By: Draco Rice
“Blue School,” isa sa mga nicknames ng kilalang university dito sa Davao. Kadalasan ay mayayaman o may kaya ang nakakapasok sa pamantasang ito, hindi naman kaila na hindi basta basta ang pagkakagastos kung piliin mong dito mag aral at di ka rin naman magsisisi sa kalidad ng edukasyon na makukuha mo rito. Hindi naman nilalahat na puro mayayaman lamang ang puwede, may iilan din na talino ang ginamit na puhunan para makapag aral dito dahil sa scholarships na maaaring maibigay, ngunit hindi ang pamantasan ang gusto kong bigyang diin sa kwentong gusto kong ibahagi kundi ang isa sa mga hunkable varsity players ng university.
Alam ko kilala siya ng karamihan sa university dahil siyempre varsity player parang stereotype rin kung minsan na kung member ka ng varsity ay marami kang kilala, tagahanga, o ano pa ang tawag mo diyan. Hindi sagaran ang tangkad pero pasok pa rin para sa isang player, maputi, magandang built ng katawan (muscles and abs, no question), at sabi ng iilan kung girl friends ay ang kilay niya ang best asset niya na kung tititigan mo ay suplado siya dahil sa mga kilay niya, ngunit supladong malakas ang appeal.
Freshman college pa lang ako at that time, sa tingin ko ay nasa third year naman siya (malay ko ba, hindi naman kami close). Aaminin ko na crush ko siya at magpapa hypocrite pa ba ako, dahil malakas appeal niya, maganda ang built ng body (with his abs na urghhh), at siyempre guwapo pero may girlfriend siya (iba pa yung girlfriend niya noon).
Minsan napapadaan ako kunwari sa open gym court kung may practice sila ng team niya, nakikita ko rin siya minsan sa corridors na dumadaan at sa simpleng mga bagay nay un ay mas tumindi ang hidden desire ko sa kanya. What if, magkaroon ng chance na matikman ko siya? Pero malabo yun kasi napaka lalake niya at ewan ko kung pumapatol ba din siya sa mga third genders na kagaya ko.
Sabi naman ng mga friends kong beki na hindi lahat ng nakikita naming straight na lalake sa university ay mga malilinis dahil ang iba daw sa kanila ay mga pahada at pumapatol din sa mga beki na kagaya namin, yun nga lang may presyo para makuha mo sila.


















