Pages

Monday, July 27, 2015

Torchwood Files (Part 14)

By: Torchwood Agent No. 474

Note:Enjoy the 14th part, guys. Alam kong bitin kayo sa last part kaya ito ang continuation. Sana po natuwa kayo. And feel free to comment on my story below. Nga pala, effective po ba ang revelation na ginawa ko? Feel free to comment po. Sa next part n’yo na malalaman ang iba pang mga revelations regarding kay Alexis/Kidoi! Salamat po sa pagbabasa!

TORCHWOOD TRIVIA:

Hindi talaga ako nagpupupunta sa mga malls at nagdi-disco, kung kaya’t ‘yang ibang terms diyan sa mall scene, like ‘yung Just Dance na computer, eh pauso ko lang po. Hindi ko po kasi alam ang totoong tawag doon. Wala rin akong masyadong alam tungkol sa disco at pagsasayaw in real life kaya medyo nahirapan ako sa disco club scene.
The mall scene was inspired from Centrio Mall dito sa CDO, kaya nga’t Centre Mall ang pinangalan ko d’un, malapit at katunog sa Centrio Mall.

“Hello, bro!” Masayang bati ni Kidoi kay Samuel na kumakaway pa sa tuwa, halos patakbo niyang pinuntahan si Samuel sa kanyang kinatatayuan at nakipag-shake hands; bahagyang ikinagulat ito ni Samuel.
“Ummm.. hi..” Mahinang sagot ni Samuel na para bagang nababaguhan kay Kidoi.
“Mga bunso! Buti nagkita na kayo!” Nakangiting sabi ni Master. “Samuel, this is Kidoi, and Kidoi, eto si Samuel.” Pagpapakilala ni Master sa kanilang dalawa. Napa-‘Ahhhh...’ lang si Samuel at nagpakita ng simpleng ngiti habang nakabungisngis naman sa tuwa si Kidoi.
“Hi, Samuel! Nakwento ka po ni Kuya Master sa akin! Ikaw pala ang bago niyang bunso!” Pahayag ni Kidoi na lumapit kay Samuel. Napapagitnaan sila ni Master.
“Bunso mo rin siya, kuya?” Tanong ni Samuel. “Akala ko po ba ako una mong bunso?” Dagdag pa niya, bahagyang nakataas ng konti ang kanyang isang kilay.

“Akala ko nga rin, Samuel eh. Pasensya na ah!” Nakangiting sabi ni Master. “Kasi, bago pa kita nakilala noon ay magkapit-bahay na kami nitong si Kidoi dati. Nagkakilala kami at ayun, naging magkaibigan kami.” Masayang dagdag pa niyang pahayag. “Siya una kong studyante.”
“Lumipat lang kami ng Bukidnon noong around 10 years old na ata ako kaya nagkahiwalay kami ni Master.” Dagdag pa na wika ni Kidoi. “Alam mo, bro, swerte ka noong nalaman kong kuya mo rin pala itong si Master! Meaning nito eh studyante ka niya! Naging studyante rin niya ako, kaya marunong akong sumayaw ngayon! Nga pala hindi lang sayaw ang natutunan ko sa kanya.” Kidoi added enthusiastically.
“Ahhh.. nice..” ‘Yan lang ang tanging nasagot ni Samuel at pilit siyang ngumiti sa kanilang dalawa.
“Maiwan ko muna kayo. Magtitimpla lang ako ng juice para sa atin at sa dalawa n’yo pang kuya!” Sabi ni Master sa kanilang dalawa sabay tungo sa kusina.
“Halika! Kwentuhan tayo, pre!” Magiliw na pagiimbita ni Kidoi kay Samuel sabay hila ng kanyang kamay patungo sa sofa, at napaupo si Samuel sa tabi niya.

Napatawa na lang si Master sa pagkagiliw ni Kidoi at sa pagtatanong niya ng kung anu-ano kay Samuel. Si Samuel naman, on the other hand, eh maayos namang nasasagot ang mga tanong ni Kidoi, pero hindi maikakailang limited at mga simple lang ang pagsagot nito, ngunit walang pake si Kidoi; nangingibabaw ang kanyang pagkamadaldal.
Lumipas ang ilang sandali at nahanda na ni Master ang mga inumin nila at sumali siya sa usapan nila Samuel.

