Pages

Sunday, June 28, 2015

The Day Till I Met You

By: Depressed Guy

“Ayan ka na naman! Hoy bakla tama na ang ilusyon okay? Diba aawat ka na diyan sa mga love stories na yan? Eh bakit nagbabasa ka parin niyan? Haynaku! Hindi ka na natuto”
“Kasalanan ko ba kung ang gaganda ng mga istorya? Bakit? Hindi na ba pwedeng mag appreciate ng mga ganito?”
“Hoy Rain makinig ka sa akin! Sa kakabasa mo diyan sa mga pesteng love stories na yan parang nag iiba na ikot ng mundo mo!”
“Anu naman ang punto mo?”
“Lumalala na pagiging ilusyonada mo! Yung umaasa ka na gawin to ni ganito tapos irerescue ka ni ganito kasama yung kabayo niyang di hamak na masmaputi kay snow white tapos pupunta kayo sa lugar na to tapos forever na kayo”
“Eh bawal bang umasa? At saka yun naman nagpapasaya sa akin”
“Haynaku Rain gamitin mo naman utak mo! Ang talitalino mo kaya! Hindi ka pa ba natuto? Sa alam mo na! Sa past mo!”
“Hoy huwag mo na yang idamay! Sadyang ganun talaga, sa mga love stories nga bago pa man silang magkaroon ng happily ever after maghihiwalay muna sila, minsan nga ilang taon pa pero nagkakabalikan din sila!”
“Rain iba yung love stories sa totoong buhay! Magkaiba! Sobrang magkaiba!”
“Bahala ka na nga diyan! Hindi mo na ako sinusuportahan!”
“Hoy Rain! Nasasaktan kaya akong makita kang umiiyak tapos yung umaasa ka sa mga bagay na mukhang imposible. Nasasaktan ako para sayo!”
“Wow talagang umaasa sa imposible! Salamat Mikay ha! Salamat!”
“Basta Rain para naman to sayo, para hindi ka na masaktan ulit! Sige magbihis ka na diyan! Punta na tayo ng mall! Diba book signing ng paborito mong love story”
“HALAAAAA SALAMAT SA PAGREMIND MIKAY! Muntik ko nang makalimutan! Sige maliligo na ako!”
“Bilisan mo na diyan!”
“Naman! Baka makita ko na ang forever ko dun haha”
“RAIN!”
“Joke lang! Hindi ka naman mabiro!"
Bakit ba kase ang hilig kung magbasa ng mg love stories? Hindi naman kasalanan yun diba at tsaka marami rin naman ang gaya ko na panatiko ng mga ganun. Ito na nga lang ang nagpapasaya sa akin tsk. Pero aaminin ko, minsan ang lakas din ng tama nito sakin kase nagsisimula na akong mag ilusyon.
Nagsisimula na akong “umasa” tapos ang bilis bilis ko ng ma fall sa kahit kanino kaya nga umiiwas na ako sa mga kaibigan kong mababait kase nahuhulog agad yung loob ko sa kanila haynaku at umaasa rin ako na ganun din yung mararamdaman nila na parang sa mga love stories talaga. Kaya lang iba eh, ako lang yung gagang nagmamahal. “Unrequited love” ika nga.

Minsan na fall ako dun sa kaibigan kong si Hans. Paano naman kase ang bait bait niya tapos ang ngiti niya parang nasa langit na agad ako! Ipinagtapat ko sa kanya yung feelings ko kaso hanggang friends lang daw yung kaya niyang ibigay. Umasa kaya ako dun na may feelings din siya sa akin kase ganun sa mga nababasa kong love stories. Hindi ko lang na gets na friendly lang talaga siya.

Tapos nagkaaron ako ng bagong kaibigan nung training sa paaralan namin, shet nafall ulit ako! Sobrang gwapo pramis tapos ang bait bait bait pa! Siya pa nga yung kumukuha ng mga meals ko at parati kaming magkatabi tuwing sessions. Kaso may binanggit siya sakin na may pinopormahan daw siyang kaklase ko at nagpapatulong pa siya sakin! Lintik! Bakit ganito?

