Pages

Sunday, June 7, 2015

Mount Makiling (Part 1)

By: Jacob

Hindi po ito erotic. Pero ito po ay hango sa totoong buhay ko. Pero may mga ibang detalye po pinalitan at dinagdag para mas maging maganda po. pero napakaminimal lang po ng dinagdag mas gusto ko po kasi talagang yung kwento ang ishare dito. :)

Bata pa lang ako alam ko ng kakaiba ako. Malabot ang mga kilos ko at hindi ko rin nahiligan ang mga natural na gawain ng isang batang lalaki. Nakikipaglaro naman ako sa mga batang lalaki pero madalang ko lang gawin yun. Madalas ay nasa bahay lang ako. Nagbabasa, nagdradrawing at kadalasan ay nag aaral lang. pero hindi lang iyon ang dahilan kung bakit ko nasabing kakaiba ako. Kaya ganun na lang ang ginagawa ko ay mas gusto ko kasing kalaro ang mga babae kong pinsan. Pero dahil likas na pangmata ang mga tao mas pinipili ko na lang na maglagi sa bahay kesa masabihan akong silahis kung makikita akong nakikipaglaro sa babae.

Pinilit kong maging natural. Nagfocus ako sa mga bagay na maglalayo sakin sa sitwasyon na maaari kong pagsisihan. Lagi akong kasama sa honor. At madalas ay kasali ako sa mga patimpalak. Ngunit hindi ako kailanman nalinya sa usaping sports. Kadalasan amn akong tinatanong kung bakit ayokong magbasketball di tulad ng mga kapatid ko na kapwa varsity mula elementary pa lamang. Ang madalas ko lang naisasagot ay “Mas gusto ko po ang mag-aral. Gusto ko pong makakuha ng magandang trabaho at yumaman. Para maipagawa ko ng bahay si nanay at maibili ko ng truck si tatay.” Pero ang totoo ay hindi ko talaga kayang makipagbalyahan sa loob ng court.

Kilalang kilala na ako ng lahat ng teachers sa school naming. Kaya noong tumuntong ako ng grade 6 ay ako ang napiling maging kinatawan para sa taunang jamboree ng boy scout. Nung una ay nagdalawang isip ko dahil alam kong maraming activities doon na lalaki lamang ang gumagawa. Pero dahil gusto ko ngang maging isang normal na batang lalaki ay pumayag na din ako.
Sa bawat school ay nanghingi an gaming distrito ng dalawang representatives. Ako at si Manuel. Si Manuel ay kasama ko sa star section. Madalas din siyang kasama sa mga contest. Kasama din siya sa honor students. Kadalasan nga ay siya ang kasama ko sa tuwing lalaban kamo sa mga math contest. Journalist din kaming pareho. Pero siya ay sa sports news aat ako ay sa editorial cartooning. Malapit kaming magkaibigan, kaya mas palagay ang lood kong malayo sa pamilya ko sa gagawing camping(jamboree).

Dumating ang araw ng alis namin. Maaga pa lang ay naroon na kami ni Manuel sa lugar kung saan ay naghihintay din ang mga kasama namin sa aming distrito. Labingwalo kaming lahat. At halos marami sa mga kasama naming ni Manuel ay kakilala naming dahil madalas kaming magkita kita sa mga contest. Pero sa pagkakataong ito ay isa kaming team.

“Uy Jacob! Kayo pala ang napili ng school niyo ni Manuel.” Bati sakin ni Ver. Kakilala ko na siya medyo matagal na dahil kaming lagi ang magkalaban sa finals sa mga math contest.

“Oo nga e.” nagkamot na lang ako ng ulo.

“Mga bata akyat na sa bus. Aalis na tayo.” Sigaw samin ng napiling teacher na magiging guardian naming doon sa camping (sa Mt. Makiling yun sa Laguna)

Umakyat na kami. At kami ang magkatabi ni Manuel. Dahil alas kwatro pa lang ng madaling araw ay medyo inaantok pa kaming lahat. Kaya wala pang isang oras ay may naririnig na kong naghihilik. Yung katabi kop ala. Kadalasan sa mga gantong byahe ay hindi talaga ako natutulog. Mas gusto ko kasing pagmasdan ang paligid na aming dinadaanan.