“Samuel, paano nga pala kayo nagkakilala ni kuya Master?” Tanong ni Kidoi kay Samuel.
“Ahhh.. ehhh.. nagkakilala kami sa Eagle Scouts sa school. Orgmates kami eh.” Simpleng sagot ni Samuel. “And dati nang sikat itong si kuya Master sa school kaya’t nakilala ko agad siya.” Dagdag pa niyang sagot.
“NAKS NAMAN!” Reaksyon ni Kidoi na malapad ang ngiti. “Sikat ka pala ‘tong si kuya ah! Astig! Well, hindi na ako magtataka, kasi talaga namang magaling ‘yan!” Tumatawang dagdag ni Kidoi. Napailing nalang habang tumatawa si Master, while mahinang tawa naman ang binigay ni Samuel. “Magtatagal ba akong studyante niya kung hindi ‘yan magaling?” He questioned Samuel proudly.
“Magaling naman talaga ‘yang si Kuya Master. Kaya nga idol ko ‘yan eh.” Wika ni Samuel as-a-matter-of-factly. “Magpapaturo ba ako ng sayaw at magpapa-tutor pa ba ako sa kanya kung hindi ‘yan magaling?” Dagdag niya habang nakangiti.
“I heard nagpapaturo ka raw ng sayaw kay kuya? Can I see your moves?” Request ni Kidoi habang nagpapakita ng iilang hiphop dance moves while nakaupo. “Iilan lang ‘to sa mga tinuro ni kuya Master sa akin, in fact parati nga akong nakukuha sa mga programs sa school namin para sumali sa mga nagpe-perform eh. Magaling ako dahil kay kuya Master.” He proudly proclaimed, at nag-brofist sila ni Master.

Napa-‘Ahhhhh..’ lang si Samuel habang synchronized namang nagpakita ng ilang hiphop dance moves sina Kidoi at Master, popping and locking na may halong finger tutting.
Unlike kina Kidoi at Master, tahimik lang si Samuel na nakikisali sa usapan nila. Sumasabay siya sa tawanan nilang dalawa, ngunit limited lang ang mga tawa at sagot na binibitawan niya. Hindi halata sa kanilang dalawa na medyo naiilang na pala si Samuel sa mga nangyayari sa harap niya!

“Ang ingay naman nitong si Kidoi, tapos napaka-childish pa! Ang yabang! Eto namang si kuya Master eh sinasakyan ang trip niya! Nakakailang! Badtrip!”

‘Yan ang mga bagay na nasa isip ni Samuel habang nagkukulitan sina Kidoi at Master, ngunit mas minabuti niyang hindi nila ito makita dahil baka magkagulo pa sila.
Ilang oras ang lumipas at 11:30 na nang tanghali, timing na sabay na nagsidatingan sina Jun at Armand. Nag-doorbell sila sa gate nila Master at agad naman silang pinagbuksan nito. Bitbit ni Armand ang isang supot ng lechon manok habang may dala namang dalawang litrong bote ng Coke si Jun. Sumunod si Samuel sa kanyang kuya-kuyahan habang naiwan naman si Kidoi sa loob ng sala.

“Well, this means late kayo so dito tayo na tayo magla-lunch...” Pahayag ni Master.
“Oo nga, bro. 11 na kasi ako nakaalis ng bahay kaya bumili na agad ako ng lechon manok.” Sabi ni Armand. “Nang malapit na ako rito eh nadaanan ko ‘tong si Jun.” Dagdag pa niya.
“Nang nakita kong may dala siyang manok eh bumili na ako ng dalawang litrong Coke para panulak natin.” Sambit ni Jun habang pumapasok sila sa bakuran nila Master.

Ngumiti si Samuel kina Jun at Armand; tango lang na may konting ngiti ang sagot nila. Pumasok silang apat sa sala at nakita nilang nasa kusina na si Kidoi at may ginagawa.
“Anung ginagawa mo?” Tanong ni Samuel.
“Nang tumunog ‘yang doorbell eh tiningnan ko ang oras, around 11:30 na pala. So nagluto na ako ng kanin dahil alam kong dito tayo manananghalian.” Paliwanag ni Kidoi.
“Naks naman! Ang galing ng bata mo Master ah! Siya ba si Kidoi na kinukwento mo?” Natutuwang tanong ni Armand, at napatango si Master.
“Wow! Bilis mag-isip ah!” Bati ni Jun at humarap siya kay Samuel. “Kita mo ‘yan? ‘Yan ang mga ideal na studyante ni Master! May initiative at magaling! Eh ikaw? Magaling ka ba?” Sarkastikong biro ni Jun kay Samuel habang tumatawa, at bago pa man ito makapagsalita eh binara na siya ni Master.
“Loko ka! ‘Wag mo namang i-bully ‘tong kapatid ko, pre.” Nakangiting sabi ni Master sabay tapik sa likod ni Samuel, at napatawa sila ni Jun. “’Wag mong intindihin si Jun, bunso. Wala kasing initiative ‘yan eh!” Master cheered Samuel.

