By: Eric
Isang araw nanaman ng pag pasok sa school. So far, kahit papaano, nakakapag adjust na ako sa environment ng school. Pagdating naman sa studies ko, confident naman ako na magagawa ko naman ng maayos lahat ng assignments and projects ng mga professors. Ngayon pa na alam ko na may nakakasama na ako sa mga klase ko. Gumaan narin naman ang pakiramdam ko kay Nick. Mas lalo ko siyang nakilala noong tumambay kame sa mall kahapon. Talagang na misunderstand ko lang siya at mali lang talaga ang impression ko sa kanya noong una kameng nagkita. Hindi ko alam pero excited na ulit akong pumasok ngayon. Pagbangon ko ay dali dali akong pumunta sa banyo para maligo. Pagkatapos ay naupo muna ako saglit sa may sala namin ng mapatingin ako sa kalendaryo namin. Bwiset! Thursday pala ngayon. Hapon pa pala ang klase ko. Nagiisang subject, Chem. Nang marealize ko na nagmamadali ako sa wala, ay bigla na lang akong napaisip. Makikita ko nanaman pala si James. Ang Epic na taong nakilala ko simula nung first day ng class namin. Parang nawalan ako ng ganang pumasok tuloy mamayang hapon. Makikita ko nanaman siya tapos awkward nanaman yung situation. Sa kalagitnaan ng pagiisip ko ay biglang may pumalakpak sa harapan ko ng malakas. Sa sobrang gulat ko ay napasigaw ako at napatayo. Ang kapatid ko pala na si Marco. Si Marco ang nagiisa kong kapatid. Grade 4 palang siya at bibong bibo. Kung anong kinatahimik ko pag nasa school ako, ay siya namang kulit nitong kapatid ko. Ang biro ko nga lagi sa kanya ay pinag lihi siguro siya ng nanay namin sa kiti kiti. Siya yung tipo ng batang hindi pumipirme sa isang lugar. Gusto niya laging siyang kumikilos. Pero kahit gano kakulit yun, close kame. Yung tipong pag may nangaaway sa kanya, sakin lagi siya nagsusumbong. Ang nakakatuwa dun, instead na pupuntahan ko yung nakaaway niya para awayin din, ako yung kapatid na isspoil na lang siya. Sasabihin ko na lang sa kanya na hayaan mo na lang sila tapos ililibre ko na lang siya para tumahan. Hindi naman kasi ako bayolenteng tao na away lagi ang gusto. Hanggat kaya kong umaiwas na gulo ay umiiwas na lang ako. Habang tinitignan ko siya, ay tawa siya ng tawa sa reaksyon ko sa pangugulat niya saakin. “Teka lang? Bakit nandito ka sa bahay? Hindi ka pumasok no? Susumbong kita kay nanay!”. Nung pagkasabi na pagkasabi ko sa kanya nun tumawa lang ulit siya. Hindi ko alam kung nababaliw naba itong kapatid ko. “Kuya diba sabi ko sayo kagabi na may activity sa school ngayon ang mga teachers namin kaya wala kameng pasok? Halatang hindi ka nakikinig nung sinabi ko sainyo nila nanay nun.”.
















