Pages

Sunday, July 5, 2015

Mahirap Man ay Kakayanin (Part 7)

By: Ralp

"Gaano mo mang pilit ariin at pigilin sa iyong mga palad ang bawat butil ng buhangin, ito'y huhulagpos at huhulagpos pa rin."

Ang mga sumunod na araw ay tila ba nakakabagot. Parang napakabagal ng paglipas ng oras. Halos marinig mo ang pagpatak ng bawat segundo. Tahimik akong lumuluha. Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas ng loob. Hindi ako pwedeng lumapit sa pamilya ko. Ayoko namang sumangguni sa mga kaibigan ko.

"tukz may problema ka ba?" malumanay na tanong ko dito. Nakahiga kami nun. I want to know the truth, directly from him.

"Wala." walang emosyong sagot nito. "mabuti pa matulog na tayo"

"Ok pa ba tayo?" muling tanong ko.

"Ano ba naman klaseng tanong yan!" may himig ng inis na turan nito. "Ok na ba ang lahat? Bukas darating na sila daddy." pag-iiba ng topic nito.

Sukat duon ay muli na namang naglandas ang masaganang luha mula sa aking mga mata. Tahimik itong bumalong. "ok na" disimuladong tugon ko. Ayokong marinig nito ang paghikbi ko.

"matulog na tayo, namamagod ako" walang kabuhay-buhay na paalam nito.

Everything seems to fall apart. Ngunit hindi maaari. Ayoko! Hindi ko hahayaang basta na lang sumuko. Pero paano? Ano ang gagawin ko? Paano ko ipaglalaban ang relasyon namin kung sya mismo ay may iba ng mundo? Anong kailangan kong gawin para hindi tuluyang mawasak ang pagsasama namin?

Masayang sinalubong ni Tristan ang pagdating ng pamilya niya. Buong pananabik na niyakap pa nito ang ama at dalawang kapatid. Si Ate Margie at Kuya Marlou. Kasama ni Kuya Marlou ang asawa nito at ang nag-iisa nilang anak. Buong kasabikan din nitong pinanggigilan ang pamangkin niya. Pinaghahalikan at binuhat. Nilaro. Nakipaghamagan.

Isa pang pang malayong-malayong kamag-anak nila na halos naging kapamilya na rin nila ang kanilang kasama. Si Tita Tabok (may pagkaboyish). Feeling ko may something sila ni ate Margie.

Ipinakilala naman ako ni Tristan sa mga ito. Alam na pala nila ang sitwasyon namin. The affair that we have. At naging maayos naman ang naging pakikipag-usap ng mga ito sa akin. Ramdam ko ang pagtanggap ng mga ito sa sitwasyon, at sa akin. Mabait ang mga ito, lalo na si daddy.

Nagkunwari akong walang problema. Ayokong mahalata nila ang aking pinagdadaanan. Masaya kaming nagprepare ng mga pagkain. Ng mga lulutuin katulong ang mga kapatid ni Tristan. Nawala lahat ng pangamba ko ng pati ang panganay na kapatid nito (si kuya) ay nakapalagayang-loob ko na, in the process. Nagkakabiruan at nakikipagtawanan na rin. Pati ang asawa nito. Si daddy ay paminsan-minsan ding nakikibanat.

Naghihintay na lang kami ng countdown. Mag-aalas onse na kasi ng gabi. Ready na ang lahat. Nailatag na rin ang mga nilutong pagkain gayundin ang mga regalo. Pati na rin ang mga fireworks ay na-i-setup na rin namin sa tulong ni kuya Marlou at tita Tabok.

"Reign, asan na ba si tantan?" pagkuwa'y tanong sa akin ni Ate Margie. "Aba'y anong oras na oh!" inip na bulalas nito.

Sa kalagitnaan kasi ng kaabalahan ay nagpaalam kasi si Tristan na may pupuntahan lang daw. Hindi na ako nag-abalang tanungin kung saan.

"Tawagan mo na kaya." suggestion ni daddy. "Ano ba namang bata yan, kung saan-saan pa nagpunta. Delikado na sa labas. Aba'y maya-maya pa'y putukan na!" pag-aalalang wika nito.

Hindi nakaligtas kay Ate Arlyn (asawa ni Kuya Marlou) ang ikinukubli kong namumuong luha sa aking mga mata. Iniabot ko kasi dito ang cellphone ko upang sila na lang ang makipag-usap.

"Reign, may problema ba?" mula sa isang sulok ay sinikreto ako nito upang kausapin.

"Wala naman po ate" pagsisinungaling ko.

"Hindi ka magaling magtago Reign. Pero igagalang ko ang desisyon mo. Ngunit kung sakali, kapag kelangan mo na ng kausap, andito ako" buong sinseridad na pahayag nito.

Sukat duon ay walang sabi-sabing niyakap ko sya. Ngayon higit kailanman, kailangan ko ng karamay. Ng makakausap. Ng mapaghihingahan. Umiyak ako sa balikat nya. Kahiya-hiya man. Ipinagtapat ko sa kanya ang mga naging pagbabago. Ang mga kutob at hinala. At ang aking takot.

"Dy, ikaw na ang makipag-usap kay tantan." ilang beses ko kasing dinayal ang number nito pero hindi nya sinasagot ang tawag ko. Tinext muna nila si Tristan bago tawagan.

"Hello tantan, jaskeng bata are. San ka ba nandun?" may himig na ng pagkainis sa anak. "Aba'y anong oras na oh! Maya-maya pa'y alas-dose na!" dire-direchong palatak nito.

"O sya sige na. Hali ka, hihintayin ka namin!" pagtatapos nito.

"Reign, andun lang daw sya sa malapit. Kasama daw yung kaibigan daw nya. Sinabihan ko ngang hinihintay natin sya eh. Ayun naman, uuwi na rin daw. Jaskeng bata yan, uo." isa-isang binanggit nito ang napag-usapan.

"Mabuti pa kaya'y umpisahan na nating magpalamig, aba!....hehehe" si Tita Tabok nag-aaya ng magshot.

"Uo nga Reign, maya-maya darating na rin yun. Hayaan mo't kakaltukan ko pag dumating yang loveyduds mo! hehehe." si Kuya Marlou.

Nakalipas ang ilang minuto matapos ang alas-onse. Naka-ilang bote na rin kami ng naiinom na beer. Pero wala pang Tristan na dumating.

"Hoy, Mande, aba'y iyo ngang tawagan yuong kapatid mong yun." utos nito kay Ate Margie. "Ano bagang nangyayare sa jaskeng batang yown! Sabi'y pauwi na. Sabi'y malapit lang daw sya! Ey bakin ba hanggang ngayo'y wala pa!" hindi na maitago ang pagkadisgusto nito.

5, 4, 3, 2, 1 Happppy New Yeaaaaar...!!!! Halos sabay-sabay na sigaw ng pagbati. Napaka-ingay ng lahat. Dumadagundong ang mga paputok. Nagkikislapan ang mga lusis fountain sa kapaligiran maging sa kaulapan. Hindi magkamayaw ang mga malalakas na tugtog mula sa kani-kanyang music player at videoke sa kabila-kabilang mga bahay. May nirerebulusyong mga motor. At malalakas na tunog ng mga sirena. Lahat ay nagdiriwang, kakasayahan. Tama ka, SILANG LAHAT, MALIBAN SA AKIN.

Pilit kong ikinubli ang pagdadalamhati. Pinlaster ang ngiti sa pisngi. Nakisabay sa ingay habang kumakain ng medya noche habang ipinamamahagi ang mga regalong sadyang laan sa mga bagong dating. Masayang masaya ang lahat sa natanggap. Matutunog na tawanan at masasayang halakhakan.

Nagmano ako kay daddy bago iabot ang kanyang regalo. Hindi ko na kinaya ang sobrang depresyong pinagdadaanan ng suklian ako nito ng isang mahigpit na yakap. Sukat duon, ang pinipigilan kong luha ay kusang bumagsak.... bumalong at namilisbis. At tuluyang napahikbi. Naawa na ako sa sarili ko.

"Anak, bakit hindi ka baga umuwe?" muli na namang tinawagan ni daddy si Tristan. "Aba'y, nasaan ka baga? Jaske kang bata ka, pinaluwas mo kami rito para magkasama-sama tayo ikamo, ay ikaw naman ngayon ang wala! Ano bang nangyayari sa iyo?" malumanay ngunit may diin na pahayag nito sa anak.

"Aba'y kung may problema kayo, ay pag-usapan niyo!" patuloy na pangangaral nito sa anak habang kausap ito sa telepono.

"Umuwe ka dine. Hihintayin kita.!" pagtatapos nitong turan animo ultinatum.

Ako naman ang binalingan ni daddy. Nagpaliwanag ito in behalf of his son. Na mas lalo lang nagpabagbag sa aking dibdib. Kulang na lang ay humagulhol ako sa harap ng pamilya nya.

"Anak, baka nagkasayahan lang ang mga yun dun sa bahay ng kaibigan nito. Pasasaan ba't uuwi rin yun." alo nito sa akin.

"aba'y mali naman talaga yang anak mong yan 'dy. Huwag mo ng pagtakpan." si Ate Margie. "Sukat ba naman,............hay naku. Ewan ko lang kung anong magawa ko sa lalaking yun." patuloy na palatak nito.


"pagpasensyahan nyo na lang yun." pagkuwa'y himig ni daddy.

"Ang sa akin lang, kung may problema. Dapat inaayos. Hinaharap. Hindi tinatakbuhan!" patuloy ni ate.

"Anak, alam mo bang nagulat din ako sa batang yan" biglang tutok ko sa pangungusap ni daddy ng bumaling sa akin. "Pero sa akin, wala yun." wika nito. "Kung saan sasaya ang anak ko, duon din ako. Hindi ako para tumutol. Ginusto nyang magsama kayo, hala sige. Hayo kayo. Lalo pa ngayon, nakita at nakilala kong mabuti ka namang tao ay di ga'y mas masaya ako para sa kanya. Kaysa naman mapunta sya sa kung kanino o kaya'y mapasamâ o mapariwara." paliwanag nito. Halo-halo na nun ang sipon at luha ko habang matiim na nakikinig.

Napakabait ng pamilya ni Tristan. Isang ideal family kung tutuusin. Lalo pa, tanggap ng mga ito ang pagsasama naming dalawa ni Tristan.

