By FictionsOfAJ
Kahit malayo pa lang ako sa tambayan ng barkada ay dinig ko na ang malalakas na tawanan ng mga mga kaibigan ko. Ang lalakas talaga ng mga trip ng mga ito. Nung makarating ako sa harap ng tindahan ng mga Perez ay naaninag ko na ang mga mokong. Sila Henry, Terrence at Derrick. Ang tatlong ugok. "Uy Aldo!" bati sa'kin ng pilyong si Terrence. Ang gagong mukhang nerd pero gago talaga. Kahit na may salamin siya, loko-loko pa rin yan. Nerdy-looking lang talaga. "Oh ano trip niyong tatlo? Nakadrugs ba kayo?" ganti kong sagot sabay upo sa tabi ni Derrick. "Baliw hindi, may naisip kasi tong si Henry." sabi ni Terrence. "Ano?" tanong ko kay Henry. Ang mayamang dude. Mayaman ang pamilya niya kumpara sa aming tatlo na may kaya lang. "Mag-boarding house tayo!" sabi ni Henry. "Huh?" gulat kong sabi, "Bakit?" Nagtataka akong tumingin sa kanila. Anong trip ng mga 'to? Medyo malayo nga ang college school na pinapasukan namin, pero wala naman kaming problema. "Ano ka ba pare, masaya mag-board!" singit ni Terrence, sabay akting, "May freedom!" Natawa yung dalawa, habang ako nagtataka pa rin. Boarding house? Bakit? "KJ naman neto, payag ka na! Di naman mahal eh, makakatipid ka pa nga." sabi ni Henry. "Sige na, payag ka na." singit naman ni Derrick. Ang silent type. Ika nga sa utot, silent but deadly, maliban kay Henry, si Derrick ang isa pang matinik sa chicks. "Bakit nga kasi?" pagpupumilit ko. "Trip lang pare, para masaya. Sama-sama tayong apat sa iisang kwarto. Hati-hati sa renta, oh diba. Tipid!" sabi ni Terrence na mukhang pinaka-excited sa lahat. Paano ba namang hindi siya sasang-ayon sa trip ni Henry eh magbespren yang dalawa. Kung anong gusto ng isa, gugustuhin din ng isa. "Magkano?" tanong ko. "1,500." Mura nga, "Sige na nga." "Ayun! Payag din si Aldo!" pagcecelebrate ni Terrence. "Maghanda na kayo sa paglilipat sa linggo. Nagawan ko na ng paraan yung paunang bayad, yung last installment na lang ang pag-aambagan natin." sabi ni Henry. "Linggo agad?" gulat kong tanong. Biyernes ngayon, hapon. "Alam ko kasing papayag na kayo." nakangiting sabi ni Henry. "Kausapin ko na lang si Tita para pumayag." biglang sabat ni Derrick. Si Mama nga ang iniisip ko, baka di ako payagan. "Ikaw bahala ah, lagot ako dun pag ako nagpaalam."
sabi ko. Magkalapit ang mga magulang namin ni Derrick, tas magkalapit pa ang mga bahay namin. "Under ka pala sa nanay mo eh!" pang-aasar ni Terrence sa akin. "Gago!" sigaw ko sa kanya. Nagtawanan ang buong barkada kasama ako. "Haay, kaya naman pala may maingay na naman sa harap ng tindahan ko. Andito na naman kasi kayong apat." sabi ng isang matandang boses sa loob ng tindahan. "Good Morning, Lolo Jose! Kamusta tulog niyo?" mapang-asar na tanong ni Terrence. "Maayos naman, kung di lang kayo nambulabog mga gunggong kayo." Tawanan lahat. Close kaming apat kay Lolo Jose, payag naman siyang maging tambayan naming apat ang harap ng tindahan niya. Siya lang naman kasi ang nakatira dito. Malaki yung bahay pero nag-iisa na lang si Lolo Jose sa buhay. Namatay ang asawa niya dalawang taon na ang nakakalipas. Wala pa silang naging anak. "Pabili nga po ng apat na softdrinks, Lolo Jose." sabi ni Henry, sabay labas ng pitaka. "Coke?" "Opo." sagot ni Henry sabay labas ng one-hundred. Hanep, daming laman ng pitaka. Wala akong makitang kulay red o orange, puro kulay violet. Minsan nga dilaw at blue na papel ang nakikita ko. Bumili na rin si Henry ng chichirya para sa aming apat. Ganyan si Henry, galante kung manlibre. Minsan nga tumatanggi kaming tatlo pero gusto naman daw niya gawin ito. Walang pumipilit sa kanya kaya wala kaming choice. Pero pag siya naman ang nililibre ng isa sa amin. Hindi rin siya tumatanggi, kahit papano ay nababawian namin si Henry. "Lolo Jose!" biglang sabi ni Terrence. "Oh?" "Mamimiss namin kayo." paglalambing ni Terrence. "Anong kalokohan iyan?" natawa kaming apat sa mukha ni Lolo Jose, parang nandidiri, haha. "Aalis na kami eh, magboboard na kami simula ngayon." patuloy sa pantitrip si