Pages

Sunday, January 15, 2017

Pastor's Child (Part 6)

By: Erick

Onti onting hinatak ni Sam ang kwelyo ko papalapit sa kanya. Tumigil ang pagtulo ng luha ko at para bang nagkaroon ng kasagutan lahat ng mga tanong  ko. Hindi man masabi ni Sam ang mga salitang "Ikaw lang ang mahal ko, wala nang iba" ay ipinapakita naman ito ng kanyang mga labi na kasalukuyang nakalapat sa mga labi ko.

Mabilis na bumukas ang pinto ng kwarto ni Sam
"Andy, uuwi---" tila hindi natapos ng ina ni Sam ang pagtawag sa'kin mula sa kanyang na saksihan. Mabilis akong itinulak papalayo ni Sam at tila wala kahit isa sa amin ang makapagsalita.

Nabingi ako sa katahimikan ng paligid, tila naging blanko ang aking isipan at wala nang tumatakbo sa isip ko kung hindi ang tanong na, anong gagawin ko?

"Sam... " Bulong ni mam Samantha habang nakatakip ang dalawang kamay niya sa kanyang bibig dala ng gulat sa naabutan niyag pangyayari. Mangiyak ngiyak siya at tila tuloy tuloy ang pagtulo ng kanyang mga luha. Narinig ko ang mga kalabog sa hagdan at nakita ko na lang si Pastor na nakatayo na sa likod ni mam Samantha at tila puno ng pagtataka ang kanyang mukha.

"Ano nangyari...?" Tanong ng kanyang malalim at malaking boses

"Ma..." Pag iyak ni Sam

Lumapit sa'kin si mam Samantha at tila tinignan ako ng mata sa mata. Dahan dahan akong tumayo mula sa pagkaka upo ko sa kama ni Sam at ibinaling ko ang tingin ko sa sahig.

"May relasyon ba kayo ng anak ko?" Galit na galit niyang bulong habang patuloy siyang umiiyak

Hindi ako makagalaw at tila wala akong magawa kundi ang patuluin ang aking mga luha... punong puno ako ng takot, kaba at tila parang wala na kong kawala.

"MAY RELASYON BA KAYO NG ANAK KO???!" Malakas na ulit ni mam Samantha at naramdaman ko ang mabilis na pagdaplis ng kamay niya sa kaliwa kong pisngi.

Pag angat ko ng ulo ko ay naglalakad na ang aking ama papunta sa'kin, kitang kita ko ang galit na nakabakas sa mukha niya.
"Sa bahay tayo mag uusap." Bulong nito habang nakaduro ang hintuturo niya sa'kin.

---------

Pagkarating namin sa bahay ay dire diretso akong pumasok patungo sa aking kwarto "ANDY!" Malakas na sigaw ng aking ama.

Patuloy ang pagtulo ng mga luha ko habang hinarap ko ang mga magulang ko.

"ANDY SAAN KAMI NAGKULANG? HA?" Galit na galit ang aking ama at walang magawa ang aking ina kundi ang humikbi.

"Akala namin napalaki ka namin ng tama... YOU'RE A DISGRACE TO THIS FAMILY! ISA KANG MAKASALANAN!"

"And so are you..." Mahinang sambit ko
"Tell me dad, anong gagawin niyo kung ito talaga ko? Anong gagawin niyo kung bakla ang anak niyo? Ano? Magdarasal tayo? Babasahan mo ko ng bibliya?"

"Andy... Naririnig mo ba nga sinasabi mo?" pag subat ng aking ina

"You will rot in hell, Andy! Mahal ka namin ng mommy mo at ayaw namin mangyari yun! Ano na ba nangyayari sa'yo?! Alam mo bang napakalaking kasalanan ng ginagawa mo---"

"Alam ko! Alam ko kung ano ako, alam ko kung sino ako! Alam ko kung anong gusto ko! Pero hindi ko alam... Hindi... ko alam kailan pa naging kasalanan ang magmahal... Kasalanan ba magmahal, ma?" patuloy ang pag hagulgol ko at tila hidi sila makasagot sa tanong ko

"Karumal dumal yang ginagawa mo anak..." Mahinang sambit ng aking ama

"No dad... Mas karumal dumal ang husgahan niya ko nang dahil lang sa nagmahal ako..."

"ANDY! HINDI PA TAYO TAPOS MAG USAP! ANDY!"