Napatawa lang si Samuel at pinilit na ngumiti.
Naluto ang kanin exactly around 12 noon, at umupo sila sa mesa para kumain. Napapagitnaan si Master nina Samuel at Kidoi. Dahil sa pagiging madaldal ni Kidoi ay naging bibo ang kanilang kainan. Sabayan pa ng pagbibiro nina Jun at Armand, mas naging masaya ang lamesa! Tawa rito, tawa doon, puno sila ng halakhak. Bagama’t naiilang si Samuel kay Kidoi eh napapatawa rin naman siya sa biro ng mga kaibigan ng kanyang kuya Master, kaya hindi halata na medyo masama ang loob niya. Sa kanilang lima ay sina Kidoi at Armand ang may pinakamaraming kinain, para bagang mauubusan na sila ng ulam, taliwas na taliwas sila kina Samuel na napakahinhin kumain ng tanghalian.
Lumipas ng isang oras ang kanilang kainan. Busog silang lima habang umiinom ng Coke, at sa kanilang lima, kitang-kita ang pagkabundat ng tiyan nina Armand at Kidoi. Dahil dito ay bahagyang nadirian sina Samuel at Jun, na siya namang napansin ni Master kung kaya’t napatawa na lang ito ng mahina.

“Boys, after eating maghugas ah ng pinagkainan ah!” Utos ni Master sa kanilang apat at um-‘Oo’ naman sila.
“Kuyas, saan tayo after nito?” Samuel inquired kay Armand.
“Hmmm... mall?” He suggested.
“Mall? Why not mag-milktea tayo?” Jun intervened.
“Ewww! Di kaya napaka-gay ng dating n’un? Limang lalaki tapos nasa isang milktea bar na nagmi-milktea?” Master opposed Jun. “Mall na lang! Excited na akong mag-Time Zone eh!” He added.
“Well, sabagay. Gustong-gusto ko na mag-Just Dance ulit!” Jun proclaimed enthusiastically.
“Just Dance po? Anong kanta po? ‘Bang Bang’ nina Jessie J? Ang gay naman!” Biro ni Samuel sa kanya sabay tawa.
“BOOM!” Kidoi exclaimed. “Nakaganti rin si Samuel sa ‘yo, kuya!” He told him. Napatawa agad sina Master!
“Ayan! Nanguna kasi, kaya ginantihan!” Sabi ni Armand, at napakamot na lang ng ulo si Jun at nakipag-apir siya kay Samuel.

Lumipas ang limang minuto at natapos nilang lima ang paghuhugas ng mga pinagkainan. Nakaupo silang lima sa may sala habang tinutunaw ang mga pagkain sa kanilang tiyan. Binasag ni Armand ang katahimikan.

“Teka, andami nating kinain ah –––”
“––– Kayo lang ni Kidoi kaya ‘wag mo kaming idamay.” Pambabara ni Jun.
“Okay, sige! Andami naming kinain ni Kidoi. Hindi kaya bumaho mga hininga natin? Sino may dalang toothbrush?” Tanong niya.
“’Wag kana mag-toothbrush, bro. As if naman na may makakahalikan tayong babae or may sira-ulong aamoy ng mga hininga natin!” Sarkastikong sagot ni Jun, at napatawa sina Kidoi at Samuel.
“Sabagay, tama si kuya Jun.” Kidoi supported.

Napa-‘Ok’ na lang si Armand.

3 PM IN THE AFTERNOON, TIME ZONE, SA CENTRE MALL:

“WHOAHHHHH!!!” Jun exclaimed proudly. “Highest score sa basketball! YEAH BABY! Galing ko!” He added.
“Galing mo, kuya!” Bati ni Kidoi na katabi niyang naglalaro rin ng basketball sa kabilang booth, sa left side ni Jun. “Astig ka po!”
“Astig talaga ‘yan!” Armand further commended. “Sa basketball lang naman ‘yan lamang si Jun eh!” He added.
“Wala ‘yan kay kuya Master!” Singit ni Samuel na nasa likuran nilang tatlo na nagmamasid lang sa kanila. Katabi niya si Master. “Wala pang nakakatalo kay kuya Master!” He added proudly sabay tingin at ngiti sa kanyang mentor.
“Oi ‘wag ganyan, bunso!” Reaksyon ni Master habang napapakamot ng ulo. “Kahinaan ko ang sports.” He added.
“Weeehhh? Kahinaan daw?” Kidoi flashing his childish grin. “Mabuti pa eh kayo ni kuya Jun ang maglaban at nang mapatunayan natin kung sino talaga ang magaling!” He added.
“Hala! Maganda ‘yan!” Armand exclaimed. “Sino mas magaling? Jun o Master!” Armand asked all five of them.
“MASTER!” Samuel and Kidoi both exclaimed, smiling! “Showdown na ‘to! Game!” Kidoi challenged Master and Jun.

Napakamot na lang ng ulo si Master habang humahakbang papunta sa tabi ni Jun at makipagtunggali sa kanya.

