Pages

Wednesday, December 31, 2014

Caloocan

By: Samuel

Disclaimer: Guys, this is more of a Love Story, kaya kung sino mahilig sa love story diyan sana magustuhan niyo.

Palagi ko siyang nakikitang nagtitinda ng sim card sa isang mataong lugar sa Caloocan. Maitim siya pero maputi dati, makutim ang damit - halatang luma na, bakas sa mukha niya ang hirap. Ako si Samuel aka Sam, 30 taong gulang na, 5"9', maputi, may pagka-chinito, katamtaman ang katawan, hindi mataba hindi rin mapayat. May itsura naman. Ang istoryang ito ang inspired sa totoong pangyayari.

Taong 2002, isa palang akong estudyante na wala pang muwang sa kamunduhan, masasabi kong isip bata pa rin ako sa edad na 17. Ang taas ay nasa 5"9', dahil na rin sa matangkad naming lahi. Mapayat - mabilis akong pumayat samahan pa ng hindi ko pagkahilig sa pagkain. Medyo makapal ang nguso na alangan sa payat ng mukha. Hindi pa talaga ko marunong pumorma noon. Ang buhok ay manipis na naka-gel, at dahil payat ako tinutukso ako ng mga kaklase kong basang sisiw. At pinakamalala ay ang tigyawat kong hanggang leeg.

Nag-eenroll ako noon sa isang hindi kilalang pampublikong lugar malapit sa amin. Hindi kasi ako pinalad sa mga state universities sa Maynila - yung isang university ang passing grade nila ay 75, ang nakuha ko ay 74. Yung isa naman, dahil quota course ang kinuha ko ay nasa waiting list ako. Yung isa naman hindi ko nakuha yung course na gusto ko dahil may mga palakol ako sa card ko nung high school, pumasa naman ako kaya lang nakita sa medical exam ko na may problema ako sa baga, at dahil may mga laboratory sa school na ito kaya mahigpit sila sa medical, ayun bagsak pa rin. Tamad akong bata, halos 3 beses lang sa isang linggo kung pumasok,
at kapag nakumpleto ko ang 5 araw nililibre ako ng mga kaklase ko sa canteen. Nang makagraduate ako ng high school hindi agad ako nakapag-college kasi hindi ako nagasikaso. Sa pinagkamalasan nga naman dito sa kolehiyong ito ang bagsak ko.

Nakapila ako para kumuha ng entrance exam ng nahagip ng mata ko ang isang lalaking maputi, gwapo, maporma, maganda ang katawan kahit hindi pa uso ang gym noon; nasa 5"6' lang ang height niya pero naguumapaw ang sex appeal niya. Pinagtitinginan siya ng mga babae at bading kaya hindi maikakala ng chickboy ito at maraming maaanakan sa hinaharap. Dahil hindi ko pa tanggap ang tunay kong pagkatao noon, hindi ko siya masyadong pinansin.

Natapos na ang enrollment at pasukan na, hindi kami naging magkaklase, ibang course siguro ang kinuha niya, pero paminsan ay nakikita ko siyang maraming kasamang babae - tipikal na chickboy.

Nung taon na iyon nagkaroon ako ng unang girlfriend, pero hindi ko siya gaanong minahal kasi nga alam kong may iba sa kin bata palang ako pero pinaglalabanan ko pa rin ng mga panahong iyon. Hindi rin kami nagtagal dahil na rin sa pressure ng barkada, nagulat ako na ganon pala ang responsibilidad ng isang may jowa na at ang matinding rason - lalaki talaga ang gusto ko. Inamin ko sa kanya na bakla ako at piniling lumipat ng ibang school para na rin makaiwas sa panunukso ng barkada. At dahil sa paglipat kong iyon nang mag-second year na ko sa college hindi ko na nakitang muli si chickboy. Hindi ko nalaman ang pangalan niya.

Lumipas ang ilang taon at masasabi kong successful na ako at stable na rin sa buhay, dahil na rin siguro sa pagsisikap. Nabibili ko na rin ang lahat ng gustuhin ko. Medyo may katawan na dahil may pambili na ng pagkain. Natuto na rin akong pumorma kasi may pambili na rin ng damit para kahit papano ay maging kanais nais sa paningin ng iba. Inalagaan ko ang kutis ko at kahit papano minsan na lang akong tigyawatin. At higit sa lahat tanggap ko na kung ano ako at nagkaroon na rin ng ilang karelasyong bakla o tinatawag nilang bisexual. Kahit papaano tumaas ang self-confidence ko ngayon.

