Pages

Sunday, March 22, 2015

Mahirap Man ay Kakayanin (Part 1)

By: Ralp

Pasintabi po sa mga hindi sumasang-ayon sa aking point of view. Anyway, everyone is entitled to each and own opinion.

Naniniwala akong ang isang lalake na nagnanasa sa kapwa niya lalake ay isang certified na BAKLA. I don't know, pero para sa akin front lang ng iba ang sinasabi nilang pwede sila sa lalake at pwede rin sa babae. For me, they just can not simply accept the fact that they are gay. But the truth of the fact is, gusto lang nilang itago ang tunay at naghuhumiyaw nilang pagkatao kung kaya they want still want to be attached with girls.

Ate ko ang nagpangalan sa akin. Idolo daw nya si Regine Velasquez kung kaya I was named after her. Kaya siguro ako naging ganito. hehehe. True to it, mahilig akong kumanta. At hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko ay kahit papano ay nahilig din ang kanta sa akin. I may not be a stunner, pero I believe na hindi naman ako pangit. Yan din mismo ang sabi ng mga magulang ko.

Hindi man ako lumaki na may silver platinum spoon sa bibig, pero can afford naman kaming makuha ang bawat gugustuhin. Sagrado Katoliko ang tatay ko. Kung kaya't sagrado rin ang paniniwala patungkol sa kasarian na nilikha. Ako si Reign. At ito ang kwento ko.

"sige na, ligawan mo na si Iza" buyo sa akin ni Ate Merly, isa sa mga ka-close kong gwardiya (astigin kasi may pagka-boyish) sa kompanyang aking pinagtatrabahuhan. Kumakain kami nun sa isang karinderia during one of our lunch break. Madalas kasi, hindi kami pwede magsabay-sabay sa pagkain dahil we are into sales. At ayoko naman makisabay sa back office personnel kasi halos puro in the height of their age na ang mga yun. Or kung hindi man, may dala silang sarili nilang packed lunch at dun na lang sa office pantry sila nananghalian.

Puno ng alinlangan, hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko sa pambubuyo ng gwardiya sa akin. At may age kasi, ay alam nilang never pa akong nagka-GF. Siguro ay napapansin nila ang pagkalamya ko.
Pero I never disclose my real personality with them. That is why, eager silang ligawan ko si Iza para maalis sa thought nila ang binubuong hinala.

Bata pa ako ay alam ko na may kakaiba sa aking pagkatao. Mas malakas ang hatak sa kapwa ko lalake. Grade 3 pa lang ako ay nakahiligan ko na ang makisalamuha sa mga babaing classmates ko. Kung busy ang mga lalaki kong kaklase sa pakikipagluksong- baka o dili kaya ay sipa or SEATO, kami naman ng mga tropa ko ay nagpapakadalubhasa sa Chinese Garter or Bending.

Kahit hindi ako katangkaran kumpara sa mga kaidad ko ay bibihira akong maging taya sa laro lalo na kung Chinese Garter at Bending ang pag-uusapan.

Kung yung iba ay natataya kapag umabot na sa ulo ang level ng taas ng garter dahil hindi na nila ito kayang abutin, sa akin ay chicken feed lang yun. Minsan, halos tumikdi na sila habang nakafully extend pataas ang kamay upang maitaas pa ang garter. Mula sa malayong lugar ay tatakbo akong may pa-indak indak upang kumuha ng tyempo sa pag-take-off para sa gagawin kong paglipad upang masungkit ng paa ang garter na hawak ng dalawang taya sa magkabilang dulo at makatawid dito. Hanggang sa dismayadong ibabalik na ulit sa level 1 ang game na sila pa rin ang taya kasi hindi na nila kaya pang maitataas pa ng mas mataas ang level ng garter. Matatapos lang kami kung maririnig namin ang bell ng school hudyat para sa pag-uumpisa ng klase.

Maging sa bending ay ganun din. After class sa hapon ay dumadayo pa kami sa bahay ng aking mga kalarong babae. Ayoko rin kasi makita ako ng tatay ko sa ganung laro.

Mas gusto kong mas madikit pa sa tayang tsinelas ang gamit kong pamatong tsinelas din. 1/2 man or 1/4, the better! Paluhod man o patayo ay simpleng-simple kong aabutin ng patalikod bending my whole body and arms to reach for the slipper. Halos patiwarik at mangani-nganing lumapat na ang aking ulo sa semento or sa lupa upang maabot ang sapin sa paa na pamato ko. Minsan nga ay may nakalaban pa akong kalarong babae na halos pumutok ang ulo sa pagkakabagsak sa semento. Hindi kasi nito nabalanse ng maayos ang pagkaka-bend ng katawan. Pero sa akin ay sisiw lang yun.

Pagkatapos ng laro ay uuwi akong pasimple sa bahay dahil baka mapagalitan. Pano ba naman ay pawis-pawisan at nanlilimahid ako sa dumi dahil sa alikabok bunga ng paglalaro ng walang sapin sa paa at pagluhod sa semento man or sa lupa.

Ngunit lahat ng larong kinasanayan ay maingat kong pinaka-tago tago sa aking mga magulang.

"para kang bakla! puro na lang babae ang mga kalaro mo!" galit na sigaw sakin ng tatay ko kapag nahuhuli nya ako sa aking pakikipagharutan sa babeng kalaro.

Napakatapang ni tatay. Batas ang salita nya sa bahay. Kung kaya naman tutupi na lang kami kung mapapagalitan. Palo sa puwit gamit ang tuyong uyo na galing sa puno ng niyog ang premyo mo kapag muli kang sumuway sa utos.

"gusto mo isabit kitang patiwarik sa poste ng meralco?" pananakot nyang banta.

Kilala ang tatay ko kung hindi man ang pamilya namin sa buong bayang kinalakihan. Kanang kamay sya ng long time municipal mayor ng bayan. Nagsisilbing campaign manager sya nito sa bawat election na magaganap. Kung kaya naman pride and prestige para sa tatay ko ang isang maayos na pamilya. Kung kaya naman siguro hindi sya makapapayag na may isang batik sa pamilya nya. He is reluctantly proud of his roots. Kung kaya naman buong respeto at paggalang ang sukli namin sa kanya. Dahilan yun upang itago ko ng pagkatago-tago ang katotohanan sa aking pagkatao.

Hilig ko rin ang magdrawing. Pero ang husay kong ito ay again, pinakatago-tago ko sa aking mga magulang. Dahil ang dino- drawing ko ay pawang mga manyika at sari-saring damit tulad ng gowns, bathing suit at kung ano-ano pa. Ginugupit ko ito upang magsilbing isang live doll. Kakausapin at lalaruin. Binibihisan ko ito ng mga sariling gawang mga damit dito. Pagandahan pa nga kami ng creation ng mga kalaro ko.

Lumaki ako sa isang probinsya sa Laguna. 3 kaming magkakapatid. Ang panganay namin ay lumuwas na kagad ng Maynila upang duon mag-aral kasama ang kamag-anak namin sa father side.