Parati nga akong sinesermonan ng bestfriend kong si Mikay na tigilan ko na ang kakabasa ng mga love stories! Kaso hindi ako nakikinig, bahala ka diyan!

Sobrang excited na ako habang sinusuyod ko ang mall. Kase makikilala ko na sa wakas yung sumulat nang pinaka paborito kong love story! Mamaya pa naman magsisimula kaya nag ikot ikot muna ako total wala pa rin si Mikay. Naisipan kong pumunta sa pinaka paborito kong kainin sa boung mundo- Krispy Kreme!

Kahit mahaba ang pili eh okay lang basta’t makakabili lang ako ng krispy Kreme. Inihahanda ko na sa utak ko yung mga ioorder ko, New York Cheesecake, Nutella, Snickers. Pak ang sarap! Num num num! Hay bakit ang bagal ng pila? Bahala na! Basta’t bibili ako ng krispy Kreme!

Sa wakas nasa counter na rin ako kaya ayun tinuro ko na yung mga paborito kong flavors. Nang matapos na akong magbayad ay humanap na ako ng pwesto na mauupuan. Pagkatalikod ko may lalaking nakatingin sa akin. Sino ba to? Kilala ko ba to? Ang gwapo naman nito. Pero gustong gusto ko na talagang kainin ang krispy Kreme ko kaya dinedma ko siya!

Habang kumakain ako ay panay pa rin ang tingin ng lalaki sa akin. Ang weird ha, siguro naiinggit lang siya kase marami ang binili ko hahaha. Dedma ulit!

Nasa pangatlong doughnut na ako nang may umupo sa harap ko. Sino ba siya?
“Hindi mo na talaga ako nakikilala Rain”
“Ah pasensya na ha, sino ka nga ba?”
“Alalahanin mo” sabay ngisi
“Wow ikaw na nga tong nakikishare ng table! Nahiya naman ako sayo, parang si…”
“Si?”
“Sonny? Yung nakishare ng table sa CafĂ© Bob’s?”
“Ako nga! Kamusta ka Rain!”
“Long time no see ah! Heto, nakakahinga ka parin hehe”
“Alam mo ba Rain nung naki share ako nun sa table mo naalala ko na magkaklase pala tayo nung elementary kase namumukhaan kita at pagkauwi ko nun hinanap agad kita sa yearbook ko”
“Talaga? Pasensya na ha hindi talaga kita maalala nung elementary”
“Ayos lang yun Rain!”
“Hindi ka pa ba kakain? Ba’t nasa kahon yang binili mo?”
“May pagbibigyan kase ako nito Rain”
“Uy lumalove life!”
Biglang nag ring telepono ni Sonny. Girlfriend niya siguro
“Rain alis na ako, hinahanap na kase ako hehe. Next time ulit!”
“Sige! Next time ulit!”
“Nga pala, pahingi ng number mo”
“okay” sabay abot ng phone niya tapos sinave ko number ko doon”
“Salamat Rain!”
“Sure!” Sabay alis ni Sonny

“Huli ka!”
“Ay kabayo! Josko Mikay! Huwag kang manggulat!”
“Hoy Rain sino yung kasama mo dito kanina?”
“Kaklase ko nung elementary, kanina ko nga lang nalaman”
“Ba’t ngumingiti ka diyan? Kung anu anu naman siguro yung iniisip mo no!”
“Hoy hindi ah! Na amaze lang talaga ako na magkaklase pale kame nung elementary”
“Sus! Deny deny! Type mo yun no!”
“Sobra ka na Mikay ha! Porket may gwapo akong nakausap type ko na agad?”
“Gwapo ha, sinabi mo pa talaga”
“Eh totoo naman, gwapo naman talaga si Sonny”
“Sonny pala ha”
“Haynaku tama na nga to, tara na punta na tayo dun sa book signing!”
“Ikaw Rain ha nagdududa ako”
“Che! Bahala ka diyan!”

