By: Prince Zaire
[Beautiful in my eyes 1/3]
Bukas sa iyong pag-gising…..
Maaaring di ko na matandaan kung sino ka sa akin….
Bukas sa iyong pag-gising….
Di ko na alam kung saan nagsimula ang lahat sa atin…
Maaring iba na ang takbo ng mundo mo.
Maaring iba narin ang tibok ng puso ko…
Bukas sa iyong pag-gising…
Iba narin ang kislap ng mga mata mong naninimdim…
Balang araw…
Ako’y sayo, at ika’y akin….
Walang X, Y o Z… Ikaw lang, ako lang – TAYO…
[“Z” (Zee)]
(Zach’s POV)
“Good afternoon passengers. This is the pre-boarding announcement for flight EY 424 bound to Manila. We are now inviting those passengers with small children, and any passengers requiring special assistance, to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin in approximately ten minutes time. Thank you.”
Di ko alam kung ilang beses ko nang narinig yung announcement na yan. Nasobrahan ata ako ng jetlag kaya ganun. Ikaw ba naman ang bumiyahe mula Athens patungong Abu Dhabi tapos ngayon naman ay babalik ako ng Pilipinas. Nagka-problema pa ako sa bagahe ko, bakit ba naman kasi may limit lang ang pwedeng kargahin ha? Magka-crash ba yung eroplano kung masyado nang mabigat? Hindi naman eh, hindi! Hindi naman talaga yung bagahe ko ang problema, ayos naman sa akin na iwan ko yung iba kong mga damit o underwear. Ako talaga yung problema, ako talaga yung mali. Ako yung mabigat, hindi ako mataba ah. Mabigat yung dinadala ko sa puso ko – ang bigat bigat.
Sa di ko na mabilang na pagkakataon, ayun naloko nanaman ako. Bakit kaya ganun? May mga tao talagang tulad ko na kaloko-loko at kaiwan-iwan. May mali ba sa amin? Di ako naniniwala sa kasabihan na walang taong manloloko kung walang magpapaloko. It was like a battle between the egg & the chicken – alin ba ang nauna? Kasalanan ba namin na nagpaloko kami? Hindi! Alam ba namin na lolokohin kami? Hindi rin! Biktima kami dito. Kaya kung naloko ka na, maiintindihan mo ako.
Bukas sa iyong pag-gising…..
Maaaring di ko na matandaan kung sino ka sa akin….
Bukas sa iyong pag-gising….
Di ko na alam kung saan nagsimula ang lahat sa atin…
Maaring iba na ang takbo ng mundo mo.
Maaring iba narin ang tibok ng puso ko…
Bukas sa iyong pag-gising…
Iba narin ang kislap ng mga mata mong naninimdim…
Balang araw…
Ako’y sayo, at ika’y akin….
Walang X, Y o Z… Ikaw lang, ako lang – TAYO…
[“Z” (Zee)]
(Zach’s POV)
“Good afternoon passengers. This is the pre-boarding announcement for flight EY 424 bound to Manila. We are now inviting those passengers with small children, and any passengers requiring special assistance, to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin in approximately ten minutes time. Thank you.”
Di ko alam kung ilang beses ko nang narinig yung announcement na yan. Nasobrahan ata ako ng jetlag kaya ganun. Ikaw ba naman ang bumiyahe mula Athens patungong Abu Dhabi tapos ngayon naman ay babalik ako ng Pilipinas. Nagka-problema pa ako sa bagahe ko, bakit ba naman kasi may limit lang ang pwedeng kargahin ha? Magka-crash ba yung eroplano kung masyado nang mabigat? Hindi naman eh, hindi! Hindi naman talaga yung bagahe ko ang problema, ayos naman sa akin na iwan ko yung iba kong mga damit o underwear. Ako talaga yung problema, ako talaga yung mali. Ako yung mabigat, hindi ako mataba ah. Mabigat yung dinadala ko sa puso ko – ang bigat bigat.
Sa di ko na mabilang na pagkakataon, ayun naloko nanaman ako. Bakit kaya ganun? May mga tao talagang tulad ko na kaloko-loko at kaiwan-iwan. May mali ba sa amin? Di ako naniniwala sa kasabihan na walang taong manloloko kung walang magpapaloko. It was like a battle between the egg & the chicken – alin ba ang nauna? Kasalanan ba namin na nagpaloko kami? Hindi! Alam ba namin na lolokohin kami? Hindi rin! Biktima kami dito. Kaya kung naloko ka na, maiintindihan mo ako.
Narinig ko na nga ang final boarding announcement at nakita ko narin ang ibang mga pasahero na pumila na sa final boarding gate.
“Eto na to, babalik na ako sa Pilipinas” tugon ko sa sarili ko.
Ang tanong, anong babalikan ko? Saan ako magsisimula? Sino ang babalikan ko? At may buhay bang naghihintay sa akin dun?
Sa buong biyahe ko pabalik ng Manila, naka-plug lang yung earphones ko sa aking tenga. Nakikinig ako ng mga heartbreak songs, yung hugot ba. Para naman damang-dama ko yung sakit. May mga times pa nga na tumutulo na pala yung luha ko na di ko namamalayan. Kaya naman di na maiwasang magtanong yung katabi ko kung ok lang ba ako.