Isang araw ay nadaan ako sa isang mataong lugar sa Caloocan, nakita kong muli si chickboy pero sa pagkakataong ito hindi na siya yung chickboy na hinangaan ko dati. Nagtitinda siya ng sim card, maitim pero halata pa rin na dati siyang maputi, makutim ang damit at bakas sa mukha ang hirap. Hindi na siya yung dating gwapong lalaki na nakilala ko, pero halata paring gwapo siya dati. Hindi ko maiwasang balikan siya ng tingin, naawa ako sa kanya. Inisip ko tuloy anong klaseng buhay na ang meron siya ngayon. Sa mga panahong nadadaan ako sa lugar na yon, lagi ko siyang nakikita at gustong tanungin kung anong nangyari sa kanya, kaya lang natatakot ako baka kasi hindi niya ko matandaan at isnabin niya lang ako.

Isang araw, nakita ko ulit siya at sa pagkakataong ito sumobrang payat na niya, mukhang may sakit. Sa wakas, nakahanap ako ng tiyempo, nagpapahinga siya sa isang tabi at halatang gutom na gutom. Nilapitan ko siya at bumili ako ng sim card kahit hindi ko naman talaga kailangan, hindi na rin ako humingi ng sukli. Nagsimula na kong magpakilala, sinabi ko sa kanya na schoolmates kami, okay naman ang reaksiyon niya. Inaya ko siyang kumain sa isang sikat na fastfood malapit at doon nagsimulang makipagkwentuhan sa kanya. Ang pangalan niya pala ay Francis o Kiko, mas matanda ako ng isang taon sa kanya. Hindi pala siya nakatapos, hindi na siya nakatungtong ng 2nd year kasi nakabuntis siya at nasundan pa yon ng marami pero sa iba't-ibang babae na. Halos lahat ng ng mga nabuntis niya ay hindi niya pinanagutan maliban sa isa niyang anak na may down syndrome - pinanagutan niya ang bata hindi dahil sa may sakit ito kundi dahil ang tatay ng babaeng nabuntis niya ay isang pulis at tinakot siya kung hindi papanagutan ang bata. Pinaghiwalay din sila ng tatay nito at iniwan sa kanya ang bata. Hindi rin siya tinulungan ng kanyang magulang dahil sa lahat ng kalokohang ginawa niya sa buhay, nagsawa na. Hindi na rin ako nangiming itanong sa kanya na dahil isa siyang chickboy dati, bakit hindi niya ginamit ang itsura niya para magkapera. Ang sabi niya sinubukan niya raw pero hindi niya raw kaya kasi hindi siya tinitigasan.

Sa ngayon, siya lang mag-isa ang bumubuhay sa bata, iniiwan niya lang sa kapitbahay na nagmamalasakit. Bago kami maghiwalay ay binigyan ko pa siya ng pabaon para sa kanyang anak.

Simula noon kapag nadadaanan ko siya, lagi kaming kumakain. Hindi ko alam kung bakit ganon na lang ako magmalasakit sa kanya. Dinadalaw ko din ang anak niya, si Sienna, isang magandang bata, tiyak na kagigiliwan kahit na may sakit ang bata. Sa tuwing makikita ko ang bata, pakiramdam ko ako ang magulang niya, kaya lagi akong nagiisip kung paano ko matutulungan ang mag-ama.

Dumating ang tamang pagkakataon, nag-resign ang driver ko para mag-abroad, inalok ko si Kiko bilang kapalit. Nung una tumanggi siya dahil hindi niya alam kung paano magdrive, pero nakumbinse ko rin siya sa wakas.

Itutuloy

7 comments:

  1. Just a favor sir

    DAPAT TAPUSIN MO ANG STORY MO (demanding lang XD) KASI FEELING KO MAGaNDA ITO

    yung ibang authors kasi hndi na tinapos ang kanilang story

    ReplyDelete
  2. Atleast to be continue basta tuloy mo pero si kiko muhkang gagawa din ng kalokohan pag nag tagal i guest pero wag naman maganda pag kaka deliver ng story kasi pulido at kung totoo man yan sana d sya mag loko

    ReplyDelete
  3. Next na sana. EVERYWEEK SANA UPDATE haha

    ReplyDelete
  4. Author here. Thanks sa comments. Last time i checked walang comment kaya tinamad na ko gawin yung part 2, sige tatapusin ko to hehe...

    ReplyDelete
  5. author,,please lang tapusin mu maganda yung pagakasulat mu at malinaw...nakakbitin nga eh...thanks in advance....

    ReplyDelete
  6. ituloy mu ganda kaya,,,,thanks in advanced,,,

    ReplyDelete

Read More Like This