By: Lord Iris
"Like a master of origami who can take a simple square of paper and turn it into an intricate network of folded angles to create a dragon, I can take a minuscule problem in my life and turn it into a massive complication."
-Virginia M. Sanders
Kung libog ang gusto niyo basahin ay pasensya na pero lumipat na kayo sa ibang story dahil wala dito nun...
Sa mundong ginagalawan nating mga tao ay nanatili akong matatag kahit na hindi pa ako ganun katanda...
Sanay ako na mag-isa dahil nasa Canada ang family ko kaya ako lang ang tao sa bahay...
Ako nga pala si Kaizer Ramirez at Kai ang nickname ko. Masasabi ko na may hitsura naman ako, matangkad, moreno at hindi sa pagyayabang pero matalino talaga akong tao. Ako palagi ang nangunguna sa klase o sa school at ako din ang school president...
Skeptical akong tao o yung hindi madaling maniwala at makumbinsi. I'm cold and straight pero merong tao na nag-pabago ng pananaw ko sa buhay at pag-ibig. Hayaan niyong i-share ko sa inyo ang mga alala ko bago ang graduation ng junior high ko...
...........
Isang umaga... unang araw ko sa school ngayong junior high at napansin ko na meron na namang transferee at kung kelan grade 10 tsaka siya nag-transfer. Hindi masyadong napapansin ang mga transferee lalo na sa section namin.
Pagpasok ko sa room ay binati ako kaagad ng kaibigan ko na si Levy...
"Hi Kai! Musta na ang bakasyon mo?" Nakangiting sabi sa akin ng babaeng nasa harapan ko.
"Ok lang." Seryoso kong sabi.
"Halika! Tabi na tayo sa upuan." Pag-aya sa akin ni Levy kaya umupo na ako sa tabi niya.
Kilala ako sa pagiging seryoso at cold personality ko pero masasabi ko naman na hinahangaan ako ng mga guro dahil responsable naman ako...
"Kai... may transferee ngayon." Sabi sa akin ni Levy.
"Pogi siya..." Kinikilig na sabi ni Levy.
Tumingin ako at nakita ko yung lalakeng sinasabi niya, pogi naman pala talaga...
"Sana walang mam-bully sa kanya." Malungkot na sabi ni Levy.
"Sisiguraduhin ko yan." Seryoso kong sabi sa kanya.
"Yes! That's the spirit!" Nakangiting sabi sa akin ni Levy.
Si Levy kasi ang isa sa mga kaibigan ko at nabiktima siya ng bullying dati bago kami magkakilala. Takot sa akin ang mga bully sa school dahil ako ang president at marunong sila rumespeto pero kailangan ko na naman tumakbo para ngayong taon...
Nagpakilala na isa-isa ang mga nakaka-umay na mukha ng mga kaklase ko... hanggang sa magpakilala na ang bago kong kaklase...
"Hi... I'm Nigel Fernandez. Transferee lang ako pero maasahan naman ako sa group works kaya sana maging close ko kayo." Sabi nung transferee.
Pogi siya... maputi, matangkad pero nakasalamin at tingin ko nerd siya. Nerd din naman ako pero wala yun sa hitsura ko. Nasa pilot section ako at bihira lang talaga maglagay ng bagong student sa pilot section pero siya ang nakapasok ngayon...
Nung recess namin ay naglibot muna ako at sumama muna si Levy sa mga kaklase namin pero ako kasi gusto ko palaging nag-iisa. Naglakad ako at napansin ko na parang may bullying na naman na nagaganap ngayon...
Parang may student na hinaharas sa isang room kaya pinuntahan ko...
"Bago ka lang dito... ibigay mo yung baon mo sa amin!" Galit na sabi nung lalake.
"Pero... pera lang ang meron ako." Mahinang sabi nung isa.
"Wala akong pake! Ibigay mo na!" Galit na sabi nung lalake.
Sumilip ako sa room at nakita ko na naman si Jonas pati yung mga kaibigan niya na merong biktima at hindi na ako nabigla ng makita ko na yung transferee namin ang biktima nung taong ito...
Sila Jonas ay ang mga kilalang mahilig mambully at nasa lower section sila. Last year pina-suspend ko sila ng dalawang linggo kaya alam nila ang kaya kong gawin...
Nakita ko si Nigel na kumukuha ng pera sa wallet niya at akma niya itong ibibigay kay Jonas na kwinelyuhan siya ngayon kaya nagsalita na ako...
"Tanga ka ba? Bakit mo ibibigay?" Sabi ko at halatang nabigla silang lahat.
Tumingin sa akin si Jonas pati ang tropa niya at halatang takot sila. Tinganggal niya din ang paghawak niya sa kwelyo ni Nigel...
"Kai... wag kang makialam dahil hindi pa ikaw ang presidente dito at hindi ka namin iboboto!" Pagbabanta sa akin ni Jonas.
"Pakialam ko? Hinihingi ko ba ang boto niyo?" Seryoso kong tanong.
Hindi na siya nagsalita at nakatitig lang sa akin si Jonas. Hindi ko alam kung anong kaligayahan ang nakukuha nila sa pagiging bully. Actually bully din ako pero dati yun...
"Umalis na kayo... wag niyo na uling gagalawin yan dahil kaklase ko siya." Seryoso kong sabi sa kanila.
Umalis na ng room si Jonas pati ang tropa niya at halatang may galit sila sa akin pero subukan nilang lumaban at humada sila sa akin...
Lumapit ako kay Nigel at inayos ko ang kwelyo ng uniform niya tapos napansin ko na parang nag-blush siya dahil sa ginawa ko...
"Thank you..." Mahina niyang sabi.
"Wala yun... basta kapag ginalaw ka nila ulit ay sabihin mo sa akin." Seryoso kong sabi sa kanya at tumango lang siya na parang nahihiya.
"Ako nga pala si Nigel..." Nahihiya niyang sabi.
"Alam ko... and I'm Kaizer, just call me Kai for short." Sabi ko at nakipag-shake hands ako sa kanya.
Narinig namin ang bell at tapos na ang recess kaya dapat na kaming bumalik sa room...
"Kai... balik na tayo sa room." Sabi sa akin ni Nigel at parang nahihiya na naman siya.
