Pages

Sunday, July 19, 2015

Geylang

By: Loki

"And when I hold you in my arms I promise you, you'll gonna feel a love that's beautiful and true. This time ill love you even better than Ive ever been before and you'll be in my heart forevermore"

Good Day sa inyong nagbabasa sa blog na ito. Matagal na rin akong nagbabasa sa blog na ito. Sorry if i mess up some of my words specially in tagalog cause bisaya ako and hindi ako that fluent. Pasesnya na rin if hindi kayo magandahan sa pagkasulat ko, hindi ako writer hahaha :D

Just call me Loki (not my real name, fan lang ng Avengers hehehe) Im 26 y.o. I was born and raised somewhere in Visayas. I am out and loud na gay though I dont crossdress, malamya lang talaga magsalita. Isa rin akong nurse kaya medyo vain pagdating sa skin care.

Yesterday (June 27 2015)
May natangap akong message sa FB.
"I still love you. Please come back. Please Stay with me. I want you back"
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. I felt weak deep inside. Two years? Its been two years... Fck! Basta nalang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. After all, I thought nakapag move on na ako. Hindi pa pala. Akala ko pagkatapos kong umalis at magpaka layo layo ay matatapos na lahat. I was wrong.

4 years ago, I was 22 back then, a young budding nurse in one of the hospitals in the metropolis, volunteer palang at naghahanap ng working experience. I am honest to say na I never had any experience with boys, if I wanted to have one Im sure marami akong makikita, but I was hesitant to find one. Feeling ko kasi walang lalaking magmamahal sa katulad ko, at kahit meron man Im sure iiwanan lang rin ako. So I told myself never to fall in love, di bale ng magka crush ako or magfantasize basta wag lang akong makipag relasyon. But fate has other plans. Just as I was to be promoted as a casual nurse sa hospital namin, I got a call from my oldest brother who is based in Singapore. Kailangan daw ng magbabantay sa pamangkin ko na 1 year old since babalik na sa trabaho ang asawa nya.
Chinese HongKonger ang asawa nya kaya wala silang kapamilya sa SG na pwedeng mapag iwanan ng bata. At dahil ako lang sa 4 na magkakapatid na hindi regular ang work, kaya no choice ako at kailangan kong mag baby sit sa pamangkin ko.
Twas September of 2011, I flew to SG. Sabi ko sa sarili ko, maybe chance ko na rin ito. Dito nalang ako mag aaply para sa NCLEX Exam ko. Sagot naman ni Kuya lahat ng gastos.
Sa Geylang na area nakatira sila Kuya, maraming prostitute nagkalat sa kalsada medyo na culture shock ako don since sa probinsya lang naman ako nakatira. Halos mag iisang buwan na ng magkaroon ako ng kaibigan, si Phai isang Thai na sa SG nagtatrabaho, katulad ko bakla rin siya kaya naging maging matalik kaming magkaibigan. Pag nag expire na ang 30 days ko sa SG mag eexit ako papuntang Malaysia at pagkatapos ng 1 week bablik na naman sa SG. Halos ganon ang buhay ko for 6 months, walang ka excite exciting hanggang sa isang gabi dinala ako ni Phai para mamasyal sa Chinatown ipapakilala daw nya ako sa mga boys. At ako naman ay nagparaya lang. Pumasok kami sa isang hostel sabi nya bibisitahin nya daw ang boyfriend nya. Maganda ang hostel parang dormitory type, maraming taga ibang bansa nakatira. Some are tourists, yung iba naman nagtatrabaho lang sa SG pero umuuwi rin sa bansa nila like from Malaysia or Indonesia etc. Umupo kami sa may balcony area at nagkwentuhan sa boyfriend nya. Medyo na out of place ako kaya naisipan kong pumunta sa may living room area, parang common place para lahat, nanonood lang ako ng TV ng may biglang nakipag usap sa akin.
"Are you new here?"
lumingon ako sa side at nakita ko ang guy, maputi, chinito, naka glasses at sa tingin ko mga 5'7 to 5'8 ang taas, mas mataas sa kin ng konti kasi 5'6 lang ako.
"No, I came here with my friend"
I replied.
"Who?"
"Phai, his boyfriend stays here" sabay turo kay Phai sa may balcony area.
"Ah, John? Ok ok"
*John yung BF ni Phai
Tumabi siya sa akin at nanood lang kami ng TV, Channel News Asia yung pinanood ko. Hahaha
Na feel ko yung awkwardness na walang nagsasalita so ako nalang ang nakipag converse sa kanya.
Tinanong ko siya ng kug ano ano and I also introduced myself.
Doon ko nalaman na Malaysian pala siya, itago nalang natin sya sa name na Liong. Mas matanda sya sa akin ng 5 years, 27 na siya at nagtatrabaho rin sa SG.

