Pages

Sunday, May 3, 2015

That Thang Called Tadhana (Part 1)

By: Van

Hi sa lahat ng readers dito. Nagsulat ako ng kwento dito para mag share (syempre) wala din kasi kong mapagsabihan. Kaya idadaan ko na lang sa kwento. Sisimulan ko yung kwento na’to kung saan ko nakilala yung taong mahal ko ngayon pero di ko alam kung mahal nya ba ko o ano hehe, medyo magulo kasi e.

P.S: Walang halong kalibugan to, pero true story ko to. Pure love story lang, kaya sana basahin nyo padin. Para malaman ko kung “mahal nya ba ko o isa lang din ako sa mga taong umaasa, at naghahanap na sakit  ng puso.

Ako nga pala si Van (di tunay na pangalan), 20 years old, maliit, average yung katawan, at gwapo (walang halong biro) at kakatapos lang ng college sa isang state university. Maharot ako, makulit, party head, may pag kagago, at higit sa lahat may pagka masungit. Sisimulan ko yung kwento nun una pa lang kami nagkakilala as friends/tropa. (Lalaki ako nun, sure ako dun, di ko lang alam kung bakit sya, gusto kong maintindihan at hanggang ngayon iniintindi ko kung bakit na in love ako sakanya)

Late ako nun sa 3:00 pm na klase naming sa English, mga quarter to 4pm na siguro ko nakadating ng eskwelahan nun. Isa naman talagang kong pa-late na tao lalo na kapag klase. Manama  pa kung inuman yan, tiyak early bird ako dun.

Going back sa story, syempre, as a first year college student nung time na yon medyo kinakabahan pa ko na baka masigawan ako ng prof ko non kaya I decided not to enter the room and wait kung meron pang dadating na kaklase kong late. Yun na nga, after 15 minutes, may dalawang lalaki, mukang naghahanap ng room, medyo mukang nawawala yata.

Boy 1: Pre, eto na ba  yung room 112? English class?
Ako: Ah oo, late din ba kayo? Di ako makapasok baka di na pwede ayoko masigawan dyan.
Boy 2: (Siya to yung mahal ko ngayon naks) Ah oo, may inayos pa kasi ko kanina. Buti na lang may kasama kong late *sabay tawa* Kaloy nga pala brad.
Ako: Ah, Van nga pala mag pre.
Boy 1: Mark nga pala mga tol. Ano next week na tayo pumasok? Magdahilan na lang tayo, medyo gutom na din ako. Tara meryenda. Tropa tropa na naman tayo eh.

Syempre, sa kadahilanang tamad naman talaga ko pumayag na ko. Ayos lang din naman para may kabarkada na ko para pag pasok bukas o kaya sa pag gawa ng kalokohan. Lumabas kami ng school para mag meryenda. Dun ko nalaman na si Mark pala, dating nag aaral sa Maynila pero may pagka gago din daw sya kaya inilapat sya ng mga magulang nya ditto sa probinsya. Si Kaloy naman, iba course dati, din a daw nya kaya yung puro math kaya lumipat sya samin.

Dito ko lang ipapakilala yung iba kong kabarkada, share lang ulit hahahaha.

Fast forward tayo di naman mahalaga yung ibang kwento nung mga una. Gusto ko lang malaman nyo ko paano ko sya nakilala at kung paano may nabago. May mga tropa kaming nadagdag, at syempre may umalis.

Si Mark? Umalis sya. Bigla na lang di pumasok. Nung second sem pa lang nung first year kami. Mokong eh, nagtext na lang na lumipat na ulit sya ng school kasi ayaw daw nya talaga ng course namin.

Nagkaroon din kami ng mga bagong tropa, Si Moja, mataba kasi kaya moja, pinaka reklamador at malaki ang imahinasyon sa barkada kaya lagging napapagtripan, in short barbers. Pero umalis din si Moja nung third year nagka financial problem kaya huminto muna.

Si Mika kaisa isahang babae na kabarkada naming. May pagka boyish kung kumilos, pero huminto nung third year din kami kasi nagkaroon din problema, pero family problem yata.