Naglakad na kami sa hallway at bumalik sa room. Naka-upo lang siya sa isang tabi at napansin ko na walang kumaka-usap sa kanya dahil hindi siya pinapansin ng mga kaklase ko kaya parang gusto ko siyang maging kaibigan dahil mukha naman siyang mabait...
"Class... meron tayong investigative documentary and you have to pass it next month." Sabi ni maam at parang dismayado ang mga kaklase ko.
Mahirap kasi yun... kailangan namin mag-interview at mag-defend kaya sigurado akong hindi yung ipapagawa ng isahan lang...
"Don't worry class... kayo na ang bahalang pumili ng group niyo. Five lang ang maximum na members at pwedeng mag-solo. Bahala na kayong mag-meeting ngayong time ko." Sabi ni maam at naghiyawan na ang nga kaklase ko.
"Kai! Group tayo!" Nakangiting sabi sa akin ni Levy.
"No! Kai is for our group!" Sabi naman ni Carl na matalino din.
"Shut up! He is mine!" Sabi naman ni JC kaya nagtawanan sila.
Sanay akong pag-agawan lalo na sa group works pero feeling ko yun lang ang habol nila sa akin...
"Thanks guys... pero mag-sosolo ako." Seryoso kong sabi.
Para silang binuhusan ng malamig na tubig at mga naka-nganga lang sila... lumapit sa akin si Levy at umubo pa siya kunwari...
"Kai... close naman tayo eh, baka naman pwede." Nakangiti niyang sabi.
"No Levy... I have to be fair." Sagot ko at lumabas ako ng room.
Pumunta lang ako sa restroom at bumalik din kaagad. Pagpasok ko at kanya-kanya silang mga ingay dahil sa pinapagawa ni maam at napansin ko na nag-iisa lang si Nigel...
Walang siyang katabi... napansin ko rin na malungkot siya. Umupo ako sa tabi niya at parang nabigla siya...
"Hi... may problema ka ba?" Sabi ko sa kanya.
"Hhmm... ano kasi..." Alanganin niyang sabi sa akin.
"Walang pumapansin sayo?" Seryoso kong tanong sa kanya.
Tumango lang siya sa akin at nakita ko na malungkot ang mga mata niya kahit nakasalamin siya...
"Ganyan talaga sa simula pero mabait naman ang mga classmate natin." Seryoso kong sabi sa kanya.
Kumuha siya ng papel at parang abala siya sa pagtutupi nito...
"May ka-group ka na ba?" Tanong ko.
"Ayaw naman nila sa akin..." Mahina niyang sabi at kitang-kita ko na parang nahihirapan siya.
Naku! Ang selfish talaga ng mga kaklase ko! Inaya nila ako dahil alam nila na matalino ako tapos si Nigel hindi nila napapansin dahil bago...
"Edi ako na lang ang partner mo." Seryoso kong sabi sa kanya.
Ngumiti siya bigla at parang sobrang saya niya nung marinig niya ang sinabi ko...
"Ta..talaga? Ok lang sayo?" Hindi maka-paniwalang tanong ni Nigel.
"Mukha ba akong nagbibiro?" Seryoso kong tanong sa kanya.
"Thank you Kai..." Nakangiting sabi sa akin ni Nigel.
Napansin ko na pogi talaga siya lalo na nung ngumiti siya at mukhang mabait talaga siya...
"Simula ngayon dito na ako uupo sa tabi mo." Seryoso kong sabi sa kanya.
"Thank you Kai... ikaw lang ang nag-approach sa akin ngayon." Nakangiti niyang sabi sa akin.
Nagtutupi siya ng papel na kulay dilaw at ang bilis ng kamay niya. Kumuha siya ng marker at nagdrawing siya ng mata kaya nagmukha yung happy face na emoticon tapos inaabot niya sa akin...
"Para sa akin ba iyan?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Oo... thank you gift ko kasi ikaw ang una kong kaibigan dito." Nakangiti niyang sabi sa akin.
Kinuha ko iyon at napangiti ako dahil ang cute ng origami na happy face ang binigay niya sa akin...
"Hhhmmm... mas pogi ka kapag nakangiti." Sabi niya at parang nahihiya na naman siya.
Ngumiti na lang ako sa kanya at...
"Magaling ka pala sa origami." Nakangiti kong sabi sa kanya.
Tumango lang siya sa akin at parang namumula na naman siya... nagtataka ako sa kanya, normal ba na mag-blush ang isang tao? Hindi kasi ako namumula at palaging akong seryoso...
Nag-usap lang kami ni Nigel at nasisigurado ko na mabait talaga siya. Mas gusto ko pa siyang kasama kesa sa iba kong mga kaklase...
Hanggang sa nag-submit kami kay maam kung sino ang mga ka-group kaya sinabi ko na partner kaming dalawa ni Nigel at parang nainis sila Levy sa akin...
"Akala ko ba... I have to be fair?" Inis na sabi ni Levy habang naka-taas ang kilay niya.
"Oo nga... walang nag-approach sa kanya kahit isa kaya ako na lang ang partner niya." Seryoso kong sagot.
Ang sama ng titig ng mga kaklase ko kay Nigel dahil sa naging sagot ko at parang kinabahan si Nigel kaya naisip kong kausapin siya...
"Wag kang mag-alala ok lang yan." Sabi ko kay Nigel.
Tumango lang siya sa akin at ngumiti...
Lumipas ang mga buwan at naging close kami ni Nigel. Naiinis din sila Levy kasi kay Nigel na ako sumasama at pati group works ay si Nigel lang ang kasama ko. Ako din ang nanalo na presidente. Matalino din pala si Nigel at masipag mag-aral...
Magkatabi kami ni Nigel at lagi siyang nagtutupi ng papel at binibigay niya yun sa akin... masaya ako kapag kasama ko siya. Lumapit si Levy sa amin at parang galit siya kasama ang iba kong mga kaklase...
"Hhhmmm Kai... bumalik ka na sa dati mong upuan." Seryosong sabi sa akin ni Levy.
"Ayoko... walang kasama si Nigel." Seryoso kong sagot sa kanya.
