Pages

Sunday, May 11, 2014

Same Sex and the City (Part 2)

By: Boxerbench

Throwback Thursday, Flashback Friday, balik-tanaw  at kung ano-ano pang bagong term na pwede mong sabihin para lang balikan ang nakaraan. Ano ba talaga ang purpose bakit kailangan nating balikan ang nakaraan? Dahil ba gusto mong ipamukha sa sarili mo na payat ka noon at mataba ka na ngayon? Dahil ba gusto mong ipakita sa mundo ng instagram na may abs ka na at di ka na yung dating pinagtatawanan ng iba? Dahil gusto mong patunayan na sa bawat pagpost mo ng facebook ng #TBT napatunayan mo sa lahat ng taong tumapak sayo na "eto na ako ngayon!! Successful!! Fuckshit kayong lahat!!!"? Kung meron man ako gustong balikan sa mga oras na to', June 09. 2005. Ang araw na nakilala ko si Adrian at pumasok sya sa buhay ko.

June 2005
 Damn! Second year college na ako pero wala pa ring nangyayaring maganda sa buhay ko. Kung sa karamihan ang highschool ang pinakamasayang part ng buhay nila, ako.. Hindi! Kaya this time, gusto kong maging makulay ang buhay ko ngayong nasa college na ako.

Start of Class
Dahil sa may isang oras ang biyahe mula sa bahay papuntang School, maaga ako dumating sa campus. Halos wala pang katao-tao sa buong school kasi nga early bird ako. I take the opportunity na sumampa sa stage ng campus  sa open ground. Sinabi ko sa sarili ko na " Sisimulan kong maging makulay ang buhay estudyante ko simula sa araw na ito". Nang mga oras na yon, inakala ko na ako lang ang tao sa sa stage. Napansin ko ang isang freshmen na naka-bag pack (usually kasi sa school namin, kapag freshmen karamihan naka-bag pa.) Dahil sa suplado ako, di ko sya pinansin.

During class break, kailangan ko pumunta ng bookstore kasi kailangan daw ng mga professor ko ng index cards for the attendance. Dahil block section kami, sunod-sunod ang class ko at maya't maya at bumabalik ako ng bookstore. Sa di inaasahang pagkakataon, may nabangga akong isang student na bumili ng 6 textbook na pang-nursing.
Ang lalaking nakita ko kanina sa stage ang nabangga ko. Lumaglag sa floor lahat ng books nya ganun din ang index cards ko. Imbis na tulungan ko, ako pa ang nagalit saba sabing,  "hindi kasi tumitingin sa daan e". Di pa don natapos ang encounter namin ng freshmen na yan, after ng PE ko, palabas ako ng campus gym nang sa intersection papuntang elevator may isang lalaking tumatakbo at nagmamadali kasi bell na for next class. Saktong may biibit akong soda at tumapon sa damit na naging dahilan ng sobrang galit ko sa kanya:

Adrian: Sorry po kuya nagmamadali lang po ako kasi ma late na ako sa class ko,
Bench: Punyeta naman oh! Basang basa na ako.. Alam mo bang malayo ang bahay namin sa school? At wala akong mapalit na damit??
Adrian: Sige ganito meet tayo sa Lover's Lane(Student Lounge namin sa schools puro lovers kasi ang nakaupo sa upuan) ng 2pm, one hour lang hintayin mo. Need ko lang talaga pumasok
Bench: Ok ka lang?? Paghintayin mo ako sa lovers lane tapos wala akong idea kung ano gagawin mo at kung paano mo susulusyunan ang ginawa mong perwisyo sa akin?????
Adrian: Fine. Di na ako papasok tutal first day of class naman ngayon, Dyan lang ako nakatira sa likod ng school. Tara sama ka sa bahay namin para maikuha kita ng tuyong t-shirt ko (magkasize naman kasi kami)

Habang naglalakad kami palabas ng campus papunta sa kanila, panay ang sorry pa rin sa akin ni Adrian.

Adrian: Sorry talaga kuya! Paano ba ako makakabawi sa iyo? Please let me know kung paano ako makakabawi sayo? Kahit ano gagawin ko wag ka lang magalit sa akin
Bench: Pag-iisipan ko. Ang gusto ko lang sa ngayon ay mapalitan ang damit ko dahil naglalagkit na ako! Sobrang lagkit nung tumapong soda sa akin.

Pagdating sa bahay nila bumungad sa akin ang nanay ni Adrian na kamukha ng nanay ni Dao Ming Si. Masungit at hindi ako hinarap pagkatapos ako ipakilala ni Adrin. Pagpalit ng damit. Sabay na kami bumalik ng campus kasi naiilang na ako sa Mama ni Adrian.

Dahil sa nangyari, kinuha kong secretary sa organization namin si Adrian kahit na nursing ang course nya at business course ko. President kasi ako that time.

Katulad ng typical President and secretary relationship, naging magaan ang loob ko sa kanya at nanging malalim ang friendship namin. Nang mga oras na yon, wala pa rin sa isip ko ang konsepto ng relasyon sa kapwa lalaki. Una, dahil gusto kongi-maintain ang respect sa akin bilang org president. Natatakot ako na baka i-decriminate nila ako kapag nalaman nilang bakla ako. Discreet naman ako pero malikot at jolly ako sa dalawa kong bestfriend na babae.  Straight si Adrian at wala pa sya nakakarelasyon na lalaki katulad ko, kahit ako naman wala pa ako nakarelasyon, pero may mga sex encounter na noong highchool.

Dumating ako sa puntong i-ask myself if kaya ko bang pumasok sa ganitong klaseng relasyon ngayong pareho kami ni Adrian na wala pang expreriance sa relationship. Pero sinabi ko sa sarili na mahal ko sya at alam kong mahal nya rin ako. Ngayon lang ako nakaramdam na more than brotherhood na ang friendship namin ni Adrian. Bahala na. Bahala na si Batman!

After a month! It's official Kami na. Sinimulan kong sabihin sa mga kaibigan ko, then sa organization tapos sa mga pinsan ko. Never ko naman sinabi sa magulang ko. Alam ko kasing alam na nilang ganito ako. Wala lang confirmation and confrontation na eksena. Sobrang saya ko ng mga oras na yon. Feeling ko kumpleto ako. Masaya lang.

Love is all about sacrifices and taking the risk. Minsan kapag nagmahal ka, yung na simula na matutunan mo ang magpakatanga para lang magmahal. Minsan kayang bulagin ng pagmamahal ang reyalidad na minsan sa buhay ng tao ay nabubuhay na lang tayo sa pagmamahal na hindi mo na lang namamalayan may masasaktan din pala.

Hanggang dumating ang araw na kinakatakutan ko. Nakarating na sa Nanay ni Adrian na kamukha ng Nanay ni Dao Ming Si ang balita tungkol sa aming dalawa at pinatawag daw ako sa bahay nila.

2 comments:

  1. OK na yung first part ng story.. sa huling part bglang sla na kagad. kulang lang sa rekado kung baga.. bitin kung pano naging cla ni adrian

    ReplyDelete
    Replies
    1. fast pacing kasi yung nangyari sa kanila ni Adrian. Magic of love. basta naramdaman nilang may feelings sila sa isat isa. possible naman po yun eh.

      Delete

Read More Like This