Sana, I can give Tristan all what he wants. Kung sana kaya kong ipagkaloob ang matagal na nitong hiling. Ang kulang sa pagsasama namin. Ang bubuo sa pagkalalaki nito. Ang magkaron ng anak. Ang mabigyan sya ng anak.
Sana.
At marami pang sana.

"Dy, happy new year po!" dumating si Tristan, finally, after ng kulang tatlumpung minuto. Matapos magmano sa ama ay isa-isang binati ang ang mga kapatid at ibang myembro ng pamilya.

"wow! Ang ganda ng toy ni bunso ah! Hehehe." pagkuwa'y baling nito sa pamangkin na naglalaro sa salas. "san galing yan?" sandaling nakipaglaro ito dito.

"biday tito yeyn!" nakangiting pagmamalaki ng bata sa tito nya.

Magkakaharap kami nun habang sumashot na beer.

"Tukz, happy new year!" nakangiti ito umupo sa arm rest ng kinauupuan ko at ginulo-gulo ang aking buhok. Pa-sweet lang.  "Anong makakain, kakagutom! hehehe" parang wala lang dito ang lahat.

"Tita Tabok, ipaghayin mo nga yang lalaking yan." utos ni ate Margie. "At ikaw tantan, bilisan mo ang pagkain dyan. Mag-uusap tayo!" may diing wika nito.

"Mande, hinay-hinay lang." paalala ni daddy sa anak na babae.

Ramdam ko na nasa likod ko ang simpatiya ng buong pamilya. Kung kaya ganun na lang ang pag-aalala ng mga ito sa akin.

Pagkatapos nitong kumain ay nakiumpok na rin ito sa amin. Tumabi pa ito sa akin.

"Uy, mukang masarap yang beer ah. Nagyeyelo" pakuwela nito pagkaupong-pagkaupo nito.

"hoooy lalakeng magaling, ano ba naman kalokohan tong pinaggagagawa mo." umpisa ni Ate Margie. "umayos ka ha. Nananahimik kami sa Quezon. Aayain mo kami ritong lumuwas. Para kamo sama-sama tayo. Tapos ngayon, ano? Maglalayas ka! Kung hindi ka pa pauuwiin parang wala ka na talagang balak umuwi ah!" parang baril na armalite ito sa pananalita. "tsaka, saang lupalop ka ba nandun? Hindi ka na nahiya kay daddy!" asik na pangaral nito sa nakababatang kapatid. "Umayos ka nga, hindi ka na bata!" hindi na mapigilang pagsasalita nito.

Sa buong pagsasalita ng ate nito at nakatungo lang itong nakikinig. Animo isang santo, na hindi makabasag plato. May kung anong kinukutkot sa daliri.

"tol, oh!" inabutan ito ni Kuya Marlou ng isang bote ng beer. "shumat ka muna, pampalamig." anito. "oh ayan, umpisahan mo na magpaliwanag." makatapos maubos ni Tristan ang isang bote ng beer. "san ka nga ba talaga kasi nanggaling?" pagkuwa'y tanong nito. Brotherly talk.

"Dyan lang kuya sa isang kaibigan." tugon nito.

"Sinabi mo kasi kay daddy paparating kana. Ayun tuloy, hindi maiwasang mag-alala. Alam mo namang paborito ka nyan, diba dy?! hehehe" it runs with the blood. Ang kani-kanina lang na mainit na atmosphere ay tila medyo na-lighten up dahil sa pagsabat nito sa usapan.

"Umayos ka nga dyan Marlou, aba'y wala naman akong mas pinapaboran sa inyo." agad na sawata ni daddy. "tan anak, bakit nga ba kailangan mo pang tawagan ka ng tawagan para umuwi lang. Aba'y hindi namin alam kung san ka nandun?" nagulat din ako sa biglang transition ng usapan. Akala ko si Kuya Marlou pa ang kausap ni daddy yun pala si Tristan na.

"Eh, dy, napasarap lang po ng kwentuhan. Pasensya napo" paghingi nito ng dispensa.

"oh, eh, nandito nama ang Tita Tabok mo kung kwentuhan din lang ang pakay mo. Aba'y namimiss ka na nyan kaya yan sumama dito." umugong ang maliit na bungis-ngisan. "andyan din ang pamangkin mo." dagdag pa nito.

"Gano mo naba katagal na kaibigan yan?" parang nasa interogation room lang ang peg ni daddy.

"Medyo matagal na rin po." tugon nito.

"Medyo matagal? Ibig sabihin ba nun, kanina? kahapon? o nung isang araw?" hala mukang attorney talaga. "Nung isang linggo? o makaraang buwan?"

"uhmm" hindi malaman kung ano ang itutugon nito. kakamot-kamot pa itong hindi mawari.

"Anak, medyo matagal mo lang kaibigan yan. Wala naman sana akong pakialam kung gano katagal na yan. Pero isa pa, sabi mo nga, malapit lang dito ang bahay niyan. Ibig sabihin, malaki ang posibilidad na parati kayong magkita." Ang haba ng rebuttal hahahah...

Lalong hindi na halos makatingin ng direcho si Tristan sa ama. Lumagok na lang uli ito ng beer.

"tantan anak, Kailan ka ba huling umuwi sa atin? Kailan ba tayo huling nagkita-kita, hindi ba, halos taon na ang nakaraan? Ganun ba kahalaga at kaimportante yang kaibigan mo na yan para ipagpalit mo kaming pamilya mo sa kanya?" booooooooooom!!! yun pala ang segue dun! the best ka dy! hehehe sagot Tristan, sagot!!!, hehehe gusto ko ng magtakip ng teynga sa magiging sagot ng nasasakdal.

"Sorry po" maigsing anas nito.

Yun laaaaaaaaaaang? Ganun lang? Ang haba-haba ng litanya ni daddy taz yun lang ang reaction nito? Sorry lang? What the eeeeffff..!!!!

"tol" paktay ka Tristan, hindi pa pala tapos ang paglalaba. Eto nama si kuya Marlou, siya yata ang magbabanlaw. Hehehe "Nung ipinagpaalam mo sa amin ang estado mo. Ang sitwasyon mo. Wala kang narinig na masama buhat sa amin. Ginusto mo yan. Walang sino mang pumilit sayo para pasukin yan." it runs with the blood talaga. May common denominator pa. Lahat seryoso hehehe. At mahabang maglitanya. "Payong kapatid tan, Kung may problema kayo, pag-usapan nyo." touch ako kay kuya. Sana kay kuya na lang ako. hahaha. Gwapo din naman talaga ito, medyo matured lang kasi medyo banat sa trabaho. Pero iba parin ang aura ng Tristan ko. Kahit saang anggulo, makalaglag panty. Hehehe. "Kung gaano mo kaayos pinasok ito upang lumusot, maayos mo rin sana itong labasan ng walang gusot" atsuwwws, at may ganun factor pa talaga itong nalalaman ha. Mula duon ay hindi ko napigilan ang pagbagsak ng luha. Pahiwatig ba ito? Signs of what? That our love story is about to end? huhuhu....huwag naman po sana, please....!!!!!

Sa haba ng pagkaka-hot seat nyang yun ay nanatiling tikom ang bibig ni Tristan. Hindi ko masabi kong ina-absorb ba nito lahat ang payo o binabale-wala. Hindi ko maapuhap ang nilalaman ng isip nito.

"Dy, alis po muna ako. Uwi po muna ako sa bahay." paalam ko kay daddy kinabukasan. Ibinigay ko pa rito ang sobre na naglalaman ng cash, pabuya dahil sa pagiging mahusay na tagalitis, hehehe. Kyeme lang. Sadyang nag-allocate ako ng cash para dito para sana kapag namasyal kami ng mall ay may panggastos sya if ever may magustuhang bilhin. 

Halos wala akong itinulog nung magdamag na yun. Sari-sari at kung ano-ano ang pumapasok sa kukote ko. Magdamag din akong lumuha ng tahimik.

Nagpaalam din ako kay ate Margie at ate Arlyn. Maaga kasi ang mga itong nagising. Andun naman si Tristan na tahimik na natutulog.

"Nag-usap na ba kayo?" tanong sa akin ni Ate Arlyn.

"Hindi po, uhmm, hindi pa po" sagot ko. Naiiyak na naman ako.

"Hayzzzz, batang yan uo!" disgusted nitong wika. "O sya, mag-iingat ka ha! magtext ka sa amin" tagubilin nito.

I almost have a perfect family in them. Sana hindi na lang kami umabot sa ganito. Bakit ba kasi kailangan ko pang pagdaanan itong ganitong sitwasyon. Sana puro na lang masaya. Sana wala na lang problema. Deep sigh.

Hindi muna ako umuwi sa pad namin ni Tristan. Gusto ko munang magpalamig. Ayoko munang mag-isip. Pumapangit na kasi ako sa kakaisip. Dahil sa problema. Ini-off ko rin muna ang fon ko. Ayoko ng istorbo. Isa pa, wala rin namang ni text message akong natatanggap mula kay Tristan.

"tukz" after ng ikatlong araw ay pinuntahan ako ni Tristan sa trabaho ko. Inabangan ako sa pag-uwi. Tatawid na sana ako ng kalye para makasakay ng pigilan ako nito.

"Sa bahay ka na umuwi. Namimiss ka na ng bahay naten. Wala na raw maingay!" nakangiting wika nito. The same smile that captured my inner me, a year ago.

Ganun lang yun? Ang kapal naman ng mukha nito. Matapos akong paluhain ng sandamakmak ay eto sya na parang walang nagyare! Matapos akong bale-walain ng ilang araw ay haharap sya sakin ngayon na tila wala syang pagkukulang?

Ngunit ang lahat ng yun ay sinarili ko lamang. Deep inside kasi, kinilig ako sa muli naming paghaharap at muling pkikipaglapit nito sa akin. Ang pagsuko nito upang kahit papaano'y magkaayos ay kagalakan na sa aking puso. Ngunit hindi ako basta nagpahalata kahit pa nga nagkukuhamog na tumbong ko. "Hayaan mo muna ako Tan, gusto ko munang mapag-isa." mahinahon kong pakiusap. Sinabayan ako nito sa paglalakad. Inagaw pa nito ang aking dalang bag upang bitbitin. (lakas makababae di ba! Hehehe)

"Ayaw mo na ba sakin? Di mo na ba ako mahal?" juice colored. If only this man knew. Kumapal ang eyebags ko dahil sa kanya. Lumuha ako ng gabalde dahil sa kakaisip dito. Halos dugo na nga ang iluha ko sa dalamhati dulot ng ilang araw na pagkakalayo.