"Yan! Lumalayo ka na sa amin dahil sa lalakeng yan!" Sabat naman ni JC na naka-crossed arms pa.
Tumingin ako kay Nigel at umiwas siya ng tingin sa akin. Parang nalulungkot na naman siya...
"Bumalik ka na sa amin... wala ka namang mapapala sa transferee na iyan." Sabi naman ni Carl na parang galit din.
Tumayo na ako sa harapan nila at naiinis ako sa mga pinagsasabi ng mga taong ito... napaka-immature!
"First of all... hindi ako lumalayo, sumasama lang ako kay Nigel dahil hindi niyo siya pinapansin. Mabait siya at ang selfish niyo para angkinin ako." Seryoso kong sabi sa kanila at parang natigilan sila.
Parang nagalit si Levy at humarap siya kay Nigel...
"Kasalanan mo to! Inagaw mo sa amin si Kai at wala kang kwenta!" Galit na sabi ni Levy habang dinuduro si Nigel.
"Levy shut up! Ganyan ba talaga ang ugali mo?" Galit kong tanong.
"No! Totoo naman eh... simula ng lumipat yan dito ay hindi ka na sumasama sa amin!" Sabi ni Levy habang tinutulak sa balikat si Nigel.
"Napaka-immature mo! Sana pala hindi na kita kina-ibigan kung ganyan pala ang ugali mo!" Galit kong sabi kay Levy at parang maluha-luha siya.
Tumingin ako kay Nigel at parang nahihirapan siyang huminga dahil nakahawak siya sa dibdib niya...
"Nigel are you alright?..." Nag-aalala kong tanong sa kanya.
Biglang hinimatay si Nigel kaya medyo nataranta ako...
"Tulungan niyo ako! Dalhin natin siya sa clinic!" Sigaw ko at tinulungan naman ako ng mga kaklase ko.
Dinala namin si Nigel sa clinic at tinawagan ang mga magulang niya. Nandito kami ng mga kaklase ko sa clinic at wala pa ding malay si Nigel...
"Look what you've done!" Galit kong sabi sa kanila.
"I'm sorry Kai... na-miss ka lang kasi namin kaya nagselos kami sa kanya." Naiiyak na sabi ni Levy sa akin.
"Sorry Kai..." Sabay na sabi ng iba ko pang mga kaklase.
"You know what? Kay Nigel kayo dapat humingi ng sorry." Naiinis kong sabi sa kanila.
"We know... and sorry ulit." Nalulungkot na sabi ni JC.
"Bakit kasi hindi niyo hayaan na sumama sa inyo si Nigel at ng sa ganun ay bumalik ako sa inyo." Seryoso kong sabi sa kanila.
Parang nagliwanag ang mga mukha nila sa sinabi ko...
"Trust me... mabait si Nigel." Sabi ko sa kanila at ngumiti naman sila.
Pumunta ang parents ni Nigel at nalaman namin na bawal pala sa kanya ang ma-stress kasi mahina ang puso niya. Nag-sorry naman sila kay Nigel at simula nun ay naging close na din nila si Nigel...
Hindi ako nagkamali... hindi kasi nila binuksan kaagad ang mga mata nila kaya hindi kaagad nila nakita ang nakita ko kay Nigel. Naging close naman kaming lahat at naging masaya pero masasabi ko na si Nigel talaga ang bestfriend ko...
Pumunta kami ni Nigel ngayon sa library dahil magbabasa ako ng book at siya naman ay nagtutupi lang ng makukulay na mga papel...
Kumuha ako ng libro at naglabas si Nigel ng milkita. Naku! Favorite ko pa naman ang lollipop na yun kahit sabihin pa nila na mukha akong bata ay wala akong pake...
"May milkita ka pa?" Nakangiti na tanong ko kay Nigel.
"Wala na eh... last na to." Sabi niya habang binubuksan ang lollipop.
Pagkabukas niya ng lollipop at bigla kong nilapit ang mukha ko sa kanya at sinubo ko yung lollipop niya hahah... halatang nagulat siya...
"Hala! Favorite ko yan!" Sabi niya na parang bata sa akin.
"Akin na ngayon kasi favorite ko din ito eh..." Natatawa kong sabi sa kanya.
"Ang salbahe mo!" Naiinis niyang sabi pero mukha pa din siyang mabait.
"Kung salbahe ako edi sana hindi ikaw ang bestfriend ko." Natatawa kong sagot sa kanya at natahimik naman siya.
Parang nalungkot siya at nagtupi na lang siya ulit ng papel. Ayokong malungkot siya pero may naisip akong kalokohan...
"Gusto mo ba talaga ng lollipop?" Nakangiti kong tanong sa kanya.
Hindi ako pinansin ni Nigel at naka-pout pa ang lips niya... mukha siyang nagtatampo pero para siyang cute na bata hahah...
"Sorry na Nigel..." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Ok lang yun...". Mahina niyang sagot.
"Diba favorite mo din to?" Tanong ko at inilabas ko ang lollipop sa bibig ko.
"Oo... tapos inagaw mo pa." Sabi niya na parang bata.
"Edi share tayo..." Nakangiti kong sabi sa kanya.
Parang naguluhan ang mukha niya at tumitig siya sa akin...
"Paanong share? Isa lang yan eh." Sabi niya sa akin.
Dinilaan ko ang lollipop at at bigla kong isinubo yun sa bibig niya haha...
Halatang nagulat siya at parang nagalit bigla si Nigel sa ginawa ko at sumama yung tingin niya...
"Yuck! Kadiri ka Kai!!!" Naiinis niyang sabi at binunot niya ang lollipop sa bibig niya.
"Sabi mo gusto mo..." Natatawa kong sabi sa kanya.
"Ewan ko sayo! Bastos ka!" Galit niyang sabi at namumula siya.
Kinuha ko ang kamay niya at isinubo ko ulit sa bibig ko yung hawak niyang lollipop at parang lalong namula ang mukha ni Nigel sa ginawa ko...
"Oh ayan! Fair na tayo." Seryoso kong sabi sa kanya.
"Ok lang sayo na magpalitan tayo ng laway?" Nagtataka niyang tanong.
