Pages

Sunday, January 15, 2017

Ang Boss at ang Driver (Part 7)

By: Asyong Bayawak

‘Gabe?’

‘Hmmm?’

‘Hon, gising na. Uuwi na tayo.’

Madilaw ang paligid. Bukas lamang ang lamp shade at nababalot ng mga anino ang kwarto. Pupungas-pungas pa si Gabe; dama nya ang kamay ng kasintahan sa balikat. Nakatulog nga pala siya sa servants’ quarters sa tabi ng gym. Huminga siya ng malalim at saka yumapos sa bewang si Daniel; nakasiksik ang mukha sa hita.

‘Uuwi na tayo,’ pag-u-ulit ni Daniel, naglalambing ang boses. ‘Halika na, pogi.’

Iniangat nang bahagya ni Gabe ang ulo at tumingin sa nobyo. ‘Dito nalang tayo matulog…’

Tumayo si Daniel at hinila pataas si Gabe, hanggang sa nakaluhod na si Gabe sa kama para magkaharap. Pagkuwa’y hinalikan nang bahagya ni Daniel ang kasintahan sa labi. ‘Sorry, hindi pwede. Maaga pa ako aalis bukas at nandon sa bahay yung mga gamit ko.’

Umakap si Gabe sa leeg ni Daniel. ‘Sige, pero buhatin mo ‘ko.’

‘Ahahahaha!’ Hinalikan ni Daniel si Gabe sa pisngi. ‘Gusto mo yata ako mabalian ng likod. Halika na, tumayo ka na dyan.’

‘Uy, alam mo ba, bago mo ako gisingin, nanaginip ako. May katabi daw ako dito sa kama na foreigner. Sobrang gwapo: blonde at blue eyed. Inaaway nga lang ako eh, ewan ko ba, hindi ko gaano maintindihan kasi English,’ saad ni Gabe sabay tawa nang mahina.

‘Ah, ganon ba?’ Nakakunot ang noo ni Daniel. ‘Si Jerome yon, yung pinsan ko na namatay dito sa mansyon.’

‘Ha?! Seryoso ka ba??’

‘Aray-aray—teka hindi ko makahinga… jo-joke lang…’

Umaklas sa pagyapos si Gabe at saka pinagsusuntok ang dibdib ni Daniel. Halos mapaupo naman sa katatawa ang huli.

‘Ikaw, ayan, hilig mo kasing manood ng horror, bilis mo tuloy matakot.’ Lumapit ulit Daniel upang akapin ang binata.

‘Gago ka pala eh, ‘wag mo kasi ako tatakutin! Halika na nga!’ Tumayo si Gabe, hila-hila palabas ng kwarto ang nobyo. Bukas ang mga ilaw sa hallway, pero iniiwasan niyang mapalingon sa mga nadaraanang madidilim na sulok, at baka sakaling doon nagtatago ang multo ng gwapong foreigner.

----------------
Mabagal lumipas ang mga araw sa Guimaras. Noong Bagong Taon, nang ipagpaalam ni Daniel na “dadalaw” sila dito, akala ni Gabe ay aalis din sila kaagad. Hindi niya inasahan na magtatagal pala sila. Sa ngayon ay nalalapit na ang ikatlong buwan ng kanilang pananatili sa probinsya. Paminsan-minsan, dumadalaw sila sa Maynila para puntahan ang kanyang mga kapatid. Tuluyan na niyang ibinigay sa ama ang pag-aalaga sa mga bata, para na rin sa ikabubuti ng lahat. Kita naman niyang maayos ang kalagayan ng mga ito. Hindi rin naman siya nami-miss gaano dahil halos araw-araw silang nag-uusap sa Skype.

Ayaw man niyang aminin sa sarili, nababato na si Gabe sa hasyenda. Kung anu-ano lang ang ginagawa niya, kagaya ng pag-e-ehersisyo, pagtatampisaw sa sapa, pagbabasa ng mga nobela, panonood ng sine at TV series o kaya ng mga online classes sa Coursera. Medyo nahihilig na rin siyang magdrawing at magpinta kaya’t umoorder siya ng kung anu-ano: ProMarkers, mga ballpen na iba’t-ibang kulay, lapis, color pencils, watercolor, sketchpads, at canvas. Hindi naman siya lumalampas sa allowance na ibinibigay sa kanya ng nobyo kaya okay lang. Ang problema, hindi siya magaling mag-art. Kahit anong tutorial ang panoorin niya sa YouTube, palaging mas maganda ang laman ng kanyang imahinasyon kaysa sa lumalabas sa kanyang papel at canvas. Ang sabi naman ni Daniel, kelangan daw niya ng 10,000 oras na practice para gumaling siya. ‘Ang tagal namaaaan,’ angal niya. 