======= Minahal ko siya kahit may iba siyang iniibig. Minahal ko siya kahit hindi ako ang pinili niya, Minahal ko siya at Mamahalain ko pa rin siya. Tanga na kung tanga pero mahal ko siya =========

“Hoy Rain umiiyak ka na naman diyan! Akin na nga yung libro”
“Bakit ba ganito? Nagpapakatanga yung bida dun sa taong wala namang pagtingin sa kanya”
“Ganun talaga Rain! Parang ikaw!”
“Grabe ka Mikay, ganun na ba ako katanga?”
“Rain naman kase ang obvious mo! Sobrang halata na umaasa ka parin sa ex mo! Sobrang halata na mahal mo parin siya! At sobrang halata na hindi ka na niya mahal! Parang ikaw lang ang bida diyan sa binabasa mo”
“Sakit naman. Pero totoo, umaasa pa rin ako na babalikan niya ako”
“Masaya na yung Carlos! May iba na siya! Dapat mag move on ka na Rain!”
“Bakit kase hanggang ngayon mahal ko pa rin siya”
“Rain kalimutan mo na siya please, ikaw lang yung nasasaktan sa sitwasyon.”
“Ang hirap, pero sige sisimulan ko na”

Mahal ko pa rin yung pesteng Carlos na yun. Simula pa nung high school, kase naman kase ang bait bait niya tapos napaka gentlemen tapos ang gwapo gwapo pa hay! Ipinagtapat ko sa kanya yung feelings ko nung 2nd year college, tapos sabi niya bigyan daw ng chance edi ayun binigyan ng chance. Naging kame for 2 years, dalawang taon din yun ha! Kaso nakipaghiwalay siya sakin, inamin niya na may iba siyang karelasyon nung panahon na kame. Ako naman tong patay na patay sa kanya, sabi ko okay lang.

Nung nalaman niya kase noon na may feelings ako sa kanya, sinubukan niyang magkaroon din ng feelings sa akin. Minahal din naman niya ako kaso hindi yun nagtagal. Nakahanap siya ng iba, niloko niya ako pero kahit ganun na ang nangyari pinatawad ko pa rin siya at ayoko sanang makipag hiwalay kaso may mahal na siyang iba.

Saklap ng love story ko, kaya nga iginugugol ko na lang oras ko sa pagbabasa, kase sa mga love stories parang ang perfect ng lahat. Yung mga frustrations ko sa love nahihilom pag nagbabasa ako.

Biglang may nagtext sakin.
“Naniniwala ka ba sa forever?”
Sino ba to? Si Sonny kaya to? Ayun sinagot ko yung tanong niya
“Meron naman talagang forever, darating din yun. Naghihintay na nga ako ”
“Wow galling! Sige samahan kitang maghintay *wink”
“Hahaha hoy Sonny ikaw ba to?”
“Hindi.”
“Ha?”
“Ako yung forever mo Rain!” Lol medyo kinilig ako dun
“Hahaha iba pala sagot ko, walang forever! Ble”
“Ganun ba?” Sabay sad face
“Sus hindi ka naman mabiro!”
“Haha nga pala Rain labas naman tayo!”
“Sagot mo? Hehe”
“Pwede!”
“Sige ba! Kelan?”
“Bukas?”
“Hmm sige! Saan?”
“Punta tayo ng Sipalay! Magaganda beach doon!”
“Teka ang layo nun ah tapos bukas agad agad?”
“Sige na please?”
“Hay ano pa nga ba"
“Pupunta ka?”
“Sige na nga”
“Yes! Text mo mamaya address mo para sunduin kita bukas”
“Sige!”
“Excited na ako Rain!”
“Ay parang bata! Haha!”
“Batang cute at gwapo *wink”
“Ang hangin oh!”

Sarap din palang kausap tong si Sonny. Ba’t nag aya to ng gala? Bahala na nga, wala namang masama kung maging kaibigan ko siya basta’t huwag lang ako ma fall. Kaya ko to! Kakayanin!

