By:BallpenNiLouie
“Take care anak, I love you.” I was trying so hard to hold my tears back but there, I finally burst out.
“I love you too dad, so much.” And with that we parted ways.
Ngayon
ang araw ng flight ni dad to New York para magpagamot sa complications
ng sakit niyang diabetes and to be with my other siblings na rin.
I
wanna be there with him but I can’t, graduating student na kasi ako at
kakasimula pa lang ng school year so ayaw na ni dad na mag-abala pa ko.
I
was living independently since first year college pero magkalapit lang
naman ang condo ko at ang bahay namin ni dad kaya I didn’t felt alone
pero ngayong magse-settle na siya sa States pakiramdam ko I’m all alone.
My mom died when I was only four years old while my two older
sisters settled in States after getting married, kaya simula 14 years
old ako kameng dalawa na lang ni dad ang magkasama, we were buddies,
bestfriends, he is my idol, my hero and my no. 1 fan.
By the way my
mom is Fil-am and naka base siya sa States kaya most of our relatives
dun nakatira and my sisters were born there kaya siguro home for them is
there.
“Nakaalis na ba si tito?” Pambungad na tanong ni Andrew saken
pagkalabas ko ng airport, hindi kasi siya pinayagang pumasok ng guard.
“Yes.” Maikling sagot ko as I was trying to hide my face from him.
“You’ll be okay.” Sabi niya sabay akbay sa balikat ko.
Napatingala ako sa kanya mula sa pagkakayuko at nagkatitigan kaming dalawa.
Confirmed, mahal ko nga si Andrew.
First
year college pa lang magkakilala na kami ni Andrew, magkasunod kasi
yung apelyido namen kaya lagi kameng magkatabe sa halos lahat ng
subjects tsaka lagi din kaming nagiging magkagrupo tuwing may activities
sa school kaya madali kaming nagkapalagayan ng loob.
Katulad ng
magbabarkada dumaan na rin kame sa lahat ng aspetong pang magkaibigan,
kalokohan, trip, tawanan, drama, inuman, at kung anu-ano pa, in short we
consider each other as best of friends.
Aminado naman ako na simula bata pa ko eh meron nakong kakaibang nararamdaman sa kapwa ko but never did I imagined it this way.
I
acknowledged it as an affection to an older brother, wala kasi akong
kapatid na lalake kaya siguro ganun ang nararamdaman ko tsaka never kong
naisip na magkaroon ng relasyon sa kapwa ko lalo na ang sexual
encounter.
But less than a year ago ng magkaroon ng girlfriend si
Andrew nagsimulang makaramdam ako ng kakaiba, hindi ko alam kung ano yun
pero nung maghiwalay naman sila ang saya saya ko.
I didn’t mind, sabe ko siguro hindi lang ako boto dun sa babae kaya ganon.
Time
passed, mas naging close kame, napapadalas na yung sleep over niya sa
condo ko at napapadalas rin yung pag hang-out namin ng kaming dalawa
lang.
These past few months depressed talaga ko dahil nga sa
pagkakasakit ni Dad, he’s the only one I have now kaya naman iba talaga
yung sakit na naramdaman ko lalo na nung makita ko siyang nakaratay sa
ospital.
Kasama pa sa depression ko ang confused feelings ko para kay
Andrew na lalong nagpapagulo saken, but one night habang nagbabantay
ako kay dad sa ospital I finally had the courage to tell him how I feel
about Andrew, we were always honest with each other pero I kept this
with myself kaya natatakot ako sa kung anuman ang magiging reaksyon nya
pero anu’t anuman alam kong siya lang ang pwede kong makausap at
mahingan ng payo.
Matalino ang mga magulang sila ang unang makakaalam.
“I
know anak, I know. Whatever it is that you want, you are my son and
you’ll forever be my son.” Those were his exact words. He is my dad and
he loves me no matter what.
Sa lahat ng mga pinagdadaanan ko andyan lagi si Andrew naka-alalay, he always cheers me up.
Kaya
ngayon ng sabihin niyang “You’ll be okay.” Nagtatatalon sa tuwa ang
puso ko, pakiramdam ko nag-uunahan lahat ng kabayo sa dibdib ko.
Nagkaroon
din ako ng dalawang girlfriend pero kahit kelan hindi ko naramdaman ang
ganito, na isang tingin ko lang sa mga mata ni Andrew I know I’ll be
okay.
Confirmed, mahal ko nga si Andrew.
“Hoy, halika na male-late na tayo.” Napukaw lang ang atensyon ko sa pagkaway ng kamay niya sa harap ng mukha ko.
“Baliw!” Sabe ko sabay alis ng kamay niya sa pagkakaakbay sa balikat ko at nagtatakbo akong papunta sa kotse niya.
“Hoy!” Sigaw niya habang humahabol ng takbo saken.
Tawanan
lang kame ng tawanan buong biyahe papunta sa Campus pero ng mapansin
kong sa ibang gawi ng intramuros niya dinala yung sasakyan niya nagtaka
na agad ako.
“Akala ko ba male-late na tayo?”
“Tingnan mo nga
yang itsura mo ang dungis dungis mo oh, sabihin pa nila pinaiyak kita
dahil hindi ko tinupad yung promise kong mag-e-sm tayo.” Pang-asar niya
sabay pahid ng kamay niya sa mukha ko.
“Ulol!” Ulol pero nakangiti ako, ewan ko ba, alam niya talaga kung pano ko mapapasaya.