"alam kong alam mo ang sagot ko dyan, Tristan." malumanay ko pa rin tugon.

"tukz, pag-usapan naman naten to oh, please!!!!" and that's the magic word. Yun lang ang matagal ko ng gustong marinig. Ang matagal ko ng gustong mangyari. Ang mag-usap kami. Upang masettle ang anumang gusot.

Sukat duon ay napahinuhod nya kong sumama muli pauwi sa bahay namin.

"tukz, I miss you" pagkasaradong pagkasarado ng pinto ay niyakap ako nito at inapuhap ang aking labi. "Tan, sandali. Hindi ako makahinga" pagsaway ko dito. Itinutulak ko itong palayo mula sa mahigpit na pagyakap nito sa akin. "sabi mo mag-uu........" hindi na nito pinatapos pa ang aking gustong sabihin. Alam na alam nito kung saan at kung pano matatagpuan ang kahinaan ko. Wala na akong magawa upang manlaban. Nanlambot na rin kasi ang aking tuhod sa kasabikan kong muli syang mahigpit na yakapin. Kung kaya naman ang pag-uusap namin ay nauwi sa ungol at halinghing ng kasabikan. Ang planong pag-uusap ay nauwi lang sa wala. Mali, hindi pala nauwe lang sa wala kundi nauwe ito sa matinding sagupaan. Ang muling pulo't gata. Dahil hindi ito tumigil hanggang hindi nito muling napapabagsak ang Bataan.

Humupa ang daluyong. Natapos ang unos. Ngunit heto ako, hindi alam ang iisipin. Ayaw gumana ng utak upang magdesisyon ng tama. Lumuluha habang muling pinagmamasdan ang tulog na katabi. Ang mukha na hindi ko pagsasawaang pagmasdan. Ang lalaking laging laman ng aking isip. Patuloy ang pagluha habang ninanamnam ang kakatapos lang na ligaya. Masaya nga ba ako? Hindi ko na alam.

Na-washed out lahat ang agam-agam nararamdaman. Bigla na lang nagvanish ang sakit na dulot ng ilang araw na hindi pagkakaunawaan.  Tinalo ng init ng katawan ang pagkadisgusto.

Alam kong walang mahika o salamangkang ginamit ang herodes na to upang matunaw ang lahat ng naipong pait sa puso ko. Ayokong isipin na irressistable charm nito ang naging sandata nito upang mapahinuhod ako. Iisa lang ang alam kong dahilan ...............................PAGMAMAHAL.

Ano pa nga ba ang saysay ng pag-uusap kung puso na ang nagdikta. Kung pagmamahal na ang naghari. Ngayon ko lubos na napatunayan ang galing ng lalaking ito. Bakit nga ba kailangan pang pag-usapan kung makukuha naman sa santong paspasan. Hayzzzzz...

And here's our second chance. Ano pa nga ba kasi ang magagawa mo kung puso na ang nangusap. Eh di, hands up!

Nanumbalik ang magandang samahan namin. Muling sumilay ang magandang ngiti sa aking mga labi at taginting ng tawanan sa apat na sulok na aming bahay. Nagkakulay na muli ang aking buhay. At mas lalo pang naging extra sweet sa isa't isa. The feeling of satisfaction is an understatement. Because I am.................DELIGHTED.

Nagsasabay pa kaming naliligo sa umaga bago pumasok. Dahilan upang magtagal kami sa loob ng banyo (hashtagged, syempre alam na! Obvious ba? Hehehe).

Tuwing uwian ay andyan sya pra sunduin ako mula sa trabaho. (babaeng-babae!!! Ganda ko pa nga di ba! Hehehe) Tatanggalin pa nito ang sapatos at medyas ko once we're home, while resting on the couch. Nakaready na rin ang pagkain sa hapag kapag tatawagin ako nito para kumain. Mas lalo itong hindi nagkulang sa pagpaparamdam ng pagmamahal, lalo pa sa pagdating sa kama. It was more than happiness.......................it was BLISS.

That is the same old Tristan that I once knew. The loveable and caring Tristan that I use to know..................the man that I love, my LIFE.

That was then. Sabi nga, "Life is unpredictable." Hindi mo alam kung kelan ka sasaya and you'll never knew kung kelan ka magiging malungkot, mamomroblema.

It was roughly four weeks after naming magkaayos ng muli kaming magkalamigan. The odd feeling started to cropped up, again. Hatinggabi na naman sya kung dumarating sa gabi. Hindi ko n na naman siya maapuhap. Hindi ko na naman sya matawagan. Nawawala na naman ang paalaman at unti-unti na namang nawawala pati ang pagpaparamdam.

Ang babae at ang anak nito. Yes, single mother ang hitad. FUCK...!!!

Ayokong isipin, pero mukang ginamit nito ang bata upang hulihin ang loob ni Tristan. I may be unfair, thinking that way. Pero yun ang kutob ko. Sabik kasi ang asawa ko sa bata. Sa anak.

Muli, nagbalik n naman ako sa dating gawi. Ang maghintay. Nilalamok sa terrace habang matagal na naghihintay sa pag-uwi ni Tristan. Araw-araw. Gabi-gabi.

Hindi na naman maipinta ang eyebags ko. Ang lungkot ko.

Upang labanan ang antok at pagkainip gayundin ang nagsasalimbayang mga lamok sa hatinggabi ay sumubok akong manigarilyo. Hithit-buga.....hithit-buga.

Sigarilyo na ang naging kaulayaw ko sa bawat mga gabing pag-iyak.... Nakakatulugan ko na ang matagal na paghihintay.

"Ang nabagsak na baso/bote,
hindi man tuluyang nabasag
mag-iiwan ng lamat at pitak.
Walang anumang pwedeng gawin upang maibalik pa sa dati.
Masusugatan ka lang kung pilit mo itong bubuuin."

Ganyan na nga yata ang estado ng relasyon namin ng tukmol ko. Mahirap ng maibalik sa dati. Imposible ng muling mabuo.

It was 14th day of February ng tuluyang gumuho ang mundo ko.

"ah, eh..... uhm. tukz" taranta nitong anas. Saktong palabas nako ng pinto ng bahay isang umaga upang pumasok ng magkasalubong kami. Papasok naman sya ng bahay. Nagkagulatan kami. Hindi siguro nito na-anticipate na nandun pako sa bahay ng ganung oras. Pano nga ba nito malalaman, eh wala na itong pakialam. Kaya wala syang idea sa pagbabago ng shift ng schedule ko.

".......arhm, ah, may....bisita pala ako." kandautal nyang wika. Hindi ko kaagad napansin ang kasunod nito.

"Si.........ahm, Angie pala." pakilala nito sa babaeng kasama. It's really very diffucult and painful to act normal that time. Para akong sinabugan ng bomba. Pinagsakluban ng langit at lupa. "Si Reign nga pala." pakilala nito sa akin. Tumingin lang ako dito. Hindi ko alam kung pano ko ia-appreciate ang presence ng mga ito.

The reaction on my face comes very late when I forced to paint a smile, pekeng ngiti sa labi. Nanatiling tikom ang aking labi.

"Ah, tukz, dito muna pala kami." hindi ito pagpapaalam upang humingi ng approval, it is was just meant to inform. Hindi ko alam kung pano ko na-compose ang sarili ko nung time na yun. Kung paano ako nag-give way para makatuloy sila sa loob ng bahay.

Huli na ng mag-sink in sa utak ko ang mga pangyayari. "Tan, sandali lang." hindi naman ako lumaki at pinalaking bastos ang ugali kaya sinenyasan ko syang lumapit para kausapin. "HINDI KAYO PWEDE SA KWARTO KO!!!!" mahina ngunit mariin at puno ng awtoridad kong deklarasyon. 

Hindi ko na hinintay kung ano man ang magiging reaction nya. Tuluyan na kong umalis. Sa pagtalikod ko pa lamang ay tuloy-tuloy na sa pagbalong ang luha ko. Hindi ko mapigilan. Hindi ko maitago. Kahit ng naglalakad nako. Kahit ng nasa sasakyan pa ako. Pakiramdam ko, wala na ako sa sarili ko.

Of all places, bakit sa bahay pa? Of all time, bakit February 14 pa? Ganun na ba kainsensitive ni Tristan? Tinakasan na ba ito ng respeto sa katawan para buong tapang na dalhin pa ang babaeng yun sa bahay namin? Ito lang ba ang igaganti nya sa dalawang taon naming pagsasama? Sobrang sakit. Napakasakit. Walang kasing sakit.

Hindi nako pumasok nung time na yun. Nagpaalam na lang akong masama ang pakiramdam. The hell I care, anuman ang isipin nila. "masama ang pakiramdam kasi Valentines day" I overheard upon ending the call. Perhaps, that would they conclude. So what!

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na napadpad sa bahay nila Kuya Marlou. Asawa na lang nitong si Ate Arlyn ang naabutan ko. Umiyak ako sa balikat niya. Duon ko lang naibuhos ang matagal-tagal na ring kimkim na sama ng loob sa kapatid ng asawa niya. Lahat lahat. Kay Ate Arlyn lang ako nakatagpo ng karamay.

Hindi bias si Ate Arlyn. Hindi ito basta-basta kumakampi. Kahit pa nga mas ang kaugnayan nito kay Tristan. Hindi rin basta ito nagco-conclude. Gusto niyang two sides of the story ang marinig nito bago mag come up into anything that best suits.

"Reign, andito kami ng Ate Arlyn mo sa pad nyo. Asan ka?" past seven ng gabi na yun ng matanggap ko ang text ni kuya Marlou.

Pagkagaling ko kasi sa bahay nila ay nagliwaliw na lang ako kung saan ako dalhin ng paa ko. Kasi nga hindi na ako pumasok. Hindi ko rin naman alam kung saan ako pupunta. At ayoko rin namang umuwing pabalik ng pad. Anong gagawin ko run? Scorer? Umpire? Hayzzzzzzz... !!!!

Samu't sari ang pumapasok sa isip ko ng maghapon na yun. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko. Parang masisiraan ako ng ulo.