Dati ay sumasama siya sa mga trabahador para magtrabaho sa bukid at mag-alaga ng mga kabayo’t baka. Enjoy na enjoy si Gabe, pero nagagalit naman si Daniel dahil late na siyang nakakauwi, tapos pagod pa silang pareho. Hindi rin maiiwasan na magtalo silang dalawa, pero minabuti na niyang huwag na munang magtrabaho para maasikaso niya si Daniel pag-uwi nito sa gabi.

Noong nasa Maynila pa, kahit papaano’y nagkakausap sila kapag hinahatid at sinusundo niya ang nobyo sa opisina. Ngayon, dahil sa mansyon lang ang opisina ni Daniel, parang tanga naman na ihahatid sundo pa niya ito. Isa pa’y maraming kausap si Daniel tungkol sa business. Puro mga kamag-anak, kaya’t hindi gaanong nagpapakita si Gabe. Ayaw niyang pag-isipang nakikisawsaw siya. Meron yatang expansion na pinagtatrabahuhan ang mga kamag-anak kaya’t panay din ang business trips ng mga ito sa Australia at New Zealand. Puro mabilisan lang din at patayan sa oras.

Habang nasa ibang bansa si Daniel, naiiwan naman si Gabe sa bahay. Ayaw na nga niyang isipin ang tungkol sa sex life nila. Parang puro blowjob at quickie nalang. Kung hindi pagod si Daniel, nagmamadali naman itong umalis. At kapag nasobrahan ang pagtatalo nila, sa magkaibang kwarto sila natutulog. Nagbabati naman sila kinaumagahan, kahit kalimitan ay siya ang unang lumalapit at naglalambing kay Daniel. Inuunawa nalang ni Gabe dahil hindi naman siya ang pagod sa trabaho. At kung tutuusin, spoiled siya sa mga materyal na bagay.

Ang buong akala ni Gabe, happy ending na kapag nagkatuluyan sila ni Daniel. Ang daming beses niyang pinangarap na palagi silang magta-travel; masaya, magkasamang kumain, nagtatawanan, nagkukwentuhan. Ngayon parang palaging may mabigat na bagay na nakapatong sa kanyang dibdib. Parang palaging may kulang. Sa mga inaasal nga ni Daniel, minsan bigla nalang may kumukurot sa puso niya.

Kagaya nung nakaraang araw, naglalambing lang naman siya na ‘wag na munang magtrabaho si Daniel dahil Sabado naman, pero biglang nasira ang laptop nito at siya pa ang napagbuntunan ng inis. Ayaw siya kausapin pagkatapos. Lumabas nalang si Gabe ng bahay at nagbabad ng paa sa batis, habang may tumutulong luha sa kanyang mga mata. Kinagabihan, humingi naman ng paumanhin si Daniel; mali daw ang kanyang ginawa. Pero kahit na ganon, hindi pa rin maalis sa puso’t isipan ni Gabe ang madilim na ulap na bumabalot sa kanilang pagsasama.

----------------

Huwebes ng umaga, nagising si Gabe sa tunog ng cell phone. Parang binibiyak ang kanyang ulo. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa sofa. Sa coffee table ay may nakatumbang bote ng Jack Daniels. Walang natapon dahil naubos niyang lahat. Ang huli niyang natatandaan ay tatayo sana siya upang kumuha ng isa pang bote, pero sa kalasingan ay napaupo at tuluyan na ngang humiga. Ang sabi niya sa sarili’y lilipat siya ng kama maya-maya, subalit hindi na niya nagawa.

Tuluyan nang huminto sa pagri-ring ang cellphone bago pa man niya ito mahanap. Natatabunan kasi ng mga throw pillows at sa lugaw niyang utak ay hindi niya ito makita. Di bale, mamaya nalang.

