Pages

Sunday, March 8, 2015

Nawala sa Isang Awit

By: Marcus del Rosario

Gumagalaw sa musika.

Hindi mapigil ni Marco ang indak ng kanyang katawan. Sa ilalim ng kumot ng bituin at sa simoy ng malamig na hangin, nakikikanta at nakikisayaw ang binata sa tugtog ng paborito niyang banda. Hindi ito ang una niyang beses sa kanilang concert, ngunit ang bawat pagdalo ay parang panibagong karanasan--parang lumulutang siya mula sa lupa.

Tuloy-tuloy ang pagkawala niya sa sarili nang bigla siyang mabangga ng ibang katawan. Pagsasabihan na niya sana ngunit napansin niya ang kaguwapuhan ng bagong estranghero. May kinang sa kanyang buhok, isang malalim na itim na bagay sa moreno niyang katawan. Matangos ang ilong at may kaliitan ang kanyang labi. Pulang-pula ang kanyang mukha't mukhang nakarami ng inom. Di alam at napangiti si Marco noong napansin ito. May pagkainosenteng nakaaakit ang kanyang pagkapula. Nanakaw ang atensyon ni Marco. Ngunit bago pa man siya nakapagpakilala, hinimatay ang binata.

"Tang--," sambit ni Marco. "Ano'ng gagawin ko dito?" Tumingin-tingin siya sa paligid ngunit parang walang kasama ang binata--tulad niya. Lumuhod siya at sinubukan itong gisingin nang may kaunting alog. "Oy, okay ka lang ba? May kasama ka ba?"

Wala pa ring sagot. Wala nang malay ang guwapong mukha.

Naisip niyang iwanan na lamang. Hindi naman niya responsibilidad ang binata. Ngunit sa di-maipaliwanag na rason, hindi niya magawa'ng umalis. Naawa siya sa binata, lalo na't hindi makahindi sa maamo nitong mukha.

Kung ihatid ko na lang kaya sa isang hotel? Iwan ko na lang doon nang makatulog, tapos babalik dito. Total, maaga pa naman at maaabutan ko pa ang finale ng banda. May pagka-Good Samaritan na isip ni Marco.
Medyo payat ang kanyang pangangatawan at hindi tatangkad sa isang dangkal ang binata sa kanya. Naisip ni Marco na kakayanin naman niyang buhatin ito sa kanyang likod hanggang sa makarating sa taxi stand.

At ginawa nga ni gago.

Nakarating sila sa isang murang hotel... sa isang motel. Medyo kinakabahan ang binata't baka kung ano-ano na ang iniisip ng staff doon. Ikaw ba naman ang magkarga ng lasing na lalaki sa isang kuwarto sa motel, sino ang hindi mapapraning? Medyo natagalan sa pagkuha ng susi si ate lobby girl--intensiyonal kaya? Pinatatagal niya ba ang kahihiyan ko?

Bigla-bigla, narinig niyang pinatutugtog sa radyo ang kanyang kanta. Isa ito sa mga acoustic na awit ng bandang pinapanood niya kanina lang. Bihira silang gumawa ng love song kaya napakaespesyal nito, lalo na't tagos na tagos ito sa binata. Nakakaugnay lang talaga siya. Hindi niya masabi ngunit sa tuwing naririnig niya ito, nahuhumaling ang kanyang mga pandama. Pinipikit niya ang kanyang mata at nakikiisa sa musika. Naalala niya ang lahat ng mga sanang muntikan nang magbunga ng matatamis na pangarap.

Umungol ang walang malay. Akbay-akbay niya pa rin ito at parang naramdaman niyang humigpit ang pagkakapit ng mga braso nito. Napangiti nang kaunti si Marco... nakapikit pa rin.

Nang bumalik na ang lobby girl dala ang kanilang susi, dumiretso na siya sa kuwarto, halos kala-kaladkad ang binata.

Ipinatong niya ito sa ibabaw ng kama. "Sa wakas! Bigat mo rin, 'lang hiya!" Kausap niya ang walang malay. Huminga ito nang malalim at minasdan ang nakahiga sa kama. "Buti na lang guwapo ka. Kundi, iniwan na kita doon sa sahig."

Buti na nga lang, isip niya sa sarili. Ngunit hindi niya naman talaga magagawang iwan siya roon--sobra-sobrang kabaitan ang tanging kasalanan ni Marco. Iyon bang siya pa ang humingi ng tawad noong tinanggihan siya ng kanyang nililigawang crush. Napabalik ang kanyang isipan sa pagkarga niya sa binata. Bagama't pawis, inis at hiya ang dinanas niya sa gabing iyon, natuwa pa rin siya sa ginawa niya. Mukhang kinailangan naman talaga ng binata ang tulong--na masaya naman niyang ibinigay. Maliit na bagay, kumbaga. Dagdag pa rito'y may sarili din naman siyang katuwaan nang naramdaman niyang may umuumpog na bagay habang bitbit niya ito sa kanyang likod. Takang-taka siya kung ano ang dala nito nang matanto niyang may sarili ring kargada ang binata. At hindi ito maliit na bagay. Namula ang kanyang pisngi.

Tiningnan niya ang kanyang relo't naisip na kung magmadali pa siya'y makaaabot pa siya.

Humakbang na siya papunta sa pinto nang sinilayan niya muli ang binata. Biglang lumipad ang mga paruparo sa kanyang sikmura. May kutob siyang hindi maipaliwanag. Nilapitan niya muli ang binata at inayos ang pagkakakumot nito. Pinagpag ang unan at inilagay nang akma sa ilalim ng kanyang ulo. Isa pang ngiti ang dumako sa kanyang mukha. Patayo na siya nang biglang hinila ang kanyang mukha.

Nagising ang binata at inilapit si Marco sa kanyang mukha. Nagkatitigan ang kanilang mga mata. Maluha-luha ang mata ng binata.

"'Wag mo 'kong iwan"

Itutuloy

1 comment:

  1. Ahh !!!! Kabitin ka nmn author nxt part agad please :) i love it <3

    ReplyDelete

Read More Like This