Pages

Sunday, December 21, 2014

Positive Ako (Part 1)

By: Master Geek

"There's a thousand reason para lumaban, para mag mahal at para mahalin ka ng walang katapusan."

Joseph here isang simpleng tao lamang ngayon na patuloy lumalaban sa hamon ng buhay. Kahit mahirap, kahit masakit at kahit minsan naiisip ko nang sumuko pero ito parin ako patuloy na kinakaharap ang isang napakalaking pag subok ng buhay. Pag subok na nag papatibay sa pag kapit ko sa isang pangako.

Dati akong rebelde, rebelde sa magulang, galit sa mundo at patapon ang buhay. Attention seeker din ako at pro ako pag dating sa bagay na 'yon, kayalang kahit anung galing ko sa pag kuha ng atensyon ng lahat ng tao sa mabuti o pangit na paraan, may kulang. Kasi kahit kailan, kahit minsan hinding hindi ko makuha ang atensyon ng aking mga magulang.

Bakit nga ba ako galit sa mundo?

Galit ako sa mundo kasi... Wala rin akong maiisip na rason ee. Basta galit lang ako siguro kasi pakiramdam ko hindi ako mahal ng mga magulang ko. Galit ako sa mundo hanggang sa makilala ko si Jeff. Astig 'tong si Jeff pamorma, gwapo, kinababaliwan ng marami, siya ang nag pabago ng takbo ng buhay ko at nag alis ng galit ko sa mundo.

Bilib ako sa taong to maprinsipyo sa buhay, mapag mahal sa magulang at sobrang sipag sa pag tulong sa pamilya. Samantalang ako kabaliktaran ng lahat ng katangian na meron siya.

Ang sarap balikan ng araw na nag kakilala kami, isang ordinaryong gabi lang sana 'yon papunta ng bar. Para mag pakasaya, uminom ng walang humpay, mag yosi na parang walang bukas at maki pag fuck ng walang awat ma pa girl or boy name it and I'll fuck them at mag lustay ng pera na pinag hirapan
ng mga magulang kong walang kwenta. Ang kaso tatanga-tanga lang ako nakikipag txt habang nag di-drive, ayon naka sagi lang naman ako ng anghel. Anghel na nag pabago ng buhay ko.

"Shit! Dude okay ka lang?"

"Okay lang sana bago mo ko masagi!"

"Sorry! Tara dalin kita sa ospital"

"Hindi na galos lang naman to"

"Pero mas mabuti na ang sure, tara na!"

"Sige mapilit ka ee!"


Ganun kami nag kakilala, sa hindi kagandahan at sa hindi inaasahang panahon. From that day nag simula ang aming pag kakaibigan, minulat nya ko sa napakaraming bagay na ni minsan hindi ko inakala na nang yayari sa totoong buhay. Masyado kasi napuno ng galit ang puso ko kaya ang dami ko palang napalampas na pag kakataon at sinayang na relasyon.

Ang sarap sa pakiramdam na maipakilala ka sa pamilyang nag mamahalan, nag uunawaan at ang tutulungan. Nakaka inggit lang isipin na wala akong pamilyang kagaya ni Jeff. Partida marami silang mag kakapatid pero nagagawa silang mahalin at bigyan ng atensyon ng kanilang magulang, samantalang ako nag iisang anak na nga lang pero hindi pa mabigyang pansin.

Sabi nga sakin ni Jeff, ang pamilya nya ay pamilya ko narin at totoong pag mamahal, pag gabay at atensyon ang binibigay ng mga magulang at kapatid nya sakin. Ang sarap sa pakiramdam at sobra akong nag papasalamat na nakilala ako ng isang taong kagaya ni Jeff at may bonus pang instant nanay, tatay at mga kapatid.

Nang dahil sa kanila naging simpleng tao ako, nang dahil sakanila naranasan kong mahalin ng totoo at nang dahil sakanila may maituturing akong totoong pamilya.