Bumangon si Gabe at dumeretso sa banyo upang umihi, maghilamos, at magsipilyo. Pagkuwa’y pumunta sa kusina para mag-almusal—tanghalian. Mag-a-alas dose na pala. Gutom na gutom si Gabe. Halos wala nang laman ang kanilang ref dahil tamad siyang magluto kapag wala si Daniel. Isang linggo na itong hindi umuuwi kaya’t kung anu-ano nalang ang kinakain niya. At dahil nga wala siyang makitang kakainin, nagpalit ng shorts at t-shirt si Gabe para pumunta sa mansyon para makikain.

Nadatnan ni Gabe na nagliligpit ng pinagkainan si Noel.

‘Pwede pa bang makikain?’ tanong niya.

‘Kuya Gabe!’ masayang bati ng binata. ‘Oo naman po. Meron pa pong kuratcha, lechon manok, ginisang malunggay at tofu… at… ay, ubos na pala ang century egg. Upo na po kayo, ipaghahain ko po kayo.’

Kumuha si Gabe ng pinggan at kubyertos habang tinatapos ni Noel punasan ang mesa. Kumuha na rin siya ng kanin; marami-rami, dahil sa gutom. Maraming bumabati sa kanya na lumalaki na raw siya; hiyang sa probinsya. At kahit si Daniel lumalaki na rin. Nako-conscious si Gabe kaya’t doble sikap sa pag-eehersisyo. Gayunpaman, sumisikip na talaga ang kanyang mga damit. Noong huling uwi nga ni Daniel, may dalang mga bagong damit para sa kanilang dalawa. Dahil siguro sa pagka-fresh ng mga lulutuin kaya kain sila nang kaing dalawa. Wala namang reklamo si Gabe dahil siya naman ang nakikinabang sa pagka “daddy” ng katawan ni Daniel. Kung dati medyo slim ito, aba ngayon ay parang Francois Sagat na ang katawan. Ang problema, bihira naman niyang matikman, sayang lang.

‘Kuya, bakit ka po bumubuntong hininga?’ tanong ng binata.

Napatawa si Gabe. ‘Ah ganon ba? Sorry may iniisip lang.’

Napainit na pala ni Noel ang mga ulam, hindi manlang niya napansin. Basta pinuno nalang niya ng pagkain ang plato at dali-daling isinubo ang mga laman nito. Ipinaghihimay naman siya ni Noel ng kuratcha at inilalagay sa platito para basta nalang kukuha si Gabe. ‘Thank you, ha,’ sabi ni Gabe, sabay inom ng malamig na kalamansi juice.

‘Mukhang gutom ka eh.’

‘Oo nga. Naparami ang inom ko kagabi at hindi pala ako nakapaghapunan kaya eto, gutom ako. ‘Wag mo sasabihin kay papa ha, magagalit yon.’

‘Bakit po kayo naglasing?’ pag-u-usisa ni Noel.

‘Oy, hindi ako naglasing ha,’ pagtanggi naman ni Gabe. ‘Naparami lang ng inom.’

‘Kasi kuya, parang malungkot yang mga mata nyo. Parang nalugi sa pautang,’ saad ni Noel, sabay tawa.

‘Hmmp!’ Wala nang masabi si Gabe. Mahirap tumanggi at ayaw niyang magsinungaling. Nakita niya ang sarili sa salamin kanina at mukha siyang adik sa pagkapula ng mga mata. Hindi pa rin siya nakakapag-ahit kaya’t lumalago na ang balbas at bigote. Sinunod-sunod nalang ni Gabe ang pagsubo para hindi na niya kailanganing sumagot sa usiserong binata. Mukhang masaya naman si Noel na pagsilbihan siya.

Nang matapos ay ayaw pang tumayo ni Gabe dahil sa kabusugan. Bibigyan pa sana siya ng carrot cake, pero tumanggi na siya.

Napansin ni Gabe ang mga ngiti sa labi ni Noel. ‘Bakit masaya ka?’ tanong ni Gabe. Lalong lumapad ang ngiti ni Noel.

‘Luluwas na po kasi ako nang Maynila sa isang linggo. Doon na daw ako pag-aaralin ni itay.’

