By: SJ
Pagkatapos ng klase ay nagmamadali akong umalis at agad na nagtungo sa bahay nila Art. Habang nasa jeep ako patungo kaila Art ay di ko maiwasan ang pagkabog ng aking dibdib dahil sa matiniding kaba. Hindi din kasi mawaglit ang sinabi sakin sa telepono, “Hijo, can you come over after school? Di ko din kasi alam pano sasabihin sayo. Ayaw ko rin sana sa telepono lang. Thank you hijo.”. SHIT!! Anu bay an?! Sa twing maaalala ko ang sinabi ni tita sa fon e mas lalo akong kinakabahan. Napaparanoid ako. Baka ano na nangyari kay Art. Susko po. Wag naman sana……..Pagkarating ko kaila Art ay agad akong nag doorbell at pinapasok naman ako ng kanilang kasambahay. Pagpasok sa loob ay ramdam ko pa rin ang aura ng kalungkutan na bumabalot sa buong bahay. Ibang iba talaga ngayong wala na si Tito Lance. Nang makapasok ay pinaupo ako ni Tita Marissa. Andun din ang dalawang kapatid ni Art. Pinaupo nila ako. Lumingon lingon ako sa palagid. Mas lalo akong kinabahan. Hindi ko napansin si Art. Bat wala si Art?! Asan sya?!
Andun pa rin ako at naghihintay sa sasabihin nila. Di naman maiwasan ang pagpapawis ko ng malamig. Pati ang mga palad ko, basa na ng pawis ng dahil sa kaba. Nakatitig lamang ako sakanila at naghihintay na magsalita sila. At sa wakas, nagsalita na rin si Tita Marissa.
“Hijo, Thank you for coming. Hindi na ako mapakali dito at talagang nababahala na kaming lahat.”
“It’s ok tita. What seems to be the problem here? Bat nyo po ako pinatawag?”, kinakabahan kong tinanong.
“Actually hijo, Art has been in his room for 4 days now. Halos di na sya kumakain. At hindi naglalabas ng kwarto. Pwede mo ba sya kausapin? Alam ko makikinig yun sayo. Or atleast subukan mo. Naging napakalaki ng pagbabago ni Art simula ng mawala ang kaniyang ama. Hindi naman namin malaman ang gagawin para kumbinsihin sya. Tulungan mo naman kami.”, malungkot na sabi ni Tita Marissa.
Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko at nawala ang kaba ng malaman kong nasa taas lang pala ng kwarto si Art. Medyo naka hinga hinga na rin ako ng mas maluwag. Nasa taas lang pala sya. Kala ko naman. Whew! Thank you Lord! Tumango naman ako kay Tita na tanda ng pang sang ayon. Hindi ko man alam kung ano ang sasabihin ko saknya pag pasok dun ay naglakas loob naman ako na pumunta na sa kwarto nya. Papasok na sana ako ng kwarto ng biglang may humablot sakin.
“Kuya, ikaw pala. Nagulat naman ako sayo. Makahila ka naman.”, sabi ko kay kuya George. Katabi din nya si Albert.
“Jerry, I know you can help him. Please, nagmamakaawa kami sayo. Nalulungkot kami na nagkakaganyan ang kapatid namin. Alam din namin na spesyal ka sa kapatid namin. I don’t know if you get it but……. Basta, please talk to him.” Nagmamakaawang sinabi ni kuya George sakin. Tumango lamang ako bilang pagsang ayon kahit di masyado macomprehend ng utak ko ung sinabi nyang, “I don’t know if you get it”. Ano ba ibig sabihin nun?!
“Eh teka Kuya, di ko nga alam sasabihin ko ee..”
“Please Jerry. Hindi na rin kasi naming alam ang gagawin. Subukan mo naman.”
“Ocge kuya. Susubukan ko ha. Pero di ko masisigurado kung ano matutulong ko.”
At ayun na nga, pag pasok ko ng kwarto ay nakita ko ang bote bote ng alak na naka kalat. Medyo masang sang na rin ang amoy sa loob. Nakakalat din ang mga damit sa sahig. Pati yung mga nasa loob ng cabinet ay naka kalat na rin sa sahig. Akala mo’y dinaanan ng bagyo. Nakita ko din na nakahiga lang si Art. At kahit pa nakita ako ay di ito gumalaw o nagsalita. Nung una ay niligpit ko muna ang lahat ng kalat at inayos muna ang kanyang silid. Nilabas ang mga basyo ng alak, nagwalis, tinupi ang mga nakakalat na damit, at pinulot ang mga bubog na nabasag na salamin. Pagkatapos makapag linis ay umupo na ko sa tabi nya. Nakatihaya sya at ako naman ay nakaupo sa gilid patalikod sakanya.
“Kamusta ka na Art?” sambit ko sakanya in a relaxed way kahit ang totoo, sobrang kinakabahan ako dahil di ko alam ang gagawin at sasabihin. Ngunit nanahimik lang sya. Dedma. Tulala. Di man lan sya nag hi sa akin. Dun, napagpasyahan ko na humiga sa tabi nya. Ngunit wala pa rin syang reaksyon. Tumagilid ako paharap sakanya atkinakalabit kalabit sya at nagpapapansin. Kaso dedma din. Wala pa rin syang imik. Nagpasya nalang akong yakapin sya at sa nakita ko ay di ko maiwasan maawa sakanya dahil halatang namayat ito at ang haggard ng ichura. Ang dirty na din nya tingnan dahil medyo nagdry ang mukha dahil halatang walang ligo. At tumubo na rin ang balbas at bigote nito. Pilit ko pa rin syang kinakausap at tinatanong kung ano bang problema, or kung ano ba maitutulong ko, bat di pa sya kumakain. Pero lahat ng tanong ko, dinedma nya. Pero naging matyaga lang ako. Maya maya pa’y kinulit ko pa rin sya, at nagulat ako ng bigla syang sumigaw.