“Rain! Gising! Nandito na tayo!”
“Ha? Saan” Tapos may narining akong shutter
“Hoy Sonny idelete mo yan”
“Ayoko! Remembrance mo na lang to! Haha at nakakatawa kang tingnan dito”
“Makakaganti din ako!”
“Haha sige na bangon na diyan sleeping beauty!”

Ang ganda nga dito, mala paraiso yung mga beach dito. Kaliwa’t kanan nga yung mga PDA eh.
“Buti pa sila may love life”
“Naiinggit ka sa kanila Rain?”
“Medyo”
“Sus darating din siya”
“Hulaan ko, yung lalaking yun nag iipon siya ng lakas ng loob para masabi dun sa babaeng yun ang mga nararamdaman niya”
“Paano mo naman nasabi yun?”
“Kaso may dumating na epal. Yung isang lalake, ayun! Kaya kawawa naman yung isa kase naunahan siya tsk.”
“Grabe ka Rain, siguro parati kang nagbabasa ng mga love stories”
“Paano mo naman nasabi yun?”
“Eh yung babaeng yun?”
“Siya? Hmm mag isa siya, matagal na siyang nagmamahal ng palihim dun sa lalake kanina kaya lang hindi niya magawang ipagtapat yung mga nararamdaman niya kase alam naman niya na iba ang mahal nun”
“Tapos?”
“Ngunit happy ending pa rin! Yung lalake kanina ay maghahanap na mauupuan tapos nagkataon na bakante yung sa table ng babae, yung babaeng lihim na nagmamahal sa kanya. Tapos mag uusap sila hanggang sa maka move on yung lalake at nang magkaroon siya ng feelings dun sa babae. Ayun happy ending”
“Wow speechless ako. Ikaw na talaga!”
“Naman!”
“Sumusulat ka ba ng mga love stories?”
“Paminsan minsan. Hay ako na talaga ang hopeless romantic forever!”
“Kamusta naman love life mo Rain?”
“Ha? Ah eh ayun mag isang nagmamahal”
“Pwede ba yun?”
“Ganito kase, kwan ah mahal ko parin yung ex ko kahit may mahal na siyang iba”
“Sakit naman nun Rain. Bakit?”
“Ewan, mahal ko siya eh”
“Ganun. Kawawa ka naman”
“Alam ko. Ang tanga ko no? Kase kahit ngayon umaasa pa rin ako na may chance pa kame. Umaasa pa rin ako na mahalin niya ako ulit”
“Kalimutan na nga natin yan! Enjoy nalang natin yung araw na to! Tama na muna drama!”
“Siguro nga! Tara dun tayo!”

Nasundan pa yung mga lakad namin ni Sonny. Kung saan saang lugar na nga kame nakapunta. Tapos may ginagawa kaming laro, may tinuturo siyang couples or mga tao at ini interpret ko yung love life nila haha. Minsan nga ginagawan gawan ko na lang ng mga love stories.

Minsan parang na cucurious ako kay Sonny, paano naman kase wala siyang binabanggit tungkol sa love life niya. Tinanong ko siya once pero sabi niya ang complicated daw. Pero gusto ko talagang malaman, kay parati ko siyang kinukulit tungkol dito.

Kaya ayun hindi rin siya nakatiis. Kwinento niya ang buhay pag ibig niya. Aminadong bisexual si Sonny, tanggap naman to ng pamilya pati mga kaibigan niya. Siyempre naman pati ako, birds of the same feathers flock together ika nga! Alam din naman niya na ganun din ako kaya nga ang gaan ng loob niya sa akin. Okay balik sa kuwento niya, nagkraoon siya ng isang girlfriend nung high school at dalawang boyfriend nung college. Yung una niyang boyfriend naka buntis ng babae kaya naghiwalay sila, ang pangalawa naman ay nagbreak sila dahil hindi daw sila ang para sa isa’t isa kaya nga medyo ang labo nang break up nila.