Nakatingin ako noon sa bintana at medyo nakatalikod ako kay Manuel nang maramdaman kong may pumatong sa likuran ng balikat ko. Napalingon ako at nakitang tulog na tulog pa rin si Manuel. Hinayaan ko na lang at muli akong tumingin sa labas.

Pakiramdam ko ay malapit na kami sa pupuntahan naming. Dahil nakikita ko na ang mga naglalakihang puno at nga kalsadang aming dinadaanan ay paakyat na. ginising ko na si Manuel dahil gusto kong Makita niya ang napakagandang tanawin na aming dinadaanan.

“Uy Manuel. Gising na. tingnan mo oh ang ganda dito. Ang tataas ng puno. May mga nakatira kayang jang mga engkanto?”

“Ikaw Jacob honor ka pa man din pero naniniwala ka pa rin sa mga ganyan.” Patawa niyang sabi.

“Bakit? Hind i naman imposible diba?” natawa na lang din ako dahil medyo nawirdohan na rin ako sa sarili ko.

Narinig naming pumalakpak na si sir Galman upang gisingin na ang iba. “Guys prepare your things malapit na tayo sa designated na lugar para pagtayuan ng mga tent natin.”

Kinuha na nga naming an gaming mga gamit at inihanda na. medyo madali kaming dalang gamit. At karamihan ditto ay puro damit. Isang linggong damit na pantulog. Dalawang type a na uniform. Dalawang type b at isang type c. pinakumpleto talaga samin para hindi na kami maglaba. Which is good naman talaga dahil hindi ako marunong maglaba.

Maya maya pa ay nakarating na kami sa camp site n gaming grupo. Medyo nilinis na muna namin ang mga nagkalat na mga nagtataasang damo. At sinimulang itayo ang mga tent namin.

“Manuel alam mo ba kung pano to itayo?” tinanong ko na si Manuel dahil hindi ko talaga alam kung paano yun.

“Ganto lang yan. Nakikita mo ba tong mga malilit na bakal na to? Pagdudugtuning mo lang yan para makabuo ka ng dalawang mahabang stick.” Habang ginagwa niya yun ay ginagaya ko lang siya. Kaya mabilis naming nagawa yung dalawang stick na sinasabi niya. “tapos nakita mo tong suutan sa tela na to ilulusot mo lang siya. Ganto.” Ginawa ko nga yung sinabi niya. Pero parehas kaming nahirapan dahil medyo malaki yung tent na tinatayo namin.

“Uy sinimulan niyo nap ala di niyo ko hinintay.” Napalingon kami kay Ver. Dahil pito lang ang tent na dala naming. Napagpasyahan na sa bawat tent ay may tatlong magkakasama at ang isa ay sa guardians namin. At kaming tatlo nila Ver at Manuel ang nagkasundong magkakasama dahil kami yung mga pinakamagkakakilala.

“Wag ka ng tumunganga jan. tulungan mo na kami ditto nahihirapan na kami e.” reklamo ni Manuel.

“Ano bang gagwin ko?” tanong niya naman ni Ver.

“Tulungan mo si Jacob na hawakan yung kabila para mas madaling mailusot tong mga bakal.” Utos naman ni Manuel. Lumapit sakin si Ver.

“Lusutan ba? Magaling ako sa mga ganyang bagay.”natatawa niya pang hinwakan yung tela ng tent.

“Loko ka!” sigaw naman ni Manuel.

“Kung ikaw magaling sa pagpapatayo… ng tent, ako magaling sa lusutan.” Nagtawanan pa silang dalawa,

“Puro kayo kalokohan. Bilisan niyo na lang ang pagpapatayo nito ng maipasok na natin yung gamit natin.” Saway ko naman sa kanila.

Matapos naming itayo ang aming tent ay nananghalian muna kami bago pumunta sa arena upang makapagparegister.

Maayos ang lahat ng mga pangyayari. Gigising ng maaga. Sasali sa mga activities. At sa gabi ay matutulog dahil sa pagod. Nagagawa ko naman ang mga activities na ginagawa naming pero talagang pagod lang ang inaabot ko pagkatapos.