“Can you just leave me alone?! Get out!!”, pasigaw nyang sinabi. At aba! Sa wakas! Pinansin ako! Kaso nu bay an! Sinigawan naman ako! Hmpft. Pero nagtyaga pa rin ako.
“Art, alam mong di ko magagawa yan. Andito ko para tumulong. Pinatawag ako ng mommy mo kasi di ka daw lumalabas ng kwarto at di kumakain.”, mahinahon kong tugon.
“Help me? Do you even know what I feel? Gusto mo makatulong? Be in my shoes!!”
“I may not know what youre feeling exactly, pero andito ko para damayan ka. And yes, kung pwede ko lang kunin yang nararamdaman mo, you know I would. Siguro masakit nga talaga mawalan ng minamahal, pero you still have your Mom and sila Kuya diba?”
“Jerry, don’t act as if you know everything. Akala mo ganun kadali?! Nawalan ako Jerry!”, pasigaw nyang sinabi. Medyo umaakyat ang dugo ko pero I tried to stay calm pa rin.
“Art, kaya ba tinataboy mo na kaming lahat. May mga tao pa sa paligid mo. Don’t push them away.”, mahinahon ko pa ring tugon.
“Could you just leave me alone?!”, matigas nya pa ring sinabi.
“Pero Art, how could I leave you like this?”
“Di ka ba nakakaintindi?! I SAID LEAVE - ME – A-L-ON-E!!!”
“Art, do you think masaya si Tito Lance kung nagkakaganyan ka..? Hmm, I know na gugustuhin ng dad mo na maging strong ka ngay..”, pero bigla nya kong cinut.
“CMON JERRY!! DON’T YOU DARE TELL ME WHAT MY DAD WOULD FEEL ABOUT THIS!! YOU DON’T KNOW HIM MUCH!! WALA KANG ALAM!! KAYA PWEDE BA, IWAN MO KO!!”
At dun na nga, umakyat ng tuluyan ang dugo ko sa utak. Kumulo na ang dugo ko sa inis kaya binitawan ko sakanya ang mga salitang….
“Ok! If you want me out of your life as well, then let’s have it your way! Kahit nagmumukha na kong tanga kakabuntot sayo at pag iintindi sayo, balewala rin lang naman pala sayo! Gusto kitang tulungan Art, pero kung pati ako, is ipush mo away, wala na ko magagawa. Yes! Di ko ganun kakilala si Tito Lance, pero I’m damn sure this is not what he wants for you! Katulad ng sabi mo, he reminded you of of how much he loves your family. And yet, ikaw ang sumisira nun! If you really love your family, magcooperate ka! Share your pain with them, sabay sabay nyo pagdaanan yan! Hindi yung nagsosolo ka dito. Alam mo, If you want me out, then consider me out of your life!”, galit kong tugon ko saknya. Tumayo na ako at akmang aalis na sana akong aalis ng mapatigil sa pinto at tumalikod. Di ko na napigil ang hindi umiyak. Masyado na rin akong naging emotional dahil sa galit at sama ng loob na nararamdaman ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na maglabas ng sama ng loob.
“Taena naman! Ako hindi ko na rin alam kung ano pa bang pakisama ang gusto nyong gawin ko para sainyo! Sinubukan ko maging taong gusto nyo para sa inyo! Kahit pa mga maliliit na bagay iniintindi ko! Hindi ako nagkulang sa inyo bilang kaibigan! Pero kayo nalang ba iintindihin ko?! Punong puno na ko sa mga kaartehan nyo! Nampucha naman! Ano pa ba gusto nyo?! Ngayon, kung di nyo makita lahat ng ginagawa ko para sainyo, kalimutan nyo nalang ang lahat. Nakakapagod kayo!! Puro nalang KAYO!! KAYO!! KAYO!! Pano naman AKO!!”, yan ang mga katagang iniwan ko bago ako tuluyang lumabas at umuwi samin.
Lumabas ako ng kwarto, mukha namang nahalata na nila kuya at tita ang nangyari sa loob dahil medyo napalakas ang sigawan kaya malamang, rinig kami sa labas. Tumungo nalang ako kay Tita at kaila Kuya upang humingi ng pasensya dahil hindi rin ako nakatulong. Agad agad din akong lumabas kahit pa naluluha pa rin ako.
Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko. O kung tama ba ang mga sinabi ko. Alam kong dapat e mas hinabaan ko pa ang pasensya dahil yun ang pinaka kailangan ni Art ngayon. Kaso nadala na rin ako, kasi hello, may sarili din akong stress sa katawan. Pero sinusubukan ko pagsabay sabayin lahat para sakanila. Pero ayun, binabalewala pa rin nila.