Bumaba siya ng kotse at naglakad papunta sa paborito naming tambayan dito sa Intra, bumaba na rin ako para sundan siya.
Halos magkatabi kaming umupo sa damuhan at pinanuod ang pagsikat ng araw.
“Kyle.” Napatingin ako bigla ng magsalita siya.
“I’ll always be here for you Kyle, I promise.” Eto na naman, nag-uunahan na naman ang mga kabayo sa dibdib ko.
“Dapat
lang! Bestfriends tayo diba?” I said as I raised my right arm for a
fist bump, tumingin siya saken, ngumiti at inilapat ang kamao niya sa
kamao ko.
Hindi na kame pumasok ng araw na yon, buong maghapon kameng tumambay at nagkulitan sa lugar na yon.
Days passed by, ang bilis talaga ng panahon.
Maayos naman ang naging takbo ng buhay ko, pati nga si Dad ok na pero syempre maintenance pa rin.
Kame
ni Andrew ganun pa rin, mas lalong naging close, mas naging open sa
isa’t-isa at araw araw na kameng magkasama ultimo weekends kasama ko
siyang mag gym o kaya magsimba tapos gumala.
Niloloko na nga kame ng iba naming barkada na daig pa daw namin ang magsyota, tawa lang naman kami ni Andrew.
Halos
tumira na siya sa condo ko to the point na may mga damit na siya don
pamalit pag makikitulog siya, tapos lagi rin niya kong pinapapunta sa
kanila para mag sleep-over, nakakahiya nga kila tita pero syempre
matitiis ko ba naman si Andrew? Tsaka for thesis purposes din naman yon
kaya sige na lang.
Habang tumatagal mas lalo na akong nahuhulog sa
kanya, thinker akong tao kaya lahat ng bagay ina-analyze ko ng mabuti at
dumating rin sa puntong gusto ko ng magtapat sa kanya pero natatakot
ako.
Takot ako dahil mahal na mahal ko na si Andrew pero alam ko ring
walang patutunguhan yon at sa huli masasaktan rin lang ako at ang mas
malala baka tuluyan pang mawala yung kaisa-isang taong nagpaparamdam
sakin na hindi ako nag-iisa.
Sa huli nakunteto na rin lang ako sa
pagkakaibigan namen at sa pagmamahal ko sa kanya ng patago dahil ang
katotohanan, mas matimbang pa rin ang pagkakaibigan kesa sa aking
nararamdaman.
‘Asan ka na ba?’ text ni Andrew.
‘Malapit na traffic eh.’ reply ko naman.
Napag
usapan namen ni Andrew na magkita ng araw na yon, ewan ko ba
magpapatulong daw, tinanong ko kung para san hindi naman nagreply.
Malayo
pa lang kitang kita ko na siyang nakatayo sa labas ng isang restaurant
sa loob ng MOA, ibang iba ang itsura ni loko, sume-semi pormal sa polo
at jeans niya, matagal na siyang gwapo sa paningin ko pero mas gumwapo
siya ng mga oras na yon.
Kinabahan ako, may dala dala siyang bouquet of roses at ngiting ngiti siya habang papalapit ako.
“Kelan libing?” Pang-aasar ko ng makalapit ako sa kanya.
“Baliw! Tara na nga kanina pa naghihintay si Kate sa loob.” Sabi naman niya sabay tulak sakin papasok sa loob ng restaurant.
“Kate si Kyle bestfriend ko.” Ang pakilala sakin ni Andrew sa isang babae na nakaupo sa isang table sa loob.
“Hi Kate I’m Kyle.” Pakilala ko sabay abot ng kamay ko, tumayo naman siya at nakipag shake hands.
“Hi Kyle, nice to finally meet you, lagi ka kasing kinikwento nitong si Andrew eh.”
Noon
ko nakilala si Kate, high school classmates sila ni Andrew and they
kept in touch through the years at ngayon nga eh nililigawan na siya ni
Andrew.
Mabait at maganda si Kate, siya yung tipong babae na
magugustuhan ng kahit sinong lalake, siya yung tipong sineseryoso at
pinapakasalan.
Pero kahit ganon inis na inis ako kay Kate, oo
nagseselos ako, alam ba niya kung gaano kasakit ang ipakilala sayo ang
nililigawan ng taong mahal mo? HINDI.
Galit na galit ako kay Andrew, gusto ko siyang murahin, sipain, at ibalibag pero ano bang kasalanan ni Andrew? WALA.
Nagpilit ako ng ngiti ng araw na yon.
“Bat
ang tahimik mo?” Tanong ni Andrew habang nagmamaneho ng kotse,
kakahatid lang namin kay Kate at ngayon ako naman ang ihahatid niya sa
condo ko.
“Napagod lang.” Sagot ko.
“Ok si Kate no?” Sabi niyang nakangiti habang nakatingin sa driveway.
“Bagay kayo.” Labas sa ilong ‘Ok din naman ako ah.’ Yun talaga ang gusto kung sabihin.
Lumipas
ang dalawang linggo at naging mag on sina Kate at Andrew, iyon ang
pinaka masakit na nangyari sa buhay ko, mas masakit pa sa pagkamatay ng
mom ko at pagkakahiwalay namin ng dad ko.
