By:Dream Catcher
Ako nga pala si Edward, 17, basketball varsity, 5'11, moreno, may mabilog na mata, toned abs, at may malaking...alam nyo na.... utak! Di naman ako bobo pasok pa naman parati sa top ten...hilig ko lang talagang magbasketball.
Fourth year student nadin ako sa wakas! at konting-konti nalang ga-graduate na ako! Ngayon ay unang araw nang klase at sabihin na nating medyo excited ako hanggang sa......
"Students, this is Francis at sya ang magiging bago nyong kaklase" pakilala ni Ma'am Jen sa transferee
Tila biglang nabalot nang kadiliman ang buong silid-aralan at tila bumigat ang hangin sa paligid. Di nakapagsalita ang lahat at nakatingin lang sa lalakeng ipinakilala ni Ma'am Jen. Matangkad sya, 5'11, maputi...napakaputi, halos maputla na, may tingin na halos sinusundo kana papuntang kabilang buhay, at isama mo pa ang napakaitim nyang buhok na nakatabon sa kanyang mga mata. Emo kid, goth, witch, ganong-ganon ang opinyon naming lahat ng una naming makilala si Francis.
Magda-dalawang linggo na pero wala paring may gustong makipagkilala sa kanya...halos di na kinakausap at pag-groupings lagi syang iniiwasan, kaya't lagi syang mag-isa. May kumalat na balita na may kakayahan syang kumulam, magtawag ng maligno, at kung ano-ano pang kakatakutan. Ayoko ko din namang maniwala kasi imposible talaga, pero ewan ko ba...may kilabot talaga syang hatid, lalo na pag tinitingnan ka! At dahil sa pag-aalala nang aming guro...isa lang ang nakita nyang solusyon....
"Okay! group project pero ako ang pipili nang makakapares nyo!" nakangiting balita ni Ma'am Jen...
Halos nagulat lahat, may iba pang nagdasal sa likod at nadinig ko ito nang kakaunti na higit namang nagpatawa sa akin....
"Oh Diyos ko! parusahan nyo napo ako sa mga kasalanan ko, wag nyo lang po akong ipag-pares kay Francis! Ayoko ko pa pong mamatay.." pagmamakaawa nung babae na nagdadasal sa likod ko
Mukhang kakatayin na sya at medyo naluluha pa, nakakatawang tingnan. Ako kampante naman ako kasi sa dinami-dami ba naman nang mga kaklase ko... IMPOSIBLE na magkakapares kami...
"Okay Francis...si Edward ang kapares mo" banggit ni Ma'am Jen
Isang malaking hinga nang ginhawa ang bumalot sa buong klase...tuwang-tuwa ang lahat dahil di nila nakapares si Francis...at ako naman....ako... PUTA!
"Okay uulitin ko! walang palitan nang partners okay?!" paalala pa ni Ma'am Jen
Halos kumawala ang kaluluwa ko sa aking katawan....parang binawian ako ng buhay. Huli na para magdasal dahil nandito na! Tapos na! Paalam mga mahal ko sa buhay! Adios! Pero ano nga bang magagawa ko diba? Matapos ang klase madaming nag 'CONDELENCE' sa akin, mga hinayupak! Nilakasan ko ang loob ko... tumayo ako, iniligpit ang gamit ko, binitbit ang bag ko,at lumapit ako kay Francis.
"uhmm...Francis..." sabay tapik ko sa malamig nyang balikat.... isang malamig na tingin lang ang iginanti nya sa akin.
Wala nang ibang taong naiwan sa classroom nun, sya at ako nalang, kaya't walang makakakita kung sakali mang mamamatay ako ngayon sa kamay ni Francis. GOOSEBUMPS at biglang lumamig ang palibot nang tinitigan nya ako...
"sorry pre" sabi ko....
Di sya sumagot at dali-dali syang nagligpit nang gamit nya at kinuha ang bag nya.... medyo madami syang libro kaya't yung iba binitbit nalang nya. Nakayuko sya at mabilis na naglakad palabas sa classroom. Sa pagka taranta di nya nakitang nakasara ang pinto at nauntog dito. Natumba sya at nahulog ang mga dala nyang libro.. Medyo nakalimutan ko yung mga kwento-kwento tungkol sa kanya at dali-dali akong sumaklolo sa kanya dahil sa pag-aalala.