Tumungo ako papalabas ng bahay at nag commute pabalik sa Maynila. Pagkapasok ko sa unit ko ay doon ko inilabas lahat. Umiyak ako ng umiyak hangga't sa wala na kong mailuha pa. Magang maga at pulang pula ang mga mata ko. I cried myself to sleep that night, hindi ko na alam ang gagawin ko... Nawalan na ko ng balita kay Sam, samantala hindi pa rin ako kinakausap ng mga magulang ko at itinigil nila ang pagpapadala sa'kin ng monthly allowance ng sa ganun ako ang lumapit sa kanila. Ilang araw na rin ako hindi pumapasok sa eskwela at hindi ko sinasagot ang mga phone calls ko. Hindi ko sasagutin hangga't hindi si Sam ang tumatawag sa'kin. Palalim na ang gabi habang umaambon... Nakatulala ako sa bintana na puno ng patak ng ulan, nakatingin sa kawalan. Hindi ko alam kung ano pumasok sa utak ko at kinuha ko ang bibliya.
Paulit ulit akong nagbasa at iba ibang boses na ang naririnig ko. Naririnig ko ang boses ng mga magulang kong binabasa ang talata na Leviticus 20:13, ang boses ni Sam, ni pastor naririnig ko ang bulong ng bawat isa sa simbahan. Kasalanan ba ang buong pagkatao ko? Bakit pa ko nabubuhay kung mabubulok rin pala ko sa impyerno... Gusto ko na matapos 'to ngayon pa lang dahil doon rin naman pala ang pahahantungan ng lahat ng 'to. Gusto ko na matapos ang paulit ulit at walang katapusan na mga tanong sa buhay ko, gusto ko na matapos lahat ng sakit at dusang pinagdadaanan ko. Gusto ko na matapos lahat...

"Andy? Alam kong nandyan ka, buksan mo naman yung pinto."

Sunod sunod na katok ang mahina kong naririnig.

"Leave me alone, please..." Pagmamakaawa ko

"Andy? Okay ka lang? Andy! Andy buksan mo yung pinto. Please!"

"Ayoko na......... Umalis ka na....." Pag iyak ko habang palakas ng palakas ang mga katok mula sa pinto.

Dahan dahan kong itinutok ang kutsilyo sa pulso ko at huminga ko ng malalim.

"ANDY! Please nag aalala na kami lahat sa'yo! Andy please, open the door!"

Kasabay ng pagpikit ng aking mga mata ang luhang tuloy tuloy na tumulo sa aking mukha.

"ANDY ANO BA?! ANDY!!!"

Onti onti kong idiniin ang kutsilyo sa'king balat ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Josh na nakatayo at di makagalaw.

"Andy... Please... Wag mong ituloy yan..." Bulong niya habang dahan dahan siyang lumalapit sa'kin.

"Josh, ayoko na... hayaan mo na ko... umalis ka na..."

"Andy... please... please ibigay mo na sa'kin yan?" Mahinang sambit ni Josh habang lumuluhod siya sa sahig para abutin sa kamay ko ang kutsilyo

"JOSH, PLEASE!" Malakas kong sigaw habang lalo kong idiniin ang kutsilyo sa'king balat

"ANDY...." sambit ni Josh sa pagkagulat
"Andy, please... Please wag mong gawin 'to!" Pagmamakaawa ni Josh habang pumapatak na ang luha niya mula sa mabibilog niyang mga mata. "Andy, mahal kita..." Mahinang bulong niya habang inaabot ng kanang kamay niya ang pisngi ko. "Makinig ka sa'kin... Mahal kita... Andito lang ako palagi----" hindi natapos sa pagsasalita si Josh ng bigla kong binitawan ang kutsilyo at hinagkan siya ng isang yakap.

Patuloy ang pagiyak ko habang nakapalupot ang kamay ni Josh sa akin. Nang gabing iyon ay siya ang naging sandalan ko, iyon ang unang pagkakataon na nakita kong umiyak si Josh at unang beses na marinig ang mga salitang iyon mula sa bibig niya. Hindi ko inakalang sa tagal ng pag gamit namin sa katawan ng isa't isa para makaraos ng libog ay kaya din pala niya kong mahalin.

Inilapat ni Josh ang mga labi niya sa labi ko... Ramdam ko ang init ng kanyang hininga, niyakap ko ng mahigpit si Josh, sa unang pagkakataon nakaramdam ulit ako na parang may kakampi ako sa mundong 'to.

Si Josh ang umalalay sa'kin ng mga panahon na yon, alam kong nawala ako. Nawala ako sa piling ng Diyos, nawala ako sa sarili at nawala rin ako sa direksyon ng buhay ko pero si Josh ang tumulong sa'kin bumangon. Siya ang naging ilaw ko sa kadiliman na bumabalot sa pagkatao ko. Si Josh ang nagparamdam sa'kin ng totoong pagmamahal at walang mali sa pagkatao ko.