Hanggang sa isang araw hindi ko na napigil ang sarili ko na mag tapat sa tunay kong nararamdaman para kay Jeff. Kahit anong kalabasan ng pag tatapat kong 'yon wala akong pakialam ang mahalaga naging tapat ako sa nararamdaman ko at hindi ako nabigo. Dahil ang taong mahal ko mahal rin pala ako!

Day one ng opisyal naming pag mamahalan, inamin namin sa pamilya nya ang tungkol samin at bukas puso nila kaming tinanggap. Hay buhay! Ang sarap sa pakiramdam ng araw na 'yon.

Day two, nag date kami na parang walang bukas.

Day three, umamin kami sa barkada.

Day four, nag outing kami with his family. Ang sarap ng feeling na tanggap ka ng pamilya ng taong mahal mo.

Day five, day six, first week, second week, first month, third month may mga tampuhan pero agad naming napag kakasunduan. Pero sabi nya may kulang, tinanong ko sya kung anong kulang. Ang sabi nya ang mga magulang ko ang kulang, kailan ko daw ba sya ipapakilala sa aking mga magulang.

"Sa tamang panahon" sagot ko.

Minsan masarap talaga ang bawal, minsan masarap tumikim ng ibang putahe. Bagay na pinag sisihan ko. Oo tanga ako, tangina ko kasi ee. Hindi ako nakuntento. Pero kahit nakokonsensya ako sa bagay na nagawa ko, sikreto lang yun di dahil sa gago ako pero duwag at takot kasi ako na mawala ang taong pinakamamahal ko.

May sikreto nga bang hindi na bubunyag?

Three months later kinukulit parin ako ni Jeff tungkol sa parents ko at kung kailan nya ba daw to makikilala. Dahil may kasalan ako sakanya at dahil nabigo akong maging tapat sakanya bilang pag papatunay na mahal na mahal ko siya, pinakilala ko sya sa aking mga magulang.

Wow! Akala ko happy ending ang bagsak tinakwil na anak ako. Ee ano ang mahalaga, kaming dalawa ni Jeff at nang pamilya nya. Pero dahil sa tinakwil na ako pinutol nila ang allowance ko dahilan para matuto akong mag trabaho. Bagay na sa kabilang banda pinag papasalamat namin ni Jeff dahil mas naging responsable ako at mas minahal pa namin ang isa't isa.

After 8 months ng malaking pag kakamali na nagawa ko sa relasyon namin at kay Jeff, naging masasakitin ako at sa araw-araw mas nagiging malala ang nararamdaman ko. Dahil doon nag pasya akong mag pa check-up.

HIV test 'yon daw ang kailangan sabi ng doctor, dahil base sa mga nararamdaman ko sintomas daw 'yon ng taong HIV positive. Parang binuhusanng malamig na tubig ang katawan ko at hindi ako makakilos ng marining kong sabihin ng doctor 'yon. Para akong bimagsakan ng langit at lupa, labag man sa pananaw ko at pang intindi nag pa HIV test ako.

"Kamusta ang check-up mo?" tanong sakin ni Jeff nang dumating sya sa bahay galing sa trabaho.

Mautal-utal kong sinabi ang katagang "okay lang daw ako sabi ng doctor, may mga gamot at vitamins na binigay sakin para lumakas daw ako"

Week after the test bumalik ako ng ospital, upang harapin ang resulta ng major test na tinake ko. Totoo nga talaga na nakakaba ang lahat ng test at higit pa ang resulta. Buo ang loob ko sa mga puwedeng mangyari sakin ano man ang resulta ng HIV test, pero ang higit na kinakatakot ko ay si Jeff dahil kung positive ako sa HIV malamang na positive din sya. Pano ang pamilya nya? Ang mga kapatid nya na umaasa sakanya? Sila nanay at tatay, pano na sila? at kung saka sakali ako. Ako ang sisira ang mag papahamak sa pamilya at anak na pinaka mamahal nila. Sa kabila ng pag tanggap, pag kalinga, pag aruga at pag mamahal na ginawa nila sakin. Pano, pano ko matatanggap ang sasabihin nila kung saka sakali?