Grade 6 ako ng makumpirma ko nga sa sarili na bakla nga ako. First time ko kasing humanga sa isang lalakeng kaklase ko, na kasama sa honor roll. Si Ric or Ricardo. Hangang-hanga ako sa kanya. Makulit at palabiro ito. Simpleng makwela. Hindi naman sya palaaral pero makikita mo ang enthusiasm at pagiging attentive nito sa klase. Parati pang walang ballpen at papel. And most often than not, I made sure na andun parati ako, to the rescue. Matalino nga tong si Ric pero sya rin ang pasimuno ng ingay at kaguluhan sa klase.

Gusto ko lagi syang tanawin at masilayan. Lalo na kapag nagre-recite sya sa class. I find myself attracted to his eyes. To his endearing eyes. Animo laging nakangiti.  Pero dahil nga sa takot sa magulang ko ay pilit kong sinupil habang maaga pa.

Sa tuwing magkakaron kami ng camping, ay animo isa akong figurine. Dahil lakas ng katawan ang kinakailangan lalo na sa mga activities, ay halos hindi ako makisalamuha. Para makalusot sa mga activities ay kung ano-anong alibi ang aking hinahabi upang hindi maging center of attraction ang aking pagkalamya. At sa gabi, na kelangang matulog sa itinayong tent, ay makikipag-unahan ako sa loob upang makapwesto ng maayos. Gusto ko kasi eh tulog nako upang di ma-rattle kung sakali mang may makakatabi ako sa loob ng makeshift tent.

Walang declaration of my sexual preference, kaya naman walang nambubully sakin sa kaklase.

Pilit kong sinikil ang aking pagkabakla hanggang sa mag-high school ako. Dahil sa tatay ko ay pinilit kong ayusin ang aking pagkatao. Pilit akong nagfocus na lang sa pag-aaral upang madivert ang atensyon. Dahilan upang i-distance ko ang sarili ko sa mga babae. At mas natatakot akong makipaglapit sa mga lalaki. Dahil baka mas lalong magwala ang kabadingan ko. Kung kaya simula nuon ay naging loner ako. Bahay-eskwela lang ako. Sa awa naman Diyos, ay wala ni isa man sa aking mga kahalo-bilo ang nanloko sakin at nambuska sa aking nakatagong kabaklaan. Marahil ay namaster ko ng talaga ang galing ko upang maitago ang totoong ako.

Ngunit sadya nga yatang mapagbiro ang tadhana. Upang subuking tibagin ang pader ng katatagan na pilit kong itinayo.

2nd year high school ako nun. After ng isang activity namin sa Science ay inatasan kami ng aming guro na ipasa ang experiment notebook for checking at kapag napirmahan na nya ay pwede ng makauwi since we were told na wala yung teacher namin for the last subject. Kung kaya naman nag-unahan kami upang makapagpapirma.

Maagap akong tumungo sa lamesa ni ma'am. Pero dahil ang lahat ay excited makauwe ng mas maaga, yung file up ng notebooks ay nagkagulo dahilan upang mapailaliman yung sa akin. Kung kaya matagal akong naghintay. Badtrip!

Habang nkatayo ako sa harap ng mesa ni ma'am upang hintaying mapirmahan ang notebook ko ay naramdaman kong tila may matigas na bagay na bumubundol sa likuran ko. Sa umpisa ay binalewala ko. Pero ng maging obvious na ang paghagod nito ay nagsimula na akong kabahan. Alam ko sa sarili ko na nasasarapan ako. Pero, alam kong magiging mali. Ng lingunin ko ay ang kaklase ko palang si Dexter. Lamang lang siguro ng isang pulgada ang taas sa akin. Medyo dark complexion at maganda ang pangangatawan. At gwapo. Oozing with sex appeal. Isa sa myembro ng ERO. Grupong binuo ng mga kaklase kong nabibilang sa mga lapitin ng mga babae. Chickboy kumbaga. Lahat ng myembro nito ay walang constant date. Lahat nagpaparamihan ng magiging chicks. Mga tinitilian at tinitingala sa kagwapuhan. May kanya-kanyang katangian na kakaiba sa bawat isang kasapi. Kung may escort na kailangan, sa class man o school fair man, ay sa twina sa grupo nila nahuhugot ang magiging representative dito. Since nasa pilot class kami, meaning nasa top section kami of the year, kung kaya naman talagang kinahuhumalingan sila ng mga babae gayundin ng mangilan-ngilan mga bakla sa campus.

"Masarap ba?" pabulong na anas nito sa may batok ko.

"?" wala akong maapuhap na tamang salita upang tumugon dito. Pakiramdam ko ay namula ako sa kanyang tinuran. Lalo pa't halos makiliti ako sa hininga nya ng bumulong sya sakin. Parang nagtayuan ang balahibo ko sa batok.

Muli ay dinunggol dunggol nya in a very discreet and subtle way ang harap nya sa likod ko. Gusto ko sanang irapan sya or kastiguhin pero nagdalawang isip ako. Baka kung ano pa ang maging interpretation niya sa magiging reaction ko. At isa pa, hindi ko rin alam kung pano magrereact sa ganitong sitwasyon.

Sa isip ko, isang taktika ito upang palabasin at makumpirma ang pagiging pamintang durog ko. At panigurado, kung magpapadala ako sa pangbubuyo niya ay tuluyang guguho ang tatag na aking nasimulan. Ayokong pahalata kaya hindi na ako nagreact kahit pa nga sa isip ko ay gustong gusto ko ang ginagawa nya.

Maya-maya pa ay lumipat sya ng pwesto. Akala ko ay lalayuan na nya ako. Ngunit may iba pa pala syang balak. Pilit nyang isiniksik ang sarili nya mula sa mga kaklase ko.  Kaipala'y ang mga kamay kong nakapatong sa gilid ng mesa ni ma'am ang kanya naman ngayong pinuntirya. Muli nyang ipinadama ang tigas na tigas nyang ari sa likod ng aking palad na nuon ay nakatuon sa mesa. Slacks pants ang uniform naming pantalon kung kaya naman talagang madadama ko ang bukol nasa loob ng harapan nito.  Busy ang lahat kaya wala halos nakapuna kung kaya malaya nyang naisakatuparan kalokohang kanyang ginagawa. Napatingin ako sa kanya upang sansalain sana pero bigla nya akong kinindatan at ngumiti ng nakakaloko. Ang plano kong pagsansala ay nauwi sa wala. Bagkos ay marahang ko na lang tinanggal ang kamay ko mula sa pagkakadaiti nito sa kanyang burat. Sakto namang katatapos lang pirmahan ni ma'am ang aking experiment notebook, kaya mabilis pa sa alas-kwatro na kunin ang lahat ng gamit ko at lumisan ako sa room namin upang makauwi ng bahay. Narinig ko pa ang mahina nyang pagtawa bago pa ako makalabas ng room.

