Pages

Monday, December 1, 2014

Steamboat

By: Imnelski

Madami dami na rin akong nabasa at nagustuhan na mga stories sa site na ito kaya nainspire akong i-share sa inyo ang kwento ko. Halaw ang mga pangyayari sa totoong buhay at ang mga pangalan ay sinadyang palitan upang maprotektahan ang kanila o ang aming pagkatao.

“Pare, maaga ang out ko ngayon sa trabaho. Kita naman tayo oh, namimiss ko na ang bonding naten!,” yan ang text message na nabasa ko sa aking phone mula ay Axel.
“5.30pm pa pare ang out ko, ganito na lang. Bisitahin moko sa work tapos hintayin mo na lang akong mag-out. Tapos ko na naman lahat ng trabaho ko at kumpleto ang staff ko sa shop kaya maaga akong makakalabas. Teka ano bang plano?,” sagot ko naman sa kanya.
“Eh bahala na, kapag magkasama na tayo madali na yan. Cowboy naman tayo at spontaneous. Basta 5.20pm siguro andyan na ako sa shop mo. Hintayin na lang kita tapos bahala na si batman..”
“Hahaha, sige no problem. Yan ang gusto ko sayo eh, kaladkarin! Kahit saan, kahit ano, game ka! Sige mageendorse lang ako sa kasama ko para maya, eksaktong 5.30pm eh lalarga na tayo. I’ll see you later Axel. Miss you, hehehe!”
“Hahaha, sige pare, i miss you too! “
Ganyan kami “maglambingan” (or maglandian), hahaha. Well, it is more of a bromance para saming dalawa. Hindi pa yata uso ang bromance noon nila Billy Crawford at Luis Manzano ay ganyan na kami kaclose ni Axel. Nagtatawagan kahit dis-oras na ng gabi, naguusap sa ym, sa facebook, nagtetext. Ganyan kami kakampante sa isa’t isa at wala kaming pakelam kung ano man ang isipin ng ibang tao. Basta ang alam ko, wala naman kaming masamang ginagawa at wala naman kaming naapakan na tao.
Ako nga pala si Edison, or Eds/ Son for short. 5’4” ang height, 25 years old, napapagkamalang madalas sa gym (kasi may porma naman at muscles na halatang halata ang malapad at maumbok kong chest) at may itsura din naman kahit paano. Pero ang totoong nagstand out na characteristic ko ay ang aking smiling face, yan ang talagang unang napapansin ng lahat ng mga taong
nakakasalamuha ko at maging ng mga customers ko sa trabaho. Isa akong shop Assistant Retail Executive ng isang Japanese Brand dito sa Singapore(hindi ko na babanggitin kasi baka makilala na ako ng ibang makakabasa neto). First work ko eto sa Singapore at dahil sa nakakaramdam ako ng homesickness ay madalas akong lumalabas pagkatapos ng work ko. Hindi ako mahilig sa clubs or maiingay na lugar. Ok na saken sa isang cafe, restaurant kasama ang isa or dalawang close friends at magbonding kami hanggang magkasawaaan kami, hahaha. At yan ang madalas namen gawin ni Axel.
5.25pm – kakatapos ko lang magendorse ng mga cases at customer requests sa Customer Service namen ng bigla kong matanaw si Axel sa may labas. Nakacargo shorts ng brown, Nike slippers at Red Nike shirt at nakablack na Nik cap. Konti na nga lang pwede na syang maging endorser ng Nike. Patingin tingin sya sa mga sulok ng shop namen at tila hinahanap na yata ako. Madali ko syang nakita kasi sa tangkad nya na 5’10” at sa suot nya, talagang magstand out sya sa lahat ng mga taong nasa loob na nakawhite long sleeves lang ang suot at black slacks. Napangiti ako habang papalapit sa kanya.
“Pare! Ang pogi pogi mo naman ngayon!” biro ko sa kanya sabay abot ng kanang kamay ko at niyakap sya, yung brotherly hug.
“Eh nakakahiya naman kasi sayo, ikaw nga etong kagalang galang ang itsura tapos ako parang driver mo lang,” sagot saken ni Axel.
“Hahaha, loko. Sige sige labas na ako, hintayin moko sa bench.”

Pumasok na ako sa office para ma time out at lumabas na. Tinanggal ko na ang aking necktie at nagfold ng aking long sleeves. Andun na si Axel, nakaupo at nakangiti saken.

Si Axel, 5’10”,30 years old, with athletic body kasi basketball player sya at mahilig tumakbo. Sobrang athletic nya at niyaya nga akong maglaro ng basketball pero hindi ko talaga trip ang sport na yun. May itsura rin si mokong at alam kong madaming babaeng nagkakandarapa sa kanya. Madalas nya maikwento saken ang mga problema nya sa babae at ang kanyang mag encounters, at ako naman si kunsintidor na taga push at taga advise nya.
“Oh ano na, saan tayo Eds? Gutom na gutom na ako at hindi pa ako kumakain ng maayos simula kaninang umaga, puro sandwich lang.”
“Alam ko na, steamboat (shabu shabu sa Pinas) na lang tayo! Ako rin gutom na gutom na eh.”
“Ayos, sige. May malapit lang dito at masarap. Doon na lang tayo.”
“Saan? Sige lead the way Axel, i’ll follow, hehehe.”
Umakbay sya saken habang papalabas na kami ng mall.

