By: Mark
Good Day KM Readers, Hello ako nga pala ulit si Mark, 20 years old. Ako nga pala yung author ng Teenage Dream. Gusto ko pong i-share sa inyo ang isa sa aking mga experience. Naganap ito noong January 18, 2014 (Saturday). Sana magustuhan niyo po ang kwento at pasensya na po kung may mga typographical errors.Malapit na ang deadline ng aming project sa isang major subject namin pero halos wala pa kaming nasisimulan. Si Patrick at Christian ang aking mga kagrupo at parehas silang may kagwapuhan. Kaya sabi ko sa sarili ko na ang swerte ko naman dahil palagi akong pinapaligiran ng mga gwapo.
Lumipas pa ang mga araw at 2 days nalang ay deadline na ng project namin kaya nagpatawag ako ng emergency meeting, tinexan ko sila na magkita kita kami sa canteen para pag-usapan kung paano namin gagawin yung project namin. Habang ako’y nasa canteen ay nilabas ko muna yung laptop ko para mag-internet habang hinihintay ko ang mga kagrupo ko. Pagkalipas ng sampung minuto ay dumating si Christian, binati niya ako at nag-appear kami. Pagkatapos ng limang minuto ay dumating naman si Patrick at kasama ang girlfriend niya. Ngayong, kumpleto na kami, sinimulan ko na ang discussion kung pano naming gagawin yung project namin. Nagpropose si Christian kung pwede daw ay mag-overnight kami para daw matapos kaagad yung project namin. Tinanung ko naman siya kung saan pwedeng mag-overnight, at sabi niya na “mga tol, sa bahay nalang tayo mag-overnight, maluwang naman yung kwarto ko at may internet kami.”Natuwa naman daw ako na sa bahay nila kami mag-overnight. Kaya pagkatapos ng klase namin ay nag-meet kami sa SM kasi bibili pa kami ng pagkain namin. Pagkatapos naming bumili ng pagkain ay nag-taxi na kami papunta sa bahay nila Christian. Nasa tapat na kami ng bahay nila Christian kaya bumaba na kami, nahihiya pa kaming pumasok sa bahay nung una pero sabi ni Christian na pina-alam niya daw sa parents niya na mag-oovernight kami so pumasok na kami. Ang laki ng bahay nila mas malaki pa sa bahay namin. Pumasok na kami sa bahay at nandun yung parents ni Christian sa sala at nanonood ng Adarna. Pinakilala kami ni Christian at bumati kami. “Kumain na ba kayo” tanong ng nanay ni Christian,






