“Yeah, I’m ok. I’m just being emotional, hey after how many years I will be able to see my family again” pagsisinungaling ko sa katabi ko na sinang-ayunan naman nito. After how many years talaga? Dalawang buwan lang ako dun.
Nakalapag na nga yung eroplano namin sa Manila. Di alam ng pamilya ko na uuwi ako, akala kasi nila ay dun na ako for good kasama ng hinayupak na lalakeng yun. Kaya naman di ko alam kung saan ako tutungo. Nang makuha ko ang mga bagahe ko ay dumiretso na ako sa paradahan ng taxi, ang haba na ng pila pero tiniis ko yun. Nang ako na yung sasakay parang ayoko naman sumakay pa. Tinitignan ko rin yung mga driver at pag pangit ayoko. Siguro mga nasa pito yung pina-sakay ko bago ko maisipan na sumakay na. Yung susunod na sasakyan ay puting kotse, wala siyang mga marka na pang-taxi. Yung driver, ok naman pero di ko type.
“Sir, saan po kayo?” tanong ng driver kaya umiling lang ako.
“Sir, sakay na” banggit nito.
“Namamasada ka talaga? Eh ba’t parang di naman taxi tong hawak mo?”
“Private car, Uber Sir”
“Uber? Eh di naman ako gumamit ng app ah, sa susunod na sasakyan nalang ako”
“Zach”
“Excuse me, kilala mo ako?”
“Ah hindi, sabi ko Zach-kay ka na po”
Dahil mapilit siya at medyo cute, edi pumayag nalang ako. Sumakay nga ako at inalalayan niya ako sa aking mga gamit. Nag-drive na nga siya at nag-taka ako kung bakit di siya nagtanong kung saan ako tutungo. Mga ilang minuto na siguro siyang nagda-drive ng mapansin kong papunta nga sa bahay namin yung daan ni kuya.
“Excuse me, makakalimutin ako OO pero natatandaan kong di ko sinabi sayo kung saan ako pupunta”
“Ah Sir, diba sa Dasma Village kayo?”
“How did you know?” pagtataka ko.
“Nasabi niyo po kanina”
“Weh?”
Nakita kong tinignan niya ako sa rear view mirror at ngumiti siya.
“Ayoko pang umuwi, bring me somewhere else?”
“Saan po?”
“Anywhere, basta pwede akong makalimot”
Di siya umimik pero bigla lang siyang umiba ng ruta. Since medyo kampante naman ako na mabuting tao tong driver na to ay umidlip muna ako sa sasakyan. Maya-maya pa ay naramdaman ko nalang na may tumapik sa akin.
“Sir, gising na po”
Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko na naka-ngiti yung driver sa akin kaya naman nagulat ako at natulak ko siya.
“What are you doing?” tanong ko.
“Sir, baka kako gutom kayo at gusto niyong kumain. Masarap po ang sisig nila dito” saka siya ngumiti.
May psychic power ba tong taong to, bakit sa sisigan niya ako dinala. Paborito ko kasi ang sisig kahit na pinagbabawal ng doctor ko.
Dahil nga gutom narin ako ay bumaba na ako. Dumiretso kami sa restaurant at nag-order. Hapon na noon, pero wala akong paki-alam. Nagulat nalang ako ng makita ko yung menu.
“Tang ina nasa Pampanga tayo?” gulat kong pahayag.
Ngumiti lang ang driver.
“Wait lang, may balak ka bang i-salvage ako ha? Mamamatay tao ka ba? Wag mo kong ina-ano, general ang Tatay ko”
“Sus, abogado kaya ang Tatay mo” pabulong niyang banggit.
“Ano yun?”
“Wala sabi ko, sa gwapo kong ito mamatay tao? Lah, good boy kaya to. Wag kang mag-alala di ako masamang tao – order ka na”
Kaya naman nag-order na ako, at dahil na-miss ko sobra ang Filipino food ay andami kong inorder.
“Oh, ikaw naman. Order ka na, treat ko” sabi ko.
“So para sayo lang yung in-order mo?” tanong niya.
“Oo”
Ngumiti siya saka umiling iling. Nang matapos na siyang umorder ay nag-usap na kami.
“Anong pangalan mo, edad, taga-saan ka, kursong tinapos, may pamilya, ilang taon ka nang nag-uuber?”
“Teka, isa-isa lang”
“Sagot!”
“Ako si Dale – Dale Alexander Roxas, taga Gagalangin ako, di ako nakapag-College pero kumuha ako ng vocational course sa TESDA, single pa ako at bago lang ako sa Uber – ikaw?”
“Anong ako?”
“Anong pangalan mo?”
“Z”
“Z?”
“OO – Klein Zachary Valderama Zamora, galit na galit ang mga magulang ko sa letrang Z”
Tumawa naman siya at nakita ko yung maganda niyang ngipin at yung dimples niya. Sayang moreno kasi siya kaya di ko type – sa mga tisoy na tulad ko ako naa-attract.
“Alam mo, yang Dale na pangalan pang mga gwapo yan eh. Bakit?” sarkastiko kong pahayag.
“Grabe ka naman, ibig sabihin wala akong karapatan na mapangalanang Dale. Pangit ba ako?”