Nkarating ng kami sa stall ng kainan, at grabe! Ang daming murang kainan! At eat all you can, haha. First time ko kasi na naranasan ang steamboat kaya overwhelmed ako. Kitang kita sa mukha ko ang sobrang kasiyahan at parang bata na manghang mangha sa lahat ng nakikita.
“Ang saya ito Eds noh? Unlimited seafoods, unlimited coffee, ice cream habang nasa tabi tayo n dagat.” Banggit ni Axel habang naghahanda na ng iihawan namen at lalagyan ng soup.
“Onga eh, grabe, ang saya neto. First time ko kasi dito kaya tuwang tuwa ako. Pasensya kana, hindi ko macontain ang happiness ko, hahaha!”
“Ok lang yan Eds, basta masaya ka, masaya ako,” sagot nya sabay ang kanyang pamatay na ngiti.
Shit, yan na naman sya. Everytime na nakikita nya akong ngumingiti at tuwang tuwa, nakikita ko sa kanya ang ngiti na yun. Ngiting nakakatunaw..nakakahulog ng loob..
“Sandali lang Eds, dyan ka lang. Ako na ang bahalang kumuha ng mga iihawin naten at ilalagay sa soup. Relax ka lang, ako ang bahala sayo,” sabay tayo ni Axel sa upuan upang kumuha ng mga kakainin namen.
Hindi ko alam kung straight pa ba akong maituturing or bisexual, or gay na. Oo, noong una, hindi ko matanggap na naging iba ako. Nagkaroon naman kasi ako ng mga girlfriend noong elementary (or puppy love daw sabi nila), high school at college. Gwapo naman ako sabi nila at habulin din naman ng babae kasi madaming nagkacrush saken. Ngunit hindi ko alam kung anong nangyari along the way. Nagkaroon rin ako ng BF (sa ibang story ko na lang ikukwento yun) pero hindi na naulet yun. At ngayon, eto ako - isang taong naguguluhan. Walang bahid, walad dungis ng kabaklaan ngunit may kakaibang nararamdaman, lalo na kay Axel. Wala naman akong plano na sabihin ito sa mga malalapit kong kaibigan kasi wala namang point (sa pananaw ko lang naman yan) saka regardless, tao naman akong makisalamuha kaya tingin ko OK lang.
Dumating na si Axel dala ang mga fresh seafoods – madaming hipon, crab, rab meat at pusit, may mga clams pa at sari saring gulay. Sobrang dami na parang pang isang linggo ko ng stock ng pagkain na uubusin lang namen sa isang upuan lang!
“Ano Eds, kung kulang pa yan, sabihan mo ako. Kukuha pa ako ulet para saten dalawa.”
“Hahaha, Axel pare, andami neto. Baka naman mahighblood tayo sa gagawin naten!”
“Wag kang magalala Eds, may gamot naman ako diton dala in case. Basta ngayon, enjoy lang tayo. Namiss ko talaga ang bonding naten! Ikaw kasi lagi ka na lang busy tapos kapag nagmemessage naman ako noon, hindi ka nagrereply. Nakakatampo tuloy,” parang bata na sabi ni Axel na nakapout pa ang lips.
“Sorry Axel, dami kasi events noong nakaraang mga araw. Saka madalas hindi ko na mahawakan ang phone ko sa sobrang dami ng ginagawa ko, kaya pasensya kana,” naguguilty ko namang sagot.
“Wala yun pare, basta ikaw. Tara na kain na nga tayo.”

Sobrang sweet talaga ni Axel. Andyan na ya ang kumuha ng pagkain namen, kumuha ng drinks at tissue, minsan kapag nahihirapan akong magbalat ng hipon sya pa ang magtatanggal para saken or ibibigay nya saken yung nabalatan na nya. Kulang na nga lang ay subuan nya ako gamit ang kanyang mga kamay.
“Eds, grabe busog na busog na ako. Ano na ang next naten na gagawin?”
“Maaga pa, 9pm pa lang. Tapos bukas off ko. Ikaw ba? May pasok ka ba bukas?”
“Ayos! Off ko rin! Meron ditong malapit na bike for rent shop, puntahan naten para maburn lahat ng kinain naten!”
“Ayos ka rin pare, anong oras na magbabike pa tayo? Yang trip mo talaga mga out of this world eh, hahaha!”
“Eds naman, kitang kita mo ang daming ilaw dito at yan oh andaming mga nagbabike!” sabay turo ni Axel sa mga nagbabike na todo pawis na lahat.
“Sige, magbike tayo na nakalong sleeves ako at nakaslacks at leather shoes? Sige, masaya yan!”
“Kaya naman love na love kita Eds eh, game sa lahat ng bagay! Sige tara!”

Matagal at madalas na nyang sinasabi saken na love na love nya ako pero hindi ko naman masyadong sineseryoso ang mga yun. Ayokong bigyan ng ibang interpretasyon, ayokong magassume. At alam kong straight guy sya, 100%. Siguro talagang ganun lang sya kasweet sa lahat ng mga kaibigan nya, mapalalaki man or mapababae. Ngunit kakaiba ang dating ng mga salitang yun ngayon saken. Hindi ko maipaliwanag. Nakangiti sya habang binabanggit ang mga katagang yun ngunit parang may lungkot na dala.
“Love naman din kita Axel, kaya nga kahit anong gawin naten, sige lang ako eh! Basta ikaw ang kasama ko,” sabay ngiti ko na naman sa kanya na ubod ng tamis.
“Eds, yang smile na namang yan oh, grabe, mamimiss ko yan!”
Medyo naguluhan naman ako sa sinabi nyang yun. “Anong mamimss ka dyan? Bakit, aalis kana ba? Uuwi ka na ba n Pinas?” sagot ko sa kanya.
“Hahahaha, hindi naman. Ikaw talaga Eds, sabay hawak nya sa ulo ko at gulo sa buhok ko.
“Uy uy wag ang buhok ko, mahirap imaintain yan!”

