Pages

Sunday, May 31, 2015

Love Stuck

By: Ethan

Ako si Ethan. 16 years old. Ang buhay ko ay hindi kasing kulay ng buhay ng iba. Simple lang. walang kakaiba, walang maipagmamamalaki.. Tahimik. Ulila.  A Bisexual.
“BATA.!”
Napabaling si Ethan sa may ari ng tinig na tumatawag sa kanya. Pilit niyang inaaninag sa nanlalabong mga mata ang hitsura nito. Isang poging lalaki ang nakatayo sa gilid ng barandilya  ng tulay. He must be around 20 yrs old. Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.
“Bumaba ka riyan,” sabi nito.
Nakaupo siya sa barandilya ng tulay, paharap sa tubig sa ibaba niyon. Mahigit 20 feet ang pagitan ng tulay at tubig.
“Ayoko!” sigaw nitohabang umaagos ang luha sa mga mata.
“Magpapakamatay ka ba?”
“Obvious ba?” sarkastikong wika niya. Ibinalik niya ang tingin sa tubig. Natitiyak niyang kapag bumagsak siya roon ay mapupunta kaagad siya sa malalim na bahagi niyon. Hindi siya magtatangkang lumgangoy paitaas. Hahayaan niyang malunod siya.
“Bata, wala ka sa sarili mo. Come on. Tutulungan kitang bumaba.” Tinangka ng lalaki na lumapit ito sa kanya, ngunit pinigilan siya nito.
“hayaan mo ako! At huwag kang lalapit! Kundi TATALON AKO!”
Sinapo nito ang noo. He looked nervous. “okay, hindi ako lalapit. Just get yourself off that balustrade.” Wika ng lalaki.
“I’ll get my butt of this balustrade, all right. Tatalon nga ako di ba?”
Itinaas nito ang dalawang kamay at mabilis na iginalaw-galaw ang mga iyon. “ that’s not what I meant! Come on, huwag kang tumalon. Umalis ka diyan please. Huwag kang tumalon!!!”
“huwag mo nga akong paki-alaman!” sikmat niya sa lalaki. “Sino ka ba? Hindi naman kita kilala. Umalis ka na nga at hayaan mo na ako!”
“You have to get hold of your insanity, you’re just upset, hindi mo alam ang ginagawa mo. Kung ano man ang problema mo, sigurado ankong may solusyon yan at hindi kailangang-“
“WALANG SOLUSYON SA PROBLEMA KO!” putol niyang pang sabi dito.
“Ano bang problema mo, ha? Did your girlfriend cheat on you?” bumuga ito sa hangin. “She’s good for nothing. Marami ka pang babaeng makikilalaat magmamahal sayo. Huwag mong sayangin ang buhay mo nang dahil lang sa isang walang kwentang babae.”
Hindi makapaniwala si Ethan sa sinasabi ng gwapong estranghero na ito. Mukha ba siyang iniwan ng nobya at ipinagpalit sa iba? Ni hindi pa nga siya nagkaka-girlfriend dahil sa sexual preference nito. Dahil isa siyang bisexual. Hindi nito alam kung ano ang pinagdaraanan niya. Hindi na niya kaya ang matinding kalungkutan. Ipinapa-therapy siya ng kanyang tiyahin sa isang psychologist pero hindi ito nakatulong sa kanya. Pinapainom siya ng anti-depressants pero kapag nag wear off na ang bias niyon ay wala na siyang alam gawin kundi ang umiyak. Gusto na niyang tapusin ang kalungkutang iyon.
Gusto niyang sabihin dito ang dahilan kung bakit gusto niyang magpakamatay. Gusto  iyang sabihin na ang tanging solusyon sa problema niya ay ang bumalik ang buhay ng mga magulang niya pero imposibleng manyari iyon. Ayaw niyang makipag-usap pa. kailangan na niyang tumalon.
“Ayoko nang mabuhay” lumuluhang wika niya. “Ayoko na!” pagkatapos sabihin iyon ay bumitaw siya sa barandilya at tumalon sa tulay bago pa ito nakalapit sa kanya. Narinig na niya ang pag sigaw nito.
Nang bumagsak siya sa tubig ay ipinikit niya ang kanyang mga mata. Tulad ng kanyang plano ay hindi siya gagawa ng hakbang para alisin ang kanyang sarili sa ilalim ng tubig hanggang sa mawalan siya ng ulirat. Ang akala niya ay hindi na siya magigising pangunit nang magmulat siya ng mga mata ay mukha ng lalaking nagtangkang pumigil sa kanya sa pagtalon sa tulay ang nabugaran niya. May ilan pang tao sa paligid niya ngunit Malabo na ang tingin niya sa mga ito.tanging ang muka na lamang ng lalaking nakatunghay sa kanya ang nakikita niya.
Marami siyang nailabas na tubig mula sa ilong at bibig niya.
“Thank God. You’re Alive!” habol ang pag hinigngang sabi ng lalaki. Mababakas ang matinding relief sa muka nito. Basing basa ito tulad niya.
