Pages

Sunday, November 16, 2014

I Hate Love Stories

By: Depressed Guy

"And they lived happily ever after. The end" In my childhood days I used to think na ganun talaga ang takbo ng lahat. Yung always happy ang ending. Parang, A prince will rescue his lady from her tower things like that. As I grew older biglang nagbago ang lahat. Nasan na yung prince? Yung prince na hindi ako sasaktan at mamahalin ako ng totoo. Darating pa ba siya? Hindi naman ata totoo yung mga happily-ever-after. Ewan ko nga ba, ako na ata ang pinaka bitter sa whole wide galactic space. Andami na kase ng mga nangyari, hindi na ako naniniwala sa love. Paasa lang talaga yang mga love stories na yan!

Anyway, the name's Andrew. Drew na lang, college guy, hindi ako head-turner pero pwede na rin, may nagkakagusto naman. Fan talaga ako ng mga love stories NOON. Marami lang kaseng mga di magandang nangyari kaya ayun sceptic na. Okay simulan na natin ang kuwento.


"Hey nandito na ako sa airport, Um saan ba ulit yung venue?"
"Buti naisipan mong pumunta Andrew, isang himala! Ang pinaka bitter sa mundo ay pupunta sa anniversary party ng bestfriend niya Haha"
"Ewan ko sa'yo Gab, kung hindi lang talaga kita bestfriend. Asan yung venue?"
"Don't worry, may susundo sa'yo, yung prince charming mo"
"Loko! "
"The Ruins pala, romantic yung place. Sinadya ko talaga para maniwala ka ulit sa love"
"Bahala ka! Sige bye"
"One last thing, single pala yung si prince charming kaya alam na!"
"Gross ka Gab! Bye na!"

Sige ikaw na talaga ang may perfect na love life Gab! At mamayang gabi ay icecelebrate nila ang 5th anniversary nila ng perfect girlfriend niyang si Kate. Haay, yes straight si Gab. Bestfriends kame since high school at alam niya na bakla ako. Okay lang naman sa kanya, walang nagbago sa friendship namin. Pero hindi ko talaga naiwasang mainlove kay Gab. Siya yung first heartache ko, hindi naging kame, pero alam niya na nagkaroon ako ng thing sa kanya. Awkward talaga nun pero naka move on na ako sa "bestfriendzone" na yun, sabi ni Gab
"Drew, sorry talaga ha. Someday makakakita ka rin Drew, nandito lang ako bilang bestfriend. Siguro kung naging bisexual ako magiging tayo. Pero Drew makakakita ka rin"

Grabe sobrang nabreak ang heart ko nun. "siguro kung naging bisexual ako" Sana nga pero straight talaga siya Huhu pero matagal na yun. So back sa airport. Heto ako nakaupo sa bench, parang nagfaflashback lahat. Yung sa kay Gab, ang sa parents ko, sa EX ko! Ewan ko ba! Hindi na talaga ako naniniwala sa love! Ang saklap lang kase.

"Ah Hey"

Nagulat naman ako! Gago to ah! Panira ng moment!

"Ano bang problema mo? Disturbo!"
Sabi ko
"Ikaw ba. . ." sagot niya
"Hindi mo alam kung gaano kasakit! Wala kang alam! "
"Woah easy, tama nga si Gab, Um ako nga pala ang susundo sa'yo"
Natameme ako. Shit anung pinagsasabi ko kanina
"Ah sorry ha, kalimutan na lang natin yun pasensya ka na"
"Don't worry nandito na ako, prince charming mo"
Hindi ko naiwasang mag blush, patay sa'kin mamaya si Gab
"Ah eh alis na tayo"
"Uy nagblush! Haha Nga pala, Seth"
"Drew"
"So Drew aka ang pinaka bitter daw sa lahat, are you ready to believe in love again?"
"Loko ka! Kung anu anu talaga ang kinukuwento ni Gab sayo!
"Sige na nga, since nandito na prince charming mo, aalis na tayo patungo sa palasyo"
"Baliw!"

Parang baliw naman tong si Seth, feeling close. Pero ang gwapo ha, at parang mabait. Haay pero wala pa talaga sa isip ko yung magmahal muli kase hindi naman yun totoo! Besides kakakilala ko pa lang kay Seth, duh hindi naman ako malandi na pumapatol kahit kanino lang. Basta walang love triple period. It does not exist period.