Kate, Kate, Kate, lumipas
ang mga araw na puro Kate na lang ang laman ng bibig ni Andrew, no more
sleep over, no more wantusawa texting, hindi na kame nagha-hang out pag
weekends, at maswerte na kung sabay kaming makakapag lunch tuwing
breaktime, asan na yung sinasabe niyang ‘I’ll always be here for you
Kyle, I promise’?
Bumalik yung pakiramdam ng nag-iisa, ng walang karamay, masasandalan, makikinig at makakausap.
“Dad? Hey dad it’s me.” Finally sumagot din ang kaisa-isang taong alam kong hindi ako iiwan.
“Hey what’s wrong?”
“How do you know something’s wrong?”
“I know because you are my son.”
“I miss you, I feel so alone.” I tried to calm myself.
“I miss you too son, you know you’re not alone, I’m always here for you.”
“The last person who said that left me too Dad.”
“Andrew?” Tanong niya.
“Yeah
but not really, alam ko naman na hindi niya ko obligasyon. May
girlfriend na siya Dad and you know how I feel for him kaya siguro now
that he has his attention to somebody I suddenly felt alone again.”
“Why don’t you tell him?” Sagot niya.
“Tell him what?”
“Come on where’s your balls?”
“It will make things worst Dad.”
“Worse than losing him without being able to tell how you really feel for him?”
“I don’t wanna lose him.”
“You’re already losing him son.”
“What if he can’t accept me?”
“That’s
a possibility but what if it’s the opposite? You know son, what and if
are two words non-threatening as words can be, but put them together
side by side and they‘ll have the power to haunt you for the rest of
your life. What if? What if… what if…”
Natahimik ako.
“Still there?” Dad.
“What should I do?” Tanong ko.
“Wag
mong hintaying mawalan ka ng oras para sabihin ang tamang bagay sa
tamang tao dahil ang tao pwedeng mag-adjust pero ang panahon hindi
anak.”
“Thanks Dad, take care, love you.” I hang up.
Hindi naman
dahil sa mga sinabe ni dad eh nagkandarapa na kong magtapat kay Andrew, I
was waiting for the right time and I guess thinking of the right thing
to say, nga lang mas lalo akong nawalan ng chance para sabihin sa kanya.
Lumipas
pa ang isang buwan na halos hindi na kame nagpapansinan ni Andrew, in
fact nagsasalita lang siya pag may itatanong o pag kailangan lang
talaga.
Nakakapanibago, para bang out of the blue nagising na lang
ako na iba na yung usual daily routine ng buhay ko, parang may isang
part ng katawan ko na bigla na lang hindi na nagpa-function. Ayaw ko ng
ganito, malungkot.
One time nagkasabay kame sa cr sa school, ang
weird, ang awkward ng pakiramdam, ramdam kong bigla bigla siyang
nagmadali. Hindi ako nakatiis.
“Drew can we talk?” Napatingin siya sakin mula sa pagkakatalikod niya patungong pinto ng banyo.
“Sa classroom na lang baka ma-late tayo oh.” Sagot niya sabay tingin sa relo niya habang nakatalikod pa rin saken.
“May problema ba tayo?” Hindi ako nagpaawat.
“Ha?
Anong sinasabe mo?” This time humarap na siya at kita kong parang
naguguluhan ang expression ng mukha niya, but he can’t fool me.
“I’m not stupid Andrew, iniiwasan mo ba ko?” I kept my voice as calm as possible.
“Bat naman kita iiwasan?” Sagot niya na parang natatawa.
“Exactly!
Ano bang ginawa ko para iwasan mo ko? Kase as far as I can remember
wala naman, sana man lang kung may galit ka sabihin mo hindi yung
iiwasan mo ko na para bang hindi tayo magkakilala. Ang hirap eh, tangina
pakiramdam ko pinapagilatan ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa.”
Hindi ko napigilang tumaas ang boses ko.
Hindi siya nakasagot. Silence.
“I
guess this is it, thanks for being a friend.” Ang arte ko parang
nakikipag-break lang. Ewan ko ba yun ang lumabas sa bibig ko eh.
Hindi siya nagsalita, saglit lang niya kong tiningnan bago tuluyang lumabas ng pintuan.
Hindi
ko alam kung anong naramdam ko ng mga oras na iyon, o baka nga wala na
talaga kong pakiramdam, na masyado ng masakit kaya nagkusa na lang akong
magmanhid.
Yun na ang pinaka huling converasation at pansinan namin
ni Andrew, after ng incident na yon lumipat na agad ako ng upuan sa
classroom.
Maraming nakapansin, nakahalata at nagtanong sa biglaang
deadmahan namin ni Andrew pero wala din naman akong maisagot dahil kahit
ako hindi ko alam ang dahilan.
Pinanindigan ko ang sinabi ko, umarte
ako na parang walang nangyare, in fact naging friendly pa nga ako sa
ibang classmates ko na eventually naging bagong group of friends ko na
rin. Kahit papano napasaya naman nila ako pero andyan pa rin yung sakit,
one time habang kumakain kame sa isang fast food chain bigla bigla na
lang may nagpatugtog ng “Di Lang Ikaw” peste nabulunan ako habang
umiiyak. Meron ding pagkakataon na magigising ako sa kalagitnaan ng gabe
tapos bigla na lang tutulo yung luha ko. Nahilig pa nga kong makinig ng
radyo at na temt din minsan to share my feelings on air pero buti na
lang hindi nasagot yung mga tawag ko, napag isip-isip ko rin parang ang
hopeless ko naman, na parang pang end of the world naman yung drama ko.