"Oo... malinis ka naman eh at bestfriend naman kita. Gusto mo halikan pa tayo." Seryoso kong sabi sa kanya at parang lalo siyang namula sa sinabi ko.
Itong si Nigel kala mo na-divirginize kung umarte eh pareho naman kaming lalake...
"Tirahin kita diyan eh..." Mahina kong sabi at lalong sumama ang titig niya sa akin.
"Bastos ka talaga! Ayoko na sayo!" Galit niyang sabi.
"Quiet!!!" Sigaw ng librarian.
Natawa na lang ako pero parang naiinis na talaga sa akin si Nigel kaya dapat na akong umayos...
"Ito naman! Minsan nga lang ako ganito at nilalambing ko lang naman ang bestfriend ko eh." Nakangiti kong sabi sa kanya at nilapit ko ang upuan ko kaya makadikit na kami.
"Naiinis ako sayo..." Mahina niyang sabi habang naka-pout ang lips at nagtutupi lang siya ng papel.
"Sorry na... di na ako uulit." Seryoso kong sabi sa kanya.
Parang wala siyang narinig at nagpatuloy lang siya sa ginagawa niya kaya naiinis ako...
"Pansinin mo na ako..." Sabi ko pero di siya umimik.
"Pag di mo ako pinansin... hahalikan talaga kita!" Seryoso kong sabi sa kanya at parang nanlaki ang mga mata niya.
"Ano ba kasing trip mo?" Galit niyang tanong sa akin.
"Sorry na nga..." Seryoso kong sabi.
Nagtupi lang siya ulit at alam kong nainis na talaga siya sa ginawa ko at alam ko naman na mali ako...
Lumapit pa ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit kaya nagulat siya sa ginawa ko...
"Sorry... gagawin ko lahat ng gusto mo para wag kang mainis sa akin." Malambing kong sabi sa kanya.
Parang namula siya at tinulak niya ako para matanggal ang pagka-kayakap ko sa kanya pero hinigpitan ko kaya hindi siya nagtagumpay...
"Ano ba kasing gusto mo?" Bulong ko sa tenga niya at parang namula siya.
"Wag mo akong yakapin... nasa library tayo eh." Nahihiya niyang sabi.
Kumalas na ako at baka lalo lang siyang mainis dahil sa ginawa ko. Namumula na siya at parang hiyang-hiya na siya sa sarili niya...
"Wag mo na akong kulitin..." Sabi niya at nagtupi siya ulit ng papel.
Binigay niya sa akin ang nakatuping papel na hugis mukha ng demonyo na emoticon at may nakasulat na mga katagang "I hate you!"
Pagkatapos ng klase ay bumili ako ng isang balot ng milkita sa grocery at maraming makukulay na papel para peace offering ko kay Nigel...
Hindi siya nag-reply sa mga text ko kaya alam kong inis pa din siya...
Kinabukasan ay ibinigay ko kaagad sa kanya ang isang balot na milkita at ang mga construction paper...
"Sorry na Nigel... peace offering ko." Sabi ko sabay abot ng dala ko.
"Ayyiiee!!! Ang sweet naman!" Nakangiting asar ni Levy.
"Thank you..." Mahina niyang sabi at parang namula na naman siya.
"Alalaalalaa!!! Yes naman couple na!" Sabi naman ni Carl.
"Baliw! Hindi noh!" Natatawa kong sabi sa kanya.
Tumingin ako ulit kay Nigel at...
"Bati na tayo ah?" Tanong ko.
"Oo... wag ka ng uulit." Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Nakakakilig!!! Kabahan na ang aldub at kathniel sa Kaigel." Sigaw naman ng isa kong kaklase.
"Hahaha diyan nagsimula ang lolo at lola ko." Natatawang sabi ni Jessica.
Umupo na ako sa tabi ni Nigel at nakangiti ako habang tinitingnan siya at nagtupi kaagad siya ng papel...
Binigay niya sa akin ang papel na hugis star kaya kinuha ko iyon at may nakasulat na "Thank you Kai..."
"Ayoko ng nagtatampo ka at mahalaga ka sa akin Nigel." Seryoso kong sabi sa kanya at parang namula na naman siya bigla.
"Hala! Nag-blush si Nigel... ayyiiee." Sabi naman ni JC.
Napangiti na lang ako dahil natutuwa ako sa reaction ni Nigel...
Nung lunch pumunta kami sa canteen habang kumakain at kasama ko si Nigel pati ang ibang mga kaklase ko...
"Kai... may inamin sa akin si Nigel." Natatawang sabi ni Levy sa akin.
"Ano naman yun?" Tanong ko.
"Levy sabi mo secret lang!" Sabi ni Nigel na naiinis at parang bata.
"Joke lang! Hhhaahahah." Sabi ni Levy at tawa siya ng tawa.
Kumunot na lang ang noo ko dahil sa kabaliwan nila pero masaya ako at close na nila si Nigel...
"Ehem! Kai... may chance ba na ano?" Alanganing tanong ni Carl.
"Ano? Ituloy mo..." Seryoso kong sabi at sumubo na ako ng ulam.
"May chance ba na magkagusto ka rin sa lalake?" Tanong naman ni JC habang kumakamot sa ulo.
Napa-ubo ako at parang bumara sa akin yung ulam kaya uminom kaagad ako ng tubig...
Napa-isip ako... nagkaroon na ako ng dalawang girlfriend at nakipag-break ako dahil puro arte. Sigurado naman ako na lalake ako...
"Lalake ako! Bakit niyo yan tinanong?" Nagtataka kong sabi.
"Wala naman... curious lang." Sabi naman ni Levy at natatawa lang siya kaya kumunot na naman ang noo ko.
"Ano nga kasing issue niyo?" Naiinis kong tanong sa kanila.
"Ang sweet mo kasi kay Nigel kaya naisip namin na baka may chance na maging kayo." Seryosong sabi ni Jerico kaya natawa ako.
"Sweet lang talaga ako kasi bestfriend ko si Nigel." Sagot ko kay Jerico.
"Bahala ka... pero pansin namin na siya lang ang nag-papangiti sayo." Sabi naman ni Chen.
"Wala ngang malisya sa akin... pero love ko talaga yang si Nigel." Sabi ko at parang namula si Nigel tapos sunod sunod ang subo niya ng pagkain.
