By: Paul Hardware
Kinabukasan, pagkatapos ng pagpaparaos namin ng init ni kuya Tor sa may sementadong pader na nasundan pa noon ding gabing iyon sa aking silid ay sya namang pagdating ni Daddy galing ng Pagadian. Hindi ko alam kung masusundan pa uli ang pagniniig namin ni kuya at hindi ko maalis sa isipan ko na meron pa raw akong hindi natititkman na nais nyang ipalasap pa sa akin. Tanghali na nang dumating si Daddy at may malungkot na balita syang dala. Namatay na daw si Lola na nanay ni Mommy sa Pagadian. Nagpaiwan muna si mommy habang inaantay ang iba pa nyang mga kapatid galing sa labas ng bansa. Ang napagkasunduan pa ay ililibing daw si lola sa Dumaguete kasama ang mga kapatid nya. Kumplikado ang palipat-lipat ng lugar. Mula Pagadian ay ibabyahe si lola sa Dapitan at doon isasakay sa barko papuntang Dumaguete. Ang nais pa ni Daddy ay luluwas ako papuntang Pagadian at samahan si Mommy sa byahe papuntang Dumaguete. Maiiwan daw muna sya para may mamalakad sa hardware.“Bukas ng madaling araw ka umalis para maaga kang makarating ng Pagadian.“ Ang sabi ni Daddy.
Halos walong oras din ang byahe mula sa lungsod namin papunta ng Pagadian. Hindi pa kasi sementado ang daan. Pagdating ng Pagadian sa tanghali ay sasalubungin daw kami nila mommy at tsaka kami sabay na aalis papuntang Dapitan. Sa isip-isip ko pa lang nakakapagod 'to at ang haba ng byahe.
“Isama mo narin pala si Tor para may tagabitbit ng mga bagahe nyo. Mahirap na at wala akong tiwala sa mga porter sa pier!!“ Ang dagdag pa ni Daddy.
Bigla akong na engganyong magbayhe ng marinig kong sasama si kuya Tor!“Yes!“ sabi ko sa sarili ko. Pero mahirap atang makahanap ng pagkakataon lalo pa't kasama si mommy. Ah basta si kuya Tor na ang bahala! Hehehe Ipinagpaalam agad ni Daddy si kuya Tor kay Manang Luz. Pumayag naman si Manang at ipinaabot rin kay mommy ang kanyang pakikiramay. Nag empake na ako agad ng mga gamit ko.





