ERRRRNNNGGGG!

Tumunog ang buzzer at sabay na nagshu-shoot ng mga bola sina Master at Jun! Mabilis ang kanilang mga galaw at mistula bagang mga mabibilis na galaw lang ang kanilang mga pinapakita sa tatlo pa nilang kasama!
Mukhang tama nga si Master, kahinaan n’ya nga ang sports. Kahit napakalapit lang ng ring sa kanila eh maraming sablay si Master kumpara kay Jun. Sa loob ng apat na minuto ay 54 lang ang score niya habang naka-75 naman si Jun, dahilan upang manalo ito sa kanilang laro. Napakamot si Master sa kanyang ulo habang natatawa sa kanyang pagkatalo.

“REMATCH!” Kidoi shouted at them.
“’Wag na. Mananalo lang ulit ako!” Master told him sarcastically habang humakbang papalayo. “Mabuti pa mag-Just Dance na lang tayo, sure ako tumba ‘yang si Jun sa akin!” He assured them, making Armand laugh.
“’Wag na, pre! Parehong kaliwa ang paa niyang si Jun! Panalo ka na!” Armand jokingly told them. Si Jun naman ngayon ang napapakamot sa kanyang ulo.

Tumawa sina Master, Kidoi, at Samuel sa reaksyon ni Jun. After a few more rounds ng paglalaro, nagpasya sila na mag-Just Dance na lang para maiba. Naunang maglakad sina Kidoi, Armand, at Jun, habang mabagal namang sumusunod sina Samuel at Master. Nang makalayu-layo na ng konti ang tatlo, bumulong si Samuel sa kuya-kuyahan niya.

“Kuya, sayang talo ka po! Hindi ka nga pala talaga magaling sa basketball eh no?”
“Oo, bunso. Weakness ko talaga ang sports, kaya nga hindi ako nagva-varsity diba? Kasi ilalampaso lang ako doon.”
“Sayang, kuya. Sana all-around kana lang para mas astig! I really do hope na pati sa sports, kahit basketball man lang, eh mag-exel ka rin.”
“Oo nga. Although, Samuel, may isa akong sport na alam na magaling ako.”
“Ano, kuya?”
“Sex, kaya nga nasasarapan ka diba?”

Nag-lipbite si Master at tinaasan ng isang kilay si Samuel na para bagang nangaakit. Napatawa na lang ang bata.

“Ang kulit mo, kuya! Sabagay, kaya nga gusto kong tinitira mo ako eh!” Humahagikgik na sabi ni Samuel sabay ngiti at kindat.

Nasa harapan na ng mga computers kung saan nagja-Just Dance ang mga mall goers sina Master. Kasalukuyan silang namimili ng mga kantang kanilang sasayawin. After a few moments ay napili nilang sayawin ang ‘Happy’ ni Pharell Williams.

“Ay, dalawang tao lang ang pwedeng sumayaw kasama ko.” Master told them. “Sino game –––”
“Ako, kuya! Isa po ‘yan sa mga favorites ko!” Listong sabi ni Kidoi.
“Game!” Masayang reaksyon ni Master.

Sa sobrang listo ni Kidoi ay naunahan niya si Samuel na gusto rin sanang sumayaw katabi ni Master. Sumama ang loob niya, at mas sumama pa ‘yon nang nakita niyang sumasayaw nina Master at Kidoi ng ‘Happy’ na tuwang-tuwa at synchronized ang kanilang mga galaw.
Timing that time ay may isa pang Just Dance na computer na bakante malapit sa kanila. Niyaya ni Armand na doon silang tatlo ni Jun sumayaw at maglibang. Ayaw sana ni Samuel at gusto niyang umuwi na lang. Kanina pa siya naiinis kay Kidoi, ngunit ayaw niya ring masira ang lakad nila kaya’t nagpasya siyang manahimik na lang. Labag sa kanyang loob na sumayaw kasama sina Armand at Jun sa kabilang computer, ngunit mas minabuti niyang itago na lang ang inis na ito.

8 PM, SA HARAP NG ISANG DISCO CLUB:

Pagkatapos mag-dinner sa mall ay nagpasya ng mga binata na mag-disco naman. Bago pa man sila makapasok ay dinig na dinig na ang tugtog ng pop music mula sa nasabing club.

“Alright, guys, WALANG IINOM AT WALANG MAGBI-BISYO. OKAY?” Master reprimanded everyone. Napatango lang sila.