Sa kwentuhan namin, hindi ko namalayan na halos mag iisang oras na rin kaming nag uusap. Lumapit sa kin si Phai at nagsabing lalabas daw sila ni John. Sabi ko naman na uuwi nlng ako. Ayaw ko rin naman maging isang malaking hadlang sa kanilang dalawa. Lumabas kami at nagpaalam ako kay Liong. Nasa may bus stop area na ako ng may biglang tumawag sa kin. Akala ko kapangalan ko lang, pero parang familiar yung boses. Pagtalikod ko si Liong pala. May inabot siya sa akin. Yung cellphone ko pala. Marahil nailagay ko yon sa sofa habang naguusap kami. Nagpasalamat ako sa kanya.
"Xiexie Liong"
"Next time lah you need to be careful"
Sabay ngiti...
Ewan ko pero sobrang kinilig ako sa smile nya.
Sa mga oras na yon parang lumakas yung heartbeat ko (tachycardia). Hindi ko maexplain. Fck! Nahuhulog na ba ako sa Insik nato?

Lumipas ang mga araw at bumabalik pa rin sa isipan ko ang scene na yon. Hindi ako makatiis feel ko gusto ko syang makita muli. Bakit ba ako nagkaka ganito? I've never felt this sensation before.
Hindi ako makatiis kaya kinausap ko si Phai, sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko.
"My friend, you like him?"
tanong ni Phai
"I dont know? Maybe?"
"Ok. Let me take care. Ok?"
*hindi masyadong marunong si Phai mag english.

Hindi ko maintindihan ano ibig sabihin ni Phai, akala ko ay hihingi siya ng number ni Liong mula kay John. Yun pala may pinaplano ang mokong.
Sunday pagkatapos kong magsimba ay dinala ako ni Phai sa Orchard rd, sabi niya kaming 2 lang daw at si John. Di nagtagal nakita na rin nami si John pero laking gulat ko ng makita ko rin si Liong. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, parang gusto kong sabunutan si Phai...
Shit! Piste ning bayota! Bakit nandito siya? Eto ba yung sinabi ni Phai na siya bahala? Ano to? Double date? Teka... Bakit naman siya makikipag date? Straight ba siya?
Maraming tumatakbo sa isip ko, hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala si Liong. Speechless ako at parang nanigas buong katawan ko.
"Hi Loki!"
"Uhm, Haaaa-iii Liong"
*kinurot ako ni Phai sa gilid
"We go here, you go together eh!"
Tinapik ni Phai si Liong sa balikat at iniwan kaming dalawa.
Mga ilang segundo din kaming walang imikan ni Liong. Siguro ramdam nya ang tension ko kaya siya ang unang nagsalita.
"So, where we go?"
"Ahh! I dont know, ill go wherever you go."
"Hmmm ok!"
Hinila nya ang kamay ko at nagpaubaya ako sa kanya. Feeling ko lumulutang ako habang hawak hawak nya ang kanang kamay ko. Sobrang lambot ng kamay nya at napaka firm ng hawak nya dito. First time kong may lalaking humawak ng ganon sa kamay ko.

Gabi na ng matapos niya akong itour sa mga malls at shops sa Singapore ng dinala nya ako sa isang coffee shop.
Dito ako nagkaroon ng chance na matanong siya ng mga personal questions.
"Liong, are you gay?"
Tumawa siya ngunit pinigilan nya kasi nakakahiya sa ibang tao.
"You're funny Loki."
"So you're gay?"
"Loki, Im not gay."
"So why did you go out with me."
"Because you're a good person. John told me you like me. Thank you."
Shit! Namula ako sa hiya. Alam nya.
Hindi na ako nagsalita, gusto ko na sana umalis pero biglang nagsalita si Liong.
"Please, help me forget her."
Hinawakan nya ang dalawang kamay ko.
Tiningnan ko ang kanyang mga mata. May mga luhang tumutulo dito.Agad napalitan ng concern ang hiya na naramdaman ko.
"Please Loki, help me forget her."

Mag iisang lingo na simula ng makita ko siyang umiiyak. It pains me to see him hurting so much. Why of all people him? I couldn't find any single reason why a girl left him. A guy whose sweet, loving and hardworking just be dumped by a girl unworthy of his love. The reason why he came to SG is because he's hurting inside, bleesing and tormented. Someone should at least mend his broken heart...
Deep inside alam kong magiging panakip butas lang ako, pero I cant stand seeing him hurting.

