Pages

Sunday, March 29, 2015

Something Childishly Special (Part 1)

By: Leigh

Hi to all readers of KM. Matagal na panahon ko din pong pinag isipan kung tama ba na hayaan kong ilathala sa blog na ito ang isa sa pinaka espesyal na tao sa buhay ko. Pagpasensyahan niyo na if maraming mali sa grammar ko dahil first time ko 'to.

Ako nga po pala si Leigh (di tunay na pangalan). Ipinanganak ako sa isang pamilya na nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Ayoko magbuhat ng sariling bangko sa kwentong ito dahil matagal na rin naman itong nangyari at marami na din ang nagbago sa buhay ko at lalong lalo na sa buhay ng mga taong involve sa story na 'to. Nagyari ito nung huling taon ko sa HS hanggang college. Salamat ng marami sa mga taong babasa nito. Sana po ay may mapulot kayong kahit konting aral dito.

"Where u at?" pagbasa ko sa text sa cellphone ko. Si Joel (bestfriend ko at di tunay na pangalan) ang nagtatanong.
Bakit ako hinahanap nun eh kanina lang magkasama kami sa room. Di ko na lang pinansin ang txt niyang iyon.

Matagal na magkaibigan na kami ni Joel since Grade School kilala ko na siya dahil malapit lang ang bahay nila sa amin dito sa cagayan de oro. Kaya hanggang nung huling taon sa HS eh kami pa rin magkasama parati. Marami namin kaming magbabarkada pero siya talaga ang pinakamalapit sa akin.

Tanggap rin ni Joel kung ano ako at hindi ito naging balakid para kami ay maging matalik na magkaibigan.

Ang loko tumatawag pa talaga. "Oh bakit ba?" tanong ko.

"Where u?" balik na tanong nito.

"Martin was looking for u" pasigaw na sabi nito sa kabilang linya.

Oo nga pala magkikita kami ni Martin today ng maaga. Si Martin ng panahon na ito ay kabilang sa General Section ng year level namin.
Hindi man ito kasing talino ni Joel ay ito naman ata ang pinakagwapong lalaki sa campus. Maputi at tantiya ko nasa 5'8 - 5'10 ang height nito. Varsity ng Basketball Team at tinitilian. At dahil ako ang bida dito boyfriend ko siya. (Lol)

Second Year kami ng lumipat si Martin galing ng Visayas at dahil taga dito naman ang Papa niya madali lang sa kanya ang mag adjust. Simula nung lumipat siya dito ay parating siya na ang bukambibig ng mga babae at binabae dito sa school. Palibhasa magaling sa bola at gwapo. Pero may reputasyon akong impakta sa school kaya 'di kami friends. Actually, wala akong friends sa lower section dati. Masama kasi ugali ko at mapagmataas masyado.

Member ako ng School Paper dati at busy sa araw araw na ginawa sa office kahit na twice every school year lang kami mag publish. As usual kasama ko na naman si Joel na Sports Writer namin. Namomroblema kami kung sino ang kukunin naming cartoonist dahil wala talagang talent sa drawing/cartooning ang mga member ng publication namin ngayon. Naisipan naman ni Joel na maglagay na lang ng mga notice sa school board corner para sa mga interasdo at hindi naman kami nagkamali ng desisyun dahil nagka intereset nga si Martin na maging Cartoonist namin. Dun na nagsimula na makilala ko siya at dun na din nagsimula kung bakit naging Boyfriend ko siya ngayon.

DSPC - alam siguro niya kung ano ito. Mga September ata yun ng 2004 or October di ako sure pero naging busy kami sa review dahil diyan. Marami ang pinagpipilian sa amin kung sino ang maipapadala. Syempre nangunguna na and EdnChief namin dahil sobrang galing talaga nun. Naglabas na rin ng final list nasama naman ako for Copy Reading (English), si Joel for Sports writing (Filipino) at Martin para sa Cartooning. Mga 3 days din kami dun sa host school kaya ang daming nangyari at nagbago sa buhay ko after nun.

Naging eyebrow friends kami ni Martin after nun, though hindi ko talaga siya kinausap sa entire duration ng DSPC. Sa kasawiang palad ay 5 per category lamang ang ipapadala sa RSPC at pang anim lamang si Joel sa Category niya. Habang napasama naman ako at si Martin para sa category namin. Pagkauwi namin hindi ko alam anong nangyari at biglang naging eyebrow friends kami. Napapansin ko na ang hindi ko dati nanapansing presensya niya habang dumadaan sa classroom namin. Maging ang paglalaro niya ng basketball sa court napapansin ko na din. Pero hindi ko na lang ito pinansin dahil malamang naninibago lang ako dun sa tao.