Pang-apat na gabi na namin nun at bukas ay last day na naming ng may mangyari di ko talaga inaasahan.

Naksanayan na naming tatlo na maligo bago pumasok sa tent at matulog ng mahimbing. pero nung papunta na kami sa pinakamalapit na shower room ay nakalimutan kong magbitbit ng brief.

“Teka nakalimutan kong magdala ng brief. Babalik lang kao sa tent.” Sabay tapik sa likod ni Manuel.

“Tsss wag ka ng bumalik. Gabi na naman wala ng makakahalatang wala kang brief tsaka di naman talaga makikita yun.” Sabi ni Ver.

“Di kasi ako sanay ng hindi nagbribrief kahit gabi na. saglit lang naman to. Babalik ako agad.” Tumakbo na ko para di na nila ko mapigilan.

Mabilis akong nakarating sa tent naming at kapagdakay dumampot ng isang brief. Medyo hingal pa dahil sa pagtakbo kaya medyo nagpahinga muna ko saglit. Lumabas na ko ng tent ng makasalubong ko si Jaron. Yung isang kasama ni Ver galling sa school nila.

“Uy Jacob nakita mo ba si Ver?”

“Oo nasa shower sila ni Manuel. Maliligo sana kami bago matulog.”

“Ah sige, pakisabi pumunta sakin pag balik niya may sasabihin lang ako.”

“Sige.”

Naglakad lang ako papunta sa shower room. Konti na lang din ang mga nadadaanan kong mga kapwa ko scout na gising pa. dahil siguro dis oras na ng gabi. Palinga linga lang ako sa daan habng pinagmamasadan ang iba pang mga scouts na nagkwekwentuhan. Nang biglang may kumalabit sakin.

“Hi.” Nakangiting bungad sakin ng isang scout. Mas matangkad siya sakin ng konti. Peromas maputi ako sa kanya batay na rin sa liwanag na tumatanglaw sa muka niya. Matangos rin ang ilong niya kagaya ng sa akin. Kita ko rin ang putting mga ngipin niya ngunit tulad ko ay sungki rin ang isa sa mga pangil niya. Ang pinagkaiba lang ay ang kaliwa ang sa kanya at ang akin ay sa kanan. Mapungay din aang kanyang mga mata na kung tititigan mong mabuti ay makikita mong mga brown ito.

“Hello.” Tugon ko naman.

“Ako nga pala Gian. District *. Ikaw anong pangalan mo?”

“Ako si Jacob. District *.”

“San ka pupunta?”

“Sa shower room lang.”

“Gabi na ah?”

“Nakasanayan na namin ng mga kasama kong maligo bago matulog.”

“Sige samahan na kita.”

“Wag na. isa pa baka hanapin ka na rin ng guardian mo.”

“Hindi okay lang. tulog na nga e kaya nakatakas na hahaha.” Yung tawa niya, nakakatuwa. Parang ang sarap nyang kasama.

“Okay lang malapit na naman yung shower room e.”

“Sige na sasamahan na kita.” Sabay akbay niya sakin. Kahit kakikilala pa lang naming ay wala akong lakas para tanggalin ang brasong niyang nakaakbay sakin. Parang hinihigop niya ang lakas ko. Nakatingin lang ako sa kanya at tahimik lang.

“Uy bakit ka nakatitig sakin?”

Napakurap ako sa sinabi niya. Tsaka ko lang inalis ang braso niya sa balikat ko.

“Nagulat lang ako. Kasi kakikilala pa lang natin pero inakbayan mo na ko.”

“Lagi kitang nakikitang dumadaan sa camp naming kasama mo yung dalawa mo pa yatang kasama. Kaya hindi kita malapitan. Pero ngayong wala ka ng kasama naglakas loob na ko.”

“Huh!? Bakit mo naman akong gusting lapitan?”

“Ewan. Basta nung nakita kita nung first day na nakikipagtawanan sa mga kaibigan mo feeling ko ang sarap mong kasama. Tapos yung twa at ngiti mo nakakahawa. Tapos…” lumingon pa siya sakin. “tapos ang cute mo pa.” sabay ngiti pa.