Nasa daan ako at samut saring alaala ang biglang parang nagflashback sakin. Simula nung unang araw ko sa school. Mga masasayang alala ko na kasama ko sila, at pati ung mga maliliit na tampuhan na namagitan. Pagkauwi ko ng bahay ay hindi ko na maiwasan at mapigilan ibagsak ang kanina pang namumuong luha sa mata ko. Sobrang bigat sa pakiramdam dahil dalawang kaibigan ko na ang nawala sa akin. Una si Philip, ngayon naman ay si Art.
Nang din a makatiis ay tinawagan ko si Jenny at sinabi na magkita kami sa bahay ngayon na. As in dapat, NGAYON NA! Hindi ko ugali ang maging demanding kaya nabigla ito at pinuntahan ako agad.
Pagkadating ni Jenny sa bahay ay kasama nito sila Ben at Leah. Kinwento ko na ang lahat ng nangyari. Kailangan mailabas ko tong nararamdaman ko kungdi baka mabaliw na ko. Tahimik naman silang nakinig. Hanggang sa nagsalita si Jenny.
“Jer, don’t worry. Naiintindihan namin. You tried your best. Hindi ko rin masabi kung tama ba o mali ang ginawa mo, pero atleast diba, nasabi nyo na yung mga gusto nyo sabihin.”
“Ano bang gagawin ko? Ako na lang ba ang iintindi lagi?”
Wala ding masabi sila Jenny sakin. Nakinig na lamang sila sa bawat daing ko.
Naging napakasakit para sakin yung mga panahong yun. Kundi lamang sana kaila Ben, Leah, at Jenny ay baka nasiraan na ko ng bait. Sobra akong nalungkot dahil hinahanap ko na sila Philip at Art. Namimis ko na ung naghihintay sakin sa babaan ko ng jeep, yung babati sakin sa umaga pagpasok na pagpasok ko sa classroom, ang napaka consistent na maligalig at energetic na bati sakin ng “Good Morning!”, ung mangungulit sakin pag upo ko palang, at yung kasabay ko umuwi at kung minsan pa’y kumakain sa walang katapusang mcdo. Naging matamlay ako at nawalan ng gana. At mas masakit pa ay pag nadadaanan ko si Philip, gustong gusto ko sya makausap at makasama uli. Mis na mis ko na sya. Pero sa twing makikita nya kong nakatingin sakanya at akmang lalapit ay halatang halata na iiwas sya sakin. Gusto ko man sya habulin, ay ano bang lugar ko para gawin yun? Nasasaktan na ko ng sobra. Bakit ba ganto nararamdaman ko? Naguguluhan na ko.
Isang linggo na ang lumilipas ngunit wala pa ring pagbabago. Mag isa pa rin akong pumapasok at umuuwi. Nadedepress na ko. Gustuhin ko man ayusin ang mga nangyayari pero tila sinuko na rin nila ko.
Pagkatapos ng rehearsal sa Glee Club ay agad kong tiningnan ang cellphone ko para tingnan kung nagtxt na ba sakin si Philip. “Shit! Lobat!”, nsabi ko sa sarili. Lagi pa din kasi ako nagbabakasakali na baka magtext sakin si Philip. Pero ayan lobat! Lalo tuloy ako di mapakali. Habang sa training ay di ko mawaglit sa isip ko silang dalawa. Pero di ko na talaga matiis, dali dali akong tumakbo palabas ng room at pumunta sa lugar kng san nagttraining si Philip. Habang palapit ako ng palapit ay unti unti gumagaan ang loob ko kahit pa kinakabahan ako dahil di ko alam kung ano nga ba ang mangyayari. Pero bahala na! Atleast malalaman ko na at di ako isip ng isip.
“Philip, hintayin mo lang ako! Kailangan maayos na to!”, paulit ulit kong sinasabi sa sarili hanggang sa nakarating na nga ako sa pinagttrainingan nila. Sakto naman na andun pa sila at patapos pa lamang. Dali dali akong umupo sa gilid at ngumiti. Kahit pa kinakabahan ay makikipagayos na ko. Kahit ano pa ang nangyari, magsosorry ako saknya, magka ayos lang kami. Pilit kong pinipicture sa utak ko ang magiging eksena. Kung ano bang sasabihin ko, dapat lahat maayos, walang mintis..
Natapos na nga ang training nila. Agad ko syang hinanap at ng makita syang palapit na sa gate ay pinuntahan ko sya.
“Mcdo?”, nakangiti kong sinabi sakanya.
-Dedma-
“Kain tayo.”, nakangiti ko paring sinabi.
“Busog pa ko, sa bahay na ko kakain”
“Sige na, namimis ko na kumain sa Mcdo ee”
“Edi kumain ka mag isa mo”
“Boring kumain mag isa! Tsaka namimis na kita!”
“Ayaw ko nga! Pagod ako, gusto ko na umuwi.”
Medyo nalungkot ako. Hindi kasi ito ang reaksyon na ineexpect ko. Usually kasi, pag naglambing na ko ng ganito or nangulit na ko, magkakaayos na rin kami agad. Ngunit dedma nya ko. Hmp. Pero sabi ko sa sarili na di ako susuko. Gusto ko na talaga kaming magka ayos.
“Ganun ba, hhmmm, cge, sabay na lang tayo umuwi”, pinilit ko ngumiti.
“Bakit ba ang kulit mo! At pwede ba wag mo na ko kulitin! Kung gusto mo kumain, kumain ka mag isa mo! Kung gusto mo umuwi, edi umuwi ka mag isa mo! Tangina! Storbo!”
