Pages

Sunday, November 23, 2014

Call Center Love Confusion (Part 1)

By: Drei

My name is Drei, 5' 5" ang height ko at hindi mejo payat pero di rin naman mataba, medyo may kaputian and sabi nila kamukha ko si Dingdong Dantes, konti lang naman, sana pati height nakuha ko haha

I, myself, am a bit confused kung ano talaga ako. May pagkafeminine ako kumilos pero iniisip ko baka dahil lang sa upbringing and environment kaya hindi ko alam how to act like a man.

I grew up with my mom and older sister, my ninang na kapatid ni mama and ang lola ko. I wanted to blame it to them but I know its not their fault. I had 2 girlfriends na din naman which didn't last long, i knew I loved them, so i wanted to consider myself bisexual.

It was my first day as a call center rep sa ortigas and training pa lang kami nun. One by one names and past experiences were given. Then come across this guy na mejo feminine. His name is Tom, matangkad, chinito, maputi. Fresh grad as a nurse. Ako naman HRM graduate pero at that time 1 year na akong tengga. That time hindi ko naramdaman na magkakagusto ako sa kanya or what kasi may pinopormahan pa kong babae nun.

The time na napansin ko na nasa kanya na atensyon ko e nung nagsastalk na ako sa facebook. Napansin ko na lang na instead dun sa babaeng pinopormahan ko, e sa profile ako ni Tom madalas. Sabi ko iba na ata ito. I knew I had gay tendencies and i'd know if i'd fall or not.

Nalaman kong may girlfriend siya dahil sa facebook and tatlong taon niya itong niligawan, recently lang sila naging official dahil gusto nung girl na gumraduate muna sila bago siya magkaboyfriend.
Days passed and nagkakaron kami ng mga activities sa training na kaylangan ng partners, to do mock calls and teach each others about flaws and such, pinagdarasal ko lagi na kaming dalawa ang magkapartner which eventually happened.

Nagiging close na kaming magkakawave, nagiging personalan na ang mga tanong, which eventually lead to asking me and Tom about our sexual preference. Syempre sagot ko straight ako, ganun din naman siya.

"lagi na lang ako napagkakamalan. Nakakainis" sabi ko.
"hayaan mo na," sabi niya "ako sanay na ako laging natatanong. Pero diba alam naman natin sa sarili natin kung ano ang totoo. You dont need to explain to anyone."
"salamat"
"anytime. Bestfriends?"
"o ba."

Lagi kaming magkasama, lunch, breaks even biyahe pauwi kaso malapit lang ako Cubao lang while siya ay taga Bulacan. lagi din kaming nagaasaran. Inaasar niya akong jollibee, hindi ko alam bakit, siya naman lagi kong inaasar dahil hirap siyang magbigkas ng P and F pati na B and V. Minsan pag wala kaming ginagawa, binibigyan ko siya ng mga words na may halong P and F para mapractice siya, pero most of the time inaasar ko siya about dun.

Tuwing end of shift, tumatambay kami sa pantry, bumibili ng makakain, kwentuhan, I learned so much about him and nakakagulat kasi andami naming pagkakapareho, esp sa mga pinapanuod namin! pareho kaming mahilig manuod ng mga reality shows from the states, almost all the shows that i like e gusto din niya and napaguusapan namin ang kahit ano about sa mga shows na un, most of all, ang main similarity namin ay feminine and laging napagkakamalang bakla.

that time pala sa office na kami natutulog. dun niya pinipiling matulog kesa umuwi sa Bulacan, ako naman dahil aircon kaya masarap matulog.

"mauna ka na matulog, susunod na ako. magpapantok lang ako dito muna" sabi niya.
ako naman ayaw kong iwan siya dahil siyempre gusto ko kasama ko siya lagi,
"ayaw kitang iwan. okay lang ako dito Tom. hindi pa rin naman ako inaantok"
"ikaw bahala"
"alam mo kasi, ang pinakaayoko sa lahat e feeling na naiiwan or iniiwan, kaya as much as possible ayoko din mangiwan kaya dito lang ako hangga't nandito ka, sabay ako sayo pagpunta mo ng sleeping quarters,"
"okay."

unti unti ko nang nacoconfirm ang pagkagusto ko sa kanya, tuwing umaga tinetext ko siya ng good morning, ingat sa pagpasok, which magrereply naman siya ng thanks ikaw din. inaantay ko lagi na makita siya pag pumapasok sa trabaho, umabot pa sa time na nagaabang ako ng bus na ang ruta e from sapang palay in the hopes of seeing him riding the same bus, which never happened. Sa dinami dami ba naman ng bus na bumabiyahe e anong chance ang makasabay ko siya.

hindi naman din niya ako tinataboy pero may ginagawa siya naikiinaseselos kong tunay.