"Oh okay ka lang" sabay haplos ko sa ulo nyang nauntog. Di sya nakagalaw at tila nagulat. "Masakit ba? okay kalang" at nung tumingin sya sa akin, nakita ko ang naluluha nyang mata. "Hoy...okay kalang, masakit ba? ba't ka umiiyak? gusto mo samahan kita sa clinic?" pag-aalala ko...
Di talaga sya sumagot. Tinulungan ko syang pulutin ang mga libro at tinulungan sya sa pagtayo. At dahil di nya talaga gustong magsalita, hinayaan ko nalang sya. Ni minsan talaga di ko 'to narinig magsalita. Di din sya pinapa-report ng mga guro. Ni isa sa amin walang nakadinig sa kanyang boses. Baka mabaho ang hininga.
"Eto pala yung report natin" inabot ko sa kanya yung papel... "andyan nadin yung cellphone number ko, at email add, contact me kung kelangan mo tulong ko, okay?" nakangiti kong sinabi sa kanya. Medyo naluluha padin yung mata nya... "oh sya sige, bukas nalang ulit" pagpapa-alam ko sa kanya.
Pagkabukas-na-pagkabukas sinalubong ako ni Francis sa hallway. Madami akong kasama nung mga oras nayun, mga team mates ko, pero nung nakita nilang papalapit si Francis at nakatitig sa amin...bigla silang nagsitakbuhan, at ang iba nagsigawan pa. Halos walang naiwan sa hallway!
"Oh, Good Morning Francis" bati ko...na medyo kinakabahan din. Bigla nyang inabot ang kumpol ng papel. "Ano to?" pag-usisa ko...
Binuksan ko ang mga binigay nya at binasa ito. Gulat na gulat ako... kasi sa totoo lang.. next week pa ang submission nang group project pero tinapos nya lahat sa isang gabi lang. Napakaganda ng pagkakaayos nito, at walang mali-mali sa grammar! Puta! mukhang ako ang sinuwerte dito kay Francis!
"WOAH!ang galing mo!" sabay tapik ko sa balikat nya..at mukhang naluluha na naman sya." Hoy, sorry...masakit ba yung pagkakapalo ko?" at hinimas ko yung parte nang balikat nya na pinalo ko... "Pero di nga, ang galing neto, napakaganda" habang binabasa ko yung ginawa nya.
Nahiya naman ako sa kanya, dahil ayoko ko namang maging pabigat at umasa nalang dahil tinapos na nya lahat. Kaya nung gabing yun... ibinuhos ko nadin lahat..para di nakakahiya! Nung sumunod na araw iniabot ko ito sa kanya..
"Oh eto.. I also did my part" nakangiti kong sinabi... At sa unang pagkakataon, nakita ko syang ngumiti. "WOAH! nangyari ba yon?" pagtatanong ko sa kanya "Ngumiti ka diba?!" gulat kong tanong. "Hoy!" sabay pindot ko sa balikat nya... pero di sya ngumiti at bumalik sa nakakatakot nyang aura.
Nung hapon na iyon, ipinasa na namin ang project kay Ma'am Jen, research tungkol sa 'Native tribes of Mindanao', one week before the deadline kami nagpasa at kami ang nauna sa buong klase. Agad itong binasa ni Ma'am..at sa sumunod na araw...
"Okay class, may nauna nang nag submit ng research kahapon, at gusto kong sabihin na napaka ganda nang research project nila!" nag 'wow' ang buong klase kasi di nila alam na nakapag-submit na kami. "It's very interesting and it can easily grab your attention, the details, the facts, the trivias. Everything was on point! Congratulations Edward and Francis... 100 points for the both of you" nakangiti sabi ni Ma'am Jen.
Nagulat ako! di ko inaasahang aabot nang 100 points yung project namin! Kasi kilala si Ma'am Jen bilang kuripot na guro! Nakanga-nga lahat at lahat sila nakatutok sa akin at minsanay lumilingon sa direksyon ni Francis. Aaminin ko, di ito mangyayari kung di magaling si Francis...
"Oh pare!" bati nang mga kaklase ko matapos ang klase "Sigurado kinulam niyo si Ma'am Jen noh? imposibleng 100 talaga score nyo!" pang-aasar nila
"Nako pare, kayo lang walang tiwala eh, edi basahin nyo yung project namin kung gusto niyo" pagmamayabang ko...