Papunta na kame sa venue, ang gara pala ng sasakyan neto. Ayun kuwento ng konti, ah hindi pala konti kase ang daldal ni Seth

"So Drew, bakit?"
"Bakit? Ang alin?"
"Ikaw"
"Ako? May mali ba sa akin?"
"Bakit ka ganyan?"
"Huwag mo akung ibully, kung tinatanong mo yung tungkol sa orientation ko OO hindi ako straight! Masaya ka na?"
" Uh hindi naman yan yung itatanong ko Drew, bakit ang bitter mo?
". . ."
"Sige huwag na lang, sorry Drew baka na offend kita"
Hindi pa rin ako kumibo
"Kuwento mo na lang mamaya!"
"Ewan ko sayo!"
"See, napangiti kita! Hindi naman pala ganun kalala!"
"Haay naku Seth," biglang nagring phone ko pero hindi ko lang pinansin
"You want me to answer the call?" pabiro niyang sinabi
"Huwag na, hindi naman to importante"
"Siya ba?"
"Anung siya ba? Duh si dad yun!"
"Eh bakit hindi mo sinagot? Baka nangangamusta dad mo!"
"Kinukulit lang ako nun"
"Bakit?"
"Ang complicated! Mamaya ko na lang ikukuwento!"
"O sige, which means tabi tayo mamaya?"
"Ang landi mo!"
"Kung para naman sa love, na maniwala ka okay lang na maging malandi ako"
"at baliw! Anu ka ba? Promoter ng love?"
"Hindi, ako ang magpapa inlove sayo!"
Sabay pacute
"Ewan ko sayo!"
Tumawa lang siya! Parang gago. Talaga lang ha? Hindi ako maiinlove sayo! O kahit kanino man! Walang love!

Sa venue. . .

Grabe ang ganda talaga ng Ruins,parang palasyo. Mas maganda sa personal, sa tv ko lang kase to napapanood. Di bale pagka graduate ko this March pupunta agad ako dito. Asan na pala si Gab? Siguro nagpapa pogi pa yun.
"Haay Gab sana naging tayo na lang"
"At hanggang ngayon patay na patay ka pa rin kay Gab?"
Nabigla ako dun
"Shhh please Seth huwag mo na lang sabihin kanino, kalimutan mo na lang yung mga narinig mo please?"
"Naku itong si Drew patay na patay pa rin kay"
I covered his mouth with my hands! Loko talaga to!
"Tumigil ka sabi"
"Oy nag kiss na lips ko at mga kamay mo! Uy!"
Then I took my hands, gross pa la ng ginawa ko
"Sige hindi ko ipagkakalat. On one condition"
"Ano?"
"Makikipag date ka sa akin pagbalik sa Manila"
"Busy ako! Ayoko! Ni hindi pa nga tayo close!"
"Isusumbong kita k"
"Sige na nga! Bahala na!"
"Ayun! Bumigay din! Binibiro lang kita Haha"
"I HATE YOU!"
Biglang pumasok si Gab
"Drew! Buddy kamusta si Seth?"
Pabiro niyang sabi
"Ewan ko sa inyo! Magsama kayo!"
Nag walk out ako, hinanap ko na lang yung seat ko with my name. Yun nakita ko na! Bad trip, magkatabi kame ni Seth! Jusko anu ba tong mga nangyayari? Parusa ba to? Bullshit talaga tong si Seth! Inaamin ko, medyo may feelings pa ako kay Gab pero ayokong manira ng relationship. Lilipas din siguro to.

Nagsimula na yung event. Ang ganda ni Kate at ang gwapo ni Gab. Perfect match talaga! Haay siguro dapat ilet go ko na to, masaya naman si Gab so dapat maging masaya na rin ako. Ienjoy ko na lang siguro yung party. Pero nakaka bad trip talaga tong si Seth. Ngisi ng ngisi, parang baliw, nacoconscious na tuloy ako.
"May dumi ba ako sa mukha? Kanina ka pang tawa ng tawa"
"Ang cute mo pala"
"Baliw!"

Biglang may iaannounce si Gab. Pumunta siya sa may stairs, siguro bibigay ng speech

"I'd like to thank everyone for coming, I know that some of you took the plane pa just to grace this event. Tonight's a celebration of love, its been five years since Kate and I became a couple and I am deeply grateful to have her in my life"
Nagpalakpan ang lahat, medyo naiyak ako dun. Ang swerte naman nila. "Tho we have our ups and downs, hindi naman perfect ang relationship namin still we manage to fix our petty problems kaya nga we've reached five years. So kakanta ako ngayon para sa inyong lahat. Just to remind lang of love, na darating din yung the one. Drew this one's for you"
Sabi ko na eh, forever supportive talagang tong si Gab. Nagsimula na siyang kumanta, "Somebody out there" by A rocket to the moon. Wow Gab ha, sa title pa lang ha nananadya na.

