By:Gab
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa pagsulat ng aking kwento, hindi naman kasi talaga ako writer. Frustration ko iyon, kaya nga humahanga ako sa mga taong magaling lumikha ng mga kwento, o magkwento ng kanilang mga karanasan. Pero ito, susubukan ko na ilahad ang aking kwento, sa pagbabasakali na mabasa ng taong nagawan ko ng malaking kasalanan, o may makabasa man lang na makakapagpaabot ng mensahe ko para sa kanya. Kung may naghahanap po ng sex scenes, ipagpaumanhin nyo po, at hindi ko iyon idedetalye dito sa kwento. Sagot po ito sa isang kwento na napost dito sa site early this year.
Ako nga pala si Joaquin Gabriel Valiente. Marami sa inyo, kilala siguro ako sa pangalang Gab. Ang pangalan ng lalaking paasa. Pangalan ng isang lalaking pakantot. Walang bayag. Duwag. Siguro nga nagkamali ako sa maraming bagay. At hindi sapat na ipaliwanag ang aking sarili at humingi ng kapatawaran. Sa inyo na nakabasa ng kwento ni Alvin... lalo’t higit na sa kanya.
Bata pa lang ako, alam ko na may iba sa akin. Panganay ako sa apat na magkakapatid. 28 na ako ngayon, 22 si Louie ang sumunod sa akin, 17 si Eliza, at 13 si Mico, ang bunso. Bagamat alam ko na may iba akong nararamdaman sa aking sarili, alam kong hindi maari. Lalo sa bayang aming kinalakhan, hindi pa ganoon katanggap ang mga tulad ko. Isa pang dahilan ay dahil sa angkan na kinabibilangan ko. Mula ako sa kilalang angkan dito sa timog katagalugan, iba sa kwento ni Alvin na sa Tarlac kami. Lalo tuloy akong naguiguilty, na sa kwento nya, sinubukan pa rin niyang pangalagaan ako at ang aking pamilya.
Kahit ang best friend ko, hindi alam ang tumatakbo sa loob ko. Siguro kung mayroon mang naghihinala, yun ay ang aking parents. Pero sila man ay walang kumpirmasyon. Pinilit ko naman talaga na patigasin ang mga kilos ko. Ang mga larong aking sinasalihan. Lagi pa nga akong kasama sa mga liga. Pinagbubuti ko ang lahat upang maipagmalaki ako ng aking ama. At patuloy na mabigyan ng karangalan ang aming pangalan, ang aming angkan.
Bilang lang din ang aking mga salita. Hindi naman talaga kasi ako likas na madaldal.
16 years old ako noong una akong makatikim ng gatas na hindi sa suso ng ina nagmula. Mula iyon kay kuya Daniel. Trabahador namin sa Niyugan. Dalawang beses may nangyari sa amin, pagkatapos ng ikalawang beses, bigla ko na lang hindi siyang nakita. Naglaho na parang bula. Walang balita kung saan nagpunta o kung anong nangyari. Basta nawala na siya. Mula nun, wala nang ganap sa aking sex life.
Naging busy na rin ako sa aking pag-aaral. Nagkolehiyo na rin ako at sinigurado kong may medalya akong maiuuwi sa bahay. Nagkasya na lang ako sa pagtingin-tingin sa aking mga crush. At sa pagbabasa ng mga kwento online.
Two years na akong nagbabasa dito sa KM. last year, nagsimula akong subaybayan ang vehicle series ni Neil Alvin. Bawat kwento can stand on its own kasi, kaya isa yun sa mga binabasa ko, sa pang-apat na kwento, nagsimula akong maging curious sa writer, lalo pa nga at active din siya sa pagsagot sa mga comments. Meron pang pahulaan kung paano talaga siya mako contact sa kanyang profile, so i texted all the numbers possible. Anyway, sampung digits lang naman yun, and he replied. Sa kwento nya, binago niya ang details na sa text kami nagpalitan ng messages. Pero yung lines na may pagka masungit, totoo yun. Totoong totoo. Nguntik na nga ako madiscourage nung una. Kasi, parang ang taas naman ata ng standards nito, pero imbes na madiscourage, naging hamon sa akin iyon.
Naalala ko pa ‘yung linyang : “Kung wala kang balak magseryoso, kung wala kang intensyong magcommit, tigilan mo ko, hindi ako nakikipaglaro, hindi ako nagbubuyangyang ng titi sa internet at lalong ayoko ng one night stand.”
Alam ko naman na siya ‘yung writer nung una pa lang na magtext ako, pero sabi ko nga, may iniba siya sa mga detalye sa kwento nya, gaya na lang na kung ano ang probinsya ko. Never the less, he was able to present it in his story with enough decency, para siguro itago ang mga taong involved tulad ko, at maging maayos ang flow ng story.