"Pero Kai... alam mo bagay kayo." Sabi naman ni Jessica.
Tumingin ako kay Nigel at tahimik lang siya tapos nakayuko... parang may something silang hindi sinasabi sa akin...
Nung christmas party namin ay naglaro kaming dalawa ni Nigel ng paper dance at hindi ko alam kung bakit parang strange ang nara-ramdaman ko kapag nagka-kayakap kami...
Tumupi ng maliit ang papel at binuhat ko si Nigel... nagkatitigan kami at hindi ko alam pero parang may kislap sa mata ko habang nakatitig ako sa kanya...
Kami ang nanalo nun pero parang gusto ko na hindi matapos yung game, hindi ko alam kung bakit pero parang mas nagiging close kaming dalawa...
Parang mas na-attatch ang loob ko sa kanya habang tumatagal...
Hanggang sa dumating ang prom namin at si Levy ang ka-date ko...
"Nigel... sinong date mo?" Tanong ko sa kanya.
"Wala eh..." Sabi niya habang kumakamot sa ulo.
Nakasuot siya ng royal blue na coat and tie kaya mas naging gwapo siyang tingan...
Umupo lang si Nigel sa isang table kasama ang mga kaklase ko at parang may iba sa kanya...
Sumayaw kami ni Levy ng sweet dance at parang may kinikilos sila na kakaiba kasi parang hindi sila mapakali...
"Kai... punta daw tayo mamaya sa isang room kasi may importanteng usapan." Seryosong sabi sa akin ni Levy.
"Sige... tungkol saan?" Tanong ko.
"Basta seryoso..." Sabi niya.
Pagkatapos namin sumayaw ay pumunta kami sa isang room at nandun ang mga kaklase ko pati si Nigel at parang may something sila...
"Alis muna kami..." Sabi ng mga kaklase namin at lumabas sila.
"Uy teka! Ano bang meron." Tanong ko pero sinarado nila ang pinto at kami lang ni Nigel ang nasa loob.
"Ano bang nangyayari?" Tanong ko kay Nigel pero seryoso siya.
"Hhhmmm Kai? Mapapangako mo ba sa akin na magkaibigan tayo at hindi magbabago ang tingin mo sa akin?" Seryosong sabi sa akin ni Nigel.
"Oo naman... kilala kita eh." Sagot ko.
Huminga siya ng malalim at...
"Nag-ipon ako ng lakas ng loob para sabihin ito at sana hindi magbago ang tingin mo sa akin..." Seryosong sabi sa akin ni Nigel.
Hindi ako makapag-salita. Nagtataka ako sa kung ano ang sasabihin niya...
Dumukot si Nigel ng papel na pula sa coat niya at tinupi niya iyon... ambilis ng kamay niya at naghugis puso yun, sinulatan niya ng marker at ibinigay niya iyon sa akin kaya binasa ko...
"I love you..." Yun ang mga katagang nakalagay doon kaya naguluhan ako.
"Anong ibig-sabihin nito?" Naguguluhan na tanong ko sa kanya.
"Kai... mahal kita at sana tanggapin mo ang pagmamahal ko." Seryosong sabi ni Nigel na ikinabigla ko.
"Sorry Nigel... pero wala akong nararamdaman para sa iyo." Seryoso kong sabi sa kanya at ibinalik ko sa kanya ang hugis pusong origami.
Nanginginig ang kamay niya nang kunin niya iyon at nakita ko ang pagpatak ng mga luha niya...
Parang nakaramdam ako ng awa sa kanya at parang may mga bubog na tumutusok sa puso ko pero kasi... hindi ako bakla! At hindi ko balak pumatol sa kanya...
Tumalikod ako sa kanya at binuksan ko na ang pinto para lumabas pero biglang niyakap ni Nigel ang bewang ko kaya nabigla ako...
"Kai... alam ko na ayaw mo sa akin kaya simula ngayon lalayo na ako." Humahagulgol niyang sabi sa akin.
Tumalikod ako at hinarap ko siya. Umiiyak siya kaya tinanggal ko ang salamin niya para punasan ang mga luha niya at naawa ako sa kanya...
"Nigel... walang magbabago dahil ikaw pa rin ang bestfriend ko." Seryoso kong sabi sa kanya.
Humawak siya sa dibdib niya at parang hindi na naman siya makahinga kaya kinabahan ako...
"So..rry Kai... pero kapag lumapit pa ako ay lalo lang akong nahuhulog sa iyo." Humahagulgol niyang sabi.
"Hindi nagbago ang tingin ko sa iyo... kaibigan pa rin kita." Nag-aalala kong sabi sa kanya.
"Ayoko na... lalayo na lang ako para hindi na ako mahulog sayo." Sabi ni Nigel at hirap siyang magsalita habang umiiyak.
Bigla siyang nawalan ng malay kaya kinabahan ako at isinugod ko kaagad siya sa ospital na malapit dito sa venue kasama ang mga kaklase ko...
Sobra akong nag-aalala sa kanya... kasalanan ko ba yun? Nagpaka-totoo lang naman ako sa kanya eh... pero mali! Bakit parang may guilt akong naramdaman? Tama ba talaga yung naging desisyon ko?
Nandito kami ng mga kaklase ko sa labas ng room ni Nigel...
"Kai... ano ba ang nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Levy sa akin.
"Nagtapat siya sa akin pero..." Hindi pa ako tapos pero inunahan ako ni Carl na magsabi.
"Pero tinanggihan mo siya?" Tanong ni Carl at tumango lang ako.
"Ok fine... kung yan ang desisyon mo eh hindi ka namin mapipilit." Seryosong sabi ni JC.
"Pero Kai... mahal na mahal ka talaga ni Nigel." Sabi ni Levy at napatitig ako sa kanya.
Kitang-kita ko sa mga mata ni Levy na totoo ang sinabi niya... lalo akong nag-aalala kay Nigel...
"Sabi niya... lalayo daw siya sa akin." Seryoso kong sabi sa kanila.
Hindi sila sumagot at seryoso sila... parang may mali sa ginawa ko... ayoko ng may regrets, ayoko ng may mali ako pero ngayon ay hindi ko alam kung tama ba na tinanggihan ko siya...