Isa pang pangyayari ang sumubok muli sa akin. One time, I was requested by our adviser to collect the contribution from the class. We agreed para makabuo ng special project. Dala ang record book ni ma'am, ay isa-isa kong kinolektahan ang mga kaklase. Ngunit hindi ko natapos ang pangongolekta kasi nagbreak time na.

Sa kagustuhan kong maging 100% task accomplish, ay binilisan ko ang pagkain at nangolekta na ulit ako.  Marami nakong nakolektahan when I saw Ric just right in the corner still on the verge of eating his breaktime food. Yes, si Ric na ultimate crush ko mula pa nung elementary days namin. Top 3 of the class ngayon. Naging myembro din sya ng ERO tulad ni Dexter. Mas lalong gumwapo si Ric at mas lalong gumanda ang katawan. Kahit pa, we were prescribed  to wear slacks uniform ay hindi sya sumunod dito. Animo malambot sa natural na maong khaki pants ang parating suot niya. Litaw na litaw tuloy ang sexyng hubog ng butt and legs nito sa suot na fitted pants. That made him irresistably and undeniably yummy.  Ang chinito eyes nitong parating nakangiti na tumutunaw sa kabuuan ko.  There, I asked him for his payment.

"Reign pakisuyo na nga, malagkit kasi yung kamay ko, pakikuha mo na nga lang sa bulsa ko" marahang pakiusap niya. Which, I obliged to do.

Bigla ang pagkapitlag ko, sabay hugot ng mabilis sa kamay ko mula sa loob ng bulsa ng pants nya. Sa halip kasing pera ang madukot ko ay mainit-init at matigas ng bagay ang nahawakan ko. Buti na lang malayo kami sa karamihan, kung nagkataon ay maukuha ko ang atensyon ng lahat dala ng gulat.

"hahahhh...oh bakit namalikmata ka?" tatawa-tawang tanong niya. As if inosente sa kalokohang ginawa.

"????" napipilan ako at di ko alam ang sasabihin. Ari pala nito ang nakapa ko. Palaisipan sakin kung pano nya naipasok yun sa butas na bulsa nito. Sa kalkulasyon ko, ay kailangang mag-range from 6-7 inches or more ang pagkalalaki upang mapalusot ng ganun sa bulsa.

"nakuha mo ba yung pera? hehehe" patuloy na pang-asar nito.

"malaki ba, ha Reign? masarap ba?" sa isang iglap ay nakalapit na sya sa akin at bumulong.

"???" wala pa rin akong imik at tila na-engkanto sa pagkakatayo. Malamang kung ladlad ang pagkabading ko ay magpapakasasa ako at di ko palalagpasin ang pagkakataon para himasin ang ari nito right there and then. Kung trip nya ang ganun. Lalo pa nga at super duper crush ko sya at isa pa, tutal kusa naman nya itong plinano.

"Nakakainis! takte yan. Bakit ganun?" habang daan pauwi ay bulong ko sa sarili ko. "Pilit ko na ngang binabalewala ang pag-usbong ng ganitong pakiramdam pero bakit?" tanong ko sa sarili ko. Parati akong taimtim na nagdarasal upang baguhin at ayusin ni GOD ang takbo ng aking pagkatao. Hindi dahil sa ayoko, pero yun kasi ang dapat. Yun ang tama. At upang mabigyan ko ng kasiyahan ang mga magulang ko.

Kaya naman muli, binalewala ko ang lahat. Iniwasan ko na lang si Dexter at Ric upang di na lumala pa. Kahit pa nga feeling ko ay patuloy pa rin silang humahanap ng right timing upang mahulog ako sa bitag nila upang mapatunayan ang kuro-kuro nila sa akin.

Mahirap man ngunit  napagtagumpayan ko naman ito. Para hindi na ako pag-isipan pa ng kakaiba ng ibang tao ay nakibarkada ako sa isang grupo na kaklase ko rin. The nerdy type of friends. Yet, achievers in the class. Pero hindi naman sila yung tipong nakasuot ng makakapal na reading glasses. Or mukhang abnoy. Normal naman sila kahit papano. hehehe. Pero sila yung tipong, hindi mo pagnanasahan. Kapareho ng nerd, they are all studious and bookworm. Pumapasok sa school ng kumpletong-kumpleto ang gamit, dala pati lahat ng libro. Halos sumabog na ang backpack sa sobrang loaded. Lahat ay focus sa studies kung kaya naman lahat halos sila ay kasali sa top 10 of the class. Isa lang ang hindi pero may ibubuga rin naman kahit papano, si Semury. Sa pakikipaglapit ko ay naging anim na kami lahat. Si Noel, Arvin, Rodel, at Acky pati si Semury.

Tila inaadya ng pagkakataon. Isa na namang pagsubok ang pinagdaanan ko. We were told by our H.E. teacher to submit an art craft made of bamboo.

Napagdesisyunan ng mga barkada kong kaklase rin na sama-sama na lang kami sa pagkuha ng gagamiting materyales. Sabado ang araw na napagkasunduan naming magkita-kita. Dahil yung isa naming tropa na si Noel, ay likas na taga bukid, sya na ang nagpasya kung saan kami mas mapapadali sa pagkuha ng materyales.

Alas-dyes na nun at medyo may katirikan ang sikat ng araw makatapos na kami sa pakay ng mapagpasyahan nilang maligo muna sa batis malapit sa kubo nila Noel bago umuwi. Hinayaan ko lang sila kasi sa totoo lang eh hindi ako marunong maglangoy.

Nagsimulang magrambulan ang mga daga ko sa dibdib ng mapagpasyahan nilang maghubo't habad nalang kesa mabasa ang mga damit nila. Isa pa, puro lalaki naman daw kami. So walang masama. "kung alam nyo lang!" sabi ng isip ko.

Sunod-sunod silang nagtakbuhan sa malinaw at malinis na batis na animo mga batang sanggol. Kung saan-saan na lang nila iniwan ang mga damit na hinubad. Kala mo mga first timer na makakaranas magsipaligo.

Hindi ko alam kung paano ako makikitungo sa mga oblation na ngayo'y naghaharutan sa aking harapan. Baka biglang madulas ako at lumabas ang pinakatatago-tagong lihim. Ng mga oras na yun ay nagdiriwang ang aking mga mata. Busog na busog.

"hooooyy Reign ano pang hinihintay mo? maghubad kana rin, masarap maligo dito!" sigaw na paghikayat ni Noel sa akin.

Sa biglang pagtayo nito sa may mababaw na parte ng batis ay napagmalas ko ang kahubdan nito.  Dahil sanay sa bukid kung kaya naman makikita mo ang magandang hubog ng katawan nito. Walang unwanted fats. Malamang batak sa trabaho kaya effortlessly na nabigyang hustisya ang pagkakatubo ng muscles nito sa tamang kalagyan. Hindi ko tuloy maiwasang maihalintulad sya sa isang artista. Para syang si Jericho Rosales na pinaitim pa ng konte. Pati tabas ng bulbol nito mula puson hanggang dako paroon ay kaakit-akit. Hindi sabog. Ngunit dahil sa lamig siguro ng batis ay nagmistulang chicharon bulaklak ang ari nito. hahahahah.