"Reign uwi ka na, shot tayo. Dito tayo magcelebrate ng Hearts Day hehehe!" si kuya Marlou ulit.

"Sige po kuya, pahantay lang po ako saglit. Pauwi napo ako dyan." ngayon ko muli kailangan ng masasandigan. Ng makakausap. Dahil baka kapag sinarili ko ito ay tuluyang masiraan ako ng ulo.

Nagtaxi nako upang mabilis akong makauwi. Nakakahiya naman kasi kung paghihintayin ko sila ng matagal.

Nagulat ako sa aking nadatnan. Sumasal ang tibok ng aking dibdib. Mukang may komprontasyon na magaganap. Kinabahan akong bigla.

Mukang nag-uumpisa na nga silang shumat dahil may mga basyo na ng bote sa isang tabi. Si Kuya Marlou, si Ate Arlyn at si Tristan.

"Oh Reign, ikaw na pala yan. Ambilis ah! hehehe" si Ate Arlyn.

"Kakahiya kaya sa inyo kung paghihintayin ko kayo ng matagal. hehehe." pilit na tawang tugon ko. Hindi ko na pinag-abalahang pansinin si Tristan na nakaupo paharap sa kuya niya.

"Hiya-hiya ka pa dyan. Dagukan kaya kita. Ok lang naman magtagal ka kung may roasted chicken kang dala, hahaha" alam kong bukal sa loob ko ang pagtawa ko nung time na yun. Iba kasi talaga to si kuya. He knows when to inject something to ease the tension in the air.

May idea nakong alam na nito ang pinagdadaanan ko. Hindi naman kasi ito mapapadpad sa amin ng basta-basta ng walang dahilan. At himala, nabitbit pa nila si Tristan. Eh, halos araw-araw na yatang hindi ko namamalayan kung anong oras umuuwi yun at kung anong oras umaalis. Despite the animosity, andun parin ang kakengkuyan ni kuya. Pilit nila-lighten up ang mood.

"hahahah, wala naman problema kuya. Sandali papasuyo ako kay Tano." ito yung runner namin sa compound. Parati kasing nakatambay. Basta abutan mo lang ng pangyosi, ok na.

"Oh, siya kumain kana muna dyan. Bago ka humarap dito. May pagkain dyan, dala ng kuya mo" si ate arlyn.

"Ok lang ate. Busog pa naman ako" hindi man lang yata ako naramdam ng gutom kahit maghapon akong hindi pa kumakain.

"Busog-busog ka pa dyan. Bilisan mo na, wag ka ng pa-choosy pa. Kumain kana. Walang ibang kakain nyan. Magtatampo ako kapag napanis lang yan. Ako pa naman ang nagluto nyan." the concern in kuya's words is heart-warming. Sobrang nakaka-touched lang.

"Kain po tayo!" anyaya ko sa lahat. Parang dun ko lang naramdaman ang gutom pagkakita ko sa pagkain. Hayzzzzzzzz. Iba talaga ang nagagawa ng problema. Pwede mo pang gamiting slimming regimen, hehehe.

Bago pa ako naupo sa harap nila ay nagpabili pa muli ulit ako ng isa pang case. Hindi ko na inisip kong kaya ba naming ubusin ito o hindi. Tutal, mukang mahaba-haba ang magiging usapan, mabuti na yung maraming stocks. Pagkuwa'y nagsindi ako ng sigarilyo.

"wow! Tol 50 tayo!!!"  alam kong nanibago sila sa paninigarilyo ko lalo na ang mag-asawa. Ewan ko lang kay Tristan. Baka nga inisip pa nito na nagdadala pako ng lalake sa bahay dahil sa upos ng sigarilyong naiwan ko.

"hehehe, bagong katropa lang kuya. Alam mo na, nakakainip ang mag-isa." pasaring ko. Pero hindi na nito pinatulan ang patutsada ko. Hinarap na lang namin ang alak.

Sa umpisa na pagharap ko sa kanila ay napaka-cool pa. Bumabangka  ang mag-asawa kaya naman may tawanan at kulitan. Kahit papano, sumasabay rin ako. Kahit malalim pa ang pinagdadaanan ko. Ayoko kasing maging kj.

Ilang sandali pa ang nakalipas ng unti-unting naging seryoso ang usapan. Dahil nauna ang mga itong uminom, kapansin-pansin na ang talas ng dila ni kuya Marlou. May tama na.

"Ano ba talaga ang plano mo tantan?" pagkuwa'y tanong nito sa kapatid.

"ahm, tungkol ba saan, kuya?" hindi ko alam kung nagkukunyari itong walang idea tungkol sa tinutumbok ng kapatid o gusto lang talaga nitong huwag panghimasukan. "uhm, wala naman akong nakikitang problema. Maayos naman ang lahat kuya."

"Sa tingin mo, maayos talaga?" parang may naamoy akong something.

"bakit may problema ba? Reign, wala namang problema di ba?" baling nito sa akin. Nakuha pa talaga akong kutsabahin nito. Eh, sya nga ang puno't dulo ng lahat.

"tantan, makikisingit na nga ako ha. Huwag nyong dalawang mamasamain ang pagpunta namin dito. Gusto lang naming makatulong." si Ate Arlyn.

"tulong? Ate, para saan? tulong saan?" iritadong wika ni Tristan. Mukang ayaw talaga nitong mapakialaman.

"para magkaharap at makapag-usap kayong dalawa. I-settle ang dapat ayusin." tugon nito.

"Tristan, sinabihan na kita dati pa. Iayos mo ang buhay na pinasok mo. Kung may gusto kayong mangyari, pag-usapan nyong dalawa. Hindi nyo alam may nasasagasaan na pala kayo. Hindi maganda ang may naagrabyado." mahabang pahayag ng kuya nya.

Sa namamagitang usapan ay nanatili akong nakapinid ang bibig. Isa lang akong tagapakinig.

"Ano ba kasing problema? Putakte naman oh! tukz! ano ba?!" iritated na ito. "di ba ok naman tayo?!!!"

Duon, hindi na ako nakapagtimpi pa. Binasag ko na ang aking katahimikan. "Tan, oo, ok tayo. Nuon. Pero tan, Hindi na ngayon." nagsimula na akong mag-outburst ng nararamdaman. "Ok tayo nuon, nuong wala pa tayong itinatago sa isa't isa. Ng ang panahon natin ay umiikot lang sa ating dalawa. Nang wala pang nakakasingit sa aying pagsasama. Oo tan, Ok tayo nuon, nuong hindi pa ako nasasaktan." maluluha-luhang litanya ko. Ang bigat ng scene ko dito. Pang OSCARS, hahaha.

"Umasa akong tuluyang magiging ok na muli tayo ng bigyan ko ng second chance ang relasyon natin. Nilunok ko ang pride ko. Pikit matang binalewala ang mga sakit na dinanas ko. Pero Tan, nakakapagod! Para na akong masisiraan ng bait" nag-uunahan na sa pag-agos ang luha ko sa magkabilang pisngi.

"aysus, ano bang drama to? Mali yata ako ng napasukan ko ah, hahahah." disgustong pagputol sa pagsasalita ko.

"Kailangan mo pa ba talagang harap-harapang ipamukha sa akin ang aking kakulangan? Kailangan bang dalhin mo pa dito sa pamamahay natin ang babae mo?" i let it all out. (Let it go, let it go!) And cry.

"anak ng!!!!! Ano pa bang problema mo? Dito parin naman ako umuuwi ah!" medyo hyper na ang tensyong namamagitan.

"Tristan, ayusin mo ang boses mo! Nakakahiya sa kapitbahay." paalala ng kuya sa kapatid.

"Oo, tan! Nakalimutan ko. Dito ka pa nga rin pala umuuwi. Nakalimutan ko na kasi. Nakikita ko na lang kasi ay ang pinagbihisan mo. Ang underwear mo sa banyo. Ang pinagkainan mo sa lababo!" humihikbi nako.

"Eh, mukang katulong yata ang kailangan mo eh, sana sinabi mo kagad! Ganyan ba ang sinasabi mong walang problema? ha" si kuya Marlou mukang loaded na.

"Wala ng patutunguhan tong pag-uusap na to. Napaka-drama nyo!!!" akma itong  aalis, pagkatayung-pagkatayo.

Pinigilan ito ng kapatid. "Tapusin nyo kung ano ang dapat tapusin Tristan. Mag-usap kayo. Hindi ganyang kung saan ka na naman pupunta ng wala pa kayong matinong napagkakasunduan!" ma-awtoridad na turan ng kuya.

"Punyeta naman! Huwag na nga kasi kayong nakikialam!!!" pabalang na sagot nito.

"Anong sinabi mo? Pakiulit nga ng sinabi mo, ha?!" gigil na lapit ni kuya kay Tristan.

"Marlou!" si Ate Arlyn, umaalalay sa medyo pikon na asawa.

"PAKIULIT NGA!!!" sikmat nito sa kapatid. Kinuwelyuhan nito si Tristan.

Nang hindi natinag ay isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Kuya Marlou sa panga ni Tristan. Duon na ako nahintakutan.

"Marlou, ano ba! huminahon ka! Mag-usap lang kayo! Hindi nyo kailangan magkasakitan!" nakapagitna na si Ate Arlyn sa magkapatid. Nakita ko ang pagka-paling ng mukha ni Tristan. Ininda nito ang pagtama ng kamao ng kapatid.

"Bastos yan eh! Hindi na kumikilala ng kung sino ang kaharap!" paasik na duro nito. "Ganyan ka na ba ngayon ha?!!" muntik-muntikan na namang makahulagpos ito pagkakayakap ng asawa. Mabuti na lang naagapan kundi sapul na naman ang mukha ni Tristan sa suntok na pinakawalan. Pumagitna na rin ako upang humarang.

"Marlou, ano ba!!!! Sinabi ng tama na eh!!!" sigaw na rin ni Ate Arlyn habang mahigpit na nakayakap sa asawa. Umiiyak na rin to. "Kuya Marlou tama na po" awat ko dito. "Tan, please! Lumayo ka muna. Sige na." pakiusap ko dito.

"Ganyan ka ba pinalaki nila daddy, ha?!!!!" gustong kumawala pa nito sa pagkakapigil ni Ate Arlyn at gusto pang malapitang muli ang kapatid. "Bunso, ganyan ka na ba kung managot ngayon, ha?!!!" patuloy na panunumbat nito. "Wala ka ng respeto.!" upset na upset ito pero buo pa rin ang kamao.