“Ito naman, namimis ko lang ung pagkakaibigan natin. Nakikipag ayos na nga ko. Sorry na! Please, tapusin na natin tong away na to. Kain tayo, dali, Libre ko.”
“Ang kulit mo din talaga noh! Diba sinabi ko na sayo na umalis ka na! Ayaw ko ngang kumain! Bingi ka ba o tanga?!”
Nung narinig ko yun ay di ko na rin ako nakapagpigil.
“Taena naman! Ano bang problema mo sakin?! Ano bang ginawa ko sayo para iwasan mo ko?! Kung meron man, sabihin mo ng harap harapan!”
“Taena mo rin! Magsama kayo ni Art! Mga bakla! Tang ina mo bakla ka! At ano bang paki alam mo sakin?! Namimis mo ko?! Ano to?! Nababakla ka na rin sakin?! Akala mo kung sino ka!”
“Ano bang pinagsasabi mo? Pwede ba hayaan mo muna ko magsalita?”
“Hindi ako intersado sa sasabihin mo! Umalis ka na!”
“Philip, alam mo hindi ko na talaga maintindihan mga kinikilos mo! Palagi ko na lang ba iintindihin ang mga kilos mo?! Ako pano ako?”
“Wala akong pakialam sa nararamdaman mo! Lalo na nararamdaman ng tulad mong isang bakla!!”
“Alam mo, napaka selfish mo! Pag ikaw tong may problema, kahit ano pa yan, iniintindi ko! Pag nagkakaron ka ng kasalanan sakin, iniintindi ko pa rin!! Bat di mo man lang ako kayang pakinggan?”
Mas nagalit sya sa sinabi ko kaya lumapit sakin at sinabi sakin sa mukha ko..
“EH SINO KA BA SA INAAKALA MO PARA PAKINGGAN KO?!”
Natigilan ako sa sinabi nya. Para kong binuhusan ng malamig na tubig. Para kong biglang nanliit sa mga narinig ko. Namanhid ang buong katawan ko. Gusto kong magalit pero tila may bomba na sumabog sakin. Para akong naparalisa. Hindi ko magawang kumilos o magsalita. Kitang kita ko sa mga mata nya ang pagkalisik nito at basang basa ang galit sa pagkakatitig nya. Unti unti kong naramdaman na namumuo na ang mga luha sa mata ko. “Wag kang babagsak, tiisin mo. Matapang ka.”, pilit kong sinisigaw sa utak ko. Pero nabigo ako at dumaloy na nga ang luha sa mga mata ko. Nakita ko na nakita nya ng tumulo ang mga luha ko kaya bumaling na ang tingin nya sa akin at naglakad. Napatigil na lang sya ng bigla lumabas sa bibig ko ang mga salitang….
“Akala ko kasi kaibigan ako. Pasensya na. Salamat sa lahat”
Unti unti na syang lumakad palayo. Napansin kong lumingon sya sakin pero wala na ko naging iba pang reaksyon. Naglakad na din ako palayo ng may luha sa mata. Masyado na kong nashock at nalungkot, hindi ko na alam ang dapat na maging reaksyon sa eksenang yun. Malungkot, masakit at nakapangliliit, yun na lang ang natatandaan ko.
Nasa byahe na ko pauwi at tulala pa rin ako. Paulit ulit na bumabalik sa utak ko ang eksenang nangyari kanina lang. Pinigil kong di umiyak dahil baka ano isipin ng mga katabi ko sa jeep. Pero minsan ay may nakakatakas pa ring luha sa mga mata ko. Alam kong matinding iyakan nanaman to paguwi ko pa sa bahay.
Malapit na ko sa bahay at isang tricycle na lang ang sasakyan ko pero pinili ko na lang ang maglakad. Gusto ko sana paguwi ay mapagod na ko at makatulog agad. Ayoko na umiyak. Ayoko na mamoroblema ng dahil lang sakanila. Lintik naman oo!
Sa paglalakad ko ay parang ang layo layo ng bahay ko. Kahit pa malapit lang talaga ito, pakiramdam ko ay napakalayo ko. Hindi ko maalis sa isip ang mga sinabi sakin ni Philip. Tang ina, ano pa ba gusto nila? Ginagawa ko ang part ko bilang kaibigan, tapos sasabihan ako ng kung sino ba ako sa inaakala ko? Napakasakit. Gusto ko magalit, pero di ko na magawa. Mas lalo akong nalulubog.
Nang malapit na ko sa aming bahay ay may napansin akong lalakeng nakaupo sa tapat ng aming gate. Nakasandal to sa gate at nakahiga ang ulo sa mga kamay at tila may hinihintay. Nang makalapit pa ko ay bigla syang tumingin sa akin na sya namang kinabigla ko.
“Art……?”
Nagulat ako ng makita ang lalakeng nakaupo ay si Art pala. At syempre ano pa ba ang magiging reaction ko?! Edi Shock boogie nanaman!!
Natameme ako at dali daling binuksan ang gate. Pumasok na ko sa loob at binuksan naman ang pinto ng bahay ko. Pagpasok ko ay sinenyasan ko na sya na pumasok. At ayun, pumasok na rin sya. Nakita ko si Art na umupo sa sofa. Agad naman ako umakyat papunta sa kwarto ko para ibaba ang gamit ko at magpalit ng damit. Pagpasok ko ay di ko naman maiwasan na di tanungin ang sarili ko.
