By Tencity
Hi! Naappreciate ko lahat ng positive comments ninyo.. Kinikilig ako kapag nababasa ko mga reaksyon ninyo.. Mwaaahhh. KissLagpok from Visayas po. Gusto ko mag magreply bilang pasasalamat pero hindi pwede to hide my identity.. I don’t know kung magugustuhan nyo ang karugtong. Hindi ko alam kung paano bigyang-kulay at dagdagan ng mga matatalinhagang mga salita dahil ito talaga ang kasunod na nangyari. Kung kulang sa spices, humihingi po ako ng paumanhin. But still, thank you and God bless po sa ating lahat.
Nakakadalawang bote na ako ng beer pero hindi pa rin humuhupa ang aking nararamdaman.. Gusto kong magwala, manapak, sumigaw ng malakas at manggulpi ng mga oras na iyon. Mabuti na lang at ako lang mag isa sa apartment ko sapagkat inihatid ko si Lance kina inay kasama ang katu-katulong ko sa bahay na si Aling Nelda para makapag isip isip ako. Pilit kong pinakalma ang aking sarili.
Muli kong nasilayan ang mukha ng taong sumira sa buhay at pamilya ko. Wala pa ring pinagbago ang hinayupak maliban sa tila mas lumaki lalo ang katawan nito. Matikas pa rin at taglay pa rin ang karisma na tila hindi mahihindian ng kahit sinong babae –at lalaki. Napaismid ako sa naisip. Heto at galit ako pero hindi ko pa rin maiwasang humanga at matakam sa kanya. Bullshit! Bakla na nga ako.
Tandang tanda ko pa kung paano nito titigan ang aking anak ng dumating ito sa guidance office kanina. Tila ba kinikilala nito ng maigi ang munting mukha na pilit na nag uugnay ng nakaraan namin. Hinding hindi mawaglit sa isip ko ang tagpong iyon.
........Good afternoon everyone. Sorry at medyo natagalan ako ng dating. I’m Redentor _________. Pinatawag ko kayo pareho mam and sir dahil may problema ang mga anak ninyo pareho. Naisend na sa akin ni Ms. Annie ang mga student’s profile ng mga anak ninyo at kailangan ng agarang aksyon ang insedenteng ito upang hindi na maulit pa dito, esp within the vicinity of this school and also not to create inconvenience to other learners as well.
Maawtoridad ang boses ng hinayupak na parang kagalang galang at walang bakas ng kagagohan kung iyong pakinggan. Nakaramdam ako ng kaba ng mga oras na iyon. Hindi sa maging desisyon ng school kundi sa katauhan mismo ng school admin. Nangangatal ang kamay ko ng mga oras na iyon at gusto kong hatakin ang kamay ng aking anak at tumakbo palayo sa kanila sa mga oras na iyon.
Are you Lance? Tanong nito sa anak ko.
Yes, he is sir, and he is the one who made bugbog to my baby! Singit ni Mrs. Mendez bago pa nakasagot ang anak ko. Isa pa itong demonyetang ito. Nakakatatlo na ito. Baka hindi ako makapagpigil at matulak ko ang babaeng mukhang dragon fruit na ito. Kailangan kong makaisip kung paano makaalis sa lugar na iyon. Something is really wrong today!
Uhm, look sir, we guarantee you and Mrs. Mendez about our full cooperation about what happened today and I am sorry for that--- but, as what I have said, hindi ko tatakbuhan ang-----
Mrs. Mendez, can we still be professional in dealing this case... I mean, hindi sa kinakampihan ko si Lance but your son provoked him to do such. It was a form of bullying and your son must be fully responsible with his actions. Putol nito sa sasabihin ko at sinalubong ng titig ang ginang na halatang nagulat sa kanyang sinabi. Kahit ako ay nabigla sa aking narinig.
Whaaaaaaaaaat? Are you serious mister? Hysterical si Mrs. Mendez sa narinig. At kinakampihan mo pa sa lagay na iyan ang basagulerong bata yan????? This is insane! How could this school tolerate such kind of-----.



