Naging constant ang tawagan namin sa cellphone. Hindi ko nga namamalayan minsan na sobrang haba na ng oras namin na nag-uusap. Masarap naman kasi siyang kausap. Kahit pa nga madalas, sinusingitan ako. Naging friends na rin kami sa FB. I added him. Sakto lang naman siya. Hindi ganun kaputi, which i preferred, pero i pushed through pa din, kasi match ang ugali namin. Swak.
Hanggang dumating ang araw na magkikita kami. Pero dahil sa sobrang excited ko, pinuntahan ko siya a day before at sinundo ko mismo siya sa office. Hindi rin po Nissan Estrada ang gamit ko. Pero, hindi naman malayo sa description nya.
I waited for him sa labas ng office nya. Nagulat siya na nakatayo ako sa labas ng opisina nya. At nang pagbuksan ko siya ng pinto, agad siyang pumasok at sinabihan akong umalis na kami agad. Sinabi ko sa kanya ang plano habang palayo kami sa building nila. Hindi na kami dumaan sa bahay nya, kasi gusto ko na rin makabalik kami agad sa amin.
Tanghali na nang makarating kami sa amin, at dumaan kami sa bayan at bumili ako ng buko pie at hindi tupig gaya ng sa kwento nya. Nang dumating kami sa amin, kinakabahan ako, pero tinanggap naman siya ni mama at naging magaan ang pag-uusap namin sa tanghalian, ngunit hindi ako nakaligtas sa mga kakaibang tingin ni mama at maging ang pagsusumbong nya kay papa sa cellphone matapos kaming kumain, narinig ko din. Magpapaalam sana ako kay mama na aalis kami ni Alvin nung marinig ko siyang may kausap sa cellphone, at alam kong sinasabi nya kay papa, na may kasama akong lalaki sa pag-uwi.
Kaya mabilis kong binalikan si Alvin sa salas at niyaya na umalis na lang. Nagbutbit ako ng banig at kumot panlatag sa pinaplano kong picnic kasama ni Alvin. Masaya ang naging pag-uusap namin papunta sa batis, masarap talaga siyang kausap. Nakalimutan ko na tuloy ang kaba ko kapag nakita siya ni papa sa gabi.
Dumating kami sa batis kung saan ako nagpupunta kapag gusto ko mapag-isa. Medyo liblib yung lugar at malayo sa mga bahay kaya bihira ang taong napapadpad sa bahaging iyong paborito kong puntahan. Gusto kong ibahagi iyon kay Alvin, kaya naman doon ko siya dinala. Naglatag lang ako sa ilalim ng isang acasia. Pinahiga ko si Alvin at ang pinaunan ko siya sa aking hita. Nagkukuwnetuhan pa kami nang naramdaman kong antok na siya, allam kong pilit pa nyang nilalabanan ang antok para magkausap pa kami, pero alam kong gabi pa siya nakaduty kaya hinayaan ko na lang na makapagpahinga siya. Lumipas ang mahigit sa dalawang oras, papadilim na noon, at hindi ko napigilan na halikan siya. Sa noo, sa mata, sa pisngi, sa leeg. Nagising siya nang sa labi na ako humalik. At nadarang na nga ako, ibinigay o sa kanya ang lahat, ipinaubaya kong kontrolin niya ang mangyayari sa amin noong araw na iyon. Gusto kong siya ang masunod para maging masaya siya.
Masyado na akong nahook sa kanya na handa akong ibigay sa kanya ang lahat, na hindi matakot subukan lahat. At buong ingat naman niya akong inangkin. Sinigurado niyang mag-eenjoy din ako, at na-enjoy ko naman ang aking “first fuck” kahit medyo nasaktan ako sa simula, nasarapan naman ako sa pamamaraan nya. Swabe. Maingat. Masarap.
Nang matapos kami, ay iniuwi ko na siya sa amin. Nakilala niya si papa at ang dalawa ko pang kapatid. Inasahan ko na na magiging malamig ang pakikitungo ni papa kay Alvin, ngunit naging maayos pa rin naman ang pakikipag-usap nito sa hapag. Buti na lang at kayang magdala ng usapan ni Alvin sa lahat ata ng paksa kaya naging buhay naman ang daloy ng usapan sa hapag.
Naging problema ko pa nga kung paano ipagpapaalam na sa kwarto ko matutulog si Alvin, kahit alam kong ipinahanda na ni mama ang guest room, naging alibi na lang namin na may mga pag-uusapan kami at paplanuhing trabaho, kaya sa kwarto ko muna siya at lilipat na lang sa guest room pag matutulog na. Nang sumunod na araw ay halos nagkulong na lang kami sa kwarto at ilang ulit pang may nangyari sa amin, halos maga na nga ang tumbong ko nang ihatid ko siya pa Maynila.