"sige lang, ayus lang ako dito" ganting tugon ko. Hindi ako halos makatingin ng direcho dahil baka masipat nito ang pag-a-analisa ko sa kanyang katawan. Kunyari ay may kung ano na lang akong pinagkakaabalahan. Pero in my pheripheral vision, walang ni isang galaw nila ang nakaligtas sa aking paningin. hehehe. Hooooooray! Its raining men! hahahahh.

Mula pa lang ng nagtakbuhan silang hubo't hubad sa tubig, kitang kita ko na ang kanilang tulog pang mga ari na nakalawit sa pagitang ng hita nila at namalas ko rin kung sino kanino ang nakakaakit ang pang-upo at kung sino ang hindi. Sa lahat ay si Noel ang pinaka-katakam-takam ang katawan. Yung sa iba kasi eh katawang hindi pa hinog.

Hindi ko alam kung nahuhuli ako ni Noel sa manaka-nakang pafsulyap. Mabilis kasi akong kunwari'y magbabaling ang paningin sa iba kapag napapansin nyang pinagmamasdan ko sya. Ang kagwapuhan kasi nito ay yung tipong conventional type. Pag-aaralan mo muna bago mo makita. Hindi man sya yung tipong head turner sa unang kita mo pa lamang pero pag na-analyze mo na ang physical attributes nya ay hindi ka magsasawang pagmasdan ito.

"mga pare, tutal mag-tatanghalian na, mabuti pa kayang magsikain muna tayo bago tayo umuwi. Baka gutumin tayo sa daan eh" masayang suhestyon ni Noel habang patuloy sila sa paglangoy.

"pano yan, eh wala naman tayong dalang makakain?" dismayadong sagot ni Acki. Medyo maputi ito pero never mind the other adjectives. hahahahah! Ang sama ko ba? hehehe

"ako na bahala tol, meron pa naman nakaimbak na delata sa kubo at saka bigas." buong kumpyansang paninigurado ni Noel.

"ayos! para na rin pala tayo nagpiknik dito! hehehe." masayang patuloy na naglunoy ang mga tukmol sa tubig. Maya-maya ay nagharutan pa sila sa isa't isa. Sabuyan ng tubig sa mukha. Daganan sa tubig. At habulan. Ang mahuli taya. Kung kaya naman kitang-kita ko ang mga pototoy na animo kakarampot lang dahil sa pagkababad sa tubig. May aakyat pa sa isang mataas na bahagi na burol at biglang tatalon sa ilog. Maririnig mo ang malalakas na kantiyawan at tawanan. Busog na busog ang mga mata ko sa simpleng paninilip. hehehe.

Nauna si Noel na humiwalay sa grupo para magprepare sa gagawing pagluluto.

"Reign, tara! Samahan mo ako sa kubo. Hayaan muna ntin sila magpakasawa sa paglangoy." anyaya sa akin ni Noel na hindi alintana ang kahubdan. Kabadong-kabado akong sumunod sa tinatahak na daan. Nagpakasawa ako sa pagmamasid sa ma-cute nitong puwit habang nasa likuran nya ako at kasunod sa paglalakad nito.

"my God! huwag naman  po sana" takot na bulong ko sa isip ko. haahahaha asyumera lang! hehehe.

"hooooy hindi ka ba nilalamig dyan?" kunwari'y patay malisya kong paalala sa kanya. Baka kasi kapag nagtagal pa kaming magkalapit na ganun ang itsura na ay hindi ako makapagpigil at kung ano pa ang magawa ko. At malamang pagsisihan ko.

"ayos lang yan para presko, hehehe" nakatawang tugon naman nito.

"tama, mas presko nga kapag ganyan! Ewan ko lang pag nakagat yan ng ahas. hahaaha...." kunyari'y sang-ayon ko sa kanya. At nakitawa na rin ako.

"tsk tsk tsk! Takte talaga, oo" napapailing na lang akong turan sa sarili ko. Ngali-ngali ko ng daklutin ang lawit nya at sunggaban. Grrrrrrrrrrrrrrr!!!! Pigil, pigil at maraming pigil pa.

Abalang-abala sya sa pagluluto at pagkaminsay inuutusan nya akong abutin ang mga kailangan nya sa pagluluto upang iabot ko sa kanya. Kaya lalo pa kaming nagkakalapit at may pagkakataon ba na nagkakadikit ang aming mga balat. Dahilan upang kilabutan ako at kabahan. Kung kanina'y parang balat na chicharon lang ang munting bagay na nakalawit sa pagitan ng binti nito dahil sa pagkababad sa tubig, ngayon ay natural na ang sukat nito. Hindi man erected pero naging parang malambot na malaman. Kaya naman maya't maya ko syang ninanakawan ng tingin. Pakiramdam ko ay hindi ko na kailangan pang kumain ng tanghalian dahil kay Noel pa lang ay busog na busog na ako. hahahahh!

Lalaking lalaki pa ang amoy ng katawan nito. Walang cologne o perfume. Just his manly scent. And it soothes through my vein. Yet, I was able to manage to act normal as I can without a single hint of being a rattlebrain.

Hindi ko naman pinagpapantasyahan si Noel. Not, until this day. Ano nga ba itong nangyayari sa akin? Dahil sa tanawing ngayon ay napagmamasdan ay nabubuhay ang kabilang side ng aking pagkatao na pilit kong pinakatago-tago. Pero hindi pwede! Hindi pwede! Never ever and ever,.... Lord, guide me please!

Hindi namin napansin ang biglang pagsulpot ng mga tropa namin mula sa batis. "wooooooow! ang sweet naman ng mag-loveydabs! hahahhhhh..." buska ni Semury na bentang-benta naman maging sa mga katropa namin. Kung kaya tawanang wagas ang namayani sa bawat isa samin. Pero aminin ko man o hindi, ay tila gustong-gusto ko ang biro. Hayzzzzztt....

Marahil, dahil sa kabisihan ay di namin napansin ang pagdating nila mula sa paliligo at naratnan siguro nila na magkalapit kami sa may kalan habang may ini-aabot ako kay Noel na gamit sa pagluluto. Kung kaya ganun na lang ang pambibiro nila sa amin.

"unggoy kayo! hahahh." palatak na tawa ni Noel. "Malapit na kaming makaluto. Mabuti pa kumuha na lang kayo ng dahon ng saging at dun tayo kakain, wala kaming plato dito, mga adik! hahahaha" tawanang di matapos-tapos. Nakitawa na rin ako, kahit pa nga uneasy ako that time.

Habang kumakain ay maya't maya niya akong pinapansin. "maraming pagkain Reign. kain lang ng kain para magkalaman ka naman." seryoso, tila walang malisya nyang alok sakin ng nakangiti.

