By: bisot
Ako si Grim, kasalukuyang nagtatrabaho dito sa kompanyang pang magazine. Secretary ang posisyon ko pero parang PA ginagawa sakin ng boss ko. Gwapo ang boss kong si Reynaldo pero hindi ko pinapairal ang damdamin ko tuwing kaharap ko siya mahirap na mawalan ng trabaho kaya business lang walang personalan.
Wala akong masyadong close na coworker dito sa kompanya maliban kay Mel. Minsan lang kami mag-usap at magkasabay maglunch dahil may iba rin siyang inaatupag kasama ang kanyang team.
Nagbago lang ata iyong mundo ko ng may bagong empleyado dito sa opisina. Victor pangalan niya, mestiso siya pero may kapayatan dahil narin siguro na matangkad siya.
Sa akin inassign ni Boss para magturo raw kay Victor kung paano pinapatakbo ang kompanya at kung ano ano ang mga gagawin.
"Matagal ka na rito?" tanong niya.
"Magdadalawang taon palang" sagot ko.
"Rinig kong umaabot lang daw ng dalawang taon iyong nagiging sekretarya ng boss mo" chismis niya.
"Huwag naman kailangan ko ng pera, mahirap kaya maghanap ng trabaho" kontra ko
"kung sabagay" sagot naman niya.
Simple lang usapan namin. Isang sagot isang tanong. Bawat araw na kami'y magkasama parang nakukuha ko narin iyong mga gawi niya. Nalulungkot ako kasi parang matatapos na ang pagtetrain ko sa kanya ng isang buwan. Mistulang alam na niya ang mga gawain kaya nabawasan narin iyong pag-uusap namin. Nasa iisang team sila ni Mel kaya kung me tanong si Mel tungkol kay Victor, nasasagot ko naman.
"Mukhang may gusto ka kay Victor ha?" tanong ni Mel "Hala, saan mo naman nakuha iyan, wala no" gulat ko sa pagkakatanong niya.
"Okay" sagot ni Mel.
Isang araw makalipas sa pag uusap namin ni Mel, inanyayahan ako ni Victor magmall manglilibre daw siya ng tanghalian kung sasama ako. Eh siyempre sasama ako libre na nga kasama ko pa siya edi mas masaya para sakin.






