One afternoon I received a text
"Can we meet up?" - Liong
"Can't Im baby sitting my nephew"
"Can I come?"
"Why?"
"Please... Just... I want someone to talk."
"Ok, but after my nephew sleeps"

Alas 2 ng hapon ng dumating siya sa condo ng lasing.
"Liong! What happened? Are you not going to work?"
Bago ko pa matapos ang tanong ko ay niyakap nya ako at umiiyak sa balikat ko na parang bata. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Niyakap ko lang siya ng mahigpit.
"Sssh! Dont worry Im here."
Humarap siya sa akin at bigla nya akong hinalikan sa labi.
For a minute natulala ako, my first kiss!!!
My first kiss is with a guy who cant move on with his past relationship...
"I love you Loki."
"Liong, youre drunk."
Then he kissed me again, and before I knew it he was already passionately kissing me all over my body. He lead me to the couch and caressed me.
*It almost felt to me like I was carried by angels on the sky. Hindi ko maexplain ang feeling ko. Para akong lumulutang sa ere.*
We kissed as if twas the last time well ever kiss. We touched each other's body as if weve never touched each other.

Alas 4 na ng magising ako sa ingay ng pamangkin ko.
FCK!!!
The two of us are naked!!! And most probabbly my nephew had seen both of us naked on the couch.
Patay ako kay Kuya dito.
I hurried to dress up and went to my nephew's room.
Phew! Mabuti nalang naglalaro lang siya dito.
"Kyron did you went out of the room?
Lumilingo lang yung bata.
*Sana talaga hindi dahil kung hindi patay talaga ako.
Ginising ko si Liong at pinauwi na agad dahil baka maabutan siya ni Kuya or Ate.

April of 2012, a month after may mangyari sa amin ay naging official na mag boyfriend kami. Nagkataon din na kailangan kong mag exit sa Malaysia, kaya naman niyaya nya ako na dadalhin nya ako sa bahay nila sa Penang since taga Penang ang family nya. Malayo layo din yon dahil sa Johor lang ako nag iistay pag nag eexit ako sa Malaysia pero dahil kasama ko siya kaya naglakas loob ako.
When we arrived sa bahay nila, pinakilala nya ako sa Papa at Mama nya. Mabait sila at very accommodating. Dumating din ang younger sister at brother nya. Masasabi kong very close ang family ties nila. Kaya the more akong nainlove sa kanya. Although alam ko naman na "As a friend" lang ang pagkakaintroduce nya sa akin.
Ng lumalim na ang gabi dinala nya ako sa may tabing dagat. Dito ikinuwento nya sa akin ang mga pangarap nya. Balang araw gusto daw nya na magkaroon ng sariling business, shipping business daw gusto nya. At pag nagkatotoo yon mag totour daw kami sa buong mundo. Ako naman sinabi ko sa kanya na bastat masaya siya masaya na rin ako. Then we kissed.
It almost felt so perfect and like a fairytale for me...

... FEBRUARY 2013...
We were to celebrate Chinese New Year together so I decided to visit him on his new place and surprise him.

"Liong Im outside, pls open up"
hindo siya sumagot kaya inopen ko nalang since alam ko naman ang pin number ng door.
Pagpasok ko nalaman kong naliligo pala siya. Pumasok ako sa kwarto nya at hihintayin ko na lang sana siyang lumabas ngunit may napansin ako sa may kama, isang invitation. Kinuha ko yon at binasa kung anong nakasulat. Pagbasa ko

"LEONG-FONG wedding"

Biglang lumakas yung kabog ng dib2 ko. Pagbukas ko ay nakumpirma ko ito ay isang wedding invitation... INVITATION NG KASAL NIYA.

Lumabas si Liong sa Shower room at nakita nya na hawak hawak ko iyon.
"Loki, please listen. Its just fixed marriage. You are the one I love."
Hindi na ako kumibo, pero ramdam na ramdam ko bawat patak ng luha na tumutulo sa mga mata ko.
Niyakap ako ni Liong pero kumalawa ako sa mga bisig nya, tumakbo ako at sumakay ng taxi...

Those were the darkest seconds of my life, feeling ko binagsakan ako ng isang malaking elepante. Ang sakit sa puso, feeling ko maari akong mamatay sa mga oras na iyon.

Pagdating ko sa bahay ay dali dali akong nagempake at umalis papuntang airport. Oo! Ganon ako ka daling gumawa ng desisyon pag naging emosyonal. Eto na nga ba sinasabi ko. Bakit ba ako aasa na may lalaking magmamahal sa akin? Sa isang kagaya ko? Baliw na talaga ako ng mga panahon na iyon. Hindi man lang ako nagpaalam kay Kuya o sa mga kaibigan ko, basta ang nasa isip ko lang ay gusto kong lumayo at umalis sa lugar na yon.

And then I waved goodbye to Singapore...

JUNE 27, 2015

Roughly 2 years later...

"I still love you. Please come back. Please Stay with me. I want you back"

HAAAAAYYYYY!!!

"And when I hold you in my arms I promise you, you'll gonna feel a love that's beautiful and true. This time ill love you even better than Ive ever been before and you'll be in my heart forevermore"

No comments:

Post a Comment

Read More Like This