“Dale, Dale – parang may naaalala akong Dale pero di ko alam kung saan” nakita ko naman na natulala siya. “Pero, pangit din yun for sure”
“Ang sama mo”
“Ok ka naman, di ka naman ganun ka pangit kaya lang maitim ka eh”
“Ahy, grabe ka na”
Tumawa nalang kami.
“May boyfriend ka na?” tanong niya kaya nag-kunot noo nalang ako.
“Gago”
Dumating na nga yung order namin at inumpisahan ko nang lantakan. Para akong isang buwan na di kumain at pansin kong parang tulala yung kasama ko sa akin.
“Kain na” tugon ko.
“Ang cute mo parin”
“Hah?” pagtataka ko.
Nagpatuloy nga kami sa pag-kain at di pa ako nakuntento at nag-order pa ako ng dessert. Nahalata ko naman na tinititigan lang ako ni Dale habang kumakain. Nang makapag-bill out na kami ay nag-umpisa ulit kaming bumiyahe.
“Saan na tayo boss?” tanong niya.
“Kahit saan” sagot ko na inaantok nanaman.
“Baka gusto mong mag-pahinga muna, drop nalang kita sa hotel?”
“I have a Condo in Ortigas”
“Yung malapit ba sa Mega yun?”
“How did you know – wait tapatin mo nga ako may Psychic powers ka ba?”
“Wala, instinct lang. May hinatid na kasi ako dun dati”
“Ah”
Naging mahaba nga yung biyahe namin at sa wakas ay nakarating din kami sa Condo ko. Binayaran ko na siya at nang magpunta ako sa reception para kunin yung susi. Shit, nakalimutan ko nanaman. Pucha lang, lahat pala ng Condo Unit ko dito sa Metro ay nabenta ko na bago ako pumunta ng Athens. Kalimot – yan ang sakit ko. Maraming bagay akong nakakalimutan, signs of aging. Pero bakit yung taong nanakit sa akin ay di ko malimot-limot?
Naglakad na nga ako palabas ng building hila-hila ang maleta ko. Di ko alam kung saan tutungo. Saan nga ba? Napansin ko naman na paparating ulit yung sasakyan ni Dale kaya nagtaka ako kung bakit. May nakalimutan ba ako sa sasakyan niya?
Nasa tapat ko na yung sasakyan niya at nagbaba na siya ng car window saka ako nginitian.
“Ok ka lang?” tanong niya.
Tumango lang ako. “Ba’t ka bumalik?”
“Sabi kasi ng instinct ko balikan kita- saan mo gustong pumunta?”
“Gusto kong kumanta”
“Tara!”
Sumakay nga ako ulit sa kotse niya at dinala niya ako sa Timog area kung saan may mga Videoke Bar doon. Nag-renta kami ng isang room at umorder narin ako ng isang bucket. Nang maubos namin ni Dale yung isang bucket ay umorder pa ako ng isa pa.
“Hoy, tukmol. Baka hinahanap ka na ng misis mo baka ako pa sisihin nun”
“Ikaw lang ang misis ko”
“Ano- ano sabi mo? Tukmol lasing ka na, tagaaaay pa!”
Ngumiti lang siya, ako naman ay naghanap na ng kakantahin dun sa Songbook. Regine Velasquez yung kanta – pucha bagay na bagay sa sawing tulad ko. Dadalhin men!
“Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko! Hoooo tang ina mo, hayop ka”
Nagsisigaw ako dun sa mic, kaya inawat ako ni Dale. “Ano bang problema mo ha, kanta ko to”
“Lasing ka na”
“Oh kantahan mo ako, dali”
Umiling siya.
“Wala ka pala eh, ano ha, ano?”
Tinitigan lang niya ako.
“Hooo supot ka pala, di marunong kumanta”
Kinuha na niya yung mic at pumindot na ng kakantahin.
Beautiful in my eyes yung pinili niya. Nagsimula na nga siyang kumanta, at ok naman boses niya di tulad sa akin na pilit at wala sa tono.
“You’re my Mona Lisa
You’re my rainbow skies
And my only prayer is that you realize
You’ll always be beautiful in my eyes”
Di ko alam kung bakit iba yung tibok ng puso ko ng marinig ko na siyang kumakanta. Parang de javu, parang nangyari na to. Yung mga pag-ngiti niya sa akin, yung mga pagtitig niya. Bakit, bakit ganito. Lasing lang ba ako. Sinubukan kong umiwas at uminom nalang ng beer. Nang matapos na siyang kumanta ay tinanong niya ako kung nagustuhan ko daw ba. Sabi ko nalang hindi – ampangit ng boses niya kaya nagmake-face ito.
“Mukamo, unggoy”
“Zach”
“Ano?”
“Yung kanta ko, wala ka bang naaalala dun?”
“Wala naman, lasing lang tayo kaya nagiging ganito tayo. Alam ko na, mag-duet nalang tayo”
Pumunta na nga ako dun sa machine at nagkey-in. Roselle Nava naman ngayon. Kinuha na nga namin yung mic at nagsimula nang kumanta.
