Pages

Sunday, June 21, 2015

Torn Between Two (Part 1)

By: Joseph

Hello Guys I'm Joseph (malapit na sa tunog ng totoo kong pangalan ). Just like the others eto po ung una kong pagsulat ng story. Gusto ko talaga magsulat lalo na sa wattpad pero feeling ko mas nababagay toh dito sa site na toh. Sobra talaga pasasalamat ko dito kasi sa mga aral na nakuha ko dito lalong lalo na ung sa pakikipagrelasyon.

So this story is all about me tsaka dun sa dalawa kong classmate na crush na crush ko. Hirap man paniwalaan kasi di nyo pa man din sila nakikita pero inaasure ko po sa inyo gwapo sila at ako eh ung ok lang na look.

Nagcmula toh nung First Year Highschool. Kapapasok ko lang nun sa eskwelahan kasi malelate na ako at buti naman ay hindi . Since first day of classes palang kaya wala pang seating arrangement so una-unahan yon at dahil nga sa late ako sa may dulo ako napaupo. Tapos napansin ko na parang kulang pa rin ng isa kasi may bakanteng chair sa tabi so inaasume ko na mas may nalate pa kesa sa akin. Di nga ako nagkamali kasi ng biglang dumating ung magiging adviser namin ay siya naman nitong pasok ng nalate kong kaklase. Di naman siya pinagalitan kasi First Day naman daw pero dapat siya daw muna unang mag introduce sa sarili niya.
"Good Morning to all of you my name is Denver M. Calisa, 12yrs. old from _________, That's all ". At yun naupo na siya nagulat ako kasi bigla nalamang siyang lumapit sa akin kinabahan ako nun kasi parang may sasabihin siya di pa naman akong palasalita na tao sa harap ng mga di ko kakilala. Tapos nung nasa tabi ko na siya bigla siyang nagtanong.

"May nakaupo ba dyan sa tabi mo?" dun ko lang naalala na katabi ko pala ung bakanteng upuan akala ko kung ano na.
"Ahh wala sige umupo ka na diyan tutal yan naman talaga ung huling upuan ."
"Salamat, Denver pala ulit"
"Joseph". Un tapos biglang balik sa unahan ung tingin niya nalungkot ako akala ko kasi dun na magsisismula ung pakikipagkaibigan niya tsaka mahabang convo tulad ng nababasa ko hindi naman pala. Pero pasulyap sulyap pa rin ako sa kanya at habang ginagwa ko un ay mas napansin ko ung mga features ng mukha niya , Mahabang pilikmata ,bilugang mata na nakakaakit(nakasideview siya so nakita ko ung mata niya nung kinausap niya ako gets) , matangos na ilong makinis na mukha swabeng buhok.
Un na lahat lahat mahirap rin kasing tingnan kasi peripheral ko lang ung gamit ko alangan namang tingnan ko siya ng deretsahan edi nabuking ako. OO inaamin ko gwapo at bading ako kaya parang nalove at first sight ata ako nun.

Sumusulyap sulyap ako sa kanya nun walang ibang pinapansin nang biglang makarinig ako ng isang malamig at malalim na boses mula sa unahan. Pagtingin ko may nagsasalita , nakalimutan ko bigla na sinimulan pala ni Denver ung introduce yourself portion at di ko namalayan na madami dami na rin pala ung nakapagsalit kasi halos umabot na sa upuan ko ung nagsalita lang kanina. Balik dun sa kuyang malamig at malalim na boses pagtingin ko ah bigla akong napashit sa isip ko kasi ba naman syet ang gwapo niya kaya tutok na tutok ako nun dun sa sasabihin niya.

"Hi to all of you I'm Dexxel I. Castillo, 12 yrs. old" un lang sinabi niya so hindi pala siya pala salita na tao at tsaka mukha siyang suplado. Pero gwapo parin ung chinito niya mata, mapupulang labi,at higit sa lahat ang lalong nagpataas ng libido ko ay ung maganda niyang pangangatwan kahit sa bata niyang edad. Tanging difference pa ni dex at ni den bukod sa mata ay ung kulay ng balat nila moreno si dex at maputi naman si den astig diba two flavors mocha at vanilla ano kayang mas masarap noh. Joke. Then ako na ung nagpakilala ako lang naman ung taong hindi palasalita pero pagnakapagpalagayan na ng loob ay siguradong wasak ang tenga niyo.

