By: Drake Montero
Hindi makapaniwala si Jeyrick sa kanyang kinahinatnan. Mga dalawang buwan lang ang nakalilipas mula nang siya ay nagbubuhat lang ng carrots sa may Cordillera. Ngayon, siya ay naghihintay sa isang boardroom ng isang sikat na istasyon upang pag-usapan ang gagawing pelikula tungkol sa kanyang buhay. Makalipas ang limang minuto ay bumukas ang pinto, at pumasok ang iba pang makakasama niya sa meeting. Nagulat siya bigla nang pumasok ang kanyang idolong si Alden Richards. Ito ay dumiretso sa kanya upang makipagkilala.
“Jeyrick!” ika ni Alden habang inaalok ang kanyang kamay. “Alden pala.”
“Magandang hapon po, Sir Alden,” sabi ng binata.
“Uy pare, ano ba! Wag mo na ako i-Sir. Alden lang,” sagot ng artista.
Napangiti si Jeyrick sa sinabi ng aktor. “Sige, Alden.”
“Ayan! Lumabas din ang dimple!” biro ni Alden.
Matapos nito’y ipinakilala na sa lahat si Jeyrick. Nagsimula na rin ang kanilang meeting. At sa inaasahan, si Alden ang gaganap bilang Jeyrick. Hindi na rin naman kaila sa lahat na magkahawig ang dalawang binata, at sikat na sikat ngayon ang “Pambansang Bae” kaya naging madaling desisyon ang pagganap ni Alden bilang si “Carrot Man.”
Pagtapos ng meeting, inaayos na ni Jeyrick ang kanyang mga gamit ng biglang may tumapik sa kanyang likod. Paglingon niya, si Alden ay nakatayo malapit sa kanya.
“Jeyrick, okay lang ba if we hang out para makilala pa kita? Kwentuhan tayo over beer or coffee,” yaya ni Alden.
Nagulat si Jeyrick sa alok ng aktor, ngunit pumayag din naman ito agad. “Sige. Kailan?”
---
Biglang pumara ang sinakyang taxi ni Jeyrick. “Sir, dito na po yung address na sinabi niyo,” sabi ng driver.
“Sige Kuya, salamat po,” sabi ni Jeyrick pag-abot ng bayad.





















