By: Nicholas
Foreword muna: sa mga nagbasa at nagcomment sa unang part ng kwentong ito, MERRY CHRISTMAS, HAPPY NEW YEAR! Haha. Nung una, akala ko isang kwento lang ang isheshare ko tungkol sa amin ni Richard, pero dahil may mga nagrequest ng part 2, nainspire tuloy akong alalahanin at isulat ang mga sumunod na pangyayari. (Kaya di ko na lagyan ng Part 1 yung unang kwento. Sorry, Admin!) Hindi siya yung immediately after ha. May mga ilang linggo ding lumipas na 'typical' lang na gawaing kalibugan ang nangyari sa aming dalawa. Simpleng jakulan, ganun. Ang kwentong ito eh yung medyo more special than our usual habit. Sana maenjoy nyo din ito!Maginaw ang Baguio, or at least, most of these days. Dahil sa global warming, at ang pagdami ng tao (at ang mga consequences ng pagdami ng tao), medyo di na ganoon kaginaw ang panahon. Kapag nasa-mood at di gaanong kapagod ang Papa ko, kinukwento niya kung gano kaginaw ang Baguio nung bata pa siya.
Bago ang aksidente ko sa basketball, gustong-gusto ko ang ginaw ng lungsod, lalo na pag gabi, kung saan minsan ay nagmimistulang usok ang hininga ko sa ginaw. Ngayong mahigit isang taon nang makalipas matapos ang nangyari sa paa ko, sinusumpa ko na ang mga gabing masyadong malamig. Sinusumpong kasi ang joints ko sa paa. Masakit, naninigas, minsan nawawala pa pakiramdam ko mula ankle hanggang toes. Sa mga gabi or araw na ganoon, di ako maka-concentrate, di makapag-enjoy sa kung ano man ginagawa ko, badtrip magdamag. Inaasar nga ako ng mga kaibigan kong parang nireregla daw ako pag ganun. Pero iniisip ko, buti pa nga pag regla, at least once a month lang. Ako kasi may panahong umabot ng isang buong buwan na nagiinarte ang paa ko.






