Pumasok sila sa loob ng isang disco club, madilim at maraming ilaw ang nagsisipag-flash sa dance floor. Pumunta sila sa isang table at nag-order ng mga pulutan, mga chichirya, at isang pitsel ng mango juice. Naaaliw silang pinapanood ang mga sumasayaw at ang mga tao sa paligid nila.
Kalaunan ay nagyaya nang sumayaw si Master na kanina pa hindi mapakali. Tuwing may sayawan ay hindi napapalagay ang kanyang mga paa at tila bagang gusto nitong sumayaw ng sumayaw lang. Niyaya niya ang kanyang mga kasama ngunit susunod na lang daw sina Jun at Armand. Since sasayaw na lang din naman si Master, nagpasya si Samuel na sumayaw kasama niya, ngunit medyo badtrip din siya dahil sasayaw din si Kidoi, but this time, hindi siya makakapayag na ma-overpower siya ng karibal niya.
Pumunta sa bandang gitna mismo ng dance floor sina Master, Kidoi, at Samuel. Marami-rami ang mga nagsasayaw pero may enough space pa para makasayaw silang tatlo. Tumunog ang speakers at nagsayawan silang tatlo. Kanya-kanya sila ng galaw at routine, at naaaliw sina Samuel at Kidoi habang kitang-kita kung gaano kagaling ang kanilang kuya Master; nangingibabaw siya sa kanilang tatlo. Maging ang iilang tao sa dance floor ay napapansin din ang galing sa pagsayaw ni Master, making some of them cheer and commend him.

‘Dynamite’ ni Taio Cruz ang music, at proud na pinakita ni Samuel ang kanyang mga dance moves, mga dance moves na kanyang natutunan mula mismo kay Master at mga dance moves na kanyang freestyle. Determinado siyang malagpasan si Kidoi. Napansin ni Master ang mga galaw ni Samuel at napangiti siya rito. May naisip siyang plano. Nag-pop and lock siya ng ilang mga moves sabay turo kay Kidoi at sinabing siya naman daw ang sumayaw. Gusto niya atang mag-showdown ang dalawa niyang mga estudyante!
Agad na na-gets ni Kidoi ang gusto ni Master, at since ayaw niyang ma-disappoint ang kanyang kuya, tinapatan niya ang mga galaw ni Samuel. Mas advance ng hiphop moves ang mga pinakita nito with matching his own freestyle hiphop moves. Habang nakangiti siya dahil nagagalingan siya sa kanyang sarili, napapalunok naman ng laway si Samuel.
Mukhang mahihirapan si Samuel dahil sa galing ni Kidoi. Mas marami kasi ata itong mga natutunan mula kay Master at gumagawa rin kasi ito ng kanyang mga dance moves. Sinubukan ni Samuel na tumapat kay Kidoi, pinaghalo niya ang ballroom, particularly cha-cha, at hiphop. Napanood niya ito one time sa isang video sa internet at sinubukan niyang gayahin ito.
Although maganda naman ang execution ni Samuel, hindi maikakailang nahihirapan siya. Nakita ni Kidoi ang weakness na ito kung kaya’t bigla siyang nag-insert at gumawa ng sarili niyang version ng sayaw ni Samuel, at mas maayos niyang nagawa ito. Sinabayan pa ni Kidoi ng iba pang hiphop moves ang kanyang pagsasasayaw kung kaya’t madali niyang na-overpower ulit si Samuel, much to the latter’s disappointment.
Nasaktan si Samuel, thinking that Kidoi is better than him at wala na siyang lugar sa kay kuya Master niya dahil mas magaling nga si Kidoi. Gustong tumulo ng kanyang mga luha ngunit pinigilan niya ito. Bumulong siya kay Master na magsi-CR lang daw siya, sabay lakad papalayo. This time, bakas na sa mukha ni Samuel ang pagkadismaya at napansin ito ni Master.
Pinauna muna ni Master si Samuel sa CR bago siya sumunod. Timing naman na lumapit sa kanila si Armand dahil gusto na rin nitong sumayaw.

“Wow! Pare! Astig ‘yung showdown na ‘yun ah!” Bati ni Armand kay Kidoi, at napangiti lamang ito.
“Bro, magsi-CR lang ako ah. Aliwin mo muna ‘yang si Kidoi.” Sabi ni Master sa kanya na nakangiti, at dali-dali niyang iniwan ang dalawa na sumasayaw at nage-enjoy sa dance floor.

Saktong walang ibang tao sa CR kundi si Samuel lang. Umiiyak ito sa dulong cubicle sa CR. Pumasok si Master sa CR at naririnig niya ang mahihinang iyak ni Samuel; tinawag niya ito.

“Bunso? Okay ka lang?” He asked him. “Halika usap tayo. Labas ka diyan.”
“I’m fine, kuya.” Sagot ni Samuel mula sa loob ng cubicle. “Bigla lang pong sumakit ang ulo ko dahil sa pagsasayaw kanina.” He lied.
“May mga umiiyak ba dahil sa simpleng sakit ng ulo?” Pagtatanong ni Master. “Bunso, alam kong may problema. Labas ka naman please. Pag-usapan natin ‘yan.”
“Ayos lang po ako.” Tanging sagot ni Samuel habang nagpipigil ng luha.
“Samuel, please?” Master pleaded. “Ano ka ba? May problema ka. Kuya mo ‘ko. Makikinig ako. Please, bunso?” he added.

