Pages

Sunday, May 17, 2015

That Thang Called Tadhana (Part 2)

By: Van

Lumipas yung 1 month na sembreak, oo 1 month, 1 month ng pag iisip na di ko inaakalang meron pala ko nun. Na sa loob  ng  isang buwan ng pahinga, tulog, kain, inom napagtanto kong.. Siguro ayaw ko lang kay Sofia para sa kaibigan kong si Kaloy, kasi naman pag naiisip ko yung crush ni Kaloy sa tourism department, naiisip kong “bagay naman sila nun” at ayos na ayos lang sakin.

Syempre, bumalik ulit sa okay yung lahat, wala na kong naiisip, oo nakamove on na ko ng 100% kay Kathtryn di ko na sya iniisip, ayoko na, tapos na kami (kung nagkaroon man ng kami) nakakausap ko na siya ng diretso at nasasabi ko na ng malakas sa mga kaibigan ko na, BAHALA NA SYA SA BUHAY NYA KUNG AYAW NIYA SAKIN EDI HUWAG.

After ng isang buwan na sembreak, din na yata kami sanay pumasok ulit. Eto na naman yung  pa-xbox xbox na lang kayo kahit na alam nyong may mga papel kayong kailangan tapusin pero sadyang tamad kami ayaw muna naming bumalik sa school kaya naisipan naming kumain na lang muna at pumunta kela Derek para tumambay.

Habang kumakain sa paborito naming kainan di maiwasang maglokohan at pag usapan yung mga love life ng bawat isa. Sa totoo lang, ang may almost perfect na lovelife lang naman samin ay si Paps at Roberto, sa katunayan di namin kasama si Roberto, nag cutting di at para  makipag date sa girlfriend nyang kulang na lang italisi Roberto sa pundya nya.

Paps: Ano ba nangyari Kaloy? Bakit hininto mo?
Kaloy: Yung kay Sofia ba? Ha?
Derek: Gago, may iba pa ba? Kung torpe at sa torpe lang di usapan, tyak ikaw na yon. Dahil imposibleng ako yon at lalong hindi si Van yon walangya yan eh.
Ako: ULUL WAG NYO KONG IDAMAY DYAN. PAKYU SAGAD.
Paps: Pero di nga bakit nga ba? Akala pa naman namin going strong na kayong dalawa.
Kaloy: Wala lang, di ko trip eh, masyadong tahimik saka may iba kong gusto eh.

Di ko alam pero eto na naman ako, bigla akong nangingiti na ewan. Di ko alam di ko mapigilan na ngumiti pagkatapos kong madinig na  hindi nag work out yung dating nila ni Sofia..

Paps: Oh, Van bakit ka nangingiti dyan? May ka-skype ka ba dyan?
Ako: Ako ba? Wala? Lobat nga to e, asar nga eh. May usapan kami mamaya ng mga kuya ko di ko alam kung paano ko sila matetext?
Derek: E bakit ka nga nangingiti?

Ako: Bakit ba? Masama ba? Tangina pati ba pag ngiti nngayon kailangan may dahilan..

Ako? Kung susumahin ako naman talaga ang pinakatahimik sa kanila (pero madaldal din ako at times) Medyo ayoko lang kumausap kapag hindi gaguhan yung topic. After naming mag kakain, dumiretso kami kela Derek para mag xbox. Dun naubutan naming yung kuya nya. Nag luluto yata ng hapunan para kay Derek kasi night shift sya at kailangan nya ng umalis before 4pm kasi 2 hours yung byahe.

Syempre hindi nawala yung inuman, ano pa ba gagawin nyo pag nagkatamaran na kayong mag xbox at pag solo nyong mag trotropa yung bahay, syempre inom.  May ulam naman na pwedeng pulutan kaya good na kami dun at bumili na lang kami ng isang case ng red horse. Mga 8pm na non, nakapag charge na din ako kasi sakto naman na may ganong charger sa bahay nila Derek. Isa isa ng pumasok yung mga text. Pero syempre lahat galing sa kuya ko pero dadalawa lang yung mga laman ng text. Yung isa, “ 9pm dun tayo magkita sa may crossing, text mo na din sila Chris at Anthony para good to go na tayo. Sige.” At yung isa “Tol tangina mo magreply ka. Saan ka ba?”

Bago kasi ko umalis ng bahay napgatripan naming na uminom na lang somewhere sa QC. Minsan lang naman kaya ok lang. Hapon paanaman pasok ko kinabukasan pero ala na nga yata akong balak pumasok nun tapos Kuya ko at mga pinsan ko naman mga kasama ko kaya ayos na ayos lang. Gusto ko din naman uminom na lang ng uminom ng gabing yon kasi parang narerealize ko na na iba na talaga nararamdaman ko at ayoko ng nararamdaman ko na yon.

Ako: Uy, sisibat na ko mga boi, kayo na lang magtuloy dito. Kita kits bukas mga 2pm na tayo magkita. Di ko alam kung papasok ako. Basta dadating ako para tumulong sa thesis nay an.
Kaloy: Sus, ngayon na nga lang tayo nagkita eh.
Ako: Ayaw nga kitang makita talaga eh, *Sabay tawa*
Kaloy: Mamaya ka na umalis, mauubos na to, sabay sabay na  tayo.
Ako: Eh… *kring kring* Teka lang sagutin ko lang to… “Oh? Yan na teka lang putik to malapit lang naman ako sa crossing eh. Di ako  naman pumasok, paalis na ko dito.” *sabay baba ng cellphone*
Paps:  Sino ba yun? Saan punta mo ngayon?
Ako: Ala yon, kasama ko lang iinom sa may padis siguro.
Kaloy: Sino nga eh?
Ako: Ala kang pake ge, una na ko.
Kaloy: Tingnan mo to, tinatanong ng maayos eh. Ulul, wag ka papakita samin bukas.
Ako: Di nyo din naman kasi kilala kuya ko eh, bat ko pa kwento. Sige na bukas na lang haha.

Dun sa usapan na yon, di ko alam pero gusto kong ngumiti. Iba yung usapan naming kumpara sa dati parang may “kilig?” na dumaloy sa sirkulasyon ng dugo ko. Parang ang sarap sa tenga. Parang may ibang sensyasyon…. Parang iba… parang iba din sya makipagusap ngayon at basta ewan naiintindihan naman nyo yun di ba?
Kung mababasa nyo to, abangan nyo part III baka lang naman kiligin kayo hahaha.

Itutuloy…

6 comments:

  1. Dapat kiligin kami ng todo. Yung tipong maiihi ka XD Medyo nalimutan ko yung story..true story to bro?

    ReplyDelete
  2. Hihihi dapat din habaan din ninyo xd.

    ReplyDelete
  3. Hindi ko masundan ung kwento. Kailangan kong balikan ung part 1, nakalimutan ko na kasi...

    ReplyDelete
  4. And ikli naman tol,pero exciting xD

    ReplyDelete
  5. Naka publish n ba part3 nito?d k kac mahanap eh

    ReplyDelete
  6. Oo ,, naiintindihan namin ang kilig feeling kapag nag uusap kayo (in any way) ng taong mahal mo...

    ReplyDelete

Read More Like This