Sa
mga panahong ito ko naman nakilala si Liezel, isa sa mga bago kong
kaibigan, akalain mong makakahanap pa pala ko ng bagong bestfriend? As
in swak talaga yung personality namin sa isa’t-isa kaya talagang ang
ganda ng naging bonding namen until naging confident na ko na sabihan sa
kanya ang mga nararamdaman ko. Ramdam pala niya ang pagiging bi ko, yun
ang assessment niya since nagka-gf naman daw ako at kahit papano eh
attracted pa rin ako sa opposite sex although it’s been 2 yrs. nung last
relationship ko with a girl.
Mas lalong gumaan ang pakiramdam ko
dahil kay Liezel, in fact ang drama nga lagi ng converstation namin
since nasa moving on stage din siya ng mga panahong yon so kahit papano
may common ground kame at pakiramdam ko may karamay na ko sa mga
pinagdadaanan ko lalo na pag tungkol kay Andrew, I wasn’t as lonely as
before.
Parehas kaming mahilig manood ng sine ni Liezel lalo na pag
hollywood film talagang nag-uunahan kame para manuod sa special
screening kaso ang ending laging kami lang ang magkasama since
nagtitipid yung iba. Okay na rin movie date, a friendly movie date.
Nakaka-miss si Andrew, erase erase! (siya lagi yung kasa kasama ko pag
dating sa mga ganito)
“Hati na lang tayo sa popcorn para sweet haha.”
Pang-aasar ko kay Liezel habang nakayuko ako sa istante ng mga popcorn
at namimili ng bibilhin.
“Wui Andrew? Oy!” Napatingin ako sa direksyon ng boses ni Liezel at napatulala ng makita kong magkasama si Andrew at Kate.
Kelan ba nung huling makita ko siya ng malapitan? Bakit parang mas gumagwapo ata siya?
“Hi Kyle!” Bati ni Kate na pumukaw sa atensyon ko.
“Hi Kate! Ahh… si Liezel nga pala.” Turo ko kay Liezel ng mapansin kong parang nagtatanong ang expression ng mukha ni Kate.
“Hi Liezel I’m Kate.” Sabay lahad ng kamay ni Kate na siya namang inabot ni Liezel.
“Liezel, by any chance eto rin ba panonoorin nyo?” Tanong ni Liezel sabay turo sa pila ng mga tao sa cinema 8.
“Yeah.” Si Andrew na ang sumagot, bakit parang badtrip siya?
“Really?
eto rin kasi papanoorin namen, gusto niyo sabay sabay na lang tayo?”
Tanong ni Liezel sabay tingin saken na may halong nakakalokong ngiti.
Babaeng to nananadya! Pinandilatan ko siya ng mata.
“Sure! Double date.” Pagsang-ayon naman ni Kate, napansin kong lalong kumunot ang noo ni Andrew.
Wala na rin akong nagawa so nanahimik na lang ako. Baka isipin pa ni Andrew affected ako masyado.
Bukas
pa yung ilaw sa sinehan nung pumasok kame kaya nakahanap kame ng
magandang pwesto, tabe kame ni Liezel habang katabi naman niya si Kate
na katabi rin si Andrew. We were just two seats apart and It’s so ironic
that I feel were so close yet so far from each other.
Krooo Krooo Krooo, awkward!
Buti
na lang tahimik din sa sinehan nung magsimula na yung pelikula kaya nag
focus na din lang ako sa panonood. Ang bango niya shit naamoy ko
pabango niya, focus focus! Arghhh! Ang hirap, alam mo yung feeling na
gusto mong lumingon sa side niya pero pakiramdam mo mahuhuli ka niya
kaya hindi mo magawa. Olats, wala pang ¼ ng pelikula distracted na ko
kaya napagdesisyunan kong magbanyo.
Nagulat na lang ako ng makita ko
si Andrew na naghuhugas ng kamay sa sink paglabas ko ng cubicle.
Dineadma ko, nagdire-diretso ko sa katabing sink at naghugas ng kamay
ko. Krooo krooo krooo, walang ibang tao sa loob ng banyo kaya lagaslas
lang ng tubig ang maririnig mo.
“Kayo na pala ni Liezel.” Napatingin ako ng magsalita siya.
Hindi ako sumagot, sa tono naman kase ng boses niya parang hindi naman siya nagtatanong, hindi nga ba? Ewan!
“Kelan pa?” Sumunod na tanong niya.
“I think it’s really no skin off your nose Andrew.” Sagot ko habang tinutuyo ng panyo ang kamay ko.
There, that did him; I took advantage of the moment and chose to leave.
“Si Andrew?” Tanong ni Kate pagkabalik ko sa seat ko.
“Ha?” Nag maang-maangan ako.
“He went to the bathroom too.” Sagot niya.
“Ahh ganun ba? Hindi ko ata napansin.” I said sabay tingin kay Liezel, alam kong alam niyang may ganap.
A minute later dumating si Andrew at bumalik ang atmosphere sa dati,
awkward. Sinubukan ko na lang mag focus sa pinapanood ko pero ang harot
ni Liezel, andyang susubuan niya ko ng popcorn, hihilig siya sa balikat
ko tapos out of nowhere biglang hahawak sa kamay ko. Jeez nakakasuka!
“I know what you’re doing.” Bulong ko kay Liezel at ang bruha umarte pa na parang nakiliti sa ginawa ko.
“So?”