Lumabas si Samuel na tumutulo ang kanyang mga luha at lumapit kay Master.

“Anong problema, bunso? May nagawa ba akong hindi maganda kanina?”
“I’m sorry, kuya. Mukhang I’ll never be the type of person na gusto mong maging pagdating po ng panahon.”
“Ha? Hindi kita maintindihan. Pwede paki-paliwanag?”
“Mukhang mas magaling po ‘yang si Kidoi kesa sa akin kuya eh. Kaya weak po akong studyante mo.”
“Mas magaling si Kidoi? Anong mas magaling? Patas lang kayo ah! Teka, hindi kaya nagseselos ka bunso? Nagseselos ka sa kanya no?”

Tahimik lang si Samuel. Tumutulo pa rin ang mga luha sa kanyang mga mata. Nakatingin siya sa sahig at nahihiyang tumingin kay Master.

“Sabi na nga ba eh! Samuel, hindi at wala kang dapat ikaselos. Kung gaano ko kamahal si Kidoi as kapatid ko, ganoon din kita kamahal. Ano ka ba?”
“Eh bakit po mas close ka pa sa kanya? Tapos mas pinapansin mo pa po ata siya kesa sa akin kanina pa!? Isa pa po, akala ko po ba ako lang po ang studyante mo, eh may Kidoi ka pa po pala!?”
“Aysus! Alam mo, matagal-tagal na kasi kaming hindi nagkikita ni Kidoi, kaya natural na ma-miss ko talaga siya. Gusto kong i-savor ang time na nandito siya kasi babalik din ‘yan agad sa Bukidnon. Other than that, bakit? Ano ba ang problema kung studyante ko rin si Kidoi? Samuel, kapag nagtuturo ako sa ‘yo ng mga nalalaman ko, ano ang ginagawa ko?”
“Nagtuturo po. Like you have said po, pinapasa mo po lahat ng mga alam mo sa akin.”
“Exactly! Knowledge and wisdom is meant to be shared, Samuel. Tandaan mo ‘yan. Kung sa ‘yo ko lang mapapasa ang mga nalalaman ko, paano mas makaka-benefit ang nakararami? Do you think mas makakatulong kung sa isang tao ko lang mapapasa ang mga alam ko?”
“Hindi po, kuya.”
“Oh! Kita mo na! Nalaman mo rin! Bunso, tandaan mo ‘to ah. Kahit wala ang atensyon ko sa ‘yo, hindi nagkulang ang pagmamahal ko sa inyong mga kaibigan at mga kapatid ko. And walang taong mas lamang sa iba. Patas lang tayo lahat dito sa mundo, kanya-kanya tayo ng galing at pagkaastig. Okay?”

Nakangiti si Master na pinahid ang mga luha ni Samuel. Niyakap niya ito.

“Tahan na. Love ka ni kuya.” He assured him.
“Salamat po.” Tanging sagot ni Samuel.
“Wow ah! Nakaka-touch naman!” Sabi ni Kidoi.

Kanina pa pala sa may pintuan si Kidoi at nakikinig habang ngumingiti.

“Tama si Master, Samuel. And wala akong balak na agawin sa ‘yo ‘yang si Master, dahil alam ko namang mahal niya ako kahit wala na siyang time sa akin eh.” Wika ni Kidoi sa kanila habang lumalapit. “Mas maswerte ka pa nga eh, kasi bukod sa naging studyante ka rin ng mentor ko, eh mas nakakasama mo pa siya kesa sa akin. Mas magagabayan ka niya dahil malapit lang kayo sa isa’t isa.” He told Samuel, making the three of them smile.
“Pasensya bro kung nagselos ako ah.” Pagpapatawad ni Samuel. “Naunahan lang ata siguro ako ng emotions ko.” Pagpapaliwanag niya.
“Aysus, ayos lang. Actually, kanina pa kita nase-sense na naiilang sa akin kaya nga diba daldal ako ng daldal at panay joke ko para naman umayos ang pakiramdam mo sa ‘kin.” Kidoi explained, at niyakap niya si Samuel. “The moment na nalaman ko na ikaw ang bagong studyante ni Master, I became excited. Gusto kitang ma-meet.” He added gleefully habang kumakalas sa pagkakayakap niya kay Samuel.
“Wow naman. Nga pala, since pareho tayong bunso nitong si kuya Master, okay lang ba na maging magkapatid na rin tayo?” Pag-iimbita ni Samuel kay Kidoi.
“Ui! GAME! Para mas dumami pa mga kapatid ko!” Kidoi happily exclaimed. “Kuya, okay lang ba?” Tanong ni Kidoi kay Master habang humaharap ito sa kanya.

