Pages

Saturday, January 7, 2017

Akala ko Sur (Part 2)

By: Karl ng ZamboSur

Marami pong salamat sa mga nagkagusto sa na-i-share kong kuwento. Hindi ko na sana ipagpapatuloy kasi nung lumabas siya, akala ko wala talagang may gusto. Kaya gumawa na po ako ng Part 2. Maraming salamat! To Ray na unang nagcomment, kay Ronnie23 at Clint Salvador, this is for you. Sana magustuhan niyo po.

“Kung ang sandaling kaligayahan ay maaaring maranasan, bakit ko hihindian?”
Parang lumabas ang aking kaluluwa sa kaligayahan nang makita ko si Jon na para bang alalang-alala sa akin. Gusto kong mag-assume dahil iyon talaga ang aking naramdaman sa mga oras na iyon. Para bang feeling ko ay napakaimportante kong tao sa mga panahong iyon.
Nahuhulog na ako; biglaan no? Pero bakit ko ipagkakait sa aking sarili ang isang bagay na gusto kong maramdaman at maranasan? Kinikilig ako ngunit natatakot ako; takot kasi lalaki si Jon at baka his acts were just nothing to him, baka pure friendship lang talaga ang intentions niya. Pero kahit pa, kinikilig pa rin ako.
Naging napakagaan ng aking pakiramdam sa mga sumunod na araw. Nariyan siya parati, siya ang kasakasama ko sa bawat hapon. At sa pagsibol ng panibagong araw, unti-unti kong narerealize na nagmamahal na pala ako. Ewan ba, hindi ko talaga ma-explain; I just couldn’t put the right words. But I know I already fell in love.
Masaya ako, masayang-masaya pag kasama ko siya. Ang thirty minutes na nakalaan para sa remedial class ay parang naging napakahabang panahon dahil sa ligayang aking tinatamasa. But, I couldn’t see anything special from him, para lang kasing napaka-ordinaryo ng kanyang pakikisama sa akin. Haist, ito talaga ang ayaw ko, ang mag-overthink, paano kung ganito, paano kung ganyan. Wew!
Dahil napaka-close ko naman kay Mike, na siya namang kaibigan rin ni Jon, binalak ko talagang sabihin sa kanya (Mike) ang nararamdaman ko.
“Mike, naa koy isulti nimo, pero atua lang ni ha?” (Mike, may sasabihin ako sa’yo pero atin-atin lang ‘to ha?) Biglang binigyan ako ni Mike ng isang gulat na tingin nang sabihin ko iyon sa kanya.
“Unsa man diay?” (Ano pala iyon?) Sagot ni Mike sa akin.

…………………………….TAGALOG NA LANG PARA MAS MADALI………….

AKO: May gusto ako kay Jon pero natatakot akong sabihin sa kanya.
MIKE: Sus, alam ko na iyan dati pa! Napaka-obvious kaya.
AKO: Huh? Papaano?
MIKE: Huwag kang madisappoint ha, pero wala iyong gusto sa’yo, sa mga kagaya mo!

Ouch, straight to the bones! Ang sakit ng sinabi niya. Sa mga kagaya ko? Eh bakit napaka-sweet niya? Eh bakit palagi niya akong kinakamusta? Eh bakit may mga panahong binibigyan niya ako ng kung anu-anong pagkain? Eh bakit feeling ko nag-aalala siya sa akin?
Sunod-sunod na mga katanungan ang agad lumabas sa utak ko. Kasabay ng pag-amin ko ay ang isang malaking pagbabago na hindi ko lubos na inasahan. Kasi ang akala ko, okay na sa kanya na ganun ako sa kanya at magiging ganun din siya sa akin. Ngunit mali ako, maling-mali ako. Sinabi ni Mike kay Jon ang lahat ng sinabi ko. Actually, okay na rin sa’kin na sinabi niya kay Jon upang malaman ko ang totoo.
Totoo nga ang naramdaman ko pagkatapos noon, totoong-totoo na wala lang pala sa kanya iyon. Ang lahat ng aming pinagsamahan ay naglaho bigla. Masakit kaya, sobra!
Pag nakakasalubong ko siya sa sa paaralan ay parang hindi niya ako nakikita. Ni parang hindi ako nag-eexist sa harapan niya. Ang saklap no? Yung taong inakala kong magugustuhan ako ay lumayo bigla, in an instant. Wow, just wow! Ang sakit lang eh lalo na nung sinabi ni Jon kay Ma’am na hindi na niya kailangan ng gagabay sa kanya dahil kayang-kaya na niya. Wala naman akong ibang masamang narinig sa ibang tao na galing sa kanya. Ang huling alam ko na sinabi ni Mike sa akin ay ayaw raw ni Jon, ayaw na ayaw niya!
Pinipilit kong magpakatatag dahil kaming tatlo lang naman ni Jon at Mike ang may alam. Ngunit hindi ko talaga maiwasang maging malungkot lalong lalo na kapag nagkakasalubong kami at hindi man lang niya makuhang tumingin sa akin at pansinin ako. Too much expectations plus assumptions really killed me. Yes, it ended that way.
Mangiyak-ngiyak ako nang sabihin ko ang lahat ng aking hinanaing kay Mike. Sa mga panahong iyon, si Mike lang ang taong pwedeng umintindi sa akin.

