By: LolaNiKing
Conversations are non-verbatim and some information and scenes are tweak to protect our identities. Hope you like my story
"Nak! Nak!, Gising na. Maaga tayo dapat sa school. Baka mahaba ng ang pila doon"
Gising sa akin ng nanay ko dahil ito na ang araw ng enrollment at third day ng enrollment ang nakasched sa aming mga hindi masyado mataas ang nakuha sa entrance exam. Dahil sa excitement ay agad akong tumayo at kumain ng nakahandang almusal. Pagkatapos ay naligo din ng mabilis."This is it! Pancit!"
Umalis kami agad ni nanay papuntang paaralan. Nang kami ay makarating ay sobrang haba na ng pila sa entrance pa lamang ng school.
"Sabi ko sayo nak, dapat inagahan pa natin. Baka wala ng matirang slot sayo sa accountancy" Sabi ni nanay.
"Hindi yan ma. Tiwala lang. Meron yan'. Sabi ko naman kay nanay pero ang totoo ay hindi talaga yun ang gusto kong course ngunit yun ang gusto nila para sa akin dahil ang specialty ito ng paaralang aking papasukan.
Nang kami ay makapasok na, hinanap agad namin yung pila para sa accounting course.
"Hindi na po tumatanggap ng ang BSIT, BSECE, BSA...". Rinig ang annoucement sa buong paaralan.
"Ma, paano ba yan? Wala ng BSA". Sabi ko kay nanay.
"Ikaw na bahala nak. Kung anong gusto mo na course". Sabi ni nanay.
Kunwari'y lungkot lungkutan pero sa loob-loob ko
"Yes! Makakapili na rin!". Pero na-realize ko rin na wala na pala ang mga courses na gusto ko.
Tulad ng BSA ay in demand din noon ang BSIT at BSECE so nganga mga bes. Habang nag-iisip kung anong course ang aking kukunin ay napadaan ako sa pila ng BSCOE (BS COMP ENG). Nagliwanag ang aking mukha at napangiti, nakalimutan ko na nasa option ko rin pala ito. Agad kong pinapila si nanay at nagtanong sa person in charge sa harap.
"We're down to this course's last section, I think aabot ka pa naman. Ang grade requirement ay science - 90, English - 90 at Math 88" Sabi ng POC.
"Sige po salamat". sabi ko dahil confident akong qualified ang aking mga grades.

Pinapasok na kami sa isang room habang ang mga parents naman namin ay nasa labas. Habang nasa loob, busy akong magspace impact (di pa uso android noon XD) nang makarinig ako ng mga maiingay na nagkukwentuhan sa harap.
"Ang ingay ingay naman nitong mga ito! Bading siguro itong mga lalaki na ito, ang iingay". Yan ang naisip ko nang makita ko ang maiingay. (Judgmental ako mga bes noon)
Dalawang babae at dalawang lalaki ang bumubuo ng kanilang grupo. Hindi ko inasahan na isa pala doon sa mga taong yon ang magpapabago at magbibigay ng kulay sa aking college life.
Nakapasok ako sa course at nagpatuloy ang enrollment process. Inabot ako ng tatlong araw para matapos lahat ng requirements.
Unang araw ng pasukan. Mahiyain ako noon at di nagtatanong kaya ina-assume ko lang ang mga bagay-bagay sa paligid.Nagbukas ng room at pumasok ang ilan sa mga nakasabayan ko sa enrollment kaya naisip ko na doon din ako. Dahil sa mahiyain ay hindi ako namamansin at umupo lang ng kumportable sa likurang banda ng drafting room. Hindi ko pa alam ang drafting noon at ang alam ko lang ay naghihintay kami para sa unang subject. Dumating ang professor at nagtawag ng mga pangalan, natapos ng magtawag ay hindi natawag ang aking pangalan kaya nagtaas ako ng kamay.
"Ano yun?". Sabi ng prof sa harap.
"Hindi po ako natawag". Sagot ko sa prof.
"Ano bang pangalan mo iho?". Sagot naman niya.
"Ezekiel Morales po". Sambit ko
"Iho, wala dito ang pangalan mo, sa ibang section ka ata, naliligaw ka". Nakangising sagot ng prof
Nagtawanan ang mga estudyante at namula naman ang aking mukha sa pagkahiya. Tumayo ako, nagpasalamat sa professor at agad na lumabas ng classroom.
Natagpuan ko naman agad ang aking section. Dahil sa kanina pa nagsimula ang klase ay nakapagpakilala na sila. Pagpasok ko ay sinabihan ako agad na magpakilala at pinaupo na sa bakanteng upuan. NAgsimula na ang discussion at napag-alaman kong block section kami at ang mga kaklase ko na ang makakasama ko sa buong limang taon na pamamalagi ko sa paaralang iyon. Para maiwasan din daw ang paglipat ng course, unang taon pa lang ay may major subject na kami. Nagsimula na ang unang araw ko bilang isang college student. Palpak man sa simula pero nararamdaman kong magiging masaya ito.
Isang linggo na ang nakalipas, marami na akong naging kaibigan. Dumaldal na rin ako dahil sa una lang naman ako mahiyain. Ibang-iba sa highschool life ko na walang thrill. Ang buhay ko noong highschool life ay school - bahay lang kaya nakakapanibago at nakakagalak na parte na ako ng isang grupo na hindi ko naranasan noong ako ay highschool pa lamang. Tambay sa lagoon, food trip sa hepa lane at laro ng computer games ang naging routine namin pag walang klase.