Napangiti lang si Master sa kanilang dalawa habang tumatango. Napangiti rin sina Samuel at nag-group hug sila.
Masayang lumabas ng CR ang tatlo na magkakaakbay. Naguumapaw ang tuwa na kanilang nararamdaman at dali-dali silang nagtungo sa dance floor para sumayaw kasama nina Jun at Armand na kanina pa pawis na pawis sa kakasayaw!
Nang mga sumunod na oras ay tuwang-tuwa ang lima na nagdi-disco. Walang makakapigil sa galak at tuwa na nararamdaman nila. Napatunayan nila na hindi nila kailangang mag-bisyo para sumaya, ang importante lang ay ang pag-bond ninyo ng iyong mga kaibigan, dahil sapat na ‘yon. Ramdam na ramdam nila ang kasiyahan ng pagiging bata kung kaya’t hindi nila napansin na maga-alas dose na pala ng gabi! Habang nagpapahinga sila sa kanilang table mula sa pagsasayaw, nagulat si Jun dahil hindi na nila namalayan ang oras nang minsang tiningnan niya ang kanyang cellphone habang nagsi-CR. Sinabihan niya ang mga kasama niya na umuwi na dahil masyado nang gabi. Silang lahat, maliban kay Kidoi ay napatingin sa kanilang mga cellphone. Tama si Jun, so they decided to call it a night.
12:30 AM na nang lumabas sila sa disco. Wala nang jeepney na dumadaan at kulang rin ang kanilang mga pera para pan-taxi.

“Diba may mga tricycle na available pa ngayon?” Samuel asked them.
“Yep, but malayo-layo pa ang paradahan ng mga ‘yun, and medyo mahal na ang singil nila dahil gabi na.” Jun answered him as-a-matter-of-factly.
“Well, we could walk na lang pauwi, mga kuya...?” Kidoi suggested.
“No. Delikado na at malalim na ang gabi.” Master intervened.
“Mabuti pa mag-tricyle na lang tayo. And magsimula na tayong maglakad ngayon, dahil baka mas ma-late tayo ng uwi at patay tayo sa mga magulang natin.” Armand proposed to the group, and they all agreed, kaya nagsimula na silang maglakad lima.

SAMANTALA, SA ILALIM NG LUPA:

Na-activate ulit ang biochemical mutations ng na-contaminated na ipis, ngunit this time, mas malakas na ang contamination nito dahil nagawa ng ipis na iyon na mapasa ang kanyang contamination sa mga kapwa niya ipis! Dahil dito, yumanig ang lupa; lagpas dalawampu sa mga ipis ang unti-unti nang nagmu-mutate at dahan-dahan nang lumalaki, habang ang ilang maliliit naman ay patuloy na nagmu-mutate nang dahan-dahan!

TRUUT! TRUUT! TRUUT!

Tumunog ang GDS at ang MSS ng Torchwood 26, dahilan upang maging alerto ang mga trabahante nito! Kanya-kanya sila ng pag-teleport sa Torchwood 26 Hub, maliban kay Alexis. Naka-pambahay ang ilan sa kanila while naka-pajama naman ang iba. Halatang galing sa tulog ang halos lahat ng mga Torchwood 26 agents.

“Asan si Alexis!?” Tanong ni Bryan. “Tawagan n’yo nga!” Utos niya.
“Kanina ko pa siya tinatawagan eh, pero walang sagot!” Nag-aalalang sabi ni Arlene.
“Nako naman! Kung kelan kailangan doon pa wala!” Sheila exclaimed, disappointed. “Gumalaw na tayo. ‘Wag na nating hintayin ‘yon.” Utos niya.
“Arlene, Nello, Marcus, kayo ang mag-control sa mga Bio Magmas. James and Luna, kayo ang gumamit sa MSS at GDS para ma-trace natin saan pa ang mga spots ng mutations sa ilalim ng lupa, while Sheila and Hannah, samahan n’yo ako para pigilan ang mga mutated na mga kalaban sa maari nilang gawin sa mga tao.” Bryan quickly commanded everyone while dali-dali silang kumuha ng Energy Blasters para pampatay sa kung ano man ang mga makakalaban nila.

Agad na rumesponde ang mga Torchwood 26 agents at pumunta sa kani-kanilang mga dapat gawin.

SAMANTALA:

Dahil nga sa mutations na mga nangyayari kung kaya’t yumayanig ang lupa. Walang ibang tao sa kanilang nilalakaran that time kundi silang lima lang. Naramdaman nina Master ang pagyanig habang naglalakad, dahilan upang kabahan sila.