Ilang linggo na ang lumipas bago ko napagpasyahan na bumalik sa bahay. Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ng mga magulang ko.

"Ma, sorry..." Mahina kong sambit

Humingi ako ng tawad sa mga magulang ko, nag usap kami ng masinsinan at kahit hindi pa rin nila tanggap ang buong pagkatao ko ay tinanggap nila ng buo ang desisyon ko na mananatili akong totoo sa sarili ko. Gusto ng aking ama na uma-attend ako sa isang group counseling for converting sexuality sa Cavite ngunit hindi ako pumayag.

Nabalitaan ko na lang na si Sam ay lumipad na papuntang America para um-attend ng isang camp sa Nevada "Pray the Gay away" at pinaaral siya sa isang bible school. Naputol ang communication namin at nagsimula na rin akong um-attend sa ibang simbahan. Bagama't tuwing linggo ay nakaupo lang ako at nakikinig, at least alam kong sa lugar na yon ay walang mang huhusga sa pagkatao ko. May sarili akong relasyon sa Diyos at kahit kailan hindi magiging hadlang ang aking sekswalidad sa pananampalataya ko.

Lumipas ang ilang taon at gumraduate na rin kami ng mga kaibigan ko. Si Karl bilang isang cum laude, si Marj, Tina, ako at si Josh... Hmm basta naka graduate haha. Nagkaroon na rin kami ng kanya kanya naming trabaho at nanatili pa rin ang aming pagkakaibigan.

Nagkaroon kami ng relasyon ni Josh ngunit ilang buwan lang matapos ang graduation ay naghiwalay na rin kami. Alam ni Josh na si Sam talaga ang hinahanap hanap ko kaya minabuti na namin tapusin na namin ang laro na nakakasakit lang sa'ming damdamin. But we're still good friends, palagi pa rin kaming kumpleto sa gathering ng grupo namin at tila parang walang nagbago.

Masasabi kong masaya na ko sa kung ano ang buhay ko ngayon, I wonder kung nasaan na ba si Sam ngayon at kung masaya rin ba siya sa buhay niya. Yan ang isang malaking tanong ngayon sa buhay ko.
-------

While I was browsing my feed, nakita ko ang isang post ng church mate namin kung saan shinare niya ang isang article patungkol kay Sam.

"Sam Asuncion's journey to Romans' road"

Binasa ko ang article at isa na siyang ganap na pastor. Sinabi niya sa interviewer na tinalikuran niya na ang makasalanan niyang buhay noon at tinanggap na niya ng buo ang plano ng Diyos para sa buhay niya. Maging isang pastor at makatulong sa ibang kristiyano na naliligaw ng landas, binanggit niya rin ang mga hindi madaling pinagdaanan niya para makapaunta sa kung nasaan siya ngayon.

"Nothing is impossible with God, really. I admit na hindi ko ginusto maging pastor, noon. Pero ngayon, I am very grateful to my parents who helped me to get over my homosexuality. I am now a whole new person and all I want to do now is to help other people who's been going through the same situation I had been before. Akala ko kasi wala nang pag asa, but God showed me the light and to follow it was the most fulfilling thing I've ever done in my whole life."

"You can change...
Change...
Lumapit ka lang sa Diyos
Tutulungan ka niya..."

--------

"Andy! Gising na!"

Mahinang sambit ng isang lalaki na gumising sa'kin mula sa malalim kong tulog.

"Dy, wake up, nagluto na ko ng breakfast." Bulong nito sabay halik sa noo ko.

Umupo ako sa kama at tinanaw ko ang bintana. Patuloy pa rin ang pag ulan ng niyebe. Ramdam na ramdam ko ang lamig tuwing magpapasko dito sa Alberta, Canada.

"Sam... I had a dream... you finished bible school and naging pastor ka." pag ungot ko habang bumabangon ako sa kama.

"Matagal na kong umalis sa bible school. Isa pa, I don't want to talk about it."

"Sorry, it's just... It felt so real... Natakot lang ako..."

"Buti nga at sinundan mo ko sa America eh, kung hindi mo ko hinanap baka pastor na talaga ko ngayon at wala ko sa harap mo."

"I love you." bulong ko at niyakap ko si Sam mula sa kanyang likod na nakaupo sa dining table. "Laro tayo?" bulong ko na ikinatawa namin...

The End

No comments:

Post a Comment

Read More Like This