Malapit na ang graduation nun ng biglang tinutudyo na kami ng mga ka klase ko na di ko naman pinapansin dahil sa lalaki nga siya at parang ayoko sa isip bola. Hindi ko na matandaan anong nangyari at bigla na lamang siya lumapit sa aking nakangiti and God know how i tried to ignore pero ang gwapoo niya talaga. Ang kinis ng balat at perfect set of white teeth at napakapula ng labi. Wala akong ibang maisip nung panahon na yun kundi malasahan ang lips niya. Hindi ako makagalaw or makaiwas man lang sa titig niya. Hindi ko rin marinig ang mga kaklase kung tumitili at parang kinikilig, wala akong ibang marinig kundi ang pintig ng aking puso.

"Can i have your number?" tanong nito.

Hindi ko magawang magsalita dahil sa mga titig niya. Inabot niya ang phone niya sa aking na sinasabing itype ko daw ang number ko. Wala na akong nagawa kundi itype ito. Umalis na siya sa harap ko pero wala pa ring akong ibang ginawa kundi ang tumunganga na parang may nakitang maligno or something. Naging tuod ako sa aking kinatatayuan at bumalik lamang ako sa tamang pag iisip ng bigla akong batukan ni Joel.

"Pre laway mo!" asik nito.

"Gago anlakas nun ahh?" pagalit kung sabi sa kanya.

"Gusto mo na ba ang utak bola na yun?" nakangusong tanong ni Joel.

"Hindi! At ayoko nga sa utak bola remember?" sagot ko na lang. Umiiwas ako dahil kahit sa best friend ko hindi ko maamin kung ano ba talaga ang nararamdaman ko towards Martin. Para kasing ang bilis or wala sa timing.

Dumaan ang maraming araw at marami ang nangyari sa pagitan naming tatlo. Naging magkaibigan na kami pero hindi pa masyadong close. Hindi rin masyado makalapit si Martin dahil pag uwian nakaabang na ang driver ng mama ko para sunduin kami ng Kapatid ko na sa same School din pero 1st year college na. Sabay na kaming dinadaanan para tipid sa gas. Pero sabi nga ng iba kung nakatadhana nakatadhana. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mahulog kay Martin dahil sa mga sweet exchange of text msgs namin. Naging kami at parang mas lalo ata akong naging sikat sa school namin. Marami na din ang umaaway sa akin ng palihim dahil dito. Isa na dito ang best friend ko.

"Guys, guys, shocker masyado ang best friend nitong si Joel may boyfriend! Akala ko ba straight yun?" rinig kong tanong ng teammate niya sa soccer.

Hindi ko na lang pinansin kahit na alam kong darating at hindi maiiwasan ang mga ganitong komento ng mga schoolmates ko. Nasaktan ako dahil parang nilayuan ako ng buong section namin. Kahit na si Joel parang ayaw na akong makausap. Alam ko umiiwas siya pero wala akong magawa dahil ganito ako at nagmahal lang naman ako. Pero after 3 or 5 days ata humupa na din ang mga mapanuring mata sa akin at naibalik na rin namin ni Joel ang aming pagiging matalik na magkaibigan.

"O bakit daw? Tawagan ko na lang" sagot ko dito sabay baba sa phone. Nakangiti naman akong nagdial ng number ni Martin para tanungin kung nasaan ito.

"Why you looking for me bei?" "Bei" kasi ang tawag niya sa aking at yun na ang nakagawian namin gamitin na lang din.

"Told you we have to talk right?" sagot nito. Seryoso masyado. Ano bang nangyayari? tanong ko sa isip ko.

"Text me where u at and I'll go there. See you!" sabay baba ko sa phone dahil nasa canteen ako nung time na yun at kumakain dahil lunch break namin.

"Acacia 1:30" laman ng text niya. Hindi ko mapigilang kiligin dahil dun. Ewan ko ba pero feeling ko naman masaya at mahaba talaga ang buhok ko nung time na yun.

"Hi Bei, what's up?" huhug ko na sana siya ng umiwas siya. Oo PDA kami nito pero hanggang hug lang pag nasa school baka mapa trouble pa graduation namin dahil baka may mag sumbong.

"I'll be direct to the point Leigh, I'm really sorry but I can't go on with this, You know i'm straight right? And i just realized i can't be seen hugging some faggot at school." cool na sabi nito.

"What the F did u just say?" galit na ako nito.

"Easy Leigh, let's call it even. I got you what u need you got me what I need. Let's be happy with that."