Bulong naman niya saken, ramdam kong nakangiti ang gaga. Pasulyap kong
nakita si Kate at Andrew na nakatingin samin ni Liezel.
“Well, two
can play.” Sagot ko kay Liezel sabay akbay sa kanya, hinilig naman niya
ang ulo niya sa dibdib ko. Alam kong nakangiti ang gaga at kahit ako
hindi ko rin mapigil ang ngiti ko.
Tumingin ako saglit kay Andrew pero nahuli niya ko kaya agad kong binawi ang tingin ko.
Natapos
ng tahimik ang pelikula, parang yun na ata ang pinakamahabang
pelikulang napanood ko sa buong buhay ko, pakiramdam ko nga hinold ko
yung breath ko the whole time at nakahinga lang ako nung lumabas na kame
ng sinehan.
“San kayo?” Tanong ni Kate kay Liezel.
“Kakain sana.” Sagot naman ni Liezel na parang nagpapaalam saken.
“Good,
sabay sabay na tayo gutom na rin ako eh, treat ko.” Sagot ni Kate
habang nakapulupot ang kamay niya sa braso ni Andrew na parang
nagpapacute pa rito.
“Ahh hindi na… actually may bibilhin pa kasi
kame ni Liezel eh, baka matagalan pa kame.” Inunahan ko ng sumagot si
Liezel sabay abot at pisil sa kamay niya bilang warning.
“Ahh oo nga pala.” Pag sang-ayon naman ni Liezel na mukhang naintindihan ang gusto kung ipahiwatig.
“Oh
sayang naman, anyways it was nice meeting you Liezel, and I hope to see
you more Kyle, balita ko kase hindi daw kayo nagpapansinan nitong si
Andrew, I hope maayos na kung anuman yung naging problema niyo.” Sagot
ni Kate na ikinabigla ko, so alam niya? Shit ano kaya mga kinukuwento ni
Andrew sa kanya?
“Haha…” Nagpilit na lang ako ng tawa sa sinabe niya.
“Sige we’ll go na.” Sagot naman ni Kate.
Ngitian na lang hanggang sa mawala na sila sa paningin namin ni Liezel.
“May bibilhin pala ah.” Pang asar ni Liezel nung makalayo yung dalawa.
“Baliw! Halika na nga at gutom na rin ako.” Hinila ko na lang siya sa kabilang direksyon.
Napag-usapan namin ni Liezel over dinner ang naging encounter namin ni Andrew sa banyo.
“Obvious namang curious siya sa mga nangyayari sa buhay mo lalo na sa lovelife mo no.” Paliwanag ni Liezel.
“Neknek niya, iiwasan niya ko tapos ngayon magtatanong siya tungkol sa buhay ko, baket?” Sagot ko.
“Kalma!
Sa pagkaka-alam ko wala namang ampalaya tong pizza pero bakit parang
mas bitter ka pa? Alam mo yun nga rin ang iniisip ko eh, tsaka kanina
nung sa sinehan parang ang cold niya kahit kay Kate bat ganun?” Sagot at
tanong niya habang ngumunguya ng pizza.
“I don’t care, at least success tayo sa pagpapakitang I can live without him, kala niya kakulangan siya ah, ulol haha.”
“Yun
ba talaga? Baka naman pinagselos mo siya dahil ang gusto mo talagang
malaman eh kung affected ba siya kung sakaling magkarelasyon ka?”
Napahinto ako sa pagtawa.
Bato bato sa langit tamaan SAPUL!
“Mainit lang ulo nun pano ba naman ayaw na nga niya kong makasama diba?” Iniba ko na lang ang usapan.
One
week after ng insidente sa mall balik sa dati ang lahat sa school,
hindi pa rin kami nagpapansinan na parang hindi kame nag-e-exist sa
buhay ng isa’t-isa. Sa isip isip ko okay lang, anu bang ine-expect mo
Kyle? Na magseselos siya sa ginawa mo? Magkape ka nga oy! Nagawa ka nga
niyang kalimutan at yung 3 years niyong friendship ng ganun ganun lang
tapos dahil lang may iba ka ng bestfriend maapektuhan na siya? Baket?
“Hoy tulala ka na naman!” Panggugulat ni Liezel.
“Bhe pwedeng favor?” May naisip ako.
“Anu na naman yan? Baka kalokohan na naman yan ayaw ko.” Pagtanggi niya.
“Hindi promise hindi kalokohan to.” Pakiusap ko.
“Anu ba yon?” Nakakunot noong tanong niya.
Binuksan
ko ang bag ko at inilabas ang isang red and white jersey jacket na may
nakaburdang Kyle sa likuran at 07 sa harapan bandang kaliwang dibdib.
Kilala ni Liezel ang jacket na yon, ilang beses ko na rin kasi itong
nagamit sa school. Ang jacket na bigay ni Andrew sakin bilang peace
offering daw nung hindi ko siya pansinin dahil sa kakulitan niya. Isang
beses kase naglalaro kame ng psp sa condo, nung matatalo ko na siya
biglang nangiliti ang loko, gawain niya talaga yon para i-distract ako,
minsan pa nga wre-wrestlingin niya ko para lang wag siyang matalo kaso
nung araw na yon napikon ako kaya hindi ko talaga siya pinansin. Sorry
siya ng sorry pero deadma lang ako.
“Sakto giniginaw ako.” Sabay hablot ni Liezel sa jacket ko.
“Baliw hindi ko pinapagamit sayo, ahhhmmm… ikaw na magsoli kay Andrew.”