Buhay siya! Hindi siya makapaniwalang buhay pa rin siya pagkatapos ng ginawa niyang pagpapakalunod. Iniligtas ba siya ng lalaking ito? He was thanking God. Is He alive? Natutuwa ito na buhay siya? Hindi siya makapaniwala na mahalaga para ditto ang buhay niya.
“May masakit ba sayo?” tila nag-aalalang tanong nito. Mabilis nitong pinasadahan ang katawan niya, mukhang naghahanap ito ng dugo o ano mang senyales ng injury sa kanya.
Hindi niya nagawang sumagot. Nakatitig lamang siya sa guwapong mukha nito. Tumalon din ba ito mula sa tulay para sagipin siya? Maaaring napahamak din ito sa ginawa nito. Bakit siya niligtas nito?
Iniangat niya ang kamay upang abutin ang mukha nito. Nararamdaman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Iniligtas siya ng lalaking ito. Halos ibuwis nito ang ang sariling buhay para sa kanya.
“A-anong pangalan mo?” halos hindi lumalabas sa bibig niya ang mga salitang iyon.
“Mark”
“M-Mark…”  Nararamdaman niya ang pagguhit ng ngiti sa kanyang mga labi bago unti-unting nagdilim ang kanyang paligid.
One year later..
Napangiti si Ethan nang sa pagmulat niya ng mga mata ay may nakita siyang isang basket ng prutas na may kasamang isang tangkay na rosas sa study table niya sa kanyang blue bedroom. Araw- araw ay nakakatanggap siya ng mga prutas o kaya sari-saring bulaklak tuwing umaga. Palaging maganda ang gising niya nang dahil doon. Palagi siyang napapangiti ng mga ito. Napakasarap sa pakiramdam na may nagmamahal sa kanya. Isang taong gusto siyang mapasaya sa bawat araw.
Mabilis siyang bumangon at tumakbo patungo sa study table niya upang kunin ang isang basket ng prutas at bulaklak. Kinuha niya ang pulang rosas at sinamyo niya ito at saka binasa ang card na nakalagay roon.
Dear Ethan,
Good Morning Baby! Keep Smiling. :)
Love,
Mark.
Niyakap niya ang bulaklak nang may matamis na ngiti sa labi.
Mark… kailan ba ito muling magpapakita sa kanya? Pagkatapos nitong sagipin ang buhay niya noong isang taon ay hindi na uli niya nakita pa ito. Ngunit ilang araw pagkatapos ng insidenteng iyon ay nagsimula na siyang makatanggap ng mga prutas at bulaklak mula rito sa bawat araw. Wla iyong palya. Kaya lang ay hindi ito nagpapakita sa kanya kahit minsan. Sa loob ng isang taon. May dahilan ito kung bakit. Ang sabi nito sa love letter ay gusto nitong hintayin ang tamang panahon para sa kanilang dalawa.
Nauunawaan niya ang gusto nitong sabihin. Bata pa lamang siya para dito. He was only sixteen years old when they first met. Gusto siguro nitong hintayin na magdalaga siya para ligawan nito. (Medyo Ambisyosa!) feelingera si bakla. Eh teka alam ba nito na isa siyang bisexual? Well anyways.. kilig moment ito. Seriously, kaya ba hinhintay raw nito ang tamang panahon na sinasabi nito ay magkakasya na lang daw muna ito sa pagpapadala sa kanya ng mga prutas at bulaklak upang ipaalala sa kanya na maghihintay ito sa oras na maaari na silang magkita muli.
Seventeen na siya ngayon. Pero tatlong buwan na lang ang hihintayin niya at magiging eighteen na siya. Magiging ganap na dalaga na siya! (Ambisyosa) at pwede na siyang maki-pag boyfriend. Ngunit sa ngayon ay kailangan muna niyang makuntento sa strange “relationship” na mayroon sila ni mark. Maghihintay siya hanggang sa maging handa na itong lapitan siya at maging handa na rin siya sa pag-ibig.
Pag-ibig.. alam niyang pag-ibig ang nadarama niya para kay Mark. Kahit hindi niya nakikita ito at ni hindi niya alam kung nasaan ito ay mahal niya ito. Ito ang palaging nasa isip niya. Nang dahil ditto ay naka-recover siya sa matinding kalungkutan na naranasan niya nang pumanaw ang kanyang mga magulang sa isang vehicular accident noong isang taon.
Kasaa siya sa kotse nang gabing iyon. Sa backseat siya nakaupo. Ang mommy niya ay nasa passenger seat at ang daddy naman niya ang nagmamanaeho. Umuulan noon at medyo madilim ang kalsada. Hindi niya gaanong maalala ang nagyari. Basta lang sila sumalpok sa kung saa. At nang magising siya ay nalaman niyang wala na siyang mga magulang. Siya lamang ang nabuhay sa aksidenteng iyon.