Lumabas ako ng ospital na parang wala saking mga sarili, ni huni ng ibon hindi ko naririnig. Wala akong nakikita kundi ang mga paa ko habang nag lalakad sa kalye. Sa kalye kung saan nag simula ang lahat samin ni Jeff, sa kalye kung saan hinihiling ko na hindi nalang kami nag kakilala at para hindi na sya nadamay sa buhay kong patapon. Totoo ngang wala parin akong kwenta hanggang ngayon, totoo ngang inutil ako at totoo ngang hindi ako katanggap tanggap kaya kahit maging magulang ko hindi ako magawang mahalin. Dahil wala akong kwenta. Isa akong misirableng, salot ng lipunan. Ang mundo na isinusuka ko noon ngayon ay syang sumusuka sakin.

Handa nako sa pupuwedeng mangyari pag katapos ko mag tapat kay Jeff. Kung ano man ang magiging reaksyon at mapag dedesisyonan nya tatanggapin ko dahil sino, sino nga ba ako para hindi umayon sakanya.

"Jeff pag katapos nitong sasabihin ko sayo tatanggapin ko kahit anong sabihin at gawin mo. Basta lagi mo lang tatandaan na mahal na mahal kita, sorry kasi marupok ako, sorry kasi hindi ako nakuntento sa kung anong meron ako at sorry kasi nadamay pa kita. Hindi ko sinasadya pero alam kong kasalanan ko, sorry Jeff sorry!"

"Ano ba 'yon hindi kita maintindihan?" tanging tugon nya at kitang kita ko mula sa mata nya ang pag aalala.

Dahan- dahan, unti-unti binigkas ko ang mga katagang "Jeff HIV positive ako!" pag katapos nun natulala nalang ako. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Nabibingi ako sa katahimikan hindi sya nag sasalita, walang kahit anong galit ang nakikita ko sa mga mata nya sa halip awa, awa at pag tataka ang nakikita ko sa kanya.

"Pano? Pano nangyari to?" sa napaka hinahong boses nya amg bumasag sa katahikan bumabalot samin at kitang kita ko ang mga luha na dumadaloy sa mga mata nya.

Lakas loob kong sinabi sakanya lahat, lahat ng nangyari ditalyado at walang pag sisinungalin. Tunay ngang walang sikretong hindi nabubunyag at  ang karma kung gumanti labis at walang patawad.

Hinihintay ko ang sasabihin nya at ang magiging reaksyon nya pero blanko, blanko ang mga muka nya. Nang bigla nya akong niyakap, niyakap ng sobrang higpit at dahan dahang tumulo ang aking mga luha. Ang inaakala kong pag mamahal ni Jeff na mag lalaho ang galit at pag kamuhi na aking inaasahan mula sa taong niloko at dinamay ko sa isang malaking pag kakamali ay ngayon umiintindi sakin.

Totoo ngang mahiwaga ang pag ibig, lahat hahamakin at lahat kakayanin.

Kaya Jeff "There's a thousand reason para lumaban, para mag mahal at para mahalin ka ng walang katapusan, pangako!"

18 comments:

  1. The story is not believable. AIDS kaagad after 8 months of sex promiscuity.

    ReplyDelete
    Replies
    1. You're unbelievable. . Wala naman sinabing aids na agad. Hiv palang nga e... tanga

      Delete
  2. Replies
    1. Hello...yes it is possible na AIDS na. Initially it is HIV but if the çd4 count is less than 350 and there is OI then it can be AIDS na.

      Delete
    2. Less than 200 is aids

      Delete
  3. Yummy ng model laki ng kargada gusto kong tikman!!..