"Kuya Marlou, tama na po, please!!!" pigil ko sa pagwawala nito. Dalawa na kami ni Ate Arlyn na nakapagitna. "Tama na. Nakakahiya napo sa kapitbahay. Itigil na po natin to." pakiusap ko dito. Dun lang medyo kumalma ang lahat.

"Siguro nga, Tama si Tristan, wala na rin sigurong patutunguhan ang pag-uusap na to. At wala na rin kabuluhan at pagsasama namin. Mahirap naman pong pilitin na ipagsiksikan ang sarili ko. Baka lalo lamang pong lumalala at mas lalo lamang magkasakitan." litanya ko habang unti-unti ng pumapatak ang luha ko.

"Kung saan po sya mas sasaya, handa po akong magparaya. Ako na lang po ang lalayo"  humihikbing deklarasyon ko. Abot-abot ang pag-uunahan ng luha sa pisngi ko.

Hindi nako nag-abalang tingnan ang magiging reaction ni Tristan. Baka lalo lang akong masaktan kapag nakita ko ang pagsilay ng relief at triumph sa mukha nito, kung sakali.

"Pasensya napo kayo. Nadamay pa po tuloy kayo sa gulo namin. I'm sorry." pagkuwa'y paghingi ko ng dispensa.

Hindi ko alam kung saan nagpalipas ng magdamag si Tristan ng gabing yun. Umalis din kasi ito pagkaalis ng kapatid. Wala ako halos naitulog nun. Nag-iisip. Naghihintay ng pagdating ni Tristan upang makipag-usap, for the last time. Pero walang Tristan n umuwi.

Sa gitna ng magulong pag-iisip ay nakabuo ako ng desisyon.

Matapos kong iwan sa ibabaw ng kama ang isang liham na puno ng pasasalamat at pagpaparaya.

-0-

script mula sa liham;

tukz,

..........salamat sa dalawang taon ng saya na ating pinagsamahan, dalawang taon ng malulutong na tawanan bunga ng pagmamahalang ating pinagsaluhan.

..........siguro nga, all good things must come to an end. Handa na akong ipagkaloob sayo ang iyong kalayaan. Kung ito ay makapagbibigay sayo ng tuwirang kaligayahan.

..........hindi ko kayang ikulong ka sa apat na sulok ng aking pagmamahal at makita ang iyong pagkabalisa at kalungkutan. Tama naman talaga, hindi ko maibibigay sayo ang katuparan ng lahat ng iyong mga pangarap. Hindi ito mapupunan ng pagmamahal ko lamang gaano ko man kagustong lahat-lahat ay maipagkaloob sayo. Hindi kita sisisihin at huhusgahan. Dahil kahit papano, naging ito ako ngayon dahil sayo.

..........masakit para sa akin na sa ganitong paraan tayo magtatapos. Magkagayun man, tandaan mo, MAHAL NA MAHAL pa rin kita. At patuloy pang mamahalin.....

..........pinapalaya na kita tukz. Maraming Salamat!

still loving you tukz,

reign

-0-

Isinilid ko ang lahat ng gamit ko sa bag habang patuloy ang paglandas ng masaganang luha. Inimpake ko lahat pati yung paborito naming comforter at dalawang unan, alaala ng walang hanggang naming pagmamahalan at piping saksi ng aming mga gabing pinagsaluhan.  Kumuha pa ako ng tiga-tigisang damit ni Tristan. T-shirt, sando, shorts at briefs. Kahit papano, gusto ko paring alalahanin sa pamamagitan man lang ng mga iyon ang alaala ng lalaking minahal. Ng dalawang taong nakasama.

Mabigat man sa loob, masakit man sa dibdib, ay kailangan ko itong gawin. Para sa katahimikan ng lahat.

Alam kong ito ang tama ...................at marapat kong gawin.

Kaysa patuloy kong piliting buuin ang pira-pirasong bubog. Kaysa patuloy na masaktan. Kaysa patuloy na umasa.

-0-

Eto ang relasyong ipinagpalit ko sa relasyon namin ni Iza. Ang ang landas na mas matimbang kong pinili upang tahakin.

Masakit ang ipagpalit. Walang kasing-sakit ang maiwan. Ganito pala yun.

Mabuti na lang, kahit papano ay naging matapang akong harapin ang kahinaan ko. Bago pa man ako tuluyuang magkasala kay Iza..................HINDI TULAD NI TRISTAN. 

-0-

Nagrequest akong mapalipat ng work assignment sa kumpanyang aking pinagtatrabahuhan. Hindi ako makakapagconcentrate kung mananatili akong sinusundan ng alaala ng bawat lugar na naging bahagi ng pagsasama namin ni Tristan. Nagpalit din ako ng simcard upang maputol ng tuluyan ang communication namin sa isa't isa. Ininform ko na lang ang lahat about my new contact number. Maliban kay Tristan.

Nagdalawang-isip pa ko na ibigay kay Ate Arlyn ang bgo kong number. Ngunit sa huli ay napasya akong ibigay. Naging mabuti naman kasi ang mga ito sa akin. Pinakiusapan ko na lang  si Ate Arlyn na huwag ibibigay kay Tristan ang bago kong number, no matter what.  Which I doubt kung mag-aaksaya pa ito ng panahon na kontakin ako. (hopeful ka pa teh???!!!) Baka-sakali lang, hehehe.

Muli akong bumangon. Pilit na binuong muli ang nagkawasak-wasak kong pagkatao. Ipinokus ang sarili sa trabaho. Nagpaka-busy.

Ngunit kahit anong gawin ko, may mga sandali pa ring bigla na lang akong mananahimik at mapapaluha. Ang mga masasayang pinagsamahan namin ni Tristan ay bigla na lang magpapaalala. Hayzzzzz....its kinda tormenting, it's torturing!

"anak, nagpunta dito ang mga ka-batch mo nung high school" text message ng nanay ko. "may imbitasyong iniwan para daw sa gaganaping alumni homecoming, reunion baga." pag-iinform nito.

"ganun po ba?" hindi ko alam kung maeexcite ba ako or what. "kailan da po ba yun?" pagkuwa'y tanong ko.

"sa ikalawang sabado na darating." matagal-tagal pa naman pala. "ipinagbayad na rin kita ng contribution. At nagbigay na rin ako ng pambayad sa uniform na isusuot nyo sa grand parade" halaka, hindi pa man ako nagkukunfirm, heto sila at mukang mas excited pa sakin. Hayzzzzz....

"mag-leave ka na lang sa trabaho mo kung kinakailangan para hindi ka magahol sa panahon." ano daaaaw? Mag-leave para hindi magahol? Hahaha. Babae ba ko? Mangangailangan pa ba ko ng gown na isusuot? O magpapa-make up ng sangkatutak? Para mangailangan ng matagal na panahon? Reunion lang yun, hindi santa cruzan. Hahaha. Tsk tsk tsk....

Upang kahit papano ay maibsan ang lungkot na nadarama nag-deviate ako mula sa aking mga routines, bahay-trabaho, trabaho-bahay.

I started to live free and celebrate life. Ayokong patuloy na igupo ng kalungkutan. Bakit nga ba ako magsasayang ng panahon? Bakit ko nga ba paiikutin ang buhay ko sa iisang tao? Anyway, I'm still young and bubbly. And still delectable and yummy, hahaha.....

Natagpuan ko ang sarili ko sa iba't ibang kandungan ng lalaki (my age or younger, matured but not bald and old). Sa magkakaibang hotel at motel. Maging sa mga lodging inn. I became on top of it all. And I never paid for it. Even a single cent. One after the other, discreetly.

You want me? Come on, go get me!

Trip kita? Titikman kita! ........ whatever it takes. THAT BECAME MY RULE.

I have mastered the art of sex. All, is just for fun, pure fun. No strings attached. No hearts involved. "NEXT PLEASE......!!!!" ganito ako ngayon.

To my hearts content, naging parang bubuyog akong dumadapo sa iba't ibang bulaklak at puno. Ilan na nga ba sila? I lost my counts. Sino-sino na nga ba ang mga yun?.........Hindi ko na matandaan, hahahah. THIS IS ME, NOW.

Amidst the clamour for men, hindi ko kailanman nakalimutan ang proteksyon. Ang ingatan ang sarili ko.  Kahit papano, takot akong magkasakit. I still value my dignity.

Dignity...........?????!!!!! Meron pa ba ako nun? Hahahaha patawa, kalbo ka teh?!!!


"nak, asan ka na? Mag-uumpisa na ang grand parade." text message from my nanay. "andun na rin ang mga ka-batch mo." pag-inform nito.

10 years na pala ang matulin na lumipas. Kumusta na nga kaya ang mga naging mga ka-klase at batchmates ko nung high school. Ang mga naging tropa kong nerdy-like achievers. Ang mga dating pindangga at uhugin, social climber, hehehe. Kamusta na si Noel, kamusta na si Ric.

Hindi naman kasi ako pala-uwi. Kahit pa nga ang Manila to Laguna ay halos kulang lang ang dalawang oras para lakbayin. Kahit gaano pa ka-especial ang okasyon, I seldom did. Kung uuwi man ako, balikan din. Isang araw lang. Marahil by now, alam nyo na ang rason for that. Syempre, because of my being me, bakla. Ayokong mapugutan ng ulo ng tatay ko. Hayzzzzz....

At hindi rin naman ako nag-aabalang maki-balita. Hindi naman ako magkakapera dun. Hehehe. Chicka!

"sus, batang ito oo." feeling relieved si nanay sa pagdating ko. "Aba eh, makailang beses ng nagpabalik-balik ang mga classmates mo dito. Maya't-maya kang hanap." di magkandatuto sa pagkwento at pag-asikaso nito sa akin.

"nay, pakainin mo muna kaya ako bago mo ituloy ang kwento mo." pakli ko rito. Mukang wala kasi itong planong huminto sa kakakwento. "gutom na gutom kaya ako, mamaya kayo na ang kainin ko sobrang gutom ko, hehehe" namiss ko din naman ang mga to kahit papano.

"oh, eh, bakit ka pa dito kakain. Maraming pagkain duon." sa school ang tinutukoy nito. Aba, pinagdamutan pako.