“Ano nanaman kaya drama nito?! Naku pwede ba ha. Naka quota na ko sa disappointment para sa araw na to.”, yan ang paksang nsa isip ko.. Wala ako sa tamang katinuan, depressed ako, aburido, naguguluhan, nanliliit, at napaka lungkot.
Pagkapalit ng damit ay chinarge ko agad ang cellphone ko, nang bumukas ito ay nakita ko ang maraming txt galing kay Art, at nalaman ko na tatlong oras na pala syang naghihintay sakin sa labas. Nang nakabihis na ko ay lumabas na ko ng kwarto at bumaba para uminom ng tubig. Ramdam ko na kasi na dehydrated na ko kakaiyak at naglakad pa ko pauwi. Nang makainom ay naglakas loob akong umupo sa sofa. Magkabilang dulo kami. Matindi ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Ni hindi ko sya matingnan. Kahit man lang tanungin sya na kung bakit nga ba sya andito ay di ko magawa. Speechless ako. Kaya binuksan ko nalang tv ngunit parehas parin kaming tahimik. Naghihintayan kung sino magbabasag ng katahimikan.
Maya maya pa ay binasag nya na ang katahimikan saming dalawa.
“Jerry.. kamusta ka na?”
Nung magsalita sya ay naglakas loob na akong tingnan sya. Hindi na rin kasi ako makatiis. Kaya humarap na ko sakanya. Pilit kong hindi tumgin sakanya directly. Pero ang tumambad naman sa aking harap ay labis kong ikinalungkot at ikinabigla. Awang awa ako sa nakita ko. Halata ang pagkamayat ni Art. Kitang kita ko sakanyang katawang ang biglaang pagbagsak nito. Mejo lumalim din ang eyebag nito at pagiging dry ng balat. Ang haggard nya talagang tingnan. Hindi ko maiwasang di mahabag sa kalagayan nya. Nang makita ko sya sa ganoong katayuan ay parang nawala lahat ng galit at sama ng loob ko sakanya or atleast malaki ang nabawas. Hindi ako nakapagpagil at tiningnan ko na sya sa kanyang mga mata. Sa huli, nanaig pa rin ang pusong mamon ko para sa kaibigan.
“Okay lang ako. Ang payat mo na ha.”, mahinahon kong sinabi sakanya. Pero ang totoo, awang awa talaga ako sakanya. Alam kong napakahirap ng kanyang pinagdadaanan. Dun ko biglang narealize na hindi ko dapat yun sinabi sakanya. Dapat hindi ko binatawan ang mga salitang yun. Dahil tama sya, hindi ko nga talaga alam kung gaano kahirap ang sitwasyong kanyang pinagdadaanan.
“Jerry……”, at dahan dahan syang lumapit at tuluyang tumabi sakin. Humarap ako sa direksyon ng tv. At sya naman ay nakaharap sakin.
“Hmmmm?”, kinakabahan ako. Di ko alam kung ano ang sasabihin.
“Jerry.. Sorry.. Hindi ko sinasadya.. hindi..”, at doon, bigla nyang sinandal ang kanyang ulo sa aking balikat. At nagiiyak na sya. Rinig at ramdam sa kaniyang pagiyak ang labis na hinagpis at kalungkutan. Tumutusok naman yun sakin. Naguguilty ako. Hindi na sana aabot pa sa ganto kung mas pinagpasensyahan ko sya. Kaya naman di na rin ako nakatiis. Humarap na rin ako sakanya at kinuha ang ulo nya at niyakap sya ng mahigpit. Hiniga ko ang ulo nya sa kabila kong balikat. Napaiyak na rin ako. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko noong panahon na yun. Malungkot kasi naramdaman ko din ang pangungulila nya sa ama, Nakakaguilty dahil iniwan ko syang magisa ng dapat sana ay inintindi ko sya, Masakit kasi naaalala ko ang ginawa sakin ni Philip. Dun ko sabay sabay na iniyak lahat. Binuhos ko na rin ang totoong nararamdaman. Nang makahugot ng lakas ng loob ay kinalas ko ang sarili sa pagkakayakap at hinawakan ko ng dalawang kamay ang kanyang mukha at sinabing..
“Ssshh.. Okay na yun, naiintindihan kita. Hindi madali ang pinagdadaanan mo. Pasensya ka na rin sa mga nasabi ko. Dapat mas hinabaan ko pa ang pasensya sayo. I’m sorry. Wag ka na umiyak.. Ssshhh.. andito na ko. Tama na yan.. Bestfriend mo ko diba? Kakampi mo ko. Kalimutan mo na lahat yun”, sinabi ko saknya habang nakatingin ako sa kanyang mga mata. Parehas pa rin kaming umiiyak. Kumawala sya sa pagkahawak ko sakanyang mukha at tumungo.
“Hindi ko narealize na lahat pala ng pinahahalagahan ko ay nawala na. Pati ikaw, nataboy ko na palayo. Patawarin mo sana ako. Hindi ko sinasadya yung sinabi ko sayo. Pasensya ka na at lagi nalang problema ang binibigay ko sayo.”
Mas lalo akong nakonsensya kaya niyakap ko ulit sya.
“Okay na yun bes. Naiintindihan ko ang lagay mo.”
Biglang nakaramdam ako ng pagkaginhawa. Parang may tinik at bara na nawala sa dibdib ko ng magkaayos kami. Sa bawat paghagulgol nya sa akin ay unti unti naman natatanggalan ako ng bara sa dibdib. Pansamantala kong nakalimutan ang nangyari kanina sa sigawan at eksena namin ni Philip. Sa ngayon ay masaya ako nakapag ayos na kami ni Art. Yun ang mahalaga sa akin ngayon.