You deserve someone who listens to you
Hears every word, and knows what to do
When you're feeling hopeless lost and confused
There's somebody out there who will
You need a man who holds you for hours
Make your friends jealous when he brings you flowers
And laughs when he says they don't have love like ours
There's somebody out there who will

There's somebody out there who's looking for you
Someday he'll find you, I swear that is true
He's gonna kiss you and you'd feel the world stand still
There's somebody out there who will

Grabe naman tong kanta na to, paasa! Naiyak tuloy ako, hindi naman kase yun totoo tsk. After Gab finished the song umalis ako sa seat ko, pumunta ako dun sa may garden na parang may lake. Centi-mode. Hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng mga luha, huhu. Ang sakit sakit :(

"Grabe na touch ka talaga sa kanta ko Drew, may pa centi effect ka pang nalalaman"
"Ikaw naman kase Gab, paasa lang yung kanta."
"Pasensya na ha, naguguilty tuloy ako"
"Sus ano ka ba, wala lang yun. Nasa akin naman talaga yung problema. Ewan ko ba, ba't hindi ako makawala sa mga grudges na pumapaligid sa akin"
"Drew nasa'yo na yon kung ilelet go mo o hindi. I know you're trying to build an image na strong ka at kaya mo pero ang totoo ikaw lang ang nasasaktan. Deep inside you I know naniniwala ka pa rin, please Drew ilet go mo na"
"Sorry Gab ha, gustohin ko man pero hindi madali"
"I know na balang araw makakatagpo ka rin, focus lang muna sa studies kase malapit ka nang gagraduate. Siguro when everything's stable ibibigay na sa iyo ni Lord yung alam mo na"
"Salamat Gab, hayaan mo susubokan ko."
"Alis muna ako ha, baka hinahanap na ako ni Kate. Are you sure na okay ka lang dito?"
"Yes I'm fine, thanks ulit"

Sana hindi na lang ako nabuhay, sana kinuha na rin ako ni Lord. Ang daya daya naman kase. Na miss ko na siya :(

"Ang lalim ng iniisip ah! May dala akong drinks!"
Engot na Seth, panira ulit ng moment
"So simulan na natin?"
"Ang alin?"
"Yung tungkol sayo, tell me your story"
"Pahingi nga nyan" Inabot niya yung wine
"Okay, eto na"

My mom and dad parted ways when I was seven. Hindi ko ma gets kung bakit. Nawala na raw yung spark, ganun lang yung explanation nila. Since na only child ako, I was left by my parents to my lola (dad's mom). Grabe super strict yun, parati na lang galit. One time nabasag ko yung plato sobrang nagalit siya, hindi niya ako pinakain ng lunch at dinner. All day long pinatayo niya ako sa harap ng human-size mirror sa bahay. Naaawa ako sa sarili ko, kitang kita ko ang pagbuhos ng mga luha. Mom and dad never cared, pinapadalhan lang ako ng money every month. Nung highschool may sarili na akong condo, naawa din siguro sila mama at tsaka mas malapit na rin sa school. Dun ko na kilala si Gab, first year ako nun siya naman ay third year. Mabait si Gab at matalino. Naging mag bestfriends kame after nung contest na sinalihan namin pareho. Siyempre siya nanalo, fifth place lang ako nun. Nadepress ako nung time kase hindi ako nakapasok sa top 3. Iyak ako ng iyak dun sa likod ng room namin. Siguro narinig ni Gab, kaya ayun todo comfort. Para hindi daw ako masad binigay niya sa akin ang medal. Sabi ko huwag na kase nakakahiya, pero nag insist tong si Gab. Hay ang sweet lol. Syempre close na kame after nun, bestfriends na. Nung nag graduate siya nalungkot talaga ako, pero nagkikita pa rin kame pa minsan minsan. Nung nag college na inamin ko sa kanya yung tungkol sa akin. At first kinabahan ako kase baka layuan niya ako. Napanatag naman ako sa response niya, tanggap niya ako kahit anu man ako. Bait talaga ni Gab, pero hindi pa natapos dun. Parang nagkaroon ako ng thing sa kanya, sino ba naman ang hindi. Gwapo, matalino at mabait. Nasa kanya na ang lahat! Inamin ko nung christmas ata yun, pero hindi na ako umasa ireturn niya ang favor. Makakahanap din daw ako. Pag Valentines nga, grabe effort ko sa pag arrange ng mga flowers, ng venue, ng music lahat lahat. Ang swerte ni Kate. I must admit na sobrang na hurt ako nun. Yung ang feeling na ikaw ang naghahanda sa date ng crush mo, sakit nun ha! Pero pinilit kong mag move on. Second year college dumating sa buhay ko si Mike. Classmate ko siya sa isang subject. Sobrang pogi yun! Silent type yung hindi madaldal. One time pair kame sa project, sobrang bait pala niya! Basta na fall ako sa kanya. Naging friends kame, parati na kaming nag hahang out. Nagulat na lang ako nung hinalikan niya ako (a week before ng sem break) "Drew, I'm bisexual, And I love you" Yun yung sabi niya. Ako naman tong kilig na kilig Haha so niligawan niya ako. Eventually naging kame! Sobrang sweet niya. Hindi siya nahihiyang makipag holding hands sa akin in public. Siya dumadala ng bag ko, minsan nga nagkasakit ako tapos may bagyo pa pero tinahak niya talaga yung ulan at baha para lang maalagaan ako. Ang ending pareho lang kame na nagkasakit Haha. At nung december, sobrang nag effort siya sa pag set-up ng candle light dinner na may tumutogtog pa ng violin tapos may petals ng rose nanakapalibot sa amin. Ang swerte ko talaga kay Mike. Siya na talaga ang prince charming ko Haay. Pero parang galit talaga yung destiny sa akin. After nun, parang na biyak ang world ko. Huwag na lang nating pag usapan yung nangyari. Kase ang sakit

