By: Loop Kenon
Lahat yata sa atin naranasan ng makipagtitigan sa jeep na sinasakyang. Minsan doon nagsisimula ang bagong pagkakaibigan pero madalas dahil sa tawag ng laman nauuwi lang sa one night stand.
Si Vincent ang tunay na larawan ng isang "discreet bisexual". Hindi mo talaga mahahalata ang taong ito, lalaking lalaki ang kilos, pagsasalita at maging pananamit nito. Pero gaya ng ibang bi, hindi din niyang maiwasang tumingin sa mga lalaking nakikita.
Sa taas na 5'11 at mala model na katawan sino ang hindi mapapatingin sa taong ito. Kahit hindi ganun kagwapo dalang dala nito ang sarili. Sabi nga nila " Daig ng Mabango ang Gwapo". Ganyan si Vincent malayo palang amoy na amoy mo ang mamahaling pabango nito.
"Grabe.....antok na antok na talaga ako....... "
Ito ang paulit ulit na reklamo ni Vincent tuwing pauwi galing trabaho. Hindi na nasanay sa night shift na schedule niya. Halos 1 taon ng empleyado sa isang BPO company sa Taguig.
Hindi naman kalayuan ang bahay ni Vincent sa kanyang pinapasukan. Isang sakay lang jeep mula Market Market ay nasa bahay na ito. Mag isa lang ito sa kanyang inuupahang studio type apartment kaya madalas malungkot ang taong ito.
Vincent POV
........"tagal naman mapuno ng jeep na ito, parang pakiramdam ko pumipikit na ng kusa ang mga mata ko"..... bulong ko sa sarili.
"Manong, bayaran ko nalang iyong dalawang kulang" sabay abot ng bayad.
Kailangan ko ng gawin iyon at baka makatulog na ako sa kinauupuan ko. At minsan nakakainis ang mga driver, hindi naman terminal pero pilit pinupuno ng pasahero ang jeep na minamaneho.
Napansin kong pinagtinginan ako ng ibang pasahero sa ginawa ko. Hindi ko alam kung natutuwa sila o nayayabangan. Pero isa lang talaga ang gusto ko ng mga oras na iyon ang makauwi na agad at mangyayari lang iyon pag umandar na ang jeep na ito.





