Dadagdagan nya ang kanin or ang ulam ko from time to time, kapag napapansin nyang malapit na maubos ang nakahayin sa tapat ko. Sweet sweetan lang ang peg. hehehe. Halos magdiwang naman ang kalooban ko sa mga kinikilos nito. Ang sarap pala maging prisesa! At sarap ni Noel maging karelasyon. hahahahhh....Kung pwede nga lang!

Ngunit ang lahat ng yun ay pilit kong di binigyang-halaga. Kahit pa nga kilig na kilig na ang tumbong ko ay patuloy ko pa rin itong binabale-wala.

Kung gaano naman ang pag-iingat kong hindi magkalat sa sariling bakuran, para naman lalo akong tinitirya ng pagkakataon.  Hindi ko maintindihan pero daig pa ang sinapian yata ng kung ano ang tukmol na Noel na to, at ako ang napagtripan. After makapag-present ang grupo nila Noel ng report sa Science, ay tumayo muli sya sa pinakaharapan para sa recitation. Daig ko pa ang nasa hot seat ng maya't maya niya akong tinatawag upang sumagot sa questions nya. It became too obvious, at hindi nga naglaon ay napansin ito ng aming mga kaklase. Kaya naman umugong ang malakas na kantiyawan. "wiii-wiiiiiiiiiiiiittt...!!!" May mga pumapaswit pa. "newest loveteam" sigaw ng isa. "kiss, kiss......!!!" sigaw pa ng isa. Nakihalo narin at nakipagtawanan na rin si Mrs. Mercado. Kung ako ay halos lumubog sa kinauupuan dahil sa hiya, kabaligtaran ito kay Noel ng sulyapan ko siya habang nakatayo sa harap ng klase. Parang bale-wala lang ito sa kanya. At malutong ding nakiki-hagalpakan ang ungas ng tawa na halos magpawala na sa kanyang mata.

May punto naman kasi ang mga kaklase ko. Sa dami ba naman ng tumataas ang kamay upang sumagot ay parating ako ang pinapasagot nya kahit pa nga hindi naman ako nagtataas ng kamay. Hayzxzzzt buti na lang at with flying colors kong nasasagot ang tanong niya. Kung hindi, malamang dobleng pahiya ako sa klase namin. Tukmol talaga! Grrrrrrrrrrrrrrrrrrrr...!!!! Nakakainis!!!!

Pero tama nga siguro, ang bagoong kahit anong pilit mong itago ay sisingaw at sisingaw pa rin. Kaya kahit gaano ko man pagtakpan ang totoong pagkatao ko ay lalabas at lalabas pa rin ang tunay na ako.

Patay-malisya pa rin ako sa nangyari habang ipinagpapatuloy ang mapagkunwaring pagkatao. Lalo na akong nagpaka-distansya sa mga kaibigan at kaklase. Bumalik ako sa pagiging mapag-isa. Ayoko nang maging attached and be close to anyone. And just live life on my own.

Todo focus ulit sa pag-aaral upang madivert ang atensyon.  Hanggang sa dumating ang pinaka-boring day of my High School life. Ang JS PROM.

Kung ang lahat ay excited sa magaganap na prom night, ako ay hindi. Pagandahan at pabonggahan ng konsepto ng cocktail dress na susuotin ng mga girls. Ang mga boys naman ay abala sa pagpili ng makaka-partner. ALL of this, SUCKS!

Pero ang lalo pang nakakainis ay ng ipaalam sa mga magulang ang detalye ng gaganaping prom during one of the PTA meetings.

Kuna gano ako ka-tamad at walang interes, ay taliwas sa parents ko. Kinabukasan ay ulam namin yun sa hapunan. Maya't maya ang tanong kung ano daw ba ang gusto ko. Kibuin-dili ko sila. Tanong-sagot ako na walang kasusta-sustansya. Upang iparamdam ang kawalang gana ko sa topic. Sa huli, bibigyan na lang daw nila ako ng cash para ako na lang daw ang bumili.

Sa sobrang excitement ng parents ko ay hinatid pa talaga nila ako hanggang sa school. Awkward na awkward ang feeling ko kasi ako lang yata ang lalaking may chaperone. Mali pala ako, babae nga pala ako kaya marapat lang na may maghatid. Kasi baka ma-rape pa ko sa daan. Hahahahaha....!!! Chos! They are a picture of a proudest parents. Kulang na lang ipagsigawan na binata na ang bunso nila.

Suot ang bagong biling royal blue long sleeves from Marks & Spencer leaving 2 unbottoned buttons to let a glimpse of my semi-built chest, I decided na ternuhan na lang ito ng bagong bili kong semi-dark indigo Guess jeans which fits from my waist down to my slender legs and proud thigh perfectly. Plus, black leather shoes from Florshiem. I just dressed my hair with wax to comeup with unruly look. Ayoko kasing magpakaformal. Again, it sucks! Nagbitbit na lang ako ng coat upang kung sakali ay hindi lamigin. Wala naman kasi akong planong maggagalaw or anything para pagpawisan. Nagspray din ako ng Clinique Happy to complete my get up. Pronto!

Pormang astig! Yan ako nung JS prom. To my dismay, my appearance wooh everyone. Badtrip! Daig ko pa tuloy ang myembro ng ERO sa datingan. Halos magkanda-tunaw pako sa mga tingininan. Hindi ko alam kong napapangitan ba or what. But who cares?!! Pero alam ko sa sarili ko, that night, I am at my best.

As expected dahil nasa probinsya ka, or  I may be wrong and mean if I say, may mga dumating na halos ibuburol, or bakyang bakya, but its very near from the fact. Lousy! Ma-lalake o ma-babae. May akala mo pa ay electro-lux salesman sa gayak. hahahah. Kuntodo necktie at hagod na hagod ang buhok animo dinilaan ng baka. hehehe. Pero hindi naman lahat. Pero, iilan lang talaga ang nag out shine nung gabing yun.

Ngunit may isang malaking revelation, ng bumulaga sakin. Ang pagdating ni Noel. I was mesmerized. He's every inch a man in his midnight blue top partnered with black americana coat and black slack pants. He is definitely a stunner. Lumutang lalo ang dating walang nakakapunang kagwapuhan nito lalo pa't newly trimmed ang hair nito. Kung hindi ko lang sya kilala ay masasabi kong he seems to be a dignified man. He doesn't look his age. O baka ako lang talaga ang nag-a-assess ng ganun sa kanya. Palibhasa ay patagong humahanga. hehehe. At ngayon nga ay buong-buo na ang paghanga.

"Tol, gwapo naten ngayon ah!" tapik sa balikat na bati sakin ni Noel. Ang laki ng ngiti nito halos umabot hanggang teynga.

"Wag kang maingay, baka pagkaguluhan ako! hahahahh" I tried to compose myself and dealt the little spark of admiration I have for him. Baka makahalata kasi sya.

"Sandali lang, nag-usap ba tayo ng susuotin natin ngyong gabi?" himig na pagtataka habang patuloy na animo nakaplaster nitong ngiti.