Tatlo kaming naging magkakaibigan kasama na si Eric, ang pinakamataba naming kaibigan. Haha.

Napansin ko na lang na nagseselos na ako kay Eric dahil niyayakap siya ni Tom.
"Bestfriend mo din naman ako ah, bakit hindi mo ko niyayakap yakap?" sabi ko
"malaki kasi si Eric, mataba kaya masarap yakapin."
"ewan ko sayo." sabay walkout. iniisip ko kung anong pahiwatig ng mga kilos ko sa kanya, baka masyado na akong pahalata, pero talaga namang nagseselos ako, Pero siyempre pinapalipas ko na lang un at sinasarili.

Nagpasya kaming magkakawave na magpunta sa Araneta para magbanchetto (i dunno if i spelled that correctly)

"etong si Drei oh mukhang Jollibee talaga" sabi niya habang papunta kaming Cubao.
"ay nako Tom wag mo kong simulan ah. patay ka sakin,"
"kaya kitang labanan, englishan pa eh. tagal call center kaya ako!"
"taga call center nga english grade 1 naman, di marunong ng P at F"

tapos bigla siyang tumahimik.

Patay. I think i went over the limits. hindi na niya ako kinausap mula non hangang sa maguwian na kami.

pabalik na kami sa office nun. i decided to talk to him along the way.

"uy sorry na."
"layuan mo ko. ayoko makita pagmumuka mo. alam mo namang hirap ako sa p at f, ginagawa mo pang katatawanan, to think na kinumpara mo ako sa grade 1."
"i know i made a mistake of going overboard and i know i hurt your feelings"
"ok lang. i dont want you to get to concerned over me, siguro lalayuan n lng kita."
"why do you have to? abot talaga sa ganun?"
"hayaan mo na ako. nasaktan lang tlga ako"

then he went straight to the office door without looking back at me.

mahilig akong magiwan ng mga sulat so i decided to write him an apology letter to regain him back. hindi ko maipaliwanag ang feeling na galit siya sakin. nahihirapan akong pumasok sa trabaho na alam kong galit siya sakin.

hinulog ko ung letter sa locker niya. and eventually nabasa niya naman siguro dahil kinabukasan pinuntahan ko siya habang break namin at kinausap naman niya ako.

"uy sorry talaga" sabi ko
"wag mo na isipin un, tapos na yun."
"im glad we're okay"
"ako rin"

naging okay ang lahat, hanggang sa umiral na naman ang pagkaseloso ko.niyayakap na naman niya si Eric.

"grabe ka sakin" sabi ko
"oh bakit naman Jollibee?"
"ayan nangasar ka pa, naiinggit kasi ko pag niyayakap mo si Eric. tapos ako hindi"
"o nasabi ko na sau dati pa kung bakit ah."
"oo kaso iba pa rin yung feeling eh."
"halika nga rito" at bigla niya akong niyakap"

Tumalon talon yung puso ko sa tuwa. iba yung feeling.

Itutuloy

9 comments:

  1. Sino tong nasa picture?

    ReplyDelete
  2. I can say it's close to a real life occurrences; and I can relate in many ways and different degrees (I work in the same industry). I hope to reading the next chapters as soon as possible.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow. Call ctr industry with that english?

      Delete
  3. Shet ang hot nung model. Ang yummy.

    ReplyDelete
  4. Oo nga po eh .. ^.~ ♥♥♥

    _al

    ReplyDelete
  5. Ang sarap nung model, hehehe. .

    ReplyDelete
  6. my santol ang model..sarap!

    ReplyDelete

Read More Like This