"So nag break kayo ni Mike?"
"Parang"
"Wow"
"Basta, tapos na yung mga happy days"
"Hindi naman ata valid yun para maging bitter ka"
"Seth kung alam mo lang"
"Let's drink na lang! Para sa bitter mong heart!"
"Para sa bitter kong heart, cheers"
"Ikaw naman ang mag kuwento"
"Well, masaya namam ako sa life ko"
"Mukha nga"
"One year pa lang ako sa work ko sa Manila, medyo life of the party nga. Pero I know my limits naman"
"Kamusta na girlfriend mo?"
"Hindi ba nabanggit ni Gab na single ako? Wala akong girlfriend or exgirlfriend. Exboyfriend meron"
"So bisexual ka?"
"Oo"
"So nagkaroon ka ng ex?"
"Yup! 2 years din yun pero hanggang ngayon parang wala pang closure"
"So wala pang official break up?"
"Sabi niya kase parang wala ng magic, sagot ko naman, okay sige so wala ng tayo? Tapos sabi niya ewan. Ang gulo. Hindi na kame nag meet after nun, siguro mga 1 year na rin"
"So parang single ka na parang hindi?"
"Ikaw din naman ah! Parang single na hindi"
"Its complicated" "Its complicated"
Sabay naming sabi
"Ang gulo no?" wika ni Seth
"Sinabi mo pa"

I woke up the next day, iba na yung shirt ko tapos parang nasa ibang kwarto pa! Shit ano ba ang nangyari kagabi? Biglang pumasok si Seth
"Seth nasan tayo?"
"Easy Drew, you were seriously drunk last night! So I volunteered to take you home"
"Take me home?" parang nag hysterical na ako
"Kung tinatanong mo if may nangyari, Uh Ah um. . ."
"Seth!"
"Uy na curious kung may nangyari"
"Gago!"
"Syempre wala! Good boy ata to, haha"
"Buti haay"
"Pano kung meron?"
"Seth!"
"Joke lang! Haha by the way sabay na tayo pabalik ng Manila if you don't mind"
"Okay, sige"
"So Drew . . ."
"Ano na naman?"
"Ang sarap mong humalik kagabi"
". . ."
"biro lang Drew! Haha! Got you!"
"Bwisit ka talaga!"
"Naman Hahaha"

Parang ewan talagang tong si Seth! Napapaisip tuloy ako if may nangyari talaga o wala. Hindi naman ako lumalandi pag naka inom. Lokong Seth! Haay

Back to normal life na sa Manila, madalas na ang pagkikita namin ni Seth, noong una wala naman akong feelings pero lately parang may spark. Ewan ko ba, kase after ng class ko sinusndo niya agad ako tapos lumalabas na sa kung saan. Parang date lang. One time tinanong niya ulit ako tungkol sa ex ko, sabi ko naman ba't di natin puntahan, parang nagulat siya. Kaya ayun pinuntahan namin si Mike