"I belong". Yan ang lagi kong naiisip pag kasama ko ang mga naging kaibigan ko.
Weekend na, nakasanayan na namin ni nanay at ng kapatid ko na mag-grocery. Nung weekend na yun, nagdesisyon kami ng kapatid kong babae na hintayin na lang si nanay sa SM sa may WOF. Habang naghihintay ay may lumapit sa amin na lupon ng mga kalalakihan. Nag-alok sila ng 100php worth na token. Nang mga panahong iyon ay may bago akong nokia phone na medyo high end (nakalimutan ko na yung model) na regalo ng aking tiyuhin. Ang cellphone ko naman ay nasa aking kapatid. Dahil bata pa kami noon at mapilit ang kapatid ko, kinuha namin ang token at naglaro sa basketball shooting game. Napansin namin na nakikisali na yung mga lalaki sa pagshoot ng bola at dahil sa sila ang nagbigay ng token ay hinayaan na lang namin ng kapatid ko. Bago matapos ang laro ay napansin kong wala na ang mga lalaki kaya naglaro kami ng iba pang laro doon sa WOF. Nang palabas na kami at iche-chek ko kung may text si nanay ay napansin kong wala na ang cellphone ko. Bigla na lang din umiyak ang kapatid ko at sinabing nawawala na rin daw yung cellphone niya.
Gulong-gulo ako nung mga panahon na iyon at pinatahan ang kapatid ko. Kinakabahan na rin ako dahil nag-iisip na ko ng magandang alibi para sa mga magulang ko. Hindi ko inaasahan na makakasalubong ko pa si Mikey Sison. Si Mikey ay isa sa mga madadaldal na hinusgahan ko agad nung enrollment. Kilala ko na siya pero hindi kami close ng mga panahon na yon. Nakita ko siyang papalapit kasama ang mga kaibigan niya. Syempre ayokong mapahiya kaya pinaayos ko ang itsura ng kapatid ko. Poker face on.
"Uy Mikey! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kasama ng isang pekeng ngiti.
"May dinaanan lang kami ng mga highschool friends ko, ikaw?" sagot niya sa akin.
"Hinihintay ko lang si mama. Mag-grocery kami". Sagot ko sa kanya.
"Ahh sige. Una na kami" sagot niya ng may pa-cute na ngiti.
Nang makaalis na sila ay nakahinga na ako ng maluwag. Effective ang pagpapanggap ko. Buti na lang kabisado ko ang number ni nanay at may natirang barya sa aking bulsa dahil pati wallet ko ay nakuha nila. Tinawagan ko siya gamit ang payphone at sinabi sa kanya ang nangyari. Hindi na namin nakita pa ang mga magnanakaw.
Months had passed. Hindi ko na matandaan kung paano kami naging close ni Mikey. Basta nagclick na lang kami. May topak ako dati at mahilig magjoke sa text. Naipsip ko na lokohin din siya. Siya ang 4th victim ko. Nakuha ko number niya sa isa sa mga classmates ko at naisipan ko siyang i-text dahil feeling ko close naman na kami.
"I love you". yan ang unang text ko sa kanya.
"Huh? Sino to?". reply niya saken. Tawang-tawa na ko dito pa lang.
"Lagi ka kasing nakatingin sa iba kaya di mo ako napapansin". sagot ko sa text niya.
"Nako Zeke! Tigil-tigilan mo ko sa mga kalokohan mo. Natimbrehan na ko at nakuha ko na rin number mo. Wag kang ano jan". reply niya saken.
"Hahaha. Pulis ka pala eh. KJ!". Natatawa kong reply.
Nagpatuloy pa ang palitan namin ng SMS at nakuwento ko sa kanya yung pangyayari sa SM. Sinabi niya na dapat nanghiram na lang ako ng cellphone sa kanya at sinabi ko naman na tapos na at nagawan naman ng paraan.Dawn of the jejemons ang kapanahunan ko. Kami yung nagtetext ng walang tingin sa cellphone at nagpauso ng mga clans. Kaya pagdating sa text ay laging may bagong topic. Umabot ng hatinggabi ang palitan namin ng sms. Marami pa akong nalaman tungkol sa kanya nang biglang mapunta kami sa isang di inaasahang topic
"Napakaisip bata mo talaga lagi". Sabi sa akin ni Mikey.
"Haha. Bata pa naman ako. Bakit ba?". Reply ko sa kanya.
"Ahh ganun ba? Sige. Ikaw na lang magiging bunso kong kapatid". Text niya sa akin.
"Hala! Edi kuya na kita?". Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng mga panahon na ito.
"OO naman bunso". Reply niya sa akin.
"Okay kuya. Hehe". text ko sa kanya habang ngiting ngiti.
"Sige bunso, tulog na tayo. Maaga pa tayo bukas". text niya.
"Okay kuya, Goodnight! Sweetdremas! Sleeptyt!". Reply ko.
"Goodnight bunso :-)". Last text niya.
Natapos na ang palitan namin ng text messages. Masaya akong nakatulog dahil alam kong mas naging close kami ni Mikey. First time ko magkaroon ng taong close kaya napakasaya talaga.
No comments:
Post a Comment