"Wag na pre! baka masumpa pa kami" natatawa niyang sinabi
"Di nga totoo yang kulam-kulam nayan, tsaka alam nyo ba kung ano ang totoo?" pagtatanong ko sa kanila
"Ano?!" sabay nilang pag-usisa
"Napakatalino nyang si Francis" sabay turo ko sa direksyon ni Francis
"Hoy! wag mung ituro!" sabay hatak nila sa kamay ko.. "baka malignuhin ka!"
"Baliw!" imbes na matakot eh lumapit pa ako kay Francis
"Oh pre! apir naman dyan" sabay labas ko sa aking kamay pero di si Francis nakipag-apir. Ako pa ang kumuha sa kamay niya para ilapat sa kamay ko. "Oh ayan! ganyan dapat! apir!" sabay ngiti ko sa kanya.
Nakatingin ang lahat sa direksyon namin, nagulat sila sa ginawa ko, at higit sa kanino man, mas gulat si Francis sa aking ginawa.
Makalipas ang ilang araw, nawalan na ako ng dahilan upang makipag-usap o lumapit kay Francis dahil tapos na ang group project. Paminsan pagnasasalubong ko sya nginingitian ko nalang at minsan kumakaway ako sa kanya. Pero di padin sya nagsasalita, di padin namin naririnig ni minsan ang boses nya.
"Pre napapansin ko lang ha, napapadalas yata ang pagtutok sayo ni Francis" pag-aalalang binanggit nang isa kung kaibigan
"Nako wala yan, meron din naman kasi kaming pinagsamahan" paninigurado ko sa kanya
"Eh iba lang kasi pakiramdam ko, tingnan mo sya ngayon" at ginawa ko nga
Nakatitig si Francis sa direksyon namin, at nung kinawayan ko sya ay dali dali syang tumingin sa ibang direksyon.
"Wala lang pre, gusto ko lang mag ingat ka! Lagi kang magdadasal, okay?" sabiy tapik ng kaibigan ko sa balikat ko
"Salamat dahil concerned ka, pero wag kang mag-alala... okay lang ako! hahaha" sagot ko
"Pero, baka type ka nyang si Francis... awoooo" panunukso nya sa akin
"Gago! baka dyan ka ma-karma sa pinagsasabi mo, ulol!" at nagtawanan kami
"Pero baka may crush nga sayo, dapat mas mag-ingat ka! awwooo~~" panunukso na naman nya
Kahit madami akong barkada, di talaga ako sanay na nakikisabay sa mga barkada ko kaya't lagi akong nagpapaiwan tuwing uwian, at sa dumadaan na mga araw pati si Francis nagpapahuli nadin sa pag-uwi. Minsan parang gusto nyang lumapit sa akin, paminsan akala ko inaabot nya yung kamay nya sa balikat ko..... pero dumidiretso lang sya sa paglalakad at lumilingon-lingon sa akin.
Sabado nun nung napagdesisyunan kong maglibot-libot, at sa di mo naman talaga inaakalang pagkakataon...... nakita ko si Francis habang nagpapakain ng mga kalapati sa park. Lumapit ako sa kanya ng hindi nya nalalaman...
"Ang cute mo din eh no?" bulong ko sa bandang tenga nya
Naging mabilis ang paglingon nya dahil sa gulat kaya't natumba sya. Nung natumba sya eh natanggal yung hoodie na suot nya at pumaitaas yung buhok nya kaya sa unang pagkakataon nasilayan ko nang buo ang kanyang mukha. Ang puti nga nya, ang pupula nang labi nya, makapal ngunit maayos na kilay, at light brown kung titingnan ang kanyang mga mata. Sa kabuuan, gwapo sya.
"Oh ayan kana naman, lagi ka nalang nahuhulog at natutumba" sabay upo ko sa tabi nya. "Pero alam mo ang cute mo din tingnan" sabay tawa ko. Nakayuko padin sya at lumilingon-lingon sa akin.
Dahil tumilapon yung plastic bag na dala niya na puno ng bread crumbs...pinagkaguluhan kami ng mga ibon. Na curios talaga ako sa mukha nya kaya't sa walang pagdadalwang isip ay humarap ako sa kanya... inabot ang mukha nya at hinawi ang mahaba nyang buhok na tumatakip sa mukha nya. Nakatitig lang sya sa aking mga mata at dina nakagalaw. Nung mahaplos ko ang kutis nya.... nalaman kong napakinis nito, walang pimples, walang sugat, at walang marka.