Maya maya pa ay tumigil na rin sya sa pag iyak. Humarap ito sakin. Medyo umaliwalas na rin angg mukha nya. Pero halata pa rin ang pagkalungkot at pagkahagard.
“Bes, thank you so much.. Maraming salamat talaga..”
“Bes, ako din, salamat kasi andito ka ngayon. Maswerte ako sa katulad mo. Im sorry din sa lahat ah..”
At dun medyo naging okay na. Umayos na rin kami ng upo at nag ayos ng sarili. Maluwang na ang pakiramdam naming dalawa kahit papano. Nakahingi na sya ng tawad sa akin, at ako namay naintindihan ko na ang lahat, at syempre, nailabas ko pa ang emosyon na kanina ko pa dinadala. Maya maya ng makapag ayos si Art ay nagsalita ito..
“Jerry..”
“hhmm?”
“Ah.. kasi may dala ako dito ee.. Ahm.. ano.. kasi.. Bumili nga pla ako ng pangsahog. Pwede mo ba ko ipagluto?”, sabay pilit nyang ngiti sakin.
“Ah ganon?! Aba! Pumunta ka lang pala dito para magpaluto ha! Ganon na lang yun?! Hahahaha!”, natatawa kong biro sakanya. Uli, ay di ko maiwasan di makita ang pagbagsak ng katawan nya. Na sya namang kinalungkot ko. “Akin na nga yan!”, ngiti kong sinabi saknya.
Nang matapos ako magluto ay naghain na ko at sabay kami kumain. Actually, rdinaryong adobo lang naman ang ulam namin kung tutuusin pero parang ang sarap sarap ng kain naming dalawa. Habang kumakain kami ay di ko maiwasan di pagmasdan si Art habang kumakain. Mukhang sarap na sarap talaga ito. Minsan pa’y titingin ting ito at ngingiti. Doon ko naamin sa sarili ko na talagang namis ko si Art. Sa totoo lang, ay di ko lang sya namis.. sobrang mis na mis ko sya. Napangiti na talaga ako.
“Ang sarap mo pa ring magluto. Namis ko to.”, nakangiting sinabi ni Art. Kahit papaano ay bumalik na ang kanyang mga ngiti na isa sa mga namis ko sakanya. Ang pagka isip bata nya at kakulitan nya.
Pagkatapos kumain ay nagligpit naman sya ng pinagkainan namin. Halatang medyo bumalik ang pagkasigla nya dahil kumakanta kanta pa ito habang naghuhugas ng pinggan. Habang naghuhugas sya ay tumawag naman ako sa bahay nila upang ipaalam na nasa bahay ko si Art.
“Hello”, lalake ang sumagot.
“Hello, Kuya George, ikaw pala. Andyan ba si Tita Marissa? Gusto ko lang paalam na andito si Art sa bahay.”
“Naku Jerry. Buti naman at tumawag ka. Hindi kasi namin malaman kung saan nagsuot yang gagong yan. Kanina pa kami nagaaalala nila mama. Buti at nandyan lang pala sayo. Teka, tatawagin ko si mommy.”
“Hello hijo. Anjan ba daw si Art?”
“Yes tita. Nagulat nga ko paguwi ko dahil nasa tapat sya ng bahay at naghihintay. He seems to be fine now. Nagka ayos na rin kami at eto kakatapos lang po naming kumain. Buti nga po at naparami sya ng kain.”
“Thank God he’s ok. Thank you hijo for letting us know. At salamat at di mo pinagsarhan ng bahay mo ang anak ko. Tunay ka nga nyang kaibigan. You don’t know how much this means to us. I don’t know how to thank you.”
“No Tita, it’s all good. I’m sure you would’ve done the same kung ako ang nasa kalagayan niya. I’ll text you tita for any updates. You can rest now tita. Art is safe with me.”
“I know hijo. Thanks so much. Ikaw na bahala kay Art ha. Thank you uli. Goodnight.”
“Opo tita. Goodnight din po.”
Nagsimula at natapos ang gabi namin ni Art na puro tawanan at kulitan. Wala kaming sinayang na oras sa pagbawi sa mga panahong di kami magkasama. Akala mo’y para kaming mga bata na nagkukulitan. Nang medyo napagod at inantok na, ay nagshower na ko at humiga. Akmang hihiga na rin si Art at payakap na sya ng bigla ko syang pinigilan na sya naman nyang kinabigla.
“Art.. pwede ba?!”
“Sorry.. namis kasi kita..”, nahihiya nyang sinabi. Sabay alis sa pagkakayakap sakin.
“Pwede bang maligo ka muna bago yumakap sakin! Ambaho mo na ee! Tska magshave ka na rin! Ang dugyot mo na!”, sabay ngiti sakanya.
Nakita ko ang agaran namang pagliwanag ng mukha ni Art. Para syang batang sinabihan mo na papasyal tayo sa mall basta maligo muna sya. Agad naman ito ngumiti ng malaki at kumamot papunta sa banyo para maligo. Pagkabalik nya ay di ko maiwasan na di mapatitig sakanya. Nakapagshave na ito at muling lumabas ang pagkagwapo nito. Medyo fresh na rin sya tingnan at di na ganun kahagard. Nakatapis pa ito ng towel kaya kita ko sya na half naked. Ang ganda ng katawan nya. Ang puti at ang kinis. Kahit pa ilang araw sya di naligo ay ang bango nya tingnan. Pagkabihis ay agad agad naman itong humiga sa tabi ko at agad agad na yumakap na parang bata.