Kaya kung  tutuusin, tatlo ang umalis sa tropa. Kaya lilima na lang kami natira. Si Derek, Paps, Robert, Ako at si Kaloy.

Si Derek, eto daw yung pretty boy/ good boy sa barkada. Magaling daw mag gitara pero may pagka mama’s boy. Sya yung takot pag umiinom kami lalo na kapag nakauniform. Paranoid na baka may pulis daw na mang raid samin.

Si Paps, paps, kasi yan yung name yung first words ng buong pangalan nya. Paps, na din kasi muka ng tatay. Minsan nakakatakot, kasi malakas mambatok. Tataytayan ng barkada. Minsan muka din pari kasi madalas mang sermon.

Si Roberto pinakamatanda, pero  pinaka immature, lahat na lang hinarot, kahit saan kahit kalian, di din mapatahimik bunganga kahit sa isang sobrang tahimik na lugar o sa mga lugar na dapat nakahimik ka lang.

Sila yung mga nagging kasama ko buong college. Ayoko ng ikwento yung mga nangyari sa barkada naming nung second year- third year, di naman kasi yun yung point ng kwento. Kaya eto na lang ginawa kong part II. Para mas makilala nyo din ako bilang ako ng konti

Siguro nagtataka kayo kung bakit ko alam na lalaking lalaki ako nun. Una sa lahat, dahil alam kong may itsura naman ako (yabang) nagkakagirlfriend ako kahit nung highschool. Pangalawa, di naman ako tumitingin sa lalaki, kahit hanggang ngayon naman kay Kaloy lang. Pangatlo, never ako nalibugan sa lalaki, kay kaloy lang din hehehe, Pang apat, basahin nyo na lang.

Si Kathryn, medyo maliit sakin, morena, mahinhin, mayaman, mabait, maganda. Siya yung babaeng  nagawa akong gawing tanga sa loob ng tatlo’t kalahating taon. Siya yung babaeng niligawan ko ng ganong kahabang panahon na akala ko di ko na sya makakalimutan.

No boyfriend since birth sya. Sa gandang babae na yun, oo, di pa sya nagkaka boyfriend. Siguro sa panagarap oo, lalo na sa mga characters sa binabasa nyang libro o sa mga series na pinapanood nya. Yung babaeng katext ko mula pag uwi ng bahay hanggang madaling araw kahit may pasok pa kami kinaumagahan.

Oo, tinamaan talaga ko sa babaeng to. Halos ilaan ko na sakanya araw at gabi ko tapos di ako sinagot ng oo. Puro after graduation pwede na syang mag bf. Kaya Masaya ko nung nauntog ako at narealize na  baka ayaw naman talaga nya sakin. Ginawa mo lahat, pati mga hilig nya ginawa mo, pinakinggan mo pati mga boring na kantang gusto nya at mga series na puro pang babae yung istorya may mapag usapan lang kayo. Lumuwas ka pa at muntikan ng di makaabot sa klase nyo ng hapon kasi gusto nalaman kong gusto nya ng bulaklak na nakalimutan ko yung tawag (wala kasi ditto nun samin) tsaka yung librong di ko maintindihan kung bakit nya gustong basahin sa valentine’s day.

Gusto nyo pa ng katangahan?  Sabi ng bestfriend nya sakin mas gusto daw ni Kathryn na makareceive ng personalized na regalo sa birthday nya, ako naman tanga, may ginawa, personalized talaga kasi dalawang lingo ko ginawa. Na halos humindi na ko sa lahat ng tropa kong nag set ng inuman makatapos lang on time pero siguro wala talaga. Ayaw niya talaga. Di nya ko gusto, kaya ang laking ginhawa nung isnag araw nung 4th year college na kami na gumising ako na wala na sya sa isip at puso ko. Na okay na ko. Na pwede na kong di umiyak dahil sa babaeng ginawa akong tanga ng ilang taon.

Eto na yung simula ng kwento talaga. Nasa 4th year college na kami dito. Dito na magsisimula yung love story kuno ko sa isang kabarkada ko, kay Kaloy.

Hindi naman panget si Kaloy, maputi, balbon, matangkad, di payat di din mataba, gwapo? Pwede naman na. Di kasi masyadong maganda yung ilong nya pero wala kayo sa boses nito. Malamig, masarap sa tenga. Kaya di din imposible na marami din nag kakagusto sakanya. Katulad na lang ni Sofia.