"Oo nga noh! hehehe..." to my surprise halos konting konte lang ang difference ng get up namin. Pati ang semblance ng pagka-blue ang long sleeves namin. Meron din akong coat na dala, nakasabit nga lang  sa balikat ko habang tangan ng isang daliri ko, and Noel here, naka-americana rin sya. Buti na lang, we came exactly opposite, if he is georgeous in his formal get up, while here I am, devilishly handsome in my rugged outfit. Yes, devilish look. Just the way I wanted it to be. Kung nagkataon, malamang talk of the century na naman kaming dalawa. Hayyyyyyyyzzzttt!!! WTF!.....

God knows, gustong-gusto ko makihalo-bilo sa table nila Noel to savour the moment of being near with him, pero ayokong ipagkanulo ako ng aking nararamdaman. Sa bawat malutong nyang pagtawa na animo musika sa aking pandinig ay daig ko pa ang hinehele sa alapaap. Hindi tuloy ako mapuknat sa katitingin dito. Lalo pa nga at sa manaka-nakang pagsulyap ko, ay muntik muntikang magkasalubong ang aming mga mata. Thanks to my sharp reflex!...

Kung kaya humanap na lang ako ng safe group na makakajamming. Leaving the thought of Noel behind. Pero magkaganun pa man, hindi pa rin tuluyang maalis sa isip si Noel. Kaya naman maya't maya ko pa rin syang sinisipat. Dahil dun, hindi lang ilang beses nagtatama ang aming mga mata. At sa mga pagkakataong yun ay isang matamis na ngiti ang laging kaloob nito.

Upang tuluyang mabaling ang isipan ko, ay humanap ako ng pwede kong pagkaabalahan. Kung kaya't ang plano kong magbubutas ng bangko, ay hindi natupad. Pinagbigyan ko na isayaw ang mga hitad na babae na classmates. Mga babae na mga walang partner or hindi nila bet ang partner nila and opted to dance with me. hehehe. Kawawa naman kaya pinagbigyan ko na lang. Astig! Booooom paneeesss!

Bawal ang alak pero may mangilan-ngilan na nakalusot lalo na ang mga ERO members. Close kasi ng mga ito at kapalagayang loob ng mga tukmol na to ang school guards.

Habang lumalalim ang gabi, alam kong may spot na ng alak ang mga myembro ng ERO dahil sa harot nila sa dance floor. Iba't-ibang babae ang ang kasayaw. Salit-salitan silang magto-tropa. Animo may pacontest ng paramihan ng babaeng maisasayaw. Hayzzzzzttt...!!! Hindi naman magkamayaw ang mga babae at punong-puno ng kagalakan. Proud, perhaps. Hindi mo naman talaga maiaalis sa kanila dahil bawat myembro nito ay napakagu-gwapo lalo na sa gabing ito.

I decided na magpahinga sa isang shed malayo sa dance floor ng mapagod. Mahaba pa kasi ang oras. May awarding pa. At may cotillon. Exhausted mula sa ingay ng crowd.

"Reign, bakit andito ka?" nagulat ako sa pagsulpot ng isang anino. Pag-angat ko ng tingin, si Ric pala. Ang ultimate crush ko na pilit kong iniiwasan.

"Ahm, pahinga lang saglit. Kapagod eh" sagot ko. "ikaw, bakit, bkit andito ka?" tanong ko.

"naglalakad-lakad lang. Pakiramdam ko naso-sofocate ako sa loob." aniya. Lalo syang gumwapo sa aking paningin. Naka light yellow na long sleeves sya na halos humakab din sa katawan na naka tuck-in sa mega black maong pants and black leather shoes. Needless to say,  he is indeed an epitome of a man. A very Paolo Avelino look. A very sexy man. Worthy of a second, third and even fourth look, ika nga. At malamang hindi mo pagsawaan.

"hindi ka ba hahanapin ng mga tropa mo?" kunwa'y tanong ko. As if ayaw ko sa presensya nya na malapit sa akin pero ang totoo, kinikilig ako. First time ko rin kasi makausap sya na tulad ng ganito.

"ayos lang yun. Busy naman kasi lahat sila" malumanay na sagot nito. "ok lang bang maki-upo?" pagkuwa'y dugtong na tanong nya.

"hindi ko naman pag-aari tong shed eh, bakit kelangan mo magpaalam sakin?" pasuplada kong tugon.

"hahahaha. Oo nga naman pala, ok! sabi mo eh." kampanteng umupo sya sa tabi ko. Dahilan upang mag umpisang magrebolusyon ang mga daga ko sa dibdib. Crush ko nga di ba. Tapos kami lang dalawa sa medyo madilim. What will you expect? hmmmmm....Easy lang po. hahahah!

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin, at wala sa amin ang gustong bumasag ng katahimikan. Hanggang sumuko ako.

"umiinom kayo ano?" pambasag sa katahimikan.

"Konti lang. hehehe." pag-amin nya.

"para saan?" matapang na tanong ko.

"ahm, wala naman. Pamparelax!" tatawa-tawang paliwanag nya.

"bakit stress ba?" wala sa loob na tanong ko.

"hehehe, not exactly! siguro pampa-lakas ng loob. hehehe" maagap nyang tugon.

"??!!!" eto na naman ako sa aking naguguluhang look.

"bakit wala ka pang girlfriend?" Mula sa ilang sandaling katahimikang namayani sa pagitan namin ay naitanong nya. Ito ba yung dahilan kung bakit kailangan niya ng pampalakas ng loob? Upang mang-urirat ng buhay ng may buhay? Tsk tsk tsk....

Nagimbal ako sa pagbabago ng flow of cons. Hindi tuloy ako makaapuhap ng right words to answer his query.

"bakit, does it bother you?!" pilit kong binalik ang composure ko.

"hehehe. Naitanong ko lang. Hindi naman siguro masama di ba?" animo hindi tinablan sa pagsusuplada ko.

"Isn't it too personal? Are even close?" I hate the fact that he's getting into me, But,,,,, but the other side of me says I love it. "I think its none of your damn business." puno ng sarcasm kong turan. Gusto ko sanang bawiin ang dulas ng dila ko dahil baka isipin nyang mayabang ako. Pero pinangatawan ko na lang.

"hahahah! Taray, hehehe." hindi man lang natinag ang tukmol na to sa pagtaaray ko. "Gwapo ka naman, pero nagtataka lang talaga ako kung bakit never pang na-involve romantically ivolve to anyone" patuloy na pahayag nito.

"Wow wah! Hindi ko alam, may nagmomonitor na pala ng buhay ko! Ayus ah! Artista ba ko?" sarkastiko kong sagot.

"hahahhh...ang cute mo lalo pag ganyan ka! hehehe" hindi ko malaman kung anong iisipin ko sinabi nito.

"sus, alam ko na yan, matagal na!" mabilis kong pambabara dito.

"lika nga dito sa tabi ko, ang layo mo naman. Daig ko pa ang may nakakadiri at nakakahawang sakit." ito ang nagpakalabog ng husto sakin ng oras na yun.