“Paano mo naman nasabi na hindi kayo ang para sa isa’t isa?”
“Hindi niya ako ipinaglaban. Gusto niyang magkapamilya, yung normal. Yun ang hindi ko maibibigay sa kanya”
“Sakit naman nun”
“Alam mo Rain nasaktan talaga ako nun, kase kahit kalian hindi ko naman siya mabibigyan ng normal na pamilya”
“Hirap nga ng sitwasyon natin. Hayaan mo Son may darating din!”
“Meron naman, sa katunayan nga andyan na siya kaya lang masyado siyang nakatali dun sa nakaraan niya”
“Hirap no? Ang complicated talaga”
“Sinabi mo pa!”
“Gusto mo gawan kita ng love story? Para naman gumaan loob mo hehe”
“Sige! Asahan ko yan Rain ha! Dapat gwapong gwapong at hot ang dating ko!”
“Haha! Demanding ka!”
“Nga pala Rain kamusta na yung feelings mo kay Carlos?”
“Ewan ko ba, mahal ko pa rin siya”
“Ganun ba?”
“Hanggang ngayon nagpapakatanga pa rin ako sa kanya”
“Basta balitaan mo ako pag natapos mo na yang story ko hehe”
“Sige ba!”

Birthday na pala ni Sonny bukas, kaya ayun medyo binibilisan ko na yung pagtapos sa story kaya lang hindi ko talaga maihahabol tsk. Dalhan ko na lang siya ng cake, sabihin ko na lang na malapit nang matapos ang story.

Kinabukasan ay sobrang saya ang naging kaarawan ni Sonny. Nandun mga kaibigan at pamilya niya. Mahilig pala siyang kumanta kaya ayun nagvideoke siya.

“Salamat talaga kase nandito kayo sa pinaka mahalagang araw ng buhay ko! Eto na lang yung gift ko sa inyong lahat, isang awitin na sanay magustohan niyo”

I never dream
'Cause I always thought that dreaming was for kids
Just a childish thing

And I could swear
Love is just a game that children play
And no more than a game

Till I met you
I never knew what love was
Till I met you
This feeling seems to grow more everyday
I love you more each day

I believe you
I believe in every word that you say
I love you all the way

Now I could swear
Love is not a game that children play
So tell me that you stay

Till I met you
I never knew what love was
Till I met you
This feeling seems to grow more everyday
I love you more each day
Each day

You and I should be together
Can't you see
Can't you see

Till I met you
I never knew what love was
Till I met you
This feeling seems to grow more everyday
I love you more each day
Each day

Till I met you
Oh, I never knew what love was
Till I met you
This feeling seems to grow more everyday
I love you more each day
Each day

Till I met you
Till I met you

Hindi ko alam kung totoo yun pero sa buong pagkanta niya ako lang yung tinitingnan niya. Tinutukso na nga ako eh anobanaman ito. Hayaan ko na lang siya, birthday naman niya. Natapos din ang party niya, nagsiuwian na ang mga bisita, inihatid niya ako sa lobby ng condo niya.

“Rain salamat ha, kase nandyan ka parati”
“Sus ang drama mo!”
“Kase Rain matagal na ki-
“Carlos?”
“Uy Rain! Anong ginagawa mo rito?”
“Ah birthday kase ng kaibigan ko, si Sonny pala!”
Nakipagkamayan silang dalawa
“Pauwi ka na ba Rain? Hatid na kita”
“Sige ba hehe, Rain mauna na ako!”
“Ingat ka Rain!” sabay alis ni Sonny

Hindi ako makapaniwala na magkakasalubong pa kame ng landas ni Carlos. Mahal ko pa rin siya, mahal na mahal. Nagkausap kame habang nasa byahe, sila pa rin ng partner niya. Hay kahit kelan wala na talaga kaming chance ni Carlos. Umaasa talaga ako na may mangyayaring reconciliation sa pagitan naming dalawa o hihingi siya ng tawad sa akin at sasabihing mahal ma mahal niya ako kase ganun naman talaga diba sa mga love stories at hindi naman yun malayong mangyari sa totoong buhay. Pero wala, walang nangyari. Ayun nakauwi na ako sa bahay.