‘Wow! Talaga? Saan?’

‘Hindi ko pa po alam. Maghahanap pa kami ng school. Basta po yung may Fine Arts o Multimedia Arts.’

May kumurot sa puso ni Gabe. Gusto din niyang mag-aral. Eh kung sabihin niya kaya kay Daniel…?

‘Galingan mo, Noel, ha. Pasalamat ka pinag-aaral ka ng mga magulang mo. Ako nga hindi pa nakakatapos.’

‘Opo, kuya. Sisipagan ko talaga para sulit yung mga ibabayad ni itay sa tuition.’

Habang nagkukwentuhan silang dalawa, hindi mawala sa isip ni Gabe ang tagpong natunghayan niya sa pagitan ni Noel at ng ama. Hindi mo mahahalata sa kanila, pero malamang ay may relasyon pa rin ang dalawa, at hindi niya alam kung may ideya ba si Aling Flora o nagbubulag-bulagan lang. Mukha namang masaya silang tatlo kapag magkakasama. Sweet pa nga ang mag-asawa. Ayun lang, kapag may lakad ang matandang babae, nawawala rin ang mag-ama, at malamang ay gumagawa ng milagro. Wala lang naman para kay Gabe. Sino ba naman siya para manghusga ng iba. Kung balang araw at malaman ni Aling Flora... Ah basta, bahala na. Ayaw din naman niyang manghimasok sa buhay ng iba.

‘Saan ka pala titira sa Maynila?’ tanong ni Gabe. ‘Kung wala ka pang titirhan, pwede dun sa bahay namin, tutal wala na namang nakatira don.’

‘Naku po, thank you, kuya! Sige po sasabihin ko kay itay. Doon daw po kasi ako papatuluyin sa mga pinsan ko, pero mas gusto ko po yata na solo lang para hindi nakakahiya… Thank you po ulit, ha?’

Gumaan ang loob ni Gabe sa kasiyahan ng binatang kaharap. Kahit medyo naiinggit siya ay masaya siya dahil matutupad na nito ang pangarap. ‘Basta alagaan mo yung bahay namin ha, para hindi masira. Hindi nga lang maganda pero maayos naman yung lugar at mababait ang mga kapitbahay.’

‘Wala pong problema, kuya,’ sabi ni Noelna nakangiti.

‘Teka, masarap ba talaga yang carrot cake mo? Pahingi na nga!’

Matapos ang ang mahigit isang oras nilang pagkukwentuhan ay nagyaya mag-gym si Gabe. Madalas niyang makasabay si Noel noon, pero ngayon ay hindi sila nagpapang-abot. Maganda rin na may taga-spot.

'Ah, sige po. Wala na naman po akong ibang gagawin eh.'

Nakatulong ang pagwo-workout sa pagtanggal ng hangover ni Gabe. Labas sa pawis ang nilantakan niyang alak kagabi. Nakakatulong din na may kasabay siyang sexy na nagwowork-out. At lalo pa siyang ginaganahan sa malalim na paghinga at pag-ungol ng ni Noel habang nagbubuhat ng bakal. Napapatawa si Gabe sa sarili. Hindi naman siguro masamang humanga sa ibang lalaki. Wala naman silang ginagawang masama. Ang problema nga lang, talagang tigang siya nitong mga nakaraang araw at hindi niya maiwasang maglaway sa binatang maalindog sa kanyang harapan.

Habang nagbe-bench press si Noel ay nagda-dumbbells naman si Gabe. Kung napapasin ng binata na pinapanood siya ni Gabe ay hindi niya pinapahalata. Deretso lang ito sa pagwo-workout. Parang tuloy gustong dilaan ni Gabe ang pawis na dimadaloy sa kilikili nito. Eh kung yayain kaya niyang makipag-threesome sa kanila ni Daniel?

Nabilaukan si Gabe sa kanyang mga iniisip. Napaubo siya kaya't ibinaba muna sa sahig ang mga bakal. 'Shit,' sabi niya sa sarili. 'Hirap talaga ng tigang.'