Nahulog na rin ba ako kay Nigel?
Wala naman kasi talaga akong special na nararamdaman sa kanya at tingin ko masasayang lang ang pag-ibig niya sa akin dahil parang hindi ko naman yun masusuklian...
Nanatili lang ako sa labas ng room ni Nigel at umuwi na din ang mga classmates ko. Kinausap ako ng parents ni Nigel at...
"Alam mo ba Kai... palagi kang kinu-kwento sa amin ng anak namin." Sabi ng mama ni Nigel.
Napatingin ako sa kanya at hindi ako makapag-salita. Naiiyak ang mama ni Nigel habang kinakausap ako...
"Simula pagka-bata ay lagi lang siyang nasa bahay kasi mahina ang puso niya at bawal siyang ma-stress o mapagod." Sabi naman ng papa niya.
"Mahalaga po sa akin si Nigel at nag-aalala din po ako sa kanya." Malungkot kong sabi sa kanila.
"Alam naman namin yun... mahal na mahal ka ng anak namin." Sabi naman ng papa ni Nigel.
"Pero kung hanggang kaibigan lang talaga ang turing mo ay wala naman kaming magagawa." Sabi naman ng mama ni Nigel na naiiyak.
"Lumayo ka na lang kay Nigel para hindi na siya mapahamak." Seryosong sabi ng papa niya.
Parang bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi nila... kaya ko ba na lumayo kay Nigel? Para kasing nasanay na akong kasama siya...
"Pwede ko po bang makita si Nigel kahit ngayon lang?" Tanong ko sa kanila at tumango naman sila sa akin.
Pumasok ako sa loob ng room ni Nigel at natutulog lang siya...
I can't afford to loose this guy...
Pero kung talagang mapapahamak lang siya kapag nakipaag-kaibigan pa ako ay dapat na talaga akong lumayo para na rin sa ikabubuti niya...
Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya sa noo ng mariin at pagkatapos ay nagsalita ako...
"I'm sorry Nigel..." Malungkot kong bulong sa kanya.
Lalo akong nadurog nung makita ko na hawak-hawak niya ng mahigpit ang hugis pusong origami na ibinalik ko sa kanya...
Mahal niya talaga ako... pero kailangan kong lumayo para hindi na maulit ito sa kanya...
Umuwi na ako at pagdating ko sa bahay ay mag-isa na naman ako... wala ng tumatawag sa akin, wala ng pumupunta sa bahay para gumawa ng assignment naming dalawa at wala na ang bestfriend ko...
Hindi ako makatulog sa kakaisip ko kay Nigel at sobra akong guilty sa nangyari... sana bumalik kami sa dati dahil mahalaga siya sa akin...
Pagpasok ko sa school ay absent si Nigel at wala akong masyadong maka-usap dahil nalulungkot ako...
Mga isang linggo din akong ganun kasi one week din nag-absent si Nigel hanggang sa pumasok na siya...
Umupo kaagad ako sa tabi niya at parang hindi na niya ako nakikita...
"Nigel... please lang usap tayo." Malungkot kong sabi sa kanya.
Tumayo siya at lumipat ng upuan... para akong binaril sa dibdib dahil sa nangyari... ngayon lang ako nakaramdam ng ganito...
Masaya naman si Nigel kasama ang mga kaibigan ko at ako naman ay naging loner kasi gusto ko na si Nigel lang ang kasama ko...
Bakit ganito ang pakiramdam ko?
Ayos lang sa akin na mawalan ng ibang kaibigan pero iba ang epekto sa akin nung lumayo si Nigel... gusto kong kausapin siya, gusto ko na magharutan ulit kami kasi sa kanya ko lang nilalabas ang kakulitan ko pero lumalayo na siya...
Bumalik na ulit ako sa dati...
Bumalik na ang palaging seryoso at cold na ako dahil wala na ang taong nag-papangiti sa akin... sobrang laki ng impact nung nasira ang friendship namin ni Nigel...
Siya lang ang pinag-katiwalaan ko at ngayon ay wala na ang palagi kong kausap at wala na din yung taong nagbibigay sa akin ng origami...
Miss na miss ko na siya... araw-araw ay laging bumibigat ang pakiramdam ko dahil mag-isa na lang ako sa projects na dapat kasama ko siya...
Lagi kong tinititigan ang mga origami na ibinigay sa akin ni Nigel at sobra akong nagunngulila sa kanya...
Mga isang buwan na siyang umiiwas sa akin at hindi ko siya maka-usap pero malapit na ang completion kaya gusto ko na ayusin ang pagkakaibigan naming dalawa...
Lagi na silang magkasama ni Carl at pakiramdam ko ay nagkaka-gustuhan na silang dalawa... pakiramdam ko ay nagseselos ako pero bakit?
Umupo ako sa bench ng school at nagulat ako ng tumabi sa akin ang bully na si Jonas...
"Bakit malungkot ka Mr. President?" Tanong sa akin ni Jonas.
Hindi ko sigurado kung pinagti-tripan lang ako nito kaya di na ako sumagot...
"Alam mo kasi... dapat wag kang matakot na ipag-laban ang magpapasaya sa iyo." Seryosong sabi sa akin ni Jonas.
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Kitang-kita ko na nasasaktan ka kaya gusto kitang i-comfort." Nakangiting sabi sa akin ni Jonas.
Hindi ko maisip kung siya ba talaga ang nasa harapan ko dahil ibang-iba talaga siya sa Jonas na Kilala ko...
"Alam ko na hindi mo balak mag-share ng problema sa akin pero bago matapos ang klase at lumipat ka sa ibang school ay may aaminin ako." Seryosong sabi ni Jonas.
Napatitig ako sa kanya at lalo akong naguguluhan sa sinasabi niya...
"Mahal din kita Kai... at ikaw ang nagpabago sa akin." Seryoso niyang sabi.
Hindi ako makapag-salita at tama ba ang narinig ko na sinabi niyang rin? Ibig sabihin alam niya na may gusto sa akin si Nigel...