Dale:
Kahit na nagmumukhang tanga
Kahit na sinasaktan ako
Umiiyak ako dahil sa’yo
Heto parin ako
Halos baliw sa’yo
Ako:
Kahit na
Niloloko mo lang ako
Kahit na tumingin ka sa iba
Magmahal ka ng iba
Magbubulag-bulagan ako
Masakit man ito dito sa puso ko
At nagsabay na nga kaming dalawa.
“Dahil mahal, mahal na mahal kita
Hindi ako matatakot, mahihiya
Anuman ang sabihin nila
Dahil mahal kita
Dahil mahal, mahal na mahal kita
Gagawin ko ang lahat pangako mo lang di ako iiwan
Dahil mahal
Mahal na mahal kita”
Di ko napigilan yung pagpatak ng luha ko, napa-upo nalang ako. Naramdaman ko nalang yung pagpahid ni Dale sa mga luha ko at yung paghawak niya sa pisngi ko. Nagtitigan kaming dalawa saka ko siya niyakap at dun na ako humagulgol.
Ano nga ba kasing nangyari?
HI! I’m Klein Zachary Valderama Zamora, isa akong Marketing Specialist sa isang kilalang Software firm. Team player akong maituturing sa company at sa katunayan ay naka-amba na yung promotion ko. Pero tumanggi ako, instead I filed a resignation at naisipang samahan na ang boyfriend ko for 3 years na si Marcus dun sa Greece. Ayaw akong pakawalan ng company ko noon, they even offered me a deal na mahirap tanggihan. Pero nagmatigas ako, para sa pag-ibig. Gusto ko nang makasama si Marcus and start anew. Marami akong pangarap kasama siya, and besides marami namang trabaho na mag-aantay sa akin dun sa Greece. Ayaw ng pamilya ko kay Marcus specially my Dad. Pero nilaban ko siya, ganun ko siya kamahal.
So ayun na nga, I left my job. Binenta ko lahat ng Condo Units ko, yung mga business ko ay pinaubaya ko na sa mga pinsan ko. Lumipad ako sa Greece to surprise the man I love. Tang ina lang bes, ako pala ang masu-surprise. Pinaghandaan ko yung araw na yun, ilang beses akong nag-toothbrush, nag-mouthwash. Nagpabango ako, naghilod ng mabuti, naglinis ng tumbong and everything. Nag-polo akong puti at nag-brief ako ng pula dahil sabi niya sexy daw ako pag ganun. Ilang beses akong nagpabalik-balik sa salamin para masigurado kong gwapo ako at pag nakita ako ni Marcus he will fall in love with me again for the nth time.
Nagtungo ako sa tinutuluyan niya, pinindot ko ang doorbell ng paulit ulit – ganun ako ka-excited. Bumukas ang pinto at nakita ko dun ang taong mahal ko, mukhang naka hubad na.
“Honey, who’s that?” tanong ng isang babae sa likod niya. Sinipat ko ito at nakita ko nga ang isang babae na nasa kama niya at mukhang in the middle of making out sila.
“Marcus, what is this?” tanong ko.
“Umalis ka na, let’s talk some other time”
“What the hell” dun na niya isinara ang pintuan.
The next day nagkita kami and he ended the 3 year relationship we had. Matagal na daw sila ni Margaret at di niya raw alam kung paano ito sasabihin sa akin noon. Ang sakit sakit, tang ina lang. Ginive-up ko lahat for him dahil yun yung sabi niya. Na samahan ko siya dun sa Greece dahil mahirap ang mag-isa. Ang ganda na ng career ko sa Pilipinas, may buhay na ako dun pero dahil tanga ako ay kinalimutan ko yun lahat for Marcus. Tapos ganito lang?
Why is it always like this, bakit ganito pag tayong mga nasa 3rd sex na ang nagmahal. Walang kasiguraduhan ang lahat ng bagay. We are being stereotyped by many to be immoral – but hey nagmamahal lang po kami. Nag-stay ako sa Greece for two months, durog na durog na nga ako dun nauubos pa yung ipon ko. Wala naman akong makuhang trabaho dun. Yung inakala kong magiging madali, akala ko lang pala. And then I decided to go back to the Philippines.
“Mahal mo ano?” tanong ni Dale habang nagkakape kami at naka-upo sa gutter ng kalsada.
“Oo naman, gagawin ko ba yun kung di ko mahal yung tao?”
“Bakit mo siya mahal?”
Tinitigan ko lang siya ng masama. “Tinatanong pa ba yun, wala di ko rin alam kung bakit minahal ko siya. Gwapo siya oo, pero iba kasi siya eh – basta”
Nabalot ng pansamantalang katahimikan ang paligid. Di kami nag-imikan ni Dale ng bigla siyang magsalita.
“Gusto mo maghot-spring? May alam ako dun sa Laguna”
Nagulat ako sa tinuran niya, nagtataka na ako kung bakit lahat na ata ng gusto kong ginagawa ay alam niya. “Kaya mo pa bang mag-drive? Ang layo ng Laguna at saka gabi na no”
“Akong bahala, basta ba mag-enjoy ka OK na ako”
Mag-uumaga na nang makarating kami doon. Ang ganda ng lugar, napaka-tahimik at ang saya lang mag-senti. Matapos naming magcheck in at makapag-ayos ay lumoblob na kami sa mainit na pool. Parang narerelax yung buong katawan ko. Tahimik lang kami, nagpapakiramdaman. Di ko na pinansin kung maganda ba ang katawan ng kasama ko oh hindi. Basta nalang nagbabad ako at saka umidlip. Nagmulat lang ako ng mata ng sabihin niyang papasikat na ang araw at may alam daw siyang magandang spot para pagmasdan ito. Umahon na nga kami at kinuha ko yung twalya saka ko isinabit sa aking mga balikat. Naglakad kami at umakyat sa isang bahagi ng resort at di nga siya nagkamali. Maganda nga ang view at ang saya lang pagmasdan yung pagsikat ng araw.