"Oh tingnan mo, ang gwapo mo nga, kulang ka lang sa gupit! hahahaha" natutuwa kung suhestyon sa kanya
Dali-dali nyang tinabunan ang kanyang mukha gamit ang kanyang mga kamay...
"Hoy! wag ka nang mahiya dyan! Ano..gusto mong samahan kita magpagupit, magpapagupit nalang din ako medyo mataas nadin kasi buhok ko" sabay tapik ko sa balikat nya"Hoy payag ka?" tango lang ang sinagot nya, pero medyo nakangiti sya.
Pumunta kami sa barbershop na lagi kung pinupuntahan, pinangako ko kay Francis na ako magbabayad para sa gupit nya dahil ako ang nagpumilit. Pumayag sya ngunit tango lang ang isinagot nya. Ang pinili kung gupit ay yung makikita ang buo nyang mukha. Higit kong pinagsisihan ang desisyong ito!
Matapos magpagupit halos pinagtitinginan na sya nang lahat, lalo na ng mga kababaihan, kahit yung mga kaklase kong dating takot... ngayoy ngumingiti na kay Francis. Pero si Francis di padin nagbabago... tahimik padin, kaso ngayon... GWAPO NA! Natutuwa ako habang tumitingin sa kanya, at sa pagkakataong nahuhuli ko syang sumusulyap sa akin.
Nung malapit nang magsimula ang klase halos lahat ng babae, at mga binabae ay nakapalibot na kay Francis. Sinusubukang makipag-usap sa kanya, pero tiwala naman akong di magsasalita yun no kaya nakangiting aso lang ako. Medyo na sosobrahan na sila sa pagpilit na makipag-usap sa kanya kaya to the rescue na ako.
"Hoy, Francis halika dito" sigaw ko at inihanda ang bakanteng upuan na nasa tabi ko.
Tumayo agad si Francis at umupo sa tabi ko. Nagtinginan lahat sa direksyon namin. Inakbayan ko agad si Francis.
"WOW! grabe tong si Edward...madamot!" sigaw nung mga babae
"Eh anong paki nyo...akin kaya to!" sabay ngiti ko kay Francis na nagpapula sa kanya
"HA?!!! Anong namamagitan sa inyo?! Kayo na ba?" sigaw nung isang bakla..at nagtawanan sila
"Kami na, diba Francis?" pangungulit ko sa kanya...
Napatunganga lahat dahil di nila inasahan ang sinabi ko
"Biro lang hoy! bestfriend ko kaya to!" sabay pisil ko sa balikat nya
"aaahhhh" sagot nilang lahat "Akala namin.... pero mabuti nga ...di kaya pwedeng gwapo magkatuluyan no! andaya saming mga girls at bakla...lugi kami!" biro nung isa naming kaklase
Hapon na nun at nagpahuli padin ako sa paglabas sa classroom kasi alam kong magpapahuli din si Francis. Nung akmang lalabas na sya ay hinarang ko sya
"Uuwi ka na?" tanong ko...at tango na naman ang sagot nya "Sige, sabay ako" mukhang nataranta sya at inalog-alog ang ulo nya na nagpapahiwatig na ayaw nyang sabayan ko sya "Tara na!" sabay akbay ko sa kanya.
Naka-akbay parin ako sa kanya habang naglalakad. Ang bango pala nang mokong nato, ngayon ko lang nalaman. Di kami nag-uusap, walang ibang tunog kundi mga yapak lang namin, pero di talaga awkward kasama si Francis, chill lang. Nalaman kong sa iisang village lang kami nakatira at ilang blocks lang ang pagitan namin, walking distance lang pala! Hinatid ko sya sa labas ng gate nila at nakita kong pinagbuksan sya ng kanyang ina. Tinapik ko sya sa balikat upang ipaalam na aalis ako, at nagpa-alam nadin ako sa kanyang Ina. Ewan ko ba pero tuwang-tuwa yata yung Mama nya kasi abot tenga yung ngiti nung nakita nya kami ni Francis kanina, baka na miss nya lang anak nya.