After class, napagtripan naming tumambay sa Mcdo. Syempre kasama ko mga katropa ko, sila Kaloy (di ko pa sya masyadong pansin dito, di ko pa alam na nahuhulog na ko sakanya nito haha). Syempre ang usapan namin noon tungkol sa chiks. Yun lang naman masarap pag usapan eh.

After 30 minutes, nakita namin sila Sofia. Papasok din ng mcdo tatambay din siguro. Nakakatamad pa naman talaga umuwi agad ng ganong oras eh.

Paps: Uy, ditto na lang kayo umupo, kwentuhan muna tayo.
Classmate 1: Ok, wait. Order lang kami paps.

After nilang umorder, isa isa silang nagupuan sa table kung saan kami nakaupo. Noon pa lang badtrip na ko, di ko alam kung bakit. Bigla na lang ako nawala sa mood. Iba pakiramdam ko nun, parang ayoko silang paupuin sa tabi namin.

Paps: Uy sofia, balita ko crush mo daw dati si Kaloy?
Sofia: Ay, san mo naman nalaman yan?
Paps: Kay Roberto? Hahahahahahaha.
Sofia: Uy hindi naman.
Classmate 2: HINDI NAMAN. YUN YUNG POINT EH.
Sofia: Eh basta… kung ano man yun, dati lang siguro pero slight lang naman chos.

Gusto kong sumali sa kwentuhan na yun. Actually ako naman ang nagsabi kay Roberto na crush ni Sofia si Kaloy eh. Sabi ko pa nga kay kaloy nun, bakit di nya ligawan si Sofia. Mukang okay naman si Sofia. Sweet at mahinhin pa. Masarap pakinggan pag nagkwekwento. Pero di ko magawang sumali, parang may pumutol ng dila ko kaya lalo pa kong nabadtrip. Di ko na alam pero gusto ko na lang umuwi ng mga oras nay un.

Derek: Oy, bakit di nyo subukan mag date. Maaga naman uwian natin sa wed eh? Tapos yung usapan natin mga gabi pa naman yun. Try nyo na dali.
Kaloy: Hehe, baka ayaw ni Sofia eh.
Sofia: Ha? Seryoso ka ba?
Paps: Ano…  game na! Malay nyo kayo pala talaga.

“Baka ayaw ni Sofia eh”  Hindi ko alam sa mga oras na yun nagtataka na ko kung bakit parang may mali. Parang nagpantig na tenga ko sa nadinig ko na parang gusto ko ng sabihin na tama na nga usapan na ganyan. Pero walla naman akong dahilan para gawin yun ang alam ko lang, medyo may kumukurot na sa puso na ko na parang nag seselos  ako? Pero kanino, bakit, di ko na maintindihan.

Kinabukasan, habang nagpapatulog ako para sa klase naming ng umaga ng Wednesday. Biglang pumasok sa utak ko lahat ng napag usapan nila. Di ko maintindihan kung bakit ayokong matuloy yung date na  yun. Halos di ko na nga inisip yung presentation namin sa feeling major subject na yun kinabukasan eh.

Habang nasa jeep ako papasok, bigla ko lang inisip na, paano kaya kung sabihin ko wag na nyang ituloy. Pero ang mas iniisip ko nun, bakit ayokong matuloy. Bakit? E okay naman sila. Bagay naman sila.

“Van van”

May sumisigaaw sa likod ko pero di ko agad napansin.

“Uyyy Van!!! Pucha to parang gago”

Si Kaloy pala tinatawag ako habang bumibili ko ng colored paper na gagamitin pang design sa walang kwenta naming presentation na parang di college student ang gumawa. One day prep lang eh nakakatamad kaya. Sem break na lang umiikot sa utak naming magkakabarkada.