Late na kasi nang napagdesisyunan kong umuwi. Maybe, I need this to unwind. To freed myself and relax from all the depression and anxieties of life. Kaya medyo papadilim na ng dumating ako.

"Reign?" paninigurado ni Shiela. Ito ang nakatoka as usher ng batch namin sa may main gate ng school. Ng ngitian ko ito ay halos magkanda-tumbling ito sa galak. "uy friend, kaw muna bahala dito sa logbook namin ha. Assist ko muna si Reign. Samahan ko muna sa room namin." kinikilig na pakisuyo nito sa katabing usherette. Pagkatapos kong lumagda ay mabilis pa ako nitong in-escort-an. Baligtad yata, hahaha. Umabrisyete at iginya papuntang event building.

"kailangan pa ba talagang samahan mo ako sa assigned room natin? Pwede mo namang sabihin kung saan, mukha namang wala masyadong pagbabago, so madali ko na itong matagpuan." mahabang tanong ko dito. Hindi sa ayoko ng ginagawa nito. Ayoko lang kasi itong abalahin pa.

"No, no, no, nooooohhhhhh!!! Walang problema classmate." eksaheradang bulalas nito. "kailangan may partner ka pagpunta mo run. Mahirap na baka kung sino pang makadagit sayo dito, hihihihi. Ang gwapo mo kaya!" tatawa-tawang usal nito.

Napapailing na lang ako. Akala mo teenager. Hayzzzztttt........ Hindi naman nakamamatay ang kagwapuhan ko. Pero, Maka-arte ito, wagas! Eh, simple lang naman talaga ang kagwapuhan ko. Ubod lang naman ako ng gwapo. Hahhhaha....!!! (ang kumontra bangas! Hehehe)

3 na pala ang anak ni Shiela. Kaya naman pala lumobo ang katawan nito. At ang pagiging housewife ang trabaho nito. That's why. A typical probinsyana.

"Classmates!!!!" sigaw nitong pag-agaw ng atensyon pagkatayo nito sa pinto ng classroom. Pinagilid muna ako nito sa may partition para kumubli. May ganun pa talagang eksena?!!! "Presenting, ang bago kong boyfriend, Reeeeeeeign...!!!" eksaheradang babae. Baklang bakla ampoootah. Sabay hatak sa akin upang halos ipagtulakang papasok.

Sumalubong sakin ay masigabong palakpakan. Exaggs!!! Miss Universe titlist ba ako teh?!!....

"Hoooooy, pakanin nyo muna yan bago nyo pa-shot-in." over-protective gf ang peg ni Shiela, hehehe.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko that time. Marami naman yung tao sa loob ng room, pero parang walang rumerehistrong anyo ng mukha ni isa sa balintataw ko. Parang may mali. Para kasing may kulang. Parang..... Ewan! Bahala na nga. Hindi ko madescribe yung feeling.

Sandali akong naupo sa armrest ng isang stool ng mapagod sa ginawang pakikipagkamay sa bawat isang naroon. May iba, hindi gaanong nagbago. Same features pa rin. May iba namang totally transformed. Because of maturity and hard work, perhaps.

"Mabuti naman naka-attend ka." isang boses mula sa likuran ang aking narinig. Habang isang platong puno ng pagkain ang pilit iniaabot sa akin. Parang kilala ko ang boses. Pero baka naman nagkakamali lang ako. Pero sa isip ko, hindi ako maaring magkamali.

Sabay ng pag-abot ko sa pagkain ay nilingon ko ang nagmamay-ari ng boses at ang kamay ng mabait na nag-abalang ikuha ako ng pagkain.

Boom booorooom
boom, booorooom
boom, booorooom booom base!!! Supaaaaaaaaaaaah base. Hehehe.

Ang pilat sa likod ng palad! Isang mahabang pilat. Pilat na sanhi ng pagkasugat ng cutterknife.

Second year kami nun.

Pinakialaman kasi nito ang ginagawa kong project. Sa kagustuhan tulungan daw ako, aniya. Ngunit hindi ako sumang-ayon sa offer na tulong nito. Kasi nga ayokong maging attached sa mga tao. Sa mga lalake. Lalo na sa kanya.

Kaya tahasan kong inagaw mula sa kanya ang gamit. Ngunit persistent syang tulungan ako.

Sa pakikipag-aagawan ko ay aksidente kong mapuwersang maibaligtad ang cutterblade  paturo sa kamay nito, ayun nasugatan tuloy ito.

Takot na takot ako nung time na yun. Lalo pa't bumubulwak ang masaganang dugo mula dito. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kabadong-kabado. Isa pa, baka makarating pa sa teacher namin na ako ang dahilan ng pagkasugat nito.

Ngunit ng matapos itong malapatan ng lunas at ma-ampat ang pagdurugo, ay walang isyu na konektado ako ang lumabas sa kwento. Sinarili nito ang pagkakamali. I do not know exactly why, but I was relieved.

Hindi nga ako nagkamali. It's Ricardo.

"ikaw pala" hindi ko alam kung bakit biglang sumasal ang aking dibdib. "Salamat!" tipid kong pahayag dito.

"kamusta" humatak pa ito ng isang stool at umupo sa armrest nito upang magkaharap kami.

"eto, ayos naman. Medyo busy." I manage to act normal kahit sumasasal ang dibdib ko.

"kaya pala matagal ka rin naming hindi nakita. Akala nga namin nag-abroad ka eh, hehehe." patuloy ito sa paghabi ng paksa upang may mapag-usapan.

"Hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo. Kumain ka kaya muna. Para may laban ka mamaya, hehehe." pagkuwa'y turan nito.

"ha?!!" gulat at naguguluhan kong reaction.

"Mukhang hindi ka kasi pakakawalan ng mga yan na hindi gumagapang sa kalasingan, hehehe." paliwanag nito.

"Ahh" kinabahan ako dun ah. "Aaaahhhhhhhhh..!!" yun pala yun. Kala ko naman kung ano na. Asssumptionistaaahhh...!!! Hahahah. Holyshit.

Halos loaded na ang lahat ng maubos ang karagdagang apat na kahong beer na pinabili ko. May makukulit na. May mahaharot din. May nagsasayawan at ang iba'y nagkakantahan. Yung iba, bagsak na.

Sa duration ng pakikipag-get together ay hindi nawala sa tabi ko si Ric. Nagkukwento, nag-aabot ng pulutan, umaalalay.

Siguro ganun lang talaga ang tao kapag matagal na hindi nagkita at nagkamustahan. Ang kaibahan nga lang, which I find eerie, is that dalawa kaming parehong lalaki. At ako lang ang inaasikaso at inaalalayan nya ng ganun.

That's why, I started to feel odd. 

Mula sa loud speaker ng sound system ay nag-announce ang MC na mag-gather ang lahat sa main activity hall. Uumpisahan na kasi ng alumni officers ang pagfacilitate ng inihandang parlor games at iba pang activities included in the program proper.

"Guys, classmates, mauna nako sa inyo." ayoko na kasing saksihan at makisali sa anumang laro kaya nagpaalam na ako. "May pasok pa kasi ako mamaya eh." alibi ko.

Yung iba, nagpasyang magpunta sa activity area.

"Ang sipag mo naman, baka naman yumaman kang masyado nyan, hehehe." si Ric pala. Kasunod ko pala ito.

"Mas gugustuhin ko nang magpakayaman kesa naman magpakahirap." hindi ko alam kung bakit ganun ang nasabi ko. The mere fact that he's just trying to be friendly.

"Ikaw nga yan, Reign." tugon nito. "Hindi ka pa rin pala nagbabago." hindi ko mabigyan ng tamang description ang facial reaction nito. It maybe anger. It may be humiliated. That I do not know. But I didn't bother myself much, to focus on him and analyze his feelings. "The same old Reign that I knew. Matapang."patuloy nito. "That I miss!" the last statement is declarative.  a prejudice yet inimical.

"??!!!!" sukat duon ay biglang baling ko dito without uttering a single word. Disbelief.

"Ihahatid na kita." nagbago bigla ang tono nito.

"Hindi na, kaya ko ang sarili ko." maagap na tugon ko dito. How dare this guy. Anong akala nya sa akin, bata? Paralisado?

"May motor ako sa labas ng gate. Iaangkas na kita." mahinahon na pahayag nito.

"No, thank you" tuwirang sagot ko dito. "Magco-commute na lang ako." ayoko na rin kasing abalahin sa bahay para magpasundo. Baka kung ano-ano na namang ka-eksaheradang pagtatanungin pa sakin ng nanay o tatay ko.

"Huwag ka ng tumanggi pa." sawata nito sa di ko pagtanggap sa pagmamagandang loob nito. "Mahihirapan ka lang makasakay. Madaling-araw na." buo pa rin ang loob nito. Mukang walang balak sumuko.

"Bakit ba ang kulit mo?" pinagtaasan ko na ito ng boses. "Sinabi kong ayoko di ba! Ano bang problema mo, ha?!!" pagtataray ko na dito.

"Ano ba kasi ang masama sa paghahatid ko sayo?" mabuti na lang medyo malayo-layo na kami sa tao nung time na yun. Unti-unti na rin tumataas ang tono nito. "Ang hirap sayo ikaw na ang gustong tulungan, ikaw pa ang may ganang magalit." may diing turan nito.

"Walang masama sa inaalok mo. Ang masama yung kinukulit ako!" madiin kong wika dito. "Kapag sinabi kong ayoko, ayoko!" palatak ko. "At isa pa, hindi ako lumpo o imbalido, Ric.  At hindi rin ako babae para magpahatid pa!" wrong choice of phrase. Nakahanap tuloy ito ng butas.

"Tama ka, hindi ka nga babae pero alam mo, kung maka-asta ka daig mo pa ang babae!" hindi man pasigaw pero puno ng diing bigkas nito. Halos magkalapit na kami ng mukha nun.

"Oh, baka naman natatakot ka lang." patuya nito. Parang nakikinita ko ang pag-ngisi nito.

"wala akong pakialam kung ano ang iniisip mo!" madiin ko ring turan. Ayokong panghinaan ng loob. "kaya pwede ba, tigilan mo na ako!" giit ko rito.