"Seryoso ka Drew? Ba't nasa sementeryo tayo?"
"Basta, hanapin na natin si Mike"

Mike Aldrin Perez
1993-2014

"Drew?"
"Nung monthsary namin, hindi siya sumipot sa meeting place. Tawag ako ng tawag, walang response. Siguro na traffic lang or may surprise. Hintay ako ng hintay, tapos umulan pero hintay pa rin ako ng hintay. I gave up, nagpaka centi mode na lang ako dun sa oval ng school pero umuulan pa rin. Tapos nakita ko si Mike sa dulo, parang nag wave, ayun tumakbo ako papunta sa kanya, buhos pa din ang ulan at naiiyak na ako pero biglang naglaho si Mike sa paningin ko, iyak ako ng iyak. Tapos may tumawag, si Mike, "Mike? Nasan ka na ba?" Iyak pa rin ako ng iyak "Drew anak, si Tita May mo to, punta ka ngayon sa ospital anak" tapos tinext niya yung address. Iyak pa rin ako ng iyak, naawa na nga yung taxi driver. Hinanap ko na yung room niya. Pagpasok ko nadatnan ko na lang na naghihinagpis ang mama niya. "Drew, wala na siya" Grabe yung iyak ko, sobrang dami ng luha. Sabi ni Tita May hindi na raw siya nagising nung umaga kaya dinala siya agad dito pero binawian na siya ng hininga Drew, heto may nakita akung letter na hawak hawak niya sa pagtulog.
"Drew, Happy Monthsarry baby ko, nagprepare talaga ako ng script."
Nag blur yung vision ko kase iyak pa rin ako ng iyak "Sana magtagal tayo Drew, I love you! Till death do us part ha? Kase ikaw natalaga yung the one I wanna grow old with. I love you Drew sobra!" Hindi ko na tinuloy ang pagbasa, sobrang naiyak na talaga ako.

"Ba't ba kase kinuha siya ni Lord ng maaga?"
"Drew, may plans naman yung taas para sa'tin, malay mo if buhay pa siya baka magkasakitan kayo o may mangyari pa na hindi maganda. Mas mabuti nang ganito, atleast nasa heaven na siya"
"Mike, simula ngayon hindi na ako magiging bitter. Para sa'yo"
At umiyak ulit ako, hinug ako ni Seth
"At Mike, kung magiging kame man ni Drew please huwag mo akong multuhin"
"Loko ka Seth!"
"Mike huwag kang mag-alala, iingatan ko si Drew. Mamahalin ko siya katulad ng pagmamahal mo sa kanya"
Kinilig ako dun ha! Seryoso pala tong si Seth.

"Drew, yung mga sinabi ko. Seryoso ako dun, sana mabigyan mo ako ng chance"
"Uh, ba't ako? Marami namang mas gwapo o mabait diyan?"
"Drew" kinuha niya mga kamay ko
"Drew, please?"
"Um ewan, siguro, okay?"
"Talaga?" Nagsusumigaw si Seth
"Hindi pa kita sinasagot ah! Huwag na lang!"
"Wala ng bawian! Basta Drew, I'll make you believe in love again. kase I love you"
"Grabe ka Seth, paano yung ex mo? Diba wala pa kayong closure?"
"Trust me na lang Drew, basta I love you"
"Okay I trust you Seth, with all my heart"
"Yung heart mong bitter o bago?"
"Syempre ang bago! Nag promise na kaya ako kay Mike baka multuhin ako nun!"

Sunday Morning
Sa wakas! Graduate na ako sa Tuesday! Wohoo! At lumalalim na yung feelings ko kay Seth. Tama nga si Gab, may dadating din para sakin. Tinawagan ko si Gab,
"Uy! Drew! Kamusta na! Kayo?"
"Ikaw talaga may pakana nito Gab!"
"Basta hindi ka magsisii diyan kay Seth"
"Mahal ko na siya Gab, as in mahal na mahal"
"Ayieee! You deserve it Drew"
"Haha"
"By the way kasama mo ba si Seth diyan sa Mall?"
"Mall? Ah oo naman! Bakit"
"Nag text kasi siya, pupunta siya ng Mall, may ipagtatapat lang daw so baka mag popropose na yun sayo Haha! Huwag kang kabahan ha?"
"Loko ka Gab! Sige bye"

Sa Mall? Sabi sakin ni Seth pupuntahan niya ang mama niya sa probinsya. May tinatago ba to? Tapos may ipagtatapat? Anu to? Lokohan? Minabuti ko na puntahan siya, iisa lang naman ang mall na malapit kaya dun ako pumunta. Hinanap ko si Seth, parang nilibot ko na ata ang department store, food court lahat lahat pero walang Seth. Lumabas na lang ako, dun ako sa may parking area dumaan. Shit andun si Seth! May kausap na lalake, parang ang lalim ng pinag usapan nila. Lumapit ako, bat nagyayakapan sila? Seth anu to? Tapos pumasok pa sila sa car ni Seth. Ayoko ng panuorin. Gago ka Seth! Sabi mo mahal mo ako pero bakit ganito? Manloloko ka!