"Hello Uhhm Joseph here. 13 yrs.old . And to be honest I'm gay but I;m discreet.Thank you"

Pagkasabi ko non halo halo reaksyon ng mga tao may mga naismid ung tipong bigla nalang natakot sau kasi may sakit ka isa ata dun sa mga nakita ko si Dex, may ayos lang naman ung reaksyon , may natapangan pa nga sa akin ba naman kasi walang tao ang agad agad umaamin sa harap pa ng madaming tao , ung ilan naman sa mga babae nagsabing sayang daw kasi kahit papano ay may itsura daw ako. Pagkatapos ng isang buong araw ng wala namang ginawa buti naman ay nagsiuwian na.

Nakita ko si Dex na paalis at ang daming dalang maliliit na libro siguro hilig niyang magbasa napansin ko nalang bigla na parang may nahulog siyang isa pero di niya napansin so ako etong pinulot ung booklet at nung akmang ibibgay ko na sa kanya,,

"Pre teka ung isa sa libro mo nahulog"
"Teka ba't nasau yan ba't hawak hawak mo yan mga bakla talaga hilig magpapansin sa lalake"
"Hindi naman sa ganun ang totoo niyan nahulog toh buti nga at ibabalik ko sau tsaka makabakla ka naman ,,ano bang alam mo sa akin ha makapanghusga ka ahh akala mo Judge"
"Akin na nga yan ewan ko sau "

Kinuha na niya ung tipong ang lakas ng kuha parang nahila kamay ko pero di ko na pinansin sisigawan ko sana kaso baka mas lalo lang niyang isipin na nagpapansin ako.

"Simula sa araw na toh di kita kakausapin lalapitan o kahit isang tingin man lang,, Mayabang di porket gwapo" sambit ko sa aking sarili

"Teka ba't parang ang lala ng mukha di maipinta ah"

nagulat ako sa nagsalita per nabosesan ko na agad.

"Oh ikaw pala ano nga ulit pangalan mo" ang totoo tanda ko talaga ayaw ko lang sabihin baka kasi isipin niya na inaalala ko talaga kasi gwapo siya at bading ako.

"Denver ,,, ang sakit naman nakalimot ,, dejoke,, Wag mo nang pansinin ung sinabi niya kanina may mga tao talagang hindi bukas ang isipan sa iba't ibang bagay "

"Salamat,, so hndi ka naaalangan na lumapit sa akin"

"Hindi naman sabi mo discreet ka diba tsaka kahit traditional na bakla ka pa ok lang sa akin kasi un ung turo sa akin ng mga magulang ko" grabe namula ako sa sinabi nya kaya agad akong tumalikod at bigla na akong nagpaalam.

"Ah geh salamat ulit . Sige mauna na ako ah uwi na aklo."

"Pasasaan ka ba ?"

"Dyan lang diretso tapos tricycle,, ikaw ba??"

"Ayos iisa lang pala direksyon ng pupuntahan natin kaso mas malayo lang ng onti ung sa may amin . Tara na sakay na tau ng jeep"

Un nag-usap lang kami ng kung ano ano grabe ung feeling ko non para bang ang sarap sarap sa pakiramdam ganitong ganito kasi ung mga love story na nababasa ko sa mga libro o kaya naman sa internet sana siya na nga.

"Geh baba na ako, Bye" una akong bumaba ng jeep kasi mas malapit lang ung tinitirahan namin. Sumakay akong tricycle then diretso bahay them tulog na ako.
Sa mga sumunod pa na mga araw mas naging malapit pa kami ni Denver ng lubusan bestfriends na ta kami. Bukod pa don kahit papaano ay nawala na ung takot ng iba kong kaklase di ko alam kung takot un o pandidiri na bakla ako pero wala na un halos lahat nga sa klase namin ay magkakaclose na.

Hanggang sa dumating na ung October dito parang mas lalaong nagging close pa kami ni Denver di na nga kami mapaghiwalay ung iba nga sa amin ay tinutukso na kami kung magsyota ba daw kami at kung nabakla na rin daw si Denver. Ung mga babae naman nagmamakawa na sana wag daw bakla si Denver kasi ba naman ang gwapo kaya niya, sinasabi pa nga nila na nabwasan na sila ng pagpapantasyahan gawa ko daw kasi bakla ako kaya daw wag sana bakla si Denver. Ako naman lagi nag-eexplain na magkaibigan lang talaga kami ,, kahit sa loob-loob ko ay sana higit pa dun per osi Denver naman sang-ayon sa kanila na kaibigan lang talaga kami na mas lalong nagpsakit sa akin pero di ko na pinansin kasi wala naman akong karapatan hanggang kaibigan lang talaga ang pwedeng makuha ng gaya ko.