“Sa Santorini, yung sunset naman ang maganda. It was so romantic. Pero wag na wag magpapakita yang Santorining yan sa akin masusunog ko talaga”
Tumawa lang siya sa tinuran ko. Matapos nun ay bumalik na kami sa aming tutuluyan at nagpasyang matulog nga muna. Dahil pagod na pagod yung katawan ko ay madali na akong dinalaw ng antok.
Ilang oras din siguro akong tulog dahil nang magising ako ay tanghali na at gutom na gutom na ako. Kaya naman nag-suot ako ng sando saka ako lumabas. Naglakad-lakad ako nang biglang may bumati sa akin.
“Gising ka na pala”
Nagtaka ako sa tinuran ng lalake. Deretso lang ako sa paglalakad.
“Zach”
“Wait kilala mo ako?” pagtataka ko.
“Oo naman, saan ka pupunta?”
“Ha? Sorry ah, sino ka?” tanong ko dahil nga di ko alam kung sino tong kausap ko. Nakita ko yung pagtataka sa mukha niya, yung lungkot at pag-aalala.
“Ok ka lang Zach?” tanong niya, mukhang kilala nga ako ng lalakeng ito.
“Sorry talaga ah, di kita maalala. Have we met?”
Lumapit siya sa akin saka ako nginitian. “I’m Dale Alexander Roxas, ako yung nag-drive sayo from the Airport, tapos nag-inuman pa tayo kagabi tapos ayun nga, nandito tayo”
“Ganun ba, sorry ah. Pagod na pagod kasi ako sa biyahe tapos nalasing pa ako. Pasensya na tumatanda, madalas kasi akong makalimot these days”
“Ayos lang, pag nakalimutan mo nanaman ako bukas magpapakilala nalang ako ulit tapos ipapa-alala ko sayo yung mga nangyari”
“Bakit mo naman gagawin yun?”
“Eh kasi nga kaibigan kita, tara kain na tayo”
Naglakad na nga kami papunta dun sa resto at kumain kami. Pero di ako nabusog, parang nagke-crave ako ng bulalo.
Nagkwentuhan kami ni Dale at andami kong nalaman sa kanya.
“Matanong nga kita, straight ka ba? Alam mo parang ikaw yung nasa commercial ng Revicon yung si Lucas Lakas. Ikaw ba yun?”
“Ganun ba ako kapogi?”
“Hindi”
“Grabe ka”
“Ano nga, straight ka?”
“Kung sabihin ko bang hindi, manliligaw ka ba ulit?”
“Hah?” pagtataka ko.
“Wala”
“Parang gusto ko ng Bulalo pati Lomi”
“May alam ako, gusto mo pumunta sa Batangas?”
Sumang-ayon naman ako sa balak ng lalakeng to. Di ko siya kilala pero ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya. Napaka-komportable ko sa piling niya at parang matagal ko na siyang kilala. Wala kaming kapaguran, parang may balak kaming libutin ang Pilipinas.
“Ano nga ulit pangalan mo?” tanong ko sa kanya habang nagda-drive siya.
“Dale”
“Parang pang gwapo yung Dale, bakit?”
“Nasabi mo narin yan kagabi”
“Ganun ba? Pasensya na ah”
Ngumiti nalang siya. Nagpatuloy nga kami sa aming biyahe, ako naman bagot na bagot kaya naman kung ano-ano na ginagawa ko sa kotse niya. Ibinababa-taas ko yung window, nilalaro ko yung grills ng aircon, binubuksan ko yung mga compartment.
“Di ka parin nagbabago Zach”
Tinaasan ko nalang siya ng kilay.
Nakarating na nga kami sa destinasyon namin. Matapos naming kumain ng Lomi ay naghanap naman kami ng Bulalo. Food trip ang trip namin at para ngang wala akong kabusugan sa pinag-gagawa namin. Ganun talaga ako pag heartbroken, pag-kain ang outlet ko.
“Dale”
“Uhhhhm”
“Salamat sa pagsama sa akin ah”
“Oks lang”
“Gusto ko pumunta ng Bohol”
Di siya umimik, bagkus ay ngumiti lang ito sa akin.
“Magbook na ko ng flight, gusto mo sumama?”
Nagkibit balikat lang ito. Maya-maya pa ay lumabas siya sa Café na kinaroroonan namin at parang may tinawagan siya. Ako naman ay nakatitig lang sa phone ko. Nakita ko nanaman yung wallpaper, picture namin ni Marcus. Sa kauna-unahang pagkakataon ay naisipan kong palitan na ito. It’s my way of forgetting and moving on.
Nang matapos kong mapalitan ang wallpaper ay yun naman ang balik ni Dale.