Sumunod na araw sinundo ko si Francis sa bahay nila, pero sabi ng Mama niya na kanina pa sya umalis. Maaga daw talagang pumapasok si Francis sa paaralan, yun yung nakasanayan nya. Kaya't nung sumunod na araw, maaga akong pumunta sa kanila, pero di ko inabutan kaya nagdali-dali akong pumunta sa paaralan. At dun nga, nakita ko sya. Nagwawalis sa classroom at nagpupulot ng mga kalat, nakatayo lang ako sa may pinto at nakangiti habang pinapanood sya, di nya ako napansin. Nakita ko ang paglapit nya sa upuan ko at nung inilabas nya ang panyo nya sa bulsa upang punusan yung inuupuan ko. Napaisip ako, sa dami ng basahan sa cabinet, eh yung panyo nya yung ginamit nya. Nung tinago na nya yung panyo nya sa kanyang bulsa ay dun na ako nagpakita sa kanya...
"Sabi ko na nga ba!" at nagulat sya... gulat na gulat..parang natataranta na naman "Dito lang kita makikita" at nakita ko ang ginhawa sa kanyang mukha.
Kanina kasi pakiramdam nya ay nahuli ko sya... pero ayoko ko namang ma-awkward sya kaya't di ko nalang sinabi yung nakita ko kanina.
"Alam mo ikaw Francis, ang aga-aga mo! Next time... hintayin mo'ko sa inyo okay?! sabay na tayong pumasok sa paaralan, tsaka aagahan ko promise! para di tayo ma late, okay ba?" at tumango sya sa pagsang-ayon.
Sa ilang araw kong pagsama kay Francis, pakiramdam ko ay mas nakilala ko sya. Di padin sya nagsasalita, pero ramdam kong mabait talaga sya. Paminsan nahuhuli ko syang naghahabol ng mga pusa o aso, tapos hahaplos-haplusin nya, at bibitbitin at ibi-baby. Lagi syang humihinto sa paglakad sa tuwing nahuhuli ako o napapagod. Minsan nga sya yung tumatali sa sintas kong natatanggal. Pag madami akong dalang gamit sya yung nagbibitbit. Pag kumakain kami sa labas, sya yung nagpi-presentang magbayad. At pag alam nyang di ako nakapag-almusal nilalagyan nya ng kung ano-anong pagkain sa bag ko, yung mga pang-miryenda nya. Uma-attend din sya sa mga laro ko, o kapag may liga bumibisita sya.
Ewan ko ba, pero habang tumtagal parang ang cute na ni Francis sa tingin ko.... eh puta kasi, ang bait-bait at napaka maalaga. Ngayon hirap na akong matulog sa kakaisip. Pakiramdam ko ay bumabaliktad na ako...SHIT! Ang mas nakakahiya pa.....
PE day nun at nasa locker room ako..napansin kong wala nang ibang tao kaya't naghubad na ako ng pang-itaas, pero biglang sumulpot tung si Francis sa madilim na parte ng locker room.
"Ay puta!!" napasigaw ako... "Oh Francis ikaw pala. Anong ginagawa mo dyan? para kang nag sa-shadow travel, kahit saan-saan ka nalang sumusulpot" at napatawa ako..at napangiti din sya.
Di ko alam kong bakit nandun sya. Lumapit ako sa kanya..
"Oh ano, may problema ba?" mahinahong pag-usisa ko sa kanya. Wala daw, base sa pagkaway-kaway ng kanyang kamay.
Nakatitig sya sa bandang dibdib ko at nakita kong napalunok sya. Puta! mukhang tinamaan ako dahil sa reaksyon nya.
"Gusto mong hawakan?" tanong ko sa kanya. Itinaas nya ang kanyang tingin pero di sya sumagot. "Pwede mong hawakan kung gusto mo" sabi ko. Itinaas nya ang kanyang mapuputing kamay hanggang sa bandang dibdib ko, pero di nya matuloy-tuloy, di nya dinidikit yung kamay nya sa balat ka.
Hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay at ipinatong ko sa aking dibdib. Ako ang gumabay sa kanyang kamay. Una dinikit ko ito sa aking kanang dibdib at ipinaramdam sa kanya ang naninigas kong utong, sumunod naman sa kaliwa, dahan dahan sa aking tyan, sa pusod.... at nung nasa bandang ibabaw nung shorts ko ay hinatak na nya ang kanyang kamay. Pinagpapawisan sya, at naramdaman ko ang pag-init ng kamay nya, at ang malalim nyang paghinga. Nahiya sya sa nangyari at dahil dun tumakbo sya papalabas ng locker room at iniwan akong mag-isa. Ewan ko lang kung napansin nya, pero tinigisan talaga ako kanina.