“Guys sinisigurado ko na wala kaming relasyon ok ba yon ,, magkaibigan lang talaga kami,,alam kong bakla ako pero hindi ako sumisira ng friendship kaya girls pwede nyo pa rin syang pagpantasyahan.” Sagot ko

“OO nga naman tsaka kahit kalian hindi ako papatol sa bakla ,, Hahahah” dagdag naman niya

“Uy grabe ka naman,,ang sakit ahh nakakaoffend ”

“Joke lang ,, pero alam mo naman diba best na un”

“Syempre ako pa alam ko un friends for ever” pero syempre sa isip-isip ko halos umiyak na ako at humagolgol sakit naman talaga kasi diba ung taong crush mo ung magsasabi non sa harap mo pa. Ano naming panama ko tama naman siya lalake siya at hindi ako babae kaya hindi pwede. Pero bigla ko na lamang napansin na kanina pa tingin ng tingin sa amin si Dexxel habang nagbabasa siya pero ung mga mata parang galit.

“Siguro nandidiri yan sa mga pinaggagagawa ko. Grabe naman manghusga ang taong yan” sa isip-isip ko.

Malapit ng matapos ang taon at may bulong bulongan na may nililigawan si Den na babae taga ibang section. Syempre ako tong si “BestFriend” kinausap ko agad siya about dun.

“Uy Den may nililigawan ka raw,,,di mo man lang sinasabi sa akin”

“Sorry ha best kasi iniisip ko baka magalit ka o kaya mag-iba ung pakikisama mo sa akin kasi lam mo naman diba na ano ka tapos may babae akong ikukwento sau baka maoffend lang kita” infairness kahit papaano may point siya at sensitive din siya sa magiging feelings ko siguro kailangan ko na nga lang siya na hayaan tutal “a friend will always be a friend” so magiging masaya nalang ako para sa kanya

“Wag mo nang isipin un tanggap ko naman eh tsaka bestfreind mo ko kaya kung saan ka masaya masya na din ako” pagkasabi ko non bigla na lamang niya akong niyakap. Ako naman tong naestatwa at bigla bigla akong namula ng sobra kasi diba kakilig pero ako na din ang bumitaw kasi mas lalo lang akong masasaktan.

“Ok na yan best sige ka baka iba isipin ko dito sa pagyakap mo Hahaha”

“Sorry best natuwa lang kasi ako na sobra
mo palang bait at maunwain”

Umuwi na kami pero nung nasa loob na kami ng jeep parang napansin ko na ang lungkot lungkot ng mukha.

“Oi ano ba yang klaseng pagmumukha yan ah. Ano nasa music video lang emote emote.”

“Wala toh may iniisip lang ako”

“Ano yun ha? Sabihin mo sa akin baka makatulong ako”

“Hindi wag na tsaka diba dun ka na bababa baka mabitin ka lang sa kwento”

“Sows apple sauce orange sauce, arte pa. O siya sige bukas dapat ikwento mo yan sa akin ah”

“Geh Geh baba na umandar pa toh palagpas sa inyo sige ka lakad abot mo”.

“Oo na. Kuya para po. Geh Den alis na ako. Ingat”

“Ikaw din”

Pagkauwi ko ng bahay nagmuni muni muna ako sandali sa may terrace naming. Tutal wala naman parents ko kasi nasa out of town dahil sa business naming ay pwede akong magdamag na hindi matulog. Pinag-isipan ko na lang ung mga nangyari sa buong taon ko bilang freshman sa paaralang pinsukan ko. Ung mga friends ko, mga natutunan ko, at higit sa lahat si Den. Ang sakit sakit isipin na ung taong gusting gusto ko pa ang nagsabi na hindi siya pumapatol sa katulad ko. Di ko na namalayan na umiiyak na pala ako.