Umuwi na ako. Iyak ako ng iyak tapos tumawag si Seth. Sinagot ko
"Drew magkita tayo mamaya? Text ko na lang ang address"
"Sige" tamlay kong sagot
"Bat ang tamlay mo? May sakit ka ba? Drew okay ka lang?"
"Mamaya na lang, sige bye"
"Drew may problema ba?"
"Wala, sige na Seth, napuyat lang talaga ako"
"Sige, basta mamaya ha? I love you"

Manloloko ka Seth! Bahala ka! Hindi kita sisiputin! Dumating na ang gabi, wala talaga akong planong pumunta dun kaya I decided na uminom na lang sa bar. Naka ilang shots din ako tapos parang nagriring phone ko, si Seth. Ang kulit naman nito so sinagot ko na
"Drew asan ka na?"
"Heto naglalasing! Manloloko ka Seth! Mahal na mahal kita tapos ganito lang gagawin mo!"
"Drew anung pinagsasabi mo? Saang bar ba yan?"
I ended the call. Grabe kahit lasing na ako nun nakauwi pa rin ako. Pagkapasok ko sa condo, andun si Seth.
"Drew! Ba't nagawa mong maglasing ha? Ba't di ka sumipot!"
"Ewan ko sayo! Dun ka na sa lalake mo!
"Anung pinagsasabi mo Drew!"
"Pumunta ako sa Mall! Nakita ko kayo! Huling huli kita Seth! Tapos sabi mo pupunta ka ng probinsya? Gago ka Seth!"
"Wait let me explain"
"Huwag na!"
"Andrew!" nabigla ako sa sigaw niya
"Inayos ko lang ang sa amin ng ex ko, nagbigayan kame ng closure sa isa't isa, ikakasal na yung ex ko! Drew naman wala nang may namamagitan sa amin! Tapos nakita mo siguro na pumasok kame sa kotse, kinuha ko lang ito, pinagawa ko pa yan"
Sabay hagis ng parang ring box, ring nga yung lamam. May nakalagay, Drew and Seth forever. Ang tanga tanga ko pala

"Seth I'm sorry"
"Mahal na mahal kita Drew tandaan mo yan. Ikaw lang, wala ng iba"
"Seth siguro I need to find myself muna"
"Siguro nga Drew, hanapin mo muna ang sarili mo. Hindi pa to siguro ang tamang panahon"
Binalik ko yung ring kay Seph. Stupid ko talaga! Ang bobo ko! Ang tanga tanga ko!
Graduation namin nung Tuesday. Ang lungkot ko, pagkatapos ng event ay umalis na ako kaagad. Tita ko lang ang nag attend sakin. Ayos na rin yun. That night nag text ako kay dad, pupuntahan ko siya. Si dad lang naman kase ang parang walang closure kase si Mama parang ayos naman kame. Alam ni Mama yung sa akin, yung tungkol sa amin ni Seth. Biglang tumawag si dad, meet kame daw sa Cebu, andun siya, mag haheart to heart talk daw kame. Parang kinakabahan ako dun. Kaya I took the plane na to Cebu.

Text ako ng text kay Seth pero hindi siya nagrereply. Galit siguro. Kasalanan ko naman kase. Haay.