Sumunod na umaga, susunduin ko sana sya, pero sabi ng Mama nya na ayaw nya raw pumasok. Nakita ko ang pagsilip nya sa bintana, kinawayan ko sya pero sinara nya ang mga kurtina. At di nga sya pumasok, yun ang unang pagkakataong umab-sent sya.
Nung sumunod na araw na naman ay di na naman raw sya papasok sabi nang kanyang Ina, kaya ako nagpumilit na pumasok sa bahay nila at pinayagan naman ako ng kanyang Ina. Kakausapin ko lang naman sya, baka ako kasi yung may kasalanan.
"Francis, alam kong nasa loob ka, pagbuksan mo naman ako oh" sabay katok ko sa pinto ng kwarto nya."Francis, please~~" pagmamakaawa ko. At dahan-dahang bumukas ang pinto at nakita ko syang nakabihis na lahat-lahat. "Akala ko di ka papasok, bat bihis na bihis ka na?" pag-usisa ko.
"Hay nako Edward" sagot ni Tita na nakatayo sa bandang likod ko. "Ewan ko din dyan, nagbibihis, nag-aalmusal, handang-handa na, pero di talaga lumalabas at sa huling segundo nang mag de-desisyon na di papasok sa eskwela" paliwananag ni Tita.
"Ahh ganon po ba?" sagot ko "Dahil handa kadin naman, tara na, sabay na tayo"
Pumasok ako sa kwarto nya at alam nyo ba.... Kulay sky blue ang kwarto nya at punong-puno ng superhero posters...meron ding sketches na napakaganda? Medyo natunga-nga pa ako...
"WOAH! ang ganda ng kwarto mo pre! ang galing mo ding mag-drawing" di sya sumagot, yumuko sya upang itago ang namula nyang mukha. "Di ko alam na ganito ka kagaling" at hinaplos ko ang buhok nya. Nakita ko nalang na pinic-turan kami ng mama nya dahil may flash tong kasabay.
"Di ko inex-pect na mangyayari ang bagay na ito" naluluhang sabi nang kanyang Ina habang kumukuha ng mga litrato sa aming dalawa. "May bisita na sa kwarto ang anak ko, at hinahaplos pa ang buhok nito" at tuluyan nang lumuha si Tita.
Mukhang nahiya si Francis sa naganap kayat dali-dali nyang hinatak ang kamay ko at lumabas kami sa kwarto, at sa bahay. Kumaway pa si Tita at sumigaw nang..
"Ingat kayo! bye Francis, bye Edward" at nagtatalon-talon pa si Tita.
Dahil sa pagmamadali at sa hiya ni Francis, nakalimutan nyang hawak-hawak parin nya ang kamay ko. Sumunod lang din naman ako...pero ramdam ko ang mainit nyang mga palad. Napahinto lang kami nung maabot namin yung gate nung village, dun lang din nya na realize na hawak-hawak nya ang kamay ko. Nataranta na naman sya at tinanggal ang mahigpit nyang pagkakahawak. Agad nyang tinago yung kamay nya sa kanyang bulsa. Ako tawa lang ng tawa...
"Alam mo, ang sweet natin kanina" pangungulit ko sa kanya... "Holding hands" sabay tawa ko na naman na nagpapula na naman sa kanya. Nakita ko ang pag-atras nya, akmang babalik sa village dahil napikon siguro sa biro ko, mabuti nalang nahawakan ko sya... "Hoy biro lang, tara na, baka ma late tayo" sabay akbay ko sa kanya para di na makatakas.
Dahil sa mga kaganapan kanina, di ako nakapag concentrate hanggang matapos ang klase. Promise, bumabaliktad na ako..mukhang nababakla na tong puso ko. Matapos ang klase ay nakita kong nakatayo si Francis sa tabi ko, kasi nasanay nadin syang sabayan ako..pero biglang sumulpot yung mga ka team mates ko at ipinaalam sa akin na may practice game kami ngayon. Dali-dali din naman silang umalis kayat naiwan kaming dalawa ni Francis sa classroom. Lungkot ang nakita ko sa mukha nya, kaya't medyo napaisip ako sa kung ano ang dapat kung gawin....