Bakit ba ganito? Akala ko sign na yung pagkikita namin kanina na may chance pa kaming dalawa. Bakit ganun, bakit hanggang ngayon umaasa pa rin ako sa kanya. Bakit ba? Mahal na mahal ko pa rin siya huhuhu.

“Mahal ko pa rin si Carlos kahit anong mangyari”
“Rain bakit ang tanga tanga mo?” tila galit na tono ni Sonny
“Ba’t ka nagagalit? Bakit ano ba kita?”
“Tama ka, kaibigan mo lang ako Rain, kaibigan na nagmamalasakit, kaibigan na lihim na nagmamahal sa yo!”
“Ha? Bad joke Sonny!”
“Hindi ako nagbibiro! Bakit ba hindi mo gets! Nandito lang naman ako ah, bakit ba si Carlos pa rin yang laman ng utak at puso mo? Wake up Rain! Hindi ka na niya mahal! Hindi ka na niya mamahalin pa kase may mahal na siyang iba!”
Hindi ko alam pero naiiyak ako, siguro dahil totoo yung mga sinabi niya. At dahil harap harapan nang isinasampal sa akin ang katotohanan. Iyak lang ako ng iyak.
“Rain I’m sorry, hindi ko gustong paiyakin ka”
“Tama ka nga, hindi na niya ako mahal. Thank you ha kase ginising mo ako. Ang tanga tanga ko na pala”

Umalis ako. Iniwan ko dun si Sonny. Nakakapagod din palang maging tanga, ang tagal tagal ko nang ganito. Matagal ko ring iniwasan ang katotohanan, nagbulag bulagan din ako at umasa na mamahalin pa ako ni Carlos. Siguro nga tama si Sonny. Imumulat ko na sarili ko sa katotohanan. Ewan pero sa pagsasama namin ni Sonny baka nga na inlove ako sa kanya, kaya lang natatakpan ito kase nga naging tanga ako.

Makalipas ang dalawang taon

Press: “Ano po ba yung mga naging inspirasyon niyo sa pagsulat ng, ‘May Mahal Na Siyang Iba’?
“Katulad ng nakararami, naging tanga ako sa pag ibig. Umasa ako na mamahalin pa rin ako ng taong nagmahal sa akin noon kaso may mahal na siyang iba”
“Kelan niyo bang napagdesisyunan na wakasan na ang iyong pagpapakatanga?”
“May kaibigan ako, saksi siya nun ng lahat. Sa sobrang katangahan ko naging manhid ako sa feelings niya. Inamin niyang mahal niya ako. Ngunit nung mga panahong yun sobrang nabulag talaga ako sa pagpapakatanga na hindi ko nakita na nandyan lang pala siya all along. Yung taong alam kong hindi ako sasaktan at mamahalin ako ng buong puso”
“Last question na lang po kase may book signing pa kame pasensya na ho” Wika ni Mikay
“Mahal mo pa ba ang ex mo?”
Tanong ng isang pamilyar na boses. Nagulat ako dun.
“Sa totoo lang, nung araw na nagtapat sakin yung kaibigan ko, yun mismo ang araw na nakapag move on ako”
“Mahal mo ba siya? Yung tinutukoy mong kaibigan?” medyo naiiyak na yong boses niya
“Mahal ko siya, nang nawala siya sa piling ko dun ko napagtanto sa sarili ko na mahal na mahal ko siya. Sobrang nalungkot ako nung umalis siya pero sinabi ko sa sarili ko na kung kame, kame talaga. Kahit na magkalayo kame, kung mahal namin ang isa’t isa, love will conquer!”
Naiiyak na ako sa mga sandaling yun, hindi ako makapaniwala. Sa loob ng dalawang taon heto na siya, ang forever ko.
“Sa katunayan nga para sa kanya ang librong ito. Kase nung mga panahong yung siya yung wasak na wasak sa pag ibig kase yung minamahal niya may napupusuang iba. Pero ngayong, handing handa na ako, mamahalin ko na siya!”
“I love you Rain” nag crack na boses niya pati ako
“I love you more Sonny!”

Wakas

2 comments:

Read More Like This