Nang makabalik ako sa bahay, doon na nagsimula ang aking kalbaryo. Nag-aantay si mama at papa sa akin at pinapasok ako sa kwarto nila para kausapin at alamin ang totoong namamagitan sa amin ni Alvin. Ikakaila ko pa sana, ngunit napasundan pala kami sa batis at alam na ni papa ang nangyari bago pa man kami nakauwi. Inantay lang talaga nilang makaalis si Alvin upang kausapin ako. Sa loob ng dalawang buwan ay itinakda ang aking kasal sa anak ng isang negosyante sa bayan. Pinlantsa na lahat ni papa ang magaganap. Binawi ang lahat sa akin, laptop, cellphone kaya hindi ko na nakausap si Alvin mula nang nakauwi ako. Hindi ko naman nakabisado yung number na gamit nya at hindi ko rin siya ma-imessage sa fb, hindi ko na rin kasi magawa na sumuway sa utos nila papa na huwag makipagkita sa kanya sa takot na may mangyaring hindi maganda sa kanya, tulad nang nangyari kay kuya Daniel. Ginawa ko na lang abala ang aking sarili sa kasal kahit na ang bigat sa kalooban na ikasal ka sa taong hindi mo naman mahal.
Dumaan ang ilang okasyon, na hindi ko man lang nabati si Alvin, namimiss ko na rin siya ng sobra. Ang mga pag-uusap namin sa phone, ang text, chat ang pagiging masungit nya, ang pagiging naughty at sweet nya. Kung pwede lang ilipat ang lahat ng nararamdaman ko sa kanya sa babaeng pakakasalan ko, sana ginawa ko na para hindi ako nahihirapan.
Palapit nang palapit ang kasal, pabigat din ng pabigat ang nararamdaman ko at ang akala nga ng ibang nakakakilala ay namamayat ako dahil sa stress sa nalalapit na kasal, ang totoo’y hindi ako makakain ng maayos kakaisip kay Alvin. Nawalan ako ng gana.
Dumating ang araw ng kasal at naging maayos ang seremonyas. Hinihiling ko noon na maging parang malateleserye ang kwento at may sisigaw na “ITIGIL ANG KASALANG ITO!” pero wala. Pinilit kong ngumiti sa lahat ng mga bisita kahit pa alam kong nakatali na ako habangbuhay..
Nang lumabas ang karwaheng sinasakyan namin, akala ko namamalikmata lang ako gaya nang sa ibang araw na nakita ko si Alvin. ‘Yung reaksyon nya pagkakita nya sa amin ng aking pinakasalan... huli na malaman ko na totoo palang nandun siya sa plaza nung araw ng kasal ko, nagkaroon kasi ako ng pagkakataong mabasa ang kwento nya noong Marso. Medyo maluwag na sa akin si papa matapos ang kasal, ngunit alam kong hindi pa rin ako ganap na malaya.
Sinubukan kong hanapin muli ang number ni Alvin sa website, nagbabakasali na makausap siya, ngunit nabigo ako. May isa sa mga number na sinubukan ko na may sumagot, ang kuya niya iyon at sinabing huwag ko nang guguluhin ang kanyang kapatid. Early April nang makakuha ako ng information tungkol sa pagkakaospital ni Alvin, at pagkakaalis nya sa trabaho.
Sinubukan kong tumakas pa-Maynila at puntahan ang ospital na sinabi sa akin ng aking informant. Nalaman kong nagtangka palang magpakamatay si Alvin, at nakita ko siya mula sa malayo na nagsisimula na siyang makarecover. Hindi nga lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makalapit at makapagpaliwanag dahil laging naroon ang kanyang mga kuya. Natatakot din akong masira pa ang development ng pagpapagaling niya kaya minabuti ko na lang na masdan siya mula sa malayo. Hindi ko rin naman kayang pangatawanan na iwan ang lahat.
Oo, siguro nga mahina ang loob kong ipaglaban ang isang tulad ni Alvin sa aking buhay. Pero, ginawa ko naman din ang lahat dahil ayoko siyang mapahamak. Alam kong sandali lang ang pinagsamahan namin, pero totoo na nahulog ako sa kanya at minahal ko siya. Hinahanap hanap ko na makayakap at kahalikan siyang muli. Ngunit kailangan kong pigilan ang sariling kaligayahan, upang manatili siyang ligtas kahit pa ang kapalit ay ang pagkamatay ko araw-araw sa piling ng babaeng hindi ko naman gusto.
Wala akong lakas na ipaglaban ka Alvin, pero poprotektahan kita sa paraang alam ko. Mahal kita, pero kailangan kitang pakawalan. Sana maayos na ang lagay mo, pasensya na sa mga bagay na nasira ko. Magpalakas ka. Kung hindi man ito ang tamang gawin sa ngayon, sana may bukas na pwede kong gawin muli ang lahat. Patawad.
No comments:
Post a Comment