ako sumagot at umiling lang ako.

"Okay lang kung di ka pa handa." sabi nya atsaka hinalikan nya ako.

"Salamat." at saka ako naman ang gumanti.

Akala ko ay nawala na ng tuluyan ang takot sa puso ko. May natitira pa pala. Sabi ko sa isip ko.

Bago sya nagbihis ng damit ay hinalikan nya muna ako sa noo.

Dumating ang mga araw. Nagpasya akong magpacheck up sa Doktor para malaman kung HIV positive ako. Niyaya ko si Dino at sya namang sinamahan ako.

Lumipas ang ilang araw ay nalaman ko na ang resulta.

To be continued.

2 comments:

  1. Fudge! Please, wag mong sabihing positive ka? :(( Nakakainlove 'tong kwento. Haay!

    Dream guy ko si Dino. Next chapter.

    ReplyDelete
  2. ohhhh myyyy... Sana negative....

    ReplyDelete

Read More Like This