“Ano tara, Bohol na tayo?” saad nito.
“Anong Bohol?”
“Sabi mo kanina punta tayong Bohol, tara?”
“Sinabi ko yun?”
Natulala nalang siya. Ganun kalala yung pagiging makaka-limutin ko. Para akong si Dory, may short term memory loss.
“OO, sasamahan kita sa Bohol”
“Ano namang gagawin ko sa Bohol?”
Nabalot ng katahimikan yung usapan namin. Ano nga bang gagawin ko sa Bohol? Kasama ko si Dale sa mga sumunod na araw, kaya nang mapansin kong di pa siya nagpapalit ng damit ay napag-pasyahan ko nang mag-shopping kami. Tumanggi pa siya nung una pero talagang mapilit ako. Nag-book nga kami ng flight papuntang Bohol at sinabi naman ni Dale na may tutuluyan na daw kami doon na kakilala ng Tito niya. Di na ako nag-usisa pa kaya tumuloy na kami.
Nakarating nga kami sa Tagbilaran, yung una ay naglibot libot kami. Site seeing tapos pumunta kami ng Chocolate Hills at naki-picture sa mga Tarsiers. Nang matapos ay nagtungo na kami sa tutuluyan namin – Panglao pa talaga.
“Ang yaman naman ng Tito mo”
Di na siya umimik. Nagpahinga muna kami, naligo at nagpalit. Iisa lang yung kwarto namin at wala namang malisya kung tabi kami sa bed parehas naman kaming lalake at hindi ako yung type na nanggagapang. Nakahiga si Dale sa bed nang lumabas ako ng CR. Kakaligo ko lang noon at naka-boxers lang ako habang naka-sampay yung twalya sa balikat ko. Napansin kong nakatitig siya sa akin.
“Excuse me?” saway ko dahil nakatulala na siya. “May problema ba brad?”
“Ah wala, ang kinis mo lang kasi. Sexy”
Pinandilatan ko nalang saka ako nagpatuloy na mag-apply ng mga pampagwapo. Siya naman ay pumasok na ng CR at naligo narin. Matapos naming kumain ay nagpasya kaming pumunta sa dalampasigan. May hawak kaming tig dalawang can ng beer. Sumalampak kami sa buhanginan at nagkwentuhan.
“Kwento ka” tugon ko.
“Ng ano naman”
“Kwentong pag-ibig”
“Wag na”
“Madaya ka, sige na”
Napilit ko na nga siya at nagkwento.
“I fell in love with a guy once”
“Sabi na nga bang paminta ka rin eh”
Nagpatuloy nga siya matapos niyang uminom.
“Ibang-iba siya, he was the perfect partner. But then I let him go”
“Bakit naman?”
“Dahil magka-iba yung mundo namin. Mayaman siya at mahirap lang ako. Being with him was at bliss. Pero pag tinabi na niya ako sa mga kamag-anak niya, sa mga kaibigan niya at parents niya. Hiyang hiya na ako. Ano ba ako? Isang service crew sa isang kainan, isang kargador, isang driver. Mahirap lang ako at siya – may pinag-aralan, maganda ang trabaho at mayaman ang pamilya. Parang hindi ko siya deserve, parang pagkakataon na yung nagsabing di kami bagay. Langit siya lupa ako. Sinabi ko sa sarili ko magsusumikap ako, mag-aaral ako, pagbubutihin ko ang sarili ko para ma-deserve ko siya. Kaya ayun, nakipag-hiwalay ako sa kanya”
Nakinig lang ako sa mga kwento niya, napansin ko rin na tumutulo na yung luha niya.
“Mahal mo no?”
“Mahal na mahal, siya yung pinaka-magandang bagay na nangyari sa akin. He’s the most beautiful thing in my eyes”
“Nasaan na siya?”
Umiling lang ito.
“How did you ended it all?” tanong ko.
“Ang sama-sama ko, ang sama-sama ko. Tinaon ko pa talaga yung break-up namin matapos ang pasko. Nag-sisi akong ginawa ko yun. Di niya matanggap yung break-up namin, I even used his bestfriend para lang kamuhian niya ako at iwan. Nag-inuman kami ng bestfriend niya, tapos nag-sex kami. Ayun nahuli kami ng lalakeng mahal ko. Dahil dun nagkalamat yung relasyon nila ng bestfriend niya. Dinibdib ito ng bestfriend niya at nasangkot sa isang aksidente – he lost his vision dahil sa kagaguhan ko. Pero minahal parin ako ng taong yun.”