Hindi sikreto kay Daniel ang tagpong nakita ni Gabe sa pagitan ni Noel at ng ama nito. Ilang araw matapos ang pangyayaring iyon ay umamin na siya kay Daniel dahil nagtataka ito kung bakit daw nadoble ang kanyang libido. Bagama't nahihiya ay umamin na rin si Gabe. Inihanda niya ang sarili sa pagsabog ng nobyo dahil may pagkaseloso ito, pero ang hindi niya inaasahan ay ang lalong pag-init ng kanilang relasyon. Kagaya rin sa kanya ang naging epekto kay Daniel—noon. Noon yon. Dahil ngayon, malamig pa sa Disyembre ang kanilang pagsasama. Pwede pa niyang unawain dahil hindi naman ibang lalaki ang dahilan. Talaga lang stressed ito sa trabaho. Kita naman niya kung paano ang pressure na iniinda nito lalo pa sa mga kamag-anak. Pati nga si Papa Ben ganon din. Grabe magtrabaho. Alam na alam kung kanino nagmana ang anak.

'Bakit nga pala gusto mong mag Fine Arts?' tanong ni Gabe kay Noel. Kakatapos lang ng session nila sa gym at ngayo'y nakatayo sila sa labas ng pintuan ng kusina para magpalamig. Pareho silang nagtanggal na ng t-shirt.

Pinkish ang kulay ng kalangitan at may kainitan pa rin ang simoy ng hangin. Presko at masarap sa balat.

Sandaling nag-isip si Noel. 'Bata pa lang po ako mahilig na akong magdrawing at pangarap ko pong gumawa ng sariling komiks kagaya ng Naruto at... hmm... Fruits Basket, at gumawa rin ng pelikula parang sa Pixar.'

'Nakakainggit naman,' saad ni Gabe.

'Bakit po?'

'Gusto ko rin kasing mag-aral.'

'Eh ano pong pumipigil sa inyo?'

Napanganga si Gabe. Ano nga ba naman ang pumipigil sa kanya? Walang maisagot si Gabe kundi ngiti na parang tanga. Umiling-iling siya at saka huminga ng malalim. Ano nga ba? Dahil wala siyang sariling pera?

Ang totoo'y hindi pa nila napaguusapan ni Daniel ang kanilang sitwasyon. Ang lumalabas kasi ay pakain lang sya. Para bang sugar daddy niya si Daniel. Nang aminin niya ang nararamdaman sa nobyo, nasabihan pa syang huwag mag-isip nang mag-isip dahil nakakatanda raw ito ng itsura. Nakuha pang magbiro at ayaw siyang seryosohin.

Eh kung...? Eh kung magpaalam kaya siya na magaaral siyang ulit?

Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Mag-aaral siyang muli.

Napalunok si Gabe. Posible kaya? 'Bakit naman hindi?' Tanong niya sa sarili. Parang gusto niyang mapatalon sa tuwa. Hindi niya matandaan kung kailan siya naging ganito ka-excited.

'Ang laki ng ngiti mo kuya, ah,' pansin ni Noel.

‘Basta,’ sagot naman niya.

Masayang umuwi si Gabe nang hapon na iyon. Naka-shorts lamang siya na pula at nakasampay naman sa balikat ang basang t-shirt.

Sa isang iglap ay nagkaroon ng direksyon ang kanyang buhay. Parang biglang nagliwanag ang kalangitan at naglabasan ang mga bahaghari at nagtakbuhan ang mga unicorns sa tuwa. May lundag sa kanyang paglalakad pauwi ng bahay. Bakit nga naman hindi? Ngayon ay posible na siyang mag-aral muli!

Malayo-layo pa lang ay nakita na ni Gabe ang anyong nakatayo sa harap ng bahay. Natigilan siya, subalit nang maaninag kung sino ito ay napatakbo siya na animo'y batang nakita si Jollibee. Napaaga pala ang uwi ni Daniel at tila sasabog ang dibdib ni Gabe sa pagka-missed dito.

Sinalubong siya ng yakap ng nobyo at halos matumba ito sa katatawa. Ikaw ba naman ang sampahan ng lalaking kasing bigat ni Gabe. Nang makatayo ng maayos ay nagtukaan silang parang mga ibon. Daig pa ang mag-asawang bagong kasal.

'Oo na, na-miss din kita,' sabi ni Daniel.