AKO: Mike, paano humantong sa ganito? Napakabiglaan naman!
MIKE: Simple lang, ayaw niya at hindi kaya ni Jon na magkagusto sa kapwa lalaki!
AKO: Pero bakit iba ang naramdaman ko sa sinabi niya?
MIKE: Kaya ka nasasaktan kasi nag-expect ka! Eh ang totoo palakaibigan lang talaga si Jon! Hindi mo ba napapansin na ganun talaga siya sa lahat ng kaibigan niya?
AKO: Eh sa first time ko mafeel ang ganun eh. Masisisi mo ba ako?
MIKE: “Bakit ka pa maghahanap ng iba eh andito naman ako?”
AKO: Huh? Ano?
MIKE: Narinig mo pero balewala lang sa’yo. Ako na lang pala?
AKO: Huwag kang magbiro, Mike! Hindi napapanahon!
MIKE: Syempre joke lang! Hahahahaha

Mula noon, sinubukan kong intindihin ang mga pangyayari at pilit na pinapaintindi sa aking sarili na ang lahat ng iyon was just a lesson to be learned. “Never assume!”
Habang lumilipas ang mga araw, parang we went back to being strangers again. Hindi ko naman kasi pwedeng ipilit ang aking sarili sa isang taong ayaw naman sa akin. Nariyan pa naman si Mike! Oo, si Mike!
Tinanong ako ni Mike kung gusto ko ba daw talaga ng isang relasyon. Pero sabi ko, ayoko kasi seloso ako! Nagulat ako nang sabihin niyang siya na lang daw pala.
Teka, tama ba yung narinig ko? Instead of someone else, bakit hindi na lang daw siya? Teka lang ulit ha, parang may mali kasi ang alam ko magkaibigan lang kami ni Mike. Umikot sa aking isipan ang posibilidad na baka nga gusto ako ni Mike at hindi siya nagbibiro kasi hindi ko ma-picture out sa kanyang mukha ang isang taong nagbibiro.
Pero naguguluhan ako. Hindi mahirap mahalin si Mike. Siya yung tipong masayahin, palaging nakikinig sa akin, yung taong unang nakakaalam sa mga nararamdaman ko, kahit hindi ko hinahanap eh biglang dumadating para samahan ako. Pero natatakot ako, natatakot akong masaktan muli.
Nanligaw si Mike. Nakakatawa no? Hahaha. Pero pasekreto lang, syempre nag-iingat na rin sa mga mapanghusgang mata. There was a time na kami lang dalawa ang naiwan sa classroom dahil pareho kaming komokopya ng lecture nang bigla niyang hawakan ang aking kamay. Hinihimas-himas niya ito. Totoong nagulat ako sa ginawa niya pero nagustuhan ko. Hanggang sa bumigay ako. (Please don’t judge me, hahaha). Nahulog na rin kasi ako sa kanya. Napaka-patient niya sa akin. Dahil sa kanya, nakalimutan ko si Jon at siya talaga ang rason kung bakit unti-unting nawawala ang sakit kapag nakikita ko si Jon.
Bumalik ulit yung saya, pero this time, si Mike na ang dahilan. Masaya, sobrang saya. Meron yung time na may school activity kami at kinailangan naming matulog sa classroom dahil may tinatapos kaming materials. Marami kaming magkaklase na natulog sa room, syempre, magkatabi kami ni Mike humiga. Nakupo, eto na talaga ang nagpamulat sa aking muwang na isipan. Una kong naranasan ang humalik, yes, it was my very first time at hindi ko talaga lubos maisip kung paano gumanti sa paghalik. Pero isa lang ang alam ko, nung ginawa namin iyon, I felt like I was really assured of my security, I felt so safe with him. Mas naramdaman kong mahal nga niya talaga ako. (Though it shouldn’t be the basis.)
Naging ganun ang aming mga tagpo ni Mike. Wala talagang nakaalam na may relasyon kami. Hanggang sa dumating ang isang bagay na sumubok sa tatag naming dalawa. Nakita ko siyang may hinahatid na kaklase naming babae, hinahawakan ang kanyang kamay. Biglang nag-init ang lahat ng dugo ko nang makita ko sila. Pero hindi ako nagpahalata syempre. Napansin yon ni Mike at alam niyang nagalit ako. Nang bumalik si Mike, nakaupo lang ako sa aking arm chair, nagsusulat ng kung anu-ano dahil wala na ako sa mood. Lumapit siya at nag-usap kami.

AKO: Sino yun siya sayo?
MIKE: Huh? Ano ka ba!
AKO: Tanggap ko naman na darating talaga ang araw na ito, araw na masasaktan ako. Pero hindi ko inasahang ganun pala talaga kasakit. Nagseselos ako at nasasaktan ako!
MIKE: Sobra ka naman! Sorry! (Umikot siya sa akin, tumayo sa aking likuran and he hugged me.

I was left speechless, when he wrapped me in his arms, alam kong kahit papaano ay mahal niya rin ako.
Minsan, hiniram niya ang aking cellphone at nag-Facebook. Dahil nagmamadali siyang umuwi, hindi niya ito na-log out. Alam kong mali ang makialam ngunit I was tempted to know what’s with his account. I immediately looked for his messages and lo and behold, gusto kong manlumo sa sakit na naramdaman ko nang makita kong may iba siyang sinasabihan ng I LOVE YOU na kagaya ko na hindi na student, at may mga classmates rin kaming babaeng sinasabihan niya ng ganun. Nanginginig ako sa tuwing nababasa ko iyon.
Wala siyang alam na may alam ako. Sobrang sakit, doble-doble talaga! Hindi ko matanggap na sa mga panahong naging kami ay hindi lang pala ako nag-iisa.
Mahal ko si Mike, yan ang alam ko. Gustong-gusto ko pa kahit ang sakit-sakit na. But I had to make a decision. I had to right what’s wrong. Hindi ko naman hihilingin ang lahat ng panahon niya, ang gusto ko lang naman ay ako at siya, wala ng iba. Ang tanong, kailangan ko pa ba itong isalba kahit ang sakit-sakit na?

No comments:

Post a Comment

Read More Like This