"Sure thing Martin, and oh, ayoko rin naman sa utak bola. I'm glad to be your first and you're doing me a favor for this. I don't have to see that sad look on your face if i get to do the dumping part, praktis ka muna sa kama ha? Di ka kasi marunong." sabay talikod ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang luhang pumapatak sa aking mga mata. Masakit pala. Dumiretso ako ng takbo papuntang CR sa may hallway malapit sa room namin. Dun ko ibinuhos lahat ng sakit na nadarama ko. Ginawa ko naman ang kaya ko para sa aming dalawa ah, bat ganun? Akala ko pa naman siya na ang una at huli kung magiging boyfriend. Binigay ko naman lahat ahh. Bakit parang --- argh! Sigaw ko na lang dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin at kung ano pa mangyayari sa buhay ko.

Makalipas ang 30 minutes narinig kong may nag uusap sa labas at dahil nasa loob ako ng cubicle hindi nila alam na may ibang tao pala sa loob.

"Hiwalay na daw si Martin at Leigh?"

"Aba mabuti na rin yung para kay Leigh mukhang mauubos yaman ng pamilya niya kay Martin, masyadong maluho." sabay pang nagtawanan ang mga ito.

Ganun ba ang naging relasyon namin? Hindi ko naman binibigyan ng pera si Martin ah, tsaka yung mga bigay kung iba regalo ko naman yun dahil napapasaya niya naman ako at akala ko ganun din ako sa kanya. Bakit ang tingin ng mga schoolmates namin eh pera pera lang? Dba may kaya rin naman sina Martin? Andmaing mga katanungan sa aking isip at malamang hindi na ito mamasagot dahil 2 weeks na lang at graduation na. Kinuha ko ang cellphone ko at tatawagan sana ang driver ni mama na magpapasundo na ako. Magdadahilan na lang akong masama pakiramdan ko. Parang di ko kaya lumakad palabas. Parang hindi ko kaya ang tingin na ibibigay sa akin ng mga taong makakakita sa akin. Papasok na lang ako pag praktis na ng graduation rites.

"Leigh, Leigh?" alam kong najan ka. Buksan mo 'to..

"Joel. .. .. .. binuksan ko ang cubicle at nakita ko naman ang best friend ko, kita ko sa mukha niya ang awa at pagmamalasakit sa isang kaibigan. Bigla na lang akong napayakap sa kanya at umiyak ng umiyak..

"Bakit ganun naman Joel? Ganun na lang ba kadali ang pinagsamahan namin?" humihikbi ko pa ring tanong sa kanya. Hindi naman nagsalit si Joel at nanatiling nakayakap ng sa akin. Hinahaplos ang likod ko.

"Salamat at nanjan ka parati para sa akin Joel. Hindi mo alam gaano kalaking epekto ng yakap mo ngayon sa akin." Kahit papaano naman kasi gumaan ang pakiramdam ko dahil sa mga hagod niya sa likod ko at sa yakap niya. Hindi pa rin ako talo dahil alam ko kahit ano mangyari may best friend pa rin akong hindi ako iiwan.

"Cge lang iiyak mo lang yan, di kita iiwan. Andito ako para sayo" sabi nito.

"Sana sa susunod na magmamahal ka huwag na yung utak bola ha?" masuyong sabi nito.

Tumatawa na ako sa joke niya at nanatiling nakayakap pa rin sa kanya. "Promise hindi na, tsaka after nito ayaw ko na talaga." sabi ko sa kanya.

"Anong ayaw mo na?"

"Ayaw ko muna magmahal ng higit sa pagiging kaibigan, kikilalanin ko muna kung meron man." sagot ko.

"Ganun ba? Pano naman ako?" napanganga naman ako at biglang bumitaw sa yakap ni Joel....

8 comments:

  1. Sino yung nasa picture? Anyone knows?

    ReplyDelete
  2. Interisting! Next chapter agad aurhor! xD

    ReplyDelete
  3. Maganda ang pagkakalahad. Yung writing styles ang cool lang, hindi exaggerated. May part 2 po ba ito? Please do update. :)

    PS: mga nasa 25y/o na po ba kayo or more? XD

    ReplyDelete
  4. Currently doing the second chapter as well as the follow up. Thanks! and yes 25 na ako. 26 this year. lol

    ReplyDelete
  5. Just guessin'. Go lang, author Leigh.

    ReplyDelete
  6. Same tayo ng love story </3 And I agree, ang ganda ng pagkakasulat nito. Kudos

    ReplyDelete
  7. I love ur story leigh, i hope sa part 2 maisama mo ang story ng pag move on mo kay martin

    ReplyDelete

Read More Like This