    ReplyDelete
  4. Posible na AIDS n. Ibig sabihin nun, mababa n cd4 at immune system nya. Lalo kung ang lifestyle nya ay hndi healthy. Puyat, yosi, alak etc. Sa mga PLHIV AT PLA alam n nila ang ggwin nila ngaun. My mga tamang pamamaraan at pagpapagamot sa mga treatment hubs. Sa author, kaisa mo kamimg mga advocates sa laban mo. Maswerte k at nalaman mo agad maaagapan if positve din c jeff. Wag kaung titigil na mahalin ang bawat isa, kapit lang tau. Saludo aq n ibinahagi mo ang kwento mo. Maging aral sana sa karamihan.

    ReplyDelete
  5. This story really punch me in the face. I was diagnose HIV positive last oct. 7 days after my birhday. I never had any sexual relationship to anyone besides my partner.. And this happened. My partner is denial. I know i got this from him. And its killing me to know he betrayed me. This kind of story makes me feel i shouldnt give up. It gives me hope to live more. Dear author. You're a lucky guy to have that guy in your life. Wish u all the best. Merry christmas and i hope there will be a cure for hiv in the future. Lets pray. God bless

    ReplyDelete
  6. Biglang himinto tibok ng puso ko na parang sinuntok.,kinabahan, wala ako partner pero.. Parang nararamdaman ko ang sakit. Huhuh mangiyak ngiyak
    ...haist

    ReplyDelete
  7. Yan nga siguro ang true love (ay ewan)
    First timeko ang magbsa ng ganitong blog
    Tanong ko lang , anong pakiramdam makipag sex sa kapareha

    ReplyDelete
  8. duh .! within 8months.
    positive agad . tsk ok n sana yung ibang pangyayari laglag lang sa HIV psitive.watch youre words.

    ReplyDelete
  9. kakatakot ika nila, nasahuli ang pagsisi.

    ReplyDelete
  10. Bay, just take care of your health at iwasan ang mga bagay na makapagdulot ng stress gaya ng kakulangan sa tulog, paglalasing at pagyoyosi. Ang partner ko ( mag 6 years na kami) ay HIV positive din, negative ako, at tinutulungan ko syang bantayan ang kanyang kalusugan. May mga nakilala kaming mga positive din na namumuhay ng normal kahit matagal na syng posituve (12 yrs) dahil iwas stress sya at tutok sa kanyang gamutan. Swerte ka nga may bf kng nagmamahal sau, yung iba nag iisang nakipagbuno sa sakit na ito.

    ReplyDelete
  11. Ma iidentify bang hiv positve within a month? Ano ung mga possible symptoms within that range?

    ReplyDelete
  12. No there's a waiting period it takes 3 months before maging reactive ung virus but after a week of being infected you'll have a low grade fever then other symptoms will follow like diarrhea, persistent cough, night sweats, yeast infection, fatigue etc. Then soon after no symptoms n that's the asymptomatic stage and it will last for decades until the opportunistic disease takes place (aids) then there will be swollen lymph nodes etc that's AIDS kya please guys! Ingat ingat ingat be careful and always be safe, kng di k man magka HIV pwd kp dn magkaron ng HPV or HSV which causes cancer kya pls pls ingat

    ReplyDelete
  13. Ahh ganun ba. Di ko sure kung nag nanight sweat ako. Ano ba feeling nun? Kasi for me parang normal na pinag papawisan leeg ko lalo na pag naka off ung aircon and ung fan nakatutok lang sa paa ko. My possibility ba na infected ako ng hiv? Di naman ako nilagnat. Medyo nangangati lang balat ko. I dont know kung dahil sa lamig, soap or something. Ano ung HPV/HSV?

    ReplyDelete
  14. hi just so you know walang specific na time as to when HIV can develop into a full blown AIDS. It's a case to case basis at depende sa immune response ng bawat carrier yun.

    ReplyDelete

Read More Like This