"Anak! Congrats graduate ka na!"
"Thanks dad"
"Nak, may pag-uusapan tayo"
Kinakabahan ako
"Nak, I'm sorry ha kase hindi ko natugunan ang pagiging ama ko sayo. "Dad does love exist?"
"Anak, Yung sa amin ng Mama mo, bata pa kase kame nun, 19 ng nabuntis ang mom mo, and I was 20. Pinanindigan ko yung mama mo, nadala lang kame nun sa emotions namin pero hindi talaga namin mahal ang isat isa. Tho ganun ang set up we decided to get married para sayo, para hindi ka lumaking walang mga magulang. Pero as time passed by, naging selfish kame ng mama mo. Sarili lang namin ang aming inisip, nag part kame ng ways without thinking na masasaktan ka. Anak I know na lubha kang na apektohan. Humihingi ako ng tawad sayo Andrew"
Then nagkayakapan kame ni dad, eto na siguro yung closure. Now I understand na, even na hindi talaga nila mahal ang isat isa still they tried for my sake.
"I know na it made you believe na hindi totoo ang love pero maniwala ka, totoo yun"
"Dad, may ipagtatapat nga pala ako"
"Alam ko na, your mom told me"
"You're not mad?"
"Tanggap kita kahit sino ka man o kahit ano ka man, kung saan ka masaya dun ka. Huwag mo ng pakakawalan yang Seth na yan"
"Chismosa naman tong si mama"
"Eto pang sabi ng mom, sa sobrang gwapo ng mga lalaki sila sila na rin ang nagmamahalan" natawa naman ako dun.
Pero ang sarap sa puso ng ganun, na tanggap ka ng parents mo kung anu ka man.
Three weeks din ako sa Cebu, itong si dad pinapauwi na ako kase baka mawala pa si Seth. Nahanap ko na rin sarili ko. All along barado lang talaga yung heart ko, buti naisipan ko si dad. Buti na lang. Nagtagal pa ako ng isang week dito. Pumunta ako sa parang rural area. Fresh and clean air, walang stress! May naabutan pa akung nag propose na guy sa girlfriend niya siguro. Ang sweet naman nila, bad timing lang talaga yung sa amin ni Seth.

Umuwi na ako sa Manila. Na miss ko rin ang condo ko, yung saksi sa lahat ng bitterness ko. At ngayon nahanap ko na talaga sarili ko. Sa sobrang pagod ko nakatulog ako.

The next day I woke up, past 9 na ng umaga. Pumunta ako sa cr para mag shower tapos pag balik ko sa bed ko may nakalagay na note "I miss you Drew :)" Hindi ako makahinga, sa sobrang kaba at excitement. Iisa lang naman ang gagawa nito, dali dali akong bumaba, siya nga.

"Uy nagmadali talaga siya! Na miss mo talaga ako Drew!"
Hindi na ako nakapagsalita pa, iyak na ako ng iyak. Niyakap ko si Seth
"I love you Drew, alam ko na nahanap mo na sarili mo"
"Seth I'm sorry"
"Hindi mo naman kasalanan yun, wrong move ko lang"
"Seth I love you"
"I love you more"
Sabay sout ng ring na pinagawa niya dati.

Drew and Seth forever

Lesson learned: Hindi naman yun kasalanan ng love, ganun talaga kaya huwag sisihin ang love. Nakakalungkot kaya maging bitter. Someday makakahanap din tayo ng prince charming natin, just be patient. Maniwala na lang tayo sa magic at powers ng love. Sa mga bitter diyan, let it go na po? Haha :)

36 comments:

  1. Ang ganda nang story mo bro, relate na relate ako grabeh :D pero wala parin akong lovelife ngayun :3 hahaha. Sana mgtagal kayo ni Seth :) God bless!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yey na publish na pala to, fiction pala to dude Hehe sana nga may Seth in real life :) Thanks for reading it :)

      -Mr Author (Depressed Guy)

      Delete
    2. Baka ako na yung Seth na hinahanap mo :) Hahahaha. Malay natin :)

      Delete
    3. Boom panis.. fiction pala ..

      Delete
    4. Anon November 16,2014 9:13 pm:
      Haha, ewan lol

      -Mr Author (Depressed Guy)

      Delete
    5. Akala ko totoo -_-
      Magigingbitter palang ako ;) Hahaha!! Maybe i need to find myself :)
      ILOVE the story :)

      Delete
  2. Very nice! :-) by the way, fave song ko din yong "Somebody out there" by rocket to the moon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Parang I"m holding on to that song Haha, there's somebody out there pa kaya? Lol

      -Mr Author (Depressed Guy)

      Delete
    2. Parang I"m holding on to that song Haha, there's somebody out there pa kaya? Lol

      -Mr Author (Depressed Guy)

      Delete
    3. Hi Mr. Author!

      In reply, I would like to qoute a statement from the movie Under the Tuscan Sun. It says:

      "Signora, between Austria and Italy, there is a section of the Alps called the Semmering. It is an impossibly steep, very high part of the mountains. They built a train track over these Alps to connect Vienna and Venice. They built these tracks even before there was a train in existence that could make the trip. They built it because they knew some day, the train would come."

      I guess, that mayve we should really wait and hope. However, in the process it would be best for us to develop ourselves to fullest that we can be. Kung baga we must bloom while waiting and not rot away sa kahihintay.