“Lumilindol, pre.” Sabi ni Jun.

Bago pa man may makapagsalita ulit sa kanila ay bigla lang bumulwak ang lupa sa harapan nila! Sa gulat ay napatalon sila paatras. Napanganga silang lima dahil pitong higanteng ipis ang lumilipad sa kanilang harapan at nakatingin sa kanila!

“IPIS!” Sigaw ni Armand sa sindak!

Nabulabog silang lima nang biglang magsiliparan ang mga ipis sa kanilang direksyon! Dahil sa takot ay nagkahiwa-hiwalay sila! Mag-isang kumaripas ng takbo si Armand papalayo, while si Jun at Samuel naman ang naging magkasama sa pagtakas, at si Master at si Kidoi naman ay ibang direksyon rin ang tinakbuhan!

“ARMAND!!!” Tawag ni Master kay Armand, ngunit hindi na siya ata nito narinig! Nilingon niya sina Jun. “JUN! ‘WAG MONG PABAYAAN SI SAMUEL!!” Sigaw ni Master sa kaibigan!
“KUYA MASTER!!!” Tanging sigaw ni Samuel sa kanyang kuya-kuyahan.

Akmang pupuntahan sana ni Master ang kanyang kapatid ngunit pinigilan siya ni Kidoi.

“KKKUYA! UMALIS NA TAYO!” Takot na sabi ng bata sa kanya. Walang nagawa si Master kundi ang sumunod.
“ILIGTAS MO BUHAY MO! TAKBO SAMUEL! TAKBO!!!” Sigaw niya ulit sa kanyang kaibigan habang tumatakbo papalayo kasama si Kidoi!

At tuluyan na ngang nagkahiwalay ang magkakaibigan! Tatlong higanteng ipis ang sumusunod kay Armand, dalawa kina Jun at Samuel, habang dalawa rin kina Master at Kidoi.
Kumakaripas sila ng takbo, daig pa ang pinakamabilis na tao sa buong mundo. Nagsisisigaw sila ng tulong ngunit walang tao o kung sino man ang nakakarinig sa kanila. Naalala bigla ni Master ang Lustio na nakalaban niya rati. Bumalik ang takot na iyon; nasa peligro na naman ang kanyang buhay. Mas nag-alala pa siya dahil posibleng mamatay din ang kanyang mga kaibigan. Ayaw niyang mapahamak ang mga ito. Tumulo ang mga luha ni Master habang tumatakbo.
Habang tumatakbo ay may natanaw si Master sa di kalayuan. Isang pamilyar na tao na papunta malapit sa kanila, isang poging lalaki, maputi at slim na may dalang dalawang bagay na parang malaking baril na mukhang laser gun sa mga sci fi na mga pelikula ––– si Bryan ng Torchwood 26! Nagulat si Master sa kanyang nakita; hindi niya aakalaing magku-krus ulit ang kanilang landas! Agad kinalabit ni Bryan ang kanyang hawak at binaril ang isang ipis! Sumabog ito nang kanyang tamaan.

“Catch!” Utos niya, at hinagis niya ang isa sa kanyang mga baril.

Akmang sasaluhin sana ito ni Master ngunit imbis na sa kanya papunta ang baril eh mukha atang hindi ito para sa kanya, dahil papunta ito kay Kidoi! Agad na nasalo ni Kidoi ang baril at ginamit laban sa isa pang ipis! Mukhang alam niya kung paano gamitin ito!
Namatay ang dalawang higanteng ipis, ngunit panibagong tensyon na naman ang nanaig dahil gulat na gulat silang tatlo nang malaman nila na kilala nila ang isa’t isa!

“Magkakilala kayo, Master?” Bryan asked in disbelief and in shock.
“Don’t tell me kilala mo po si kuya Bryan, kuya Master?” Kidoi asked his mentor, dumbfounded.

Hindi makapaniwala si Master sa mga nangyayari sa kanyang paligid, at napuno ng tanong ang kanyang pag-iisip. May tinatago sina Kidoi at Bryan na hindi niya nalalaman at kailangang bigyang linaw.

“Magkakilala ba kayo ni Bryan, Kidoi?” Master asked, shocked and at wits end. Tahimik lang si Kidoi. “Kidoi, magkakilala ba kayo?!” He asked again, tumataas ang kanyang boses. “Answer me! Part ka ba ng Torchwood!?!” He demanded, makikitang may galit na sa kanyang tono, ngunit tahimik lang si Kidoi. “Kidoi, answer me!” He questioned angrily again. “HOY ALEXIS!!! SUMAGOT KA!!!!!!!!” Master shouted at him.

Opo, iisa lang sina Alexis ng Torchwood 45 at si Kidoi na kababata ni Master...

ITUTULOY...

No comments:

Post a Comment

Read More Like This