“Ang sakit sakit. Alam ko naman na bawal pero bakit ganto ang sakit pa rin sa pakiramdam alam ko naman sa sarili ko na may kontin akong pag-asa pero lagi ko pa ring sinasabi na kaibigan ko siya at ayaw kong mwala yon kaya ba’t ganto kahit tanggap ko ang sakit sakit pa rin. Putang Inang damdamin toh”

Nakatulog pala ako sa labas paggsing ko ng umaga nagulat tuloy ako pero buti naman at hindi sinamantala ng mga masasamang tao ang bahay namin. Pagpasok ko ng eskwelahan may nakita akong kumpol ng mga tao sa isang silid tapos parang may decoration pa na heart heart sa labas nagulat naman ako kasi biglang may isa akong kaklase na hinila ako at sinasabing pinapatawag daw ako ni Den. Napaisip naman ako bakit naman niya ako ipapatawag para san ung mga heart sa classroom pala naming un di ko namukhaan dahil dun sa decors. Bigla nama lamang bumilis ung puso ko ng bigla kong maisip na di kaya para sakin toh. Baka di totoo na may nililigawan siya at ako pala ung sosorpresahin niya. Shet kinakabahan na ako ang bilis ng tibok ng puso ko. Pagkarating naming ng classroom nakita ko si Den nakatalikod tapos parang iba ung suot mas lalo siyang nagging gwapo sa suot niyang Fitted na yellow shirt na V-neck, tapos isang skinny jeans na mas lalong nagpakita ng magandang hubog ng ibabang katawan niya. Ang dami pang nagtititliang mga babae kahit ung ibang upperclassmen nakikiusyoso na rin. Tapos bigla akong lumapot sa kanya ng dahan dahan , puso ko shet ang bilis ng tibok. Pagkalapit ko bigla siyang humarap at mas lalo akong nagulat kasi mas lalo siyang gumwapo kasabay din ung paglakas ng tilian.

“Eto na ba toh?Magtatapat na bas a akin si Den. Tutal March na at patapos na ang unang taon kaya sakto lang ang timing. Shemmms eto na toh ” isip isip ko habang naktingin sa mata niya.

“Uhhm Den bakit anong meron ditto?”

“Uy Best” tapos niyakap niya ako mas lalo tuloy akong nagging confident.

“Tama na ,teka para san ba toh? Ang dami namang kaartehan Hahaha ikaw ha kung ano-ano na ung pinagplaplano mo nang di ako kasama” pagkukunwari ko na di ko alam na aamin na siya sa akin.

“Anong di ka kasama. Kasama ka ditto sa plano ko noh.”

“Huh? Teka naguguluhan ako para san ba toh”

“Kasi yayayain ko na si Margaret na maging girlfriend ko. Diba exciting at bilang bestfriend ko ay kailangan andito ka. Kasi papunta palng siya sa school may kinasabwat na ako na mga kaklase niya na susundo sa kanyang bahay tapos pagdating niya sa gate. Bubungad ka sa kanya na may dalang bouquet of flowers ibibigay mo toh at ihahatid mo siya sa akin ditto sa classroom nakapagpaalam na rin ako sa ibang subject teachers na hiramin ung oras nila. Diba effort so game ka na?”
Grabe di ko talaga alam ang magiging reaksyon ko so lahat lahat ng iniisp ko gawa gawa ko lang. Di ko alam , di ako makakibo di ako makapgsalita . Parang may kung anong nasa dibdib ko ang biglang nawasak ,nagkandadurog-durog. Pero wala eh eto na yon kailangan kong bumalik sa katotohanan.

“Un lang ba sige. In ako diyan ikaw pa bestfriend kita.” Sinabi ko yan lahat ng parang di ako naapektuhan as in saradong sarado na ung puso ko di mo kakikitaan ng panghihinayang nung sinabi ko ang mga katagang yan. Alam ko sa sarili ko na walang nakahalata na nasaktan ako ng sobra sobra kasi masayahin akong tao ako kaya ang joker sa amin. Pero nung sinabi ko ung bigla akong nakakita ng lungkot sa mata niya pero mabilis lang at bumalik ulit sa normal. Tumagos kaya sa mga mata niya na nanghinayang ako. Hindi hindi pwede baka ako pa ang makasira ng araw toh.

“Oi geh start na baka bigla na siyang dumating . Akin na ung mga bulaklak ”

“Oh eto na best . Salamt nga pala ah”

“Ako pa bestfriend mo ako eh” oo hanggang bestfriend nalang ako.

Itutuloy

3 comments:

  1. Pano naging discreet kung inopen mo sa lahat na gay ka? Weird talaga ng kabataan ngayon.. Di marunong gumamit ng nga tamang salita...

    ReplyDelete
  2. Medyo saklap. Keep this up author! Ang cute lang. Next chapter naman po ;) Btw, anong yr kana ngayon?

    ReplyDelete
  3. AHH OO po masaklap po talga pero ok lang lang kasi may may good memories naman po akong mababaon sa gollege. BTW Kakagraduate ko lang po.



    -Author

    ReplyDelete

Read More Like This