      Keep writing Mr. Author... you inspire more people more than you ever thought of!

      :-)

      Delete
    4. I'm more than happy po to inspire other people's life. Thank you po :)

      -Mr Author (Depressed Guy)

      Delete
  3. Nakarelate ako..haha di nmn aq bitter sa love pero iniisip ko na lang dadating kung meron..tapos same pa name ng ex ko..mike din..hehe

    ReplyDelete
  4. grabe nakakarelate ako...bigla na lang tumulo ang luha ko... ramdam ko ang sakit... kelan kaya ako makakahanap ng true love?

    ReplyDelete
  5. Author taga bacolod or negros ka ba?

    ReplyDelete
  6. Negrense ka author? The Ruins gdja? Haha, anyway nice story! Keep it up!

    ReplyDelete
  7. ang ganda ng kwento sana may matagpuan akong seth... hehehe eh nickname ko yan.. sana nalanh matagpuan ko ang right man..

    ReplyDelete
  8. wow, great story.... this is like a breath of fresh air, no sex pero very compelling.... and the style of writing, so effortless and very fluid yung takbo ng kwento.... props to you mr. author..... please keep writing..... you personally inspired me to keep going and never lose hope..... tama ka, somebody out there �� - lbl

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you po :) In the right time po, hopefully Hehe

      -Mr Author (Depressed Guy)

      Delete
  9. Another fictional gay love story.. Paaasahin na nman ako nyan ehh.. Pero kahit umpisa plang alam ko Ng fiction to eh tinapos ko p rin.

    Cguro parang s buhay.. Kahit alam mong impossible..aasa at maniniwala k prin..

    Tnx for this story, I learned something.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Love stories are paasa nga Haha, thanks po :)

      -Mr Author (Depressed Guy)

      Delete
  10. Muntik na ko maniwala. Kaso fiction lang pala lahat. Hahaha

    Joke.

    Kakabreak lang namin ng taong mahal na mahal ko e. After doing everything just to make him happy. Kaya parang ang hirap maniwala talaga na may ganun...

    Anyways. Thanks sa story Drew. :) napangiti ako dito

    ReplyDelete
    Replies
    1. I guess we should accept things over, time will soon heal your scarred heart :) I'm happy that this made you happy, somehow.

      -Mr Author (Depressed Guy)

      Delete
  11. Yey thanks for the words of appreciation :) Merci to the moon and back lol. It's my second story here (fiction ofcourse) I was terribly lonely that very moment and so I wrote this one. Maybe love is just around the corner, the least we could do is to love ourselves first. Accept and fix some personal issues and stuffs so that when IT comes we are mature enough to handle love. (Look who's to young to be a Love guru lol)

    -Mr Author (Depressed Guy)
    PS: Been to The Ruins a couple of times and the place indeed, truly and genuinely is magical and romantic :)

    ReplyDelete
  12. Keep on writing Mr. Author, cool nung story. Simple pero full of emotions.


    - lockhart

    ReplyDelete
    Replies
    1. Glad you like it Gilderoy Lockhart (Potterhead? Haha) Thank you :)

      -Mr Author (Depressed Guy)

      Delete
  13. I love this story! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you po :)

      -Mr Author (Depressed Guy)

      Delete
  14. I love this story....sulat pa po kayo ng madame ...isa na po kayo sa mga favorite qng writers sa blog na 2..... :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yey thank you po :) If wala ng class I'll think of a new story line :)

      -Mr Author (Depressed Guy)

      Delete
  15. Nice. Though fiction. I shed a tear.

    ReplyDelete
  16. There are things in this world that will burden you, But if you analyze them deeply. That's when you realiza their true puspose :)

    -SETH <3

    ReplyDelete
    Replies
    1. It would always be love (thinking and contemplating whether he's going to come with his white horse and fancy drills) :))

      -Mr Author (Depressed Guy)

      Delete
  17. wala paring forever :p

    ReplyDelete
  18. Walang forever (period)!!!

    -Wayne-

    ReplyDelete
  19. Hahaha. Kasali ako sa mga bitter. Motto ko nga: LIFE'S NO LOVE STORY. Ü Ganda ng story. Seth is a typical prince-you-are-hoping-for kind of guy. Kung maraming Seth, then mauubos o maeeliminate na kming mga bitter. Hehe. #whereartthouseth

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tara let's go look for Seth! Haha #whereartthouseth

      -Mr Author (Depressed Guy)

      Delete

Read More Like This