By: SacredName
Hi! Ako nga pala si Al, 'di ko tunay na pangalan. 5'11 ang height, average ang pangangatawan, medyo maputi, ligth brown ang mga mata, singkit, matangos ang ilong, at mahaba. Hahaha! Kasalukuyan akong nag-aaral sa isa sa mga pribadong unibersidad sa Laguna. Third year college na ako. 19 years old at bisexual. Gusto ko lang mag-share ng kwento. Kathang-isip lang pero sana magustuhan ninyo.
Mahirap ma-inlove lalo na't hindi kayo para sa isa't isa. 'Yan ang nasa isip ko sa mga oras na ito. Nagmumukmok sa field at umaasang may lumapit at magtanong kung ayos lang ba ako. Nung una 'di ko alam kung ano ang nararamdaman ko at nagkagusto ako sa kapwa ko lalaki.
Isang araw nagkaroon ng film showing ang mga mass communication students sa aming unibersidad. Napili ng mga tropa kong panoorin ang isang film na bumagay sa akin. Nung mga panahon na 'yon nais ko na sanang magtapat sa kanila pero natakot ako sa magiging reaksyon nila dahil noon pa lang na nanonood kami, puro halakhak na ang naririnig ko sa kanila, panglalait sa mga bakla, at pang-aasar ng tropa. Na-suffocate ako nang mga oras na 'yon dahil hindi ko na kaya. 'Yung courage, napalitan ng takot. Lumabas ako at nagpunta sa CR, naghilamos at 'di na bumalik sa film showing room. Naglakad-lakad nalang ako kung saan-saan.
"Uy Al! Anong ginagawa mo dito sa gymn?" Tanong ni Christian.
"Ah, hehe! Wala naglalakad-lakad lang. Bakit pala 'di kita nakita sa room 117? Nandoon sila nanonood." Tanong ko naman.
"E, ayoko kasi panoorin 'yung gusto nilang panoodin." Sagot niya.
Sa aming magto-tropa, si Christian ang pinakamabait sa lahat. Minsan bano, tsaka malabo kausap pero maaasahan mo. 5'10 ang height niya, maputi, medyo may kapayatan na hindi mo rin masasabing payat kasi may muscle at abs, nakasalamin at kadalasang inaasar dahil sa pagiging malabo niyang kausap.
"Nye, bakit ayaw mo?" Usisa ko.
"Wala lang, 'di ko lang trip. Masama ba?" Tanong niya.
Gusto ko pa sanang tumagal ang pag-uusap namin pero tinawag na siya ng bestfriend niyang si Trisha. Palagi silang magkasama, sweet kasi si Trisha at mabait din.
"'Di kita kayang mawala, partners in crime tayo 'di ba? Ako magsisilbing Pandora's box mo, sabihin mo lang sakin lahat ng problema mo." Sabi niyang habang umiiyak.
'Di ako nakapagsalita, umiyak lang ako. Tinabihan niya akong matulog dahil baka daw magpakamatay ulit ako. Yakap-yakap niya ako at dito na nagsimulang tumibok ang puso ko at magkakulay ang buhay ko.
Monday, January 23, 2017 lang ako pumasok. Matapos ang semestral break ilang araw akong hindi pumasok dahil sa nangyari sa akin. Nahihiya na rin ako kay Chael dahil sa ginawa ko. 'Di ko alam pero awkward na para sa akin kapag nakikita ko siya. Nagsimula na ko dun sa part na ina-avoid ko siya na wala namang dahilan.
Nag-ring na ang alarm at hudyat na ito na lunchbreak na. Dahil lahat ng subject ko ay kapareho ng kay Chael at same sched. din kami dahil tropa ang gumawa hindi maiiwasan na palagi ko siyang makikita.
"Uy Al! Tara sabay na tayong kumain." Anyaya niya.
"Ah, hehe... 'Di ako gutom, sige mauna ka na." Sagot ko.
Ang tanga ko, bakit 'di ko tinanggap alok niya. Sa totoo lang gutom na gutom na talaga ko. Bakit ko ba siya nilalayuan, wala naman siyang ginawang masama.
Michael's POV
Akala siguro ni Al hindi ko siya napapansin. Alam kong nilalayuan niya ko pero bakit? Ano ba nagawa ko? Dapat ba hinayaan ko nalang siyang magpakatiwakal kasi 'yun 'yung gusto niya? Naguguluhan ako.
Sakto magla-lunchbreak na, kausapin ko kaya siya.
"Uy Al! Tara sabay na tayong kumain." Anyaya ko.
Pero tumanggi siya. Ano bang meron? Nagtataka ako. Hindi naman siya ganoon dati.
Nawalan ako ng ganang kumain kaya tumambay na lang ako sa library. Nag-wifi at naglaro ng clash royale. Nakaka-boring... Nasa likuran ko lang pala si Al nakaupo, nakatalikod sa akin at nasa kabilang table. Lumingon ako nang dahan-dahan upang hindi niya ako mahalata. Baka kasi umalis na naman siya. Pansin ko 'yun kasi kapag nagtsa-chat ako ini-snob niya, kapag tumatawag ako pinapatay niya, kapag text snob ulit. Kapag lalapit ako lalayo siya.
Pagkalingon ko, nakita kong binabasa niya 'yung fiction na librong 13 Reason's Why. Nabasa ko na 'yun, siguro masyado siyang naka-relate kaya tutok na tutok siya sa pagbabasa at 'di na niya ko napansin.
Teka! Bakit ba concern na concern ako kay Al? Bano! Syempre bestfriend mo 'yun, malamang concern ka. Worried ka lalo na't sa mga panahong ganito, kailangan ka niya. Pero hindi e, parang sumobra na ata pagka-concern ko ngayon.
Tumayo ako't kunwaring 'di ko siya napansin. Pasimple kong nilaglag ang hawak kong panyo sa gilid niya. Nakita ko kasi siyang medyo maluha-luha. Lumabas na ako ng library at magsisimula na ang klase ko sa Integral Calculus. 'Di ko na siya niyaya dahil alam kong tatanggi lang din naman siya.
Makalipas ang 30 minutes, hindi ko nakita si Al na pumasok sa Integral. Nag-alala ako pero 'di naman ako makalabas dahil nagtuturo pa ang Professor ko.
Al's POV
Nagpunta na lamang ako sa library upang magbasa dahil sa katangahan ko. Nahihiya kasi ako kay Chael. Pa'no ba naman kasi, yakapin ba naman ako tapos sa iisang kama, at tsaka pareho pa kaming lalaki. Sinong 'di mao-awkward!!!? Tsaka nahihiya na rin ako sa kanya, more like give, give, give siya. Walang take. Dapat give and take pero hindi gano'n 'yung nagyayari.
Habang nagbabasa ako, napansin kong may nalaglag na panyo sa gilid ko. Hahabulin ko sana 'yung may-ari pero nakalabas na siya ng library. Kinuha ko nalang at inilagay sa bag ko.
Wala ako ganang mag-aral sa ngayon kaya naisipan kong 'wag pasukan ang subject ko. Naglakad-lakad na lamang ako at naupo sa field. Naghihintay ulit ako noon na may taong lumapit sa'kin at magtanong ng kahit na ano pero ni-isa walang tao. Nakatulog ako nang hindi ko namamalayan. Nagising na lamang ako nang naramdaman kong hinahaplos ni Chael ang ulo ko habang nakatitig sa akin at may halong ngiti.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment