By: Loverboynicks
Araw ng linggo ay maaga akong nagising. Ilang minuto muna akong nakatanga sa kisame bago tumunog ang alarm ko ng 6am.
Pagsilip ko doon ay may nakalitaw na note sa screen. Ngayon nga pala ang birthday ni Addy. Bumangon na ako at nag-ayos ng sarili dahil plano ko siyang batiin ng maaga.
Nagtungo ako sa silid niya saka ako nakangiting pumasok doon pero wala siya sa kama. Naglakad ako patungo sa banyo at sinubukan kong itulak ang pinto doon.
Bumukas iyon at sumilip ako sa loob pero wala rin si Addy. Nagsalubong ang mga kilay ko. Hindi ba siya umuwi kagabi?
Nagtataka man ay nagpasya na lamang akong bumalik sa silid ko. Papalabas na ako sa pinto nang makita ko ang paglabas ni Kuya Kiel mula sa silid niya.
Nataranta ako. Babalik sana ako sa loob pero narinig ko na ang pagtawag niya sa akin. Wala na akong choice kundi lingunin siya.
Napatingin kaagad ako sa maumbok na dibdib niya. Wala kasi siyang suot na pang-itaas. Shit! Pasimple akong lumunok saka ako nagkunwari na walang pakialam sa kanya.
Naglakad na ako patungo sana sa silid ko. Nilampasan ko si Kuya Kiel na nakatayo malapit sa pintuan ng silid niya pero mahigpit niyang hinawakan ang braso ko saka niya ako marahas na iniharap sa kanya.
"Bakit nasa silid ka na naman ni Addy ha?" galit na tanong niya. Halos bumaon ang mga daliri niya sa braso ko dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa akin.
Napangiwi naman ako saka ako tumingin sa mga mata niya na puno ng galit. "Kuya nasasaktan ako." daing ko.