By: Ram
Isa ito sa mga karanasang di ko malilimutan. Hindi ito kathang isip. Ako nga pala si Ram, 21 years old 5'7 ang height, medium built ang katawan at may fair complexion. 19 years old nga pala ng mangyari saken ang karanasang di ko inaasahan. Nagwo-work nga pala ako sa isang fast food chain that time at isa akong dining crew.
Sabado noon at rest day ko kaya sumama ako sa mga tita at pinsan ko na papuntang Cavite kasi kadadating pa lang nung isa kong pinsan galing America para magbakasyon dito sa Pilipinas. Pero kinabukasan nun eh may work na ko kaya kailangan ko din umuwi agad ng Batangas. Pero hindi pumayag ang pinsan ko kaya napilitan akong umabsent non pero nagtext ako sa manager ko na hindi ako makakaduty kaya absent ako pero nung umuwi na ako at nagreport sa manager ko eh isang bad news ang nalaman ko. Suspended daw ako for 1 week. Dapat daw ay nagpaalam ako ng mas maaga para maayos ang schedule pero dahil kasalanan ko. Tinanggap ko na lang ang desisyon ng manager ko at nagpaumanhin sa kanya pero akala ko naman ay bad news lang ang matatanggap kong balita non, yun pala ay may good news na nag aantay saken sa kabila ng pagkakasuspend saken. hahah!
7pm ng pumunta ako ng store para magreport sa manager namin at after that eh nakipag kwentuhan pa ako sa mga co workers ko at inexplain ko sa kanila kung bakit ako absent yesterday kaya nasuspend ako. Di ko namalayan na 10pm na pala kaya umuwi na ako. Pero bago umuwi eh dumaan muna ako sa isang convenient store at kumain. After nun, nag abang na ako ng jeep para umuwi. Pero may napansin akong isang lalaki na nakaupo sa may labas sa tabi ng convenience store pero inalis ko kaagad ang tingin ko dahil may dumating ng jeep at sumakay na ko. Nung nakasakay na ko, matagal na nakatigil ang jeep at nag hihintay pa ng ibang pasahero.