Sa pagkakayakap nya sakin ay naalala ko bigla ang sinabi ni Philip sakin. Naalala ko kung pano ako sinigaw sigawan ni Philip. Ang galit nya ng dahil sa pagkakakita nyang magkayakap kami ni Art. Muli kong naramdaman ang paglisik ng kanyang pagkakatitig sakin. Bigla akong naging uneasy sa kalagayan naming yun. Mukhang napansin ito ni Art, at tinanong ako..
“Okay lang ba na yumakap? Kung di pwede ay okay lang.”
Sa sinabi nyang yun ay bigla ko rin napag isip isip kung gano kabait sakin si Art, kung gano ko sya namiss, at kung gaano nya pinipilit na maging okay kahit pa alam kong mahirap pa rin para saknya, pero naisip nya pa rin akong lapitan at magpakumbaba.
Umiling ako sakanya at ngumiti.
“Okay lang. Okay na okay.” Sabay ngiti at hinaplos haplos pa ang buhok nya. Wala na kong paki alam sa mga nangyayari. Basta mahalaga, okay na kami ni Art. Nawala na rin sa isip ko ang nangyaring pagtatalo samin ni Art. Sa ngayon, ang mahalaga ay nandyan si Art. Okay na kami.
Sa pagkakayakap sakin ni Art ay naramdaman ko na naluluha nanaman ito. Malamang naalala nanaman ang kaniyang ama. Hinaplos haplos ko naman ang kanyang likuran. Maya maya ay tumahan ito.
Dinalaw na ko ng antok at anytime now is makakatulog na ko ng napansin kong gumalaw si Art. Ang mga kamay niyang kaninang nasa dibdib ko ay nasa mukha ko na. Hinahaplos haplos niya ito. Nagkunwari naman akong nagtulugtulugan at naghintay lamang sa gagawin nya. Naramdaman ko na lang na mas malapit na sa akin ngayon si Art dahil nararamdaman ko na ang hininga nya sa leeg ko. Hindi ako makagalaw. Pero ang mga hininga na yun ay nagdulot ng kakaibang init sa akin. Nakakapangilabot at mapanindig balahibo, pero masarap. Hinayaan ko pa rin sya. Maya maya ay kumilos nanaman ito. Naramdaman kong palapit ng palapit ang mukha nya sakin. Hanggang sa naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang mga labi sa akin. Una smack sa lips, ang lambot ng lips nya, smack uli pero mejo matagal, Shit, ang lambot talaga. Hanggang nagsmack xa sa pangatlong beses. Medyo mas matagal ito. Ramdam na ramdam ko ang labi nya. Mainit ito, pero ang lambot talaga. Sobra. Sa pagkakatanggal ng kaniyang labi ay naamoy ko ang hininga nya, ang bango. At naramdaman kong mainit yun. Nang akmang halikan nya ko uli ay kumilos na ko para ipaalam na gising ako. Pero di nya na ito pinansin, alam niyang gising na ko, pero pinatuloy nya pa rin akong hinalikan. Sa una ay nakadikit lang ang mga labi nya sakin at nakikiramdam kung papalag ba ko. Pero sa di malamang kadahilanan, hindi ako gumalaw. Gusto ko rin ang mga nangyayari. Kaya di ako kumilos.
Nang mapansin nya na di ako pumalag sa ginawa niyang paghalik, ay unti unting gumalaw ang mga labi nya. Hinahalikan nya na talga ako, torrid ha. Hindi yung smack na ginagawa niya sa akin kanina. Mga ilang sandal pa ay gumanti na ko ng halik. Nilalasap ko ang OA sa lambot nyang mga labi. Nagpapalitan kami ng laway. Ang galing nya magdala dahil minsan, sa sobrang sarap nya humalik ay di ako nakakagalaw. Pumatong na sya sa harap ko upang mas mahalikan niya ako ng mabuti. Napahawak naman ang isang kamay ko sa batok nya at ang isa ay sa mukha nya. Ang sarap niya talaga humalik. Maya maya ay kumalas na sya sa pagkakahalik at humiga ulit ng maayos. Niyakap niya ko ng mahigpit at ginantihan ko naman din yun. Hindi kami nagsalitang dalawa. Basta yun! Nangyari yun. Hindi na rin ako nagsalita. Hindi ko din alam kung bakit. Basta masaya ako at ginusto ko din ang mga halik nay un. Hanggang sa nakatulog nalang kami..
Kinabukasan ay maaga ako nagising upang magluto ng almusal. Pagkaluto ay ginising ko na si Art para kumain ng di kami mahuli sa klase. Pagka gising ko sakanya ay bumaba na ko para ayusin ang gamit nya. Since wala syang dalang uniporme ay pinahiram ko nalang ang akin. Pagka hain ko naman ay nakita ko sya na pababa ng hagdan. HUmihikab hikab pa ito at nagkakamot ng mata. Nang mapansin nya kong nakatingin saknya ya sabay bati sakin ng napakasiglang, “Good Morning!!”
Shit, di ko napigilan di mapangiti. Namis ko talaga yang lintik na good morning na yan. Wala talagang makakakumpara sa “Good Morning” nya. Hays… Pagtapos makapag ayos ay dali dali na kaming umalis papuntang skwelahan.