Kumaripas naman ng takbo ang bike nik Axel at naiwanan na naman ako.
“Eds, alam mo ang daming bagay na gusto ko pang gawin. Ang dami ko pang gustong subukan kasama ka,” seryosong tono ni Axel habang sabay naming binbagtas ng bike ang daan papunt a sa isang upuan malapit sa dagat.
“Grabe, ang seryoso naman ng tono mo ngayon, anong meron Axel?” medyo nawiweiduhan na ako sa mga pinagsasabi nya. Kilala ko kasi syang kwela, madaming jokes na alam, patawa at mahilig magbiro. Kaya sa tuwing naririnig ko syang seryoso ay kinukutuban ako ng kakaiba.
“Ano ano pa bang mga bagay ang gusto mong gawin kasama ako?” sagot ko sa kanya. Ang totoo kinikilig na ako sa takbo ng usapan pero ayokong madala ng emosyon ko. Mahirap, nakakatakot.
“Etong pagbabike naten ngayong gabi, tapos iniisip ko pa nga na sana makapag out of the coutry tayong dalawa lang, kahit sa Bali lang or sa KL. Ganun.”
“Ako man, gusto ko rin gawin yan kasama ka. Kaso ang hirap naman kasing magtagpo ng mga off at leaves naten. Manager ka rin kaya hindi ka rin naman basta makapagleave. Pero gusto ko yang idea na yan. Masaya yan.”
Ang totoo, madalas na nya nababanggit saken ang plano nya na lumabas kami ng bansa magkasama. Ngunit natatakot ako sa idea. Hindi ko alam kung kaya kong pigilan ang sarili ko sa kanya. Wala syang kaalam alam sa totoong pagkatao ko, at ayokong aminin sa kanya dahil natatakot akong mawala ang lahat ng pinagsamahan namen.
“Sandali, kamusta na kayo ng GF mo dito?” pagbabago ko ng topic namen.
“Ah, yun ba. Ayos lang, sakto lang. Magkasama kami kagabi, alam mo na. Mukhang uhaw sya kaya pinagbigyan ko, hahaha!” ang mayabang nya sagot saken.
Tumawa rin ako ngunit sa likod ng utak ko ay nalungkot ako at nainggit. Madali lang nyang ibigay ang sarili nya sa iba – sa babae. Minsan naiisip kong aminin na lang sa kanya ang totoo, ang nararamdaman ko para sa kanya ngunit talagang duwag ako sa mga maaring mangyari. Hindi ko kayang mawala ang pagkakaibigan namen, ayokong mawalan ng isang “kuya” at malapit na kaibigan. Ayokong isakripisyo ang pagkakaibigan namen. Ok na ang ganito.
“Ikaw ba Eds, sino na ba ang GF mo ngayon? Napakamalihim mo kasi, baka mamaya ikakasal kana hindi ko pa alam. Kelangan iinvite mo ako sa kasal ha!”
Kung alam mo lang Axel na ikaw ang gusto ko, kaso hindi ka pwede.
“Wala pa Axel, eh walang time eh. Wala naman akong naidadate ngayon maliban sayo. Tapos wala rin naman akong matipuhan,. Anyway ok lang namen, lalaki naman tayo. At sa itsura kong to, dapat ako ang hinahabol ng mga girls!” pagyayabag ko kay Axel.
“Hahahaha, ikaw na talaga pare! Kaya naman idol kita eh!”
Ang hirap magpanggap sa totoo lang lalo na sa taong totoong gusto mo.

11pm – pagod na kaming magbike at “maaga” pa. Iniisip ko ang next na gagawin namen.
“Eds, ano inom tayo? Treat ko!”
“Deal! Sige ba! Saan tayo?”
“Dun na lang sa malapit samen, meron dung pinoy restaurant na malapit at madaming beer, hehe. 24 hours ang resto na yun, kaya pwede tayo kahit hanggang umaga pa!”

Almost 11.30pm kami dumating s restaurant na sinasabi ni Axe. Grabe, andaming Pinoy dishes at mukhang masasarap. Ngunit hindi na kami nagorder ng pagkain pa. Sisig na lang pang pulutan saka 10 bottles ng beer, agad agad. Grabe ang bonding na eto, parang huli na namin pagkikita at parang wala ng bukas!
“Oh ano Eds, game!” sigaw ni Axel habang ngbabayad sa cashier ng mga order namen.
“Upo ka muna dito para masimulan na naten.”
Lumapit si Axel saken hawak hawak at inilapag ang isang plate ng kalamansi at sili para sa sisig namin. Binuksan ko ang beer at iniabot kanya.
“Grabe ang araw na eto Axel, lamon, bike, ngayon inom naman. Ikaw talaga lakas ng trip mo eh.”
“Hahaha, ganyan talaga Eds, hayaan mo na ako. Miss na miss lang talaga kita saka gusto kitang masolo kahit ngayon lang. Ang tagal na nung huli nating bonding kaya. Ang dami mong palusot noon tapos hindi kita matawagan. Minsan nga iniisip ko na iniiwasan mo ako, kung may nagawa ba akong masama sayo or may nasabi ba ako. Pero very transparent naman ako sayo at alam na alam mo yan Eds. Pakiramdam ko parang lumalayo kana saken.”
Natulala ako sa mg sinabi ni Axel. Para bang nabasa nya lahat ng mga ginagawa ko noong pagtanggi sa mga invitations at requests nya saken. Sinadya kong iwasan sya upang mabawasan or mawala ang lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. Gulong gulo ang aking pagkatao, ngunit sa kabila ng aking pagtanggi sa lahat ng request nya na magkita kami ay ang sigaw ng aking utak na pumayag at sumama sa kanya.
“Pasenya n talaga Axel, i admit kasalanan ko. Hindi ako nakapagbigay ng time sayo. Sorry talaga,” sabay hawak ko sa bote ng beer at tinungga yun dire diretso hanggang sa makakalahati ako.
“Oist Eds wag naman ganyan kabilis ang paginom, mahaba pa ang oras naten. Hwaug masyadong excited malasing at baka mamaya gumagapang kana, hahaha!”