"Takot ka lang sa sarili mong multo. Kaya ang mga taong gustong makipaglapit sayo, iniitsa-pwera mo!" pagdidiin nito. "Alam mo Reign, naawa ako sayo. Kasi akala ko matapang ka. Pero ang totoo duwag ka. Hindi mo kayang magpakatotoo!" it was disgust rather than insult.

"Fuck you! Wala kang karapatang husgahan ako.!" hindi ko na mapigilan ang sarili ko. "Get lost!" palatak ko.

"Ok fine!" pagsuko nito. "Pero tandaan mo, hindi ka kelanman magiging masaya.!" sukat dun ay mabilis na ini-start nito ang makina ng motor nito at mabilis na binirit palayo.

"Ang kapal ng mukha mo, gago!"
"damn you!!"
Hindi ko na naibulalas ang lahat ng iyon. Napaiyak na lang ako. Nagkukot ang kalooban.

"ang totoo duwag ka
"ang totoo duwag ka
"ang totoo duwag ka. Paulit-ulit. Umuukilkil sa aking kamalayan. Sinusundot ang aking pagkatao. Fine, tama si Ric. Eh, ano ngayon? Hindi naman sya ang nagsa-suffer. Hindi naman sya ang nahihirapan. Fuck him.

Inabot nako ng kung ilang minuto sa paghihintay ng masasakyan. Nakalimutan kong probinsya nga pala ito hindi syudad. At wala ako sa Maynila. Kaya hindi 24 hours ang sasakyan.

Gustong-gusto ko ng magpahinga. Nakakapagod ang maghapon lalo na ang mga nagyari. Shit. Badtrip.

Ng biglang sumasadsad ang isang motor sa harap ko. Sa sobrang bilis ay hindi ko kagad namukhaan kung sino ang lulan.

"gago! Kung plano mong magpakamatay, huwag moko idamay! T- - - I- - M- !!!!!" sigaw ko dito.

"Ano? kusa ka bang aangkas o bubuhatin kitag pasakay dito?" ang walanghiyang Ric bumalik.

Hindi ako kumibo. Wala akong pakialam kung maghintay sya.

"isa" may diin na pagbibigay ng ultimatum nito.

Kinakabahan man ay nagtigas-tigasan pa rin ako.

"dalawa" pinatay na nito ang sasakyan at akmang bababa na mula rito.

"tarantando, gago!" pagmumura ko dito. "Oo na!" ayoko namang magmukha kaming ewan kapag pwersahan niya kong isakay noh. Ano na lang sasabihin nag mga makakakita. "bwisit!"

"humawak kang mabuti. Baka maging kasalanan ko pa kung mahulog at magkalasug-lasug ka" alam kong nakangiti ito. Ngiti ng tagumpay.

Hindi ako nagpatinag sa tinuran nito. Sukat duon ay inarangkada nito ang motor ng hindi tumatakbo at biglang sinagad ang break. Halos matapon ang buong katawan ko sa likuran nya. Dahilan para mapakapit ako ng mahigpit.

"susunod din pala, ang dami pang arte!"  bwisit talaga ang gagong to! Sa loob-loob ko. Sa himig nito ay alam mong nagdiriwang ito. Ang aswang na hudyong to! Grrrrrrrrrrrrrrrrr....!!! Unggoy!!! Kukot ng kalooban ko.

"higpitan sabi ang hawak eh!" lingon nito sakin habang nagda-drive.

Hinigpitan ko naman. Baka kasi kung ano naman ang gawin ng herodes na to. Mahirap na. Pero yung higpit na sakto lang. Slight lang.

Sukat duon, ay biglang nagpalit ito ng silinyador. Mula primera naging segunda o tersera p yata. Masyadong matulin. Sa pagkagulat ko ay automatic na napakapit talaga ako dito ng mahigpit at napapikit. Mali, hindi pala kapit lang, nakayakap pala ako dito ng mahigpit. As in literal. Grrrrrrrrrrrr....... Unggoy talaga ang gago!!!. Hayzzzt.

"erhm, nakahinto napo tayo kamahalan." bigla daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig sa pagkapahiya. Pano ba naman, daig ko pa ang sarap na sarap at ligayang-ligaya habang mahigpit na nakayakap sa kanyang likuran. Pero in fairness, masarap naman talaga. Parang masarap magpasakop sa tigas ng kalamnan nito. Parang banco lang ang feeling. (you're in good hands with Metrobank) At ambango! (parang heaven scent) Shockks!!! Ano tong nangyayari sa akin? Hindi pwede! Erase, erase, erase!!!

"Nasaan tayo?" pagkakita kong ibang lugar pala ang hinintuan namin.

"Sa pagitan pa rin na langit ang ng lupa" nakangiting turan nito.

"Ha ha ha, nakakatawa!" bwisit talagang lalaki na to. "pwede ba Ric, gusto ko ng magpahinga." upset kong pahayag dito.

"Walang pumipigil sayo, ayan ang kubo." expressionless nitong wika.

"Whaaaaaaaat?!!!!" gulantang ko. Capital S for Exaggs!!!

"Huwag kang maka-watwat dyan. Watwatin ko mukha mo, makita mo!" pang-iinis nito. Nauna pa itong pumasok sa kubo gamit ang liwanag na buhat sa lighter.

Bwisit talaga.

"Bakit ba dito mo pa ako patutulugin, may bahay naman kami?!" inis kong sunod dito papasok sa kubo. Natatakot din akong mag-isang tumayo sa labas. Napakadilim. Malalayong malilit na animo alitaptap ang tanging liwanag na natatanaw ko.

"ang dapat sa matatapang binibigyan ng leksyon.!" nakangiting turan nito. Abala na ito sa pag-aayos ng papag na higaan pagkatapos nitong masindihan ang maliit na lampara. Kaya nag-uusap kami sa kakarampot na liwanag.

"Ric, hindi kana nakakatuwa.!" total distress nako. "Tsaka, kanino bang kubo to? Baka mamaya mapagbintang pa tayo." pangungulit ko dito.

"Sino bang nagsabing nagpapatawa ako? Seryoso ko kaya, hehehe" Hinayupak talaga!!!!! Grrrrrrrrr..... Kung ano-ano ng adverb, adjectives, noun, pronoun, superlative, narative at kung ano-ano pang tibs ang lumalabas sa bibig ko dahil sa kaimposiblehan ng lalaking ito. Ingrato! "wag kang mag-alala, safe ka rito. Walang magrereklamo sayo dito. Kahit habambuhay ka pang tumira, Hehehe" impakto talaga. Hmmmmp. Bakit ba nakilala ko pa ang linsyak na ito.

"Asa ka!" asik ko. "nungkang titira ako sa lugar na to!" alumpihit na disgusto ko.

Hindi na nito pinatulan pa ang pagdidisgusto ko. "huwag kang masyadong maingay baka magising ang mga aswang! Hehehe." akma itong lalabas ng kubo dala ang gasera.

"hooooy, san ka pupunta?!" mabilis na tanong ko rito. "hoooy, ano ba Ric?!!" muling sigaw ko dito ng hindi ako pinansin.

"Magpahinga ka na dyan. Babalikan na lang kita." turan nitong may halong nakakalokong tawa.

Sukat duon ay bigla akong napatayo upang sumunod dito.

"bhabe, masyado kang excited, hehehe. Saglit pa lang akong nakakalayo, hinahanap mo na kagad ako!, hahahahah" pambubuska nito.

"pwede ba, tigilan mo na nga ang kahibangan mong to. Uuwi nako.!" pagpupumilit ko.

"eh di umuwi ka. Walang pipigil sayo." asar-talo na talaga ako sa lalaking ito. Pano ko ba gugustuhing umuwi eh pagkadilim-dilim. Hindi ko pa alam kung saang lupalop kami nandun. Pisti..!!!

Para akong buntot na sunod ng sunod dito. Iniayos lang pala nito ang pagkakatago ng motorsiklo nito sa isang sulok. Ng muling pumasok ang unggoy na to sa loob ng kubo ay nakasunod pa rin ako. Badtrip to the maximum level....!!!!

Maya-maya, humiga na ito sa papag. "what? San ako mahihiga?" sa loob ko. Thou, kakasya naman siguro ang dalawang tao sa lapad nito, pero halos saktong-sakto.

"hooooy, anong ginagawa mo?!!" buong inis kong sigaw dito.

"ano pa, eh di matutulog. Anong oras na oh!" kunway tingin pa nito sa bisig. "inaantok nako. Kung wala kang planong matulog, bahala ka. Pero please lang, magpatulog ka." exasperation at pakiusap nito.

"unggoy ka talaga! Eh san moko patutulugin?! Pambihira naman talaga, oo!" bwisiiiit na bwisiiiiiiiit na talaga ako. "hooooooooy Ric!" nakakainis. Naghilik-hilikan pa talaga ang mokong na toh.

Ilang minuto pa akong puro reklamo. Pero talagang nagbingi-bingihan na ito. Hanggang maramdaman ko na lang ang tahimik na nitong paghinga.

"paktay! Ano ba yan! Talagang tinulugan nako ng walanghiyang to!" mahina kong nguyngoy.

He leave me no choice. Pagod na rin ako at sobrang antok. All I need now is a good night rest. Kaya kahit bwisit na bwisit ay patingkayad akong tumabi sa kanya sa higaan. "hoooy, usog ng konte!" untag ko rito.

"hoooy, Ric, usug!" inuga ko na ito.

"uhmm" umusug naman ito kahit papano. Pero sinubukan ko pang tinulak pa ng konte. Feeling ko kasi malalaglag ako sa sobrang liit ng espasyo para sa akin. Push, push and another push. Hayzzzzt! Impertinente!!!

Ng feeling ko sakto na ako ay wala na rin akong nagawa kundi mahiga. Kahit pa labag sa kalooban ko. Kesa naman mag-isa akong nakatunganga lang habang walang pakialam na tulog ito. Isa pa, talagang antok na antok na ako.

Halos wala pang sampung segundo akong nakakahiga ng maramdaman ko ang pagdantay ng braso nito sa may dibdib ko.

Mukang naisahan ako ng unggoy na to ah. Hindi pa naman yata talaga ito mahimbing ang pagtulog eh.

"Mahal kita, Reign." sukat dun sa narinig ko ay pahiklas akong napatayo. Nanaginip ba ito? Ngunit maagap ang mga braso nitong nakapatong sa dibdib ko nang pagpwersang ibalik ako sa pagkakahiga ko. "hindi mo na kailangang magpanggap pa, Mahal kita ano ka pa man." puno ng damdamin nitong pagsasalita.