"Oh, wag ka namang malungkot oh" sabi ko sabay hawak sa baba nya."Ngayong araw lang naman kitang di masasabayan" pero kita kong medyo naluluha sya "Ahhh ganito nalang" nagiisip ako kung paano babawi. "Mamayang 8 pm matatapos ang practice namin. Gusto kong umuwi ka muna, magbihis, and let's have dinner by 8:30, sagot ko. Okay lang ba?" at ngiti lang ang sagot nya at dali-dali syang naglakad. Bago paman sya makalabas sa classroom.
"Francis teka!" sigaw ko... "uhhmmm the dinner... uhmm ... it's a date, okay?" nahihiya kong sinabi.
Natulala sya at dali-dali syang tumakbo palabas. Ewan ko ba! Puta! Shit! Anak ng! ba't ko ba yun sinabi?!!! EWAN!!!! Matapos ng practice eh anlakas na ng kabog nang dibdib ko. Natatakot ako, kinakabahan, at higit sa lahat..excited ako! Dahil sa nararamdaman ko tumakbo ako galing sa gate ng village hanggang sa bahay namin at dali-daling nagligo, nagbihis, at nagpabango. Ewan kung okay natong suot ko? okay na ba to? bagay ba sa akin to? di ba to sobra? ang pangit ko bang tingnan? Ano?! Pinili kong mag suot ng plain white shirt, blue jeans, black and white sneakers, at isang black denim jacket.
At dahil ako ang nag-imbita, syempre ako ang magsusundo sa kanya. Pinindot ko ang dorbell ng bahay nila at nakita ko si Francis. Ewan ko ba! pero sa tuwing nakikita ko sya..lagi akong nagugulat. Kung nakita nyo lang sya... hahahahahaha... pormal kung pormal, parang ikakasal, pero ang gwapo-gwapo. Suit and Tie po ang suot nya....black suit, white polo sa loob, at isang grey tie. SHIT! sa'n ba kami kakain... fine dining? Contrast na contrast ang suot namin. Alam kong nagulat din sya nung nakita ako kasi nanlaki yung mata nya. Aatras na sana sya at pakiramdam ko ay plano nyang magbihis pero pinigilan ko sya. Alam nyo kung sino ang mas higit na natuwa...yung Mama nya na di nagsawang kumuha ng litrato.
"Tita, akin na po tong anak nyo" nakangiti kong sinabi
"Sige ijo, edward, iyong-iyo na yan, sige na mag-date na kayo" nakangiting sagot ni tita
Natulala ako sa kanyang sinabi at alam kong si Francis din kasi pareho kaming nanigas dahil sa sinabing 'date' ni Tita.
"Oh diba, mag di-date naman talaga kayo? sinabi sakin kanina ni Francis..grabe pa nga yung kaba nya" pangungulit ni Tita.
"Sinabi mo?" bulong ko kay Francis..at tango lang ang iginanti nya.
Kompirmado, nakikipag-usap si Francis sa Mama, so ibig sabihin nun...may kwenta tung bibig nya. Pero bat ni minsan di to nagsalita? Hinatak ko na papalayo si Francis para di na sya makapagbihis pa. Ang gwapo nya kaya sa suot nya. Dinala ko sya sa paborito kong resto, kasi semi formal ito kaya't di maa-out of place si Francis at di sya mahiya. Kain lang, ngitian, toasts, ganun lang....walang usap-usap pero komportable, alam nyo yun? Eto pa! alam nyo kung paano mag order si Francis kahit di nagsasalita? Tinuturo nya lang yung io-order nya, kahit kapag nasa Mcdo o Jollibee kami! Buti nalang di nalilito yung mga kahera.
Matapos mag dinner ay napag desisyunan naming maglakad-lakad hanggang umabot kami sa isang park. Umupo kami sa may upuang nakaharap sa dagat, nilalasap ang hangin.
"Francis" at lumingon sya sa akin "Gusto kita" at nanlaki ang mata nya "I really do" nakangiti kong sambit "siguro ayaw mong maniwala, pero ilang buwan ko tong pinag-isipan, ilang gabi ko tong di tinulugan" pero wala padin syang sagot "Siguro kaibigan lang ang turing mo sa akin, pero lampas pa sa pagkakaibigan ang tingin ko sayo" medyo naluluha kung sinabi "Pero ewan... pasensya na ha, baka maging awkward sayo, maiintindihan ko kung iiwas ka, kung lalayo ka. Pero kung pepwede lang sana, di magbago ang pakikitungo mo sa akin" pangamba ko.