“Eh ikaw kasi kung ano anong mg sinasabi mo dyan, iba tuloy iniisip ko. Sige ka mamaya magassume ako ng gusto mo akong maging syota, ikaw rin. Hindi mo kilala ang pinapatos mo, hahaha!” ang biro ko sa kanya sabay ng isang pilyong ngiti kay Axel.
Ngunit nagulat ako sa sagot nya saken..
“Oh, akala ko tayo na..”

Napadilat ang mga mata ko at muntikan ko ng maibuga ang nainom ko dahil sa aking narinig.
“Ha? Ano yun?” pagkukunwari kong hindi ko naintindihan kahit na malinaw na malinaw ko itong nadining.

“Sabi ko akala ko tatayo ka na at uuwi na, yun..” sagot ni Axel sabay pisil sa ilong ko na nanggigil.
“Aray, kelangan may pingot sa ilong?”

“Hahahaha ang cute mo Eds!”

Napabuntong hininga na ang ako.
Tuloy tuloy kami ng paginom at upang maging light naman ang takbo ng usapan ay napagkwentuhan namen ang aming mg experiences sa trabaho, sa pamilya, sa naging mga girlfriend namen at sa kung ano ano pang mga bagay. Masayang kasama si Axel, sobrang sensible kasing kausap at sobrang mature magisip ngunit maasahan mo sa kalokohan. Minsan pa nga noong magkasama kaming gumala sa isang amusement park ay turo sya ng turo ng mga taong kakaiba ang mga porma at pinagtatawanan namen. No dull moment talaga kapag sya ang kasama ko. Sya yung tipo ng tao na parang kulang ang 24 hours na kwentuhan at bonding dahil ang dami nyang pakulo. Ngunit sa kabila ng kanyang jolly na personality ay ang kanyang seryosong pananaw tungkol sa pagkakaibigan, sa pamilya at sa buhay. Para ko na syang naging kuya, bestfriend at minsan ay parang tatay kung magadvise na ikinakatuwa ko naman. No wonder madami syang mga kaibigan, naging girlfiriend, naikama, at madaming nainlove sa kanya. Isa na ako doon.
“Alam mo kung magiging tayo lang sana, siguro ang saya..” walang kaabog abog kong sabi sa kanya na ikinagulat ko rin. Siguro, epekto na rin ng beer.
“Hahaha, kung magiging tayo Eds, eh di kain, bike, inom tayo lagi..tapos sex pagkatapos malasing ganun?” masayang sagot naman ni Axel.
Hayup na to, wag mo akong iseduce Axel, konti na lang bibigay na ako sayo..sa isip ko lang naman.

Nginitian ko lang sya ng sobrang tamis saka ibinaba ang huling bote ng beer na iniinom ko. Naka 14 bottles pala kami ng beer until 5am!
“Grabe Axel, walang hiya ka. Anong oras na?”
“Eds nagenjoy naman tayo eh! Kaya Ok lang yan, saka wala naman tayong pasok ngayon kaya pwede tayong matulog maghapon. Gusto mo matulog kana lang sa bahay namen, tabi tayo sa kama ko.”
Bigla akong napangiti sa idea nya. Siguro dahil na rin sa pagod ko at sa umiikot kong paningin ay papayag na lang siguro ako.
“Ok sige pare, tulog na lang ako senyo. Hindi ko pa kayang umuwi ng ganito.”
“Nice! Pero breakfast muna tayo Eds ok?”

Tumayo kami mula sa aming kinauupuan at naglakad patungo sa isang pang restaurant na specialty ang mga soup. Nakaakbay ako sa kanya kasi talagang hilong hilo na ako sa paligid ko samantalang parang proud na proud pa syang naglalakad na parang walang nangyari. Malakas talaga sya sa inuman at kahit kelan ay hindi ko pa sya nalasing.
“Axel pasensya na pero paakbay muna ako sayo. Baka madapa ako eh.”
“Ayos lang Eds, gusto mo yumakap ka pa saken, hahaha!”
Napangiti na lang ako sa sagot nya at tila lalong humigpit pa ang akbay ko sa kanya.
“Eds, ang sweet naman naten. Minsan naiisip ko, what if maging tayo talaga? Single ka naman, walang magagalit sayo. Ako naman, malayo ako sa...” hindi na naituloy ni Eds ang sasabihin nya dahil bigla na lang akong nagsuka sa daan.
“Oh, sige ilabas mo lang yan Eds. Ikaw kasi bakit mo naman ako sinasabayan sa paginom eh hindi ka naman ganun kalakas,” si Axel habang hinihilot ang likod ko at hawak ang isang balikat ko.

“Nakakahiya naman, baka sabihin mo mahina ako..”
“Hahaha, kahit kailan hindi ko inisip na mahina ka Eds. Malakas ka nga eh, ikaw kasi ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko..”
Tila nawala lahat ng hang over at ispiritu ng alak sa katawan ko dahil sa sinabi nya ngunit hinayaan ko na lang sya. Nagpanggap na lang akong hindi ko narinig ang mga sibai nya at nagfocus ako sa pagsusuka ko.