Terrence. "Board?" "Boarding house po." "Ahh, aba'y sa wakas. Maaari na akong makatulog ng mahimbing sa hapon." Tawanan. "Di niyo naman kami tinataboy, Lolo Jose?" "Di naman." sagot ni Lolo Jose, "Pwede na kayong umalis." Tawanan ulit. Eto ang makulit kay Lolo Jose eh, sumasakay sa trip namin. Nagpatuloy kami sa pagkekwentuhan sa harap ng tindahan ni Lolo Jose hanggang sa unti-unti nang dumilim. Napagpasyahan naming magsiuwian na. Magkasama si Terrence at Henry (Bestfriends eh) at kami naman ni Derrick. Hindi naman kami ganun ka-close ni Derrick. Tahimik nga to eh, wala tuloy nagsasalita sa aming dalawa kasi ako ang pangalawa sa pinakatahimik sa grupo. Pangatlo si Henry, at ang pinakamaingay sa aming apat ay si Terrence. "Diretso ka na sa bahay para ipagpaalam mo ko kay Mama." sabi ko kay Derrick habang nakatingin sa kanya. "Sige." Nagtetext si Derrick sa cellphone niya kaya malaya akong matitigan ang gwapo niyang hitsura. Isa sa dahilan kung bakit nag-aalinlangan akong pumayag sa pagboboarding house ay dahil sa sexual orientation ko. Nalilibugan ako sa kapwa ko lalaki. Parang may uhaw sa loob-loob ko na lalaki lang ang makakapatid. Umiwas na ako ng tingin kay Derrick. Si Derrick ang pinakatrip (translation: pinagnanasahan) ko sa kanilang tatlo. Matangkad, makapal ngunit magandang buhok (sa ulo ha, sa may anit), makinis at gwapong mukha, may pagkamatalino at mabait. Shit, ang perfect niya. Idagdag pa ang nakakatakam niyang katawan. Nasilayan ko na ang katawan nilang tatlo dahil may isang gym na kung saan sabay-sabay kaming apat sa pag- eexercise. At sa aking opinyon, yung kay Derrick ang pinakamasarap. Sakto lang ang kay Derrick. Sobrang laki nung kay Henry (katawan ha), samantalang yung kay Terrence ay medyo slim. Yung akin? Okay lang, pwede na. Haha. Ang napapansin nila sa akin ay ang kutis ko. Parang ang kinis daw parang sa babae. Syempre mga gunggong yon kaya inaasar ako minsan na pahipo daw. Di nila alam na kung seryoso sila dun ay payag na payag ako. Basta ba eh papayag din silang pahipo sa akin. Haha. Nawala ako sa sarili kong mundo nung makarating kami sa bahay. Syempre nandito si Derrick kaya maganda ang bati ni Mama saming dalawa. Bisita eh. Pinagpaalam ako ni Derrick. Nung una eh nag- aalinlangan si Mama, pero nung sinabi ni Derrick yung magic words ay pumayag na si Mama. "Ako na pong bahala kay Aldrin." Oo agad ang sagot ni mama. Tunay kong pangalan ang Aldrin, hindi Aldo, nickname lang sakin yun ni Terrence at ng barkada. Nakikain na sa amin si Derrick. Kita mo, feel at home si Derrick dito. Pero nananatiling malayo ang loob ni Derrick sa akin. Di ko alam kung bakit. Ganun din naman siya sa barkada eh. Ayoko nang magpahalata masyado na gusto kong mapalapit sa kanya. Baka malaman niya pa ang malalim kong pagtingin at pagnanasa, lalo pa niya akong layuan niyan. --------------------------------------------- "WOW!" exaggerated na sigaw ni Terrence pagkapasok namin sa loob ng board namin. Sakto lang ito. May C.R. sa isang sulok at tabi nito ang lababo. De-tiles ang lababo. Sa gilid ng mahabang lababo ay ang kalan na pwedeng paglutuan. Sa ibabaw ng lababo ay may cabinet na pwedeng paglagyan ng mga gamit pangkusina. May isang mahabang kawayang upuan at isang malaking stand fan sa kabilang gilid. Tapos may dalawang kwarto, at sa loob ng mga ito ay may kama na pangdalawahan. Parehong may cabinet at bedside table sa loob. May tig-isang electric fan pa. Hanep! Hindi nga exaggerated ang pag-WOW ni Terrence. Ang ganda nito. "Pang 1,500 lang to?" tanong ko kay Henry na nakaupo na sa upuan at nag-aayos na ng gamit. "Kakilala ko ang anak ng may-ari nito eh. Kaibigan ko." nakangiting sagot ni Henry. "Sinong magkakasama sa kwarto?" tanong ni Derrick na nakaupo sa kabilang gilid ng upuan. Si Terrence naman chineck yung C.R. "Kami ni Rence. Tas kayo ni Aldo." sagot ni Henry sa tanong niya. Napalunok ako ng di oras. Kinakabahan ako, makakatabi ko si Derrick. Shit. Makakatabi ko yung pinagnanasahan kong lalaki. Pero naisip ko malaki yung dalawang