'Oo na, mahal din kita,' saad naman ni Gabe, habang nakayapos pa rin sa nobyo, at walang pakialam kung tagaktak siya ng pawis at namamantsahan ang coat and tie nito.

'Bagong ligo ka ba, babe?' tanong ni Daniel, seryoso ang mukha. 'Ang bango mo eh, nakakahilo.'

'Sira!' Lalong hinigpitan ni Gabe ang yapos at halos hindi naman makahinga si Daniel. Gumanti naman ng yakap ang huli hanggang sa nagkikiskisan na ang kanilang katawan. Napawi ang tawanan at napalitan ito ng malalalim na paghinga.

Dinampian ng halik ni Daniel ang leeg ni Gabe.

'Pasok na tayo, hon,' pag-anyaya ni Gabe.

'Bakit naman? Enjoy pa ako dito eh.' 

'May regalo ako sa 'yo sa loob,' bulong niya.

'Hmmm... ito ba?' Marahang hinihimas ni Daniel ang harapan ng shorts ng nobyo.

'Bakit? Ayaw moooo---umph! Teka, tekahhh... baka labasan ako, ikaw rin!'

'Hahaha...' Nilalapirot naman ni Daniel ang magkabilang utong ni Gabe. 'Eh bakit pa natin kelangan pumasok?' Tinanggal ni Daniel ang t-shirt sa balikat ni Gabe at inilaglag ito sa sahig.

'Hhaa? Eh kung may makakita sa atin? Hhmmppp...' Naluluha si Gabe sa mga pinaggagagawa sa kanya ng kasintahan. Pinipilipit nito ang kanyang mga utong.

Pilyo ang ngiti sa mga labi ni Daniel. 'May nakikita ka bang ibang tao? Tayo lang ang nandito.'

Tumalikod si Gabe sa nobyo, kumapit sa railings ng veranda, habang nakaharap sa kakahuyan. Sa di kalauyan ay natatanaw ang bubungan ng mansyon. Mabilis ang pagdilim ng paligid, lalo pa’t mukhang uulan ngayong gabi. Napalunok si Gabe nang maramdaman ang bukol ng kasintahan na nakutok sa kanyang pwerta. Pumalibot ang mga kamay ni Daniel sa kanyang baywang at dumampi ang mga labi nito sa kanyang leeg, mga ngiping kumakagat-kagat, dilang lumalasap sa alat ng kanyang balat. Panay ang pagsupsob ni Daniel sa parteng iyon ng kanyang leeg habang panay ang lamas ng ng mga palad sa kanyang mga suso. Napahigop ng hangin si Gabe; nanginginig ang kanyang mga tuhod. Napapikit siya sa sarap. Ayaw na niyang tumutol, dahil gusto rin naman niya. Nilingon niya ang nobyo at nagsalo sila ng mga laway. Malagkit na halikan, espadahan ng mga dila, kagatan ng mga labi.

Nang maghiwalay ang kanilang mga mukaha’y muling nakiusap si Gabe. ‘Pumasok na tayo, mahal… Walang lubricant dito…’

Ngiting puno ng kapilyuhan ang sagot ni Daniel. ‘Sinong may sabi sa ‘yo,’ saad nito, at biglang ibinaba ang kanyang shorts para ilabas ang bilugang pwet. Napasingahp si Gabe dahil naipit ng garter ang kanyang titi. Nakapaloob pa rin ito sa shorts kahit labas na ang kanyang pwet. Kasabay ng dampi ng lumalamig na hangin ang tunog ng bumababang zipper sa kanyang likuran. Bumundol-bundol ang ulo ng sawa sa kanyang butas, nilalangisan ang lunggang papasukin. Mula sa bulsa ay kinuha ni Daniel ang isang pakete ng lubricant at binalot ng pampadulas ang kanyang naghuhumindig na alaga.

Tirik ang mga mata ni Gabe nang sinimulan na siyang pasukin ng kasintahan. Sumasakit ang kanyang kamay sa higpit ng kapit sa railings. Ngayon lang siya pinasok ni Daniel nang walang preparasyon. At dahil maraming araw na rin nang sila’y huling nagniig, parang birhen na naman kasikip ang kanyang kweba. ‘Dahan-dahan lang—ahhhh… shet-shet-shet—Dan, teka—AHHH!’