“Sige Eds, diretso na lang tayo sa bahay namen. Doon na lang tayo magbreakfast para makapahinga kana rin.”
Tumanggo na lang ako sa kanya at muli kaming naglakad patungo sa bahay nila.
Agad kaming pumasok sa room nya, pinahiga ako ng maayos sa room nya. Hindi ko na yata kumain ng breakfast dahil hinang hina ako at hilong hilo.
“Eto pare, inom kana lang ng Gatorade para marehydrate ka.”
Gatorade kasi ang madalas kong inumin noon everytime na matatapos ang session namen ng pagiinom noon. Natigil nga lang dahil dumating yung time na parang iniiwasan ko na sya.
“Axel, thank you. Sana pwede tayo, kaso magiging komplikado ang lahat..” bigla ko na lang nabanggit habang nakahiga, nakatingin sa kawalan at umiikot ang panginin.
Lumapit mula sa upuan si Axel, tumabi saken sa kama at niyakap ako.
“Bakit kasi ngayon lang tayo nagkakilala..”sagot ni Axel.

Nakatulog na ako habang nakayakap saken si Axel. Hindi ko na narinig pa ang ibang mga sinabi nya.
Halos 5pm na ng araw na yun ako nagising. Masakit ang ulo ko ngunit kahit paano ay nakarecover na. Natulala ako dahil katabi ko si Axel sa kama, nakahiga, mapayapa ang kanyang mukhang natutulog. Unti unti kong tinanggal ang kanyang braso mula sa pagkakayakap saken at dahan dahan iniwan sya sa kama.
“Shit, tanga mo Eds! Bakit mo inamin na may gusto ka kay Axel? Baka ligawan ka na nya ng tuluyan? Pano kung mafall ka na ng tuluyan sa kanya? Hindi pwede!” ang sabi ko sa sarili ko.
Nagmamadali akong nagshower, kinuha ang mga damit na pahiram saken ni Axel at mabilis na umalis ng bahay nila. Iniwan ko na lang si Axel sa kama at hindi na nagpaalam.
After 1week..
“Eds, kamusta kana? Nakakatampo ka naman, basta mo na lang akong iniwan noong isang linggo. Sana man lang ginising mo ako para naihatid man lang kita.”
Naguilty na naman ako. Natatakot ako sa pwedeng mangyari, sa pwedeng kahinantnan ng lahat ng mga bagay na nalaman namen sa isat isa. Mutual ang nararamdaman namen sa isat isa, kung tutuusin pwedeng maging kami ngunit hindi tama. Nakakalungkot at nakakainis – sana naging straight na lang ako ng sa gayun at wala akong problemang ganito sa puso ko. Ngunit sya? Bakit nya nasabi ang mga bagay na yun? Straight pa ba syang matuturing? Or talagang ganun lang sya sa mga taong malalapit sa kanya? Ayokong magassume..siguro hinuhuli lang nya ako.
“Axel, sorry. Ang sarap sarap kaya ng tulog mo noon kaya hindi na kita inistorbo. Ako na nga ang nakagulo eh. Yung damit na pinahiram mo saken suot ko noong umalis ako. Balik ko sa isang araw ha dadalaw ako work mo.”
“Hahaha, sayo na lang yan remembrance ko sayo Eds, ganyan ka kaspecial saken. Dont worry bago naman yan at hindi ko pinaglumaan hahaha!”
“Sige ikaw ang bahala. Basta sa isang araw, dalaw ako sao ha?”
“Basta Eds, tawag ka muna ha? Baka kasi busy ako, hindi kita maasikaso ng maayos.”
“Sira, ok lang. Gusto lang kitang makita pare.”
“Hahaha, miss mo na ulet ako? Ano, inom ulet?”
“Baliw! Tama na yun! Baka mamaya, kung ano na naman masabi ko makatay mo na ako..”
“Ah yun ba Eds, wag kang maalala, wala naman magbabago eh. Ikaw lang naman kasi ang duwag.”
Hindi ko na nireplayan si Axel. Baka kasi kung saan pa mapunta ang usapan naming dalawa.

3days after ng chat namen ni Axel ng magdecide akong dumalaw sa shop nya. Isa syang Branch Manager ng isang kilalang coffee chain. Nakaupo na ako sa isang sofa ng mapansin kong nakatsinelas na lang si Axel and his usual porma, shorts and Nike tshirt and cap.
“Oh, akala ko may work ka ngayon? Bakit ganyan na porma mo?”
“Tapos na kanina pa ang duty ko. Hinintay na lang talaga kita dito para makagala tayo ulet. Teka gusto mo ba ng cake or coffee?”
“Ah, ok lang ako. Ikaw ah wala sa plano yang gala na yan, hahaha. Pero sige, kahit saan! Tara lets!”
Nasinalayan ko na naman ang magandan ngiti nya. Hay, ano na naman eto. Iniisip ko na lang na pafall etong si mokong eh. At nagtatagumpay sya sa mga balak nya.
“Oh, bakit ganyan a makatitig saken?” si Axel habang kinakaway ang kamay nya sa mata ko.
“Wala, sabi ko nakakainsecure ang kagwapuhan mo. Tara na nga!” sagot ko.
Lumapit sya saken at umakbay ulet. Touchy talaga etong si Axel.
“Oh, saan naman tayo ngayon?”
“Hmmm..dito na lang tayo kaya, or sa bahay na lang? Gitara tayo, hehe.”
Magandang idea, kasi wala ako sa mood maglakad lakad ngayon.
“Sige pare, game! Basta walang alak ah?”
“Hahaha, sure! Pero daan muna tayo ng supermarket.”
Dumaan kami ng supermarket at namili sya ng lulutuin nya na sinigang, pusit at hipon. Sobrang hilig nya dun sa hipon talaga.
Dumating kami sa bahay nya, solo pala namen kasi ang mga kasama nya nasa work pa lahat at late na makakauwi. Masaya yun, bonding na naman kami ni mokong. Nagluuto sya habang ako naman ang nagtotono ng gitara nya.
Ilang sandali pa, prepared at luto na lahat ng pagkain. Tinawag na nya ako sa mesa. Andami na naman pagkain, takaw talaga namen hahaha.
“Eds, yan. All prepared with love,” sabi ni Axel.
Hay, bakit ganito. Malapit na akong bumigay sa kanya, ngunit bawal, hindi pwede.
“Axel, ang sweet mo sobra pare. Kung babae lang ako, sinagot na kita ng 100x.”
“Hahaha, Eds makita lang kitang masaya, OK na ako. Tara na kain na tayo!”
Masaya kaming kumakain at nagkukuwentuhan. Mga kung ano ano lang na topic, masaya ang atmosphere sobra. Yung tipo na parang palaging first time nyo ba nagkita na hindi kayo nauubusan ng paguusapan. Ang saya saya nya pang kasama.
“Eds, ano na? Hindi ba tayo mag out of the ountry man lang? Sige na kasi..”
“Sige Axel, this dates tara! Kahit saan! Basta tayo lang dalawa ah? Ayoko may kasamang ibang panggulo, hahaha!”
“Oo naman Eds, sayang ang chance. Pagkakataon na yata yun! Hahaha!”