Kaloy: Aga mo yata?
Ako: Wala lang trip ko lang pumasok saka dami pa kayang gagawin. Ikaw aga mo din ata?
Kaloy: Init naman ng  ulo mo boi?
Ako: Kulang lang sa tulog.. Tutuloy mo ba date nyo?
Kaloy: Ha? Di ko nga alam eh. Parang nakakatamd, di ko din alam kung bakit ko nasabi yun nung isang araw eh.
Ako: Tara na nga lang, lagyan na natin ng konting arts yung cubicle natin sa presentation.
Kaloy: Ano ba gagawin mo?
Ako: Ede ipatong to sa lamesa tapos yun na yun bahala na.

After nung presentation nag sipag lunch na kami. Medyo nakakapagod din palang tumayo at mag paliwanag sa mga taong ayaw mo nnaman talaga kausap.

Derek: Kaloy yayain mo na Sofia.
Kaloy: Teka pinagiispan ko pa.
Derek: Eh nakabihis ka nga ngayon bago sinuot mong polo shirt saka mo pag iisipan.
Paps: Dali na, Masaya to Kaloy peksman.
Kaloy: Tuloy ko naba?
Derek at Paps: Sus, syempre, mag kaka girlfriend na tropa namin. Si Van na lang wala, nagpapakatanga pa eh.
Ako: Ulul di ka padin sinasagot ng nililigawan mo boi. Saka Bahala kayo sa buhay nyo basta tuloy inuman mamaya. Celeb bago tayo sem break.
Kaloy: OO naman malay nyo madagdagan ng icecelebrate mamaya bukod sa last sem na natin next sem.

Yun na nga natuloy yung date. Tinanong ni kaloy si sofia kung pwede sila mag date sa isang sikat  na mall sa pilipinas. Pumayag naman si sofia, syempre crush nya eh. Kumain yata saka nanood ng sine. Ako  ayun, di ko malaman  kung bakit parang iba talaga nararamdaman ko. Kung bakit ang sarap mambugbog o mag pakalasing noong gabing yun. Nadagdagan pa nga inis ko nun dahil hinatid pa ni Kaloy si Sofia pauwi eh.

Wala akong maintindihan nung time na yun kung bakit nararamdaman ko yung sakit. Lumipas mga araw, nasegundahan yung date nila. Dahil pinakilala pa nga daw ni sofia si kaloy sa mga pinsan nya. Araw araw din akong nagiisip na mga bagay bagay na dati di ko naman iniisip noong sembreak.  Mga bagay na pinipilit kong intidihin, lutang na lutang utak ko sa mga tanong na di ko masagot katulad ng…

11 comments:

  1. Bakit ka ulit na-fall kay kaloy?

    ReplyDelete
  2. Ronniel Joshua GalangMay 4, 2015 at 6:22 PM

    Katulad ng hindi mu ina asahang mahulog kay kaloy..??

    ReplyDelete
  3. Thank you author for the story. Appreciate how straightforward it is. Composition or construction is simple pero organized and hindi boring. Chosen words are raw and natural, hindi na pinalalim pa or pinakomplika. Waiting for the next. Galing!

    ReplyDelete
  4. Hi, thank u sa compliment haha!

    ReplyDelete
  5. U'll know it sa ibang poarts pero siguro tadhana hahaha!

    ReplyDelete
  6. Grabe I feel you next chapter please?
    Gusto kong mabasa parang na eexite ako na ewan basta ganyan din ako e syempre love yyan masasaktan ka talaga lalo pat lalaki din yang mahal mo very imposible

    ReplyDelete
  7. Ronniel Joshua GalangMay 18, 2015 at 5:53 PM

    Hirap kayang mahulog ang puso dba..

    ReplyDelete
  8. Ronniel Joshua GalangMay 18, 2015 at 6:03 PM

    Ganian talaga ang pag ibig..

    ReplyDelete
  9. Exciting to..I can feel it hahaha,ty for sharing ur story author,thumbs up!

    ReplyDelete
  10. I agree exciting nga... For me ang LOVE STORY abg special ingredient ng mga libog stories dito... Ang ganda ng kwento mo, pre

    ReplyDelete
  11. hopelesslyRomanticJune 25, 2015 at 1:54 AM

    Totoo.. may ganito din akong nararanasan.. after 4 yrs.. mahal ko pa din cya.. yun nga lng.. d ko magawang masabi.. bespren ko pa naman

    ReplyDelete

Read More Like This