“Haaa?
Bat ako? Kala ko ba wala ka ng paki dito tsaka hindi naman niya
magagamit to hello may pangalan kaya oh!” Sabay pakita ni Liezel ng
burda sa likuran ng jacket.
Naikwento ko na sa kanya ang tungkol sa
jacket kaso hindi ko nga alam kung isosoli ko pa ba o wag na lang, hindi
ko rin naman kayang itapon na lang pero siguro nga kung gusto ko
talagang tuluyang maka move on kailangan ko na ring I let go lahat ng
memory ko about him.
“Sige na ikaw na bahala.” Pagpipilit ko kay Liezel.
“Hay nako bahala ka!” Pagtanggi niya.
“Sige na sige na, uy papayag na yan.” Pangungulit ko kay Liezel sabay kiliti sa bewang nito.
“Ano ba ahh haha, anu ba kase ayaw ko, tama na ahh haa.” Hindi naman magkanda tuto si Liezel sa pag-iwas sa kamay ko.
“Anu ba yan Mr. Espinosa at Ms. Perez, kung maglalandian kayo wag dito sa klase ko.” Saway ni Mam Gina.
“Oyyyy! Yiiieeeee!” Kantyawan at palakpakan ang klase.
Natigilan kami ni Liezel, nakakahiya shet!
“Ikaw kasi eh.” Sisi niya sabay kurot sa tuhod ako.
“Aw! Naman ang arte kasi eh.”
“Ahh maarte? Sige ikaw na lang magsoli niyan.” Sabay balik ng jacket sakin.
“Eto naman kinilig ka naman, joke lang. Sige na isoli muna please!”
“Tsss, siya siya wag ka ng mangulit napagkakamalan tayo eh, ewww.”
“Haha... salamat I love you haha.” Sabay kapit sa braso niya.
“Tigilan mu nga ko anu ba?” Pilit niyang inaalis at pinapalo yung kamay ko.
“Yiiiiieeeeee! Nice one Kyle!” Sigaw nung nasa likuran ko.
“Wooaaahhhh!” Sigawan at palakpakan na naman sila, napatingin ako kay Kyle, blangko ang expression ng mukha niya.
“Anu
ba tanggalin mo na nga yang kamay mo nakakahiya.” Natauhan naman ako sa
sinabe ni Liezel kaya inalis ko na rin ang kamay ko.
“Oh sige na isoli mu yung jacket ah, basta isoli mo na lang wag ka ng magbigay ng dahilan, ok?” Tanong ko.
“Oo na ketong na paulit ulit.” Sagot niya sabay suot ng jacket.
“Peram muna malamig eh, haha.” Dugtong niya.
“Bahala ka.”
Natapos
ang last subject pero hindi naisoli ni Liezel yung jacket, bukas na
lang daw. Sus if I know gusto lang niya yung jacket, maghapon ba naman
niyang suot? Sa isip isip ko nga parang wala na ata tong balak isoli ah.
“Sige iyo muna, ikaw na bahala.” Sabi ko na lang.
“Okies, kita kits bukas.” Sabay halik niya sa pisingi ko.
Nagulat ako sa ginawa niya.
“Paraan nga, sa daan pa kasi naglalandian.” Sabay daan ni Andrew sa pagitan namin ni Liezel.
Saglit kong naramdaman ang pagdampi ng braso niya sa tiyan ko at ang amoy niya, ang pinakamabangong amoy sa ilong ko.
“Problema nun?” Si Liezel, napatingin ako sa kanya mula sa pagkakatitig ko sa direksyong nilalakaran ni Andrew.
“Nakaharang raw tayo sa daan.” Sagot ko.
“Ang luwag luwag ng corridor oh hello!”
“Sus halika na nga.” Pinutol ko na lang ang usapan.
Isang
linggo, isang linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin naisosoli ni
Liezel yung jacket, wala na inarbor na ng bruha. Nag-enjoy masyado in
fact araw araw na nga niyang sinusuot. Hindi ko na rin kinulit, bahala
na kung gusto niya sa kanya na lang tutal hindi ko na rin naman alam
kung anung gagawin ko dun, mabuti na rin siguro yun.
“Oh Mr. Espinosa and Ms. Perez kayo na ah?” Tanong ni Mam Gina.
Ha? Anu daw?
“Sige po mam kami na pong bahala, diba bhe?” Sagot ni Liezel sabay tingin at tanong sakin.
“Yiiiieeeeeee!” Kantyawan na naman sila.
Napatango na lang din ako ng makita kung nag-aabang si mam ng sagot. Anu daw? Anung kami ng bahala? Hay ewan!
Natapos
ang 3 subjects na puro kantyaw ang inabot namin sa mga kaklase namin,
eto namang si Liezel tuwang tuwa parang nag-e-enjoy pa nga eh, hindi
tuloy ako nakahanap ng tiyempong itanong kung anu ba talaga yung
sinasabi nila.
“Hindi kasi nakikinig.” Sumbat ni Liezel matapos
niyang ipaliwanag sakin ang nangyari kanina habang kumakain kame ng
lunch sa ministop. Halos mabulunan ako sa mga sinabe niya.
“Naku hindi ako mahilig sa ganyan nakakahiya.” Pagpupumilit kong mag back out kame.
