By:Papa Papa
Lunes. Ito ang araw ng paglilinis sa swimming pool. Katatapos pa lang linisin ng matandang janitor ang boung paligid ng banyong panlalake maliban lang sa shower room. Lumabas muna kasi siya upang pakainin ang mga alagang pusa na sina Maneki at Neko. Hinango ng matandang janitor ang pangalan ng mga alaga mula sa salitang “maneki-neko” na ang ibig sabihin sa Ingles ay “beckoning cat.” Ito yung pusa na sinasabing nagtatawag daw ng swerte. Pangkaraniwan itong nakikitang kumakaway-kaway sa mga tindahan at sa iba pang mga lugar. Maging sa taxi na minamaneho ni Damian ay meron din nito. Di niya tunay na pangalan. Yan ay bansag sa kanya ng mga nakahalubilong mga bakla sa Tokyo nang magkaroon ng Pinoy fellowship ang Embassy duon dahil daw kamukhang-kamukha niya ang nasabing gay porn star. Isa siyang overseas worker nuon sa bansang Japan kung saan nagmula ang maneki-neko. Kaya nga heto at may nakuha nang pasahero kahit kapapasada pa lamang. Patungo sila ngayon sa isang sports complex.
Ang sports complex na ito ay napapaligiran ng mga karitong de tulak mula sa mga pamilyang nagiisquat sa paligid at maging sa loob sa may likod ng malaking arena. Tatlong bata ang humahabol sa isang puting pusa habang pinatatamaan ito gamit ang tirador.
“Ano yan ha?”
Napawi bigla ang kasiyahan ng mga paslit na bata nang kumpiskahin ng isang lalake ang kanilang laruan at ibinulsa ito. Binulyawan pa ang mga ito sa ginagawang pananakit sa hayop at wala silang nagawa kundi magpulasan pagtapos mapagalitan.
“Salamat, Sarhento.”
Nasaksihan ng matandang janitor ang pangyayari kaya agad nagpasalamat siya sa sundalo. Binuhat na ang alaga at nagpaalam bago umalis upang pakainin na ang puting pusa na si Neko. Habang ang kulay orange na pusang si Maneki naman ay nasa itaas lamang ng banyong panlalake na tahimik lang sa pagmamasid sa kanila.