Pages

Sunday, November 23, 2014

Let it All Out (Part 1)

By: Arc Darwin

Tumingin ako sa relo, malapit na mag 8pm. Kinakabahan ako, masikip sa dibdib.
Paano kung wala na talaga? Paano kung ayaw na nya. Fuck.

Narinig ko ang pamilyar nyang boses, "Sige Sir. Salamat. Mauna na po ako"

Nakita kong maglaho ang ngiti nya. Ang mga matang magaan ang tingin sa paligid napalitan ng panlilisik at nakatutok na sakin ngayon.

"Hi.." sabi ko, may kaunting bakas ng panginginig sa boses.

Ibinaling nya ang tingin nya sa pinto at dumerecho palabas. Sumunod naman ako. Sabay naming inantay ang pagdating ng elevator. Pareho kaming tahimik na nagaantay.
Kailangan ko magsalita, kailangan ako ang mauna.

"Napapadalas ata OT mo?" sabi ko.

"..." hindi sya sumasagot

Ayaw nya ata talaga makipagusap, desidido na ata siya na tapusin ang lahat sa amin.
Sakto namang dumating na ang elevator at sabay kaming pumasok.

"Eh di ang laki ng sweldo mo ngayon kaka-OT?" dagdag ko.

Ibinaling nya ang tingin nya sakin at sinabi, "Listen, Arc, diba nilinaw ko na sayo na wag na tayo mag-usap?"

Fuck, Di ko alam kung paano ako sasagot.Ako naman ngayon ang di makapagsalita.
Ang dali kasing kumbinsihin ng sarili sa idea na makipag-usap. Planado ko na ang sasabihin ko and yet, nararamdaman ko nang unti-unting nawawala ang mga nasa isip ko.

"Hayaan na lang kasi natin ang isa't isa. Akala ko ba malinaw na? Nagreply ka naman nun sa text ko." dagdag nya.
Mas sumikip pa ang pakiramdam sa dibdib ko, nararamdaman ko na yatang nangingilid ang luha sa mata ko. Sabi ko sa sarili ko kanina, hindi ako iiyak hangga't di kailangan.

"Please, stop this, Arc. Pareho lang tayong nahihirapan."

Bumukas ang elevator, ground floor na. Naghahadali sya sa paglakad palabas ng building. Ako naman, nakasunod pa rin parang aso nakabuntot sa amo.

Sa loob-loob ko, alam kong di ako kuntento sa ganitong usapan. Na nagpaalam na lang kami sa kung anong meron kami. Na pareho naming tinitiis ang pagka-ilang. Na kuntento na kami na nagkikita kami pero di naguusap.

Sinabayan ko ang pace ng paglakad nya, "Ervin, pagusapan natin to."
Nasabi ko rin ang gusto kong sabihin. Pero patuloy pa rin sya sa paglalakad, derecho ang tingin sa daan.

"Ano pa bang dapat pagusapan?"

"Lahat, gusto kong magsorry. Gusto kong ilinaw lahat"

Tumigil sya; nasa gitna kami ng underpass 'nun, lahat ng tao patuloy sa paglakad at pagtawid

"You've  already said you're sorry diba. Ano pa bang gusto mo?!" tumataas na ang boses nya.

Nakikita ko na may mga taong tumitingin samin habang napapadaan sila. Tinignan ni Ervin ang paligid, at bumalik sa dati ang expression niya at pinagpatuloy niya ang paglakad.

Sinubukan ko siyang pigilan, hinawakan ko ang kamay nya pero inalis nya rin ang pagkakahawak ko.

"You know what, fine. Tara pagusapan natin lahat. Pagusapan nating kung pano mo ko iniwan. Kung pano mo ko iniwasan. Kung pano ko pilit inintindi yung ginawa mo." nagtaas siya ng boses.

Ngayon ko lang siyang nakitang ganito, nakakapanibago. Tumindi ang nararamdaman kong kirot sa dibdib. Totoo naman yung sinabi nya, ako naman talaga ang may kasalanan, ako yung nalito, ako ang natakot at ako ang biglang nanlamig. Pero ako ngayon ang nagsisisi na ginawa ko ang ganun.

Dere-derecho lang siya sa paglalakad hanggat sa marating namin ang park na malapit sa pinagta-trabahuhan naming buildin. Umupo kami sa isang tabi, maraming tao sa paligid pero lahat abala sa paglakad. Kami lang ang nakapirmi.

"Ano? Akala ko ba maguusap tayo" sabi niya, halata pa rin sa tono niya na naasar siya.

Napasinghot ako, kinusot ang aking mga mata at sinubukang huminga ng malalim. Hindi pwede, masyado pang maaga para magbreakdown.

"Sorry. Sorry kung nagawa ko yun"

"Alin? Yung suddenly turning cold? Yung di pagpansin sa text at messages ko? O yung di pagsabi na magiging magkatrabaho tayo?" dama ko yung sarcasm sa bawat salitang binibitawan nya, masakit pero sanay na ako, ganito naman kasi kami magusap.

"Lahat dun, pero di ko kasalanan yung pangatlo. Nauna ako sayo ng isang buwan sa trabaho." ngumiti ako.

Para kong tanga nun, pilit na nagpapatawa kahit malapit-lapit nang maiyak.

"Alam ko, from what I've heard wala ka talagang pinasasabihan kung saan ka nagtatrabaho. Nagkataon lang na nagapply ako at natanggap tapos andun ka din pala."

"Baka destiny" biro ko sa kanya

"Hmmmph, destiny? Putang inang destiny 'yan..."

"Sorry kung di mo ko maiwasan. Dapat kasi tinanong mo na lang." paliwanag ko.