Hindi ko na lang binigyan ng meaning ang sinabi nya. Ayokong ientertain ang idea. Hindi pwede. Mali.
1 week before ng set date namen na out of the country na biglang nagbago ang lahat ng plano. May emergency daw kasi syang gagawin at kelangan nya umalis. Buti na lang at mura lang ang ticket kaya hindi masyadong masakit sa bulsa na ilet go ang ticket na yun.
“Oh, anong nangyari? Kwento naman dyan Axel. I am here to listen..”
“Wala Eds, basta importante lang. Balitaan kita kapag nagkita PA tayo..”
Nagulat naman ako sa reply nya. Kapag nagkita PA tayo?

“Ha? Ano yun Axel?”
Hindi na sya nagreply pa.
Ilang araw ko ring tinatawagan si Axel at tintext ngunit hindi sya nagrereply or nagpaaramda man lang. Nagaalala na tuloy ako kay Mokong. Hindi naman sya dating ganun saken, kulang na lang ikwento nya pati buhay ng mga alaga nilang hayop sa Pinas.
Namiss ko ang lahat ng kulitan namen ni Axel, ang biglaan nyang pagsulpot sa shop ko, ang aming masasayang kwentuhan at asaran..namimiss ko na sya. Pero wala akong balita. Sinubukan ko syang puntahan sa bahay ngunit wala naman sya doon at wala naman akong nadatnan na tao.

Almsost a month na akong walang balita sa kanya ng isang araw, makatanggap ako ng text.
“Eds, saan ka? Free kaba? Puntahan moko sa airport, Terminal 2. Gusto kitang makita.

Nagulantang ako sa text. Teka anong nangyayari?
“Sige sige Axel, puntahan kita dyan ngayon na.
Naghalf day lang ako sa work at nagmamadali akong nagtaxi patungong airport. Kabado ako sa nangyayari. Hindi ko alam kung bakit pero parang may lungkot ang aking puso.
6pm ng makarating ako ng airport. Hinananap ko sya at madali ko naman syang nakita. Nakaupo sya sa isang sulok, nagbabasa ng isang pokcetbook. Mahilig din sya kasing mabasa tulad ko.
“Axel!” Patakbo akong lumapit, kinamayan at niyakap ko sya.
“Ang tagal mo naman! Malapit na akong magboard kaya kaso hinintay kita kasi sabi mo pupuntahan moko. Ikaw talaga..” patampong tono nya sabay pisil sa ilong ko.
“Sandali, saan ka ba pupunta? Bakit? Anong nangyari?” tarantang sagot ko sa kanya.
“Dahan dahan lang Eds, may oras pa ako, hahaha!”
“Approved na kasi ang VISA ko to US. Naging busy ako nung ga nakaraang araw kasi umuwi ako ng Pinas para magayos ng mga papel atbp mga bagay bagay. Wala na rin akong work sa shop noong time na pumunta ka at buti na lang kasi kung hindi baka hindi na tayo nagkasama man lang. Alam mo namang sobrang malapit ka saken at gusto ko bago ako umalis, may mga memories man lang akong maiwan sayo.”
“So, aalis a pala. For good kana ba sa US?”
“Hmmm..hindi ko alam, siguro, ewan. Pero promise me na kapag ikinasal ka, sabihan moko. Uuwi ako at aattend.”
“Axel, buti na lang hindi naging tayo. Kasi eto, iiwan mo rin pala ako sa huli kung nagkataon. At isa pa, hindi naman talaga tayo pwede sa simula pa lang,”naiiyak kong sagot sa kanya.

Binitawan na naman nya ang isang napakatamis na ngiti at bumuntong hininga na lang.
“Eds, naging parte ka ng mundo ko dito sa Singapore. Hindi ko yan makakalimutan kailanman. Sana wag mong kakalimutan lahat ng alaala naten,” malungkot nyang sagot.
Narinig namen pareho ang malakas na page mula sa speaker ng airport, tinatawag na sya upang magboard sa eroplano.
“So pano Eds, magiingat ka palagi ha? Alagaan mo ang sarili mo, at wag ka ng magpapakalasing tulad ng nangyari noon. Hindi na kita maalagaan pag nagkataon kaya hinay hinay lang..”
“Ikaw lang naman ang taong gusto kong makainuman hanggang malasing eh, hehe.”
“At bawas bawasan mo na ang hipon at stemboat, baka mahighblood ka tulad ko..”
“Sure Axel, ikaw kaya tong matakaw sa hipon.”
“So paano Eds, until then! Sana makita mo na ang hinahanap mong pag-ibig na yan. Kung ano man sya, lalaki or babae, as long as mahal mo sya, sige lang! Pero sana babae na lang para sayo, kasi gusto ko ako lang ang lalaki sa buhay mo..”
Napangiti na lang ako, napabuntong hininga..
“Axel, pare, salamat sa lahat. Alam kong magiging masaya kana sa US, kapiling ang mga anak at asawa mo.”
Ihinatid ng aking mga mata si Axel hanggang sa Immigration Checkpoint, at sa huling pagkakataon, muli syang lumingon saken, kumaway, at walang kaabog abog ng sumigaw..
“Eds, i love you! Salamat sa lahat!”