Hindi biro ang dinanas niyang matinding depression na nagging dahilan upang hangarin niyang kitlin ang kanyang buhay. He had thought that he just wanted to be where his parents were at that moment. Madilim na madilim ang isip niya noon at ginusto na lamang niyang mamatay upang makasama ang mga ito at matapos na ang matinding kalungkutang nadarama niya. Ngunit may isang lalaking nagligtas sa kanya. At mula noon ay nagbago na ang buhay niya.
Mark had saved his life. Ito ang tumapos sa kalungkutan niya. He was happily in love with mark. He just had to wait patiently until he showed up at his doorstep, take his hand at sabihing mahal siya nito.
He imagined the way his handsome face looked. Mark’s expressive eyes staring at him. He would smile at him happily and then mark would say, “I’ve been waiting for this moment. And I think you’re ready now. I’ve been watching you from a far. But I couldn’t stay away from you anymore. Finally I can say those words I’ve been wanting you to hear since last year.. I love you Ethan. Please be my baby.”
Nagtitili at nagtatalon siya sa matinding kilig habang humahagikgik. Mangyayari na ang sandaling iyon. Nararamdaman niyanhg malapit nang magyari iyon. Dumako ang tingin niya sa malaking corkboard na nakasabit sa wall ng kanyang silid. Puno iyon ng maliliit na card na nakapin doon. Nagmamadali siayang lumapit doon upang i-pin ang baging small card na natanggap niya kay Mark.
Natuon ang tingin niya sa isang pilas na sketch pad na nakapin sa cork board. ang muka ni Mark ang nakaguhit doon. Iginuhit niya ito dahil wala siyang larawan nito. Bawat detalye ng muka nito ay malinaw na malinaw sa isip niya. Hinaplos niya ang napakaguwapong muka nito.
“Good Morning, Mark” sabi niya rito. “Thank You for the flowers. I love you.” Pagkatapos ay dinampian niya ng halik ang mga labi nito sa illustration. Baling araw ay mahahalikan na niya ito sa totoong buhay. Kailangan lamang niyang maghintay.
Nakarinig siya ng pagkatok at bumukas ang pinto. Bumugad ang kanyang Auntie Liza. 40 years old na ito. Kapatid ito ng kanyang  mommy. Ito na ang kumupkoop sa kanya nang mamatay ang mga magulang niya. Hiwalay ito sa asawa at may isang anak na babae. Si Dianne.
 “Good Morning , Baby Boy!” nakagiting bati nito sa kanya. Dinampian siya nito ng halik sa pisngi at hinawakan sa mga balikat.
“Good..” sadya siyang tumigil at sumibi “ I told you not to call me ‘Baby Boy’ anymore. I’m all grown up. Malapit na akong mag 18. Look I’ve grown taller now. And I think I’m getting taller every day.”
Tumawa ang tiyahin. “ I can see that you look more like a man now. Kaya lang napaka-childish pa rin ng mga kilos mo. At ikaw ang baby boy ko kaya hindi ko na kayang alisin iyon. So bear with me, okay?”
“pero pah nagkaroon na ako ng boyfie tita,, don’t call me baby boy ha.” Itinaas niya ang rosas na hawak niya.
“you see, pinadalhan na naman ako ng aking future boyfie ng flowers. Ang sweet niya talaga!” he giggled.
Ngumiti ito at ipinating ang kamay sa kanyang ulo at tinapik-tapik iyon. “Come on, magpalit at magayos ka na. First day of school kaya hindi ka dapat ma late. Nakahanda na ang breakfast sa ibaba.. sumunod ka ha.” Bilin nito at lumabas na ng silid ang auntie niya.
Inilibot ni Ethan ang tingin sa maluwag na campus ng St. Therese of Avila University. Pinagmasdan niya ang iba’t ibang muka sa paligid niya. Hindi siya makapaniwalang nasa kolehiyo na siya. Binata na nga talaga siya. (Este Dalaga) napangiti siya hanbang hinahawi ang kanyang side bangs. He walked and entered in the campus.
He tried his best to look good on his first day. Most of the people she he came across couldn’t help but look him. He was mestizo. He knew that he is handsome and have a cute rounded chinky eye. He had nice figure at the age of 17. Maraming nagkakagustong straight boy, lesbian and bisexuals sa kanya. Pero wla siyang natipuhan sa mga ito.