Nasa daan kami papuntang school ay casualan lang ang pakikitungo naming dalawa sa isat isa. Medyo mas masigla ngayon pero di ko lam bakit. Basta iba. Masaya. :)
Pagdating namin sa skwela ay agad naman napatyo ang lahat at agad syang binati ng tropa. At syempre nila Ben, Leah, at Jenny. Bakas sa mukha nila ang matinding saya dahil sa pagbabalik skwela ni Art. Masaya rin ako dahil alam ko simula ngayon, muli ko nanamang maririnig sa umaga ang maligaya at masigasig na “Good Morning” ni Art, pangungulit nya pagkaupong pagka upo ko palang, ang mga pang aasar nya sa mga kaklase at kaibigan namin, at syempre, ang kanyang pagiging isip bata.
“Nice Job.”, sabi ni Jenny sakin.
“What?! Wala naman akong ginawa.”, ngiti kong sinabi sakanya.
“Yeah right. We all tried talking to him din noh. Pero eto, bigla syang papasok na kasama ka. Do you honestly believe na maniniwala ako na it has nothing to do with you?”, patawang sabi ni Jenny.
Nang magsimula ang lunch break ay naunang bumaba sila Ben, Leah, at Jenny. Hinintay ako ni Art dahil may tinatapos pa ko isulat sa notebook ko. Pagkatapos nun ay lumabas na rin kami. Paglabas ko ng classroom ay nagulat ako sa nakita.
“Philip?”, sa loob loob ko. Nakita ko ito nakatayo sa harap ng classroom nila at nakatingin sa akin. Tila ay may gusto syang sabihin ngunit di nito masabi. Pero imbis na natuwa na nakatingin sya sakin ay bumalik saking ala ala ang gnawa nya saking pangmamaliit. Namuo sa puso ko ang galit. Binigyan ko lang sya ng isang blangkong tingin. At galing sa mga nagungusap na titig ay biglang nag iba ang reaksyon nitom ng biglang sumulpot galing sa likod ko si Art.
“Uy, Philip! Musta?”, masigalng bati ni Art kay Philip.
Ngunit nagulat si Art sa naging reaksyon ni Philip. Tiningnan lang kasi ni Philip si Art at animo’y hindi nya ito kilala. Bigla ko nlng hinila si Art para bumaba na. Hindi pa rin ako umimik. Napansin ni Art na nakasimangot ako at bakas sa mukha ko ang galit. Kahit alam kong gusto nya kong tanungin ay nanahimik na lang muna sya. Naisip din siguro nya na di yun ang tamang oras para magtanong.
Habang kumakain ay kapansin pansin naman ang di ko pag imik. At syempre, di naman ito nakaligtas sa paningin ni Jenny at Leah. Nang di na makapagtimpi pa ay nagtanong na sila kung ano ba daw ang problema ko. Di ko na rin naitago sakanila ang problema ko. Sinabi ko sakanila ang nangyari, pero di naman nila ako hinusgahan o si Art sa nangyari. Dahil sakanila, kung sila din daw ang nasa katayuan ko, ay malamang ganun din ang gagawin nila. Pero nagulat ako sa sinabi ni Jenny.
“Siya pa ang malakas ang loob na ganun ha? Alam mo bilib ako sa guts nya. Lintekk ee!”, iritableng sabi ni Jenny.
“Hayaan nyo na. Hindi sya worth para sa attention.”, sinabi ko sakanila ng medyo pagkabitter.
“Alam mo bes, may naamoy ako na talaga ako dito ha. Hindi ko nga alam sayo bat para kang walang idea sa mga nangyayari ee. Wag ka mag-alala, ako ang bahala.”, sabi ni Jenny sakin. Mejo confused ako sa sinabi nya kaya kinulit ko sya na sabihin yun. Pero sabi nya lang, “BASTA”.
Tumahimik si Art at agad kong napansin yun. Sa loob loob ko, ay malamang sinisisi nya ang sarili nya sa mga nangyayari kaya pinangunahan ko na sya.
“Bes, don’t think too much, di mo kasalanan yun. What happened to us is entirely a misunderstanding. I’m sure marerealize din nya ang mali nya. Besides, I don’t give a damn anymore. Importante sakin, andito ka na ulit, ok?”
Yun ang sinabi ko saknya, pero deep inside, di ko din alam kung ano mangyayari. Maaring tama ako at magkakaayos kami one day, or magiging mas worst, di ko alam. Pero bahala na, ayoko muna isipin.
Dumaan ang mga araw, naging maayos naman halos lahat sa buhay ko. Masaya na rin ako kahit may isang tinik pa ni di nabubunot sakin. Pero di ko na masyado ininda yun. Kung ano man kasi ang ginagawa sakin ni Philip noon ay pinalitan na ni Art. Sinusundo nya ko simula palang sa bahay at sabay kami umuwi sa gabi. Kadalasan pa ay sa bahay na sya kumakain o kaya ay natutulog. Araw araw mas napapalapit pa ko kay Art.
At dumating na ang Marso. Ito ang bwang pinakahihintay naming mga 3rd year. Lahat kami ay sabik na sabik kahit pa usually ay Pebrero to ginaganap. Pero lahat kami ay excited pa rin sa pinakahihintay na..
“Prom Night”

No comments:
Post a Comment