kama. Magkalayo pa rin kami kaya walang malisya kung magtatabi kami. Walang sikuhan, tadyakan, o kaya hipuan na mangyayari dahil malaki yung space. Tama Aldrin, malaki yung space. Malaking-malaki. Malaki. Lumabas si Terrence mula sa C.R. "Party time na!" ----------------------------- Inuman pala ang ibig-sabihin ni Terrence. Lasinggero talaga yung taong yun eh, kasama niya si Henry. Samantalang kami ni Derrick, mga light drinkers lang. Pero nagkakamali ata ako eh, kahit si Derrick, umiinom ng marami. May pasok pa naman bukas, baliw tong tatlong to. Nagkukwentuhan kaming apat sa may sahig habang umiinom. Ayaw namin sa lamesa, mas presko sa sahig. Nagtatawanan kami sa kwento ni Terrence nung may kumatok. Agad na tumayo si Henry na parang inaasahan niya na ito. Pagkabukas niya ng pinto, iniluwal nito ang isang babaeng mahaba ang buhok at nakasuot ng pambahay. "Mga pare, si Janett nga pala." pakilala ni Henry. Sa di malamang dahilan ay tahimik lang si Terrence at nakatingin. Nakakapagtaka kasi sa ibang pagkakataon ay siya ang unang kumikilos pag may babae. Ako ang unang bumati dahil parehong tahimik yung dalawa. Sumunod si Terrence na alam kong pilit lang tapos sumunod si Derrick. "Mga barkada ko. Si Aldrin (turo sa akin), si Terrence (kumaway si Terrence), at si Derrick (tumango lang si Derrick habang nakangiti)." "Okay lang ba kayo sa kwarto?" tanong ni Janett. "Ayos nga eh!" pagbabalik-sigla ni Terrence. "Ang ganda! Kasing ganda mo." "Ang corny mo, baliw!" pang-aasar ni Henry. Tawanan kaming apat kasama si Janett. Matapos nun ay nagpaalam na si Janett, siya pala yung tinutukoy ni Henry na anak ng may-ari na kaibigan niya. "Kaibigan lang ba?" mapang-asar na tanong ni Terrence. "Gago, di ko type yun! Friends nga lang kami!" pagrarason ni Henry. "May babae ka bang hindi type? Lahat naman ata eh!" "Gunggong!" Tawanan kami ulit. Nagpatuloy ang kwentuhan, kantsawan at asaran hanggang alas dyes ng gabi. Lasing na lasing na yung tatlo, habang ako medyo hilo lang. Si Terrence maingay, habang si Henry paungol-ungol sumagot, tapos si Derrick (as usual) tahimik kahit lasing. Sakit na niya ata ang pagkatahimik. Mga alas-diyes kinse napagpasyahan na naming matulog. Yung mga loko diretso agad sa kanya-kanya nilang pwesto habang ako eh nagligpit pa. Mga mandaraya! Inayos ko na rin yung gamit ko para bukas. Ako lang kasi ang may pasok ng umaga, mga 7:30 AM, kaya hindi ako masyadong uminom. Si Derrick mga 10:30 AM pa. Yung dalawa, parehong 12:00 ang pasok. Matapos gawin ang lahat ng yun, nag-ayos na rin ako ng higaan. Nahiga na ako sa tabi ni Derrick, na kasalukuyang nakadapa at nakaharap ang mukha sa opposite side ko. Tama nga ang hinala ko, malaki ang space sa pagitan namin, hindi nakakailang. Pinikit ko na ang mata ko para matulog. --------------------------- "Ooooooh, sarap..." Naalimpungatan ako, mababaw pa naman ang tulog ko. Hindi ako gumalaw at pinakiramdaman lang ang paligid. Laging may dahilan kapag nagigising ako ng madaling araw. Narinig ko ulit ang isang pamilyar na tunog pero ngayon alam ko nang malayo ito. Parang nasa kabilang kwarto. Pinakiramdaman ko ulit ang paligid at nakinig ng mabuti. At isang ungol na naman ang narinig ko. Dahan-dahan akong tumayo at lumabas ng kwarto. Tumayo ako sa tapat ng kwarto nila Terrence at Henry. "Shit, aaaaaahhhhh...." Hinawakan ko ang door knob at gulat kong nalaman na hindi nakasara ang pinto. Itinulak ko ito ng matahimik para makagawa ng maliit na siwang. Lumuhod ako at unti- unting sumilip sa loob. Nakita ko ang isang nakakalibog na tanawin: si Terrence nakaluhod sa harap ni Henry at labas pasok ang ari nito sa bibig ng isa..
Itutuloy...
ganda kaylan ang part 2 nito auth0r?
ReplyDelete.aabangan q talaga.
Yay exciting!
ReplyDeletegrabe naman unang round plang nkakalibog na
ReplyDeletegrabe nkkalibog kwento na to kya lang sbrang bittiiiiiinnnn .. kailan kya part 2 sna gwin na ni author
ReplyDeletenasan na ang part to hinintay ko talaga ..please part2
ReplyDeleteWala pa ring karugtong?
ReplyDelete