He continues walking until he reached a bench. Nagpasya siya na maupo muna roon. Maaga pa naman para sa unang subject niya. Sadyang maaga lang siyang pumasok para mag tour sa campus kaya lang napagod siya at nagpasiyang ipagpaliban na lang ang pag lilibot niya. Sa ibang pag kakataon na lang niya ito gagawin. May 10 minutes pa siya para magpahinga sa bench na iyon habang nagmamasid sa campus.
Natuon ang tingin niya sa isang babae at lalaking mukahang bakla na naglalakad sa di-kalayuan. Kasing edad lang din niya, marahil ay bagong estudyante rin rito. Naulinigan niya ang mga sinasabi ng bakla na tila tino-tour ang babae sa buong campus. Sana ay mayroon ding mag tour sa kanya at kwentuhan siya tungkol sa dapat niyang malaman sa baging eskwelahang iyon. Wala man lang ba siyang makikita roon ni isang kilala???? Pulos ba sa Ateneo, La Salle, UP, FEU, Miriam College, N.U, nagsipasok ng kolehiyo ang mga classmate at schoolmate niya noong high school? Unfortunately, ang mga kaibigan niya ay nasa ibang bansa napiling magsipag aral.
Naitgilan siya ng may nakita siyang isang pamilyar na mukha. Si Albert ba iyon? Naglalakad ito sa di kalayuan at eksaherado pa ang pag sway ng mga braso. Parang gusto na niyang magwala sa sobrang irita at inis. Bakit kaya ito nandito? Nalaman ba nito na doon siya magaaral kaya sinundan siya nito? Kailan ba ito titigil sa pamemeste at pag i-stalk sa buhay niya???
May hitsura naman si Albert., hindi nga lang ito ganoon kaattractive-looking. Hindi ito cool. May pag ka dork ito at pagka-corny ng mga jokes at punchlines nito. Nakakastress itong pangkinggan kapag nagsasalita ito. Palagi siyang nireregaluhan nito pero ni isa wala siyang tinanggap. Tinapat na niya ito na hindi niya ito magugustuhan kahit kailan pero sadyang matigas ang bungo nito. Kahit ilang beses nang na-reject, sinapak , tadyak ay bale-wala lamang dito. Natutuwa pa ito kapag sinasaktan niya iyo dahil doon lang daw sumasayad ang balat nito. Ang sabi nito  ay darating din ang panahon na matutunan niya itong mahalin.
Biigla itong tumigil at tumigin sa direksiyon niya. Mabilis niyang iniharang folder na hawak niya at ipinantabing niya ito sa mukha niya. Hindi siya dapat Makita ni Albert. Inilabas niya ng kaunti ang mga mata upang mabantayan ang kilos ng lalaking ito. Tumigil ito sa harap ng campus map at tinitigan iyon na tila may hinahanap.
Parang gusto niyang magdabog sa inis. Alam niayng oras na Makita siya nito ay hindi na naman si ta-tantanan nito kahit patuloy niya itong saktan sa salita o sa pisikal man. Obsessed na yata ito sa sa kanya. Gusto na niyang umuwi at magpali[at ng university agad para makaiwas kay Albert.
Lumampas kay Alert ang mga mata niya at natuon sa matangkad na lalaki na nakatayo paharap sa bulletin board na katabi ng campus map. Albert obiously had baby fat in his wideframe but the other guy was slimly built. May muscled biceps ito na nakalitaw sa suo nitong blue-printed polo na may long sleeves na nakarolyo paitaas. Dapat ay tumayo na siya at umalis sa lugar na iyon dahil baka Makita pa siya ni Albert. Pero hindi niya magawang umalis sa kinauupuan. Na curious siya kung sino ang lalaking matangkad. Ang sexy kasi ng likod nito. Guwapo kaya ito? O isa lang itong talikod-genetic? Natagpuan na lang niya ang sarili na hinhintay ang paglingon nito habang nakataas parin ang folder sa kanyang mukha.
May isang lalaki na lumapit ditto at na –excite siya nang gumalaw na ito at humarap sa kausap sa lalaking kausap na bagong dating. Nang Makita niya ang mukha nito ay nabitawan niya ang folder na hawak niya. Naramdaman niya ang mabilis na tibok ng kanyang puso.
“Mark….” Namamanghang sambit niya.

Itututloy    

1 comment:

  1. Really? Almost one year everyday nagpapadala ng flowers and fruits? Rich si papi. Haba ng hair mo

    ReplyDelete

Read More Like This