"bakit ba? ano ba talaga ang pakay mo?" iritable ko kunyaring tanong.

"sasagutin ko lang yang tanong mo kapag lumapit ka sa akin." may himig ng awtoridad na wika nito.

"hindi na. Kahit hindi mo na lang sagutin" kunyari ay asar ako. Feeling naman nito kung sino. Makapag-demand, wagas!

Sa hindi ko pagsunod sa utos nya ay napansin kong unti-unti syang umusog palapit sa kinauupuan ko. Kala naman nya matatakot ako sa kanya. "ang magka-usap tayo. At masolo kita tulad ng ganito." mula sa ilaw na nagmula sa may kalayuang poste ay nabanaag ko ang pasilay ng nagiti sa kanyang mga labi.

"hay naku, Ricardo! Pwede ba, huwag ako. Iba na lang." naiinis kong turan. Ako naman ang pasimpleng umusog ng upo palayo. Ngunit, patay! dead end. Wala nako mausugan. Nag-uumpisa na akong kabahan. Lalo pa't amoy na amoy ko na sa lapit namin sa isa't isa ang pinaghalong samyo ng Hugo Boss scent nito at amoy ng alak.

"Bakit hindi ikaw? Pangit ba ko? Ayaw mo ba sakin?" nakangiting tugon niya ng sunod-sunod na tanong.

"Hay naku, mukhang naparami ka na yata ng ininom. Hindi mo na alam, ang pinagsasabi mo. Buti pa, maiwan na kita rito. Babalik nako sa gym." akmang tatayo na ako upang umalis ng.....

"kapag umalis ka, ibig sabihin may gusto ka sakin?" malumay ngunit puno ng diin at kumpyansa na pahayag nito. Dahilan upang magdalawang isip na lumisan.

"ano bang problema mo!" pagsusungit ko. Napilitan tuloy akong manatili duon.

"You stay, meaning wala kang gusto sa akin." pagbibigay kahulugay nito sa reaction ko.

"hayzzz!" desperate to utter a word.

"Wala ka nga ba talagang gusto sa akin, ha Reign?" bukod sa baritonong boses mula dito ay halos mabingi ako sa dagundong ng dibdib ko.

"Hindi ko alam yang pinagsasabi mo. At lalong hindi ko alam kung anong gusto mong palabasin!" patay malisya at mataray kong tugon. Kung pupwede ko nga sanang aminin sa kanya. At i-admit right in front of him how I long for this moment to happen. Him being close to me. That I have dearly adore this man, from afar. Na kinikilig ako sa paglapit nyang ito sa akin. But the circumstances permit me not. That's why, I need to cut if off before it soar high and swallow the self-made principle, of not being attached to anyone. "hindi ko alam kung anong problema mo." pagmamatigas ko.

"ikaw!" mabilis nitong tugon.

"anong ako?!!!" galit na tanong ko. "Pwede ba, kung isa na naman to sa mga pakulo mo, better stop that! Hindi nakakatuwa." patuloy kong palatak upang disimulahin ang nararamdaman.

"Bored na bored nako kanina pa. At nang mapansin  kitang papunta rito. Naisip kong sundan ka." paliwanag nito.

"Para ano? Para ako naman ang guluhin mo?" hindi ko na maitago ang pagkainis ko.

"Baka kako may problema ka. At kailangan mo ng makakausap. Ayaw mo bang magkasarilinan tayo?" tila may himig pang-akit na anas nito. Nakikiliti ako sa hininga nito na tumama sa may gilid ng leeg ko.

"Well Mister Ricardo, for your information, nagpunta ako dito primarily because gusto kong mapag-isa. At kung sakali nga na may problema man ako, YOU are the last person na gugustuhin kong makasama." halos isupalpal kong bulalas sa kanya.. "How conceited this man can get!" gusto ko pa sanang idagdag pero sinarili ko na lang.

"Ah, ganun ba?" biglang nagbago ang expression nito. Mukang tinamaan. Mabuti naman.

"At bakit naman gugustuhing magkasarilinan tayo? Bakit, boyfriend ba kita?!" ooooopppsss patay! Wrong move!

"hehehe, pwde naman eh. Gusto mo ba?!" halos di ako makatingin ng direcho dito. Halos manghina ako. Buti na lang nakaupo ako. Kung hindi, kanina pa ako nangalog ang tuhod.

"Yeah right, if you'll excuse me." iritado kong paalam. Sigh!

"sorry nga pala." nakailang hakbang nako ng marinig ko sa kanya na ikinahinto ko at sabay harap dito.

"??!!" giving him an expressionless waiting look. Marunong din naman palang magsorry ang kumag na to. Pero para saan?

"nung pinagtripan kita." sagot nito.

"Ah, yun ba? Matagal na yun. Wala na sa akin yun. Nakalimutan ko na nga yun eh" malamlam kong turan.

"Still, I am sorry." may lungkot sa boses na bigkas nito. "By the way, you look good." tila may kung anong kurot ang naramdaman ko sa pahayag nito. Ngunit hindi ko na binigyan ng pansin at baka kung saan pa kami dalhin. Kung kaya naman kaagap na kong tumalilis upang makalayo sa kanya.

Sa pagmamadali ko, ay isang bulto ng katawan ang muntik ko ng makabanggaan. Muntik na kong ma-out of balance kung hindi lang dahil sa maagap na pagsalo sakin ng bulto na ito.

"ooooooppss, relax!!! mukang hinahabol ka ng leon ah!" pagbibirong mula sa tinig nito.

Si Noel pala. Hayzzzzzz ano ba naman yan! Pilit kong nilayuan si Ric tapos eto ngayon, kaharap ko pa ang isang pilit ko rin nilalayuan. Grrrrrrrrrrrrrrrr....!!!! Kainis!

"sorry!" paghingi ko ng paumanhin.

"ok ka lang ba, Reign? mukang pagod na pagod ka ah!" may himig na concern nitong tanong.

Nakakapagod nga pala ang lumayo at umiwas. Nakaka-stress. "ayos lang ako Noel, don't worry." pag-a-assure ko. Pilit kong kinubli ang tensyong kani-kanila lang ay bumabalot.

"sigurado ka?" tila hindi kumbinsido na muli nyang tanong. Tiningnan nya akong mabuti sa mata. Tila andun nya makikita ang sagot na gusto nyang marinig.

"uhmm. Ok lng ako, promise!" ngumiti ako ng pilit upang hindi na ako kulitin pa.

"Andito lang ako Reign, kung kelangan mo ng tulong. I can be of help." puno ng sinseridad nitong saad.

Nakahiga nako sa kama ng i-analyze ko ang mga pangyayari. Hindi ko na tinapos pa ang ball. After naming maghiwalay ni Noel ay dumirecho nq kong umuwi ng bahay. Bakit ganun? Sobrang gulong-gulo ako. The way Ric and Noel acted really puzzles me a lot. Gulong-gulo na ang utak ko.