“Hindi
pwede nasabi ko na no, tsaka nag confirm ka rin naman diba? Wag ka ng
maarte exposure din to, malay mo manalo tayo eh di sikat tayo sa school
diba? Plus wala na tayong poproblemahin sa finals, malay mo hindi pa
tayo pahirapan ni mam sa defense ng thesis natin, sige na kasi.”
Pagpupumilit at pagdadahilan niya.
“Hay nako bahala ka!” Sinubukan kong mag-galit galitan.
“Oy
payag na siya, wuh ngingiti na yan. Ahhh… Say Ahhh… sige na.” Pilit
niyang sinusubo sa bibig ko yung kutsara niya na may ice cream.
Sumubo ako, anu pa nga bang magagawa ko eh kahinaan ko yata ang dark chocolate ice cream ng ministop.
“Yehey! Aarte pa eh.” Kita mo yan parang bata.
Wala
lang naman pala yon, wala lang kami lang naman ang representative ng
course at year level namin sa parating na Lakan and Lambini 2013. Okay
lang papanuorin lang naman kami ng lahat ng estudyante sa school habang
rumarampa ng naka school uniform, casual, at formal attire, tapos mag
ta-talent ng at least 2 minutes. No big deal. Fuck!
“Wag kang umasa hindi naman tayo mananalo diyan no, mediocre lang mga itsura natin oy, tsaka wala kong talent.” Drama ko.
“Sus
don’t worry I’ll teach you, tsaka magkasama naman tayo sa talent
partner partner yun eh. Ako ng bahala kahit di manalo basta makilala
tayo.” Dahilan naman niya.
Patapos na ang klase ng makaramdam ako ng tawag ng kalikasan.
“Sige bhe una ka na I need to pee.” Paalam ko kay Liezel.
“Okay bye, don’t forget magpa-praktis na tayo tom ah!”
“Oo na sige na atat naman to 1 month pa yung pageant eh, sige na bye.”
“Mabuti
na yung ready, sige ingat.” Sabay halik niya sa pisngi ko. Nasanay na
rin ako sa mga beso niyang ganyan, ganun naman talaga pag close na
kayong magkaibigan diba?
Dire-diretso ko sa banyo, pasok sa cubicle at jingle.
Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng pinto ng banyo napahinto na ako sa nakita ko.
My heart starts to flutter.
Alam mo ba yung pakiramdam na parang nakita o naramdaman mo na ang isang bagay, na feeling mo parang nangyari na ito?
Deja vu.
“Mag-usap
tayo.” Sabay hila niya sa kamay ko pabalik sa cubicle, sa isang iglap
isinandal niya ko sa pintuan and he trapped me between his arms
effectively immobilizing me.
Kinabahan ako, ang bilis bilis ng tibok
ng puso ko, pakiramdam ko hinahabol ko ang hininga ko. So far lahat ng
tagpo namin sa banyo hindi maganda ang kinalabasan.
“Anu ba Andrew
baka may makakita at makarinig satin kung anung isipin.” Pilit ko siyang
tinutulak sa dibdib pero mas malaki at mas malakas siya sakin.
“Eto!”
Sabay alis ng isang kamay niya sa kaliwang dingding ng banyo. Noon ko
lang napansin na hawak hawak pala niya yung jacket na bigay niya. Panu
nangyari yon? Diba na kay Liezel yun?
“Wag na wag mong ibabalik lahat
ng binigay ko sayo, nasasaktan ako.” Kitang kita ko ang galit sa mukha
niya, but it wasn’t just that, he looked vulnerable, he looked pained.
I cock my head to one side.
Nagulat
na lang ako ng bigla niya kong hawakan sa baba at pilit iniharap ang
mukha ko sa mukha niya, sa pagkakataong to mas lalong bumilis ang tibok
ng puso ko, iba na ang nakikita ko sa mga mata ni Andrew.
Dahan
dahan nyang nilalapit ang mukha nya sa mukha ko, palapit ng palapit ito
hanggang sa ilang distansya na lang ang namamagitan sa mukha namin lalo
na sa mga labi namin. Napapakit na lang ako sa hindi ko malamang
kadahilanan.
Para bang inaantay ko na lang na magdampi ang mga labi namin but instead…
Next part pleaseeeee.ganda talaga!!!
ReplyDeleteomg! kinikilig ako sa takbo ng story pa post na agad nung next part pauleeeesseee!
ReplyDeleteganda ng story kakakilig need abangan kudos to the author
ReplyDelete- wayne -
Wahaha part two na pls...relate aq ^^
ReplyDeleteWow good story...part. 2 please.
ReplyDeleteBinugbog siya, Sinapak sa mukha, BLAG!
ReplyDeleteHoooooo! Grabe. Intense. Part 2 please.
ReplyDeletebagong aabangan nnaman.salamat author
ReplyDeleteGanda ng kwento.
ReplyDeleteText sa straight jan.
09073744067
Punyemes! Kakabtin nmaaaaan!!
ReplyDeletePart 2 na pleeeeeease!
Kilig Much :D
Sorry kyle I didn't get it sinabi mo ung feelings mo sa kanya? Kaya hindi kayo nag pasinan?
ReplyDeleteMas gusto ko si Liezel para kay Kyle. Bagay sila. At siya pa ang makapagbibigay ng True Love and Happiness kay Kyle .... Si Andrew ... NAH! Go LIEZEL Baby!! Patayin mo sa selos si Andrew! KYLEZEL! LOVE TEAM!