Napangiti ako, napaluha at bumulong na lang sa aking sarili..

“Salamat, Axel. Mamimiss kita..”

END

44 comments:

  1. How sad...but i love it. Gusto ko ung line na sana naging straight nalang ako ng sa ganon wala akong problemang ganito sa puso ko.

    ReplyDelete
  2. Nice story. Pero nakaka sad ung last part :(

    ReplyDelete
  3. So sweet pero sad ending. Ganda story kahit walang sex. Possible na mangyari sa real life.

    ReplyDelete
  4. Malalaman mong realistic...

    ReplyDelete
  5. So far, eto yung story na nagustuhan ko kahit na walang sex part. ayos na ayos.. may part na nakakarelate lalo na ung maglalakad-lakad tas di maubusan ng kwento.
    Nice story author

    ReplyDelete
  6. haha.. Naisip ko na rin yan. Na sana straight nalang din ako para wala akong problema tulad nyan. Ang hirap kasi talaga. May bestfriend ako since college. Straight talaga sya. One time (college days), he told me this, "Kung naging babae ka lang, liligawan kita". Nagulantang ako dun. Bi ako and straight acting. Di ako sure kung may hint sya about my gender or kung ano ako. Pinagdaanan ko talaga yung selos at kadramahan sa buhay because of him. Minahal ko talaga sya "dati". Gwapo sya, charming, magaling mag-English at marami talaga nagkakagusto sa kanya. Yung tipong boy-next-door. Until now in our late 20's, we're still very good friends. Naka-move on na ako sa kanya. I had to accept na we can't be in that kind of relationship. I'm so close by the way sa family nya, to his dad, mom, lola and his 2 brothers. Mahirap talaga at wala rin akong plano mag-out. Being a bi, you get to like male and female naman eh. Gusto ko rin kasi magkaroon ng pamilya balang araw. Pero, mahirap talaga maging bi. Yun nga, sana, straight nalang ako. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bro, wala ka bang balak ipagtapat sa bestfriend mo ang tututoong nararamdaman mo sa kanya? Malay natin, baka alam niya rin at nag aantay lang siya sayo. Magtatapat ka lang naman at wala kang balak na gahasain siya kung ayaw niya. Sa tingin ko kahit negative sa kanya ang same sex romance, maiintindihan ka nya, dahil bestfriends kayo. Hirap nga talaga, haizt!

      Delete
    2. Bro, i think di talaga ako magtatapat sa kanya. Sa tingin ko naman maiintindihan nya ako sa pagiging ako at sa nararamdaman ko sa kanya. Pero, alam ko rin kasi na he's the type of a guy who's not into same sex relationship. At kahit pa man bestfriends kami at kahit matagal na kaming magkaibigan, alam ko, na kung sakali mang magtatapat ako sa kanya eh magbabago pa rin sya. Hindi man siguro sa point na he'll take for granted our friendship but i know na magiging awkward na yung situation. May pagka-strict kasi yun kahit sira-ulo rin minsan. hahaha.. Kuntento at masaya na rin naman ako sa pagkakaibigan namin at ayaw kung masira ito. Siya bilang kaibigan, wala na akong hahanapin pa. Sobra nya akong na-encourage at na-inspire sa buhay. Sobrang active rin kasi sya sa church kaya pilit ko ring tinutuwid ang buhay ko hindi para sa kanya kundi para sa sarili ko. Walang masama sa pagiging bisexual at di naman natin kasalan ang pagiging ganito. Pero yun nga lang, sobrang hirap din talaga.

      Delete
    3. Kay Eds (sa author) thank you for sharing your story. Bilib ako sa katatagan mo. Alam ko gaano kahirap ang pilit labanan ang tunay na nararamdaman. Kahit pa man may mga pagkakataon sa inyo ni Axel na pwedeng-pwede kang mag-take advantage eh nanatili ka pa ring in-control sa situation. Ngayong tanggap ka ni Axel sa pagiging ikaw alam ko masaya ka. Maganda ang kwento mo,, nakaka-inspire at the same time, nakakainggit. ;) Wish ko lang inyo, sana mananatili kayong magkaibigan habanmbuhay. More power author! Sana may karugtong ang kwento mo kahit kwentong pure friendship lang with Axel.

      Delete
    4. 2yrs ago na nangyari ang lahat ng ito. masaya naman ako kahit magkaibigan lang kami, OK na yun. isa pa, may pamilya sya sa US. di mo lang talaga mapagkamalan na pamilyadong tao si mokong kasi kung umasta sya ay para syang single.

      - author

      Delete
    5. sana magkaroon din ako ng bestfriend na tanggap ako.

      Delete
  7. kakalungkot yung ending bro. sana magkita pa kayo ulit.

    ReplyDelete
  8. Ay pota. Angnsad. Shet. Aray. Haha

    ReplyDelete
  9. Ako din nasa singapore!

    ReplyDelete
    Replies
    1. talaga? sige, sana magkrus ang landas naten minsan dito sa SG :)

      Delete
    2. Author, ako yung nag-comment sa taas na meron ding bestfriend. Sayang, wala na ako sa Singapore. May pagkakatulad konti ang story natin pero sobra akong nakaka-relate in you as a person. Take care lah!