Alam mo yung feeling na nagtatalo ang angel at devil side of me. From that moment na magkasama kami ni Ric. At ang concern mula kay Noel. May isang side na sobrang kinikilig pero pilit nananaig ang side na kelangan ko mag-ingat at huwag magpadalos-dalos all because, PARA SA TATAY KO. PARA SA DIGNIDAD AT KAHIHIYAN NG PAMILYA NAMIN.

And this is the reality of life ng tulad ko, ng mga ka-baro ko. Kung meron mang mabilis na nakapag-out dahil tanggap kagad sila ng mundong ginagalawan ay malamang isa sa bawat isang daan. Or mahina lang talaga siguro ako. Walang lakas ng loob upang ipakita ang tunay na ako. Kung kaya't heto ako, nahihirapan habang nakakulong sa sariling anino.

Lumuwas ako ng Maynila pagkatapos ng High School upang ipagpatuloy ang pag-aaral ko. I took up Management sa isang kilala at prestigious na unibersidad. I determined to become an entrepreneur after I finish my degree.

Walang pinagkaiba ang buhay ko dito. Mabibilang sa daliri ang naging kaibigan ko. Isa dun si Gary Paul. Naging malapit kami dahil kasabay ko lagi sya pauwe. At parati kaming magkatabi sa upuan sa bandang hulihan ng row. Taal na Manileño pero nagmula ang pamilya sa Romblon. Bunso ring tulad ko sa tatlong magkakapatid ng parehong government employee na mga magulang. Matalino at mabait. Kwela at mahilig sa anime tulad ng Naruto.

Siya ang kasa-kasama ko. Dahil sa kanya nagbago ng bahagya ang monotonous at routinary kong buhay. Minsan pumupunta kami ng mall para maglaro ng video games sa arcade.

Walang girlfriend si Gary. Pero malapit ang mga babae naming kaklase sa kanya kahit pa nga sa tingin ko ay baduy itong pumorma. Lousy nga eh! Hindi rin maganda ang katawan. Mas may built pa nga ako eh. Halos magsingtaas lang kami sa 5'7 na height. Ang ngiping mapuputi at pantay-pantay ang isa siguro sa physical assest nya. Kaya nga sa isip ko, I can safely say na very safe ako sa kaibigan kong ito. Dahil I can never imagine myself falling for him. Kung talent naman, ok, given na marunong syang kumanta at may halina sa galaw kapag sumasayaw.  Pero other than that, I can't think of anything more. Malaki ang pagkakahawig nito kay Rico Blanco ng Rivermaya. Which I never find attractive at all. Kung kaya't hindi ko lubos maisip why on earth that girls swoon over him. His talent, perhaps. Just like Gary Paul. But it never fascinates me.

Hindi ko alam kung anong charm meron ito pero ambilis nyang makagaanan ng loob ang kahit sinong kalahi ni Eva.  Mahilig kasi itong makipagharutan. At laging may baong punchline.

It was an ordinary college life. A bit relax pero may times na kailangan din magkumahog due to deadlines. By the way, I took up lawn tennis for my P.E. Na nakatulong ng malaki sa akin upang mag-gain ng additonal weight. At matrim down ang unnecessary fats. Kahit papano, gumanda pa ang aking katawan. Hindi kasi ako sporty person at never din pumasok sa isip ko ang mag gym.

Students from different colleges are enrolled in our P.E. class. But we never got the chance to get close dahil once a week meeting lang kami. And never did once, that I got hook physically from anyone. Though, my mga good looking naman. After the game, kanya-kanya na kaming buhay.

Gary and I also became close and befriended four more classmates. All boys. And another one, ng tumuntong sa aming ika-third year sa university. An irregular student, si Ayi or Ian. Isang working student. Nagpapart-time job for over 2 years as all around waiter/bar personnel sa Racks Restaurant sa Megamall. Malaki ang semblance nito kay Dominic Ochoa. Gwapo at may kaakit-akit na ngiti.

Ito ang kauna-unahang bumighani sa matagal na panahong natutulog kong pagkatao. At magbabago sa aking pagkatao.

17 comments:

  1. Boring ng story, haba pa. Buti di ka napagod kakaisip ng isusulat mo. Kwentong kutsero -,-

    ReplyDelete
  2. Nice Story po Mr. Author... Sana po may continuation po ung story nyo kina ric at noel... Nagkikitakita parin po ba kau pag umuuwi kapo sa probinsya? Sana po may part 2... KUDOS!

    ReplyDelete
  3. wow love ur story author,cant wait for the chapter

    ReplyDelete
  4. ganda ng story!

    2 thumbs up. excited much sa continuation.

    ReplyDelete
  5. sir, sana more convo or part or anything between sa inyo ni ric HHAHAH nakakakeleg e <3

    ReplyDelete
  6. Okay na okay story mo. Maganda build up. Pero nabaduyan ako sa parteng paglalahad mo ng mga brand ng mga bagay bagay. LOUSY yun parts na yun.

    ReplyDelete
  7. Ay!!! ang Ganda nito!!! kuhang kuha din ang katarayan ko!!! hehe... haaaayy aabangan ko toh!!! uy Mr Author bilis-bilisan mo po ahahahha!!! joke po... anyways... matutulog nako.. wuuuuuhhh!!! Ganda!! loveet...

    ReplyDelete
  8. Really nice author two thumbs up, i can relate to this. until now, im still hiding in my closet and agree with Rico Blanco i dont find him that attractive. Hahaha... Hope to read the next part ASAP! Kung matagal pa, im pretty sure its worth the wait. I just wish i can write my story as good as this or better. I'M YOUR FAN!

    ReplyDelete
  9. Hi ARC,

    Pivotal po kasi yung part na yun to illustrate the personality of a character, how well he wanted to be identified by his peers.

    Anyway thanks for the heads up. That will be taken cared of. Happy reading...!!!

    ReplyDelete
  10. Hi RIC,

    Already finished and submitted the succeeding part, until Part 7 of the story. I hope ma-i-post na ng ADMIN someday soon.

    p.s.
    (kala ko nag-comment ang aking love interest, hahahah!)

    Enjoy reading...!!!

    ReplyDelete
  11. Hehehe,

    Thanks for the suggestion and opinion Kiba Yuuto! That is taken into cons. Happy reading...!!!

    ReplyDelete
  12. Thanks kolbito! Your appreciation means a lot.

    Happy reading...

    ReplyDelete
  13. Mad nauna ko pang basahin ang part 2 nito kesa dito :D anyways keep this up author!

    ReplyDelete
  14. Woaahhhhhh....!!!

    Nakaka-overwhelmed naman po yung comment mo Brint. Maraming salamat! That is really something. Lalo tuloy akong naiinspire na lalong mapaganda ang mga succeeding part of the story.

    Again, TYSM Brint!

    ReplyDelete
  15. Relate ako haahha....anlakas mong manlait men natatatawa ako sobra lalo n nung describe m itsura kaklase m hahha

    ReplyDelete

Read More Like This