Di padin sya sumasagot kahit tapik man lang, sipa, suntok, takbo... nawalan na ako ng gana at marahil nadin sa kahihiyan sa pag-amin ko sa kanya. Tumayo ako...
"Ngayon, sinabi ko nang may gusto ako sayo, kahit mahirap, kahit nakakahiya, kahit na pwede kang mawala. Francis kahit anong sagot lang tatanggapin ko, kahit magalit ka pa...kahit ano lang..please" di padin sya sumasagot at nakatingin lang sa akin na medyo naluluha na ang mata. Di ko na kinaya at napagdesisyunang aalis nalang. Tumalikod na ako sa kanya at nung makailang hakbang na ako papalayo sa kanya...
"g..g..Gusto din kita" mahinang boses ang narinig ko pero di ako lumingon "Edward, gusto kita. GUSTONG-GUSTO!" at sigaw na ang aking narinig. Paglingon ko nakita kong umiiyak si Francis... kaya't tumakbo ako papalapit sa kanya upang punasan ang luha nya.
"Totoo ba yung narinig ko? Ikaw ba yung nagsalita?" naluluha kong tanong.
Sa unang pagkakataon narinig ko ang boses nya, malalim, malamig, napakaganda, puno ng pagmamahal.
"Francis... I love you, wala na akong pake sa iba... basta! gusto kita" nakangiti kung sinabi sa kanya.
"Matagal na kitang gusto Edward" pag-amin nya..
"talaga? mabuti kung ganon" natutuwa kong sinabi
"Pwede pa kiss?" nahihiya nyang sinabi
"Alam mo, kaya mo naman palang magsalita, tapos yan lang sasabihin mo? pa kiss? Sigurado ka bang kiss lang gusto mo?" tumingin ako sa mga mata nya pero di padin sya makasagot... "ayan ka na naman di nagsasalita" nakangiti kong sinabi...
"ahh..ah..uhmm.." pautal-utal nyang sinabi
"no need to explain" at hinatak ko sya upang magkalapit ang mga katawan namin at hinalikan sya nang madiin at napaka-napaka-napakatagal.
May mga taong dumadaan pero pake nila! pake nyo!
"How 'bout sex? I've been doing my research lately" panunukso ko kay Francis na nagpapula na naman sa kanya
"Wag naman sana tayong mag main course agad" pabiro nyang sinabi na nagpatawa ng lubos sa akin
"Ngayon palabiro ka na din pala!" sabay halik ko na naman sa kanya "I love you"
Marahil totoo nga na mangkukulam sya, pero mukhang sya na mismo ang gayuma, dahil kahit ano man ang gawin ko patuloy padin akong nahuhulog at nahuhulog sa kanya.
*Alam nyo bang mahilig pala magsalita tong si Francis pero sa mga taong malapit lang sa kanya. Dahil kakalipat lang nila kaya't wala syang mga kaibigan, si Tita lang ang lagi nyang kausap. Kilala na ako ni Tita bago pa ako pumunta sa kanila, dahil naiki-kwento daw ako ni Francis at umamin itong si Francis na may kaklase syang nagugustuhan. Ni minsan daw walang nagustuhan etong si Francis kaya't kahit lalake pa daw ako eh di na nagalit si Tita at sinuportahan na si Francis. Naging masayahin daw kasi eto nung nakilala nya ako, kaya't masaya nadin si Tita.
*Di namin sinabi sa iba na magka relasyon kami, kasi ayaw da nyang malaman ng mga kaklase namin. Kasi baka raw tuksuhin kami. Sabi ko sa kanya na wala naman akong pakialam sa sasabihin nila, kaya okay lang sa akin. Pero nagpumilit sya kasi mahiyain talaga sya, ayaw nyang mapunta sa kanya ang atensyon. Ang importante daw eh alam ng mga magulang namin. Alam nga din pala ng magulang ko, at madalas nilang imbitahan si Francis at si Tita sa bahay para kumain. Naging malapit nadin sila.
*Pero nung graduation eh nalaman na nilang lahat na kami ni Francis kasi pinagsigawan ko na. hahahahahaha. Halos naka nga-nga lahat, lalong-lalo na yung mga team mates at barkada ko!
No comments:
Post a Comment