      Delete
    3. hehe, thanks lah! :)

      Delete
  10. SAKLAP naman Mr. Author.. Kakaiyak .. :((
    I agree, sana naging straight nlang ako.. naka-add up pa sa stress mg life ang gender confusiobs eh.. Tsk., anyway, I like the statement na "pero sana, babae nalang para,sayo para ako lang ang lalaki sa buhsy mo."

    ReplyDelete
  11. Relate much s story n to ah...

    ReplyDelete
  12. true to life story po eto. nainspire lang akong magshare kasi madami akong nabasa dito at sa ibang sites na magagandang kwento rin.

    - author

    ReplyDelete
    Replies
    1. may communication pa po kayo?

      Delete
    2. yep! we are really good friends at hindi naman na mawawala yun kahit na nasa magkabilang parte kami ng mundo :)

      Delete
    3. at least na maintain yung pagkakaibigan. I hope we can be friends too.

      Delete
  13. Nakaka-inggit yung merong bestfriend, hindi ko kasi naranasan na magkaroon ng bestfriend na karamay sa lahat ng bagay... I knew then that I have the tendency to be attracted with the same gender, but I have been trying to ignore and avoid it. I may be bisexual but I lean more on the masculine side and still would like to get married, have kids of my own, and raise my own family in the future. I never had a relationship with a man, my experiences were purely physical attractions, as I've said I was avoiding it and was very reluctant with the idea of falling in love with a guy. My being bisexual has somehow affected my personality,my self confidence to be specific. I don't have plans to tell this to my relatives or close friends because I'm afraid to be rejected. The truth why I decided to comment to this particular story is, aside from I was moved by the story itself, I want to have a bestfriend whom I can share my thoughts and enjoy clean fun. To those who are also longing to have a "bestfriend" you may email me at rynlim25@yahoo.com and let's see if our interests will jive. I can only offer the 'bestfriend" type of relationship, nothing more, nothing less. BTW, I do prefer straight guys who are open minded enough to accept me as a friend though I am bisexual or a bisexual who is manly. I'm sorry, but I am not being rude or discriminating those who are openly gay or cross-dressers, it's just that I don't want to disappoint my family and friends. They will be quite puzzled if they see me hanging around with openly gay individuals. I just love my family and I don't want to hurt them or do anything that could hurt their feelings. I hope you guys would understand. I am a decent person so don't be afraid guys. Thank you!

    ReplyDelete
  14. ang sakit naman sa dibdib ng paalaman nyong dalawa..haay! Pero sabi nga life goes on..nakakasad!

    ReplyDelete
  15. i really hate it kapag may umaalis,ok pa kung ako ang aalis pero kung ako ang iiwan at alam ko na for good,sumisikip ang dibdib ko...i miss someone in singapore. :(

    ReplyDelete
  16. I'm also in Singapore and have mostly straight guy friends. This was a touching short story. If this is fiction I can say that its believable. If you have time dear author, we can drink and share stories too in Clarke Quay or in Chinatown :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe, sige tingnan naten kapag may chance.

      - author

      Delete
  17. Hindi man lang naging sila ouchh!

    ReplyDelete
  18. tang ina talaga ang lungkot ng nangyari i hate that i can't erase it from my memory! tsk. huhuhu

    ReplyDelete
  19. Sad story. Inom tayo at kwentuhan. Dito rin ako SG.

    ReplyDelete
  20. bakit kaya meron pang bi and closeted...ang hirap! i'm one of those guys who wished na sana straight na lang ako...the story was sweet yet so sad. it leaves me with a sad and heavy heart. sarap magmahal pero kakambal na ng ganitong kwento ang masakit na realidad...whew!

    ReplyDelete
  21. Ang ganda nng kwento, kudos to u author, hnd puro klibugan ".nkkalungkot nga lng . At hnd naging sila. Isa to sa mga mgagandng story dw sa KM .

    ReplyDelete
  22. salamat sa magandang kwento!

    ReplyDelete
  23. anyone from pilar vill., las pinas? just looking for a friend.

    ReplyDelete
  24. so nice... i admit this story touched me.. seemingly like what happens to me and yves... naging kme 2 but i have to let him go kc my nabuntis sya... for goodness sake we’re ok now... we are best friend... ako ninong sa panganay nya...

    ReplyDelete
  25. Kahawig nung "Pare Mahal Mo Raw Ako" ni Michael Pangilinan

    ReplyDelete
  26. salamat po sa mga nakaappreciate ng story at salamat sa ADMIN ng site na ito for including my story here. madami pa kaming mga moments together ni Axel like naglalaro kami ng tennis from 7am to 9am or 3pm to 6pm, nagkikita for breakfast and gagala sa mall at magshopping at madami pang iba. nakakamiss na nga sobra.

    again, maraming salamat po sa lahat.

    - author

    ReplyDelete
  27. i couldnt contain the tears. naalala ko yung college romance ko nito. twas almost 15 years ago pro fresh pa rin yung alaala namin...
    but hanggang dun na lang talaga. Happily Married nman din sya with kids na..Every time mabasa ko yung line sa pagpingot sa ilong, i rmember how he pinched my cheeks then...at least for now, i can still see him if we want to, less the romance as it seems were better off this way.

    ReplyDelete
  28. Oo ramdam ko yan parang ako lang si ed na d pedeng ipag pilitan ang love minsan ako si axel yung salitang may laman

    Ganyan talaga eh d mapipilit ang tunay na raramdaman bromance nalang ng kunti

    ReplyDelete
  29. mas ok ung linyang "sana sa babae k nlng ikasal para ako lang ang lalake sa bhay mo"

    ReplyDelete
  30. Author, thanks for sharing your story with us. Ganda ng story pero at the end of the story nakakalungkot. Harsh. Pero life goes on. Ask lang kung may communication pa kayo ni Mike?
    - Johnny

    ReplyDelete

Read More Like This