"Hinangaan kita nung nalaman ko na dati ka ring bully kaya maganda kang ihemplo sa akin... hindi na ako nagtaka nung nalaman kong nagkagusto rin sayo si Nigel." Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Hindi ko inaasahan na mahalin mo rin ako pero gusto ko lang na malaman mo... I love you Kai at sana hindi pa huli ang lahat sa iyo dahil alam ko na gusto mong maayos ang pagkakaibigan niyo ni Nigel." Seryosong sabi sa akin ni Jonas.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Jonas. Marami siyang nai-kwento sa akin at sabi niya nagselos daw siya kay Nigel kasi naging bestfried ko daw siya...
Niyakap ko si Jonas at naging magkaibigan na rin kami... siya ang pinaka-mailap na student dito pero hindi ko akalain na marami akong matututunan sa kanya...
Nung break time ay tinangka kong kausapin si Carl sa isang room...
"Carl... may gusto ka ba kay Nigel?" Seryoso kong tanong sa kanya.
"Oo... hindi siya mahirap mahalin dahil napaka-bait niya." Sagot niya.
"Pero lalaki kayong pareho..." Naguguluhan kong sabi sa kanya.
"Isipin mo ng mabuti... kung mahal mo ang isang tao ay hindi mahalaga kung ano siya dahil mahal mo siya at puso ang nagtuturo sa atin ng mamahalin." Seryosong sabi ni Carl.
"Pero diba ang babae ay para lang sa lalake at vice versa yun?" Sagot ko.
"Yun ang pinag-kaiba ng tao sa hayop, may puso tayo kaya hindi natin mapipili kung sino ang mamahalin natin." Sagot ni Nigel.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi sa akin ni Carl...
Bakit kailangan na magka-gusto siya kay Nigel? Paano kung masaktan niya si Nigel?
"Nililigawan ko si Nigel at malapit na niya akong sagutin." Seryosong sabi ni Carl at umalis na siya.
Hindi ako makapag-salita at para akong binato ng sibat sa dibdib... ang sakit at nahuli ko na lang ang sarili ko na umiiyak...
I've never felt this pain before... alam ko na kung bakit ganito ako, alam ko na kung bakit nasasaktan ako...
Dahil mahal ko rin si Nigel...
Siguro natakot lang ako na ma-judge ng ibang tao, siguro hindi pa ako handang tanggapin ang pagmamahal ni Nigel noon pero sigurado na akong mahal ko siya...
Ma-pride akong tao at pinang-hahawakan ko ang prinsipyo, dignidad at paniniwala ko kaya mahirap din sa akin na aminin sa sarili ko na nagkaka-gusto ako sa isang lalake kaya naging bulag ako...
Kung i-judge man ako ng ibang students ay wala na akong pake pero kailangan kong ipag-laban si Nigel...
Bakit kasi ngayon ko lang na-realize...
Kinailangan ko pang masaktan para lang maintindihan ko na mahal ko rin pala siya...
Bago ang uwian ay inabangan ko sa hallway si Nigel kasama si Carl at ang mga classmates ko... hinarangan ko ang daanan nila kaya napatitig sila sa akin at nagtataka...
"Anong meron Kai?..." Tanong ni Levy sa akin.
"Kakausapin ko si Nigel..." Seryoso kong sabi sa kanya.
"Hindi pwede! Antigas ng ulo mo Kai! Lumalayo na nga sayo yung tao tapos ganyan ka pa." Galit na sabi ni Carl.
Tumingin ako kay Nigel at umiwas siya ng tingin sa akin...
"Gusto niyo ba na matapos ang taon na may sama ng loob si Nigel sa akin?" Seryoso kong sabi sa kanila.
Hindi na sila nagsalita kaya alam kong tama ako...
Bigla kong hinatak ang kamay ni Nigel at tinakbo ko siya sa isang room... halatang gulat sila Carl sa ginawa ko...
Nagulat din si Nigel at ni-lock ko ang pinto sa room para walang maka-istorbo sa aming dalawa...
"Ano bang ginagawa mo?" Galit na tanong sa akin ni Nigel.
Bubuksan niya dapat ang pinto pero hinarangan ko siya...
"Usap muna tayo!" Naiinis kong sabi.
"Kailangan pa ba? Malinaw naman na lumalayo na ako eh." Naiiyak niyang sabi sa akin.
"Mahal mo pa ba ako?" Malungkot kong tanong sa kanya.
"Kinakalimutan na kita kaya wag mo ng guluhin ang nararamdaman ko!" Galit niyang sagot at mangiyak-ngiyak na siya.
Hindi na naman ako makapag-salita at alam kong malalim talaga ang sama ng loob niya sa akin...
"I'm so stupid na nahulog ako sayo! Pero wag mo ng ungkatin ang friendship natin dati kasi ayoko na!" Galit niyang sigaw at tumulo ang luha niya.
Tinulak niya ako at bubusan na niya sana ng pinto pero hinatak ko siya para humarap siya sa akin...
"Mahal din naman kita..." Mahina kong sabi habang naka-yuko.
Hindi nagsalita si Nigel at feeling ko nabigla siya... hinarap ko ang mukha ko sa kanya at...
"Sabihin mo na mahal mo rin ako..." Naiiyak kong sabi sa kanya.
Hindi siya nagsalita at umiiyak na lang siya...
"To..to.o ba yan?" Umiiyak niyang tanong sa akin.
Tumango lang ako sa kanya at...
"Mahal na mahal kita Kai... at hindi ko nagawang kalimutan ang nararamadaman ko sayo". Umiiyak niyang sabi sa akin.
Kinuha niya ang hugis pusong origami sa bulsa niya at ibinigay niya iyon sa akin...
"Sana tanggapin mo na ang pagmamahal ko sayo." Umiiyak niyang sabi habang inaabot sa akin ang origami.
Kinuha ko iyon at lalo akong naluha...
Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit dahil sobra ko siyang na-miss...
"Mahal din kita Nigel... sorry at ngayon ko lang na-realize." Sabi ko habang nakayakap ng mahigpit sa kanya.
Humarap ako sa kanya at tinanggal ko ang salamin niya tapos ay pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang kamay ko...
"Hindi na kita sasaktan ulit Nigel... simula ngayon ay mamahalin na kita ng buong-buo." Seryoso kong sabi at pinunasan niya rin ang luha ko.