“Ganun talaga ang buhay, nasa huli palagi ang pagsisisi”
“It was New Years Eve, kahit hiwalay na kami ay pinuntahan niya ako sa bahay namin sa Tondo. Naalala ko 8:00 palang nun, may kumatok sa pintuan namin. Pinag-buksan siya ng kapatid ko at tuwang-tuwa sila ng makita nila ito. May dala-dala siyang mga pagkain at regalo. Tinitigan ko lang siya kasabay ng malalakas na putukan sa labas. Walang imikan, titigan lang. Ni di ko nagawang lapitan siya, ang gusto ko lang noon ay umalis na siya. Ayun nga nagpa-alam din siya agad at nakita ko yung lungkot sa mga mata niya na ako ang dahilan. Mga ilang minuto ang nakakalipas, patuloy parin ang ingay at putukan sa labas. Pero nung mga panahon na yun ay parang nagpapanic na yung mga tao. Medyo kinabahan narin ako nun, parang may ibang nangyayari kaya naman lumabas na ako. Nasabi nalang ng kapitbahay namin na yung daw lalake na nagpunta sa bahay namin ay nakabulagta na sa kanto. Dali-dali akong tumakbo papunta sa sinabi niya, nakita ko nga dun na nakabulagta siya at duguan. Duguan yung ulo niya, natamaan siya ng ligaw na bala. Dinala ko siya sa ospital at simula noon, di na niya ako maalala”
Patuloy na sa pag-iyak si Dale kaya naman hinagod ko nalang ang likod niya saka ko tinapik ang balikat niya.
“Mapapatawad kaya niya ako?” tanong nito sa akin.
“Siguro. Pero di kita kasi maintindihan eh, ang babaw kasi ng rason mo kung bakit mo siya iniwan. Hindi naman problema kasi kung mahirap ka at mayaman siya. Alam mo sa pagmamahal wala yang pinipiling estado sa buhay o kung ano mang kasarian mo. Pag nagmahal ka, yun na yun”
“Eh gago kasi ako eh, kinain ako ng pride ko. Kaya ngayon unti unti akong kinakain ng konsensya ko”
“Tara, iligo nalang natin yan”
Sumang-ayon naman siya sa akin. Matapos naming maligo at magbanlaw ay natulog na nga kami. Naglatag ng comforter si Dale sa lapag at dun siya natulog. Kasya naman kami sa kama pero mapilit kasi siya kaya pinabayaan ko lang. Dahil di ko makuha yung tulog ko ay pinagmasdan ko nalang si Dale. Naghihilik na siya noon at dun ko narealize na ang gwapo pala niya. Ang swerte ng taong pinag-alayan niya ng pag-ibig niya. Hindi tulad ko na niloko lang ng walang hiyang Marcus na yun. Sa pagtitig ko kay Dale ay unti-unti akong nakatulog.[segue: more of Zaire Stories? – go to Wattpad and look for @PrinceZaire. See you all there]
----
Pag-gising ko kinabukasan ay masama ang pakiramdam ko. Masakit yung ulo ko, parang umiikot yung paligid at nasusuka ako. Ilang beses ko na naranasan yung feeling na to and I hate it.
“Help, please help” sigaw ko. Bigla namang may pumasok na lalake sa kwarto na kinalalagyan ko at saka ako nilapitan at hinawakan.
“Don’t touch me”
“Zach, ayos ka lang?”
“Who are you? Nevermind, please please help. Masakit yung ulo ko” sabi ko at napansin kong nataranta yung lalake. Napansin ko rin na kinuha niya yung phone niya at may tinawagan ito. Nang matapos ang tawag ay pumunta siya doon sa maleta ko at may kinuha siya.
“Hey, what are you doing?” sigaw ko.
Nang makita na niya yung mga gamot ay agad siyang lumapit sa akin.
“Inumin mo to?” utos niya. Ginawa ko nalang yung sinabi niya, nakita ko rin na hawak na niya yung syringe at akmang may ituturok na sa akin.
“What the hell do you think you’re doing?” saway ko.
“Zach please wag kang makulit”
“Who are you?”
“Dale”
“Fuck you” pagkasabi ko nun ay bigla niyang tinurok sakin yung IV. Mga ilang minuto din bago ako na-relax. Nang ok na ako ay nagpakilala ulit siya at kwinento niya ang mga nangyari within the past few days at ako naman ay naniwala. Getting worse na talaga yung condition ko at parang it’s time to visit my doctor in soon time.
Humingi ako ng paumanhin kay Dale at sa mga nagawa ko, sinabi ko nalang na gusto ko nang umuwi ng Manila para makasama ang pamilya ko. Sumang-ayon naman ito kaya naman kinabukasan ay bumalik na kami sa Manila. Hinatid pa niya ako sa bahay namin sa Dasma. Nagtaka ako noon dahil imbes na ako ang bumaba ay siya yung bumaba.
“Wait, saan ka pupunta?”
“Uuwi na ako”
“Tong kotse mo gago”
Ngumiti lang ito. Saka tuluyan nang naglakad.
“Wait!” sigaw ko kaya naman lumingon ito. “Ano ulit pangalan mo?”
“Nasa likod mo ang kasagutan diyan”
Dun na siya tuluyang naglakad kaya pinabayaan ko nalang. Nagtaka ako sa mga tinuran niya kaya naman pinaki-alaman ko na yung kotse. Binuksan ko yung mga compartment at nagtaka ako kung bakit may mga gamit ako dun. Nang nakita ko yung mga pamilyar na bagay dun ko lang narealize.
“Kotse ko to ah, shit sino ba yung taong yun? What was his name again?”