Natawa sya sa sinabi ko pero bumalik sa dati ang mood nya., nawala ang kulay sa mukha at naglaho ang ngiti.

"Bakit pa? Ilang beses kita tinext, minessage at tinawagan nung una, but you never answered. So what made you think na I'll try asking you now?"

"Sorry." yun lang ang nasagot ko.

"Pero alam mo, I always hated the moment na nagkita tayo sa pantry. Yung tinu-tour kami ng TL and the first thing I saw was you, eating. Just when I was starting to forget you, magiging magkatrabaho pa tayo. Gusto kong umayaw na nun."

"But you signed thd contract." sabi ko.

"Yep, I signed the fucking contract. So 1 year kitang titiisin."

"Or 11 months, since mauna naman mag-expire yung sakin, malay mo." at pareho kaming natawa.

"Pero seriously Arc, why did you do it? 4 months tayo walang contact, 4 months kong tiniis at inintindi yung di mo pagpansin sakin. Pero ikaw, wala pang one month since nagstart ako sa trabaho and you were already bugging me. Can't you just do the same? "

"Ewan ko ba, nalito ako back then. Ang daming nangyari that made me think kung dapat ba talaga ako magmahal"

"So the same reason again then?"

Napatango lang ako at natahimik.

"You know, I actually enjoyed the first few days of ignoring you. It was sweet revenge. Pero..."

Hinampas ko ang balikat niya dahil sa sinabi niya, "Ang sama mo talaga, mas mahirap ignore-in harap-harapan kaysa sa text lang no.. Pero? Pero ano?"

"I know, kaya nga I realized that you were really saying the truth. Pero natatakot ako."

Di ako sumagot, alam ko na kasi yung susunod nyang sasabihin. And I braced myself for it.

"Natatakot ako na iwanan mo ako ulit. That I'd have to go through the same pain again. Di ko alam kung paano na ako magko-cope if that ever happens" sabi nya sa seryosong tono habang nakatingin sa malayo

Fuck, nung sinabi nya yun parang ibunuhos sa konsensya ko yung pinagsamang sakit na nadama namin within the past six months. This time, di ko na mapigil, tuluyan na kong naiyak. Tuluyan na kong nilamon ng konsensya ko.

"Oh, bakit ka umiiyak? Akala ko ok ka na?" sinubukan nya kong aluin

"I'm sorry Ervin, I'm really sorry. I didn't realize that I broke you that much."

"Broken talaga? Hindi ba pwedeng nasaktan lang? Pwede pa naman ako siguro magmahal, though it's gonna take some time lang."

Pilit nya kong pinapatawa pero parang lahat ng sakit at sama ng loob ko sa sarili ko ay pumipigil sakin.

"Ilabas mo lang yan." sabi nya at sabay abot ng panyo

"Wag na meron ako" at nilabas ko ang panyo ko

"Aba, kahit umiiyak ka, mataray ka pa rin." biro nya

Natawa ako sa sinabi nya at nagpahid ng luha at mukha.

"Hayy" napabuntong hininga sya,  "i guess tama ka nga. We're both broken. Dati ako yung iiyak-iyak satin at ikaw yung matibay ngayon baligtad na. Iba ang tama natin sa isat isa."

Sumandal sya sa bench at umakbay sakin,

"So, ano? Ano ba talaga ang gusto mo?"

Di ako makapagsalita, paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko yung sinabi nya kanina, what if manlamig na naman ako, alam ko na mahal ko pa sya pero mas nangingibabaw sakin yung takot na baka pag nasaktan ko pa sya ulit baka tuluyan na talaga syang mawala sakin. Siguro dapat makuntento na lang ako sa pagkakaayos namin.

"Huy! Ano na?" tanong nya

"Di ko alam"

"Ayan ka na naman, you're killing your happiness you know. Alam ko naman talaga ang gusto mo, pero same as dati pa din, nagdadalawang isip ka na naman. You shouldn't overthink you know."

"Sorry"

"Ayan ka na naman sa sorry mo? So ano nga? Would you like to start over?"

Sinabi na nya ang di masabi. Pero di ko magawang sumagot, I kept thinking that it would be selfish of me to say yes.

"Huy! Ano na, ayaw mo ba? Babawiin ko ang offer ko."

Fuck this, selfish na kung selfish. I have to say yes before it's too late. "Yes.. pero..."

"Walang pero-pero. yes or no lang. Ako lang pwede mag-pero. Payag ako PERO I get to say the conditions this time."

Tumango ako

"We can start over but this time well take it slow."

Ngumiti ako, ramdam ko ang paggaan ng dibdib ko at ang pagbalik ng saya.

"Ok, dyan ka lang ha. Wait lang" at bigla syang umalis

Pagbalik nya, may dala syang dalawang bote ng tubig.

"Hi, napansin ko kanina ka pa umiiyak dyan eh." inabot nya sakin ang bote ng tubig

"Thanks, ano na naman to?" tanong ko sa kanya. I was both confused and amused

"I'm Ervin nga pala, ikaw?"

"Ha, ano? "

"Basta sumagot ka na lang." pangungulit niya sakin

"Fine, Arc nga pala."

Nakangiti siya. Nakangiti rin ako.
Hinawakan nya ang kamay ko, and then we shook hands.

AND THAT'S HOW WE STARTED OVER.

itutuloy...

3 comments:

  1. Wtf. haha author ang galing nung story nung una akala ko wala lang pero ang hugot ha. pa-thrill. next chapter please :)

    ReplyDelete
  2. fvck! next please! kinilig ako dun! :')

    ReplyDelete
  3. Wow...Sana kame din may starting over....

    ReplyDelete

Read More Like This