"Thank you Kai... I love you." Seryosong sabi sa akin ni Nigel.
Hinawakan ko ang mga pisngi niya at hinarap ko ang mukha niya sa akin...
"I love you too Nigel..." Sabi ko at unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya.
Hinalikan ko siya ng mariin at parang sobrang sarap sa pakiramdam ng bawat segundo na magkadikit ang mga labi namin...
Ang lambot ng mga labi niya at sobrang passionate ng pagkakahalik... para akong nasa langit sa sobrang saya habang naluluha...
Pagkatapos namin maghalikan ay lumabas na kami ng room habang magka-holding hands...
Tumambad sa amin ang mga classmate namin at halatang nagtataka sa aming dalawa...
"Ok lang ba kayo? Anong nangayi?" Usisa ni Jessica sa amin.
Tinaas ko ang magkahawak naming kamay ni Nigel at...
"Kami na..." Nakangiti kong sabi.
Biglang ngumanga sila Levy at parang ayaw nilang maniwala...
"Talaga? Patunayan mo nga! Baka mamaya niloloko mo lang si Nigel!" Galit na sabi ni Carl sa akin.
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Carl at bigla kong hinawakan sa batok si Nigel at hinalikan ko siya ng mabilis sa labi...
"Pwede na ba yun?" Tanong ko at lalong ngumanga sila Carl.
Tumingin ako kay Nigel at namula siya ng sobra at parang nahihiya na siya sa ginawa ko...
"Wow! Congrats..." Sabi ni Levy at pumapalakpak pa siya.
"Sabi ko na nga eh! Magiging kayo talaga!" Nakangiting sabi ni JC.
Pagkatapos ng araw na yun ay lagi na kaming masaya ni Nigel at minsan may nangyayari na sa amin sa bahay...
Hanggang sa sinabi ni Nigel ang relasyon namin sa parents niya na sobrang saya. Hindi alam ng parents ko kasi nasa ibang bansa sila pero hindi ako natatakot...
Hindi ko pinagsisihan ang naging desisyon ko dahil sobrang saya ko at wala akong pakialam sa ibang tao. Basta mahal ko si Nigel!
Tapos ako ang naging valedictorian ng junior high sa amin kaya meron akong speech ngayon...
"First of all... I would like to thank all the teachers, maintenance, faculty staffs, the principal and the admin of this school. Ngayong taon ay puspusan ang pag-aaral natin at masasabi ko na ngayong taon din ang pinaka-masaya para sa akin. Nalampasan natin lahat ng mga mahihirap at sakit sa ulo na school works at naka-survive tayo! Buti na lang naka-pasa kayong lahat." Sabi ko at tumingin ako sa section nila Jonas at natatawa din siya.
Mabait naman pala talaga si Jonas at alam niyo ba na naging sila ngayon ni Carl kaya natutuwa ako...
"Marami na akong natutunan pero ang pagiging tapat at masipag na estudyante ay sapat na... marami na akong pinagdaan pero hindi ko inaasahang may magbabago pa pala sa akin. Gusto kong magpasalamat sa lahat ng naging classmates ko at napaka-bait niyo talaga. Gusto ring pasalamatan si Jonas dahil nakita ko na mabuti din siyang student na hindi nakikita ng marami." Sabi ko at nagpalakpakan naman silang lahat tapos parang sobrang saya ni Jonas sa special mention niya.
"May taong dumating sa buhay ko at malaki ang aral na itinuro niya sa akin. Natutunan ko sa paaralang ito kung paano maging totoong tao at itinuro sa akin ng espesyal na taong ito kung paano ba magmahal." Sabi ko at naghiyawan naman ang mga classmates ko.
Tumingin ako kay Nigel at...
"Tama ang sinabi nila... walang pinipili ang pag-ibig kaya hindi ako matatakot and I'm proud to say that I'm inlove with the same sex. Yes! I'm inlove with my boyfriend." Seryoso kong sabi at parang nagulat ang mga parents at ibang mga bisita.
Tumingin ako kay Nigel at parang nahiya na naman siya pero nakangiti at parang kinikilig...
"It takes time for me to realize how much I care for him... look at him, he is so handsome right?." Sabi ko at tinuro ko si Nigel.
"I really love that guy." Sabi ko at nagpalkpakan naman yung mga tao.
"I will dedicate this success to my love and my family... umpisa pa lang ito dahil mas marami pa tayong haharapin na pagsubok sa pagtutungtong natin ng senior high. I wish you all the best. Thank you!"
Marami pa akong sinabi sa speech pero yun naman talaga ang main idea ng gusto kong iparating na mensahe sa kanilang lahat...
Naging masaya kami ni Nigel at pareho kami ng school na papasukan ngayong senior high...
Sa buhay ay akala ko ok na mag-isa ako pero hindi pala sapat yun dahil si Nigel ang bumuo sa nawawalang piraso ng puso ko... he filled the empty space in my heart...
Si Nigel ang taong nagbukas ng mga mata ko kung paano ako magiging masaya dahil hindi pala sapat ang kasiyahan na ibinibigay sa akin ng mga parangal at mga medalya dahil walang kapantay na kasiyahan ang ibinibigay sa akin ni Nigel...
Nagbago ang pananaw ko sa buhay at pag-ibig. Alam ko na marami pa akong haharapin na pagsubok pero masasabi ko na mas naging matatag ako ngayon dahil kay Nigel...
Hindi na ako matatakot at sa kanya ako humuhugot ng lakas... hindi na ako takot magkamali dahil alam ko na meron din akong matututunan...
Ang puso ni Nigel ay parang papel... makulay pero madaling mapilas...
Sana may natutunan kayo sa kwento ko at hindi pa ito ang happy ending namin dahil simula pa lang ito ng kabanata namin ni Nigel... lagi niyong piliin ang tama at magpapasaya sa inyo at hindi niyo kailangang matakot dahil dadating din ang isang Nigel sa buhay niyo...
Dadating din ang taong magmumulat ng mga mata niyo, magtuturo ng aral at bubuo na nawawalang parte ng puso niyo...
No comments:
Post a Comment