Bumaba na nga ako sa kotse ko at agad namang sumalubong sina mommy at daddy pati na yung mga kapatid ko. Antagal naming nagyakapan at halatang miss na miss namin yung isat-isa. Pumasok na kami sa bahay at may konting salo-salo nga doon parang alam nila na darating ako. Marami kaming napag-kwentuhan. Malalim na ang gabi nang magpasya kaming magpahinga. Bago ako natulog ay naligo muna ako, nagbabad sa bath tub, eto nanaman ako di ko nanaman alam kung anong nangyari o saan ako galing. Nang matapos ako ay nagtoothbrush na at tinitigan ang sarili sa malaking salamin. Papatalikod na ako ng may mapansin akong dumi sa aking likod. Tinignan ko itong muli sa salamin.
“May tattoo ako sa likod?” pagtataka ko. Pinagmasdan ko siyang mabuti, it was a heartbeat tattoo at sa baba nito ay naka-sulat yung pangalang “Dale”.
“Dale?” tanong ko. “Klein Zachary naman pangalan ko ah, sino si Dale?” dun na pumasok yung imahe ng lalakeng naghatid sa akin kanina.
“Nasa likod mo ang kasagutan – Dale ang pangalan niya. Pero sino siya sa buhay ko? Kelan ulit kami magkikita eh number o address nga niya di ko alam” tugon ko sa sarili ko.
Matagal kong pinagmasdan yung tattoo na yun na halos mangawit na yung leeg ko sa kaka-titig dito. Parang sinasabayan din ng puso ko yung naka-tatak na heartbeat dito.
“Sino ka Dale? Sino ka?”
-------
[“Y”(Why)]
(Yuan’s POV)
Nakarinig ako ng katok sa aking pinto. Dere-deretso yun…
Tok tok tok…
“Sino yan?” tanong ko.
“X” tugon niya, alam ko na kung sino ito.
Kinapa ko ang dadaanan ko at sa awa ng Diyos ay narating ko naman ang pinto at pinagbuksan ko ito. Bigla namang yumakap ang lalake sa akin at ramdam ko na umiiyak ito. Di ko man makita ay malakas naman ang pandama ko.
“Bumalik na siya Y”
“Sino?”
“Si Z”
Di namin kayo niloloko ah, talagang ganun ang codename namin.
“Zach is back?” tanong ko na may ngiti sa aking labi.
“OO” matipid niyang sagot. Natuwa ako sa narinig ko, inalalayan niya ako papunta sa aking upuan.
“Kumusta ka na Yuan?” tanong nito.
“Eto, bulag parin. Ikaw, kumusta ka naman? How’s Zach?”
“Di niya ako maalala, lumalala yung condition niya. Na halos sa bawat pag-gising niya wala siyang maalala. Natatakot ako para sa kanya”
“Tatagan mo ang loob mo, magiging ok din ang lahat”
“Paano mo nakakayang maging positive sa kabila ng mga napag-daanan mo Yuan”
Nagbuntong hininga nalang ako.
“Dale, paningin lang ang nawala sa akin. Nagpapasalamat parin ako at buhay ako. Naniniwala ako na things will get better, sana maniwala ka rin”
“Kasalanan ko tong lahat, yang nangyari sayo at kay Zach”
“It was never your fault Dale, ang nangyari sa amin ay accident. May plano ang Diyos kung bakit kami naging ganito”
“Pero di ko maintindihan”
“Ganun talaga Dale, marami tayong di maintindihan. Malaki rin ang kasalanan ko kay Zach, at tama narin sigurong kabayaran tong nangyari sa akin”
Naramdaman ko nalang na yumakap ulit si Dale sa akin at saka kami nag-iyakan.
“How was he? Gwapo parin ba?” tanong ko.
“Kung makikita mo lang siya, I’ll bet you’ll fall in love with him the nth time around”
Ngumiti nalang ako. “But he choses you, ikaw yung minahal niya. I was just his bestfriend. Oh Ex-bestfriend pala. Parang kapatid lang ang turing niya sa akin”
“We are so pathetic to fall in love with the same guy Yuan”
“Eh paano mo ba di mamahalin ang isang Klein Zachary Valderama Zamora, diba?”
“Tama, yung pagsama ko sa kanya these past few days. Hulog na hulog nanaman ako”
“That’s the “Z” effect, he makes everyone fall for him. I miss him, na-miss ko yung old X-Y-Z”
“Yuan ayoko na maging X”
“Alam ko, pero nasa sayo naman yan eh kung paano grumaduate sa pagiging X ni Z”
“Sana bukas, maalala na niya ako”
“Sana bukas maging ok na ang lahat”
---
Bukas pag-gising mo, parang isinilang tayong muli…
Balik tayo sa dati, at unti-unti nating kilalanin kung sino si X, si Y at si Z.
Sana bukas sa pag-gising mo… Sana bukas…
Bumalik yung kahapon at unti-unti nating kilalanin.
Ikaw, ako at tayo…
Itutuloy….
A/N:Hi KM Nation, remember me? I’m back! Miss me? Lol, nevermind. Prince Zaire is here again to share another story from my collection. Hope nagustuhan niyo siya so I want you to comment your insights regarding it. I learned na parang naka-idle narin yung ibang authors na inaabangan natin, nasaan na po kayo? Please come back and make KM Nation great once more. At yun nga, nanggugulo nanaman ako dito sana wag niyo ako i-bash. Let’s keep the 7-colored flag wavin, let’s support each other. Spread the love not the virus!
Take care always, KM Nation.
Lovelots,
Zee
No comments:
Post a Comment