ReplyDeleteWow biglang naging cheap ang story. Thanks for ruining it, jeje
Deleteganda ng kwento. tlagang bagong aabangan to ahhh. nakKakilig.. Sana WG masyadong matagal author ang update.. isa sa pinaka maganda so far
ReplyDeletetalagang si Dad ang nag quote ng famous letter from "Letters to Juliet"! winner ka dun Dad!
ReplyDeleteNice one Mr. Antiptiko. I knew the line was familiar. U confirmed my thoughts. It was a line by Vanessa Redgrave in the film.
ReplyDeletePost na agad ang part 2.. tagal pa naman update dito.. kakabitin.. hehe please. Thanks.!!
ReplyDeleteKapal naman ni Andrew! Nagka GF lang sya pinabayaan pa nya si Kyle. Nag promise pa sya na 'I'll always be here for you' tapos nawala sya, at nang magkaroon ng frriend, nagselos at nagalit pa si ungas, saktan mo sya Kyle! bayagan mo! Selfish sya, thats not true friend! Liezel is deserving to be with you, Kyle!
ReplyDeleteAnong problema ni Andrew! Sya na nga ang nag iwan may gana pang magalit. Sa akin iyon sasapakin ko sya. Do something Kyle. Gusto lang nya ang titi mo! Ipachupa mo, bibigay yan. Huwag kang susuko. - Mr. Kitt
ReplyDeleteI ship Kyle and Liezel! Part 2 na author, please! :)
ReplyDeleteA good read. Parang romcom ang takbo ng story. Sana masundan agad. :)
ReplyDeleteWhoaaa! Nabitin ako...cant wait for the next part!
ReplyDeletenext part grabe kinikilig talaga ako..
ReplyDeletenice :)
ReplyDeleteWow! Can relate...part 2 na hehe
ReplyDeleteMay bago nang aabangan after Break Shot! Parang gusto ko na rin si Liezel for Kyle. Hehehe. Can't wait for the next part.
ReplyDeletePart 2
ReplyDeleteGood job, author!! I felt like i was reading a storyline for an incoming movie as i read it. Kudos!! Also, can't wait for the second part.
ReplyDeletereal story, kung real story wow ganda ng story.. astig ni liezel. para kay kyle ngpromise man ng ganun sayo si andrew di man kaya i maintain he will kept his words...
ReplyDeletehi im mickey..i can really relate to the story.. ganyan din nangyari skin with my best buddy for 2 years..grabe..ng nagkaroon sya ng gf,, he went away slowly..un ang masakit.. dahan2 muna.. sna binilisan n lng nya ang paglayu para di gnito kasakit....ouch...
ReplyDeleteSana bukas may part 2 na. Sunday!!
ReplyDeleteNaka-ng-tipaklong, bitin eh. :)))
ay bitin anu bayan next na agad part 2 na auth0r ang ganda eE.
ReplyDelete.by the way kilalang kilala ko si liezel espin0sa ask ko kya sya pra makilala k0 kyu auth0r!
.whahahaha...clap2 pra kai auth0r kay lan t0ng part2 auth0r?
.ganda kilig much..;-)
Liezel Espinosa? di ba ang espinosa si kyle? Perez si Liezel? Hmm.
DeleteIlabas na ang part 2, sapakan na yan. Haha, kyut ni liezel.
ReplyDelete"hwg n hwg mo ibabalik ang jaket ko hndi nalabhan, nasasaktan ako!" choz!! sana'y bukas p ang kahapon..choz ulit. Galing mo author!!!!
ReplyDeletenasan na ang Part 2??? Sunday ngayon oh!!!
ReplyDeleteConversation with your dad is from the movie ea? The what if! What if? It's from letters to Juliet... Starring Amanda Seyfreid. Hehehe just notice but it's a good story though. Thanks for sharing
ReplyDeleteSana lumabas na ang ikalawang kabanata, inaabangan ko tlga to e
ReplyDeleteVery nice! No part of this story that bores me! Next part please!��
ReplyDeleteNext na agad.. Bitin..
ReplyDeleteWaaaa.inuna ko pa talaga to kesa mag-aral. Haha. Ganda. Shet. Relate ako.
ReplyDeleteBIIIIIIITIIIIIIIIN.........
ReplyDeleteThis made me teary eyed. Ito na ang pinaka magandang story dito where i found reflected. Ang dami ko nrealize sa story na to and im excited sa Part 2. I really hope this is not fiction only sobrang sayang pag gnun. Nakita ko yung sarili in many ways lalo na dun sa part na... I feel so alone
ReplyDeleteui mr. author pkibilisan next na agad kakakilig
ReplyDeleteBitin!! Bet na bet ko talaga yung mga gantong stories. Tapos yung part na tinrap ni Andrew si Kyle between his arms...kinikilig ako. =))
ReplyDeleteAuthor, asan na yung kasunod? Binabalikbalikan q to.
ReplyDeleteAng tagal naman ng part2 neto. Haha tagala kona hinihintay. Sana ma post na. Hehe
ReplyDeleteSAAN NA YUNG PART 2!!!! >.<
ReplyDeleteaba nasaan na talaga yung kasunod. until now wala parin? huhuhu
ReplyDeleteEmeygeeed gondo ng story binablikan ko tlga to wish ko lng maupdate n ung nxt part anung petsa na ohh wla p rin
ReplyDeleteoras na para dugtungan ito. asan na yung part 2 author?
ReplyDelete1 year na wala paring update. asan na author? huhuhu
ReplyDelete