Muling pumulupot ang mga braso ni Daniel sa kanyang baywang, at nakapatong naman ang noo nito sa kanyang kanang balikat. Pareho silang naghahabol ng hininga, habang hinahayaan ni Daniel sa makapag-adjust si Gabe sa pagtanggap sa mala-balak niyang kargada.

Nang maka-hinga-hinga ay nagsimula nang umindayog si Daniel. Mahahaba ang hagod. Ipinaparamdam talaga sa kanya kung gaano ito kalaki. Halinghing ang sagot ni Gabe sa bawat kadyot.

‘Handa ka na?’

Nanlaki ang mga mata ni Gabe. ‘UMPPHHH!’

Mala-jackhammer ang ginawang pagbayo ni Daniel sa kanyang butas. Walang awang kinakantot ang naglalawang kaselanan. Bayo lang nang bayo si Daniel, at hindi nakikinig sa kanyang pagmamakaawa. Para siyang matutumba sa sakit at sarap. Lalo na sa sarap. Tulo ang pawis niya sa sarap.

‘Na-miss mo ba ang titi ko, Gabe? Hmm? Hmp! Hmp! Hmp! Hmp!’

‘Aaaaa—ahhh! Ang laki, Dan, tangina—ah! Sige pa, Dan, isagad mo paaa…’

‘Ganito ba?’ Mabilis na sinalsal ni Daniel ang tarugo ni Gabe, habang tuloy ang pagwasak nito sa puke ng kasintahan.

‘OO, shet—kah—ahh!’ Sirit ang tamod ni Gabe sa hangin. Naninigas ang kanyang katawan sa bawat putok; nanginginig ang mga tuhod. Kaygaan ng ulo ni Gabe sa naranasang sensanyon, lalo pa nang maramdaman na ang pagbulusok ng tamod sa loob ng kanyang puwitan.

Medyo nagdilim ang kanyang paningin. Namalayan nalang niyang nakasandal na siya sa pader at nakaluhod si Daniel sa kanyang harapan, sinasaid ang likido na inilalabas ng kanyang titi. Kiliting-kiliti si Gabe, pero wala na siyang lakas para magpumiglas. Nilalasap nalang niya ang ligayang panoorin ang kanyang mahal na sineserbisyuhan ang kanyang alaga.

‘Dan?’

‘Hmmm?’ Tumigil ang lalaki sa pagchupa, pero nakasubo pa rin ang titi sa bibig.

Inilayo muna ni Gabe ang ulo ng nobyo sa kanyang alaga. ‘May sasabihin ako,’ saad nya na nakangiti.

‘Ano?’ Mapungay ang mga mata ni Daniel, halatang katatapos lang makipag-sex. Medyo gulo-gulo pa ang buhok. Tumayo ito hanganggang magkaharap sila.

Ipinatong ni Gabe ang mga palad sa dibdib ng kasintahan at seryoso itong tiningnan sa mata. ‘Gusto kong mag-aral. Ulit.’
Nag-isip ng kaunti si Daniel at sinabing, ‘Okay, sige, kukuha tayo ng teacher.’ Itinaas ni Daniel ang pantalon at isinarado ang zipper.

Itinaas na rin ni Gabe ang shorts at saka sinundan papasok ng bahay si Daniel. ‘Ano kasi… gusto ko kasi pumasok sa school. At saka Fine Arts yung course. Mas maganda kung may mga classmates, kasi sabi dun sa blog, mga classmates daw maraming natuturo sa ‘yo, parang ganon.’ Hindi malaman ni Gabe kung ang bilis ng tibok ng puso nya ay dahil sa sex o kinakabahan siya sa reaksyon ng nobyo. Bigla kasi itong naging tahimik at seryoso.

‘Tumingin ka ba kung mayroon dito sa probinsya?’ tanong ni Daniel. Nasa sala na sila at parehong nakatayo.

‘Sa… sa Maynila ko kasi gustong mag-aral… tutal palagi ka naman pumupunta ng ibang bansa, diba? I-try lang natin—’

‘Hindi.’

‘Pero, Dan—’

Nakapamewang na si Daniel. ‘Hindi nga pwede, bakit ba ang kulit mo?’