Medyo namula yung mga pisngi ko sa sinabi niya. Hindi ako nakatingin ng deretso sa kanya. Medyo nailing ako dahil kakikilala pa lang naming ay ganto na ang sinasabi niya.

“Sabi ko na nga ba, katulad din kita.” Sabay tawa pa niya

“Anong katulad?”

“Bading.” Napatigil ako sa paglalakad kaya medyo naunahan niya ako sa paghakbang. Humarap siya sakin. “Alam ko. Oo. Mahirap magpanggap. Pero nung sinabing cute ka tapos namula ka alam ko ng katulad din kita. Kaya mas natuwa ako.”

Nakatitig lang siya sakin. At ako din ay nakatingin lang din. “Wag kang mag-alala. Di na rin naman tayo magkikita after nito kaya wala akong mapagsasabihan ng sikreto mo na sikreto ko na rin.”

“Pasensya ka na ah. Pero baka hinahanap na ko ng mga kasama ko.” Naglakad na ko palayo sa kanya pero naabot niya pa rin yung braso ko.

“Galit ka ba? Ano ba yan. First time kong magconfess sa isang crush tapos ganto pa.”natatawa niya pang sabi.

“Pwede bang wag mo ng sabihin sa mga kasama ko?”

“Ano ka ba? Di ko naman sila kakausapin. Ikaw lang ang gusto kong kausapin kaya walang pagkakataaong masabi ko yun sa kanila. Pero pwede bang ihatid na kita dun sa shower room lang?”

“Bahala ka.”

Naglakad pa kami at siya lang ang nagsasalita samin.

“Bata pa lang ako alam ko ng ganto ako. Pero siyempre natatakot ako kay daddy. Pulis kasi ang daddy ko at siguradong isasako niya ko pag nalaman niyang ang nagiisang binata niya ay dalaga rin tulad ng mga ate ko. Ikaw? Anong kwento mo?”

Magsasalita n asana ko pero nasa shower room nap ala kami. “Uy ligo na ko. Balik ka na sa camp niyo.”

“Ang bilis naman. Hintayin na lang kita.”

“Hindi pwede may mga kasama ko e.”

“Okay. Bye Jacob.” Kumindat pa siya bago tumalikod at naglakad palayo.

Ewan ko ba. Bakit natameme ako sa kanya. Kinakabahan pa rin ako. Ngayon lang kasi ako nakakilala ng katulad ng sitwasyon ko.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto na shower room pero nagulat ako sa nakita ko. Si Ver at Manuel magkayakap habang brief lamang ang mga suot at magkahinang pa ang kanilang mga labi.

Itutuloy…

13 comments:

  1. Wow, fresh na fresh.

    ReplyDelete
  2. Grade six pa po kayo nyan? Ang cuuute. Ang babata pa a pero may mga ganyan ng kaganapan. Btw, nice story. Pls keep this up.

    ReplyDelete
  3. bakit hindi nangyari sa kin yan nung kabataan ko nakakainggit naman.ang ganda ng story mo kaibigan gusto ko pa mabasa yung part2 nito.

    ReplyDelete
  4. ganda ng story putol nga lang

    ReplyDelete
  5. antok na po kasi ako hahaha pero nakapg submit na ko kaso putol ulit yun. antok na po ulit ako hahahaha-jacob

    ReplyDelete
  6. opo grade six kami niyan hahahaha

    ReplyDelete
  7. naisubmit ko na po. thank you po

    ReplyDelete
  8. naipasa ko na po yung kasunod nito kaso two weeks na siyang di napopost nakaready na po yung third part kaso di ko masubmit dahil baka mag overlap yung dalawang kasunod hehehe thanks po

    ReplyDelete
  9. thank you po sa pagbasa neto.naipasa ko na po yung kasunod nito kaso two weeks na siyang di napopost nakaready na po yung third part kaso di ko masubmit dahil baka mag overlap yung dalawang kasunod hehehe

    ReplyDelete
  10. opo grade 6 lang kami neto hehehehe

    ReplyDelete
  11. Lakas ng hugot :D ke bata2

    ReplyDelete

Read More Like This