"Ric, pwede ba. Tantanan mo nga ako sa mga pakulo mo." sansala ko dito. "Gusto ko ng magpahinga please lang. Antok na antok na ako." pakiusap ko dito.

"alala mo ba ang sugat sa kamay ko? Oo, nasaktan ako. Ngunit mas nasaktan ako ng makita ang paglatay ng takot sa mukha mo." it was more of a revelation.

"Bakit hindi mo ako isinumbong?" bigla ang katanunga lumabas sa bibig ko.

Bakit kailangan isumbong kita, may mapapala ba ko kapag napagalitan at mapahiya ang mahal ko?" pagsisiwalat nito.

"???!!!!" speechless ako.

"nagkamali ako ng pinagtripan kita. Akala ko kasi masasarapan ka. Na matutuwa ka. Akala ko kasi ipagkakanulo ka ng totoong pagkatao mo kapag naramdaman mo kung gano kalaki ang pagkalalaki ko, hahaha. Napaka insensitive ko, sorry." mukang seryoso na talaga ang gago.

"Gusto na kitang ariin nuong 3rd year pa lang tayo. Gusto na kitang mahalin kahit nuon pa man. Mali, mahal na pala talaga kita kahit dati pa. Remember the prom? How I wanted to be with you. How eager I am na makipaglapit sayo. Kung alam mo lang kung gaano ako nagpakatapang na sundan at harapin ka kahit pa nga alam kong pagsusungitan mo lang ako. Binalewala ko yun para kausapin ka. Para pasayahin ka. Alam ko kasi na bored ka na. Pero, again, hindi ko alam kung panong dumiskarte. Bago sa akin to. Hindi ito usual na nangyayari sa paligid, sa akin. Pwede tayong husgahan. Pwede tayong pagtawanan. Despite the fear, i tried to win you. Pero dahil sa maling pagdiskarte, lumayo ka. Nainis. At mas lumaki ang galit." hindi ko alam kung sino ang lumuluha sa amin that time. "REIGN, I AM SORRY." pilit pa itong sumiksik sa katawan ko at yumakap.

"Ric!" yun lang ang tanging nai-usal ko.

"ssssssshhhh. Wag ka ng magsalita. Hindi mo kailangan sumagot ngayon. Nakapaghintay na ako ng 12 long years. Hindi ko kaiinipan kung tumagal man ang pagsagot mo ng isa pang araw. O maging sa susunod na araw. Maging isang lingo pa yan o isang buwan. Maging umabot pa man ito ng isa pang taon. Ang mahalaga, nasabi ko na sayo, finally ang nararamdaman ko. Kung magkataon na wala man itong maging magandang katugon. Asahan mo, hindi ako magagalit. Hindi ako magdadamdam. Kasi mahal kita." ramdam ko ang sensiridad nito mahabang pag-amin nito.

"hooooy gago ka!" bigla itong napamulagat sa akin. "palibhasa tukmol ka, impertinente, dyablo, herodes, bektas, unggoy. Ingrato, halimaw! Ano pa ba?!" naubusan nako ng gerunds. "ang haba-haba mo pa nga maglitanya. Pagkadrama-drama mo pa nga. Daig mo pa ang babae, para kang bakla!" hindi maipinta ang muka ng tukmol sa pananalasa ko. "wala akong pakialam kung mahal mo ako.! Paki ko ba!" patuloy kong pagsusuplada ko dito.

"Reign!" putol nito sakin.

"manahimik ka! Hindi pako tapos!" sigaw ko rito. "Reign ka pa ng reign dyan. Subukan mong makarinig pa ko ng kare-Reign mo" napipilan na ito.

"oh natahimik ka na dyan, hindi mo itatanong kung anong parusa ang ipapataw ko kapag nakarinig pako ng kahit isa pang reign?!!" pukaw ko sa pananahimik nito.

"eh, kasi......ano. Errhhmmm... Uhmmm" putol putol na hindi magkandatuto. "eh.....ano nga ba?!" hindi mapalagay na tanong nito.

"Grrrrrrrrrrrrrr....!!! Bwisit ka talaga Ricardo, akala ko ba matalino ka? Akala ko ba achiever ka?!'' palatak kong galit-galitan.

"eh, ano nga ba kasi?" pag-uulit nito hindi parin mapalagay.

"unggoy ka talaga, tukmol ka! Eh, ano pa bang mas dapat na parusa sa tulad mong halimaw??!!! Kundi torrid kiss.!!!" bulyaw kong walang patumangga.

"ha?!" late grasp ang walangya, sloooooooowwww!!! hehehe. "Reign" isang nakakalokong ngiti ang biglang rumehistro sa muka ng damuho.

"aba't sinusubukan mo talaga ako ha!!!" umakto nakong hahalikan sya ng biglang ibuka nito ang mga bisig. Sisisid pa lang ako ay sinunggaban na ako nito ng pagsibasib na halik. Halik na may pananabik. Halik na punong puno ng pagmamahal. Very passionate and expressive.

Isang kalampag ang mabilis na nakapagpagising at nagpabangon sa akin kinabukasan. Mataas na ang sikat ng araw. Mimikat-mikat pa akong luminga-linga upang hanapin sa paligid si Ric. Ngunit wala. Hayzzzzzzzzz..... Pambihira. PANAGINIP! Isa lang pala itong magandang panaginip. Hahahaha.... Chaaaaaaaaaaaaarrr...!!! Capital T. Char! Hehehe.

"magandang umaga mahal na prinsesa!" biglang gulat ako sa pagkarinig ng tinig. Di yata't.....???!!!! That's not true! Akala ko panaginip lang! Ngunit ng mapagkuro kung nasang lugar ako, shhhooooccckksss...!!!

"anong?!!!...." hindi ako lubos na makapaniwala.

"baka gusto niyo na pong magbihis, kamahalan." sukat duon ay natigalgal ako ng mapagmasdan ko ang sariling kahubdan. Damn this man.

"baka lang po kasi may magdaan at masilip ang inyong kariktan, bigla po kayong pagnasahan, hiiik." nag-umpisa na naman ng pambubwist ang unggoy na to. "oh baka naman po nag-aanyaya ka lang ng isa pang round!, heheheh." ngiting aso ang walanghiya. Damn!

Sukat duon ay tumayo na ako at isa-isa kong inapuhap ang nagkalat kong damit. Hindi na ako nag-abalang itago ang kahubdan. Nang biglang naramdaman ko ang pagdantay ng mainit na katawan sa aking hubad na likuran.

"I'll be more than glad to do so.!!!" isang nakakakiliting sensasyon ang bumalatay sa kaibuturan ko ng marinig ang mahanging pagbulong nito mula sa batok at teynga ko. Mahigpit na itong nakayakap sa akin.

"unggoy ka! Ano ba? Tigilan mo nga ako!!" piksi ko ngunit dama ko ang unti-unting pagkabuhay ng dugo ko.

"mukhang ipinagkakanulo ka na ng katawan mo, mahal ko! Hindi yata ang paghinto ko ang gusto nitong mangyari!" sapo pala nito ng kanang kamay ang galit ko ng pagkalalaki habang abala ang kaliwang kamay nito sa paglalaro sa dibdib at utong ko. Mapang-akit pa rin itong humahanap ng tugon sa gingawang paglalambing. Sa pagharap ko dito ay bigla pa nitong inapuhap ang mga labi ko.

"sandali lang unggoy, hindi pa ako nagtu-toothbrush.!" sawata ko dito. Ngunit nagbibingi-bingihan lang ito.

"not a problem mahal ko!" sa pagitan ng paghalik ay anas nito. "wag ka ng marami pang satsat." pagkuwa'y hinawakan nito ang isa kong kamay at ipinadama ang maumbok na bagay sa bandang baba nito. "nagagalit na tuloy sayo ang alaga ko!" how I love to see the teasing of his smiling china eyes. Napakasimpatikong nang-aakit.

Wala ng silbi pa ang pag-iinarte ko. Muli na naman akong iginupo ng makamundong pagnanasa. Sukat duon ay hinarap ko ang nang-aakit na lalaki at buong pagmamadaling isa-isang tinalupan. Lumaban na ako ng halikan. Dila sa dila. Lalim kung lalim. Laway kung laway. Sagad kung sagad. Patuloy sa pakikipag-eeskrimahan. Habang puno ng kasabikang dumadama at naglalakbay ang aming mga kamay sa hubo't hubad naming katawan. At nag-uumpugan ang galit naming mga sandata. Nagkikiskisan.

Akala ko panaginip lang ang lahat.

7 comments:

  1. ang tagal kitang hinintay tapos paiiyakin mo lang ako :'( hahaha clap clap kay author

    ReplyDelete
  2. Galing! Ganda talaga ng story mo author. Sulit ang paghihintay ko dito. Nakakaiyak sa simula dahil kay Tristan. Pero sana naconfirm mo kung anak niya ba talaga yun sa girl na dinala niya sa condo niyo. Bakit pala wala naa kwento mo si Ayi author? I'll be waiting for the next part of your story author. 😊

    ReplyDelete
  3. Galing! Ganda talaga ng story mo author. Sulit ang paghihintay ko dito. Nakakaiyak sa simula dahil kay Tristan. Pero sana naconfirm mo kung anak niya ba talaga yun sa girl na dinala niya sa condo niyo. Bakit pala wala na pala sa story mo si Ayi author? I'll be waiting for the next part of your story author. 😊

    ReplyDelete
  4. Ang ganda talaga ng story mo author. You made me laugh, cry and giggle sa story mo. Ang galing lang ng story mo sobra. Napaka natural lang ng pagkaka sulat. I am not an expert, pero para sakin ang ganda talaga ng pagkakasulat. Sana, kund hindi naman kalabisan, sa every week ang update. Hehe Sobrang hook ako sa story ehh. Keep it up!! :')

    ReplyDelete
  5. Allen Octaviano CudiamatJuly 11, 2015 at 4:40 AM

    I was actually rooting for ayi, pero putting ric in the end is genius. It bound the story from beginning to end, making the story cohesive. Great work!

    ReplyDelete
  6. I was actually rooting for ayi, pero putting ric in the end is genius. It bound the story from beginning to end, making the story cohesive. Great work!

    ReplyDelete

Read More Like This