Nag-init ang mukha ni Gabe. Para siyang sasabog. ‘Teka nga! Bakit hindi pwede? Bakit ayaw mong pag-usapan muna natin?’ Mataas ang kanyang boses.

‘O, pano, iiwan mo ‘ko?!’

‘Nagrereklamo ba ‘ko kapag iniiwan mo ako dito? Palagi ka nalang umaalis, hindi ko na nga alam ang gagawin ko!’ Tumulo na ang mga luha ni Gabe. Nanginginig siya sa galit. Hindi niya akalaing ganito na pala karami ang lungkot at hinanakit na naipon sa kanyang dibdib.

Parang nahimasmasan naman si Daniel. ‘Mahal, sorry—’

‘Huwag mo kong hawakan.’ Itinaas ni Gabe ang kanyang mga kamay. ‘Akala mo ba masaya ako dito na walang ginagawa? Na palakad-lakad lang sa tabi-tabi? Sa tingin mo ba masaya ako na nanonood lang ako ng TV kesa nagtatrabaho para sa mga kapatid ko? Bakit ikaw, lagi naman kitang inuunawa diba? Kapag dumadating kang pagod at mainit ang ulo… kapag nagagalit ka sa ‘kin kahit wala naman akong ginagawa.’ Napatawa si Gabe. ‘Yun na nga ang problema eh—WALA AKONG GINAGAWA. Ganito pala kapag may sugar daddy, para kang walang kwentang tao. Walang karapatang magdesisyon.’

Napalunok si Daniel. ‘Mahal, sorry na, sige na, payag na ko. Planuhin natin, okay?’

‘Planuhin mong mukha mo. Ganyan ka naman mangako, palaging napapako. Ilang beses ka na ba nag-cancel ng lakad natin dahil busy ka sa trabaho? Yung mga niluluto ko napapanis, kasi hindi ka umuuwi para kumain. Tapos ito pa na mahalaga para sa akin… Kelan mo naman ako balak pag-aralin? Kapag retired ka na?’ Umiling-iling si Gabe. ‘Aalis na ‘ko. Hindi ko na kaya.’

‘Gabe!’ Kitang-kita sa mukha ni Daniel ang takot at pagkabigla. Para itong pinagsakluban ng langit at lupa.
Pareho silang natigilan. Kahit si Gabe ay nabigla sa mga naturan, pero hindi na ito para bawiin pa niya. Desidido na siyang umalis.

‘Hindi mo na ba ako mahal?’ Pumipiyok si Daniel dahil sa pag-iyak.

‘Mahal pa…’ Tuloy pa rin ang pagpatak ng luha ni Gabe. Wala namang duda na mahal niya si Daniel, at alam niyang hindi iyon magbabago. ‘Pero, kailangan ko talaga itong gawin.’

Hinawakan ni Daniel ang kanyang mga kamay, at sa pagkakataong ito’y hindi siya umiwas; bagkus ay hinigpitan niya ang kapit dito.

‘Kung ba… kung ba papayagan—kung aalis ka, makikipag-break ka na rin sa ‘kin?’

Humagulgol na si Gabe at yumakap nang mahigpit kay Daniel. Gusto niya lamang maramdaman ang pagmamahal mula sa lalaking kayakap. Pagkuwa’y suminghot si Gabe at lumayo nang bahagya sa nobyo, at muling hinawakan ang mga kamay nito. ‘Pwede namang hindi... kung ayaw mo rin makipag-break.’

‘Ayoko. Ayokong makipaghiwalay.’

Ngumiti si Gabe, puno ng lungkot ang mga mata. Awang-awa sa nobyong kanyang iiwan. ‘Sige… aalis lang muna ako. Mag-iisip.’

‘Sa pag-so-soul-search mo sana mahanap mo ulit ako.’

Napatawa si Gabe. ‘Ang corny mo talaga.’ Sinapo ng kanang palad ang basang pisngi ni Daniel. ‘Hindi nga ako makikipag-break, diba? Aalamin ko lang kung anong gagawin ko sa buhay ko, tapos…’

‘Babalikan mo ako.’

Ngumiti si Gabe at saka hinalikan ang kasintahan sa labi.

---ITUTULOY---

No comments:

Post a Comment

Read More Like This